Professional Documents
Culture Documents
Balagtasan
Balagtasan
Balagtasan
ARALIN I
BALAGTASAN AT KASAYSAYAN NITO
I. PANIMULA
Ang pagtatalo sa mga bagay-bagay nan a uukol sa iba’t ibang isyu (issue) ay
nakasanayan na natin. Sa magkakaibigan, magkakapamilya, magkakilala man o hindi ay
madalas na magtalo dahil sa pagkakaiba ng pananaw at paniniwala. Sa araling ito ay
matutunghayan ang isang uri ng panitikan ng pagtatalo. Halina’t tuklasin ito.
II. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
nakapagbibigay hinuha kung papaano makatutulong upang mapanatiling buhay
ang diwa ng Balagtasan sa mga kabataan; at
nakikilala ang mga pahayag na nagsasaad ng kawastuhan
Simulan Natin!
Gawain 1
1
B. Pagsusuri
Sa Tingin Mo?
Gawain 2
C. Paghahalaw
Kahulugan:
Ang Balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol
sa isang paksa. Hinango ang katawagang ito sa pangalan ni Francisco “Balagtas”
Baltazar na siyang tinaguriang “Ama ng Balagtasan”.
Ito ay naghahayag ng mga saloobin at pangangatwiran sa pamamagitan ng
mga salitang may tugmaan. Itinuturing na sining ang balagtasan dahil hindi
lamang sining ng pagbigkas ang nabibigyang-pansin ng mga manonood sa mga
nagtatalo kundi maging ang kanilang masining na kumpas ng mga kamay at
ekspresyon ng mukha. Maging ang paraan ng kanilang ginagawa habang
nagpapalitan ng matuwid na katwiran.
Kasaysayan:
Marso 28, 1924 – Nagkaroon ng pagpupulong sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa
Instituto de Mujeres sa Tayuman, Tondo ang Akademya ng Wikang Tagalog
kaugnay sa gaganaping pagdiriwang ng kaarawan ni Francisco Balagtas.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod na mga makata at manunulat:
Lope K. Santos- nagmungkahi na magsagawa ng isang
makabagong Duplo upang maging katangi-tangi ang gagawing
parangal kay Francisco Balagtas ngunit pinuna ng karamihan
dahil walang paksang tinutungo ang isang Duplo
Patricio E. Dionisio- nagmungkahi na hanguin ang pangalan na
ipampapalit sa Duplo ay Balagtas; bagamat si Dionisio ang
nagmungkahi nito, kay Jose N. Sevilla napunta ang
karangalan.
Jose Corazon de Jesus- Unang naging Hari ng Balagtasan
- Kilala bilang Huseng Batute
- Makailang ulit na silang nagkalaban ni Collantes sa
iba’t ibang paksang tulad ng “Ginto at Bakal” at
“Demokrata at Nasyonalista” at ditto sa huling paksa ay
tinalo ni Collantes si Jose Corazon de Jesus
Florante Collantes- Kilala sa bansag na Kuntil-Butil
Iñigo Ed. Regalado
Teodoro E. Gener
Jose N. Sevilla
2
Noong Abril 6, 1924, apat na araw pagkatapos ipagdiwang ang Araw ni
Balagtas ay ginanap ang kauna-unahang balagtasan. Isang pagtatalong may iskrip
na inihanda ang bawat sasabihin ng tagapamagitan at ng dalawang magtatalo. Ito
ay nasa paraang patula. Pagkatapos mabuo ang iskrip ay ipinabigkas ito sa ilang
piling mambibigkas ng tula. Lubusang hinangaan ng mga tagapakinig sina Jose
Corazon de Jesus na lalong kilala sa tawag na Huseng Batute at Florentino
Collantes na mas kilala sa bansag na Kuntil-Butil.
Dahil isa lamang sa kanila ang dapat hiranging “Hari ng Balagtasan”,
napagpasyahan ng komite na nagtatag ng balagtasan na magdaos ng isa pang
pagtatalong patula nang walang iskrip. Ginanap ito noong Oktubre 1925 sa
Maynila. Dahil sa kahusayang humabi ng mga salita, bumigkas nang may hagod
at aliw-iw, at pagpili ng mga salitang may sukat at tugma ay napagpasyahang si
Jose Corazon de Jesus ang itinanghal na kauna-unahang “Hari ng Balagtasan”.
D. Aplikasyon
Isulat Mo…
Gawain 3
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
3
E. Pagtataya
Sagutan…
Gawain 4
F. Kasunduan
Basahin ang isang halimbawa ng Balagtasan:
LAKANDIWA:
Mga minamahal kong tagapakinig
Mula ditto at saang sulok ng daigdig
Halina kayo, ating pag-ispan at suriin
Ang Batas Militar ba’y dapat tanggapin
O ‘di na ito dapat pang bigyang-pansin
At sa ating pakikinig nang taimtim
Ang katanungang ito ay sasagutin
4
PANIG:
Ako ay lubos na nagpapasalamat
Nang isang umaga sa aking pagmulat
Magandang araw ang siyang sumikat
Ang sagot sa mga tanong kong umuurirat
Sa aking bayan, ano ba ang nararapat?
