Professional Documents
Culture Documents
Piling Larang (Akademik) Quarter 2 Week 1 To 8
Piling Larang (Akademik) Quarter 2 Week 1 To 8
Piling Larang (Akademik) Quarter 2 Week 1 To 8
FILIPINO
Sariling Linangang Modyul
Ikalawang Markahan:
Una hanggang Ikawalong Linggo
1
FILIPINO 12 (Akademik)
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
Sanaysay
Pangalan: _______________________________ Q2W1:____________________
UNANG ARAW
ALAMIN
TUKLASIN
Ang sanaysay o essay ay akdang sulat na naglalaman ng mensahe, pananaw o ideya ng may
akda tungkol sa isang paksa.
PORMAL NA SANAYSAY
DI-PORMAL NA SANAYSAY
2
Ang di-pormal na sanaysay naman ay maaring tungkol sa karaninwang mga paksa, personal na
pananaw o mga sulatin na naglalayong makapagbigay aliw sa mambabasa. Ang tema at
pormat nang pagsulat nang ganitong uri ng sanaysay ay kadalasan may bakas ng personalidad
ng may akda at parang nakikipag-usap lamang sa isang kaibigan at hindi gaanong pormal ang
mga salitang gamit sa pagsulat.
SIMULA – Dito karaniwang naglalagay nang pang-akit atensyon ang nagsusulat ng sanaysay.
Dito makakapag-isip ang mambabasa kung magpapatuloy pa sa pagpabasa.
KATAWAN O GITNA – Dito naman naka lagay ang malaking bahagi ng sanaysay, dito
maisasaad ang mga mahahalagan impormasyon o ideya ng may akda tungkol sa paksa. Dito
nagpapahayag ng mensahe and tagapagsulat.
WAKAS – Ito ang pansarang bahagi ng sanaysay. Dito maaring magsulat ng konclusion, buod
ng sanaysay o mensaheng habilin ng manunulat sa mambabasa. Maari ding maglagay ng sulat
na makakapag-hamon sa pag-iisip ng mga nagbabasa ng akda.
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago
ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa
ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang
magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-
araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot.
Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na
pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay
at kung paano mabuhay ng maayos.
Mula sa Sanaysay-Filipino.blogspot.com
PAMILYA
Sila ang lagi mong nakakasalamuha araw-araw kung kaya’t kung ano ang nakikita
natin sa kanila ay maaaring madala natin ito hanggang paglaki. Ang pagbabago ay makikita
natin sa ating MAGULANG dahil sila ang unang nakaranas ng pagbabago, kung kaya’t alam
nila kung magiging maganda ba ang ating pagbabago o hindi. Katulad na lang halimbawa ng
pagkuha ng mga bagay na hindi sa atin. Dahil nakalakihan na natin ito kung kaya’t mahihirapan
na tayong magbago dahil nasanay na tayong ganito ang ating ginagawa.
3
Magandang Umaga!. Komusta ka na? Alam ko sa araw na ito ay kawiwilihan mo ang
mga tatalakayin natin sa Learning Activity Sheet na ito. Halina’t tuklasin ang bagong kaalaman
sa ating aralin. Pero bago yan, meron akong konting mga paalala sa mga gagawin mo;
SUBUKIN
GAWAIN 1:
KAYANG-KAYA MO!!!
4
.
GAWAIN 2
pagsulat ng sanaysay
Target sa Pagkatuto 2: Maisusulat mo nang mabisa ang simula, gitna at wakas na bahagi
ng sanaysay.
Magagawa Mo!!!
5
Gawain 3:
Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba at gawan ito ng Sanaysay. Sikaping makabuo ka ng
isang sanaysay na may Panimula, Katawan, at Wakas. Gawan ito ng may 5-7 pangungusap sa
bawat talata o paragraph.
- Sa Aking Paglalakbay
- Edukasyon Bulok Na
- May Panahon Pa Kaibigan
- Disiplina Sa Ikauunlad Ng Bayan
- Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran
- Ang Kahalagahan ng Edukasyon
- Ang Tunay na Ako
- Kagustuhang Magbago
- Susi sa Pagkakaisa at Kaunlaran
- Pag-ibig na Walang-Forever
- Hayzkul Layf
REPLEKTIBONG SANAYSAY
LAKBAY SANAYSAY
Ang lakbay-sanaysay ay kilala rin sa Ingles bilang “Travel Essay”, ito ay isang sanaysay na kung
saan ang ideyang ito ay pinanggalingan mula sa mga pnuntahang or “nilakbayang” mga lugar.
Kabilang rin dito ang kultura, trasisyon, pamumuhay, uri nga mga tao, eksperyensya mula sa
awtor at lahat ng aspetong naalaman ng isang manlalakbay.
PICTORIAL ESSAY
6
Ang pictorial essay ay isang sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa sa salita o
panulat. May pagkakataong nakaugnay ito sa isang lakbay sanaysay lalo na’t karamihan ng
lakbay-sanaysay ay may kasamanag larawan. Sa pagsulat ng pictorial essay dapat lamang
tandaan ang sumusunod:
Pagkatapos mong mabasa ang paksang ating aralin ay sikapin mo namang masagot ang
ilang mga activities upang lalong lumalim pa ang iyong mastery level sa ating paksa.
IKAAPAT NA ARAW
Gawain 4:
Gawain 5
Panuto : Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa iyong paglalakbay sa nagustuhan mong lugar
dito sa ating bansa at Isalaysay mo o Ikwento mo ang naging karanasan mo sa iyong paglalakbay.
Isalaysay Mo!
Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinatawag ng sanaylakbay kung saan ang
terminolohiyang ito, ay nabubuo ng tatlong konsepto sanaysay, sanay, at labay. Naniniwala
siyang ang sanaysay ang napaka epektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga
karanasan sa paglalakbay.
7
Pamantayan Puntos
Kabuoang Puntos 20
IKALIMANG ARAW
PAGYAMANIN
REPLEKSYON
Bilang isang mag-aaral, paano makatutulong sa iyo ang mga kaalaman kaugnay sa
paggawa ng iba’t ibang uri ng sanaysay? Magtala ng limang paraan
SANGGUNIAN
Larangan-Akademik)
https://www.coursehero.com/file/45895183/Pictorial-Essaydocx/
https://http543.wordpress.com/2016/10/17/pictorial-essay-hakbang-tungo-sa-
pagbabago/
SUSI SA PAGWAWASTO
Inihanda/May-akda ni:
8
Filipino 12 (AKADEMIK)
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
Piktoryal na Sanaysay
UNANG ARAW
SUBUKIN
Batay sa iyong sariling karanasan sa iyong paaralan, subukan mong magkuwento gamit ang mga
larawang ito. Isulat ang caption sa ibaba ng bawat larawan.
Pamantayan Puntos
9
Angkop ang gamit ng wika 5
TUKLASIN
Ayon sa Collective Lens/ Photography for Social Change, narito ang mga elemento na
mahalagang taglayin ng isang piktoryal na sanaysay:
1. Sa kuwento, dapat makapagsalaysay ang piyesa kahit walang nakasulat na artikulo.
Hayaang magsalaysay o magbigay ng komentaryo ang mga larawan.
2. Ang mga uri ng larawan ay tumutukoy sa barayti ng mga retrato gaya ng wide angle,
close up, at portrait na mahalagang mailahok sa mga piyesa.
3. Mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng mga larawan upang mabisa itong
makapagkuwento sa paraang kaakit-akit at lohikal.
4. Mahalagang maglahok ng mga larawang nagtataglay ng impormasyon at ng emosyon.
Saan naganap ang eksena? Sino ang mga kasama sa larawan? Ano ang kanilang
pakiramdam sa mga nangyari? Sa pamamagitan ng mga larawang ito, mabisang
naipapahayag ng manlilikha ang kaniyang mensahe.
10
5. Ang paglalarawan o caption ay mahalaga upang masigurong maiintindihan ng
mambabasa ang kanilang tinutunghayan. Pagkakataon ito upang ilarawan ang
pangyayari sa pamamagitan ng pagsusulat. Kung kinakailangan, mahalagang maglaan
ng impormasyon sa caption tulad ng petsa, mga pangalan, at lugar.
IKALAWANG ARAW
12
Rubrik para sa paglalahad ng paliwanag sa napiling larawan
Pamantayan Puntos
13
Angkop ang gamit ng wika 5
GAWAIN 3:
Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
14
IKATLONG ARAW
GAWAIN 4
Suriin ang piktoryal na sanaysay sa ibaba. Isulat ang uri ng bawat larawang ginamit.
GAWAIN 5
Balikan ang mga larawan sa Gawain 1. Suriin kung taglay nito ang mga elemento ng piktoryal
na sanaysay at ipaliwanag. Lagyan ng tsek kung taglay nito at ekis kung hindi.
Larawan A
Pagkakaayos ng mga
larawan
15
Impormasyon at emosyon
Paglalarawan o caption
Larawan B
Pagkakaayos ng mga
larawan
Impormasyon at emosyon
Paglalarawan o caption
Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
16
IKAAPAT NA ARAW
GAWAIN 6
Halimbawa:
PAMAGAT Larawan C
Larawan D
Larawan A
(detalyeng larawan)
(larawan ng
(eksena) Larawan B
tao)
(pangunahing larawan) Larawan E
(larawang close-up)
Larawan F Larawan G Larawan J
Larawan I
(detalyeng larawan) (signature (panghuling larawan)
(larawan ng tao) photo)
_______________ ___________________
A B
C D
F E
17
G H
I J
Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Paglalarawan o caption 10
GAWAIN 7
18
Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Paglalarawan o caption 10
TAYAHIN
GAWAIN 8
Gumawa ng piktoryal na sanaysay na tumatalakay sa isang partikular na suliraning
panlipunan at kung ano ang mga paraan upang matugunan ito. Maaring mangalap ng mga
larawan sa alinman sa mga sumusunod ayon sa iyong kakayanan:
Diyaryo/Pahayagan
Magasin
Internet
Sariling kuha ng retrato
Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Paglalarawan o caption 10
SANGGUNIAN
EugeneY. Evasco and Will P. Ortiz, Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan
(Akademik)Batayang Aklat sa Senior High School
https://www.slideshare.net/SamFordKill/photo-essay-69494372
SANGGUNIANG LARAWAN
https://www.facebook.com/joanpumaras.alimurong/posts/3566723270013096
https://spark.adobe.com/page/fsEWzrc8LSk99/
SUSI SA PAGWAWASTO
Sariling sagot ng mga mag-aaral Inihanda /May akda:
LEVY P. CORONEL
SST-1/ACSCI-SHS
19
.
