Fildis Notes Module1 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

FILDIS-18: Filipino sa Iba't Ibang Disiplina  “ang Ingles ay naging hadlang na naghihiwalay sa mga

edukadong Pilipino at sa masang Pilipino”


MODYUL 2 - FILIPINO BILANG WIKA AT  “ang mga wika sa Pilipinas at mula sa iisang pamilya ng
LARANGAN wika; kaya‟t posibleng makabuo ng isang wikang
pambansa mula sa mga wikang ito. At huli, ang wikang
Aralin 1 – Filipino Bilang Wikang Pambansa pambansa ay kahingian (prerequisite) sa pagkikintal ng
nasyonalismo, pagbubuo ng pambansang pagkakaisa at
 Artikulo XIV Konstitusyong 1987 ang legal na batayan pagbubunsod ng pambansang paglaya, at pagtataguyod ng
ng konsepto ng Filipino bilang wikang pambansa. demokrasya at ng partisipasyon ng sambayanan sa
 ang magkarugtong na gampanin nito bilang wika ng proseso ng pagbubuo ng at pagpapaunlad sa bansa.”
opisyal na komunikasyon  Nangangahulugan ito na ang pagkakaroon ng wikang
 bilang wikang panturo ng Pilipinas pambansa ay pagkakaroon ng wikang mabisang tinig ng
ordinaryong mamamayan, wikang tulay sa komunikasyon
Seksyon 6. - Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. ng iba‟t ibang pangkat etnolingguwistiko sa isang
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin pa salig sa arkipelagong mayaman sa mga wika at may dibersidad sa
umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. kultura, at wikang epektibong magagamit sa pananaliksik
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na makabuluhan sa karanasan at pag-unlad ng buhay ng
na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga mamamayan sa lipunang gumagamit ng wika.
hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal Aralin 2 – Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng
na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang Pananaliksik
pang edukasyon.
 Ang inklusyon ng Filipino at Panitikan sa kurikulum ng
Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at Kolehiyo ay patakarang tumutupad sa mga nasabing
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, probisyong pangwika ng Konstitusyong 1987 hinggil sa
hangga‟t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang pagiging pangunahing wikang panturo ng wikang
mga wikang panrehiyon ay mga pantulong na mga wikang pambansa na kanya-kanyang ipatupad nang hakbang-
opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga hakbang.
wikang panturo roon. Dapat na itaguyod nang kusa at  Napatunayan nang ibang wikang kamag-anak ng Filipino
opsyonal ang Espanyol at Arabic. - gaya ng Bahasa Melayu at Bahasa Indonesia – na
kayang-kayang gawing wikang panturo sa lahat ng antas
 Malinaw sa nasabing probisyong pangwika sa at larangan ang isang wikang pambansang hindi Ingles o
Konstitusyon na primus inter pares o nangunguna sa anupamang wikang kolonyal.
lahat ng magkakapantay (first among equals) ang  Praktikal ang paggamit ng wikang pambansa bilang
wikang Filipino bilang wikang pambansa sa kontekstong wikang panturo. Sa pamamagitan nito ay mabilis
multilinggwal at multikultural ng Pilipinas. magkakaunawaan ang mga mamayan at mas mabilis at
 dapat bigyang prayoridad sa pambansang antas ang mas malinaw rin na magkakapalitan ng ideya, at kung
paggamit ng wikang Filipino. gayon, mas mabilis din ang magiging implementasyon ng
 dapat patuloy ring ginagamit sa iba‟t ibang tiyak na mga planong mapagkakasunduan.
konteksto ang iba pang wika ng Pilipinas (halimbawa,  Kung naiintindihan ng mga Pilipino ang mga programang
bilang wikang pantulong o auxiliary languages sa mga primetime na popular sa buong bansa, tiyak na kayang-
paaralan sa iba‟t ibang rehiyon). kaya rin nilang gamitin ang Filipino bilang wika ng
 Ang kahalagahan ng paggamit ng wikang pambansa sa pagkatuto at intelektwal na diskurso.
mga paaralan ay pinatitibay ng pangangailangan ng  Dapat isabalikat ang lubusang paggamit ng wikang
pagkakaisa ng mamamayan ng bansa tungo sa pagkakamit Filipino bilang wika ng opisyal na komunikasyon ng
ng mga layuning para sa kapakanang panlahat. gobyerno, alinsunod sa Konstitusyong 1987. Masasabing
 Ipinaliwanag sa pamphlet na “Madalas Itanong sa Wikang ganap na ang pagiging wikang opisyal ng Filipino kapag
Pambansa” (Almario, 2014) na inilabas ng Komisyon sa dumating ang panahon na lahat ng mga panukalang batas
Wikang Filipino (KWF) ang kahalagahan ng pagkakaroon sa Kongreso at Senado, lahat ng mga desisyon ng Korte
ng wikang pambansa sa pamamagitan ng pagbibigay-diin Suprema, at lahat ng dokumento at talakayan ng gobyerno
sa papel ng wikang pambansa sa mabilis pagkakaunawaan ay nasa wikang pambansa na.
at pagpapasibol ng “damdamin ng pagkakaisa” sa mga  Ayon nga kay Gimenez Maceda (1997) ang wikang
mamamayan sa arkipelagong may humigit –kumulang pambansa ang wikang higit na makapagbibigay-tinig at
149 na “buhay” na wika, ayon sa “Linguistic Atlas ng kapangyarihan sa mga tagawalis, drayber, tindero at
Filipinas (KWF, ©2015), at sa papel nito bilang isa sa tindera, at iba pang ordinaryong mamamayan ng bansa na
mahahalagang pambansang sagisag na sumasalamin sa gumagamit nito, at kaugnay nito, ang paggamit ng
pagkabansa at kaakuhan ng mga Pilipino. Filipino bilang wika ng pananaliksik at akademikong
 Alinsunod sa Konstitusyong 1987, malinaw rin na ang diskurso ay makapagpapalawak sa kaalaman at makapag-
Ingles ay pangalawang wikang opisyal lamang na aalis sa agwat na namamagitan sa mga intelekwal at sa
maaaring alisan ng gayong status ng Kongreso kung masa.
nanaisin nila. Samakatwid, habang ang Filipino ay „di  binigyang-diin naman ni Constantino (2015) na “ang
maaaring tibagin at alisin bilang wikang opisyal, ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang
Ingles ay maaaring alisin anumang panahong naisin ng magiging wika ng tunay na Pilipino,” wikang lilikha at
Kongreso. huhubog ng mga Pilipinong may tiwala sa sariling
 Ibinuod ni Atienza (1994) sa artikulong “Drafting the kakayahan, wikang makapagpapaunlad sa sariling paraan
1987 Constitution the Politics of Language” ang mga ng pag-iisip, hindi gaya ng wikang dayuhan na kapag
praktikal na kahalagahan ng Wikang Pambansa sa isang ipinilit at binigyang-prayoridad ay nagiging “sagabal sa
bansang gaya ng Pilipinas na dati‟y kolonya, laban sa pag-iisip,” kaya‟t “ang pag-iisip ay nababansot o
dominasyon ng wikang banyagang gaya ng Ingles. Aniya, nababaog at magbubunga naman ng kulturang bansot.”
