Professional Documents
Culture Documents
Shs-Fil12 Q2 M5 Tek
Shs-Fil12 Q2 M5 Tek
Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larangan
(TekBok)
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Naratibong Ulat
S.Y. 2020-2021
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Tekbok) – Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan– Modyul 5: Naratibong Ulat
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Tekbok)
12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Naratibong Ulat
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
iii
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
iv
Masayang pagbabalik sa mundo ng pagsulat. Panibagong paglalakbay na
naman ang iyong dadanasin sa ikalimang linggong ito ng inyong pag-aaral sa
asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (TekBok).
Ang modyul na ito ay binuo upang maging madali para sa iyo ang pag-unawa
sa kahulugan, kalikasan, katangian at paraan ng pagsulat ng naratibong ulat.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot at
isulat ang letra sa sagutang papel.
5
c. Paggamit ng wikang pormal para mas maunawaan ng mambabasa.
d. Dapat sa climax simulan ang pagsasalaysay.
6
11. Ano ang dapat gawin kung ang isinusulat na ulat ay tungkol sa
iniimbestigahang isang kaso?
a. Iwasan ang paggamit ng aktuwal na pangalan ng taong iniimbestigahan.
b. Isulat ang totoong pangalan ng taong sangkot sa pangyayari.
c. Huwag magbabanggit ng anomang pagkakakilanlan sa taong
iniimbestigahan.
d. Walang sasabihing kahit ano.
12. Anong uri ng panghalip ang ginagamit kung ang manunulat mismo ang
nakasaksi o nakaranas sa pangyayari o sitwasyon?
a. Unang panauhan c. Ikalawang panauhan
b. Ikatlong panauhan d. Ikaapat na panauhan
a. 1 at 2 b. 1, 2 at 3 c. 1, 3, at 4 d. 1, 2, 3, at 4
15. Sa pagsulat ng naratibong ulat, paano gagawing detalyado ang isang ulat?
a. Talakayin nang sunod-sunod ang pangyayari.
b. Isa-isahin ang mga desisyon ng bawat taong kasangkot.
c. Ilarawan ang mahahalagang katangian ng mga taong kasangkot sa
pangyayari.
d. Isama ang mga gawi ng tao na hindi mahalaga sa mensaheng nais
ipahatid sa magbabasa ng ulat
7
Aralin
Naratibong Ulat
5
Naranasan mo na bang magsalaysay o magkwento ng isang pangyayari sa
iyong buhay? Paano mo ito sinimulan at paano mo rin ito tinapos?
Bago tayo magpatuloy sa ating aralin, balikan muna natin ang mahalagang
tinalakay sa nakaraang modyul na iyong pinag-aralan. Huwag kalimutang basahin
at unawain ang panuto na nasa ibaba.
HANAY A HANAY B
______1. Bahagi ng Feasibility Study na nagbibigay a. Marketing Plan
ng maikli at malinaw na pangkalahatang
pagtingin ng mahahalagang punto para sa b. Operational Plan
bawat bahagi ng plano ng negosyo.
______2. Ito ay isang dokumentong nangangailangan c. Ehekutibong Buod
ng pananaliksik.
______3. Tumutukoy sa detalye kung sino-sino ang d. Financial Plan
target na kostumer ng kompanya, sino-sino
8
ang kakompitensya at kung papaano ibebenta e. Feasibility Study
ang produkto o serbisyo.
_______4. Tumutukoy sa deskripsyon ng produkto o f. Produkto
serbisyo, ang daloy ng produksyon,
lay-out ng facility o lokasyon at organizational
chart.
_______5. Tumutukoy ito sa start-up capital, requirement,
projected income statement at inaasahang
return of investment.
Matapos mataya ang dati mong kaalaman sa paksa, oras na upang alamin
naman natin ang iyong nalalaman kaugnay ng paksang tatalakayin.
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga elementong dapat taglayin ng isang
naratibong ulat.