Filipino sa Piling Larang - AKADEMIK
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
Lakbay Sanaysay
UNANG ARAW
ISAISIP
Susing Konsepto
ALAMIN
SUBUKIN
PANIMULANG PAGSUSULIT
I. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap, isulat
ang TAMA, kung may bahagi namang mali sa pangungusap, isulat ang MALI.
BALIKAN
Gawain 1. IPABATID SA BAWAT LETRA sa akrostik ang iyong ideya tungkol sa akademikong
sulatin. (Ang akrostik ay isang tula o iba pang uri ng kasulatan kung saan ang unang titik ng bawat
linya ay bumubuo ng espesyal na salita o mensahe.)
TUKLASIN
IKALAWANG ARAW
3
.
A. Mayroon pang isang salitang nakadugtong sa sanaysay, ang salitang lakbay. Ano ang
kahulugan ng salitang lakbay?
Lakbay
1. Mga lugar na pinuntahan ni Drew. Paano siya nakapunta sa mga lugar na nabanggit?
2. Mga pagkaing kinain ni Drew. Magkano ang halaga ng mga pagkain?
3. Mga taong nakasalamuha ni Drew o ininterbyu sa bidyo. Sino-sino ang nakasalamuha ni Drew sa
paglilibot sa Coron?
4..Mga ginawa ni Drew. Ano-ano ang mga ginawa ni Drew habang nasa Coron siya?. (mas nakatutok
sa mga pandiwa tulad ng sa pormal, mas seryoso ang paksa habang sa impormal mas magaan ang
paksa.
SURIIN
PANUTO: BASAHIN ANG TEKSTO “Solo sa Oslo” ni Will at ihambing ito sa napanood na Biyahe ni
Drew
4
.
Mahigpit ang hawak ko sa armrest ng upuan ng eroplano. Mapusyaw ang ilaw. Patungo na ako ng
Oslo. Nanlalamig ang mga kamay ko. Wala pa akong tulog simula nang umalis ng Pilipinas na ang
ibig sabihi’y 20 oras na akong gising. Sa kabilang aisle ng eroplano, ngumiti sa akin ang isang
lalaki.Hindi ko alam kung ano ang kanyang lahi. Ngumiti rin ako. “Pinay?” tanong niya. Tumango ako
at natuwa. Tanungan kami kung ano ang ginagawa namin.Isa siyang inhinyero at magte-training sa
Oslo. Nakilala ko rin ang kasamahan niyang Indonesian. Pagdating namin sa Oslo, linga ako nang
linga. Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin ng inhinyero na sumabay na ako sa
kanila.Maaaring mag-bus o mag-bullet train patungong downtown Oslo. Pinili naming mag-bullet train
kahit doble ang bayad dahil 30minuto lamang ito kumpara sa bus na tatlong oras. Sa loob ng bullet
train na halos walang tao, umupo akong malapit sa bintana. Nagsu-zoom ang mga lugar na aming
dinaraanan, sumasabay sa kabog ng Station kami bumaba. Maraming mga tao, mga nakangiti,
maingay. Nagtanong ako sa information kung gaano kalayo ang hostel na tutuluyan ko. Itinuro niya
ito sa mapa.Kung lalakarin ko raw ay 30 minuto. Nagulat ako na nasa likod ko pa rin ang inhinyero,
sabi niya idadaan na lamang nila ako sa titirhan ko. Bumagal ang napakabilis na sikdo ng puso ko.
Isang Mercedes-Benz ang sumundo sa kanila at inihatid nga ako sa tinutuluyan ko.
Maliit ngunit malinis ang hostel at malapit sa train station patungong University. Nakatulog ako nang
siyam na oras. Para sa isang insomniac, isa itong milagro. Binisita ko ang pagdadausan ng
kumperensiya kinabukasan, natuwa ako sa lawak nito, naglalakihan ang mga puno. Kapag huminga
ka nang malalim, manunuot sa ilong ang amoy ng damo, lupa at lamig.
Yari sa salamin ang malaking gusali ng library nila. Sa loob, mga nakangiting Norwegian volunteers
ng kumperensiya ang makikita sa registration. May isang conference participant ang nagtaas ng
boses, di ko alam kung taga-saang bansa. Sabi niya, “I’m sorry but who speaks English here?” At sa
malumanay na tinig, sinagot siya ng kausap sa matatas na Ingles, “I do, I do speak English. I’m just
not sure what you’re asking me.”Sa pagitan ng mataas at malumanay na boses na nagsasalimbayan,
nagtanong ako sa sa isa pang nasa registration. Inasikaso niya akong mabuti at ipinadama sa
kanyang ngiti ang “welcome.” Napatitig ako sa babaeng malumanay ang tinig sa pagpapaliwanag,
blonde ang kanayang umaalongalong buhok na lagpas balikat, at bughaw ang mga mata. At
namangha ako na tila namana niya ang tiyaga ng mga Pilipino sa pakikisama sa mga dayuhang
mahirap pakibagayan.Pagpalain ka, naisip ko.
Kinakabahan man sa unang bugso ng mga salita sa pagbabasa ng aking papel sa kumperensiya, sa
kalagitnaa’y madulas na ang aking mga paliwanag. Sa pagtatapos, maraming iba’t ibang mga lahi at
ilang mga Pilipino ang aking nakilala. Marami silang mga tanong na maaaring maging paksa ng iba
kong pag-aaral ukol sa panitikang pambata.
Nang makatapos ako sa aking presentasyon, lumabas ako at naglakad sa campus. Nakita kong
sunod-sunod na nakahilera ang mga bisikleta sa harap ng library. Nararamdaman ko ang init ng araw
sa aking balikat. Umupo ako sa hardin sa harap ng aklatan at tiningnan ang mga naglalabas-masok.
Iba’t iba ang kulay ng kanilang mga buhok at mata. Isang lalaking estudyanteng may brown na buhok
ang lumabas ng library at tinungo ang kanayang nakaparadang bisikleta. Habang tinatanggal niya
ang kadena nito, nakita niyang tinitingnan ko siya, ngumiti siya.Nakamata lamang ako.Sumakay siya
at ipinedal ang bisikleta papalayo sa gusaling salamin. Ilang pedal lamang at muli niya akong nilingon.
Ngumiti ako.
5
.
Nang huling araw ng kumperensiya, ninamnam ko ang kaylambot na salmong inaagusan ng
natutunaw na butter at katas ng lemon na idinulog sa amin. Ninamnam ko ito tulad ng pagnamnam
ko sa pagyakap sa aking pagdating at paglisan sa University of Oslo.
Limang araw akong naglagi sa Oslo kasama ng mga bago at matagal nang kaibigan. Nang malaman
ng isang Pilipina na nasa hostel ako, inanyayahan niya akong tumira sa kanyang bahay. Sa maliit
kong budget, hindi na ako humindi pa. Ginugol namin ang panahon sa pamamasyal.Halos lahat ng
tao ay nasa labas ng mga café. Bakit ka nga naman matutulog kung laging sumisikat ang araw?
Halos 20 oras o higit pa ang sikat ng araw sa tagaraw.Para sa isang bansang laging nakakaranas ng
lumalamong dilim tuwing winter, isang di-mapapantayang biyaya ang maramdaman at masilayan ang
mapagpalang init ng araw. Naroon sila sa kalye, humahalakhak, strapless o sleeveless ang mga
blusa ng mga babae. Mga lalaking naka-shorts. Sarisaring kulay, sari-saring wika ang maririnig.
Maliwanag kong nakikita ang pagsasanib ng kulay kahit maghahating-gabi. Isang sari-kulay ng mga
taal na taga-Oslo at turistang nagsasaya sa “Land of the Midnight Sun.”
Sumakay kami ng ferry sa Radhusbrygge patungo sa iba’t ibang museo sa Oslo.Namimigay sila ng
leaflets sa turista sa Oslo Central Station.Sa dami ng halos magkakatabing museo, hindi ito
kakayaning libutin sa loob ng isang araw. Ngunit isa sa mga museong ito ang tumatak sa aking isipan
– ang Viking Museum.
Ngumiti ako sa guwardiya nang pumasok sa museo ng mga piratang Scandinavian. Ngumiti siya at
pinapasok ako nang hindi man lamang tinitingnan kung mayroon akong tiket o wala. Nakakatuwa.
Ngunit nawala ang aking ngiti nang makita ang nasa bungad na barko na marahil 20 metro ang haba,
gawa sa oak at halos buo pa.Ito ang Gokstad (o Gaukstad).Kamangha mangha ang inukit na disenyo
ng tila ahas at dragon sa gilid nito. May kung anong kilabot ang dala ng mga barko ng Viking na
nagsilbing libingan ng namayapa. Inihahatid sila tungo sa kabilang buhay. Siglo walo hanggang
labing-isa pa ang mga ito ngunit napreserba maging ang mga alahas ng mga Viking. Tumatayo ang
mga balahibo ko sa kamay habang kinukunan ng kamera ang mga naiwang gamit nila.
Nang bumalik ang ferry sa downtown, umupo kami sa dock at bumili ng ice cream sa cone. Halos
Ᵽ700 ang presyo nito. Sa saliw ng live jazz na tumutugtog sa malapit na barge, tinatanaw ko ang
dagat at ang iba’t ibang mga barko. Lumapit sa akin ang seagulls na abuhing-puti ang kulay, hinihingi
nila ang french fries na hawak ko. Ibinigay koito sa kanila at tila tumawag pa ng pansin sa kanilang
mga kasamang ibon. Nagliparan sila patungo sa akin.Hindi sila takot. Napangiti ako.
Hindi na sumisikdo nang mabilis ang tibok ng puso ko sa loob ng eroplano patungong Pilipinas. Ano
nga bang uri ng takot ang sumagi sa akin patungong Oslo? Marahil may takot ako na galing sa lahing
Scandinavian pirates ang mga taga-Oslo at ako, sa makitid kong pag-iisip ay may takot sa uri ng mga
taong makasasalamuha ko sa ibang bayan. Ngunit magkaiba man ng kulay, may pagkakatulad ang
paniniwala ng mga sinaunang Pilipino sa Vikings – ang pagtawid sa kabilang buhay gamit ang bangka
o barko. Hindi nga ba’t ito ang makikita sa Manunggul jar?
