Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

AGHAM 3
Mga Pagbabagong
Nagaganap sa Aking
Paligid

Quarter 1 Week 4 Module 1


Learning Competency: Nailalarawan at natutukoy
ang mga pagbabagong anyo na nagaganap sa solid,
liquid at gas

0
Paano Gamitin ang Karagdagang Kagamitan sa
Pagkatuto(Supplementary Learning Material)
Magandang Buhay mga Bata! Binabati kita at ikaw ay nasa
ikatlong baiting na ng iyong pag-aaral.Ang layunin ng
Karagdagang Kagamitan ng Pagkatuto sa Baitang 3 ay para
mapanatili at makamit ang antas ng edukasyon ng K to 12
Kurikulum.
Bago kang magsimulang sumagot sa mga Gawain inihanda
kailangang isantabi muna ang lahat ng mga ginagawa o
pinagkakaabalahan na makakaapekto sa ating pag-aaral
upang maging pokus ka sa ating pag-aaralan. Maisasagawa ng
maayos ito sa tulong at gabay ng mga magulang habang wala
sa paaralan ang mga bata.
1. Basahing maigi at unawain ang mga panuto isinasaad sa
bawat Gawain.
2. Isulat sa kwaderno ang mga konseptong natutunan sa
bawat aralin. Nagpapayaman ng kaalaman ang
gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang mga
araling nalinang.
3. Gumawa at makiisa ang bawat isa sa pagbuo ng mga
Gawain.
4. Subukan humingi ng tulong sa mga magulang sa
gawaing hindi naiintindihan.
Paalala: Mga “Magulang” Turuan ang mga bata upang
gabayan ang pagkatuto at malayang sumagot sa mga
Gawain. Hayaang magtuklas ng panibagong kaalaman
sa bawat Gawain at maisagawa ang pagkatuto ng bawat
mag-aaral.
5. Maging mapanuri sa mga konsepto at gamitin ang
natutunan para masagutan na may tiwala sa sarili ang
pangwakas na pagsusulit. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na

1
pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng
iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Masiyahan nawa’y sa iyong pag-aaral at magsaya sa
mga Aralin!

Bahagi ng Karagdagang Kagamitan sa Pagkatuto(Supplementary


Learning Material)
BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong
matutuhan pagkatapos makompleto ang mga aralin sa
modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng
mga bagong kaalaman at konseptona kailangang
malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng
mga dating kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang
pangkalahatang ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin
mo ng may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na
natutuhan mo ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas
ng pagkatuto sa bagong aralin

2
Aralin 6: Pagbabago ng Anyo ng Materyal mula
Liquid patungong Gas

Inaasahan
Sa katapusan ng aralin, ang mga bata ay inaasahang
magawa ang mga sumusunod:
• natutukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa
matter mula liquid patungong gas batay sa epekto ng
temperatura
• nailalarawan ang pagbabagong nagaganap sa
matter mula liquid patungong gas batay sa epekto ng
temperatura
• nakapagbibigay ng halimbawa ng mga bagay na
nagbabago ng anyo mula liquid patungong gas

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong.


Piliin ang titik na tamang sagot.
1. Ang dahilan ng pagbabago ng anyo ng matter ay________.
A. Direksyon C. Tekstura
B. Temperatura D. Laki
2. Ano ang boiling point ng tubig? _________.
A. 0 °C B. 50°C C. 100 °C D. 99°C
3. Ang ___________________ay pagpapalit ng anyo ng materyal
mula liquid  gas sa normal na temperatura.
A. Condensation
B. Evaporation
C. Sublimation
D. Melting

3
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa grupo?
A. pagtigas ng kandila pagkatapos tanggalin sa apoy
B. singaw mula sa pinapakuluang tubig
C. pagkatuyo ng kalsada dahil sa init mula sa araw
D. pagkatuyo ng rubbing alcohol sa kamay
pagkalipas ng ilang Segundo/minuto
5. Sa anong paraan tumataas ang temperatura ng tubig?
A. pagpapalamig sa tubig
B. pag-iinit o pagpapakulo sa tubig
C. pagsasalin sa isang lagayan
D. pagbubukas sa gripo

Balik-tanaw

Simula ng maapektuhan ang ating pamumuhay dulot ng


Corona Virus Disease-19 o mas kilala sa tawag na COVID-19 ay
mas naging maingat tayo sa ating kalusugan at natuto ng iba’t
ibang paraan upang maka iwas sa pandemyang ito.