“…ang paggamit ng mga wikang dayuhan, lalo na ng  hangad ni Constantino na pukawin ang “malikhain,
Ingles, ay nagbunsod ng mabagal na pag-unlad mapanuri, at mapagbuod na kaisipan” ng mga Pilipino,
(underdevelopment) hindi lamang ng mga wika sa alinsunod sa karanasan ng Hapon, Taiwan, South Korea at
Pilipinas kundi maging ng mabagal na pag-unlad ng iba pang bansang “umunlad nang husto” sa pamamagitan
pambansang kultura at identidad.” ng paggamit ng wikang sarili sa edukasyon at iba pang
larangan.
 Sa panahon ng globalisasyon – ng pandaigdigang sistema pagsusuri at pagpapabuti sa sitwasyon ng mga komunidad
ng malayang kalakalan o free trade na isinasagawa sa ng mga ordinaryong mga Pilipino.
pamamagitan ng pag-alis ng taripa (buwis sa imported na  Sa pamamagitan ng sistema ng edukasyong nakasentro sa
produkto.) – nananatiling mahalagang panangga sa paghuhubog ng mga mamamayang may mataas na antas
daluyong ng kultural na homogenisasyon (ang paglamon ng kasanayan na makapag-aambag sa pambansang
ng kulturang Kanluranin sa lokal na kultura, ang wika ng kaunlaran. Matitiyak ang magandang kinabukasan ng
bayan, ang sariling atin.) bansa. Nagsisimula sa pagpapahalaga natin sa sarili
 Madalas na sinasabi ng mga promotor ng globalisasyon nating wika at kultura, at sa pag-aaral ng ating sariling
gaya ng mga multinasyunal na institusyon tulad ng World kasaysayan, ng mga suliranin sa ating lipunan, ang
Bank at World Trade Organization na “daigdig na walang pagbubuo ng mahahalagang adyenda sa pananaliksik.
hangganan” o borderless world ang layunin ng
pandaigdigang sistemang ito. Aralin 3 – Filipino Bilang Larangan at Filipino sa iba’t
 Ayon sa kanila, layunin ng globalisasyon na buuin ang ibang Larangan
isang daigdig ng mga bansang malayang nagpapalitan ng
produkto, kultura, at tao. Mobilidad (kalayaang  Araling Pilipinas, Araling Pilipino, Araling Filipino,
magpalipat-lipat ng teritoryo o bansa) ng tao, produkto, at Filipinolohiya, Philippine Studies; iba-iba man ang
kapital (puhunan) ang pangunahing doktrina ng katawagan, ang ubod ng terminolohiyang ito‟y tumutukoy
globalisasyon. Sa pagsusuri naman ng mga kritiko, sa Filipino bilang larangan, bilang isang disiplina na sa
negatibo ang epekto ng globalisasyon sa mga wika at esensya ay interdisiplinaryo o nagtataglay ng “mahigpit
kultura ng marami-raming bansang hindi maimpluwensya
na ugnayan at interaksyon ng dalawa o higit pang
sa arenang global
 Ayon nga kay Lumbera (2003) sa espasyo ng sariling disiplina upang makamit ang higit na paglilinaw at pag-
wika at panitikan maaaring harapin at labanan ang kultura unawa hinggil sa isang partikular na usapin”
ng globalisasyon upang kalusin ang negatibong bisa nito (Guillermo,2014).
sa lipunang Filipino. Hindi dapat magbunga ang  Sa artikulong “Intelektwalismo sa Wika,” nilinaw ni
globalisasyon ng panibagong pagkaalipin para sa Constantino (2015) ang kahalagahan ng ganap na
sambayanan. Nakalangkap sa wika at panitikang katutubo intelektwalisasyon – ng paggamit ng Filipino sa iba‟t
ang pinagdaanang kasaysayan ng sambayanang lumaban ibang larangan – tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng
sa pananalakay at pang-aalipin ng kolonyalismong wikang Filipino, kundi ng kaisipang Pilipino mismo: “
Espanol at Amerikano.  Ang wika ay mas mabilis na uunlad kung ito‟y ginagamit
 Sa tuwing pinagyayaman ang wika at panitikang sa seryosong pag-iisip at hindi lamang pambahay,
katutubo, may lakas na pinakikilos sa kalooban ng panlansangan o pang-aliw. Ang wikang katutubo na
Filipino, na magagamit na panlaban sa pang-aakit ng yumayabong ay nakatutulong sa katutubong pag-iisip.”
globalisasyon.
 Narito ang kahalagahan at adhikain ng mga naunang Kaugnay ng pag-unlad ng Filipino bilang larangan at ng
henerasyon na hindi kayang burahin ng Utopiang pangako Filipino sa iba‟t ibang larangan, itinala ni San Juan (2017) ang
ng “borderless world.” Nasa pagtayo natin at paggigiit sa limang hakbang na “dapat isakatuparan sa ikauunlad ng
panananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino:
makabayang pagtangkilik sa ating wika at kultura ang
lakas na maibabangga natin sa globalisasyon, na 1. Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba
naglalayong patagin ang landas patungo sa walang-sagwil  I-cite ang pananaliksik ng kapwa Pilipino. Paano
na pagpasok ng kapitalismong global sa ating ekonomiya babasahin ng ibang bansa ang gawang Pilipino kung hindi
at politika. rin ito binabasa ng mga Pilipino mismo.
2. Magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik
Sa panahong pinipilit tayong Ingles lamang ang pahalagahan, gaya ng narcis.nl ng Netherlands at diva-portal.org ng
dapat nating alalahanin na ang Filipino ang wika ng ating Sweden.
pagkatao, ng ating kaluluwa – ang wikang higit na  Sa pamamagitan nito, makatitiyak na madaling mababasa
makapagpapahayag ng ating mga saloobin at hinaing. at maipapalaganap sa buong bansa at sa ibang bansa rin
ang mga pananaliksik ng mga Pilipino.
