Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Rdukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

ARALING
PANLIPUNAN 6
Paraan ng Pakikipaglaban ng mga
Pilipino para sa Kalayaan Laban sa
Hapon
Ikalawang Markahan
Modyul 7

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Naipaliliwanag ang paraan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino
para sa kalayaan laban sa Hapon.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangan isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba
para ma kamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Napapayaman ng kaalaman ang gawai ng ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na Gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.

2. Unang Pagsubok – Ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong


kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.

3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating


kaalaman at kasanayang nalinang na.

4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya


ng aralin

5. Gawain – dito makikita ang mgapagsasanay na gagawin mo ng may


kapareha.

6. Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin

7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang


bagong aralin

8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa


bagong aralin.

2
Aralin Paraan ng Pakikipaglaban ng
7 mga Pilipino para
Kalayaan Laban sa Hapon
sa

INAASAHAN

Ikaw ay magsusuri sa paraan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa


kalayaan laban sa Hapon

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang:

 Natatalakay ang mga layunin at pamamaraan ng mga kilusang nabuo ng


mga Pilipino noong panahon ng Hapon.

 Natutukoy ang magigiting na Pilipinong nagpakilos at nagbigay-buhay


sa mga pakikipaglaban sa Hapon.

 Napahahalagahan ang naging bunga ng pakikipaglaban ng iba’t ibang


kilusan ng mga Pilipino laban sa mga Hapones.

Ngayon ay alam mo na ang mga layunin ng


ating aralin, narito ang unang pagsubok! Wag
kang mag-alala… kaya Mo yan!

3
UNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_______1. Tawag sa mga sundalong namundok at nakipaglaban sa mga Hapon.


A. HUKBALAHAP B. USAFFE C. KALIBAPI D. Gerilya
_______2. Tawag sa mga pulis Militar na Hapones.
A. Makapili B. Kempei-tai C. Heneral D. Kawal
_______3. Binuwag ng mga Hapones ang lahat ng mga lapiang politikal. Ito’y
nangangahulugan ng:
A. Pag-aalis ng kabuhayan C. Pag-aalis ng Kalayaan
B. Pag-aalis ng pamahalaan D. Pag-aalis ng mga samahan
_______4. Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas ay tinatawag na Puppet Republic
dahil sa
A. Ang Pangulo ay napasailalim ng kapangyarihan ng mga Hapones.
B. Pinamamahalaan ng mga Hapones ang buong bansa.
C. Pilipino lahat ang namumuno sa pamahalaan.
D. Laruang Puppet ang paborito ng mga Pilipino
_______5. Tawag sa wikang itinuro at ginamit ng mga Hapones sa mga paaralan sa
Bansa.
A. Kastila B. Niponggo C. English D. Tagalog
_______6. Uri ng pamahalaan na itinatag ng mga Hapones.
A. Pamahalaang Parliyamentaryo C. Pamahalaang Demokratiko
B. Pamahalaang Totalitaryan D. Pamahalaang Komonwelt
_______7. Tawag sa pamahalaan na pinamunuan ni Jose P. Laurel noong panahon
ng pananakop ng mga Hapones.
A. Totalitaryan B. Militar C. Puppet D. Malaya
_______8. Tawag sa panahon ng pananakop ng mga Hapones dahil sa takot at pag-
aalinlangan ang naghahari.
A. Panahon ng Kahirapan C. Panahon ng Kadiliman
B. Panahon ng Kapayapaan D. Panahon ng Kasayahan
_______9. Tawag sa nag-iisang partido politikal sa panahon ng Hapon.
A. Sakuragi B. KALIBAPI C. Harakiri D.Makapili
______10. Pahayagang ipinagbawal na ipalimbag ng mga Hapones.
A. pahayagang Tagalog C. pahayagang Hapon
B. pahayagang Espanyol D. pahayagang Ingles

Mahusay! Ikaw ngayon ay tapos ng sumagot.


Maaaring ipasuri ang mga sagot sa iyong facilitator.
Pagbutihan Mo pa!

