Ako, JEANNE M. BOSTON, Filipino, nasa hustong gulang at
kasalukuyang naninirahan sa Blk 12 Lot 20, UBB, Barangka, Lungsod ng Marikina, matapos makapanumpa ng naaayon sa batas, ay nagsasaad ng mga sumusunod:
1. Sa Kagalang-galang na Taga-Usig, sa ganang akin ay sapat
na sana ang maliwanag na pagsasalarawan ko sa tunay na pangyayari na naganap noong gabi ng araw ng selebrasyon ng kaarawan ni Fernando “Sonny” Sanchez Novero na maging basehan na mayroong Probable Cause sa mga nirereklamong krimen laban sa kanya, ngunit lumalabas na ginigiit nya at tinataguyod ang mga eksena na bunga lamang ng kanyang imahinasyon na parang naghahabi o naglulubid ng mga kataga sa buhangin.
2. Na ayon sa kanya na isa lamang “typographical error” ang
pagka-lagay sa kanyang Kontra Sagot-Salaysay (Counter- Affidavit) na imbes Hunyo 1, 2019 ang kanyang kapanganakan ang naisaad niya ay Hulyo 1, 2019. Ito ay isang palusot lamang ng isang nabubuhay sa kasinungalingan, sapagkat sa isang normal na tao ang petsa ng kaarawan ay mahalaga sa buhay ng tao, kaya bago niya nilagdaan ang kanyang Kontra Sagot-Salaysay pangkaraniwan na gawin ang masusing pagbabasa ng mga nilalaman nito, kaya imposible na hindi niya mapuna ang pagkalagay ng maling petsa na nakasaad na Hulyo 1, 2019 at hindi lang sa unang pagkakataon na nailagay ang petsang ito (pakisuyo lang na basahin muli ang kanyang Kontra Sagot-Salaysay sapagkat nailagay din ang petsang Hulyo 1, 2019 sa gitnang bahagi ng kanyang Kontra Sagot- Salaysay), kaya sa bagay na pagsasaad lamang ng petsa ng kanyang kapanganakan ay sadya niyang nililigaw ang Kagalang- galang na Taga-Usig.
3. Maliwanag din na ang nilalaman ng pangalawang talata ng
kanyang Pinagsamang Kasagutan sa Kontra Sagot-Salaysay tungkol sa pangunahing dahilan daw kung bakit nauna kaming naghain ng reklamo laban sa kanya ay dahil daw sa napag-alamanan namin na magsasampa siya ng kasong Unjust Vexation laban sa amin. Ito po ay lipos ng kasinungalingan sapagkat matapos niyang maisagawa ang krimeng Grave Threats laban kay Alfonso S. Bañares, Jr. at krimeng Libel/Slander laban sa akin ay pumunta kami kaagad-agad sa Tanggapan ng Barangay ng Barangka, Marikina City para ipa-blotter ang mga ginawa niyang nabanggit sa itaas na mga krimen at ganon din ang paghingi ng saklolo o responde sa mga pulis, at ang mga nabanggit na barangay blotter ay nakakabit ang mga kopya nito sa aming Salaysay ng Pagrereklamo, samantalang hindi niya nagawa ito dahil wala siyang ebidensiya o kopya ng barangay blotter na nagrereklamo laban sa amin, bagkus, nasa ikalawang pagdinig na ng Lupon ng Barangay nang maisipan niyang magreklamo ng Unjust Vexation daw para maitaguyod ang kanyang patuloy na pagsisinungaling na dati na niyang ginagawa sa mga tao na naging biktima niya sa Illegal Recruitment/Estafa. Hindi po totoo na na- dismiss ang kasong Illegal Recruitment/Estafa na naisampa sa kanya ng Piskalya ng Manila dahil na-convict siya sa RTC Branch 1 ng Manila at nag- probation siya dahil hindi sumobra sa anim (6) na taon ang hatol sa kanya. At tungkol naman sa kasong kinakaharap niya sa RTC Branch 157, Pasig City, nakabinbin ito sa ngayon at itutuloy matapos siyang maaresto.
4. Isa pa ring matinding kasinungalingan ang isinasaad ni
alias “Sonny” sa panghuling bahagi ng talata 2 ng pinagsamang kasagutan sa Sagot sa Kontra-Salaysay ay tungkol sa sinabi ko raw na idi-dismiss ko lang ang kaso laban sa kanya kung aaregluhin niya ako sa halaga ng pera na gusto ko. Ang tinuran niyang ito ay isa na namang panlalait at mababang pagtingin sa aking pagkatao, patunay lamang kung gaano kasama at sobrang sinungaling ang pagkatao ni alias “Sonny” sapagkat pinalalabas niya na wala akong delicadeza sa aking pagkatao, at bakit ko naman pababayaran sa kanya ang aking dangal samantalang wala naman siyang legal na hanapbuhay na masabi na siya ay may kakayahan para bayaran ang pagkatao ko. Isa lamang siyang istambay at hindi ko maintindihan kung saan siya kumukuha ng kabuhayan, at nakapagtataka na halos araw- araw, araw at gabi na may mga akyat-manaog sa kanyang bahay, mga taong ang itsura ay hindi mawari kung ano ang kanilang mga transaksyon kay alias “Sonny”. Ang nakapagtataka pa ay bakit hindi niya kaagad naisipan na ilahad sa kanyang Kontra-Salaysay ang tungkol sa sinasabi niya na inalok ko raw siya na bayaran niya ako para hindi ko na itutuloy ang aking reklamo laban sa kanya. Kung naisipan niya kaagad na isinaad sa kanyang Kontra- Salaysay ang tungkol sa bagay na ito na inalok ko siya ng aregluhan ay maaring maniwala pa ang Kagalang-galang na Taga-usig. Sa ganang akin, wala na yatang naisipan si alias “Sonny” na pangdagdag na kasinungalingan at paninirang-puri sa hangad niyang paniniwalaan siya ng Kagalang-galang na Taga-usig.
