Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 54

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

AGHAM 3
Ako at ang mga
Pangkaraniwang Bagay sa
Aking Paligid

Learning Competency:
Nailalarawan ang solid, liquid at gas ayon sa
katangian nito

0
Paano Gamitin ang Karagdagang Kagamitan sa Pagkatuto(Supplementary
Learning Material)

Magandang Buhay mga Bata! Binabati kita at ikaw ay nasa ikatlong


baiting na ng iyong pag-aaral.Ang layunin ng Karagdagang Kagamitan ng
Pagkatuto sa Baitang 3 ay para mapanatili at makamit ang antas ng
edukasyon ng K to 12 Kurikulum.

Bago kang magsimulang sumagot sa mga Gawain inihanda


kailangang isantabi muna ang lahat ng mga ginagawa o
pinagkakaabalahan na makakaapekto sa ating pag-aaral upang maging
pokus ka sa ating pag-aaralan. Maisasagawa ng maayos ito sa tulong at
gabay ng mga magulang habang wala sa paaralan ang mga bata.

1. Basahing maigi at unawain ang mga panuto isinasaad sa bawat


Gawain.
2. Isulat sa kwaderno ang mga konseptong natutunan sa bawat
aralin. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gumawa at makiisa ang bawat isa sa pagbuo ng mga Gawain.
4. Subukan humingi ng tulong sa mga magulang sa gawaing hindi
naiintindihan.
Paalala: Mga “Magulang” Turuan ang mga bata upang gabayan
ang pagkatuto at malayang sumagot sa mga Gawain. Hayaang
magtuklas ng panibagong kaalaman sa bawat Gawain at
maisagawa ang pagkatuto bawat mag-aaral.
5. Maging mapanuri sa mga konsepto at gamitin ang natutunan para
masagutan na may tiwala sa sarili ang pangwakas na pagsusulit. Ito
ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag
na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong
natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Masiyahan nawa’y sa iyong pag-aaral at magsaya sa mga Aralin!

Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito

1
BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong


matutuhan pagkatapos makompleto ang mga aralin sa
modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng
mga bagong kaalaman at konseptona kailangang
malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng
mga dating kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang
pangkalahatang ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin
mo ng may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na
natutuhan mo ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas
ng pagkatuto sa bagong aralin

2
ARALIN 1- Karaniwang Solid,Liquid at Gas na
makikita sa tahanan at paaralan

INAASAHAN

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang paraan ng


pagbubukod-bukod ng mga materyales at natutukoy kung ito ay
solid, liquid at gas base sa obserbasyon ng kanilang katangian.

Gagabayan ka ng modyul na ito sa mga dapat mong matutunan

• nakikilala ang mga karaniwang solid, liquid, gas na nakikita


sa tahanan at paaralan
• ano ang matter

Halina!,ating simulan suriin ang katangian ng


solid. Alam ko nais at handa mo na malaman
sagutan natin ang UNANG PAGSUBOK!!

3
I .Isulat ang S kapag Solid, L kung Liquid at G naman
kung Gas.

____________1.Sabon

____________2.Hangin

____________3.Juice

____________4. Tubig

____________5. Chalk

____________6. Buko juice

____________7. Usok ng sinaing

____________8. Yelo

____________9. Sabaw ng sinaing

____________10. kahoy

4
Pangalanan ang mga sumusunod na bagay.
.

Ngayon ay ating tukuyin kung anong uri ng matter ang mga


ito? ________________

Saan natin karaniwang nakikita ang mga ito? _________________

5
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Maraming mga bagay na ating nakikita sa ating


kapaligiran. Sa loob ng inyong paaralan, simbahan at tahanan
ang tawag natin dito ay matter.
Matter- ay anumang bagay na umuukopa ng espasyo at
mayroong angking bigat, binubuo ng molecules at atoms.
Halimbawa:
Ang tubig ay inookupa nya ang bote

Ang bata ay inookupa ang silya.

Ang matter ay may tatlong uri ang solid, liquid at gas.

Solid- ito ang uri ng matter na matigas at may sariling hugis at


bigat.

Hal.

Libro bola mesa bag


Liquid- Ito ang uri ng matter na may bigat ngunit walang tiyak na
hugis.

Halimbawa:

mantika lotion softdrinks

6
Gas- ito ang uri ng matter na walang bigat, walang timbang, at
hugis. Ito ay naamoy at nararamdaman.
Halimbawa

LPG hangin sa loob ng lobo hangin sa loob ng bola

GAWAIN

Pagsama-samahin ang solid, liquid at gas sa mga larawan.

Usok ng hangin sa loob


Unan mansanas tubig kape ng lobo

lapis
Oxygen
tank pintura toyo
upuan

Isulat ang pangalan ng bagay gamit ang talaan sa ibaba.

SOLID LIQUID GAS

7
Gawain 2:

Anu-ano ang matter na makikita sa inyong tahanan.


Gumawa ng listahan ng karaniwang bagay na makikita mo
sa loob ng tahanan.Pangkatin ang mga ito gamit ang
talaan na nasa ibaba.

solid liquid Gas

TANDAAN
• May mga bagay na solid, liquid at gas na
karaniwang nating nakikita o ginagamit . Maari nating
gamitin ang kanilang katangian upang matukoy kung ito ay
solid, liquid at gas.
• Ang tatlong uri ng matter ay solid, liquid at gas.
• Ang solid ay may sariling hugis at nahahawakan, ang liquid
naman ay walang sariling hugis, kinukuha ang hugis ng
kanyang lalagyan at ang gas ay walang sariling hugis at
hindi nakikita pero ito ay nararamdaman.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN

Panuto: Pangkatin ang mga sumusunod na bagay kung


solid,liquid at gas. Gamit ang talaan sa ibaba.

mesa juice kutson gatas kutsara


aklat medyas lobo mantika ulap

8
kumukulong sopas suka usok ng bulkan

SOLID LIQUID GAS

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Basahin mabuti ,piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Lahat ng nasa ibaba ay solid maliban sa isa, alin dito?

