Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hementera, Ma. Christina S.

12-ABM-PM2

Unang beses ko to sa Bicol, kaya sobrang saya ko. 12 oras ang biyahe, sa
unang mga oras ay tulog lang ako pero habang palapit ng palapit ay nawawala ang
antok ko dahil sobrang saya ko.
Nakarating kami sa bahay nila Lola ng tanghali, pinakain nila kami ng fried
chicken, nagulat nga ako dahil sabi sakin nila mama ay gulay palagi ang ulam dito.
Ayoko pa naman ng gulay.
Magha-hapon na pero sobrang buryo na ako dahil walang internet dito, at walang
data dito. Eto talaga kinakatakutan ko ditto eh, walang internet. Gusto ko ng tignan ang
Facebook ko. Naubos ang oras ko pati narin ang baterya ng cellphone ko dahil sa
pagbabasa ko ng Wattpad. Gusto ko ng umuwi, wala naman kaming ginagawa ditto,
maliban sa pagtititigan naming magkakapatid buong maghapon. Gabi na, at syempre
nagluluto sila ng mga pagkain na hindi gulay dahil lumaki kami sa siyudad, at alam
nilang di kami mahilig sa gulay.
Pagkatapos ng hapunan, ay pinapatulog na agad kami dahil hindi daw
magandang matulog na ng sobrang gabi ditto dahil may aswang kuno dito, at pupunta
din daw kami sa dagat bukas. Gustong gusto ko mag-dagat kaya pagkatapos kong
maligo sa kabilang bahay ay humiga na agad ako para matulog. Alas-sais daw kami
pupunta ng dagat para hindi kami umitim kahit may araw.
Alas-sinko pa lang at gising na ako dahil sobrang excited na ako lumangoy sa
dagat, kahit di naman talaga ako marunong lumangoy. Alas-sais ay umalis kami
patungo sa dagat. At pagdating namin don, lapag agad ako ng gamit ko sa bahay kubo
at diretso na ako sa dagat. Ang sarap at saya sa pakiramdam ng tubig dagat, unang
beses ko to kaya sobrang saya ko talaga. Syempre, picture dito, picture doon. Alas-
nwebe na pero nasa dagat padin kami. Yari ako neto, itim ko na nga mas lalo pa akong
mangingitim sa araw. Sabagay, ngayon lang naman.
Umuwi na kami ng sobrang sakit na ng araw sa balat. Pagkauwi naming ay may
pagkain na, natutuwa ako na ganito ang palaging pagsalubong samin, dahil minsan
lang kami bumisita dito. Pagkatapos kumain ay natulog ako hanggang hapon. Hapon na
at eto na naman ang kaburyohan dahil walang magawa. Natapos ang gabi ng halos
wala akong ginawa.
Kinabukasan, gumising ako ng medyo tanghali na dahil wala din naman akong
gagawin kahit maaga ako gumising. Ganoon padin, walang pagbabago, kakain lang ng
kaburyohan yung oras ko. Hapon na at nagaaya na naman ang tatay ko sa dagat,
masakit pa ang balat ko sa araw kahapon pero gusto ko padin dahil bukas ay Reunion
na at pagkatapos ng Reunion ay uuwi na kami. Pumunta kami sa dagat at palubog na
ang araw, ang ganda tignan ng palubog na araw, nakaka-relax.
Pagkauwi ay pinakain na kami at pinapatulong din sa paghahanda para sa mga
pagkain bukas. Hindi naman ako pinatulong ni mama dahil di naman daw ako
marunong non, di na ako umangal, tinitignan ko sila at nung inaantok na ako ay natulog
na ako.
Ang aga ay ginigising na kami dahil ngayon na nga pala ang reunion, bumangon
na ako at naligo. Nagsiumla ang program ng nagsidatingan na ang iba pang kamag-
anak. Natapos ito na tinatawag ang bawat miyembro ng pamilya. Natapos na ang
program at nararamdaman ko na din ang pagtatapos ng bakasyon ko dito sa Bicol.
Masaya ako dahil babalik na ako sa bahay na may wi-fi pero malungkot din ako dahil
gusto ko ang buhay dito, simple lang.
Sumakay na kami sa sasakyan at syempre ang mga pasalubong na ipapadala ay
binibigay na. Nang nakumpleto na kami sa sasakyan ay nagsimula na ang sasakyan na
umandar, nakatanaw ako kela Lolo at Lola na kumakaway, at doon ko naramdaman
ang kalungkutan dahil nagtapos na ang aking bakasyon.

You might also like