4
BALIK-TANAW

Sa nakalipas na modyul, nakabuo ka ng konklusyon tungkol sa pagtatatag


ng mga Hapon ng Ikalawang Republika ng Pilpinas. Naunawaan mo na ito’y
pinamunuan ni Pangulong Jose P. Laurel upang diumano'y bigyan ng bagong
pamahalaan at kasarinlan ang mga Pilpino. Ngunit kabaliktaran ang nangyari
sapagkat ang mga military na Hapones ang nagpapatakbo ng pamahalaan at ang
Pangulo ay walang kapangyarihan. Sa panahong ito maraming nilabag na
karapatang pantao. Ang kabuhayan ng mga Pilipino ay hindi umunlad bagkus
nagdulot ng maraming -maraming kasawian sa buhay ng mga Pilipino.

Gamit ang 4 Pics, 1 word, kilalanin ang mga larawan sa ibaba at magbigay na
isang tagline tungkol dito.

1. (https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJUUmNoxflGsALc0GIYpQ;_ylu)
2. https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJRgE_JVf9HMAimYGIYpQ;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc
3.https://www.google.com/search?q=larawan+ng+sundalong+hapon&hl=en&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwil1r3Ot7fpAhU
NCpQKHTzrDJQQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=608#imgrc=Zysji5HScWelFM
4. https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJSEa_JVf51wA5xIGIYpQ;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc

4 PICS, 1WORD: __________________________________________________

TAGLINE : __________________________________________________

5
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Bagamat nasakop ng mga Hapones ang buong kapuluan at nagsisuko ang


mga heneral na Amerikano. Pero para sa mga Pilipino dapat ituloy ang laban
upang maging malaya tayo sa kadilimang sinasapit ng ating Inang bayan. Sa
araling ito, malalaman mo kung paano itinuloy ng mga Pilipino ang kanilang
paglaban sa mga Hapon kahit na malakas ang puwersa ng mga ito.

GERILYA

Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor sa kamay ng mga Hapones noong


Mayo 6, 1942 ay hindi pa rin natapos ang labanan ng mga Pilipino at Hapones.
Ang mga sundalong Pilipino, sa halip na sumuko, ay namundok at ipinagpatuloy
ang pakikipaglaban nang palihim. Bumuo sila ng mga pangkat na kung tawagin ay
Gerilya at mula sa mga bulubundukin at mga ilang lugar, nagsagawa ng mga
pagtatambang sa mga Hapones . Ang kanilang layunin: lusubin ang mga garrison,
patayin ang mga sundalo at opisyal na Hapones, palayain ang mga nakakulong at
salakayin ang mga istasyong militar upang sirain ang mga kagamitan at manguha
ng mga bala at armas na gagamitin sa paglaban sa mga Hapones.

Sa kalaunan ay lumaki ang bilang ng mga gerilya at ito ay dahil sa pag-


ibayo ng kalupitan ng mga Hapones. Nagsama-sama ang mga maliliit na pangkat
ng mga gerilya mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Nadagdagan ang dami ng mga
puwersang gerilya nang sumapi ang mga sibilyan sa mga lungsod at bayan-bayan
kasama na ang ibang opisyal ng mga pamahalaang bayan na nagkukunwaring
tumutulong sa Hapon. Namundok din ang mga sibilyan at karaniwang
mamamayang hindi na makatiis sa pagpapahirap ng mga Hapones. Kasama rin
ang maraming kababaihang naging biktima ng karahasan ng mga dayuhan.