A. B. C. D.

2. Aling matter ang hindi nakikita?

A. Mesa B. eroplano C. hangin D. lobo

3. Ang may kakayahang dumaloy o matapon ay_______.

A.Solid B.. liquid C.. gas D.. aklat

4. Aling matter ang nahahawakan?

A. Solid B. liquid C. ispasyo D. gas

5. May hugis at bigat, alin ditto?

A.Solid B. liquid C. gas D. hangin

6. Anong katangian meron ang gas?

A.May lasa B. mag hugis C. walang hugis D. may bigat

9
7. Sa mga nasa pangkat ng matter alin dito ang gas?
A. Mansanas, bola, asin
B. Aklat, lapis, papel
C. Biskwit, juice, tubig
D. hangin, usok gasul
8. Pwedeng mabago ang hugis kung isasalin sa iba’t ibang
lalagyan.

A. B. C. D.

9. Bakit hindi natin nakikita ang hangin?


A. Dahil ang molecules ng gas ay magkakalayo
B. B. dahil ang molecules ng gas ay magkakadikit
C. Dahil ang molecules ng gas ay malapit sa atin
D. Dahil ang molecules ng gas ay hindi napapansin

10. Ang Alaska kondensada, catsup at mayonnaise ay


mga halimbawa ng _________
A. solid B. liquid C. gas D. wala sa nabanggit

ARALIN 2: GAMIT NG LIKIDO

INAASAHAN

Ang mga mag-aaral ay nauuri ang mga bagay na nakikita sa


bahay at paaralan ayon sa solid, liquid at gas.

Gagabayan ka ng modyul na ito sa mga dapat mong matutunan

• Nauuri ang mga pangkaraniwang likido sa gamit nito.

Halina!,ating simulan suriin ang katangian ng solid. Alam ko nais


at handa mo na malaman sagutan natin ang UNANG PAGSUBOK!!

10
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na liquid ang ginagamit pagluto?


A. patis B. palamig C. glue D. liquid eraser
2. Alin sa mga sumusunod na liquid ang ginagamit sa
paaralan?
A. palamig B. juice C. tubig D. glue

3. Alin sa mga kagamitan sa ibaba ang ginagamit sa paglilinis ng


katawan?
A. sabon B. toothpaste C. detergent powder D. bleach
4. Alin sa mga kagamitan ang ginagamit sa paglilinis ng floor tiles,
dinging lababo at banyo?
A. kalan B. muriatic acid C. juice D. walis
5. Aling kagamitan ang ginagamit sa pagluluto?
A. baygon B. kalan C. mesa D. kurtina

Isulat kung solid, liquid o gas ang mga sumusunod na produkto.

___________1. Herosene ( gaas)

___________2. Baygon spray

___________3. Shampoo

___________4. Fire distinguisher

___________5. Naphthalene balls

11
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN
I

Sa ka ba sa mga naapektuhan dulot ng isang sakit na tinatawag


na Coronavirus Disease o COVID-19? Ang sakit na ito ay
naranasan ng buong mundo.

Isa sa mga pag-iingat upang mapangalagaan ang


kalusugan sa sakit na ito ay ang palaging paghuhugas ng kamay
gamit ang malinis na tubig at sabon.

Ang tubig ay isa mga napakahalagang liquid na kailangan


ng tao, hayop at halaman upang mabuhay. Mahalaga ito upang
mapanatilihing malinis ang ating katawan upang tayo ay hindi
magkasakit. Ginagamit din ito sa paglilinis sa bahay, pagluluto,
paglalaba at iba pa.

Ang mga liquid ay maaaring uriin ayon sa gamit nito. May


mga liquid na gamit panlinis ng katawan, panlinis ng bahay,
panluto, pagkain, panlinis ng sugat at pamatay insekto.
Ang makikita sa talahanayan sa ibaba ay mga halimbawa
ng mga liquid ayon sa gamit nito.
Panlinis ng Panlinis ng Panluto Pagkain Panlinis ng
Katawan Bahay Sugat
shampoo bleach toyo kondensada betadine
toothpaste dishwashing suka yogurt alcohol

Saan natin madalas nakikita ang mga


larawan sa ibaba?

12
Sagot: sa paaralan at sa bahay

Mga Karaniwang Liquid na Matatagpuan


sa Bahay

Mantika Toyo Suka Patis Tubig

Glue Liquid Mineral Juice Palamig


Eraser Water

May mga naiisip pa kayong ibang halimbawa ng liquids na


makikita sa bahay at paaralan?
Sige nga!? Kung talagang naintindihan ninyo an gating aralin,
mayroon akong inihandang mga Gawain.

13
GAWAIN

Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. I-shade ang


bilog ayon sa uri ng liquid na gamit nito
1. pamatay insekto

pagkain

panlinis ng sugat

2. pampaganda

panluto

panlinis ng sugat

3. pagkain

panluto

panlinis ng bahay

4. panluto

pagkain

pampaganda

5. pampaganda

panlinis ng sugat

panlinis ng bahay

14
GAWAIN 2
Pagpangkatin ang mga bagay. Gamitin ang talahanayan sa
ibaba. Salita lamang ang isusulat.

Sabon Pizza Lipstick Pintura

Mangga Insect repellant walis Kawali

Paglilinis
Pagpapa- Paglilinis Pamatay
Pagpapa- ng
Pagkain Pagluluto -ganda Ng kulisap/
ganda katawan/
ng bahay bahay peste
sarili

TANDAAN

• Ang mga liquid ay maaaring uriin ayon sa gamit nito. May


mga liquid na gamit panlinis ng katawan, pampaganda,
panlinis ng bahay, panluto, pagkain, panlinis ng sugat at
pamatay insekto.