 Para kay Lumbera, Ang wika at panitikan natin ay buhay 3. Magdebelop ng mga katiwa-tiwalang translation
na katibayan ng ating kultura at kasaysayan. software na libreng magagamit para sa mga mass
Ipinapagunita nito na mayroon tayong mga karanasan at translations projects.
kabatirang natamo sa ating pagdanas ng kolonisasyon at  Kailangang lansakang isalin ang mga pananaliksik na
sa ating ginawang paglaban sa paghahari ng mga naisusulat sa buong mundo tungkol sa Pilipinas para
dayuhan. Hindi natin tinatanggihan ang paghatak ng matiyak na mapakikinabangan ang mga iyon ng mga
hinaharap kung iyon ay magdadala sa atin sa tunay na Pilipino.
pag-unlad. Subalit ang identidad ng isang sambayanan ay 4. Bigyang prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong mataas
hindi naisusuko nang gayon-gayon lamang. Nakatatak ito na edukasyon at ng mga programang gradwado.
sa kamalayan hindi ng iisang tao lamang kundi sa  Dahil ito ang makapagtitiyak na ang mga pananaliksik at
kamalayan ng buong sambayanan.Kung hinihimok tayo eksperto sa ating kapuluan ay may kakayahan nang
ng globalisasyon na magbagongbihis, itinuturo naman ng makipag-usap, makipagtalakayan at iba pa sa mga
ating kasaysayan na ang pinagdaanan natin bilang ordinaryong Pilipino na inaasahang makikinabang sa
sambayanan ay laging nagpapagunita na may sariling kanilang mga pananaliksik.
bayan tayo, may minanang kultura at may banal na 5. Atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng
kapakanang dapat pangalagaan at ipagtanggol kung departamento ng Filipino at/o Araling Pilipinas.
kinakailangan. Sandatahin natin ang ganyang kamalayan  Ang mga ganitong departamento ang magbibigay ng sapat
tungo sa ikaluluwalhati ng Filipino bilang nagsasariling na espasyo at maglilinang pa sa mga saliksik kaugnay ng
bayan. Filipino at/o Araling Pilipinas sa loob ng bansa.
 Mahalagang bahagi ng makabayang edukasyon ang pag-
aaral ng sariling wika at panitikan sapagkat ang wikang Ayon kay Flores (2015) may dalawang antas ang
sarili ang magbibigay-daan sa edukasyong nakatuon sa pagpaplanong pangwika: “makro at maykro,” at “may tatlong
paglutas ng mga problema ng bansa. dimensyon, kagyat na layunin o bahagi. Ang mga ito ay istatus
 Tulay rin ito sa malapit na ugnayan at pakikipagtulungan na pagpaplanong pangwika, korpus na pagpaplanong
ng mga guro, estudyante, mananaliksik, at intelektwal sa pangwika at akwisisyong pangwika.
 Ang istatus ng pagpaplanong pangwika ang  Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng
nagbibigay pansin sa mga tiyak na gamit mula sa mga bagong instrumento o produkto.
mga wika ng pagkatuto sa mga akademikong gawain  Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at
at o intelektwalisasyon, wikang opisyal ng elements.
pamahalaan (korte,lehislatura,ehekutibo), ng negosyo  Upang maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang
at iba pang panlipunang institusyon kilalang substances at elements.
 ang korpus na pagpaplanong pangwika ay  Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan,
nakatuon sa pagbubuo/pagbabago/pamimili ng mga industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.
porma o kowd na ginagamit sa pagpapahayag na oral
o nakasulat. Bahagi nito ang mga gawain sa Katangian ng Pananaliksik
pagbabago ng ispeling, paglikha o pagbubuo ng mga
salita. Pinagtutuunan naman ng pansin ang 1. Sistematiko. May sinusunod itong proseso o
pagpapalaganap ng wika at epekto sa gumagamit ng magkakasunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng
wika sa dimensyong akwisisyong pangwika.” katotohanan,solusyon ng suliranin, o ano pa mang
 Ang mga nasabing dimensyon ng pagpaplanong nilalayon sa pananaliksik.
pangwika ay pawang nag-aambag sa patuloy na 2. Kontrolado. Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay
pagsulong ng Filipino at ng intelektwalisasyon nito. kailangang mapanatiling konstant. Sa madaling salita
Sa pangkalahatan, bahagi ng antas-makro sa ,hindi mo dapat baguhin , anomang pagbabagong
pagpapalanong pangwika ang pagkakaroon ng magaganap sa asignatura na pinag-aaralan ay maiuugnay
mandatoring asignaturang Filipino sa kolehiyo, sa eksperimental na baryabol. Ito ay kailangan lalo na sa
habang bahagi naman nga antas-maykro sa mga eksperimental na pananaliksik.
pagpaplanong pangwika ang aktwal na 3. Empirikal. Kailangan ang mga pamamaraang ginamit
implementasyon ng gayong patakaran sa bawat ng mananaliksik ay katanggap-tanggap sa pamamagitan
unibersidad. ng mga ilalahad na mga datos na nakalap.
4. Mapanuri. Ang mga datos na nakalap ay kailangang
MODYUL 3 – REBYU SA MGA BATAYANG suriin ng kritikal upang hindi magkamali ang
KAALAMAN SA PANANALIKSIK mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga
datos na kanyang nakalap.
Lesson 1: Batayang Kaalaman sa Pananaliksik 5. Obhetibo, Lohikal at Walang Pagkiling. Lahat ng
tuklas o findings at mga kongklusyon ay kailangang
Kahulugan ng Pananaliksik Batay sa Iba’t ibang Awtor lohikal na nakabatay sa mga empirikal na datos at
walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta
Ayon kay GOOD (1963) ang pananaliksik ay isang
ng pananaliksik. Walang puwang dito ang mga
maingat, kritikal , disiplinadong pagsisiyasat sa pamamagitan
pansariling pagkiling.
ng iba‟t ibang pamamaraan o teknik batay sa kalikasan o
6. Gumagamit ng mga Kwantetibo at Estadistikal na
kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa paglilinaw o
Datos. Ang mga datos ay dapat mailahad sa
pagbibigay kasagutan.
pamamaraang numerikal at masuri sa pamamagitan ng
Binigyang kahulugan naman ni AQUINO (1974) na ang mga estadistikal na tritment upang matukoy ang kanilang
pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga gamit at kahalagahan.
mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o 7. Orihinal na Akda. Maliban sa historikal na
suliranin. pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mga
mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa
Sinabi nina MANUEL AT MEDEL (1976) na ang panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik.
pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o 8. Isang Akyureyt na Imbestigasyon, Obserbasyon at
impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin Deskripsyon. Bawat aktibidad na pananaliksik ay
sa isang siyentipikong pamamaraan. kailangang maisagawa ng tumpak o akyureyt nang ang
tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga
Hango naman sa kahulugang ibinigay ni PAREL (1966) siyentipikong paglalahat.
ay halos kahawig ang pagpapakahulugan nito sa pananaliksik. 9. Matiyaga at Hindi Minamadali. Ang pananaliksik na
Ito isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang minadali at ginawa nang walang pag-iingat ay
bagay sa layuning masagot ang mga katanungan sa nasabing kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na
pananaliksik. kongklusyon at paglalahat.
