Alhamzer Files

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

WIKA AT KULTRA SA MAPAYAPANG

LIPUNAN

Ipinasa ni:
Al-hamzer K. Peradilla

Ipapasa kay:
Ginang, Suzzete Escudero

I. Pag tingin sa kabuuan ng pananaliksik

Ang kultura ay siyang nagbubunsod upang ang isang tao ay kumilos ng ayon sa
kanyang ginagawa at nagbibigkis sa mga miyembro ng lipunan. Ang kultura at
lipunan ay magkaugnay sapagkat hindi maaring lumitaw ang isa kung wala yung isa
pa. Maraming kaugnayan ang kultura tulad na lamang ng wika kung saan ang wika ay
sumisimbolo ng pundasyon sapagkat sa pamamagitan ng wika, ang kultura ay
naisasalin ng isang tao o ng isanf henerasyon sa susunod na henerasyon. Masasabi
kong napakahalaga ng kultura sapagkat kaakibat nito ang lahat. Nakadikit na ito sa
wika, lipunan at mga mamamayan. Kung walang kultura, hindi makukumpleto ang
mga ito sapagkat dahil sa kultura nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang bawat lipunan
kaya gayon na lamang kaimportante ang kultura sa lipunan at sa iba pang bagay. Ang
kultura ay nagbabago. Nagbabago sa paraan na umaasenso o mas humihigit pa.
Sapagkat umaagapay ito sa pagbabago ng panahon, unti-unti itong nagiging moderno
at ang dating kultura ay malimit na lamang nagagamit pero ng dahil sa dating kultura
at makabago na rin ay nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang lipunan at napag
bubuklod nito ang mga mamamayan.

II. Paglalahad ng suliranin

Ang pananaliksik na ito ay upang masagot ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang koneksyon ng wika at kultura sa pagkamit ng mapayapang lipunan?


2. Ano ang mga pagbabagong nagaganap sa ating kultura?
3. Paano mapapanatili ang ating sinaunang kultura na ngayon an unti-unti ng
nagbabago?

III. Paglalahad ng layunin

Ang pananaliksik na ito ay naglalahad na makamit ang mga sumusunod na layunin:

1. Paglalahad at paglilinaw ng koneksyon ng wika sa kultura upang makamit ang


isang mapayapang lipunan.

2. Pagtukoy sa mga pagbabagong nagaganap sa ating kultura.

3. Paghahayag ng mga kinakailangang gawun upang mapanatiling buhay ang ating


kultura.

IV. Pagtukoy sa pook at mga taong may kinalaman sa pagsusuri:

Ang pagsusuri ay ginanap sa Isabela city, Basilan. Ang mga taong naging parte ng
pagsusuri ay ang mga mamamayan ng lungsod ng Isabela. Ang mga taong naging
katuwang sa aking pagsusuri ay may mga edad na 50 hanggang 65 taong gulang na.

V. Paglalahad ng hangganan ng pagsusuri:

Ang aking pagsusuri ay ginanan noong ika 12 ng nobyemre 2019 at natapos noong ika
14 ng kaparehong buwan at taon.

VI. Pamamaraan sa pagkuha ng kinakailangang impormasyon:

Isa sa mga pamamaraan kong maghanap ng impormasyon ay sa pamamagitan ng


pagtatanong tungkol sa mga sinaunang kultura nating pilipino sa mga taong may mga
edad na. Upang mas makita at malinaw kong maihayag ang kaibahan ng kultura natin
noon sa ngayon.
VII. Mga nakalap na impormasyon sa mga kulturang nakasanayan noon.

Ayon sa mga taong aking napagtanungan, may mga mga kultura noon na nakasanayan
na nawawala na ngayon ng paunti-unti. Tulad na lamang ng panghaharana sa
kababaihan, ngayon ay parang wala na, kung may nanliligaw man ay dinadaan na
lamang sa text o sa chat. Isa pa din ay ang mga kabataan noon na sobrang galang at
masunurin ngunit ngayon ay tila nasasabihang "Killjoy" ang mga magulang dahil sa
pagsaway sa kanilang gustong gawin na di naman dapat. Idagdag pa natin ang
kababaihan noon na parang maria clara kung kumilos ngunit ngayon ay parang
liberated na. At huli ay ang mga kabataan noon ay naglalaro sa labas ng bahay ng mga
larong pilipino ngunit ngayon ay mas tutok na sa mga bagong teknolohiya at video
games.

VIII. Repleksyon

Ang ating kultura ay nagbabago dulot ng makabagong teknolohiya na dumarating sa


ating lipunan na agad namang tinanggap ng ating mamamayang pilipino, bagama't
may mga mabuting naidudulot ang pagbabago sa ating kultura may hindi rin mabuti,
modernisado na ang ating lipunan kaya mas nagugustuhan na ng mga kabataan
ngayon isang dahilan kung bakit unti-unti nawawala ang kultura na dapat ay manatili
sa ating puso. ang dating kultura ay malimit na lamang nagagamit pero ng dahil sa
dating kultura at makabago na rin ay nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang
lipunan at napaggbubuklod nito ang mga mamamayan. Ngunit kung hindi natin
magagamit ang pinagmamalaking kultura para saan pa para gawin itong modernisado,
hindi rin naman ito magagamit sa pagkakakilanlan at pagbubuklod ng mga
mamamyan , sa halip baka ito pa ang maging dahilan para tuluyan maglahong imahen
ng kultura.
I. Pagtingin sa Kabuuan na pananaliksik

II. Paglalahad ng suliranin.

III. Paglalahad sa layunin.

IV. Pagtukoy sa pook at mga taong may kinalaman sa pag susuri.

V. Pamamaraan sa pagkuha ng kinakailangan impormasyon.

VI. Mga nakalap na impormasyon sa mga kulturang nakasanayan noon.

VII. Mga nakalap na impormasyon sa mga kulturang nakasanayan noon.

VIII. Repleksyon

You might also like