• Ang mga liquids ay maaari nating matagpuan sa paaralan


at maging sa tahanan na kung saan hindi natin ito maaaring

15
hawakan dahil ang molecules nito ay malayo sa isa’t isa.
May mga liquids na iba’t iba ang kulay, ang iba naman ay
walang kulay. Wala ring sariling hugis ang mga liquids

PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN

Pagtambalin ang hanay a at hanay b

HANAY A HANAY B

1.

a. Pampaganda ng bahay

2.

b. pampaganda ng katawan

c.. Panlinis ng sugat

4.

d. pangpatay insekto

5, e. gamit panluto

16
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Buuin ang talahanayan. Isulat ang mga liquid ayon
sa gamit nito.

ketsup bleach shampoo dishwashing liquid


mantika conditioner pesticide body wash
pabango betadine patis juice lotion
alcohol insecticide

Pagkain Pagluluto Panlinis ng Pagpapa Panlinis ng Panlinis Pamatay


sugat/ gamot ganda bahay ng kulisap/
katawan peste

17
ARALIN 3: Katangian ng Solido ayon sa:
hugis, laki ,sukat at tekstura

INAASAHAN

Sa aralin ito, matutunghayan mo ang mga kasanayan


dapat na malinang sa iyo sa pag-aaral ng modyul na ito. Maari
mo itong malaman sa pamamagitan ng masusing pagmamasid
sa isang bagay na makikita mo sa iyong paligid.

Gagabayan ka ng modyul na ito sa mga dapat mong


matutunan:

• ano ang solid


• mailarawan ang mga bagay ,batay sa katangian ng solid
• naihahambing ang katangian ng solid na nakikita sa iyong
paligid.

Halina!,ating simulan suriin ang katangian ng solid.


Alam ko nais at handa mo na malaman sagutan natin
ang UNANG PAGSUBOK!!

18
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Si Rosa ay humihingi ng tulong sa kanyang kaibigan na
buhatin ang speaker sa loob ng kanilang silid-aralan. Dahil
ang speaker ay ___________ at ____________.
a. malaki at mabigat
b. malaki at magaan
c. maliit at mabigat
2. Si Angelyn ay nagising ng hatinggabi.Ang kuwarto niya ay
madilim. Tumayo siya at kinapa-kapa ang mga bagay na nasa
kanyang silid upang hanapinang kanyang cellphone. Mayroon
siyang nahawakang matigas at magaspang. Ito ay maaaring
________.
a. Solid b. liquid c. gas d. wala sa nabanggit

3. Kung bubuhatin mo isa isa ang upuan, mesa at pisara ano ang
timbang nito?
a. magaan b. magaang-magaan
c. mabigat d. walang timbang
4. Kung ang tekstura ng puno ay magaspang, alin sa mga
sumusunod na bagay ang kagaya nito?
a. pisara b. hollow blocks c. salamin d. dahon

5. Ano sa palagay mo ang tekstura ng bricks ?


a. matigas at makinis
b. matigas at magaspang
c. malambot at magaspang

19
Pangalan ang mga bagay na ipinapakita sa larawan.

KATANGIAN NG SOLID, Ayon Sa Hugis


Isa sa mga katangian ng solid ay ang pagkakaroon nito
ng isang tiyak na hugis. Alam niyo ba kung bakit may sariling
hugis ang solid? Pagmasdang mabuti ang mga molecules nito.
Ano ang napapansin ninyo?

molecules ng solid

20
Ang mga molecules ng solid ay dikit-dikit. Ito ang dahilan kung
bakit ang solid ay may tiyak na hugis. Ito rin ang dahilan kung
bakit nakikita at nahahawakan natin ang isang solid.

Halimbawa

Gamit ang mga larawan sa ibaba. punan ang talaan ng angkop


na hugis nito.

Hugis
Bagay
1. orasan
2. watawat
3. pizza
4. libro
5. unan

Katangian ng Solid Ayon sa


Laki at Sukat

Ang isang solid ay may iba’t ibang laki o sukat. Maaari


mo itong malaman sa pamamagitan ng masusing
pagmamasid sa isang bagay. Maaari mo din makuha ang
tamang laki o sukat nito kung gagamitan mo ng mga
sumusunod na panukat.

21
ruler tape measure meter stick

Ang ruler, meter stick at tape measure ay mga gamit


panukat upang malaman natin ang laki at sukat ng isang
solid. Alamin ang mga bagay na may iba’t ibang laki at
sukat.
1. Pag-aralang mabuti ang mga larawan sa ibaba.

2. Maaari mo bang pangalan ang mga solid na ipinapakita


sa larawan?
3. Punan ang talaan sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) ang
wastong hanay.

Bagay Maliit Malaki

1. bag
2. holen
3. bola
4. relo
5. butones

Katangian ng Solid Ayon sa


Tekstura

Ang solid ay sinasabing may tekstura. Ano nga ba ang ibig


sabihin ng tekstura? Ang tekstura ay tumutukoy sa
kalambutan, katigasan, kakinisan at kagaspangan ng isang
bagay. Paano mo malalaman ang tekstura ng isang bagay o
22
solid? Maaari mo itong malaman sa pamamagitan ng
paghipo o paggamit ng iyong pandama. Ngunit dapat
tayong mag-ingat sa tuwing gagawin natin ito sapagkat
maaari tayong masugatan.

1. Pangalan ang mga bagay na ipinapakita sa larawan.

 Tukuyin ang mga tekstura ng mga nabanggit na solid.