Elemento
Elemento Elemento
Naratibong
Ulat
9
Sa patuloy na paglalayag natin sa modyul na ito ay mas palalamin pa natin
ang iyong kaalaman tungkol sa naratibong ulat. Halika’t basahin at unawain ang
nilalaman sa bahaging ito.
1. Kronolohikal na pagkakaayos
Importante na ang pagsulat nito ay magsisimula at magtatapos batay
sa nangyari. Hindi maaaring patalon-talon ang pagtalakay sa
pangyayari. Makagulo ito sa sinomang magbabasa ng nagawang pag-
uulat.
2. Walang kinikilingan
Ang isang naratibong ulat ay may layunin kaya hindi maaaring
maglagay ng personal na opinyon o kaya’y kuru-kuro sa naganap.
Iwasan ang paggamit ng mga pang-uri upang ilarawan ang pangyayari.
Mas mahalagang marami ang pandiwa.
Halimbawa:
Kung isasalaysay ang pagdating ng isang opisyal mula sa TESDA,
maaaring isulat ang “Dumating ang TESDA director ng Rehiyon 3
ganap na ika-3 ng hapon. Sinalubong siya ng mga guro ng Mataas na
Paaralan ng Jose Rizal.
10
upang maging mahusay at nararapat ang isang naratibong ulat.
a.Konsepto
Mahalagang malinaw sa naratibong ulat ang konteksto ng pag-
uusap/pagpupulong/gawain dahil ito ang magtatakda ng kabuoang set-up
ng pagkikita.
Kailangang masagot ang sumusunod na tanong:
a.1. Kailan naganap ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
a.2. Saan naganap ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
A.3 Tungkol saan ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
Halimbawa:
“Binanggit ni Bb. A Perez……
Kahalagahan ng pinupuntong resolusyon ni G. S. Perez”….
11
4. Piliin ang pinakaakmang anyo ng naratibo batay sa iyong layunin. May
dalawang anyo ng naratibo ayon sa website ng Northern Illinois University.
Una, ang pagsulat na walang diyalogo o ang simpleng pagsulat sa bawat
aksyon ayon sa mga pangyayari na may kasamang direktang pagsipi sa mga
sinabi ng kasangkot. Pangalawa, ang anyong may kasamang diyalogo na
ikinukuwento ang pangyayari ayon sa bawat eksena at may kasamang
usapan ng lahat ng kasangkot.
Alam kong handa ka nang sagutin ang mga pagsasanay sa bahaging ito dahil
tiyak na inunawa mo ang mga araling tinalakay sa Suriin.
Panuto: Iguhit ang kung FACT O TAMA ang pahayag at naman kung
BLUFF O MALI.
_______1. Ang naratibong ulat ay isang dokumentadong ulat ng mga pangyayari na
isinusulat sa paraang kronolohikal.
_______2. Ang naratibong ulat ay isinusulat ng pasalaysay at mayroong simula, gitna,
at wakas.
_______3. Mahalagang maisalaysay ang mga pangyayari sa ulat sa pamamagitan ng
kronolohikal na ayos.
_______4. Hindi mahalaga ang elemento ng oras at panahon sa isang naratibong ulat.
_______5. Sa naratibong teksto, mas madaling maunawaan at mabilis basahin ng
mga mambabasa.
12
Gawain 2: PICK-ME-UP!
Panuto: Piliin sa loob ng mga kahon at lagyan ng ang mga paraan sa pagsulat
ng naratibong ulat.
5. Gawing
4. Gumamit ng
detalyado ang ulat
unang panauhan
Gawain 3: SURI-HALIMBAWA!
Panuto:Basahin at unawain ang teksto. Ibigay ang hinihinging datos mula sa
binasang teksto.
13
ng mga guro. Ang “A” ay ache o sakit, pero sa dulo may “cher”, “cheer” na
kulang ng isang”e”, na siyang bumubuo sa buhay ng mabisang guro. Nag-roll
call si Gng. Beverly Tongol, guro sa elementary. Isa pang tagapamahala sa
DepEd ang dumating sa okasyon, si Ginoong Ronnie Mendoza na Superbisor
ng Distrito sa Silangan na halata ang pagmamahal niya sa mga guro.