Ilan sa mga dapat mong gawin ay ang palaging


paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon, at
ang paggamit ng rubbing alcohol. Ang tubig at rubbing alcohol
ay mga halimbawa ng solido, likido o gas? Tama, ang mga ito ay
likidong bagay. Ngunit natanong mo ba sa iyong isipan kung
bakit pagkatapos mong gumamit ng rubbing alcohol ay bigla na
lamang ito nawawala o naramdaman mo na hindi na basa ang
iyong mga kamay? Natanong mo ba kung bakit pagkatapos
mong maghugas ng mga kamay ay unti-unti itong natutuyo?

4
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang mga likido katulad ng tubig ay may kakayahang


magbago ng anyo. Kaya nitong maging solid, liquid at gas sa
tulong ng pagbaba o pagtaas ng temperatura. Sa aralin na ito
malalaman mo ang pagbabago mula liquid patungong gas
batay sa epekto ng temperatura.
Ang proseso ng pagpapalit ng anyo ng matter mula liquid
patungong gas ay tinawag na evaporation.
Halimbawa: alcohol at acetone; ang alcohol, pag inispray o
nilagay mo ito sa iyong kamay ito ay nasa anyo ng liquid, ngunit
pagkalipas ng ilang minuto, nawawala ang pagiging liquid nito
dahil ito ay nasa anyo na ng gas sa normal lamang na
temperatura. Ang acetone, na karaniwang ginagamit sa paglilinis
ng kuko ay isa rin halimbawa ng matter na nasa anyong likido
ngunit nagiging gas dahil sa epekto ng normal na temperatura.
Ang boiling o pagpapakulo ng tubig ay mabilis na paraan ng
pagpapalit ng matter mula liquid patungong gas kung saan ikaw
ay nagdadagdag ng init. Ang tubig ay may boiling point na 100
°C.

BABALA: Ang ilang liquid ay hindi dapat isalang sa apoy!


Maaari itong maging sanhi ng sunog at panganib sa
kalusugan.
Ang proseso naman ng pagpapalit ng anyo ng matter mula
gas pabalik ng liquid ay tinatawag na condensation. Ito ang
reverse process o kabaligtaran ng evaporation. Ang proseso ng
condensation ay pagbabawas ng init o temperatura, kung kaya’t
ang mainit na gas ay nagiging liquid ulit.

5
Gawain
Gawain 1: Taas o Baba
Panuto: Isulat sa patlang kung evaporation o condensation ang
pagbabagong nagaganap sa mga larawan at kung paano ang
proseso nito.

Gawain 2
Panuto: Basahin nang mabuti ang sitawasyon at sagutan ang
mga mga susunod na tanong.
Alas 12:00 ng tanghali at uwian na nila Jessa nang biglang
bumuhos ang ulan, ngunit hindi ito nagtagal. Napansin niya na
basa ang kalsada pagkatapos ng ulan. Hindi nagtagal sumikat
ulit ang araw at nakita niya unti-unting natutuyo ang basang
kalsada.
Tanong:
1. Sino ang nakapansin na basa ang kalsada?
2. Ano ang dahilan ng pagkabasa ng kalsada?
3. Bakit kaya unti-unting natuyo ang basang kalsada?

6
Gawain 3 Tayoy Mag-imbistiga
Layunin: Nailalarawan ang mangyayari sa tubig habang
tumataas ang temperatura o habang naiinitan ang tubig.
Kagamitan: baso, tubig, pangguhit/pananda
Pamamaraan:
1. Lagyan ng tubig ang basong inuman. Markahan ayon sa
antas ng dami ng tubig sa loob.
2. Ilagay ang baso na may tubig sa ilalim ng init ng araw sa
loob ng 15 minuto. Tingnan at pag-aralan kung ano ang
mangyayari sa tubig.

3. Markahan muli ang lebel ng tubig sa llon nito.


b. May nakita ba kayong pagbabago sa antas ng dami mg
tubig?
c. Ano ang nangyari sa dami ng tubig?
d. Ano ang ipinalkikita sa gawaing ito?
e. Ano ang epekto ng sikat ng araw sa tubig?