Sa kabuuan ng aking paglalakbay, kayrami kong naranasang kakaibang pagtanggap, pagtulong mula
sa mga taga-Oslo, banyaga at sariling kababayan. Sa kabila ng mapusyaw na ilaw, laging naghihintay
ang araw.Kung maniniwala ka sa kabaitan ng mga estranghero sa ibang bayan, lagi mo itong
makikilala sa anumang paraan, sa ngiti man, payo, paghahatid o sa pagpapatuloy sa iyo nang busong
puso sa isang tahanan.
Maluwag na nakapatong sa armrest ang aking mga kamay habang pabalik ng Pilipinas.
6
.
GAWAIN 5. Sagutin ang Worksheet sheet na naglalaman ng mga sumusunod. Sagutin ng isang
pangungusap o parirala o ilang salita lamang.
I. WORKSHEET
PANGALAN ___________________________ Score ______________
Seksiyon ______________ ___________________________________
PETSA _________________ (lagda at pngalan ng magulango guardian
D. Mga Kinain
Pagkain 1: Paglalarawan:
Pagkain 2: Paglalarawan
Pagkain 3: Paglalarawan:
IKATLONG ARAW
Gawain 6. Balikan ang pinanood na episode ng “Biyahe ni Drew,” at ihambing ito sa nabasa
at sa programang pampaglalakbay.
7
.
PAGYAMANIN / ISAGAWA
8
.
Katangian 10 6 3 1
9
.
gramatika, ali sa
bantas at gramatika,
baybay bantas at
baybay
PUNTOS
TAYAHIN
I. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong
pangungusap, isulat ang TAMA, kung may bahagi namang mali sa pangungusap, isulat ang
MALI. (2 puntos bawat isa)
Pamantayan sa Pagmamarka
a. Nilalaman- 10 puntos
b. Organisasyon- 10 puntos
c. Wika- 10 puntos
SANGGUNIAN
10
.
Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book Store 2016
Edition
Internet Sites
https://www.youtube.com/watch?v= tDPM91TqoHg)
SUSI SA PAGWAWASTO
Panimulang Pagatataya
1.Tama 2. Mali 3.Mali 4. Mali 5. Mali
Gawain 1. Iba-iba ang sagot
Gawain 2. Iba -iba ang sagot
Gawain 3. Mga inaasahang sagot 1.pagpunta sa ibang lugar 2. paglalakwatsa, pagliliw-
aliw 3. suroy- suroy 4. Pagtuklas
Gawain 4.
1. Lugar: Kalachuchi Beach, Discovery Island, Lajatian, FishingVillage, Kayangan
Lake, East Tangat Wreck, Sangat Hot Spring,Pass Islandr,
2. Pagkain: ribeye steak, bacon cheese burge
3. Tao: Tagbanua, Marcel Eisenhut
4. Ginawa: kayaking, umakyat sa bundok, sumisid sa wreck,, nagsayaw, sumakay
ng balsa
Gawain 5
Pamagat ng akda: Solo sa Oslo ni Willl Ortiz
A. Pagkakasunod-sunod ng Imga pangyayari
Pangyayari
1: Pangyayari Pumunta sa Europa sakay ng eroplano dahil magsasalita sa
kumperensiya sa University of Oslo. Solo
2: Pangyayari nag-bullet train patungong downtown Oslo. ang inhinyero, idadaan
sa titirhan hostel.
3: Pangyayari. Binisita ang pagdadausan ng kumperensiya at doon ginanap ang
presentasyon ng kanyang papel.
4: Pangyayari makatapos sa presentasyon, lumabas at naglakad sa campus .
Isang lalaking estudyanteng nakitang tinitingnan siya, ngumiti siya. Ilang pedal
lamang at muling lumiingon. Ngumiti rin ito.
B. Mga Lugar na pinuntahan
Lugar 1: Paglalarawan: Ginawa: University of Oslo. Solo sa Oslo presentasyon ng
papel sa kumperensiya
11
.
Lugar 2: Paglalarawan: Ginawa: Radhusbrygge patungo sa iba’t ibang museo sa
Oslo binista ang Viking Museum. kinunan ng kamera ang mga naiwang gamit nila.
Lugar 3: Paglalarawan: Ginawa: Limang araw i sa Oslo kasama ng mga bago at
matagal nang kaibigan. N isang Pilipina inanyayahang tumira sa kanyang bahay.
Ginugol ang panahon sa pamamasyal sa “Land of the Midnight Sun.”
C. Mga Taong nakasalamuha
Tao 1: Katangian: Pilipinong seaman
Tao 2:Katangian: isang lalaki.Hindi alam kung ano ang kanyang lahi.
Tao 3: Katangian: Norwegian volunteer, babaeng malumanay ang tinig sa
pagpapaliwanag, blonde ang kanayang umaalongalong buhok na lagpas balikat, at
bughaw ang mga mata.
D. Mga Kinain
Pagkain 1: Paglalarawan: salmong inaagusan ng natutunaw na butter at katas ng
lemon
Pagkain 2: Paglalarawan , french fries
Pagkain 3: Paglalarawan: ice cream sa cone. Halos Ᵽ700
E. Mga Ideyang naisip o napagtanto ng awtor sa paglalakbay
Ideya 1: naranasang kakaibang pagtanggap,
Ideya 2: , pagtulong mula sa mga taga-Oslo, banyaga at sariling kababayan.
Ideya 3: kabaitan ng mga estranghero sa ibang bayan, lagi mo itong makikilala
sa anumang paraan,
Inihanda/May-akda ni:
EDNA C. CANLAS
SST-II/ACSHS
12
.
Filipino sa Piling Larang - AKADEMIK
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
Replektibong Sanaysay
Pangalan: _______________________________________Q2W4__________
UNANG ARAW
ISAISIP
Susing Konsepto
Ang araling ito na anyo ng malikhaing pagsulat ay tungkol sa replektibong sanaysay, Layunin
nito ay makagbigay ng impormasyon sa isang masidhing pamamaraan. Masasabing emosyonal ang
ganitong anyo ng pagsulat. May kalayaan ang manunulat sa pagpili ng mga salitang sasabihin o
isusulat, nang sa gayon ay mas makapukaw ng atensyon at emosyon sa tagapakinig o mambabasa.
Hindi na iba ang ganitong gawain sa mga kabataan ngayon, lalo’t sila ay kabilang sa tinatawag na
milenyal na edad. Halos lahat na lamang ng kanilang nasasaisip at nararamdaman ay iniuulat sa
lahat. Gamit ang teknolohiya ng new media, partikular ang internet at Social Networking Sites, malaya
nilang ipinamamalita sa mundo kung ano man ang nais nilang sabihin. Popular halimbawa sa
blogosphere ang pagpapaskil ng replektibong sanaysay, Bagaman lubog at babad na ang mga mag-
aaral sa ganitong mga anyo ng pagsulat, ipamamalas ng mga babasahin na hindi lamang nararapat
na makulong sa kalungkutan, hinaing, at pag-ibig ang mga paksa ng mga ito, bagkus kinakailangang
umangat pa ito sa mga isyung pangkultura’t panlipunan. Kahit pa seryoso o masaya/malungkot ang
tinig, hindi nawawala ang tali ng emosyon upang mailugar ang kanilang mga sarili sa mundo na
kanilang ginagalawan.
ALAMIN
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin
CS_FA11/12PU0p-r-94
SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA
I. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap, isulat
ang TAMA, kung may bahagi namang mali sa pangungusap, isulat ang MALI.
____1. Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga nararamdaman,
kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng manunulat.
____2..Maaaring lamanin ng replektibong sanaysay ang mga kalakasan at kahinaan ng manunulat.
____3. Mas naglalahad at nangangatwiran ang replektibong sanaysay kaysa nagsasalaysay at
naglalarawan.
____4. Ang replektibong sanaysay ay naglalayong bigyang-katwiran, ipaliwanag, o suriin ang
partikular na salaysay at palutangin ang halaga nito
____5. Isang akademikong paraan ng pagsisiwalat ng bagong kaalaman patungkol sa pagkatao,
lipunan, at mga isyu o napapanahong paksa .
13
.
IKALAWANG ARAW
BALIKAN
Gawain 1.
Balik-aralan ang tatlong uri ng sanaysay at ang mga katangian ng lakbay sanaysay at replektibong
sanaysay.Gamit ang Venn diagram ipakita ang pagkakapareho at pagkakaugnay ng lakbay at
replektibong sanaysay. ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawa.
Pagkakatulad
Gawain 2. Pakinggan ang kantang “kanlungan” ni noel cabangon. Maaaring gamitin ang video na
ito: https://www.youtube.com/watch?v=g fduz_xs7ae . Pakinggang mabuti ang kanta at intindihin
ang mensahe.
TUKLASIN
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Gawain 3. PAGSAGOT SA MGA KATANUNGAN: Basahin ang mga katanungan mula sa tekstong
tinatalakay at sagutin ag mga ito.
15
.
4. Ano ang gusto mong maging silbi o maiambag sa pamilya at bayan pagkatapos ng senior
high school?
_______________________________________________________________________
IKATLONG ARAW
SURIIN
PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Batay sa nabasang teksto sagutin ang mga katanungan sa tulong ng wastong
paggamit ng wika.
1 Kangina lamang, kangina lamang sa lahat ng araw, naisip ko habang sinusuklay ko ng daliri ang
aking ulo: dito sa partidang ito nagsisimulang malagas ang aking buhok. Ako’y gumugulang na, ako’y
tumatanda na, ngunit hanggang ngayon, salamat na lamang, wala pa akong nagagawa na ikahihiya
ng natutulog pa naming anak.
3 Mula sa makalabas ng lote’y tinalunton namin ang mataas ding pampang ng isang paliku-likong
sapa. Ito ngayon ang ginagamit na drainage ng subdibisyon. “Ilog” ang tawag ng aking mga anak
doon. “I-log,” itinuturo ng aking maybahay sa aming bunso. “Ilog.” Mali. Pero hindi ko na siya itinama.
