Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Paksa: Epekto sa katawan ng mga pagkaing proseso tulad ng de lata, instant noodles at iba pa

Likas na sa ating mga Pilipino ang kahiligan sa pagkain. Dahil dito, hindi na natin masyadong
napapahalagahan kung ano ba ang masusustansya at nakasasama sa ating katawan. Ang mahalaga
lamang ay ito ay masarap at tayo ay nabubusog. Sa panahon ngayon, wala na tayong oras upang
maghanda ng masusustansyang pagkain sapagkat mas tinatangkilik natin ang mga prosesong pagkain o
ang tinatawag na ‘instant food’ dahil ito ay mas mura at mas madaling lutuin.

Ngunit, ano nga ba ang mga na-prosesong pagkain? Ito ang mga pagkain na karaniwan nating
nakikita sa mga tindahan at grocery store na kaunting init lamang, ay maaari na nating kainin. Ang mga
ito ay nakatutulong sa atin ngayon dahil na rin sa labis na kawalan ng oras upang maihanda at mailuto
natin ang ating nais kainin. Sa kasamaang palad, ang mga pagkaing “instant” ay kadalasang kulang sa
nutrisyon at taglay din nito ang mga sangkap na maaaring makasama rin sa atin. Kaya naman, kung
mapaparami ang ating pagkonsumo sa ganitong uri ng pagkain, hindi malayong magkaroon tayo ng
problema sa kalusugan.

Ayon sa KalusuganPH, narito ang mga masasamang epekto ng madalas na pagkain ng mga na-
prosesong pagkain:

1. Problema sa bato

Ang mga pagkain ‘instant’ ay may mataas na lebel ng sodium, phosporus, at iba't ibang artipisyal
na pampalasa. Ang madalas na pagkonsumo ng mga sangkap na ito ay maaaring magdulot ng pamumuo
ng bato na maaaring magdulot sa pagbara ng daluyan ng ihi.

2. Altapresyon

Ang mineral na sodium na mataas din sa mga instand food at kung tataas ng husto ang lebel nito
sa ating katawan, ay tataas din ang presyon ng dugo, at maranasan ang kondisyon na altapresyon. Ang
kondisyong ito ay hindi biro sapagkat kung mapapabayaan, maaari din itong humantong sa atake sa
puso.

3. Malnutrisyon

Kung aasa tayo nang husto sa mga ganitong uri ng pagkain, posibleng hindi matapatan ang pang-
araw-araw na sustansyang kailangan ng katawan dahil limitado lamang ang mga bitamina, mineral, at
iba pang sustansya na matatagpuan sa mga instant food.

Pagdating naman sa pag-uulam ng de-lata, isa sa panganib na dulot nito sa ating kalusugan ay
ang kemikal na Bisphenol A na maaring makaapekto sa ating hormone. Nilalagay ito sa lining ng de-lata
at nagsisilbing pangprotekta upang di mapunta ang metal at aluminum sa pagkain. Delikado ang pagkain
ng de-lata kung buntis dahil maaari nitong maapektuhan ang reproductive system ng sanggol.

Nahuhumaling din ang tao kung mas mapula ang kulay ng karne, ngunit tanda ito na mas
maraming preservatives ang nakalagay dito. Hindi naman masama kumain ng mga de-latang pagkain
ngunit kung ito'y aaraw- arawin, maaari itong magbunga sa hypertension o obesity, maging ang chronic
poisoning o ang dahan-dahang paglason sa iyong katawan. Nagdudulot din ito ng kanser at apektado
nito ang lahat ng parte ng katawan.

Payo ng mga eksperto na tignang mabuti ang label ng isang produkto. Kung marami itong
sangkap na kemikal, maghinay-hinay na sa pagkonsumo nito dahil gaano man ito kasarap, iba na rin ang
nag-iingat dahil nasa huli pa rin ang pagsisisi.

You might also like