7
Tandaan
• Tuad ng solid at gas, ang likido ay may kakayahang
magbago ng anyo kapag ito’y naiinitan, isinasalang sa
apoy o nagbabago ang temperatura.
• Evaporation- tawag sa proseso ng pagpapalit ng anyo ng
matter mula liquid patungong gas.
• Ang tubig ay may boiling point na 100 °C.
• Condensation- tawag sa proseso ng pagpapalit ng anyo ng
matter mula gas pabalik ng liquid.
• Ang proseso ng condensation ay pagbabawas ng init o
temperatura, kung kaya’t ang mainit na gas ay nagiging
liquid ulit.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Panuto: Ibigay ang maaaring mangyari sa mga sumusunod na


liquid batay sa sitwasyon. Isulat sa loon ng kahon ang sagot.

Pinakuluan sa
loob ng 20-30
minuto

tubig na pinapakuluan

Maghapong
pagbilad sa
ilalim ng sikat
ng araw

mga basang kasuotan

8
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik na
may pinakatamang sagot.
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod. Piliin ang titik
ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang naiiba?
A. tubig C. bote
B. lapis D. upuan
2. Bakit mabilis na natutuyo ang mga kalsada pagkatapos ng
katamtamang ulan?
A. dahil sa init na nagmumula sa araw
B. dahil sa mababang temperatura ng araw
C. dahil malamig ang ihip ng hangin
D. dahil sa mga sasakyang dumadaan
3. Alin sa mga sumusunod ang nakakaapekto sa pagbabago
ng anyo ng liquid patungong gas?
A. hugis
B. kulay
C. temperatura
D. tekstura
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa grupo?
A. sapatos
B. acetone
C. rubbing alcohol
D. kumukulong tubig
5.Ano ang tawag sa pagbabago ng anyo ng liquid
patungong gas?
A. condensation
B. melting
C. evaporation
D. freezing

9
Aralin 7: Pagbabago ng Anyo ng Materyal mula
Solid patungong Gas

Inaasahan
Sa katapusan ng aralin, ang mga bata ay inaasahang
magawa ang mga sumusunod:
• natutukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa
matter mula solid patungong gas batay sa epekto ng
temperatura
• natutukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa
matter mula solid patungong gas batay sa epekto ng
temperatura
• nakapagbibigay ng halimbawa ng mga bagay na
nagbabago ng anyo mula solid patungong gas

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pagbabago ng anyo ng matter mula solid patungong
gas ay _________.
a. Evaporation
b. Condensation
c. Melting
d. Sublimation
2. Anong pagbabagong nagaganap kung ang solid air
freshener ay unti-unting lumiliit?
A. mula solid patungong gas
B. mula gas patungong solid
C. mula liquid patungong gas
D. mula solid patungong liquid

10
3. Ano ang iyong napapansin sa naphthalene ball pagkatapos
ilagay sa loob ng cabinet sa loob ng dalawang linggo?
A. mas lumaki ito
B. lumiit ito kumpara sa orihinal na laki nito
C. naging liquid ito
D. walang pagbabagong naganap
4. Ano ang tawag sa pagbabagong nagaganap sa matter
mula gas patungong solid?
A. Melting
B. Condensation
C. Deposition
D. Evaporation
5. Ang normal room temperature ay nasa pagitan ng ________.
A. 0 °C-15 °C
B. 15°C-25°C
C. 40 °C-60 °C
D. 60 °C-100 °C

Balik-tanaw

Panuto: Lagyan ng tsek () kung ang pahayag ay tama, ekis


() naman kung hindi.
___1. Tumataas ang temperatura ng tubig kapag ito’y
naiinitan.
___2. Nagiging gas o vapor ang tubig kapag ito’y kumulo.
___3. Lalong dumami ang alcohol sa kamay pagkalipas ng
isang minuto.
___4. Walang epekto ang pagpapakulo sa temperatura ng
tubig.
___5. Walang pagbabagong magaganap sa mga basang
damit isampay ito sa ilalim ng sikat ng araw.

Maikling Pagpapakilala ng 11
Aralin
Masdan at obserbahan ang mga larawan.