Maraming pangkat ng mga gerilya ang nabuo sa iba’t ibang dako ng


Pilipinas. Ang ilan sa mga lider ng mga gerilya ay militar, samantalang ang iba’y
sibilyan. Si Tomas Confessor ang sibilyang lider ng Panay, samantalang si Koronel
Macario Peralta naman ang lider militar. Sa Leyte ay si Koronel Ruperto
Kangleon.Sa Mindanao ay sina Tomas Cabili at Salipada Pendatun. Sa Luzon,
napabantog sina Wenceslao Q. Vinzons at Marcos V. Agustin. Bukod dito, may mga
Amerikano ring naging kasapi at kasamang namundok at lumaban.
Sapagkat lumalaki ang kilusan at nagiging mapanganib para sa Hapon ang
mga gerilya, naging lalong malupit at mahigpit ang mga Hapones. Maraming
dinakip kahit walang sala. Kumuha ng maraming sibilyan na ginawang makapili at
bawat mapaghinalaan ay ikinukulong sa Puwersa Santiago sa Maynila at sa iba’t
ibang garisong itinayo. Subalit lalo lamang dumami ang nagsisapi sa kilusan.
Habang tinatakot ang bayan, lalo namang tumindi ang kanilang galit.
Source:https://www.slideshare.net/jmpalero/ap-6-ang-pananakop-ng-mga-hapones-sa-pilipinas?next_slideshow=1

6
Source:(https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwXxRuOoxf9U0A5Q3fSQx.;_ylu=Y29sbwMEcG9zAzEEdnRpZAMEc2VjA3
BpdnM-?p=pilipinong+gerilya)

HUKBALAHAP – HUKBONG BAYAN LABAN SA HAPON

Ang mga magsasakang labis na naghirap sa panahong ito ay nagbuklod


upang bumuo na isang kilusang may katulad na simulain sa mga gerilya. Higit sa
lahat, ang mga magsasaka ang lubhang nakadama ng pagmamalupit ng Hapon.
Ang kanilang mga sakahan ay pinag-interesan ng mga opisyales na Hapones. Ang
mga bigas na kanilang inaani ay kinukumpiska. Maging ang mga hayop at iba
pang tanim na kanilang pinaghirapan ay nagsilbing pagkain at lakas ng mga
Hapones habang ang kanilang mga pamilya ay namamatay sa gutom. Sila rin ang
kadalasang pinaghihinalaang kasapi ng kilusang gerilya. Ang mga kababaihan sa
mga lalawigan at mga bukirin ay naging biktima ng maraming kalupitan sa kamay
ng mga sundalong Hapones.

Sa Pamumuno nina Luis Taruc, Jesus Lava at Jose Banal, naitatag ang
Hukbong Bayan Laban sa Hapon o ang HUKBALAHAP. Nang lumaon, tinawag
silang HUK. Ang kilusang ito ay binubuo ng mga magsasakang handang
mangalaga sa kanilang mga sakahang kinakamkam ng mga Hapones. Naging
tagapangalaga rin sila ng katahimikan ng kanilang mga bayan. Naging marahas
ang ginawang pagsugpo ng mga HUK sa mga Hapones. Daan-daang Hapones ang
kanilang pinatay. Sinasabing mas higit silang marahas kaysa mga gerilya kaya’t
mas higit silang kinatakutan ng mga Hapones.
Source:https://www.slideshare.net/jmpalero/ap-6-ang-pananakop-ng-mga-hapones-sa-pilipinas?next_slideshow=1

Source:https://www.google.com/search?q=larawan+ng+sundalong+hapon&hl=en&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwil1r3Ot7f
pAhUNCpQKHTzrDJQQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=608

7
United States Armed Forces in the Far East (USAFFE)
Ang layunin ng USAFFE ay ang pagtupad sa utos militar na binuo ng
Amerika noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang labanan ang banta ng mga
imperyalistang Hapones. Ito ay binubuo ng pwersang Pilipino at Amerikano na
magtatanggol sa Amerika.
Naitatag ang United States Armed Forces in the Far East (USAFFE) noong
Hulyo 1941 sa pangunguna ni Gen. Douglas MacArthur, isang retiradong US
militar at naging superbisor sa pagtatayo ng Philippine Army sa bisa ng National
Defense Act of 1935 upang labanan ang mga Hapones. Ito ay binubuo ng mga
sundalong Amerikano at Pilipino. .

