Ang Komiks at Ang Pagsulat NG Kasaysayan NG Kasalukuyan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Komiks at ang Pagsulat ng Kasaysayan ng kasalukuyan

Nakamamanghang isipin na bawat kilalang kritiko sa Manila ay may naisulat tungkol sa ng, kundi man
hayag na pagtalakay sa, kulturang popular. Para bang may lisensiyang nalilikha ang pagiging kritiko na pagtuunan
ng “lehitimong pansin ang “bastardong” kulturang popular. Dahil nga naman ang kulturang popular ay bahagi rin ng
kanilang mismong mga karanasan o realidad, handang magpadanak ng dugo ang mga kritiko sa lalim ng
pagkakasaksak sa kanila ng kulturang ito. Ganito rin ang attitude ng mga estudyante ko sa isang kurso sa University
of the Philippines tungkol sa kulturang popular. Bawat isa sa kanila'y may baon nang opinyon bago pa man sila nag-
enrol sa klase, dahil nga ito ay bahagi ng kanilang pang- araw-araw na realidad.

Ito ang matinding dahilan kung bakit kailangang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ng kulturang popular.
Ang nakatatakot pa nga sa baon ng estudyante, lalo na para sa guro, ay mas malawak ang kanilang kaalaman at
karanasan, lalo pa sa mga bagong dating at malaganap na kulturang popular. Samakatuwid, ang generation gap sa
loob ng klase ay di lamang matutunghayan sa malaking kaibahan ng edad at milieu ng gurot estudyante, makikita rin
ito sa magkaibang kaalaman at karanasang pumapabor sa estudyante.

You might also like