Bago pa at hindi pa Nasa 2 linggo nang


nabubuksan nakabukas

Tanong:

- Ano ang iyong napansin?


- May nakita ka bang pagbabago sa kaanyuan ng
naphthalene ball/solid air freshener?
- Ano ang sinasabi ng nakita mo?
- Ano ang epekto ng temperatura sa naphthalene ball/solid
air freshener?

12
Ang prosesong ito ay tinatawag na sublimation kung saan
ang solid ay nagiging gas sa pagdaan ng panahon sa ilalim ng
isang room temperature. Ang room temperature ay temperatura
kung saan hindi ito malamig o kaya ay mainit.

Deposition naman ang reverse process ng sublimation kung


saan ang matter ay nagpapalit na anyo mula gas patungong
solid. Ito ay nangyayari kung ang gas ay mailalagay sa may
napakalamig na sa lugar.
Halimbawa, kapag binuksan ang freezer, mapapansin mong
may tila malamig na usok na lumalabas. Sa tindi ng lamig sa loob
ng freezer, ang malamig na usok na iyon ay nagiging froze na
dumidikit sa gilid ng freezer.

Gawain

Gawain 1: Sino Ako?

Panuto: Tukuyin kung anong proseso ang inilalarawan ng mga


sumusunod at isulat kung paano ang proseso nito.

solid to gas

gas to solid

Gawain 2

13
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto, Mali kung
hindi.
___1. May pagbabagong nagaganap sa naphthalene
balls/scented gel habang matagal itong nakatago sa
cabinet
___2. Naging liquid ang naphthalene balls/scented gel nang ito’y
ilagay sa loob ng cabinet sa loob ng isang linggo
___3. Naging gas ang naphthalene balls/scented gel nang mag-
iba ang temperatura
___4. Ang naphthalene balls/scented gel ay isang uri ng gas na
naging liquid habang tumatagal.
___5. Walang nagbago sa bukas na naphthalene balls/scented
gel nang ito’y ilagay sa loob ng cabinet sa matagal na
panahon.

Gawain 3: Halina’t Magbasa


Panuto: Basahin nang mabuti ang teksto. Sagutan ang mga
susunod na katanungan pagkatapos basahin.

Sa Bahay ni Ninang Mila


Miyerkules ng umaga, pumunta kami ni mama sa bahay ni
ninang Mila. Agad akong nagmano kay ninang pagkarating sa
bahay nila.
Pagpasok sa bahay nila may naamoy akong napaka bango
na parang bulaklak. Tinanong ko si ninang kung ano ang napaka
bangong naaamoy ko. “Iyon Nilo, iyon yung mabangong
naaamoy mo, maliit na iyan kumpara sa dati,” sabi ni ninang.
Nakita ko ang solidong air freshener sa ibabaw ng maliit na
lamesa sa kanilang sala, maliit na ito ngunit nananatiling
mabango.
Tanong:

14
1. Sino ang pinuntahan ni Nilo at ng kanyang mama?
2. Kailan sila nagpunta sa bahay ni aling Mila?
3. Anong solidong bagay ang naamoy ni Nilo?
4. Anong pagbabagong naganap sa air freshener?
Ipaliwanag ang sagot.

Tandaan

• Sublimation- ang direktang pagbabago ng anyo mula solid


patungong gas sa normal na temperatura.
• Ang air freshener, naphthalene ball at bathroom deodorizer
ay mga halimabawa ng solid na nagiging gas kung saan
hindi na ito dumadaan sa pagiging liquid.
• Ang room temperature ay temperatura kung saan hindi ito
malamig o kaya ay mainit.
• Deposition- ang tawag sa reverse process ng sublimation
kung saan ang matter ay nagpapalit na anyo mula gas
patungong solid.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Gawain: Iguhit o Gupitin mo Ako


Panuto: Gumuhit o gumupit ng mga larawang may
pagbabagong nagaganap mula solid patungong gas.
Ipaliwanag kung bakit at ano-ano ang dahilan ng pagbabago
nito ng anyo.