Punan ang talaan, lagyan ng bituin ang wastong
hanay.
Bagay/Solid Tekstura

malambot matigas makinis magaspang


1. holen
2. niyog
3. panyo
4. salamin
5. steel wool

23
GAWAIN

A. Panuto: Bilugan ang angkop na hugis ng solid na ipinapakita


sa larawan.
1. 4.
bilog tatsulok

Parisukat parisukat

tatsulok parihaba

2. bilohaba 5.
bilohaba

tatsulok bilog

bilog tatsulok

3. parihaba

parisukat

bilohaba

B. Panuto: Sagutan ang crossword puzzle. Ilarawan ang hugis


ng mga sumusunod na solid.

Pahalang

4. 5.

Pababa

24
Gawain 2
A. Alamin ang sukat ng mga sumusunod na solid. Gumamit ng
ruler at yunit na pulgada o inches sa pagsukat.
Solid Sukat
Hal. bolpen 5 pulgada
1. kuwaderno
2. aklat
3. lapis
4. papel
5. pencil case
B. Tukuyin kung maliit o malaki ang mga sumusunod
na solid.
1. 4.

2. 5.

3.

25
GAWAIN 3
A. Panuto: Tukuyin kung makinis o magaspang ang mga
sumusunod
na solid.
1. 2. 3.

4. 5.

B. Panuto: Punan ang patlang ng angkop na sagot.


1. Ang ay matigas at _____________.

2. Ang ay makinis at _____________.

3. Ang ay matigas at ____________.

4. Ang ay makinis at ____________.

5. Ang ay malambot at ____________.

26
TANDAAN

Ang solid ay nakikita at nahahawakan. Ito ay may tiyak na


hugis sapagkat ang mga molecules nito ay magkakadikit-dikit.
Katangian ng Solid
• Ang solid ay may laki o sukat. Ang solid ay maaaring maliit,
katamtaman o malaki. Maaaring gamitin ang ruler, meter
stick at tape measure upang makuha ang tamang sukat ng
isang bagay o solid.
• Ang solid ay may tekstura. Ito ay maaaring malambot,
matigas, makinis at magaspang. Masasabi mo ang tekstura
pamamagitan ng paghipo o paghawak sa isang bagay o
solid.
• Ang Solid ay may tiyak na kulay.Ang mga halimbawa nito
ay kulay pula, luntian, bughaw, dilaw, lila, at itim. Ang kulay
itim na Solid gaya ng uling ay hindi nagbabago ang
kulay.Mayroon ding kulay ng mga Solid na nagbabago ang
kulay gaya ng hilaw na mangga ito ay kulay berde at kung
hinog naman ito ay kulay dilaw.
• Ang solid ay may bigat. May mga solid na magaan ,
mayroon din namang mabibigat.

27
PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN

Pumili ng 2 kagamitan sa ibaba ,Isulat sa tamang hanay


ang pangalan ng mga bagay ayon sa katangian nito.

Solido Hugis Tekstura Bigat Iba pang


Nakita o
naoobserbahan

1. Anong katangian ng solid ang inyong naobserbahan?


____________________________________________________
2. Paano mo inuri/pinangkat ang mga solid?
___________________________________________________
3. Bakit mahalagang malaman ang uri ng mga bagay?
___________________________________________________

28
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

I.Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.


1. Aling solid ang maliit?
A. mesa B. sapatos C. singsing

2. Alin sa sumusunod na solid ang malambot?


A. aklat B. bulak C. kahoy

3.Paano natin uuriin ang solid?


A. ayon sa ganda
B. ayon sa katangian nito
C.ayon sa presyo

4.Alin sa mga solid ang puwedeng sukatin ng ruler?


A. notebook B. kurtina C. pinto

5. Lahat ng sumusunod ay mga katangian ng solid maliban sa isa.


Ano ito?
A. mat tiyak itong hugis, sukat, tekstura at kulay
B. may tiyak itong bigat at laki
C. dumadaloy ito at ginagaya nito ang hugis ng kanyang
lalagyan.

II. Panuto: Sagutin ng Tama kung ang pahayag ay wasto


at mali kung hindi.

1.Ang solid ay may tiyak na kulay at hugis.


2.Nasusukat ang solid sa tulong ng ruler o kaya meter stick.
3.Ang tekstura ay ang kinis o gaspang ng mga bagay
4. Ang solid ay mga bagay na dumadaloy gaya ng tubog.
5. Nauuri ang solid ayon sa katangian nito.

29
ARALIN 4 Katangian ng Likido

INAASAHAN

Sa aralin ito ay tatalakay sa likido na isa sa mga


pangunahing anyo ng matter. Ito ay isang fluid na may mga
particle na maluwag.

Gagabayan ka ng modyul na ito sa mga dapat mong


matutunan.

• Natutukoy ang paraan ng pagdaloy ng likido


• nailalarawan ang karaniwang liquids batay sa lasa o amoy.

Halina!,ating simulan suriin ang katangian ng solid.


Alam ko nais at handa mo na malaman sagutan natin
ang UNANG PAGSUBOK!!

30
1. Alin sa mga sumusunod na larawan ang tama tungkol sa
molecules ng liquid?
A. B.

C. D.

2. Bakit hindi natin nahahawakan ang liquid?


A. dahil ang molecules nito ay dikit-dikit
B. dahil ang molecules nito magkakapatong
C. dahil ang molecules nito ay malayo sa isa’t isa
D. dahil ang molecules nito ay hindi gumagalaw

3. Alin sa mga pahayag ang tama?


A.Ang liquid ay may sariling hugis.
B.Ang liquid ay hindi dumadaloy.
C.Ginagaya ng liquid ang hugis ng kanyang lalagyan.
D.Ang liquid ay may iba’t ibang hugis.