10. Pinagsisikapan. Walang pananaliksik na naisagawa
Binigyang kahulugan naman nina E. TRECE AT J.W. nang walang pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng
TRECE (1973) na ang pananaliksik ay isang pagtatangka panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.
upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag 11. Nangangailangan ng Tapang. Kailangan ng tapang ng
pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang isang mananaliksik sapagkat maaaring makaranas siya
kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at ng hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik.
eksplanasyon. 12. Maingat na Pagtatala at Pag-uulat. Lahat ng datos na
nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na
Bilang paglalagom sa mga ibinigay na kahulugan, ang pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng
pananaliksik ay isang pag-aaral hinggil sa mga suliraning pananaliksik.
nais bigyan ng linaw at pagpapaliwanag.
Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mananaliksik.
Layunin ng Pananaliksik
1. Masipag. Kailangan niyang maging masipag sa
Ilan sa mga naitala nina CALDERON AT GONZALES pangangalap ng mga datos at pagsisiyasat sa lahat ng
(1993) mga layunin ng isang pananaliksik: anggulo at panig na pinapaksa ng pananaliksik. Hindi
maaaring doktorin ng mananaliksik ang resulta ng
 Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa kanyang pananaliksik.
mga batid ng penomena. 2. Matiyaga. Kakambal ng sipag ang tiyaga. Kailangang
 Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa maging pasensyoso ang isang mananaliksik sa
ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at pangangalap ng datos.
impormasyon. 3. Maingat. Sa pagpili at paghimay-himay ng mga
makabuluhang datos, kailangang maging maingat ang
isang mananaliksik. Lalo na sa dokumentasyon o sa sinumang estudyante ang mangopya, magiging madali rin para
pagkilala sa pinagkunan ng datos at pinagmulan ng ano sa kanya ang gumawa ng korapsyon kung sya ay nagtatrabaho
mang ideya, ang pag-iingat ay kailangan upang maging na (Atienza, et al.,1996).
kapani-paniwala ang resulta ng pananaliksik.
4. Sistematiko. Kailangang sundin ng isang mananaliksik Lesson 3: Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik at Pagpili ng
ang mga hakbang nito ayon sa pagkakasunud-sunod. Batis ng Impormasyon
5. Kritikal/Mapanuri. Ang pananaliksik ay isang
iskolarling gawain. Pinaglalaanan ito ng buhos ng isip.
Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik
Samakatwid, kailangang maging kritikal o mapanuri ang isang
mananaliksik sa pag-eeksamen ng mga impormasyon, datos, Dakila na ang pananaliksik sa sarili nitong kahulugan
ideya o opinyon upang matukoy kung ang mga ito‟y valid, at kabuluhan, ngunit lalong mailalatag ang halaga ng
mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan. pananaliksik kung isasaalang-alang ang pangangailangan ng
lipunang kinalulugaran nito. Sa Pilipinas, isang lipunang
Lesson 2: Plagyarismo dumanas ng mahabang kasaysayan ng pananakop at ngayon ay
dinadaluyong ng globalisasyon, nanatiling bansot at nakaasa
Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ang mga siyentipikong pananaliksik ng iba‟t ibang larangan sa
ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, mga banyagang kaalaman. Nananatiling hamon para sa mga
programa, himig at iba pa, na hindi kinikilala ang pinagmulan Pilipinong iskolar at mananaliksik ang pagbuo ng kalinangan
o kinopyahan. Ito ay isang uri ng pagnanakaw at sa pananaliksik na nagmumula at ginagabayan ng sariling
pagsisinungaling dahil inaaangkin mo ang hindi iyo karanasan, umuugat sa aral ng kasaysayan, at nagsisilbi para
(Atienza,et al., 1996). sa sambayanan. Sa ganitong konteksto, Malaki ang
pangangailangang paunlarin ang maka-Pilipinong
Iba’t Ibang Paraan ng Plagyarismo (Atienza, et al.1996) pananaliksik na may mga katangiang naiiba sa tradisyonal na
pananaliksik mula sa Kanluran.
1. Kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi
ipinaloob sa panipi o hindi itinala ang pinagkunan. Katangian ng maka-Pilipinong pananaliksik ( Sicat- De
2. Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago Laza, 2016)
ang pagkakapahayag, ngunit hindi kinilala ang
pinagmulan. 1. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng
3. Kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at
sa iba‟t ibang akda at pinagtagni-tagni ang mga ito tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip
ngunit hindi kinilala ang mga pinagkunan. ng mga mamamayan.
4. Kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at dahil 2. Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong
nasa ibang wika na ay inangkin na at hindi itinala na pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at
salin ang mga ito. kapakipakinabang sa sambayanang Pilipino.
5. Kung ninanakaw ang bahagi ng isang disenyo, 3. Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong
balangkas, himig at hindi kinilala ang pinagkunan ng pananaliksik.
“inspirasyon”.
6. Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na
pinaghirapan ng iba at pinalabas niyang siya ang Mula sa gabay sa pamimili ng paksa para sa maka-Pilipinong
nagkalap ng mga datos na ito. pananaliksik, narito naman ang ilang batayang kaalaman na
dapat isaalang alang sa wastong pamimili at paglilimita ng
paksa. Bago mo tuluyang buuin ang tanong ng pananaliksik
Parusang Maaaring Ipataw sa Isang Plagyarista na gagabay sa buong pag-aaral, makabubuting sagutin mo
muna ang mga sumusunod na tanong:
 Pinakamagaang ng parusa na para sa mga estudyante na
mabigyan ng 5.0 (lagpak na marka) para sa kurso. 1. May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang
 Kung mapatunayan na matindi ang pagnanakaw na napili mong paksa?
ginawa, maaaring patalsikin ang estudyante sa 2. Paano mo lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na
unibersidad. malawak ang saklaw?