Hindi kami nagtagal sa pananalunton sa sapa sapagkat dumidilim ang pundo ng langit. Nagbalik kami
16
.
sa lote at tumuloy sa tila-sa-iskuwater na kubong itinayo ng mga nagbabakod ng lote. “Ang dali-dali
naman nating namasyal!” tutol ng aming panganay, at idinadahilan ko ang langit. Saan tayo sisilong?
4 Nang pumatak-patak ang ulan-malalaking patak-ay pumasok kami sa kubo. Umulan nang
napakalakas. Kumulog at kumidlat. Parang sa tabi mo lamang tumatama. Noong una ay naglalaro sa
loob ng kubo ang dalawa naming malalaki-laking anak, ngunit pagkaraan–natakot yata–ay magkatabi
silang nahiga sa sahig na plywood. Nang humina ang mga kulog, lakas-loob na bumangon ang
pangalawa namin. Kahit binabawal, naupo siya sa tapat ng bukas na pinto, inilalabas at isinasahod
ang kanang palad sa tulo ng ulan.Binabasa-basa niya ang buhok. Tila ibig yatang maligo.
5 Sariwang-sariwa ang paligid nang tumila ang ulan. Lumabas agad ang dalawa naming anak.
Nakatulog na ang bunso. Hinihintay kong mabalot muna siya ng lampin at pagkaraa’y kami naman
ng aking maybahay ang lumabas.Sa labas, ang dalawa naming anak ay nakatapak na nagtatampisaw
sa hukay na dating pinaghahaluan ng semento. Ngayo’y puno ito ng tubig. Tila munting lawa. Tinawag
ko sila at binawal ngunit ayaw nilang pabawal. Isinisigaw ng panganay na stage daw ang pampang
ng lawa-lawaan, na sinasang-ayunan ng kapatid. Mula sa “stage”, lumulundag sila sa lawalawaan,
pasaya-sayaw na nagtatampisaw.
6 Nilayuan ko sila at naupo ako sa may pinto ng kubo. Ngayon nama’y naghuhukay ang aming
panganay sa bunton ng buhanging malapit sa lawalawaan. Nang sulyapan ko ang pangalawa, nakita
kong naglilinis ito ng damit at binabasa-basa ng tubig ang tiyan. Walang anu-ano, walang
kapasapasabi, dumaib na siya at tila itik na naglalangoy, pasigaw na niyaya ang kanyang ate,
ipinapakita ang pagkampay habang manaka-naka’y hinahagod ang tubig sa mukha. “Naku, naku,”
sabi ng aking maybahay, “sawayin mo, sawayin mo.” “Hayaan mo,” sabi ko naman. “Baka makainom!”
“Pabayaan mo lang.” Nang madinig ito ng panganay, inisip nitong payag ako. Gumaya na rin ito, hindi
na naghubad ng damit. Pinabayaan na lamang namin silang tila mga isdang nagpapapasak sa isang
banyera.
8 At kangina, mga pasado alas diyes ng gabi, nang lumabas ako ng bahay dahil mainit, nakita kong
may biglang lumiwanag sa aking daraanan. Bakit? May mercury lamp kayang nagsindi? Tiningnan
ko ang aming kapitbahay.Wala. Ano ba itong nangyayaring ito? Tanong ko sa sarili. Tumingala ako.
Ang nakita ko’y buwan. Nakasilip ito sa siwang ng dahon ng niyog. Natuwa ako.Matuwa kaya sila?
17
.
10. Pagkauwi, nag-asarol na naman ako. Saglit akong tumigil para bumili ng P.50 putong puti sa
isang maitim na batang lalaking nagtitinda sa mga trabahador. Binantayan niya ako. Ilan na ang
napagbilhan mo? tanong ko. Isa pa lamang daw. Ako. Pagkameryenda, nag-asarol na naman ako.
Tiningala ko ang araw at inisip kong mga alas kuwatro na. Napapagod na ako. Bukod dito, ibig kong
maligo sa sapa.
11 Dala ang dalawang plastik na timba – wala pang tubig sa subdibisyon– nagpunta ako at naligo sa
sapa. Malakas ang hangin at maginaw. Umahon ako. Pagdating sa bahay, nagbihis at pagkaraa’y
nagluto: pritong hita ng manok, nilagang bataw, talbos ng kamote, okra, sinangag at sawsawang
kamatis at bagoong na may isang siling labuyo. Habang nagluluto, isang bubuyog ang paikut-ikot sa
bombilya. Nang kumakain na akong mag-isa – nakakubyertos pa, tila isang sanay sa pormal na
pagkain – biglang may kumagat sa likod ng aking hita. Bumagsak pala sa silyang rattan ang bubuyog
at naupuan ko. Pinunasan ko ng alcohol at nilagyan ng tintura de yodo ang nakagat na bahagi.
Pagkatapos, ipinagpatuloy ko ang pagkain, con todo pa rin ang pagsisilbi sa sarili.
1976
13 Paano sumusulat ang manunulat? Nagsisimula siya sa ideya.Sa materyales, ang eskultor ay may
bato, kahoy, metal-kahit alambre. Nasa harap ng eskultor, nakikita niya at nasasalat, ang materyales
na ito. Ano naman ang sa manunulat? Mula sa ideya, nagtatayo siya ng balangkas sa isip;
pinaglalapat-lapat niya rito, sa pamamagitan ng mahiwagang kapangyarihan ng guni-guni, ang
samut-saring impresyon, alaala, larawan, damdamin, pangyayari. Nagbabalik siya sa nakaraan,
ginagalugad ang kasalukuyan; pati hinaharap ay kanyang pinapakialaman. Kung saan-saan siya
nakararating, tulad ng isang mangangaso. Hinuhubog niya ang natatagpuang materyales at
binibigyang-buhay ito sa pagsasama-sama ng mga salita, parirala, pangungusap, at talata. Hindi siya
parang nagtatambak lamang ng buhangin, bato o lupa. Matiyaga siyang namimili, hinuhugis ng mga
kamay ng isip ang kanyang obra. Manunulat ang manlililok na walang bato, kahoy, metal, at iba pa.
Wala siyang pait ni anumang pandukit o pamukpok, ngunit kapag binabasa ninyo ang kanyang likha,
nasasaling kayo sa lamyos o napaghihimagsik kayo sa poot. May nakaririnig pa umano ng musika.
Paano nagagawa ng manunulat ang lahat ng himalang ito? Sa matiyagang pagbuli ng salita, sa
maingat na pagkakayas ng mga pangungusap. Sa pagbuli ng salita, pinag-aaralan niya ang lantad
na kahulugan at mga kubling pahiwatig. Sa silo at patibong ng kanyang mga salita; binibitag niya
maski mga hulagpusin at mailap na damdamin, maski sinag o anino.
14 Hindi ito ang panahon Ng pagtatabas ng mga puno Hindi makasisibol ang mga dahon Pagkat
nalalapit na ang tag-araw Mula ngayon hanggang tag-ulan Titiisin ang kapangitan.
Oktubre 4, 1979
16 Iba’t ibang bagay ang humuhubog sa isang tao upang siya’y maging manunulat. Sa akin, naiisip
ko, isa marahil sa mga ito ay ang aking karanasan sa pangingisda. Kasama ko man si Tatang sa ilog
ay di naman kami laging nakapag-uusap, bakit nga ay nasa magkabilang dako kaming bangka.
Tahimik kami–tahimik kaming dalawang tauhan ng isang dula – lalo na kapag ihahagis niya ang
lambat: baka “marinig” kami ng isda o baka maski munting salita nami’y maghatid sa amin ng malas.
18
.
Mapamahiin ang mangingisda– mapamahiing tulad ng manunugal. At kapag kami’y sumusuba
alinman sa tabing pasigan o sa tabing pampang, tahimik din kami: ang ingay lamang na maririnig ay
ang tila nasa kumpas na pag-aangat niya’t pagtutusok ng tikin, at ang mahinay na siguro, sa mga
pagkakataong ito, ay pareho kaming nagiisip, nangangarap, nagbubulay-bulay. May panahon kami.
Wala kaming tinatantiyang kasunod o kasalubong, walang kaliwa o kanang daan, walang regu-
regulasyong tulad ng ipinatutupad sa mga kalsada ng lungso. Mabagal kami. Ano kaya ang kanyang
naiisip noon? Siguro’y kapwa namin ginuguniguni at inuusisa ang mumunti at malalaking katanungan
at kabalintunaan sa aming magkahiwalay na buhay. O kung hindi man ito, kahit gutom kami, kami’y
kapwa lamang tahimik na nagmamasid. Sa kagandahan ng tubig, ng talahib, ng hangin, ng buwan,
ng mismong katahimikan, ng mga bituin.
1. ___________________________________________________
2. _____ ______________________________________________
3.____________________________________________________
WORKSHEET NO. 2
PANGALAN: ____________________________ SEKSIYON ________________
PAMAGAT NG SANAYSAY _________________________________________
A. Paano sinimulan ng manunulat ang sanaysay? Naging kawili-wili ba ito?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
B. Mayroon bang kaisahan ang katawan at may lohikal na daloy ito?
19
.
______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
PAGYAMANIN / ISAGAWA
Pamagat ____________________________________________
1-30, 2020
July 1- 30,2020
Katangian 10 6 3 1
Pokus at May isang malinaw May isang May isang Hindi
Detalye at tiyak na paksa, malinaw at tiyak paksa. Hindi malinaw ang
na sinusuportahan na paksa, ngunit gaanong paksa at ang
ng mga hindi detalyado malinaw ang mga
detalyadong ang mga mga argumento
impormasyon o suportang suportang
argumento. impormasyon o impormasyo
argumento. n o
argumento.
21
.
salita. Angkop at ilang pagkakataon sabihin,
natural at hindi pilit. ay hindi angkop at bagaman
natural. walang
baryasyon
sa paggamit
ng mga
salita.
Estruktura, Mahusay ang Mainam ang Nakagagaw Hindi
Gramatika, pagkakaayos ng pagkakaayos ng a ng mga maayos ang
Bantas, mga salita at mga salita at pangungusa mga
Pagbabaybay pangugusap. pangungusap. p na may pangungusa
Walang May kaunting saysay. p at hindi
pagkakamali sa pagkakamali sa Maraming maunawaan.
gramatika, bantas gramatika, bantas mga Lubhang
at baybay. at baybay. pagkakamali maraming
sa pagkakamali
gramatika, sa
bantas at gramatika,
baybay bantas at
baybay
PUNTOS
TAYAHIN
Pangwakas na pagtataya
I. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap, isulat
ang TAMA, kung may bahagi namang mali sa pangungusap, isulat ang MALI.
