Ang Dalumat NG Pag-Aaral

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Dalumat ng pag-aaral

Ang dalumat ang gumagabay sa mananaliksik na unawain, ipaliwanag at i-interpet ang


isang pangyayari (penomenon, teksto, at diskurso na saklaw o tutok ng kanyang pag-aaral.
Binubuo ang dalumat ng mga konsepto, ideya, o teoryang inihain at binibigyan- kahulugan ng
mga iskolar, intelektwal at mananaliksik. Aplikasyon ng dalumat ang kadalasang kailangan ng
mga mag-aaral na nasa programang udergrad at MA. Subalit sa programg Ph. D., ang mag-aaral
ay kailangang bumuo ng kanilang sariling dalumat sa pagsulat ng disertasyon.
Konsepto o ideya ang tawag sa paliwanag o pananaw na nabuo bunga ng malalim o
masusuing pag-iisip. Binibigyang katuturan nito ang maraming bagay, nangyayari sa tao at
kapaligiran, mga hinuha, obserbasyon, at repleksyon ng tao sa pamamahitan ng lohikal, simple,
at matalinong paliwanag. Halimbawa nito ang konsepto ng pagkatuto o hindi pagkatuto ang
ideya ng paglago ng halaman, at marami pang iba.
Ang teorya naman ay sistematikong binubuo ng mga konsepto o ideya upang ipaliwanag
ang relasyon ng ma bagay, sanhi-bunga ng pangyayari, at penomenong malaki ang saklwa o
epekto ng ebolusyon ng tao (Charles Darwin) at ang teorya ng pag-unlad ng tao mula sanggol
hanggang pagtanda (Erik Erikson at Jean Piaget).

Gabay sa Aplikasyon ng Dalumat


1. Kilalanin ang pinagkuhaan ng dalumat/konsepto/ideya o teorya
2. Kailangang malinaw ang datos na kakalapin. Ang paksa ang magdidikta sa datos na
hahanguin at hindi ang teorya o dalumat na gagamitin.
3. Ipaliwanag ang dalumat kng paano ito gagamitin sa pag-aaral. Komplikado na o mahirap
unawain minsan ang mga teoryang isinulat ng mga iskolar kung kaya’t mas mainam na
ipaliwanag ito nang simple sa pagsulat ng iyong pananaliksik.

Tampok sa Teksto
(see attached file “Pamimilosopiya sa sariling Wika: Mga Problema at Solusyon”
https://ejournals.ph/article.php?id=7695

Sagutin ang mga sumusunod


1. Paano natin mapapaunlad ang Pilipino sa larangan ng pilosopiyan?

1
2. Ano ang tanging maiaambag ng pamimilosopiya sa pagpapalawak ng talasalitaang Pilipino?
3. Anu-ano ang mga balakid na humahadlang sa pagsulong at pag-unlad (Outgroe0 o o
mapapaimbabaw (transcend) ang mga ito?
4. Reaksyon sa Pamimilosopiya sa sariling wika

You might also like