Solid Patungong15Gas (Sublimation)


Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagbabago mula solid patungong
gas?
A. mantika B. solid air freshener C. gatas D. sabon
2. Bakit naaamoy ang bango na nanggagaling sa solid air
freshener sa normal na temperatura?
A. dahil unti-unti itong nagiging gas
B. dahil dumadaloy ito
C. dahil binababad ito sa tubig
D. dahil hindi pa ito nabubuksan

3. Anong mangyayari sa solid air freshener kapag inilagay sa loob


ng kwarto?

16
A. liliit
B. magiging liquid
C. mas lalaki ang hugis
D. walang pagbabago
4. Ano ang tawag sa pagbabago ng anyo ng matter mula solid
patungong gas?
A. sublimation B. evaporation C. condensation D. deposition
5. Ito ay ang pagbabago ng anyo ng matter mula gas
patungong solid?
A. sublimation B. evaporation C. condensation D. deposition

Aralin 8: Mga Pagbabagong Nagaganap sa Solid


kapag Nainitan
Inaasahan
17
Sa katapusan ng aralin, ang mga bata ay inaasahang
magawa ang sumusunod:
• Nasasabi ang pagbabagong nagaganap sa mga
solid kapag ito’y naiinitan.

Unang Pagsubok

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng


pangungusap at Mali naman kung hindi.
___1. Ang naphthalene ball ay naging liquid sa normal
temperature.
___2. Lalong tumigas ang kandila nang isalang ito sa apoy.
___3. Ang tsokolate ay isang uri ng liquid ngunit naging solid
nang ito’y mainitan.
___4. Ang pagbabago sa temperature ay nakakaapekto sa mga
bagay sa paligid.
___5. Ang pagliit ng bathroom deodorizer ay sanhi ng pagbaba
ng temperatura.

Balik-tanaw

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

18
Evaporation Sublimation Deposition
Melting Temperature Solidification

1. Ang ___________ ay pagbabago ng anyo mula liquid


patungong gas.
2. Ito ay nakakaapekto sa pagbabago ang anyong na matter.
3. ____________ ang tawag sa pagbabago ng solid patungong
gas.
4. Ang ____________ ay pagbabago mula gas patungong solid.
5. ____________ ang tawag sa pagbabago ng anyo ng matter
mula solid patungong liquid.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Mas mabilis ang pagbabagong nagaganap sa ibang solid


kapag ito ay naiinitan.
Halimbawa: Ang kandila kapag sinindihan, ito ay mabilis na
liliit. Ang butter o mantikilya kapag nilagay sa init ay mabilis na
natutunaw. Ang naphthalene ball kapag nainitan sa ilalim ng
sikat ng araw ay mas mabilis na liliit.

Gawain

19
Gawain 1: Panuto: Basahin nang mabuti ang teksto. Sagutan ang
mga tanong pagkatapos basahin ang teksto.
Ang anak ni Aling Cora ay magdiriwang ng
kanyang ika-walong kaarawan kaya naman siya
ay gumawa ng cake para dito. Pagkatapos
gumawa, ay agad syang nagpunta sa
tindahan upang bumili ng 8 kandila, bawat
isang kandila ay nagkakahalaga ng Php 5,
magkano kaya lahat ang kandilang binili ni Aling Cora?

Tanong:
Ano kaya ang mangyayari sa kandila kapag ito ay sinindihan ng
matagal?
Magbabago kaya ang anyo ng kandila?

Gawain 2: Ano ang Mangyayari sa Naphthalene Ball Kapag


Nainitan?
Layunin:
a. Nailalarawan ang nangyari sa naphthalene ball kapag
nainitan.
Kagamitan:
maliliit na piraso ng naphthalene ball
2 magkaparehong may kulay na platito
piraso ng bato
piraso ng damit
sinulid
plastic na kutsara
face mask
20
Pamamaraan:
1. Kumuha ng isang piraso ng naphthalene ball. Ilagay sa isang
kapirasong damit.

Babala: Agad maghugas ng kamay pagkatapos


humawak ng naphthalene ball. Maaari din gumamit ng
gloves sa pagsasagawa nito.

2. Ibalot ito sa damit at itali ang magkabilang dulo ng sinulid.

3. Durugina ang naphthalene ball sa maliliit na bahagi sa


pamamagitan ng bato.

Babala: Gamitin ang face mask sa pagdurog ng


naphthalene ball dahil maaaring ikaw ay mahilo.