SANGGUNIAN
Corazon L. Santos ,PhD et.al Filipino sa Piling Larang (Akademik)Kagamitan ng Mag-aaral Inilathala
ng Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
22
.
Corazon L. Santos ,PhD et.al Filipino sa Piling Larang (Akademik) Patnubay ng Guro Inilathala ng
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Sicat, Rogelio. “Hindi Ngayon ang Panahon. Likha.Editor.Benilda Santos, Quezon City: Office of
Research and Publications, Ateneo de Manila University. 1997. 36-45. Limbag.
https://elcomblus.com/pagsulat-ng-replektibong-sanaysay/
SUSI SA PAGWAWASTO
Panimulang Pagtataya
I.1. Tama 2. Tama 3. Mali 4. Tama 5. Mali
II. 1. Iba-iba ang sagot
2. Iba-iba ang sagot
Gawain 1.1 pagkakaiba: lakbay sanaysay- tungkol sa paglalakbay, mas nakatuon sa mga nakita at
naranasan, personal replektibong sanaysay- tungkol sa kalakasan at kahinaan batay sa
karanasan, personal at kritikal
2.pagkakatulad: may panimula, katawan at katapusan, impormal, batay sa karanasan,
naglalarawan at nagsasalaysay
Gawain 2 Mga inaasahang sagot a. lugar kung saan nagkita ang mga tauhan sa kanta b. paraiso
c. magandang lugar
Gawain 3. 1. Iba-iba ang sagot
2.Iba-iba ang sagot
3. Inaasahang sagot 1.personal at mapanuri/kritikal 2. May pagka-impormal din ito dahil sa
tumatalakay ito sa personal na karanasan ng manunulat.
4.Iba-iba angsagot
Gawain 4. .Worksheet No. 1
Pamagat ng sanaysay Hindi Ngayon ang Panahon (an excerpt) ni Rogelio Sicat
B. Ano ang pangunahing pinagnilayan ng may-akda? Sinalaysay at nilarawan ang mga personal na
karanasan at sinusuri ang naging epekto ng mga kahinaan at kalikasan ng manunulat sa kanyang
isinulat.
23
.
A. Iba-iba ang sagot
B. Iba-iba ang sagot
C. Iba-iba ang sagot
D. Panimula: Napagtanto na gumugulang na at tumatanda na ang manunulat
Katawan: A.Pamamasyal ng mag-anank
B. Pagtuturo sa UP
C. Pagtatrabaho sa Montalban
Kongklusyon: Pag-iisip, nangangarap, nagbubulay-bulayang manunulat
E. Mga inaasahang sagot: 1. may kawili-wiling introduksyon 2. may maayos na daloy ng mga
pangyayari 3. may malinaw na pagsasalaysay at paglalarawan sa mga karanasan. 4. gumamit ng mga
pandiwa at pang-uri upang mailarawan at maisalaysay ang mga pangyayari, tao at lugar 5. may malinaw
na pagsusuri sa mga karanasan sa buhay 6. may maayos na pagtatapos.
Pangwakas na Pagtataya
I.1. Tama 2. Tama 3. Mali 4. Tama 5. Mali
II. 1. Iba-iba ang sagot
2. Iba-iba ang sagot
Inihanda/May-akda ni:
EDNA C. CANLAS
SST-III/ACSHS
24
Filipino 12 (AKADEMIK)
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
UNANG ARAW
Ang posisyong papel ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga katwiran ukol sa panig
sa isang isyu. Naglalamn ito ng malinaw na tindig sa isang isyu, mga argumento at ebidensya.
Sa simula pa lamang ng pagsulat kailangan ng ilahad ng malinaw ang posisyon ng pagtutol.
Madamdamin man ang pagsulat nito, ibig sabihin kung kinakailangan maging marubdob ang posisyong
papel gawin ito upang marami ang mahikayat. Isa-isahin ang malilinaw na batayan sa simpleng paraan
at maiintindihan ng karaniwang tao.
Karaniwang tao ag babasa at makaririnig ng posisyong papel kaya’t dapat na isalang-alang ang
kultura ng baying sinilanagn sa pagsulat ng posisyong papel. Karaniwang may limang-daan hanggang
pitong daang saita. Makakabuti kung maikli at malinaw ang akda. Nabibigyang halaga ng posisyong
papel ang pagtindig o pagpapasya sa pagsulat nito naidedetalye ang halaga ng isang posisyon.
Mahalaga nag posisyong papel sapagkat sa ating lipunan, may mga problema o isyung dapat na tugunan
ng nakararami.
ALAMIN
MGA LAYUNIN (MELCs)
● Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
(CS_FA11/12WG-0p-r-93).
TUKLASIN
POSISYONG PAPEL
Ang posisyong papel ay siyang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang
indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu. Naglalaman din ito ng mga
katuwiran o ebidensiya para suportahan ang paninidigan. Bukod sa paninidigan at mga katuwiran ng
sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga katuwirang kataliwas o katunggaling panig.
Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel, isa o dalawang pahina lamang, upang mas madali itong
mabasa at maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat silang pumanig sa paninindigan ng sumulat
ng posisyong papel.
Ayon kay Jocson, et al., sa kanilang aklat na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
(2005), ang pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na maaring maiugnay
sa sumusunod na mga paliwag:
● Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na
tinatanggap ng nakararami.
● Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipajhayag ang katotohanan.
● Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga opinyon at maipahayag
ang mga opinyong ito sa iba.
Narito ang mga dapat isaalang-alang para sa isang mabisang pangangatuwiran:
1. Alamin at unawain ang paksangg ipagmatuwid.
2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
3. Sapat na katuwiran at katibayang makapagpapatunay.
4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katuwiran upang makapanghikayat.
2
5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng
kaalamang ilalahad.
6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilahad na katwiran.
6. Sulatin ang posisyong papel---Kung may malinaw na balangkas, madali nang maisusulat ang
posisyong papel. Kailangang buo ang tiwala sa paninidigan at mga katuwiran. Kailgang maiparamdam
at maipahiwatig sa mambabasa na kapani-paniwal ang mga sinasabi sa posisyong papel. Ipakita ang
kaalaman at awtoridad sa usapin. Patunayan na ang sariling paninidigan ang siyang tama at nararapat.
7. Ibahagi ang posisyong papel---Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa
publiko. Maaaring magparami ng kopya at ipamigay ito sa komunidad, ipaskil sa mga lugar na mababasa
ng mga tao, ipalathala sa pahayagn, magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng telebisyon, radio, at iba
pang daluyan. Maaari ring gamitin ang social media upang maabot ang mas maraming mambabasa.
3
SURIIN
GAWAIN 1: SUBUKAN NATIN!
Sagutin ang mga katanungan.
IKALAWANG ARAW
GAWAIN 2
Basahin ang halimbawa ng posisyong papel. Gamit ang ladder organizer, sagutin ang mga katanungan
sa bawat hagdan.
4
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP)
na tinaguriang “largest state university in the country” na binubuo ng humigit kumulang 70,000 na mga
mag-aaral na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga orgnisasyon ay
matatag na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang
Edukasyon sa kolehiyo.
Sa halip na alisin, hindi ba’t nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum
ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito. Hindi ba’t
[aurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical panel ng
pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao at walang malinaw na
kosultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming unibersidad sa labas ng ating bansa ay pinatatatag
ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A., Osaka University
at Tokyo university sa Japan, St. Petersburg university at university of Moscow sa Russia.
Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral
at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mg Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap
nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang
Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng
kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino, tinanggal natin ang identidad natin
bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identided mo!
Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.
Sanggunian: https://www.facebook.com/notes/kirt-cantara-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-ng-
filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal-ng/7271342106588
IKATLONG ARAW
GAWAIN 3 ISYU NATIN, PANIG MO!
Pumili ng napapanahong usapin na kinahaharap ng ating bansa. Kaugnay sa napiling isyu ay
magsaliksik ng balita o article (online man o hindi). Gamitin ang teybol/talahanayan upang maihanay
ang inyong sagot sa mga tanong.
Napapanahong Usapin:
Posisyon sa Usapin:
Batayan ng Posisyon:
GAWAIN 4
Batay sa nabasang balita o article sa GAWAIN 3, punan ang mga hinihingi sa RAPS.
5
(READ) Pamagat ng nabasang balita o article
(ABOUT) Tungkol Saan ang nabasang balita o article
(POINT) Punto 2
(POINT) Punto 1
(SUMMARY)
Pangkat 4: Maraming mga isyu ngayonBuod ng Binasang
ang direktang balita o article
nakaaapekto sa mga kabataan. Ibigay ang inyong
paninindigan sa ilang mga isyung ito at maglahad ng mga punto kung paano ito
Paggamit ng
tablet o iba pang AKING POSISYON
gadget sa pag-
____________________________________________
aaral sa halip na
____________________________________________
aklat sa
____________________________________________
paaralan.
____________________________________________
Pagdaragdag ng
dalawang taon
sa Basic AKING POSISYON
Education sa (K ____________________________________________
to 12 Program ____________________________________________
Senior HS) ____________________________________________
____________________________________________
AKING POSISYON
Malayang ____________________________________________
paggamit ng ____________________________________________
Internet at social ____________________________________________
media sa pag- ____________________________________________
aaral at
pagpapahayag.
6
PAGYAMANIN
GAWAIN 6
Panuto: Magsulat ng isang posisyong papel na tumatalakay sa napapanahong isyu sa ating
lipunan batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika..
Pamanatayan:
Linaw at tibay ng argumento, =10
Ebidensyang sumusuporta sa mga argumento =10
Husay ng pagsulat. =10
Kabuuan: =30
TAYAHIN
GAWAIN 7
Panuto: Sa isang buong papel, sagutin ang teybol sa ibaba. Nasa unang hanay ang mga posisyon sa
ilang usaping panlipunan. Sa dalawang susunod na hanay, isulat ang tig-isa o tigalawang katuwiran
para suportahan o kontrahin ang posisyon na nasa unang hanay.
POSISYON KATUWIRANG KATUWIRANG
SUMUSUPORTA KUMOKONTRA
1. Dapat nang baguhin ang
pagsisimula ng klase----
mula Hunyo patungong
Agosto.