 Kahit nakagradweyt na ang studyante at ilang taon na ang 3. Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at
nakalipas, ngunit natuklasan na ang kanyang pananaliksik bagong kaalaman sa pipiliing paksa?
ay kinopya, maaari siyang tanggalan ng digri. 4. Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan
 Maaari ring ihabla ang sino mang nagongopya batay sa upang masagot ang tanong?
Intellectual Property Rights Law at maaaring
sentensyahan ng multa o pagkabilanggo. Pagpili ng Batis ng Impormasyon

Sa pananaliksik ay may sinusunod na etika. Katulad ito Ang akademikong pagsulat ay kinakailangang
ng ng ano mang disiplina na may istriktong code of ethics na nakabatay sa malalim at malawak na batis ng impormasyon.
ipinatutupad. Sa etika ng pananaliksik, itinuturing na Tunghayan mo ang mga gabay kung paano ka mamimili ng
napakalaking kasalanan ang plagyarismo. Dahil sa kabigatan sanggunian bilang mananaliksik:
ng kasalanang ito, napatalsik ang isang dekano sa isang
unibersidad, natanggalan ng digri ang isang nagtapos na ng
doktorado, nawalan ng kredibilidad ang isang tanyag na 1. Tiyaking mo kung ito ay akademikong sanggunian.
iskolar, hinabla sa korte ang prodyuser ng isang programa sa Obhektibo ang mga akademikong sanggunian at may
telebisyon (Atienza, et al.,1996). layuning sipatin ang isang paksa sa patas na paraan nang
hindi isinasawalang bahala ang mga alternatibong
pagsusuri.
Walang magtitiwala sa isang magnanakaw at sinungaling. 2. Tukuyin mo ang uri ng sanggunian. Ang mag artikulo
Kung matuklasan na ang isang mananaliksik ay nangopya at sa journal , aklat, at edukasyonal na ulat ay mga
hindi kumilala sa kanyang pinagkunan, sapat na ito upang karaniwang uri ng akademikong sanggunian. Maaaring ito
mabura ang lahat ng kanyang pinagpaguran. Hindi na kapani- ay nakalimbag o online. Ang mga akdang ito, nalimbag
paniwala ang kanyang saliksik at hindi mapagkakatiwalaan pa man o online, ay dumadaan sa editoryal na proseso bago
ang kanyang gawain. Parang sinisira na rin nya ang kanyang mailathala.
pangalan at kinabukasan… Alalahaning kung madali para sa
3. Alamin mo kung ito ay primarya o sekondaryang Akademikong Publikasyon
sanggunian. Ang mga primaryang sanggunian ay
mahalaga sapagkat nagpapakita ito ng mga direkta at Tumutukoy ito sa proseso ng paglalathala ng buod ng
orihinal na ebidensya .Maaari ring gamitin ang mga pananaliksik, pinaikling bersyon. o isang bahagi nito sa
sekondaryang sanggunian upang makapagpayaman sa pahayagan o pamahayagang pangkampus,conference
pagsulat ng artikulo. proceeding, monograph, aklat o sa mga refereed research
journal. Tulad sa presentasyon ng pananaliksik nilalayon nito
Lesson 4: Pagbabasa, Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak at na mahikayat ang lahat ng mananaliksik na maglathala ng mga
Rebyu, Presentasyon at Publikasyon ng Pananaliksik at pag-aaral sa iba‟t ibang paraan upang maipalaganap o
Akademikong Publikasyon maibahagi ang resulta ng pag-aaral. Sa akademikong
publikasyon ang pananaliksik ay kailangang dumaan sa Peer
Ang kritikal na pagbabasa ay napakahalagang aspekto o Review. Ang Peer review ay isang proseso kung saan ang
kasanayan sa pananaliksik. May iba‟t ibang kasanayan sa manuskrito o artikulo ay dumaan sa screening o serye ng
pagbasa na dapat mong paunlarin bilang isang mananaliksik: ebalwasyon bago mailimbag sa mga jornal. Ang
pinakatanggap at balidong paraan sa akademikong
publikasyon ay mapasama ang pananaliksik sa isang refereed
1. Ang paraphrase ay tumutukoy sa muling
research journal sapagkat ito ay dumadaan sa tinatawag na
pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang
peer review. Ang peer review ay isang proseso ng paglalathala
pamamaraan at pananalita upang padaliin at
palinawin ito para sa mga mambabasa. Mahalaga ito ng journal.
sa pananaliksik upang matukoy ang pinagmulan ng
isang ideya o kaisipan at ipahayag ito sa pamamaraan Tunghayan mo ang mga hakbang sa paglalathala ng
na makatutulong sa pananaliksik. journal
2. Ang abstrak ay isang buod ng pananaliksik, tesis, o
kaya ay tala ng isang komperensya o anumang pag- 1. Pumili ng angkop na journal para sa iyong
aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan. Ito ay pananaliksik.
nakatutulong upang mabilis na makita ng isang 2. Basahin ang mga pamantayan ng napiling journal at
mambabasa ang kabuuang latag ng pananaliksik, magkaroon ng mga back-issue.
kabilang ang mga layunin at kinalabasan nito. 3. Rebisahin ang pananaliksik batay sa pamantayan ng
3. Ang rebyu ay isang uri ng pampanitikang kritisismo journal.
na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa 4. Ipabasa at iparebyu ang artikulo sa iba at muling
nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito. Ito ay rebisahin.
naglalaman din ng pagtataya o ebalwasyon ng akda 5. Ipasa sa journal ang pananaliksik at antayin ang
batay sa personal na pananaw ng mambabasa na feedback.
nagbibigay ng rebyu.