4. Gamit ang kutsara, hatiin ang durog na naphthalene ball sa


dalawang bahagi.

21
Ilagay ang kalahating durog naphthalene ball sa platito at
ang isa pang kalahati ay sa ikalawang platito.

a. Nasa anong anyo ang naphthalene ball (solid, liquid,


gas?)

5. Ilagay ang isang platito sa loob ng silid. Ang ikalawang


platito ay ilagay sa labas ng silid na nasisikatan ng araw.
6. Pagkalipas ng 10 minuto, tingnan at suriin ang naphthalene
ball sa una at ikalawang platito. Ilarawan ang iyong
obserbasyon.
a. Ano ang iyong napansin?
b. May pagkakaiba bas a anyo ng naphthalene ball sa
dalawang platito? Kung meron, ano ang pagbabagong
napansin mo?
c. Ano ang epekto o dulot ng init sa naphthalene ball?

Tandaan

22
Ang mga solid na bagay ay
nagbabago ng anyo. Ang ibang solid na
bagay ay mas mabilis na nagbabago ng
anyo kapag ito ay naiinitan.
t l t t

Pag-alam sa mga Natutuhan

Panuto: Tukuyin ang pagbabagong magaganap sa mga


larawan. Iguhit sa loob ng kahon ang kalalabasan nito
pagkatapos magbago ng anyo.

Nbinalikan mo ang
ice cream sa mesa
pagkatapos ng 1
oras

inilagay sa loob ng
kabinet sa loob ng
3 linggo

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Isulat ang masayang mukha () kung ang pahayag ay
wasto, malungkot na mukha () naman kung hindi.
___1. Unti-unti naging gas ang moth ball kaya ito’y lumiit.

23
___2. Mas mabilis na lumiit ang naphthalene ball nang ito’y
mainitan.
___3. Ang keso ay isang uri ng liquid ngunit naging solid nang ito’y
mainitan.
___4. Ang pagbabago sa temperature ay nakakaapekto sa mga
bagay sa paligid.
___5. Walang nangyari sa kandila nang sindihan ito sa loob ng 10
minuto.

Acknowledgements

Writers: Mary Jean R. Martinez , Jean E. Villanueva ,Mildred B. Morallos


Jinky A. Alberto
Editors: Dr. Philip R. Baldera, PSDS , Merie Gerlie V. Capiral, PSDS
Reviewer: Rebecca M. Roxas, EPS
Management Team: Maria Magdalena M. Lim, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, Chief Education SupervisorLucky S. Carpio, EPS
Lady Hannah C. Gillo, Librarian II-LRMS

24
Susi sa Pagwawasto

Aralin 6 Aralin 6 Aralin 7


Unang Pagsubok Pangwakas na Unang Pagsubok
Pagsususlit
1. B 1. A 1. D
2. C 2. A 2. A
3. B 3. C 3. B
4. A 4. A 4. C
5. B 5. C 5. B

Aralin 7 Aralin 7 Aralin 8


Balik-tanaw Pangwakas Unang Pagsubok
Pagsusulit na Pagsusulit
1.  1. B 1. Mali
2.  2. A 2. Mali
3. x 3. A 3. Mali
4. x 4. A 4. Tama
5. x 5. D 5. Mali

Aralin 8 Aralin 8
Balik-tanaw Pangwakas
na Pagsusulit
1. evaporation 1. 
2. temperature 2. 
3. sublimation 3. 
4. depositon 4. 
5. melting 5. 

25
Sanggunian:
• Science 3 MELCs
• Science 3 Curriculum Guide
• Science 3 Learner’s Material
Photo credits:
AllTheTests.com “Changes in Matter” accessed June 8, 2020
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.allthetests.com%2Fquiz32%2Fquiz%2
F1446237311%2FChanges-in-Matter-quiz&psig=AOvVaw2MVZap-
htBr7Chby1WIB4J&ust=1591591495537000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLDJps
_y7ukCFQAAAAAdAAAAABAV

Lumen learning “The Ideal Gas Law” accessed June 8, 2020


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fcourses.lumenlearning.com%2Fphysics
%2Fchapter%2F13-3-the-ideal-gas-law%2F&psig=AOvVaw2u2egIdHGXN-
3ZrBNzethm&ust=1591592152781000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPCx3Ib1
7ukCFQAAAAAdAAAAABAe