2. Dapat na magsuot ng
uniporme ang mga
estudyante mula
elementarya hanggang
kolehiyo.
3. Dapat na ipagbawal ang
paggamit ng plastic sa
lahat ng tindahan sa buong
bansa.
4. Dapat nang ibalik ang
parusang kamatayan.
5. Dapat na gawing legal ang
paggamit ng marijuana sa
panggagamot.
SANGGUNIAN
Julian, Aileen B. et al.,PINAGYAMANG PLUMA FILIPINO SA PILING LARANG
(AKADEMIK).Quezon City: Phoenix Publising House, Inc.
ph. 77-92.
Constantino, Pamela C. et al., FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik).
Quezon City: Rex Book Store.ph.216-220.
Dela Cruz, Mar Anthony S. PAGSUSULAT SA FILIPINO sa Piling Larang
(Akademik. Makati City: DIWA LEARNING SYSTEM, INC.2016. ph.40-47
SUSI SA PAGWAWASTO
*Sariling sagot ng mga mag-aaral
Inihanda/May-akda ni:
UNANG ARAW
ALAMIN
MGA LAYUNIN (MELCs)
● Naisasaalang- alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin (CS_FA11/12EP-0p-
r-90).
BALIKAN
Ano – ano ang alam mong pagpapahalagang Pilipino ?
Magbanggit at Ipaliwanag ang halimbawa ng pagpapaphalagang Pilipino ?
Ano ang pangunahing batayan ng pagpapapahalaga ng mga Pilipino ?
Integridad
Kompetensi Katapatan
Seguridad Pagkakawanggawa
Paggalang
8
TUKLASIN
ANO ANG INTEGRIDAD AT KARAPATAN ?
Ang integridad at katapatan ay mga terminong may pagkakahawig. Ang integridad ay nauukol
sa matapat at walang kompromisong pagsunod sa mga kautusang moral at mga gawaing tama.
Samantala ang katapatan naman ay ang pagkakaroon ng ugaling tapat at hindi pagsisinungaling. Ang
isang tapat na tao din ay mapagkakatiwalaan at hindi magnanakaw.Ang mga katangiang ito ay taglay
din ng isang taong may integridad.
Integridad pinapahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at interpretasyon
ng mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran
Ang integridad ay ang pagsunod sa tama kahit na walang nakatingin. Karamihan sa mga tao ay
gumagawa lamang ng tama dahil sa may mga matang nakamasid. Ngunit kung ikaw ay may integridad,
ang tama pa din ang gagawin natin.
Ito ang kadalasang wala sa ating mga pulitiko. Kung may integridad, walang korapsyon. Ito din ay
kadalasan wala sa mga ordinaryong tao.
Ilan sa mga ginagawa natin na patunay dito ay ang pagtawid ng mali kung walang pulis, pagdiretso sa
isang interseksyon kung pula ang ilaw at wala naman pulis at pagtapon ng basura kung saan saan pag
walang ibang tao.
Katapatan
Ang katapatan naman ay maihahalintulad sa pagiging prangka. Ibig sabihin din nito ay hindi
nagsisinungaling ang isang tao. Kagaya ng integridad, ang isang taong may katapatan ay ayaw din
gumawa ng mga bagay na sa tingin nya ay mali.
Para sa dagdag kaalaman:
Academic Integrity: brainly.ph/question
Ang ilan sa mga ito ay
1). Teamwork
2). Pagkakaibigan
3). Pananalig
4). Dedikasyon
5). Pagpapaunlad
6). Kaisahan
7). Disiplina
8). Katarungan
Pagtitiwala
Ang kultura ang pangunahing batayan ng mga pagpapahalaga ng mga mga Pilipino.
Pinapahalagahanng karamihan ng Pilipino ang ilang katangiang dati nang ipinagmamalaki.
Pagmamahal at katapatan sa pamilya , pagpapahalaga sa edukasyon, hiya o kahihiyan ,
pakikipagkapuwa, pagiging maparaan , pagkamalikhain , sikap at tiyaga, utang na loob ,
pakikisama at bahala na.
ETIKA AT PAGPAPAHALAGA SA PAGSUSULAT SA AKADEMIYA
Sa pagdating ng mga makabaong teknolohiya, kanluraning edukasyon at impluwensya ng iba’t
–ibang etika at pagpapahalaga ang nanginibabaw , lalo na sa larangan ng edukasyon.
Kaugnay nito, ilang isyu or paglabag kaugnay ng etika at pagpapahalaga sa pagsulat gamit ang
sari – saring datos at reperensya ang mahalagang bigyang- pansin.
● Copyright
Sa Pilipinas binigyang linaw sa Intellectual Property Code of the Philippines o ang
Republick Act No.8293 ang mga karapatan at obligasyon ng mga may – akda (
manunulat, artista , iskolar, tagasalin , kompayler, editor, mananaliksik
Mahalagang malinawan ang mga karapaan at obligasyong ito upang maiwasan ang
anumang hindi – pagkakaintindihan para sa mga pagsii at pagbubuod .
● Plagiarism
9
Ito ay maling paggamit , “pagnanakaw ng mga lengguwahe, mga pahayag,
pananaliksik at mga ideya ng ibang tao sa layuning angkinin ito or magmukhang siya
ang may akda.
Mayroong tatlong paglabag ang maituturing na plagiarism ( ayon www.newworld
encyclopedia .com) kay Diana Hacker ..
Kasama rin sa isyu ng plagiarism ang “ pagkopya sa sarili “ kung saan ang dati nang
inilathalang akda ng mismong manunulat ng sulatin ay kinopya nang hindi binabanggit
ang pinagpalahatlaam na nito.
Kaakibat nito ang pagsusumite ng isang papel sa iba – ibang asignatura ay itinuturing
plagiarism sa sarili at di etikal.
1. Margaret T. Canby B. Ang awtor na nagsulat ng "The Frost Fairies". Ito'y nadiskubreng
kahawig ng "The Frost King", at naakusahan si Keller sa pangongopya.
2. Lewis Purdue – ang nakasuhan ni Dan Brown sa akusang kinopya nito ang kanyang
gawa. Siya ang may-akda ng The Da Vince Legacy (1983) at Daugter of God (2000). Na-
dismiss ang kaso noong 2005.
3. Sen. Tito Sotto A. Ang kanyang talumpati kontra RH Bill ay napag-alamang kinopya sa
ibang talumpati—pati na rin sa isang blog site, linalabang public domain naman daw ito.
4. Switzerland Ang isang bansa sa Europa nagkataong/hindi sinasadyang makapareho ng
slogan sa Pilipinas. Namatay ang isyu at sinuportahan naman ng kanilang ambassador
ang Pilipinas.
5. Mark Joseph Solis - Hindi na siya nagpatuloy sa paglahok sa isa pang kompetisyon
matapos malamang nakaw na larawan ang kanyang isinumite. Hindi iyon ang kauna-
unahang larawan na inaring kanya.
● Paghuhuwad ng mga datos :
10
Pagpapagawa or pagbyad sa iba upang igawa ang papel, tesis, disertasyon , report at iba pa.
Ito ay malinaw na isang pandaraya .
Mga Kaso ng pandaraya sa Pagsusulat at ilang Kaparusahan .
1) Maramihan at malawakang pagkokopya ng mga sipi at datos nang hindi binibigyang
kredito ang pinangkukuhanan.
2) Nagsumite ng isang “ group paper “ ng tatlong mag-aaral ng isang kilalang unibersidad
sa Kalakhang Manila.
Mga Karagdangang Konsepto :
1. Pagpapahalaga - Ang istandard o batayan, mga ideyal at gawi at institusyon gaya ng
simbahan, pamilya, paaralan, at negosyo—na pinagbabatayan natin kung tama o mali ang
isang desisyon. Tumutulong itong timbangin o balansehin ang ating mga desisyon.
2. Paniniwala sa Katuwiran - Pinangangatuwiranan nang naayon sa etika at pagpapahalagan
ng komunidad na tagabasa ang anomang ideyang gustong patunayan. → Paniniwala sa
Katuwiran
3. Kamalayang Mapanuri - Binibigyang-halaga rito ang papel ng tao bilang
tagapagpaganap.Kailangan ang kaniyang aktibong pagdedesisyon at mapanuring kaisipan
kaugnay ng kanyang ikinikilos, ibinabahagi, at isinusulat
4. Lakas ng Loob - Dapat harapin at tanggapin ang ideyang humahamon sa sariling ideya at
pangangatuwiran
5. Kababaan ng Loob - Huwag angkinin ang hindi sa iyo at aminin na hindi sa iyo ang ideya o
datos
6. Pagsisikhay – ito ay ang hindi basta-bastang pagsusuko sa gitna ng mga pagsubok.
Gagamitin ang iba't-ibang pamamaraan upang makakuha ng mga datos, gayundin ang
paraan ng pagpapahayag ng katuwiran.
7. Paghuhuwad ng datos - Ito ang sinasadyang di-paglagay ng ilang imbensyon na datos
8. Pagaatubili - Ito'y hindi kailangang madaliin kundi bigyan ng sapat na panahong manaliksik
at magsiyasat upang maiugnay ang mga gawain sa pagpapahalagang angkop sa kultura at
lipunan.
9. Hiya – ang tawag sa mekanismo ng indibidwal at lipunan upang mapagtugma ang kani-
kanilang mga kalooban... ang gabay ng indibidwal upang maiangkop niya ang kaniyang
kaisipan sa agos ng panlipunang kamalayan. De Castro (1998)
SUBUKAN
GAWAIN 1
PAGPAPALIWANAG: A Sumulat ng isang paliwanag ukol sa mga katanungan
1. Ano ang etika ?
____________________________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Bakit mahalagang maunawaan ang mga etika sa pagsulat ?Anu – ano ang kaugnayan ng etika
sa pagsulat ng akademikong sanaysay
____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Ikaw ay naatasang sumusulat ng isang replektibong sanaysay ano ang mga dapat mong isa
alang alang ?Ipaliwanag .
____________________________________________________________________________
______________________________________________________________
IKALAWANG ARAW
GAWAIN 2
1) Ano–ano ang mga batayan upang masabi nating etikal ang isang gawi or gawain ?