Iba‟t iba ang uri at pamantayan ng journal ayon sa
Presentasyon at Publikasyon ng Pananaliksik larangan o disiplina at mahalagang pumili ng angkop na
journal para sa isang pananaliksik. Kailangang alamin ang
Hindi sa mismong pagsulat nagtatapos ang proseso ng ilang batayang impormasyon tungkol sa journal, lalong-lalo na
pananaliksik. Kasing–halaga ng pagbuo nito ang pagbabahagi ang politikal at teoretikal na pagkiling nito.
sa pamamagitan ng paglalathala o presentasyon. Hindi
kumpleto ang proseso ng pananaliksik kung wala ito. Ito ay Module 4: BATAYANG KAALAMAN SA MGA
may dakilang layunin na pataasin ang antas ng kaalaman at TEORYA SA PANANALIKSIK NA AKMA O MULA SA
kamalayan ng mga taong pinag-uukulan ng pananaliksik. LIPUNANG PILIPINO
Mahalaga ang publikasyon at presentasyon ng pananaliksik
upang ibalik sa mga mamamayan ang sistematikong kaalaman Lesson 1: Mga Diskurso sa Nasyonalismo at Teoryang
ang nakuha mula sa kanila. Dependensya

Ayon kay Neal-Barnett (2002), ang susi sa tagumpay ng Diskurso sa Nasyonalismo


pagkakalathala ng isang pananaliksik ay ang pagkakaroon ng
dakilang bisyon o layunin ng mga mananaliksik kung bakit
Isa sa mga karaniwang lente ng pagsipat sa mga
siya nagsusulat at nananaliksik. May mas mabigat at dakilang
pananaliksik ang mga diskurso ng nasyonalismo. Sa
tunguhin ang publikasyon ng pananaliksik na kailangang
artikulong “ Miseducation of the Filipino” ni Renato
panghawakan ng isang mananaliksik upang makamit ang mga
Constantino na malayang isinalin ni Martinez sa Filipino
misyon kung bakit siya nananaliksik. Lagpas pa sa mga bilang “ Lisyang Edukasyon ng mga Pilipino” ay sinuri ni
praktikal na kapakinabangan mula sa paglalathala ng Constantino ang kasaysayan ng edukasyon sa bansa, partikular
pananaliksik, mas mahalagang laging balikan ang mga
ang sitwasyon nito sa panahong direktang kolonya pa ang
makatao at makalipunang tunguhin nito.
Pilipinas. Nilinaw niya na ang nasyonalismo ay hindi lamang
isyung kultural, kundi politikal at ekonomiko rin. Para kay
Constantino, kailangang itransporma ang sistemang pang-
edukasyon ng bansa upang matiyak na makapag-aambag ito sa
pagpapaunlad ng Pilipinas.

Ang eduksyon ng Pilipino ay dapat maging isang


Pilipinong Edukasyon. Dapat itong ibatay sa mga
pangangailangan at adhikain ng bansa. Ang layunin ng
edukasyon ay hindi lamang makalikha ng mga lalake at
babaeng marunong bumasa at sumulat at marunong
magkwenta. Pangunahing layunin nito ang mahubog ang isang
mamamayang may malasakit sa bayan at nauunawaan ang
kanilang pagiging bansa. Isang mamamayang binibigkis ng
layuning paunlarin ang buong lipunan hindi lamang ang kani-
kanilang mga sarili. Oo nga‟t itinuturo sa mga mag-aaral ang
buhay nina Rizal at Bonifacio. Ngunit hindi iniaakma ang
kanilang mga aral sa kasalukuyang suliranin ng ating bayan at 3. hindi nila gaanong tinutulungan ang mga bansa ng Third
itinuturo ang kanilang buhay bilang mga maikling kwento World na umunlad sa teknolohiya at/o
tungkol sa mga nakalipas na pangyayari na ikinasisiyang pagmamanupaktura ng makinarya upang mapanatili ang
pakinggan ng mga bata. Ang tungkulin ngayon ng edukasyon kanilang lucrative na monopolyo rito;
ay iwasto ang maling pananaw na ito. Dapat na natin ngayong 4. mababa ang halaga, sa pangkalahatan, ng mga hilaw na
isipin ang ating mga sarili, ang ating kaligtasan, at ang ating materyales at semi-manupaktura ng Third World na
kinabukasan. At hanggang hindi natin inihahanda ang kaisipan ineeksport sa mga bansang maunlad at/o mayaman sa
ng mga kabataan sa pagpupunyaging ito, mananatili tayong kapital, kumpara sa halaga ng makinarya/teknolohiya at
mamamayang walang pakialam sa ating bayan na walang iba pang produktong inimport ng una sa huli; at
tiyak na patutunguhan at hindi tiyak kung ano ang kasasapitan 5. ang migrasyon ng mga manggagawa/propesyunal mula
sa araw ng bukas. Third World tungong mga bansang mauunlad at/ o
mayaman sa kapital ay nakababawas sa pangkalahatang
Marami sa mga isinulat ng mga bayani ng bansa ay yamang-tao (human resources) na kinakailangan ng una
maaaring gamitin sa pagbuo ng mga batayang teoretikal. pang maiahon sa kahirapan at dependensya ang kanyang
Halimbawa, maaaring balikan ang ideya ng nasyonalismo sa sarili.
tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” at sanaysay na “Ang
Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ni Andres Bonifacio, Lesson 2: Marxismo, Feminismo, Mga Tinig mula sa
gayundin ang “Kartilya ng Katipunan “ at ang sanaysay na Ibaba, Pag-aklas/ Pagbaklas/Pagbagtas
“Ningning at Liwanag” ni Emilio Jacinto. Ang mga pagsusuri
sa mga akda ng mga bayaning Pilipino ay mainam ding Marxismo
sanggunian para sa mga diskurso hinggil sa nasyonalismo,
gaya ng sanaysay na “Ang Apat na Himagsik ni Francisco
Ito ang tawag sa mga kaisipang nakabatay sa isinulat ni
Balagtas” ni Lope K Santos at ng artikulong “Perspektibo,
Karl Marx, pilosopong Aleman na kritiko sa sistemang
Realismo at Nasyonalismo” ni Rolando Tolentino.
kapitalismo. Sa Pilipinas, karaniwang ginagamit sa
panunuring pampanitikan ang Marxismo. Ganito ang mga
Teoryang Dependensya (Teoria de la dependencia) karaniwang sinasagot ng mananaliksik na gumagamit ng
Marxismo:
Ito ay nakaugat sa Amerika Latina . Ilan sa mga
kilalang teorista nito sina Raul Prebisch at Theotonio dos 1. Ano-anong uring panlipunan(social class) ang nasa
Santos, na kapwa mula sa Amerika Latina. Ayon sa mga teksto, pelikula at iba pa?;
tagapagtaguyod ng teoryang ito, pinagsasamantalahan ng mga 2. Paano nagtunggalian ang mga uring panlipunan sa
bansang industriyalisado ang mga bansang mahirap sa teksto, pelikula at iba pa?;
pamamagitan ng neokolonyalismo sa ekonomiya, bagay na 3. Sino ang nang-api at inapi, nagsamantala o
malaki rin ang epekto sa sistemang politikal at kultural ng pinagsamantalahan sa teksto, pelikula , at iba pa?;
bansa. Halimbawa, dahil sa pangingibabaw ng kaisipan na 4. Paano inilarawan ang mga karakter: bid aba o
dapat hikayatin ang pagpasok ng dayuhang puhunan o foreign kontrabida ang nang-api o inapi, ang nagsamantala o
investment at dahil na rin sa kakulangan ng magagandang pinagsamantalahan?;
trabaho na may maayos na kita sa Pilipinas ay higit na 5. Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong
pinagtutuunang-pansin ng bansang gaya ng Pilipinas ang mapagsamantala ang mga karakter?;
paggamit ng English sa mataas na antas ng edukasyon. 6. Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?;