Sa panahon ng mga pagbobomba at paglusob ng Hapon, buong giting na


lumaban ang puwersa ng USAFFE. Ngunit dahilan sa lakas ng puwersa nang
papalapit na hukbo ni Heneral Homma, napagtanto ni Heneral MacArthur na
mawawalang saysay lamang ang pagtatanggol dito at maaaring magapi ang
Pilipinas kung magpapatuloy sila sa paglaban.
Umatras ang puwersang USAFFE sa Bataan nang mabigong hadlangan ang
pag-abante ng mga Hapones; sa Corregidor naman lumikas si MacArthur, kasama
ang asawa’t anak at mga tauhan ng kanyang headquarters. Lumipad patungong
Australia si MacArthur sa utos ng Presidente ng Estados Unidos para mamuno sa
Southwest Pacific Area Command. Ipinuslit papuntang US Estados Unidos sina
Commonwealth Pres. Manuel L. Quezon at Vice Pres. Sergio Osmena. Nangako si
MacArthur na babalik sa Pilipinas (“I shall return”).
Isinuko ni Gen. Jonathan Wainwright—ang komander na pumalit kay McArthur,
ang Corregidor sa mga Hapon na humantong sa bantog na Death March mula
Bataan hanggang Capas, Tarlac.
Source:https://brainly.ph/question/957030

(https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJQ1aO4xfSBUAn5oGIYpQ;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc)

8
GAWAIN 1

Panuto: Isaayos ang mga pinaghalo-halong mga titik sa bawat bilang upang
mabuo ang natatagong salita. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

GRIYLAE NOPHA AFEFUS


________ 1. ________ 2. _________ 3.

KAPILIMA BAHUKHAPAL
________ 4. __________________ 5.

GAWAIN 2
Panuto: Pumili mula sa listahan sa kahon ng dalawang naging reaksyon ng mga
Pilipino sa pananakop ng Hapon. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
Magbigay ng mga patunay o mga sitwasyon.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

MGA PAGPIPILIAN:
A. Nagtago at hindi kumilos dahil sa takot.
B. Nagtiyaga lamang at hinintay ang pagbabalik ni Hen. McArthur.
C. Idinaan na lamang sa pagdaraos ng mga kasayahan.
D. Lumaban ng harapan at patago, gamit ang iba’t ibang paraan.
E. Nagbuo ng mga pangkat upang labanan ang mga Hapon, katulad ng mga
gerilya at HUKBALAHAP.

GAWAIN 3

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Sa iyong palagay, bakit hindi nagsisuko ang lahat ng mga opisyal na Pilipino?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Ano ang katangiang ipinakita ng mga Pilipino sa hindi pagsuko sa mga Hapon?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Sa paanong paraan mo maipagmamalaki ang mga katangiang taglay ng ating
mga bayani sa panahon ng Hapon?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

9
TANDAAN

 Maraming Pilipino ang napoot sa mga Hapones dahil sa kalupitang


kanilang ginawa sa loob na maikling panahon nila ng pananakop sa
Pilipinas. Maraming pinsala ang nagawa nila sa ating bansa at higit
sa lahat ay pinahirapan nila ang mga mamamayan.

 Ang kalupitan ng mga Hapones na hindi matiis ng mga Pilipino ang


naging dahilan upang magtatag sila ng mga Kilusang Gerilya,
HUKBALAHAP, at iba pa upang labanan ang mga pagmamalupit ng
mga Hapones.

 Ang USAFFE o ang United States Armed Forces in the Far East ay
isang utos militar na binuo ng Estados Unidos sa Pilipinas noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang labanan ang banta ng mga
Imperyalistang sundalong Hapones. Ito ay binubuo ng pwersang
Pilipino at Amerikano na magtatanggol sa Estados Unidos at
Pilipinas , at ang itinalagang lider nito ay si Hen. Douglas Mc Arthur.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Gawain Bilang 1: Talambuhay ng isang Gerilya


Panuto: Sumulat ng maikling talambuhay ng isang naging gerilya sa inyong lugar.
Magtanong sa inyong mga magulang, lolo at lola o sinumang nakasaksi sa
panahon ng Hapon na kilala nila. Maaari ring magsaliksik sa internet o mga aklat
tungkol dito.