2) Mayroon bang pagkakataon na nalilito ang mga Pilipino kung ano ang etika at kung
ano ang pagpapahalaga ? Bakit ? Magbigay ng ilangsitwasyon o halimbawa.
11
3) Ano anong isyu ng paglabag ng etika at pagpapalahalaga sa pagsususulat dito sa
Pilipinas ang mayroon kayong idea or masasabing kayo ay pamilyar ?
GAWAIN 3
Sagutan ng Tama or Mali ang mga sumusuonod na halimbawa ng plagiarism
1).Hindi kailanman nagkaroon ng isyu ang bansang Switzerland sa bansang Pilipinas sa
mga pagkakapareho ng slogan.
https://news.abs-cbn.com/lifestyle/04/17/12/switzerland-backs-its-more-fun-ph-slogan
2). Si Margaret T. Canby. Siya ang awtor na nagsulat ng "The Frost Fairies". Ito'y
nadiskubreng kahawig ng "The Frost King", at naakusahan si Keller sa pangongopya.
https://www.goodreads.com/author/show/4575740.Margaret_T_Canby
3. Ang talumpati ni Senador Vicente Sotto III patungkol sa kontra RH Bill ay napag-
alamang isang public domain kaya hindi daw di umano https://news.abs-
cbn.com/nation/09/05/12/sottos-last-speech-copied-kennedykumopya ang nasabing
kagalang galang na Senador.
4. Mark Joseph Solis – isang magaaral ng Unibersidad ng Pilipinas .Nagpasiyang hindi
na siya nagpatuloy sa paglahok sa isa pang kompetisyon matapos malamang nakaw na
larawan ang kanyang isinumite. Hindi iyon ang kauna-unahang larawan na inaring
kanya. https://news.abs-cbn.com/lifestyle/09/25/13/student-plagiarism-scam-hopes-
second-chance
5. Lewis Purdue Ang kinasuhan ni Dan Brown sa akusang kinopya nito ang kanyang
gawa. Siya ang may-akda ng The Da Vince Legacy (1983) at Daugter of God (2000).
Na-dismiss ang kaso noong 2005.
https://www.plagiarismtoday.com/2005/08/06/da-vinci-code-author-wins-plagiarism-
case/
IKATLONG ARAW
GAWAIN 4
Basahin ang halimbawa ng isang sanaysay . Ilahad ang iyong panig sa sa espasyo ng
mga kasagutan ( salungguhit )
Batay na rin ito sa isang totoong pangyayari sa tunay na buhay, na ang isang
pagkakaibigan na muntik ng mawasak dahil kapwa sila umibig sa iisang tao.
Dahilan ng pagkakalamat ng kanilang pagkakaibigan. Ang isa sa kanila ay
naniniwalang nanglamang ang kaibigan na syang pwede nyang gamiting
dahilang upang magamit at maabuso nya ang prebilihiyo sa pagsulat upang
sirain ang puri ng kaibigang kanya ngayong tinuring na kaaway.
Sa kabilang banda, ang kaibigan nya ay naniniwalang hindi naman ganuun
talaga ang tunay na nangyari. Para sa kanya, naging biktima lang din siya ng
mga pagkakataon at ng isang malaking kasinungalingan. Dahil sa kanyang
matapat na hangarin, isinulat nya lahat-lahat ng mga pangyayari at paliwanag sa
bawat isa. Ito ang nagbiday ng mataas na integridad sa kanyang mga punto,
kaya naintindihan ng lubusan nong isa nyang kaibigan kung ano ba talaga ang
tunay na nangyari. https://brainly.ph/app/ask?entry=similar&skip=496107&q
A. B.
E A
T K
I A
K D
A E
M
IKAAPAT NA ARAW
GAWAIN 5
Sumulat ng replektibong sanaysay na may dalawang talata kaugnay ng integridad
at katapatan sa pagsulat. gumamit ng sariling karanasan o karanasan ng iba bilang
kongkretong halimbawa
Pamantayan:
Linaw at tibay ng sanaysay =10
Ebidensyang sumusuporta sa mga nilalaman ng sanaysay =10
Husay ng pagsulat. =10
Kabuuan: =30
IKALIMANG ARAW
GAWAIN 6
PAGPILI NG KURSO:
Sabihin mo ang pinakagusto mong kurso o bokasyon na interesado kang pasukin sa
kolehiyo o gawing karera. Hal. Inhenyero, Edukasyon, Medisina, Guro at iba pa.
Magsaliksik sa libro at internet o magsagawa ngpanayam tungkol dito.
13
Gawin ang sumusunod. Isulat sa bondpaper.
1. Gumawa ng isang glosaryo na may 10 salita ng mga konsepto o terminolohiyang
ginagamit sa napiling sanaysay
2. Lagyan ng kahulugan ang bawat isa.
SANGGUNIAN
Julian, Aileen B. et al.,PINAGYAMANG PLUMA FILIPINO SA PILING LARANG
(AKAD
Constantino, Pamela C. et al., FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik).
Quezon City: Rex Book Store.ph.2XX-XX
Internet Sites
www.https://brainly.ph/quest2365052
www.https://academia.edu
https://quizlet.com/273039187/filipino-sa-piling-larangan-etika-at-pagpapahalaga-sa-
pagsulat-sa-akademiya-flash-cards/
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1: *Sariling sagot ng mga mag-aaral
Gawain 2:
1) Mali 2) Tama 3) Mali 4) Tama 5) Tama
Gawain 3-6: Sariling sagot ng mga mag-aaral
Gawain 3 C
1) Paghuhuwad ng mga datos
2) Etika
3) Paniniwala sa Katuwiran
Inihanda/May-akda ni:
AMELIA B. REGIDA
Teacher-I/SHS-FILIPINO
14
Filipino 12 (AKADEMIK)
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
PAGSULAT NG BALITA
UNANG ARAW
ISAISIP (SUSING KONSEPTO)
Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na,
nagaganap, at magaganap pa lamang. Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at
pampaningin.
ALAMIN
Layunin MELC’s
TUKLASIN
KAHALAGAHAN NG BALITA
1. Nagbibigay-impormasyon 3. Lumilibang
2. Nagtuturo 4. Nakapagpapabago
a. Kawastuhan. Ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang.
b. Katimbangan. Inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig ng sangkot.
c. Makatotohanan. Ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.
d. Kaiklian. Ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy.
GAWAIN 1 Lagyan ng mga salitang akma sa salitang BALITA gamit ang concept map.
BALITA
IKALAWANG ARAW
SURIIN
b. Kakatwahan g. Pangalan
c. Tunggalian h. Hayop
e. Pagbabago at Kaunlaran
A. Balikan ang iyong mga naging karanasan o mga naging karanasan ng iyong pamilya sa
gitna ng krisis sa pandemikong COVID-19 mula Enhanced Community Quarantine
hanggang sa General Community Quarantine.
B. Sumulat ng isang maikling balita na naglalaman ng isa hanggang dalawang talata na
naglalahad ng inyong naging karanasan sa gitna ng pandemiko.
PAGYAMANIN
Gawain 3
Malaking papel ang ginagampanan ng balita sa ating araw-araw na buhay. Madalas, ito ang
nagiging basehan ng mga tao kung ano ang kanilang paniniwalaan. Subalit, isa sa malaking
isyung kinahaharap ng ating bansa maging ng buong mundo sa kasalukuyan ay ang paglaganap
ng maling impormasyon o FAKE NEWS lalo na sa social media.
Tanong: Sa iyong pananaw, ano-ano ang dapat gawin ng tao lalo na ng mga awtoridad upang
mapigilan ang paglaganap ng FAKE NEWS? Makikita pa ba ang kahalagahan ng balita sa kabila
ng problemang ito? Ipaliwanag ang kahalagahan ng balita sa paggamit ng katotohanan. Isulat
ang sagot sa isang short bond paper at i-attach sa LAS.
TAYAHIN
GAWAIN 4
MODIFIED TEST. Isulat ang TAMA kung tama ang nakasalungguhit na salita. Kung mali naman
ay isulat ang tamang sagot bago ang bilang.
SANGGUNIAN
https://www.academia.edu/37060662/PAGSULAT_NG_BALITA
SUSI SA PAGWAWASTO
GAWAIN 4
3. TAMA
Inihanda/May-akda ni:
FILIPINO 12 - AKADEMIK
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
SOSYAL MIDYA
Pangalan: _______________________________________Q2W8 _____________
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________
ISAISIP
Susing Konsepto
Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang
indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin
ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at
malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga
komunidad at mga indibidwal.
ALAMIN
LAYUNI (MELCS)
TUKLASIN
SOCIAL MEDIA
Batay sa pananaliksik na ginawa ng Internet Society (2015) noong 2012 mula sa 10,000
kataong sumagot sa surbey na galing sa 20 bansa sa buong mundo, sinasabing:
URI NG BLOG
1. Fashion Blog – Ito ang pinakasikat na uri ng blog. Ang mga blog na may ganitong
tema ay naglalaman ng mga damit o kung ano man ang bago sa mundo ng fashion o
pananamit.
2. Personal Blog – Halos walang tema ang blog na ito – kahit ano puwede. Ang mga
blogger na gumagamit ng ganitong uri ng blog ay maaari lamang nilang gustong
magbahagi ng kanilang buhay.
3. News Blog – Nagbabahagi ng mga bagong balita sa mga mambabasa. Maari na ring
isama rito ang mga blog na nagbabahagi ng balita ukol sa kalusugan, isports, at
teknolohiya.
4. Humor Blog – Naglalayon ang blog na ito na makapagpatawa o makapagpaaliw ng
mga mambabasa. Pinakasikat na marahil si Professional Heckler sa mga humor
blogger dito sa Pilipinas. Ngunit hindi lamang sila nagpapatawa, gusto rin nilang
maimulat tayo sa katotohanan gamit ang kanilang alam na paraan.
5. Photo Blog – Naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga typographies. Isa sa mga
halimbawa nito ay ang tumblr. Hindi man katulad ng ibang mga blog site, maganda pa
rin ang Tumblr dahil bukod sa mga litrato ito rin ay naglalaman ng mga mensahe.
6. Food Blog – Ang pangunahin at maaaring layunin ng blog na ito ay magbabahagi ng
mga resipi at mga paraan sa pagluluto ng masasarap o kakaibang mga pagkain.
