Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang epikong ito ay tungkol sa paglalakbay ng sampung datu ng Borneo papunta sa kapatagan ng Panay.

Sa katunayan, ang Borneo (Bisya/Bisaya) ng mga panahong iyon ay pinamumunuan ng isang masama at
sakim na si Sultan Makatunao.

Isang araw, napag-alaman ng isang datu na balak gawan ng masama ng sultan ang kanyang asawa kaya
tinangka nilang manlaban. Samantala, nang malaman ni Datu Sumakwel (isang magaling na Datu) ang
kanilang binabalak, agad itong nagdalawang isip at sumangguni kay Datu Puti (punong ministro ni
Makatunao). Sa kadahilanang hindi nila kayang talunin ang pwersa ni Makatunao, bukod doon ay marami
na rin ang namatay, kaya napag desisyunan nila na umalis at mamuhay sa ibang lugar.

Sa pamumuno ni Datu Sumakwel at Datu Puti, ang sampung datu kasama ang kanilang pamilya at mga
katulong ay naglayag papunta sa pulo ng Aninipay (Panay). Pagkatapos ay nakilala nila rito ang hari ng
Aninipay na si Marikudo (isang Ati) at kanilang binili ang mga lupain upang kanilang gawing tirahan gamit
ang gintong salakot at gintong batya.

Agad naman itong ibinigaay ng mga Ati sa Bisaya maging ng kanilang mga bahay at sila ay nanirahan sa
kabundukan. Sunod ay madaling inihatid ni Datu Puti ang mga datu sa kani-kanilang lupain upang
paunlarin ito at bumalik sa Borneo para iligtaas p ang ibang Bisaya sa kamay ng malupit na Sultan.

You might also like