Gawain Bilang 2: # Hashtag

Panuto: Gumawa ng tatlong halimbawa ng Hashtag # na may kinalaman sa


aralin. Ipaliwanag ang mga ito.

1. _______________________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________________

3. _______________________________________________________________________________

10
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ang pangkat ng mga gerilya sa Luzon na nakipaglaban sa mga Hapones ay
tinawag na HUKBALAHAP. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Hukbo ng Bayan Laban sa Amerika
B. Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon
C. Hukbo ng Bayan Laban sa Kastila
D. Hukbo ng Bayan Laban sa Pilipino
2. Ang HUKBALAHAP ay pinamunuan ni ___________.
A. Jesus Laya C. Luis Taruc
B. Macario Peralta D. Jose Maria Sison
3. Ang mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy na nakipaglaban sa mga
Hapones.
A. HUKBALAHAP C. MAKAPILI
B. GERILYA D. KAPIBALI
4. Ang Kilusang ito ay binubuo ng mga magsasakang handang mangalaga sa
katahimikan ng bayan.
A. HUKBALAHAP C. MAKAPILI
B. GERILYA D. KAPIBALI
5. Ang ilan sa mga lider ng mga gerilya ay militar, samantalang ang iba’y
sibilyan. Sino ang sibilyang lider ng Panay?
A. Ruperto Kangleon C. Tomas Confessor
B. Macario Peralta D. Wenceslao Vinzon
6. Ano ang Ibig sabihin ng USAFFE?
A. United States Armed Forces in the Far East
B. United States Army of Foreign in the Far East
C. United States Armour of Future in the Far East
D. United States Arts of Film in the Far East
7. Isang kapisanan ng mga magsasaka sa Kapatagang Luzon na naging kilabot
na pangkat ng mga gerilya noong panahon ng Hapones
A. KALIBAPI C. HUKBALAHAP
B. MAKAPILI D. KEMPEITAI
8. Heneral na naging lider ng USAFFE sa panahon ng pananakop ng mga
Hapones sa Pilipinas.
A. Douglas McArthur C. Jonathan Wainwright
B. William Mckinley D. William Taft
9. Kumander na pumalit kay Hen. Douglas MacArthur at nagsuko sa Corregidor
sa kamay ng mga Hapones.
A. Douglas McArthur C. Jonathan Wainwright
B. William Mckinley D. William Taft
10. Tawag sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na nagsilikas sa kabundukan.
A. HUKBALAHAP C. Gerilya
B. NPA D. Katipunero