Katahimikan ay makamtan nang ganap
Akong natatakot sa sagot ay nag-aapuhap
Mandi’y ang pag-asa’y tila aandap-andap
KONTRA:
O aking katunggali, tila ako ay iyong sinampal
Sa papuri mo sa Batas Militar ako’y nagimbal
Hindi mo ba alam, ito’y magiging kakambal
Ng mga kalabisang bawal na bawal
Anong katahimikan ang tinuran mong ganap?
‘di dahil payapa sa ‘yong lugar at hinagap
Ay walang Batas Militar na sa iba’y nagpahirap
Dahil balita’y sinasala kaya’t wala kang nasagap.
At ‘di dahil di ka sinaktan kaya’t di ka makausap,
Paano naman ang iba na bugbog sa pahirap?
PANIG:
Sa iyong tinuran aking magiting na kalaban,
Ang iyong kaalaman ba ay hanggang saan?
Iba noon, iba ngayon, ito’y iyong pag-isipan.
Kung noon ang Batas Militar ay kamalian,
Ang sa pang-ngayon ay kailangang-kailangan.
Kitang-kita natin na may rebelyon naman,
Sa marahas na pananakop sa isang bayan.
Kaya nararapat lamang na proteksiyonan
Ang higit na kapakanan ng mga taong-bayan.
Puksain ang terorismo sa ano mang paraan
5
Dahil sa mundo natin, sila’y walang puwang.
Sadyang malagim ang paghasik ng kasamaan
Kaya ang kamay na bakal ay nararapat lamang
Upang ang mas masahol pa ay maagapan.
KONTRA:
Ang Batas Militar wari ko’y hindi nararapat
Dahil napakarami ng batas na totoong sapat.
Ipairal lamang ang mga ito nang buong tapat,
Tingnan ko lang kung indi sumunod ang lahat.
Kahit kalian, ang tamang proseso ang dapat
Dahil ito ang sinasabi ng batas para sa lahat
PANIG:
Ang Batas Militar ay nasa tumpak na paraan
Na nasulat sa Saligang Batas ang katotohanan
Ngunit tandaan, higit sa pamuksa sa kaguluhan,
Batas Militar ang maghahatid ng kasaganahan.
Magbalik-tanaw nga tayo sa ating nakaraan
Lundagin ang may apat na dekadang nagdaan,
Di ba’t kay ganda, ka’y linis ng ating kapaligiran.
At ang pag-usbong ng yaman nitong ating bayan,
Dahil sa pag-unlad, disiplina ang kailangan.
KONTRA:
Hindi disiplina, bagkus takot ang umiiral
Sa mga mamamayang tila sunud-sunurang sakdal
Marinig pa lamang ang Batas Militar ay nauutal.
Sa hapdi at bagsik na hatol ng kamay nab aka
Nasaan nga ba’ng totoong kasaganaha’t yaman?
Mayroon man, ito’y minana sa gobyernong dagdaan.
Hindi ba’t dekada sitenta nagsimula ang kahirapan?
Kawalan ng hanap-buhay kaya’t nangibang-bayan.
Sa pagtatapos ng Batas Militar, anong natuklasan?
Hindi ba’t bangkorote ang kaban ng bayan.?
LAKANDIWA:
Hayan mga giliw na taga-pakinig
Ating narinig ang magkabilang panig.
Nabatid ang dalawang magkatunggali,
Ang pagtatalo nila ay huwag nang patagalin.
Sa pakiwari niyo, saan ba kayo papanig?
At alin nga ba ang inyong mas pipiliin?
Ang may Batas Militar na nararapat sa atin?
O sa kontra dito sa kanilang tingin?
Ang pagpapasya sa inyo’y iiwan naming.
6
G. Sanggunian
Mga Websites:
https://philnews.ph/2019/09/04/elemento-ng-balagtasan-ano-ang-mga-
ibat-ibang-mga-elemento-nito/
https://www.slideshare.net/roseluvgabz/kaligirang-pangkasaysayan-ng-
balagtasan
http://alex-insights.blogspot.com/2017/08/balagtasan-nararapat-ba-o-
hindi.html
7
ARALIN 2
ELEMENTO NG BALAGTASAN
I. PANIMULA
Napag-alaman na ang Balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang
panig ukol sa isang paksa. Hinango ang katagawagang ito sa pangalan ni Francisco
“Balagtas” Baltazar na siyang tinaguriang “Ama ng Balagtasan”. Sa aralin namang ito,
matututunan ang mga elementong bumubuo sa sining na ito. Halina’t tunghayan.
II. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
natutukoy ang mga elemento ng balagtasang nabasa;
nailalahad ang kahalagahan ng diwa ng Balagtasan; at
naihahambing ang katangian ng Balagtasan sa Fliptop.