4. Kung magsasalin ka ng gatas na malapot sa tasa, ano ang


inaasahan mong daloy?
A. mabilis C. mabilis na mabilis
B. mabagal D. walang dadaloy

5. Ang amoy ng pabango ay _________


A. di-kanais-nais B. maanghang
C. kanais-nais D. maasim

31
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa kalambutan, katigasan, kakinisan
at kagaspangan ng isang bagay.
A. tekstura B. hugis C. sukat
2. Ang mga sumusunod ay may makinis na tekstura maliban
sa isa.
A. orasan B. mesa C. hollowblocks
3. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita
ng malambot at makinis na tekstura.
A. B. C.

4. Ano sa palagay mo ang tekstura ng bricks ?


A. matigas at makinis
B. matigas at magaspang
C. malambot at magaspang
5. Alin sa mga sumusunod na solid ang may matigas at makinis
na tekstura?
A. Tasa B. kurtina C. basket

32
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Nailalarawan Ang Mga Liquids Batay sa Katangian

 Liquids: Batay sa amoy

Ang liquid ay may iba’t – ibang amoy. Ito ay maaaring mabango


o mabaho. May mga liquid na kapag inamoy ay magiging sanhi
ng sakit sa ulo, iritasyon, o iba pang karamdaman. Kailangan ang
ibayong pag – iingat sa pag–amoy ng mga liquid.

May ipapakita akong mga larawan at sabihin nyo kung


nakaamoy na ba kayo ng mga nito.

Pintura Patis Pabango

 Daloy ng Liquid- Kapal at Nipis


Paborito mo rin ba ang pagkain na ito?
Anong sawsawan ang pinakagusto mo kapag kinakain mo
ito? Anong inumin ang gusto mong kapares nito?
Ang sawsawan katulad ng ketsup at gravy, at inumin
katulad ng tubig at softdrinks ay mga halimbawa ng liquid o
likido.
Ang mga liquid ay may kakayahang dumaloy dahil ang
mga molecules nito ay malayo sa isa’t isa. Walang sariling

33
hugis ang mga liquid kung kaya ito ay sumusunod lamang sa
hugis ng lalagyan nito.
May mga liquid na mabilis dumaloy dahil sa nipis nito.
Halimbawa: tubig, juice, mantika, pabango at suka.
May mga liquid naman na mabagal dumaloy dahil sa kapal
nito. Halimbawa: pintura, lotion, shampoo, toothpaste at
ketsup.
Maaaring ilipat ang liquid mula sa isang lalagyan
papunta sa iba sa paraan nang pagdaloy.
liquids batay sa lasa
 Liquids batay sa lasa
 Ang liquid ay may iba’t ibang lasa. Mayroong matamis,
maalat, maasim, mapait, maanghang at ang iba ay walang
lasa.
Hal:

tubig suka

gatas
toyo

ketchup
softdrinks 34
Ang LIQUID ay isa sa mga pangunahing
anyo ng materya o matter na kung
saan ang molecules nito ay malayo sa
isa’t – isa kung kaya’t hindi natin ito
nahahawakan.

Ang LIQUID ay walang sariling hugis.

Ang liquid ay may iba’t ibang kulay.

Ang ibang liquid naman ay walang


kulay.

GAWAIN

A. Panuto: Lagyan ng bituin ang bawat liquid ayon sa amoy


nito.

Liquid Mabahong Amoy Mabangong Amoy


patis
pabango
shampoo
alkohol
pintura

35
B. Panuto: Bilugan ang tamang salita o mga salita sa loob ng
panaklong.
1. Ang shampoo ay may ( mabahong, mabangong ) amoy.
2. ( Mabango, Mabaho ) ang amoy ng pintura.
3. Nagdudulot ng ( iritasyon, ganda ) kapag inilapit sa ilong
ang liquid na may mabahong amoy.
4. ( Makakapareho, Magkakaiba ) ang amoy ng mga liquid.
5. Ibayong ( pag – iingat, pagkukumpuni ) ang kailangan
upang makaiwas sa epekto ng mabahong amoy na dala
ng ibang liquid.

Gawain 2
A. Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Isulat sa loob ng maliit na
kahon ang tsek () kung ito ay manipis at mabilis dumaloy, at ekis (X)
naman kung makapal at mabagal dumaloy

36
B. Panuto:Tukuyin kung paano dumaloy ang mga sumusunod
na liquid. Lagyan ng tsek () ang tamang hanay.

Liquid Mabilis Mabagal


dumaloy dumaloy
1. tubig
2. ketsup
3. shampoo
4. lotion
5. alcohol
6. toyo

GAWAIN 3
A. Panuto: Lagyan ng tsek ang bawat liquid ayon sa lasa
nito.

Liquid Matamis Maalat Maasim Mapait Maang- Walang


hang lasa
Tubig
Suka
Toyo
Gatas
Ketsup
Softdrinks
Patis
Hot
sauce

37
B. Panuto: Salungguhitan ang tamang salita o mga salita sa
loob ng panaklong.
1. Ang lasa ng suka ay ( matamis, maalat, maasim ).
2. Ang kendi ay may lasang ( mapait, matamis, maalat ).
3. Ang asin ay may ( maanghang, maalat, matamis ) na
lasa.
4. Ang tubig ay ( mapait , matamis, walang lasa ).
5. May mga liquid na hindi kailangang tikman dahil ito ay
( nakapagpaganda, nakakalason, nakapagpapayat ).