Sciencing “Examples of Evaporation and Distillation” accessed June 8,2020


https://www.google.com/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Fphotos.demandstudios.com%2Fget
ty%2Farticle%2F240%2F45%2F156863628.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fsciencing.com
%2Fexamples-evaporation-distillation-
23412.html&tbnid=NO8Y4SWbMQE5lM&vet=12ahUKEwiiqYqPz-
vpAhVWAaYKHUDLBJEQMyhHegQIARBk..i&docid=lRoN6BWNtX05AM&w=2122&h=1415&
q=examples%20of%20liquid%20to%20gas&hl=en-GB&ved=2ahUKEwiiqYqPz-
vpAhVWAaYKHUDLBJEQMyhHegQIARBk

Clipart Art “clipart kettle” accessed June 8,2020


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fclipartart.com%2Fcategories%2Fcli
part-kettle.html&psig=AOvVaw1kyomKcv2enac9QqW0yp--
&ust=1591737256928000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPCWwMGR8-
kCFQAAAAAdAAAAABAJ

Stockphoto “sun drying” accessed June 8,2020


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.123rf.com%2Fstock-
photo%2Fsun_drying.html&psig=AOvVaw31glWkwjUPEhK4jLWoPTUT&ust=159173673975
2000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPjprtaP8-kCFQAAAAAdAAAAABAJ
Siyavula “Separating Mixtures” accessed June 8,2020
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fwww.siyavula.com%2Fread%2Fs
cience%2Fgrade-7%2Fseparating-mixtures%2Fimages%2Fgr7mm02-gd-
0022.png&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.siyavula.com%2Fread%2Fscience%2Fgrade-
7%2Fseparating-mixtures%2F07-separating-mixtures%3Fid%3Dtoc-id-
4&tbnid=0hEMRMv69sTiaM&vet=12ahUKEwiiqYqPz-
vpAhVWAaYKHUDLBJEQMygNegUIARDCAQ..i&docid=7Tx9xi3g7SxRNM&w=500&h=368&
q=examples%20of%20liquid%20to%20gas&hl=en-GB&ved=2ahUKEwiiqYqPz-
vpAhVWAaYKHUDLBJEQMygNegUIARDCAQ

26
Advergize “Sublimation examples everyday” accessed June 8,2020
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fadvergize.com%2Fedu%2Fsublimat
ion-examples-everyday-
life%2F&psig=AOvVaw0M3NUAVIzwT4ZpE7jknYlZ&ust=1591480490734000&source=image
s&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPj6rYLV6-kCFQAAAAAdAAAAABAD

Wikipedia “Mothball” accessed June 8,2020


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fen.wikipedia.org%2Fwiki%2FMothball&p
sig=AOvVaw1RR0ceTHTTcKtnwUIhUQkq&ust=1591481493702000&source=images&cd=vfe&ve
d=0CAIQjRxqFwoTCODs9ZjZ6-kCFQAAAAAdAAAAABAJ

Sidhagharpe “naphthalene balls” accessed June 8,2020


https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fdemo.sidhagharpe.com%2Fproduct%2Fn
aphthaleneballs%2F&psig=AOvVaw0xjHC2dhEtFwFcFTjfmNvu&ust=1591579423519000&source
=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOCdj8jF7ukCFQAAAAAdAAAAABAp

Home Garden “naphthalene ball moth ball” accessed June 8, 2020


https://sites.google.com/site/lh891i7n/HomeGarden/naphthalene-ball-moth-ball

Clipartbarn “cake clipart” accessed June 9, 2020


https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fclipartbarn.com%2Fcake-clip-
art_40164%2F&psig=AOvVaw3uD2kqjznGLJMJ9lf4ukQh&ust=1591792483670000&source=imag
es&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCICjuajf9OkCFQAAAAAdAAAAABAb

Clipartstation “bowl of ice cream clipart” accessed June 9, 2020


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fclipartstation.com%2Fbowl-of-
ice-cream-clipart-
1%2F&psig=AOvVaw0tPU7RkLoW2F0MpbTmOCed&ust=1591794704536000&source=i
mages&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKiu5s3n9OkCFQAAAAAdAAAAABAk

27
28

You might also like