Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST/ Second Quarter)

FILIPINO 10/ 2020-2021


Pangalan:____________________________________ Petsa: ________________________,2021
Baitang10-Pangkat:__________________________ Iskor:_________Lagda ng magulang:___________
I. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga matatalinghagang salitang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang
titik ng wastong sagot sa patlang.

Kasanayang Pampagkatuto -Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula.


(F10PTIIc-d-70).
_______1. Kumukulo ang dugo ng mag-anak sa mga taong nangmaliit sa kanila.
A. matampuhin B. galit na galit C. bugnutin D. masayahin
_______2. Maraming pasa ang bata sa katawan dahil mabigat ang kamay ng kaniyang ama.
A. basagulero B. malakas C. mapanakit D. maalalahanin
_______3. Ibaon na natin sa hukay ang galit at poot sa ating kapwa at matutong magpatawad.
A. kalimutan na B. itanim sa isipan C. ibisto D. ipagtapat
_______4. Umuwi na ang itinuturing na itim na tupa sa kaniyang mga anak.
A. masunuring anak B. masamang anak C. itim ang kulay ng balat D. kakaiba sa mga kapatid
_______5. Si lolo Jose ay sinasabing matanda na ngunit nagmumurang kamyas.
A. umaastang bata B. mahinang mahina na C. malakas pa D. mahilig sa kamyas
II. Suriin ang ginamit na tayutay sa bawat pangungusap. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.
Pagpipilian: A. Pagtutulad B. Pagtatao C. Pagwawangis D. Pagmamalabis
_______6. Ang kasipagan ay ina ng kayamanan at kaginhawaan.
_______7. Ang mga pangako mo ay tila mga sulat sa buhangin.
_______8. Napangiti ang mga bulaklak sa aking pagdating.
_______9. Kamay ng kalupitan ang COVID 19.
_______10. Ginising ng sikat ng araw ang mga hayop na natutulog.
_______11. Narinig ng buong mundo ang kanyang pag-iyak ng mga mamamayan.
_______12. Ang mga mamamayang walang pinuno ay parang mga pasahero ng bus na walang tsuper.
_______13. Nabuhay muli ang mga halaman pagkatapos umulan.
_______14. Abot-langit ang paghanga niya sa mga frontliners.
_______15. Yumuko ang mga puno ng niyog sa napakalakas na hangin
Kasanayang Pampagkatuto -Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na mga
elemento nito. (F10PB-IIf-78)
III. Isulat ang T kung tama ang tinutukoy ng pahayag hinggil sa nobela at M kung mali.
_____ 16. Ang nobela ay nagbibigay-diin sa isang pangyayari lamang.
_____ 17. Makikita sa bawat paksa ng nobela ang kultura ng bansang pinagmulan nito.
_____ 18. Iisa o maaaring pareho ang balangkas o banghay ng nobela at maikling kuwento.
_____ 19. Taglay ng nobela ang mga elemento tulad ng tagpuan, tauhan, tono, sukat at simbolo.
_____ 20. Maihahalintulad sa nobela ang lahat ng uri maikling kuwento.
Kasanayang Pampagkatuto -Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu (F10PU-IIg-h-71)
IV. Piliin ang wastong titik na angkop sa pahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_______21. Ang __________ ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng
tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatuwiran sa paksang tinatalakay.
A Dula B. Sanaysay C. Pagtatalumpati D. Tula
_______22. Isa itong uri ng pagtatalumpati na biglaan na binibigkas sa pamamaraan na maaaring gamiting gabay
sa pagbigkas ng biglaang talumpati. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita.
A. Talumpating walang paghahanda B. Isinaulong talumpati
C. Talumpating pabasa D. pagbasa ng papel sa panayam
______23. Makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya.
A. Talumpating walang paghahanda B. Isinaulong talumpati
C. Talumpating pabasa D. pagbasa ng papel sa panayam
______24. Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay may sapat na panahon na gumawa muna ng kanyang talumpati.
A. Talumpating walang paghahanda B. Isinaulong talumpati
C. Talumpating pabasa D. Pagbasa ng papel sa panayam
______25. Ang kasangkapang ito ng mananalumpati ay nakatutulong sa pag-unawa sa nilalaman ng talumpati.
Isinasaalang-alang dito ang tulin o bilis at tono ng pananalita.
A. Tinig B. Kumpas ng mga kamay C. Galaw D. Tindig
______26. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagbibigay-diin sa sinasabi.
A. Tinig B. Kumpas ng mga kamay C. Galaw D. Tindig
______27. Kasangkapan ng mananalumpati na tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao namay
kaugnayan sa pagpapahayag ng kaisipan o anumang damdamin sa mga tagapakinig.
A. Tinig B. Kumpas ng mga kamay C. Galaw D. Tindig
______28. Iwasan ang posturang military na parang naninigas ang katawan at sikaping maging magaan ang
katawan at nakarelaks. A. Tinig B. Kumpas ng mga kamay C. Galaw D. Tindig
______29. Ginagamit lamang ito bilang pantulong sa pananalita. Hindi dapat makaagaw ng pansin habang
nagsasalita. A. Tinig B. Kumpas ng mga kamay C. Galaw D. Tindig
______30. Ito ay bahagi ng talumpating nag-iiwan ng kakintalan sa puso’t isipan ng tagapakinig.
A. Panimula B. Wakas C. Katawan D. Mensahe
V. Rubrik sa Paggawa ng Malikhaing Pagsulat ng Sanaysay
Panimula 5 puntos
* pagpapaliwanag sa layunin
Katawan 5 puntos
* kalinawan ng argumento
* tibay/lakas ng argumentoPangwakas 5 puntos
* pagbibigay ng lagom o konklusyon
Kaisahan at Kasanayan sa Pagpapalawak 5 puntos
ng pangungusap
Kabuuan 20 puntos
Repleksiyon:
Binabati kita sa iyong mahusay na pagsagot sa mga gawaing ibinigay at batid kong higit na lumawak ang iyong
kaalaman at karunungan. Sa pagtatapos maaari mo nang pagnilayan at isulat ang mga natutunan mo sa mga
aralin sa ikalawang markahan.

Natutunan ko ______________________________________________________________________________

Inihanda nina:

ESTELITA C. PANGANIBAN SHIRLEY P. JAVIER CRISTY D. TIMOG


Guro Filipino 10
Nabatid ni:

PELAGIA S. VILLANUEVA,Ed.D
Ulongguro III

You might also like