11
SUSI SA PAGWAWASTO

UNANG PAGSUBOK PANGWAKAS NA


PAGSUSULIT
1. D
2. B 1. B
3. C 2. C
4. A 3. B
5. D 4. A
6. B 5. C
7. C 6. A
8. C 7. C
9. B 8. A
10. D 9. C
10. C

SANGGUNIAN

1.https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJUUmNoxflGsALc0GIYpQ;_ylu
2.https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJRgE_JVf9HMAimYGIYpQ;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARz
bGsDYnV0dG9u;_ylc
3.https://www.google.com/search?q=larawan+ng+sundalong+hapon&hl=en&source=lnms&tbm=isch&sa=X&v
ed=2ahUKEwil1r3Ot7fpAhUNCpQKHTzrDJQQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=608#imgrc=Zysji5HScWelF
4.https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJSEa_JVf51wA5xIGIYpQ;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzb
GsDYnV0dG9u;_ylc
5.Source:https://www.google.com/search?q=larawan+ng+sundalong+hapon&hl=en&source=lnms&tbm=isch&
sa=X&ved=2ahUKEwil1r3Ot7fpAhUNCpQKHTzrDJQQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=608
6.Source:https://www.google.com/search?q=larawan+kilusang+gerilya&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2
ahUKEwih0rvf6qrpAhWDyosBHVYCAkkQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=1QBll8gXv5HGEM
7.Source:https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/535284/ang-pagtatagumpay-ng-pilipino-
noong-ikalawang-digmaang-pandaigdig/story/
8.Source:https://xiaochua.net/2012/09/02/tagumpay-ang-imahe-ng-mga-beterano-at-bayaning-pilipino-
noong-digmaang-pasipiko
9.Source:https://www.slideshare.net/jmpalero/ap-6-ang-pananakop-ng-mga-hapones-sa-
pilipinas?next_slideshow=1
10.Source:(https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwXxRuOoxf9U0A5Q3fSQx.;_ylu=Y29sbw
MEcG9zAzEEdnRpZAMEc2VjA3BpdnM-?p=pilipinong+gerilya)
11.Source:https://www.google.com/search?q=larawan+ng+sundalong+hapon&hl=en&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ved=2ahUKEwil1r3Ot7fpAhUNCpQKHTzrDJQQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=608
12.Source:https://brainly.ph/question/957030
13.Source:https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJQ1aO4xfSBUAn5oGIYpQ;_ylu=c2VjA3N
lYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc
14.Source:https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/535284/ang-pagtatagumpay-ng-pilipino-
noong-ikalawang-digmaang-pandaigdig/story/

12
Management and Development Team
Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/s: Myrna G. Soriano, PSDS


Jennet Mercado, MT II
Writer: Emerson C. Concepcion

13
REFLECTIVE LEARNING SHEET
ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: __________________________ Baitang at Seksyon: ________________


Paaralan: __________________________ Petsa: _______ Guro sa AP: __________

Kwarter Blg.: 2 Modyul Blg.: 7

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Naipapaliwanag ang Paraan


ng Pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa Kalayaan Laban sa Hapones

Layunin:
1. Natatalakay ang mga layunin at pamamaraan ng mga kilusang
nabuo noong panahon ng Hapon
2. Natutukoy ang magigiting na Pilipinong nagpakilos at nagbigay-
buhay sa mga pakikipaglaban sa Hapon
3. Napahahalagahan ang naging bunga ng pakikipaglaban ng iba’t
ibang kilusan ng mga Pilipino laban sa mga Hapon.

Paksa: Paraan ng Pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa Kalayaan


Laban sa Hapon

Gawain 1: Basahin at pag-aralan ang Tula.

KASARINLAN NG INANG BAYAN


By: ECC

Sumikat na Ina sa Sinilangan


Dilim ng Poot ng Karagatan
Apat na Taong Tinitiis ang Lagim
Sa Kamay ng Dusa ng mga Dayuhan

Gapusing Mahigpit sa Martsa ng Kamatayan


Ipabilanggo mo’t sa Daan Itapon
Barilin, Tusukin, Ibitin Parang Isang Hayop
Ito Baga Ina, ang Iyong Pag-irog?

Pero sa Kapuwa Ina’y Wala kang Kapares


Paghihimagsik Nami’y Iyong Ginabayan
Paglaban sa Piling mo Aming Nakamtan
Tatlong Bituin Ngayo’y Malaya’t Payapa!

14
1. Tungkol saan ang tula? Anong pangyayari sa kasaysayan ang tinutukoy
nito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Ano anong mga salita ang magpapatunay ng pangyayari?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga nakuhang aral sa tula?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Bakit kaya Kasarinlan ng Inang Bayan ang napiling pamagat ng tula ng may-
akda?
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

5. Bilang isang batang Pilipino, paano mo ipaglalaban ang kasarinlan ng ating


bansa? ______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Gawain 2: Word Puzzle


Panuto: Hanapin ang mga salita sa Word Puzzle. Ibigay ang kahulugan ng
bawat isa.
HUKBALAHAP - _____________________________________________________
GERILYA - _____________________________________________________
USAFFE - _____________________________________________________
LUIS TARUC - _____________________________________________________
KALAYAAN - _____________________________________________________

15

You might also like