TANDAAN

• Ang mga liquid ay may kakayahang dumaloy. Ito ay


maaaring ilipat sa ibang lalagyan..
• May mga liquid na nakakalason at pwedeng makapatay
ng tao kaya hindi ito kailangang tikman. Maging maingat
sa paghawak at pagtikim ng mga liquid.
• Hindi lahat ng mga liquids ay ligtas amoyin. May liquids na
kanais-nais at may liquids naman na di-kanais-nais na
maaring magdulot ng masamang pakiramdam sa ating
katawan.
• Ang liquid ay may iba’t ibang lasa. Mayroong matamis,
maalat, maasim, mapait, maanghang at ang iba ay
walang lasa.

38
PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN

A. Panuto: Isulat ang iyong sagot sa patlang


1. Lahat ba ng liquids ay may mabangong amoy?__________
2. Lahat ba ng liquids ay may mabahong amoy? ___________
3-5. Ano ang mangyayari sa iyo kapag inilapit sa iyong ilong
ang liquid na may mabahong amoy?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________.
a. Panuto: Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?

May pinabiling gaas


ang iyong nanay sa
tindahan. Dahil sa
kagustuhan mong malaman
ang lasa nito, binalak mo
itong tikman. Tama ba ang
iyong gagawin na tikman
ito? Bakit ? Ano kaya ang
mangyayari sa iyo kapag
itinuloy mo ang pagtikim ng
gas?

39
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod hindi kabilang sa pangkat?
A. ang liquid ay may kulay
B. ang liquid ay hugis puso
C. ang liquid ay walang kulay
D. ang liquid ay may molecules
2. Bakit hindi natin nahahawakan ang liquid?
A. dahil ang molecules nito ay dikit-dikit
B. dahil ang molecules nito magkakapatong
C. dahil ang molecules nito ay malayo sa isa’t isa
D. dahil ang molecules nito ay hindi gumagalaw
3. Alin sa mga sumusunod na liquid ang ginagamit pagluto?
A. patis B. palamig C. glue D. liquid eraser
4. Alin sa mga sumusunod na liquid ang ginagamit sa
paaralan?
A. palamig B. juice C. tubig D. glue
5. Alin sa mga sumusunod na larawan ang tama tungkol sa
molecules ng liquid?
A. B.

C D.

40
B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

6 .Alin sa mga sumusunod na liquid ang pinakamabagal


dumaloy?
A.tubig B.suka
C. juice D.condensed milk

7.Alin sa mga liquid ang pinakamabilis dumaloy?


A.toothpaste B.shampoo
C.tubig D.glue

8.Alin sa mga sumusunod ang hindi dumadaloy?


A. juice B.alcohol
C. mansanas D. lotion

9.Alin sa mga pahayag ang tama?


A. Ang liquid ay may sariling hugis.
B. Ang liquid ay hindi dumadaloy.
C. Ginagaya ng liquid ang hugis ng kanyang lalagyan.
D. Ang liquid ay may iba’t ibang hugis.

10.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?


A. tubig B. juice
C. suka D. condensed milk

41
ARALIN 5 : KATANGIAN NG GAS

Sa katapusan ng aralin ang mga bata ay inaasahang:

• Natutukoy at nailalarawan ang katangian ng Gas.

Halina!,ating simulan suriin ang katangian ng solid.


Alam ko nais at handa mo na malaman sagutan natin
ang UNANG PAGSUBOK!!

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto, MALI


naman kung kung hindi.

________1. Ang molecules ng gas ay magkakalayo kung


kaya’t hindi ito nakikita ng ating mga mata.
________2. Mayroong tiyak na hugis at kulay ang gas.
________3. Matamis ang lasa ng hangin.
________4. Ang gas ay hindi natin nakikita ngunit ito ay
nararamdaman ng ating balat.
________5. Ang hangin ay isang halimbawa ng gas na
mahalaga upang mabuhay ang tao.

42
A. Lagyan ng tsek (/) kung ang mga sumusunod ay liquid,
ekis (x) kung hindi.
________1. bato

________2. tubig

________3. kahoy

________4. alak

________5. Toyo

B. Salungguhitan ang tamang salita o mga salita sa loob ng


panaklong.

1. Ang lasa ang suka ay ( matamis, maalat, maasim)


2. Ang perfume ay may ( kanais-nais, di kanais-nais ) amoy An
asin ay may ( maanghang, maalat, matamis ) na lasa.
3. ( Makakapareho, Magkakaiba) amg amoy ng liquid.
4. Ibayong ( Pag-iingat , Pagkukumpuni ) ang kailangan upang
makaiwas sa epekto ng mabahong amoy na dala ng ibang
liquid.
5. Ang tubig ay ( mapait, matamis, walang lasa)

43
Isa ka ba sa mga batang masaya tuwing makakakita ng
makukulay na lobo? Ano kaya ang nasa loob ng lobo?

Alam mo ba na ang hangin na nasa loob ng lobo ay isang


halimbawa ng gas? Ang Gas ay isang state of matter na walang
tiyak na hugis at kumakalat dahil ang molecules nito ay sobrang
magkakalayo sa isa’t-isa. Dahil magkakalayo ang molecules nito
hindi rin ito nakikita ng ating mga mata. Ang hangin o wind ay
binubuo ng oxygen, helium, nitrogen, carbon, at iba pa.

Source: https://chem.libretexts.org
Ating tuklasin sa araw na ito ang katangian ng gas sa pamamagitan ng
pagsuri sa mga bagay sa ibaba.

lobong tinusok ng
nilagyan pumutok
walang ng hangin karayom na lobo
hangin.

Tanong:

1. Ano ang nangyayari sa lobo habang hinihipan?


44
2. Umayon ba ang hangin sa hugis ng lobo?
3. Ang hangin ba ay may hugis?

Ang hangin na lumalabas sa lobo ay halimbawa ng GAS.