7. Aling uri ng panlipunan ang nagtagumpay sa huli.
Sa artikulong” Kaisipang Nasyonalista at Teoryang
Dependensya sa Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng Ginagamit ng mga ekonomista at eksperto sa araling
Programang K to 12 ng Pilipinas” ni San Juan (2013) ay pangkaunlaran (development studies) ang Marxismo upang
nilinaw ang koneksyon ng mga diskurso sa nasyonalismo at ng suriin ang mga patakarang ekonomiko at mga planong
teoryang Dependensya: “…sa pananaw ni Constantino at ng pangkaunlaran, partikular ang epekto nito sa mga uring
iba pang nasyonalista, walang saysay ang anomang programa manggagawa at iba pang mga sektor sa “inaapi” o
pang-edukasyon kung hindi nito isinasaalang-alang ang “pinagsasamantalahan.”
kaunlaran ng mga mamamayan ng bansa. Walang saysay ang
edukasyong hindi nasyonalista, kahit pa ito‟y sumunod sa
Feminismo
“pamantayang global.” Binigyang-diin ni Constantino na
hanggat kontrolado ng mga dayuhan at ng mga Pilipinong elite
na kanilang kasabwat , ang ekonomiya, politika at kultura Ang Feminismo ay maituturing na malapit na malapit
kasama na ang edukasyon) ng Pilipinas, mananatiling mahirap sa Marxismo bilang batayang teoretikal. Kung pang-aapi o
at walang pag-unlad ang mayorya ng sambayanang Pilipino. pagsasamantala sa ilang partikular na uring panlipunan ang
pokus ng Marxismo, pang-aapi o pagsasamantala naman sa
isang partikular na kasarian (babae) ang Feminismo. Ang
Sa artikulong “Pambansang Salbabida at Kadena ng
malinaw na ugnayan ng Marxismo at Feminismo ay
Dependensya:Isang Kritikal na Pagsusuri sa Labor Export
ipinaliwanag ni Taguiwalo (2013) sa sanaysay na “Ang
Policy (LEP) ng Pilipinas” ay ipinaliwanag ni San Juan (2014)
Marxistang Lapit sa Isyu ng Kababaihan.”
ang kritisismo ng mga tagapagtaguyod ng Teoryang
Dependensya sa neokolonyal na sistemang nangingibabaw sa
mga bansang gaya ng Pilipinas. “Higit na malaki ang Mga Tinig Mula sa Ibaba
pakinabang ng mga bansang maunlad at/o mayaman sa kapital
sa ganitong sistema sapagkat: Maituturing na konektado rin sa Marxismo ang
perspektibang “mga tinig mula sa ibaba” ni Teresita Gimenez
1. ang puhunan nila sa Third World (bansang mahihirap) ay Maceda, isang eksperto sa diskurso at pagsusuri ng mga
tumutubo nang malaki (bagay na karaniwang ineeksport dokumento sa Araling Pilipinas. Sa kanyang nalathalang
nila pabalik sa kanilang mga bansa mula sa Third disertasyon ay tinalakay ni Maceda ( 1996) ang kasaysayan ng
World); mga kilusang panlipunan sa Pilipinas sa pamamagitan ng
2. kontrolado nila ang maraming pinansyal na institusyon pagsusuri at kontekstwalisasyon ng mga awitin ng mga
gaya ng IMF, World Bank , at maging malalaking nabanggit na organisasyon ng mga manggagawa, magsasaka
pribadong bangko na nagpapautang sa mga bansang Third at iba pa. Para kay Maceda, ang mga tunggalian ng mga uring
world; panlipunan ay malinaw na maririnig din sa mga
awitin,mababasa sa mga pahayag ng mga ordinaryong Sa kanyang pananaw, nararapat na magpokus ang
mamamayan- ng mga tinig mula sa ibaba. mga Pilipino sa sarili nilang pagtanaw sa kanilang kultura at
kasaysayan: magtanong at magbigay ng kasagutan batay sa
Pag-aklas/Pagbaklas/ Pagbagtas karanasan ng bayan at ng mga mamamayan ng Pilipinas nang
hindi isinasaalang-alang at/o binibigyang pokus ang pananaw
Sa kontekstong Pilipino , isa sa mabisang adapsyon ng mga tagalabas o mga dayuhan.
ng mga ideyang Marxista sa panunuring pampanitikan ang
Pantawang Pananaw
konseptong Pag-aklas/Pagbaklas/Pagbagtas ni Tolentino
(2009). Tahas na binigyang-diin ni Tolentino sa nasabing aklat Kaugnay at katunog ng pantayong pananaw ang
na ang politikal na pagbasa ng libro ng pampanitikang pantawang pananaw ni Rhoderick Nuncio na nakapokus
kritisismong ito. Politikal bilang pagkilala sa substansyang naman sa katutubong pagsipat sa paraan ng pagpapatawa ng
nakahihigit na kodeterminasyon at korelasyon sa loob at labas mga Pilipino. Mababasa sa artikulong “Saysay at Salaysay ng
ng panunuring pampanitikan at panlipunan. Na sa una‟t huling Pantawang Pananaw Mula sa Pamumusong Hanggang
usapin, tumataya ang kritiko sa binabasa at pinag-aaralang Impersonasyon” pagsusuri ni Nuncio (2010) sa kasaysayan ng
akdang pampanitikan, at ang pagtatayang ito ang pagpapatawa sa Pilipinas.