5. Sa pangatlong talata na kanyang Pinagsamang Kasagutan
sa Sagot sa Kontra-Salaysay na maayos pa rin ang relasyon niya sa kanyang kapatid na si Gng. Patrocinia N. Mallares at kaya hindi ipinagkatiwala sa kanya ang pangangalaga ng bahay ng mag-asawa ay wala daw siyang panahon para mangalaga nito. Hindi po totoo ito, sapagkat katulad ng sinabi ko sa itaas na wala siyang legal na hanapbuhay at isa lamang istambay, kaya marami siyang panahon para pangalagaan sana ang bahay ng mag-asawang Atty. Narzal B. Mallares at Gng. Patrocinia N. Mallares na nasa Amerika, ang totoo nito ay maraming dahilan katulad ng hindi magkabati si alias “Sonny” at ang kapatid niyang si Gng. Patrocinia bago umalis patungong Amerika at kahit nandito pa ito, ang mabigat nito ay hindi siya binigyan man lang ng karapatan na pumasok sa bahay na ipinagkatiwala sa amin, kaya ito ang isa sa malaking dahilan na pinaaalis kami ni alias “Sonny” para siya ang maghari-harian sa pamamahay na hindi kanya. Imposible din naman na hindi niya matingnan man lamang ang kalagayan ng bahay ng kanyang kapatid kahit sinabi niyang may mga pinagkaabalahan siya, samantalang humigit kumulang sa lima (5) o anim (6) na metro lamang ang agwat ng pintuan ng kanyang tinitirhan sa pintuan ng bahay nina Gng. Patrocinia N. Mallares ang totoo nito maraming nagawang kabalbalan itong si alias “Sonny” dahil kahit kapatid niya ay nagawa pa niyang bolahin at lokohin lalo na kapag tungkol sa pera.
6. Sa tinuran ni alias “Sonny” na mas nararapat na doon na
lang sa korte ilalahad namin ang mga ebidensiya kaugnay sa mga reklamo namin laban sa kanya at ganon din ang reklamo niya laban sa amin, ako po ay sang-ayon dito. Isinasaad namin na kahit sa harap ng nag-respondeng mga pulis ay nagawa niya akong bastusin sa pamamagitan ng pagsambit ng ganito: “Baka hindi mo alam na alam ko na nagpapakantot ka sa iba, at kung gusto mo magpakantot ka rin sa akin at babayaran kita”. Sa lahat ng mga papeles na isinumite niya sa pagdinig na ito dito sa Tanggapan ng Kagalang-galang na Taga-usig ay maliwanag na hindi niya itinanggi ang bagay na ito lalo na at pinangalanan namin sa aming mga salaysay ang mga pangalan ng mga rumespondeng pulis nang ako ay tumawag sa mga ito, at ang pambabastos niyang ito sa akin ay handang patunayan ng mga nasabing pulis, kapag pinatawag sila ng Kagalang-galang na Taga-usig.
7. Ang tungkol naman sa sinasabi niya na siya ay 68 taong
gulang at halos kalahati lang ang katawan niya sa katawan ni Alfonso S. Bañares, Jr. iyon nga ang nakapagtataka na alam niya na hindi niya kakayanin sa suntukan si Jun, ngunit nagawa pa niyang hamunin ito ng suntukan sa harap pa ng mga pulis. Maaring malakas lang loob dahil marami siyang mga bisitang mga lalake at lalo na nakainom ito dahil araw ng kanyang kapanganakan. Sabi nga ng mga pulis na may sayad yata si alias “Sonny” sa kanyang mga iginawi ng gabing iyon ng Hunyo 1, 2019. Binabaliktad ni alias “Sonny” ang katotohan na siya ang palaging may sukbit ng baril na nakabukol palagi sa kanyang tagiliran kapag lumalabas siya ng bahay at pakilala niya sa komunidad ay kasapi siya na CIDG kaya natatakot ang mga tao na magreklamo laban sa kanya. Si alias “Sonny” ay ang taong kahit may katandaan na ay masabing walang pinagkakatandaan at lumulutang sa kayabangan at sobrang bilib sa sarili.
8. Bago ang lahat, ang isa pang ipinagtataka ko na ako lang
ang bale kinokontra ni alias “Sonny” sa kanyang mga isinasalaysay na pawang kasinungalingan at bakit hindi niya halos kinokontra ang mga salaysay ni Alfonso S. Bañares, Jr. na nag-aakusa sa kanya ng krimeng Grave Threats, maliban sa gawa-gawa niyang mga reklamo na pambabastos daw na ginawa si Jun sa kanyang mga bisitang babae na hindi man lang niya hiningian ng salaysay para kapani-paniwala ang mga paratang niya na mula sa isang panaginip lamang at ginawa pa niyang testigo ay ang taong umuupa ang kinakasama nito sa isang kwarto ng lugar niya (alias “Sonny”) kaya iisa lamang ang kanilang address, maaring pinagbigyan lang siya ng testigo niyang si Dennis Ibo na wala naman noon nang mangyari ang ginawa niyang mga krimen.
Bilang patunay, nilalagdaan ko ang Salaysay kong ito ngayong
ika-6 ng Nobyembre 2019 dito sa Lungsod ng Marikina, Kalakhang Maynila, Philippines.
Jeanne M. Boston Nagsalaysay
SUBSCRIBED AND SWORN to before me, this 6th day of
November 2019 at Marikina City, Metro Manila. I hereby certify that I have personally examined affiant and I am fully convinced that she understood and voluntarily signed her statement.