Sanaysay Ukol Sa Pagbabasa

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Nicodemus, Christa Kate B.

GAS 12- Zephaniah

Kahalagahan ng Pagbabasa

Simula pagkabata ay tinuturuan na ang mga tao na magbasa. Ngunit gaano nga

ba kahalaga na malaman natin ito? Sabi ng isa sa aking mga guro dati ay higit na mas

importante ang pagbabasa kaysa sa panonood. Katwiran nya ay dahil daw mas

gumagana ang ating utak pag nagbabasa ng mga libro. At ako ay isa sa mga maraming

taong sumang ayon dito.

Sa katunayan ay nagagamit natin ang pagbabasa sa ating buhay araw-araw nang

hindi natin napapansin. Pag tumitingin sa mga babala o palatandaan sa paligid ay

binabasa natin ito. Dito natin nalalaman kung anong tama at mali o dapat sundan.

Madalas din kapag tayo ay nagbabasa ng mga balita, dito nalalaman natin ang mga

nangyayari sa ating bansa o sa buong mundo man yan. At marami pang ibang sitwasyon

na nagagamit natin ang pagbabasa. Bukod dito ay magagamit din natin ang pagbabasa

sa pagpili ng gusto nating kurso pagtungtong sa kolehiyo. Marapat lamang na tayo'y

mag-aral o magbasa patungkol sa mga kurso. Dito malalaman natin kung ano ba talaga

ang gusto nating trabaho. O kaya nama'y kung nakapili na ay pwede rin tayong magbasa

kaagad ng mga aralin patungkol sa kursong ito. Magiging mas madali rin sa atin na

makapasa sa kolehiyo kung may tiyaga at marunong tayong magbasa.

Kung kaya't mahalin natin ang pagbabasa at ating paganahin ang ating

imahinasyon sa tuwing babasahin natin ang mga libro ng may akda ng aklat. Namnamin

at unawain din natin ng maigi ang bawat salitang nakatala dito. Nang sa gayo'y balang

araw ay maturuan din natin ang susunod na henerasyon patungkol sa pagbabasa at

maipasa natin sa kanila ang ideya kung gaano ba talaga kahalaga ang pagbabasa.

You might also like