nakakapagkawing sa kanyang posisyon sa binabasa at
panitikan, sa mga pwersang historikal , panlipunan, at Teorya ng Banga
modernismo. Sa mga kabanata sa libro, tatlong hakbang ang
isinasaad: pag-aklas bilang impetus sa panunuring historikal at Ito ay buod naman ng mga ideya ni Prospero Covar
panlipunan na susing kawing ang panitikan; pagbaklas bilang (1993), ang itinuturing na isa sa tagapagtaguyod ng
pagbuwag sa naunang formalistikong at makasentrong-sining Filipinolohiya, hinggil sa “Kaalamang Bayang Dalumat ng
na panunuring pampanitikan; at pagbagtas bilang Pagkataong Pilipino. “ Ayon kay Covar, “Tambalang lapit
mapagpalayang pagdalumat sa panitikang pangunahing ang pamamaraan sa pagdalumat ng pagkataong Pilipino: kung
nagsasaalang-alang ng makauring panunuri. Kaya may labas, may loob; kung may kaluluwa, may budhi. Kaya
matutunghayan sa mga kabanata ang ideolohikal na pagbasang pala nahahayag sa mahahalagang bahagi ng ating katawan ang
nagkakawing kina Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria labas, loob at lalim… Itinatakda ng lekturang ito ang katawan
Macapagal-Arroyo, at ang susunod na pambansang ng tao bilang isang banga: may labas, loob at lalim; at
administrasyon sa isang banda, at sa Makabayan Curriculum, pinagagalaw ng tambalan ng budhi at kaluluwa. Isang
enchanted Kingdom, political na paspaslang at aktibismo sa halimbawa ng pagsipat sa “labas” ng pagkataong Pilipino ang
kabilang banda bilang ispesipikong sityo ng panlipunan, paliwanag hinggil sa mukha: sa mukha nasasalamin ang
pangkasaysayan , at nag-aastang modernong pag-aakda, samu‟t saring karanasan. Salamin ang mukha ng damdami‟t
pagbabasa, at pag-aaral ng panitikan kalooban ng pagkataong nililok ng kulturang karanasan.” Ang
loob naman ay malalim at malawak ang pinag-uugatan…
Lesson 3: Pantayong Pananaw, Pantawang Pananaw, Mula sa salitang-ugat na “loob” nakagagawa tayo ng mga
Teorya ng Banga, Sikolohiyang Pilipino at salitang: kalooban ng Diyos, saloobin, kaloob, looban,
Bukod/Bakod/Buklod magandang loob at iba pa. Ang konsepto ng loob ay nagiging
malinaw kung ito‟y ilalarawan sa konteksto ng sisidlan. Ang
Pantayong Pananaw sisidlan ay may loob at labas. Ang loob ay nilalagyan ng
laman. Isang libo‟t isang laksa ang maaaring ilaman sa loob.
Ang pantayong pananaw ay perspektiba sa pagtalakay Gayundin ang sa ating loob at kalooban. Ang teorya ni Covar
ng kasaysayan, kultura at iba pa, na nilinang ni Zeus Salazar, ay pagtatangkang ipaliwanag ang koneksyon ng mga terminog
isang multilingwal na historyador mula sa Unibersidad ng kaugnay ng panlabas na anyo at ng mga pariralang tumutukoy
Pilipinas, upang bigyang-diin ang kahalagahan ng diskursong sa mga aspekto ng pagkataong Pilipino.
internal hinggil sa iba‟t ibang isyu. Detalyadong nilinaw ni
Salazar (1997) sa artikulong “Pantayong Pananaw: Isang Sikolohiyang Pilipino
Paliwanag” ang buod ng kanyang perspektiba:
Ito ay naglalahad ng kaisipan hinggil sa paraan ng pag-
Sa lahat ng mga wikang Pilipino, may mga iisip at/o kamalayan ng mga Pilipino. Unang nilinang ni
konseptong katumbas ng “tayo,” “kami,” “sila,” at “kayo” na Virgilio Enriquez, isang kilalang sikologong Pilipino ang mga
tumutukoy sa mga nagsasalita at lahat ng kanyang kausap, ideya kaugnay ng Sikolohiyang Pilipino. Ayon sa paliwanag
kasama kahit na iyong wala. Halimbawa, “tayong mga ni Pe-pua at Protacio-Marcelino (2000), ang Sikolohiyang
Pilipino, “kung ihahambing sa “kaming mga Pilipino,” ay Pilipino ay paraan ng pag-aaral sa sikolohiya na bunga ng
nangangahulugang ang nagkakausap-usap ay mga Pilipino karanasan , kaisipan, at oryentasyong Pilipino at
mismo at implisitong hindi kasali ang mga banyaga. Sa pagpapaliwanag sa sariling paraan ng pag-iisip pagkilos, at
sitwasyong ito, ang bagay, konsepto, kaisipan at ugali na pagpapakita ng damdaming Pilipino, na sinasabing maaaring
maaaring pagtuunan ng pansin ay madaling maintindihan, may kaibahan sa pag-iisip, pagkilos, at pagpapakita ng
dahil napapaloob sa ating sariling lipunan at kultura. Mapag- damdamin ng iba pang mga mamamayan.
uugnay natin sila sa isa‟t isa na hindi na kailangan na
magkaroon pa ng pantukoy sa iba pang mga konsepto, Bakod/Bukod/Buklod
tao,ugali at kaisipan na kaugnay nila.
Maituturing na sangandaan ng ilang konseptong
Maraming bagay ang implisito nating nauunawaanna Marxista at ng mga konseptong sariling atin ang pagdadalumat
ang ibig sabihin, kung ang isang grupo ng tao ay nag-uusap ni Morales-Nuncio (2012) sa konseptong ito sa aklat na Ang
lamang hinggil sa sarili at sa isa‟t isa, iyan ay parang Siyudad ng Mall: Ang Bakod, Bukod at Buklod bilang
sistemang “closed circuit,” pagkat nagkakaintindihan ang Espasyo at Biswal mula Tabuan Hanggang sa SM City North
lahat. Samakatwid, ang lipunan at kultura natin ay may Edsa. Batay sa aklat na ito, ang mga mall ay pisikal na
“pantayong pananaw” lang kung tayong lahat ay gumagamit nakahiwalay (may bakod) sa iba pang lugar, at may figurative
ng mga konsepto at ugali na alam na natin lahat ang rin na bakod – ang paghihiwalay sa may kakayahang mag mall
kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa isa‟t at sa walang pambili ng mga produkto rito, kaya nagbubukod
isa. Ito ay nagyayari lamang kung iisa ang “code”- ibig sabihin din ang mall: nagbubukod-bukod sa iba‟t ibang uring
may isang pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng panlipunan depende sa mall at sa mga tindahan sa loob ng
mga kahulugan, kaisipan at ugali. Mahalaga rito ang iisang mall mismo.
wika.

You might also like