Ang gas ay mga bagay na walang saktong hugis, sumusunod


lamang ito sa kanyang lalagyan. Ang gas ay hindi nakikita, hindi
nahahawakan ngunit nararamdaman. Maari itong makita kapag
ginagamitan na kemikal. Ang gas sa loob ng lobo ay tinatawag
na Helium.Ang Helium ay uri na hangin at gas na nagpapalipad
sa lobo.

Mga Halimbawa ng Gas:

LPG hangin sa loob ng bola ulap hangin sa loob ng gulong

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang larawan sa ibaba ay


halimbawa ng gas at ekis (X) naman kung hindi.

1. 2. 3.

4. 5. 6.

45
GAWAIN 2

Panuto: Ibigay ang hugis ng gas sa loob ng bawat sisidlan.

1. 2. 3.

4. 5. 6.

• Ang hangin ay gas. Hindi ito nakikita ng ating mga mata


ngunit ito ay ating nadarama ng ating balat dahil ang
molecules ng gas ay magkakalayo. Ang gas ay walang
tiyak na hugis ngunit ito ay sumusunod sa hugis ng lalagyan
o sisidlan.
Halimbawa:
Hangin sa loob ng lobo, gulong, bola at LPG o liquefied
• Ang gas ay nakakakukuha ng espasyo. Ito ay kumakalat
upang mapunan kahit maliit na lugar o espasyo
• Ang gas ay walang kulay, walang amoy, at walang
lasa.Ang mga gas gaya ng hangin ay hindi nakikita at hindi
nahahawakan pero mararamdaman kapag ito ay
gumalaw

46
PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN

ORAS NA PARA MAG EXPERIMENTO

Mga Kagamitan na kailangan:


Tissue paper, plastic na baso at bowl na may tubig

Pamamaraan sa paggawa
1. Ihanda ang basong inuman.
2. Ilagay ang tissue sa pinakailalim na bahagi sa loob ng
basong inuman upang di mahulog kapag binaligtad.
3. Lagyan ng tubig ang malaking mangkok.
4. Hawakan ang baso ng pabaligtad at mabilis na ilubog sa
tubig.
5. Bumilang ng 1-10 habang hawak ang baso na nakalubog
sa tubig.
6. Dahan-dahang alisin ang baso sa tubig. Siguraduhin na
ang baso ay pantay na nakatayo habang inaalis sa tubig.
7. Masdan. Ano ang nangyari sa tissue?

Sa isang kuwaderno, sagutin ang sumusunod:


1. Ano ang nasa loob ng baso?
2. Ano ang nangyari sa tissue?
3. Ano ang ipakikita ng gawain?

47
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto, MALI


naman kung kung hindi.

________1. Ang molecules ng gas ay magkakalayo kung


kaya’t hindi ito nakikita ng ating mga mata.
________2. Mayroong tiyak na hugis at kulay ang gas.
________3. Matamis ang lasa ng hangin.
________4. Ang gas ay hindi natin nakikita ngunit ito ay
nararamdaman ng ating balat.
________5. Ang hangin ay isang halimbawa ng gas na
mahalaga upang mabuhay ang tao.
_________6. Ang isa sa mga halimbawa ng gas ay an gating
hininga
__________7. Ang gas ay nahahawakan.
_________8. Ang hugis ng lobo ay siyang hugis din ng gas na nasa
loob nito.
_________9. Ang gas ay nararamdaman lamang sa ilang lugar sa
Pilipinas.
_________10. Ang gulong ay gumugulong dahil sa gas na nasa
loob nito.

48
Sanggunian
• Science Curriculum Guide
• Science Learner’s Material
• www.shutterstock.com
• : http:/brainly.ph

• webstockreview.net
• Learn for your life publishing www.Kid-Friendly-Homeschool-Curriculum.com
Photo credits:
•https://www.google.com/search?q=worksheets+about+evaporation+and+condensation&sxsrf=ALeKk02UNLoDui8Ae9A3g
paGXrqCD6_FYA:1590837856989&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=qrFmHTqf8KwHnM%253A%252ClTWuGe-
pY6C2JM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kSMUa7bPrIkrAKUm10o6JxyuzOHVg&sa=X&ved=2ahUKEwi3oPHqvNvpAhW9yIsBHeQjD3cQ9QEwAnoECAoQIA#imgrc=qrF
mHTqf8KwHnM

•https://www.google.com/search?q=SOLID&tbm=isch&ved=2ahUKEwi1zMDN_NjpAhVC9pQKHRfkCgYQ2-
cCegQIABAA&oq=SOLID&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECCMQJzIECCMQJzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzIECA
AQQzIECAAQQzIECAAQQzoCCABQ1P8GWP6PB2CzlgdoAHAAeACAAd4BiAG0BpIBBTAuNC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pb
Wc&sclient=img&ei=mPLQXrWgAcLs0wSXyKsw&bih=930&biw=1920#imgrc=j730cgZ2LPFQSM

https://www.thoughtco.com/examples-of-physical-changes-608336

https://www.youtube.com/watch?v=IGiGFtxBstU&t=481s

https://www.google.com/search?q=mantika+sa+1+bote&tbm=isch&ved=2ahUKEwjQy4Hs6ezpAhVByZQKHegAC14Q2-
cCegQIABAA&oq=mantika+sa+1+bote&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJ1CVqgVYmK0FYKi1BWgAcAB4AIABnwGIAa8CkgEDM
C4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=RlvbXtCQHsGS0wTogazwBQ&bih=640&biw=1334&hl=en-
GB#imgrc=IqEE_zBF2UbOXM