Gawain 1
B. Pagsusuri
Ano kaya?
Gawain 2
8
C. Paghahalaw
Elemento ng Balagtasan:
1. Tauhan
Lakandiwa o Lakambini – ang tagapamagitan sa paksa na ipaglalaban ng
dalawang mambabalagtas sa pamamagitan ng tulaan
Mambabalagtas – ang mga kalahok sa karaniwang sinusulat na pyesa ng
balagtasan. Sila rin ang mga taong nakikipagbalagtasan.
Manonood – ang mga tagapakinig sa pagtatangal ng balagtasan. Nasusukat
ang kahusayan ng mambabalagtas sa reaksyon ng mga manonood.
2. Paksa – ang bagay na pinag-uusapan, tinatalakay, o dinedebatehan para ganap na
maipaliwanag at mauunawaan ang konteksto nito.
Politika – ang tunggalian ng mga lapian sa kapangyarihan at mga
tagapangasiwa ng pamahalaan
Pag-ibig – ang pinakamakapangyarihan at dakilang damdaming nag-uugnay
sa mga tao.
Karaniwang Bagay – mga bagay sa paligid
Kalikasan – ang mga bagay na nasa daigdig.
Lipunan – ang pangkat ng mga taong naninirahan sa isang partikular na lugar
o mga pangyayaring talamak na nagaganap sa paligid.
Kagandahang-asal – ang mga ugaling kayganda-ganda.
3. Pinagkaugalian
Sukat – ang bilang ng pantig sa bawat taludtod
Tugma – ang pagkapareho ng tunog ng dulo ng mga taludtod sa panulaan
* Tugmang Ganap
* Tugmang Di-ganap
Indayog – ang tono kung paano binibigkas ang mga taludturan.
4. Mensahe – ang ideya at damdaming nais iparating ng kabuuan ng ano mang
sasabihin, teksto o akda.
Alam mo ba?
Ang Flip Top ay matuturing na makabagong anyo ng Balagtasan.
Pareho itong may pinagtatalunang paksa. Patok ito sa mga
kabataan ngayon! AHA!
D. Aplikasyon
Pakaisipin…
Gawain 3
9
E. Pagtataya
Subukan Natin!
Gawain 4
Konek na Tayo!
Gawain 5
Balagtasan Fliptop
F. Kasunduan
10
Muling pag-aralan ang katatapos na aralin bilang paghahanda sa mahabang pasulit
na darating.
G. Sanggunian
Mga Websites:
https://philnews.ph/2019/09/04/elemento-ng-balagtasan-ano-ang-mga-
ibat-ibang-mga-elemento-nito/
https://www.slideshare.net/roseluvgabz/kaligirang-pangkasaysayan-ng-
balagtasan
http://alex-insights.blogspot.com/2017/08/balagtasan-nararapat-ba-o-
hindi.html
11
ARALIN 2
WORKSHOP SA PAGBABALAGTASAN
I. PANIMULA
Mula sa mga kaalamang natutuhan sa mga nakaraang aralin, ngayo’y susubukan
na ang iyong husay sa pagsasagawa ng Balagtasan. Tayo na’t ipakita ang inyong galing!
II. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
nakagagawa ng isang piyesa ng Balagtasan; at
nakapagpapamalas ng husay sa pagbabalagtasan gamit ang makabagong paraan
(Elektroniko).
III. PANLINANG NA GAWAIN
A. Gawain
Simulan Natin!
Gawain 1
B. Pagsusuri
Patunayan…
Gawain 2
C. Paghahalaw
Tungkulin ng Balagtasan:
Maliban sa tagisan ng talino at pagbibigay-aliw sa mga manonood,
nagkaroon ang balagtasan ng isang mas mataas na pampolitika at panlipunang
tungkulin. Binibigay ng mga sumasali sa balagtasan ang kanilang saloobin tungkol sa
kasalukuyang pangyayari at suliranin katulad ng ginagawa ng mga kolumnista at
patnugot ng isang pahayagan.
D. Aplikasyon
12
Paano?
Gawain 3
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
E. Pagtataya
Gawin Natin!
Gawain 4
Magbalagtasan Tayo!
Gawain 5
Pamantayan 5 4 3 2
Ang paksa ay
napapanahon
Nakahihikayat at
nakalilibang/nakaaali
w ang Balagtasan
Ang piyesa ay tunay
na orihinal na gawa ng
mga kalahok
Malinaw na
naiparating ang
mensahe ng piyesa
F. Kasunduan
Paghandaan ang pagtatanghal ng inyong Balagtasan.
13
G. Sanggunian
Mga Websites:
https://philnews.ph/2019/09/04/elemento-ng-balagtasan-ano-ang-mga-
ibat-ibang-mga-elemento-nito/
https://www.slideshare.net/roseluvgabz/kaligirang-pangkasaysayan-ng-
balagtasan
http://alex-insights.blogspot.com/2017/08/balagtasan-nararapat-ba-o-
hindi.html
14