Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

IBAT IBANG PANITIKAN SA IBAT IBANG WIKA SA

PILIPINAS

MARING (KAPAMPANGAN)
May salin sa Tagalog na Ang Buhok ni Ester
Nobelang isinulat ni Aurelio Tolentino, isang mandudula,
makata, at mangangatha. Isa siyáng Kapampangan ngunit
sumulat sa mga wikang Kapampangan, Tagalog, at
Español. Isinilang siyá noong 13 Oktubre 1867 sa
Guagua, Pampanga kina Leonardo Tolentino at Petrona
Valenzuela. Aktibo siyáng Katipunero at kasáma ni
Bonifacio sa kuweba ng Pamitinan noong 10 Abril 1895
sa isang lakaran para sa kalayaan.
Sa Akda na ito sinabi ng kumatha ang katagang Sa inyó,
mga kapatid kong bulaklak ng Pilipinas, sinag ng buhay,
sibol ng lambing at pagibig, hiwaga ng saganang bait at
banal na pagtitiis, mga babaying dangal ng kalinisan sa
sangkatauhan, sa inyo ko ipinatutungkol itóng walang
kabuluhang aklat. Maliit na lubha, palibhasa’y talagang maliit yaring pag-iisip. Gayon pa man,
kung inyong nanamnamin ang pinagdaanang buhay ni Maring si Maring na diwa nitong
kasaysayan, ay inaasahan kong kayo’y may kaunting kabutihang pakikinabangan. Sa munting
aklat na handog ko, ay inyong makikitang maliwanag, na ang isang babaying marangal at may
malakas na kalooban, ay kahalintulad ng araw: sa kabila ng mga makakapal na dilim at
maraming bagyo ng ligalig at kahirapan, ay sumisikat na maluningning, ligid ng puri, ligid ng
biyaya, ligid ng lualhating di mahulilip.

You might also like