https://www.google.com/search?q=mantika+na+tulog+sa+1+bote&tbm=isch&ved=2ahUKEwjMpYua
6uzpAhVLEKYKHbJhB6AQ2-
cCegQIABAA&oq=mantika+na+tulog+sa+1+bote&gs_lcp=CgNpbWcQA1DogglYkZYJYN-
gCWgAcAB4AYAB0QKIAfoPkgEHMC41LjEuM5gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=p1v
bXoy2B8ugmAWyw52ACg&bih=640&biw=1334&hl=en-GB#imgrc=pzRa8834r1meZM

https://www.google.com/search?q=color+the+fruits+worksheet&tbm=isch&ved=2ahUKEwiH3_qJ2d
bpAhWMSJQKHXaIAH8Q2-
cCegQIABAA&oq=color+the+fruits+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyBAgAEB4yBggAEAUQHjo
ECAAQQzoGCAAQCBAeOgcIIxDqAhAnOgQIIxAnULjsowFYt5ukAWCaraQBaAFwAHgEgAHoAYgBpR-
SAQYwLjE1LjeYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABCg&sclient=img&ei=58DPXsfPJ4yR0QT2kIL4Bw&
bih=657&biw=1366

https://www.google.com/search?q=okra&tbm=isch&ved=2ahUKEwibkMm749bpAhUTgpQKHXyOAdI
Q2-
cCegQIABAA&oq=okra&gs_lcp=CgNpbWcQAzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6
gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJ1Cv9w
FYj5ECYLiUAmgBcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEK&sclient=img&ei=zMvPX
pv6ApOE0gT8nIaQDQ&bih=657&biw=1366

49
https://www.google.com/search?q=mantika+sa+1+bote&tbm=isch&ved=2ahUKEwjQy4Hs6ezpAhVByZQKHegAC14Q2-
cCegQIABAA&oq=mantika+sa+1+bote&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJ1CVqgVYmK0FYKi1BWgAcAB4AIABnwGIAa8CkgEDM
C4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=RlvbXtCQHsGS0wTogazwBQ&bih=640&biw=1334&hl=en-
GB#imgrc=IqEE_zBF2UbOXM

https://www.google.com/search?q=hollow+blocks&sxsrf=ALeKk003b43H47-
PRCsY6G_hFIbQ1128Hw:1590673181388&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi9qLiv19bp
AhWhLqYKHUFqCJUQ_AUoAXoECBQQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=OXGELuulvvLpCM

https://www.google.com/search?q=big+small&tbm=isch&ved=2ahUKEwjE8urP19bpAhUOdZQKHbR
CCLcQ2-
cCegQIABAA&oq=big+small&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAg
gAMgIIADICCAA6BAgjECc6BggAEAoQGDoHCCMQ6gIQJzoECAAQQ1ChpwRYo-
AEYOHiBGgDcAB4BYABsAeIAYgekgEJMC45LjYuNi0xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQo&sclient
=img&ei=Yb_PXoS-E47q0QS0haG4Cw&bih=657&biw=1366#imgrc=sb4mIXOxYzWGGM

https://www.google.com/search?q=pencil+long+short+worksheet&tbm=isch&ved=2ahUKEwiCw4zJ
2NbpAhVH6ZQKHaW_D1YQ2-
cCegQIABAA&oq=pencil+long+short+worksheet&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEB46BggAEAgQ
HlC4WFjQb2CUdmgAcAB4AIAB2wGIAcIPkgEFMC42LjSYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=i
mg&ei=X8DPXsKXJsfS0wSl_76wBQ&bih=657&biw=1366#imgrc=eAZqArCVdXXW5M

https://www.google.com/search?q=thin+and+thick+worksheet&tbm=isch&ved=2ahUKEwjB7ejR2Nb
pAhUCBaYKHbqHDdUQ2-
cCegQIABAA&oq=thin+and+thick+worksheet&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyBggAEAgQHjIG
CAAQCBAeOgQIIxAnOgcIIxDqAhAnOgYIABAFEB5Q0_wFWN_4BmCxgQdoBHAAeACAAcAFiAGZO5IBDj
AuMTkuOS4xLjEuMS4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQo&sclient=img&ei=ccDPXoHxN4KKmA
W6j7aoDQ&bih=657&biw=1366#imgrc=UNmn2R0eSeKi_M

50
Bumuo sa Pagsusulat ng Mody

Manunulat: Jocelyn A. Reamico, Jinky A. Alberto, Toni Rose A. Sagundo,


Julius O. Sapuez, Mildred B. Morallos, Roderick A. Rodriguez

Tagaguhit: Camille Ann G. Javier

Editors: Merie Girlie V. Capiral- PSDS & Dr. Philip R. Baldera

Reviewer: Rebecca M. Roxas-EPS

Management Team: Maria Magdalena M. Lim-Schools Division


Superintendent-Manila, Aida H. Rondilla-Chief Education Supervisor,
Lucky S. Carpio-EPS and Lady Hannah C. Gillo, Librarian II-LRMS

51
SAGOT SA PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

ARALIN 1

1. c 6. c
2. c 7. d
3. b 8. c
4. a 9. a
5. a 10. b

ARALIN 2
Pagkain Pagluluto Panlinis ng Pagpapa Panlinis ng Panlinis ng Pamatay
sugat/ ganda bahay katawan kulisap/
gamot peste

ketshup mantika betadine pabango bleach conditioner insecticide

juice patis alcohol lotion Dishwashing Shampoo pesticide


liquid Body wash

ARALIN 3

1. c
2. b
3. b
4. a
5. c

II-

1. tama 4. mali
2. tama 5. tama
3. tama

52
ARALIN 4

1. B
2. C
3. A
4. D
5. B
6. D
7. C
8. C
9. C
10. D.

ARALIN 5

1. Tama
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Tama
6. Tama
7. Mali
8. Tama
9. Mali
10. Tama

53

You might also like