-Halaw mula sa Naratibong ulat Hinggil sa Pagdiriwang ng Araw ng mga Guro 2013 ng DEPSTEA
14
Binabati kita! Natapos mo ang bahagi ng paglalagom sa modyul na ito. Tunay
na malapit mo ng matapos ang iyong paglalakbay. Batid kong matagumpay ka nang
makatatawid sa susunod na modyul.
Gawain: IPASKIL MO !
Panuto: Sumulat ng isang naratibong ulat tungkol sa isa sa mga sumusunod na mga
paksa.
a. Isang pangyayaring nasaksihan
b. Isang talumpati ng isang kilalang tao
c. Isang pangyayari ngayong panahon ng pandemic.
Pamantayan sa pagmamarka:
Kabuoan: 50
Sa bahaging ito nais kong tayahin ang iyong natutuhan sa araling ito sa
pamamagitan ng maiksing pagsusulit. Naniniwala akong masasagot mo nang wasto
ang mga katanungan kaugnay ng paksang tinalakay.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot at
isulat ang sagot sa sagutang papel.
15
a. Naratibo b. Manwal c. Prosijural d.Dokumentasyon
16
9. Sa pagsulat ng naratibong ulat, mahalaga na simulan ito sa paggawa ng
borador o draft. Ano ang mga detalyeng nilalaman nito?
a. Naglalaman ng mga sagot sa tanong na Sino ang kasangkot at Ano
ang nangyari.
b. Naglalaman ng mga sagot sa tanong na Kailan at Saan naganap
ang pangyayari.
c. Naglalaman ng sagot sa tanong na Bakit at Paano naganap ang
pangyayari.
d. Naglalaman ng sagot sa mga tanong na Saan, Ano, Kailan, Saan,
Bakit, at Paano naganap ang pangyayari.
11. Ano ang dapat gawin kung ang isinusulat na ulat ay tungkol sa
iniimbestigahang isang kaso?
a. Iwasan ang paggamit ng aktuwal na pangalan ng taong iniimbestigahan.
b. Isulat ang totoong pangalan ng taong sangkot sa pangyayari.
c. Huwag magbabanggit ng anomang pagkakakilanlan sa taong
iniimbestigahan.
d. Walang sasabihing kahit ano.
12. Anong uri ng panghalip ang ginagamit kung ang manunulat mismo ang
nakasaksi o nakaranas sa pangyayari o sitwasyon?
a. Unang panauhan c. Ikalawang panauhan
b. Ikatlong panauhan d. Ikaapat na panauhan
a. 1 at 2 b. 1, 2 at 3 c. 1, 3, at 4 d. 1, 2, 3, at 4
15. Sa pagsulat ng naratibong ulat, paano gagawing detalyado ang isang ulat?
a. Talakayin nang sunod-sunod ang pangyayari.
b. Isa-isahin ang mga desisyon ng bawat taong kasangkot.
c. Ilarawan ang mahahalagang katangian ng mga taong kasangkot sa
pangyayari.
d. Isama ang mga gawi ng tao na hindi mahalaga sa mensaheng nais
ipahatid sa magbabasa ng ulat
17
Magaling? Binabati kita dahil natapos mon a ang iyong paglalakbay sa modyul
na ito. Ngayon ay nais kong kumalma ka lang, relaks ka lang, at magpahinga.
Ipahinga ang iyong isipan upang mas madali ang pagtanggap sa bagong hamon sa
iyong paglalayag. Handa ka na ba?
Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawa ng naratibong ulat at suriin kung ito ba ay
naglalaman ng mga dapat na nilalaman ng isang naratibong ulat. Isulat ang sagot
o pagsusuri.
18
19
Sanggunian
20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph
21