7. Vlog – Ito ay kilala din bilang video blog sapagkat naglalaman ito ng mga video mula
sa blogger. Ang mga video ay maaaring kuha ng mga paglalakbay, eksperimento, o
kung anumang personal na gawain.
8. Educational Blog – Nakakatulong ang mga ganitong blog upang maliwanagan ang
mga mag-aaral sa mga aralin na hindi nila maintindihan sa paaralan.
SOSYAL MIDYA
Sanaysay Ni: Allyson Jane Cruz
Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay ang dagliang pagbabago sa ugali ng mga
kabataan. Ang social media ay nagbubukas ng malaking pintuan tungo sa pag-angat at
pagbagsak ng mga users nito.
Sa pag-usbong ng internet, computer, cellphone at mga gadgets ay siya ring pagdating
ng mga social networking sites. Ang Facebook, Twitter, Instagram at Wattpad ay ilan
lamang sa social networking sites na patuloy na tumatabo ng kasikatan ngayon.
75% ng mamamayang Pilipino ang gumagamit ng multi-media. Sa patuloy na paglawak
ng impluwensya nito, iilan na lang ang hindi nakakakilala at walang mga social media
accounts.
Ang paggamit ng mga sites na ito ay mayroong dalawang mukha na makikita: ang
mabuti at ang masama.
Ang pagkalap ng impormasyon ay mas napadali. Ang mga pangyayari sa iba’t-
ibang panig ng mundo ay madali nating nalalaman. Tayo ay nagiging updated sa mga
bagong balita gaano man ito kalayo.
Sa tuwing may kalamidad maaari na nating malalaman ang kalagayan ng ating
mahal sa buhay. Ang pagbibigay ng donasyon ay maari ng ipadala sa madaling paraan
ganon din naman ang paghingi ng tulong.
Nakakatulong din ito sa linya ng komunikasyon. Ang dating mahabang proseso ng
pagsusulatan ay napadali. Ngayon, isang click at touch lamang ay maaari mo na silang
makausap.
Hindi lamang text at tawag ang maaring gamitin, nagkaroon na ng Skype,
Messenger at Video Call na tumutulong na pawiin ang lumbay ng sinuman. Ang mga ito
ang naging sandata ng mga OFW sa pakikibaka sa ibang bansa.
Nakakapagbukas ng oportunidad ang social media. Nakakapagbigay ito ng
panibagong kabuhayan. Kikita ka sa pamamagitan ng advertisements, online tutorial,
online writing at online selling. Isang madaling paraan ng pagkita na wala kang gagawing
masyadong pagpapawis. Isang click lang ang katapat ng lahat.
Nagiging medium din ito sa paglalabas ng sama ng loob. Kadalasang silang
naghahayag ng kanilang nararamdaman sa pamamagitan ng mga post at tweet. Nagiging
online diary ito ng mga kabataan kung saan kahit ano ay pwede mong sabihin.
Sa dami ng users ng social networking sites, marami kang makikilalang kaibigan.
Nakakahanap ka ng mga karamay sa iyong mga problema. Mga nakakarelate din sa mga
sitwasyon na pinagdadaanan mo. Nasasabi mo lahat ng gusto mong ikwento at sabihin
sa kanila. Malapit man o nasa ibang bansa ay pwede mong makaibigan.
Ang pamumuhay natin ay nagiging sosyal na. Pati ang iyong kakainin para sa hapunan
ay maaari mong ipost sa Instagram o Facebook. Pati ang mga litrato ng inyong masayang
bakasyon ay maaari mong ipakita doon. Lahat ng nais mong i-post ay maaari mong ilagay
sa timeline mo.
Sa kabila ng magandang mukha na naging bunga ng social media, mayroon din
naming masamang bunga ito.
Sa paglawak ng porsyento ng gumagamit ng social networking sites ay siya ring
pagdami ng mga krimen na ginagamitan ng internet o social media.
Sa mga posts na inilalagay sa internet, mayroong mga taong hindi sumasangayon
dito. Nagkakaroon ng ito mga harsh at cruel comments. Nagiging bunga ito ng pagkawala
ng tiwala sa sarili at depresyon. Ang cyberbullying ay laganap sa social media kung saan
madaming kabataan ang nagiging biktima nito.
Mayroong mga kaso na dahil sa depresyon ay nagpapakamatay ang biktima. Dahil
sa mga paninira at masasamang mga bagay na sinasabi sa litrato na kanyang i-pinost.
Nagkakaroon din ng mga harassment sa social media. Kadalasang mga kabataan
ang biktima ng cybersex. Kinakaibigan muna sila nito at doon na ipinapakita ang motibo
nito. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga sexual na salita, pagpapadala
ng mga bastos na litrato at ang pakikipagvideo sa web cam.
Nagkakaroon din ng mga panloloko dito, mga scams na nabibiktima ang mga
walang malay na mamamayan. Sa mga online selling kadalasang nagaganap ito. Ang
mga biktima ay maghuhulog ng malaking pera sa isang account dahil nais niyang bilhin
ang produkto ng seller. Ngunit pagkahulog ng pera, mawawala na ang account ng seller
at hindi na dadating ang produkto.
Kumakalat ang mga krimen sa multi-media. Ang labis na naapektuhan ay ang mga
users nito. Nagkakaroon sila ng depresyon na minsa’y nauuwi sa suicide. Ang kanilang
emosyonal na pag-iisip ay naapektuhan.
Sa pagiging active natin sa social media, nagiging offline naman tayo sa totoong
mundo. Nakakalimutan na natin ang “effort” at ang mga kaibigan natin.
Sa kagustushan nating maging sosyal at makasabay sa uso. Hindi natin napapansin na
nalalayo na tayo sa totoo nating kaibigan. Masyado tayong nagiging focus sa mga likes
at papuring ating natatangap. Kaya tayo ay nalalantad sa masamang dulot ng social
media.
Mas masarap mabuhay sa totoong mundo. Mga totoong kaibigan na makakausap
at mga totoong kasiyahan na mararamdaman. Huwag tayong mabulag ng atensyon na
natatanggap sa multi media.
Gamitin ang social media sa tama at makabuluhang paraan. Gamitin ang freedom
of speech ng may pananagutan.
Gawain 1
1. Ano ang Sosyal Midya? Paano nito nababago ang ating komunikasyon?
(Ipaliwanag)
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Sa iyong naging pagsusuri, masasabi mo ba na mahalaga ang Sosyal Media sa
pang-araw-araw na buhay? (ipaliwanag)
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
IKATLONG ARAW
Gawain 2
__________ 1. Halos walang tema ang blog na ito – kahit ano puwede. Ang mga blogger
na gumagamit ng ganitong uri ng blog ay maaari lamang nilang gustong magbahagi ng
kanilang buhay.
__________ 2. Nakakatulong ang mga ganitong blog upang maliwanagan ang mga mag-
aaral sa mga aralin na hindi nila maintindihan sa paaralan.
__________ 8. Ito ay kilala din bilang video blog sapagkat naglalaman ito ng mga video
mula sa blogger. Ang mga video ay maaaring kuha ng mga paglalakbay, eksperimento,
o kung anumang personal na gawain.
__________ 9. Ito ang pinakasikat na uri ng blog. Ang mga blog na may ganitong tema
ay naglalaman ng mga damit o kung ano man ang bago sa mundo ng fashion o
pananamit.
Gawain 3
Sumulat ng advantages at disadvantages ng mga larawan sa ibaba sa pang-araw-araw
na buhay at ipaliwanag.
Advantages
Disadvantages
IKAAPAT NA ARAW
PANANATILING NAKASUBAYBAY SA MGA MINAMAHAL Facebook
Sa ngayon ang Facebook ang pinakamalaking website ng social media sa mundo,
na mayroon halos isang bilyong tagatangkilik sa buong mundo. Ang pinakaubuod ng
Facebook ay ang ideya ng ‘mga kaibigan’ (na maaari rin namang mga kapamilya). Ang
listahan mo ng Mga kaibigan sa Facebook ay sirkulo ng mga taong kakilala at
pinagkakatiwalaan mo. Ang mga site ng social media ay magandang paraan para
tulungan kang manatiling kaugnay ng mga kaibigan at mga minamahal, pinadadali nito
ang pagbahagi ng mga pangyayari sa buhay sa pamamagitan ng teksto, video at mga
litrato. Tinutulutan ka ng Facebook na gumawa ng maraming bagay kasama ang mga
kaibigan sa iyong listahan, kabilang ang: 1. Magbigay ng mga kasalukuyang pangyayari
gaya ng estado o kinaroroonan mo 2. Pagpapadala ng mga mensaheng pampubliko na
maaaring makita ng lahat ng mga kaibigan mo, o pribadong mga mensahe (gaya ng mga
email) na isa lang ang makakakita 3. Pagkokomento sa mga mensaheng ipinaskil ng
ibang tao sa Facebook 4. Pagpapaskil ng mga album ng litrato at mga klip ng bidyo na
mga kaibigan mo lamang ang maaaring makakita 5. Pag-iimbita ng mga kaibigan sa mga
kaganapan.
Gawain 4
1. May isang kuwadro o box sa pangunahing pahina kung saan maaari mong isulat ang
iyong komento. Maaaring maliit na komento ito tungkol sa isang lugar na nais mong
bisitahin, o isang tanong tungkol sa maaaring puntahan, o kung paano makakarating
doon.
2. I-klik ang Post para mailathala ang iyong komento. Ang pahina ay kaagad-agad na
gagawing kasalukuyan.
Mabibilang lamang ang mga lugar kung saan ang kaligtasan sa cyber ay napakahalaga
kaysa sa social networking. Napakadali lang magbahagi nang labis sa mga estranghero
sa mga social network! Ilang mahahalagang bagay na kailangan mong tandaan sa social
networking: Play / Pause Progress bar ng window. Subukan mong mag-search,
halimbawa sa, puppy love. 4. Sa kanan, iyong makikita ang mga mungkahi para sa mga
videong kapareho ng pinanonood mo. 5. Ang mga control sa panonood ay nasa ibaba
lamang ng video. Maaari mong i-pause ang video, o i-klik saan man sa ‘progress bar’
para umarangkada. 6. Magagawa mong punuin ng video ang iskrin sa pamamagitan ng
pag-klik sa icon ng Maximize sa bandang kanang ilalim ng video. Sa pagpindot ng Esc
sa iyong keyboard, babalik ito sa normal na sukat.
IKALIMANG ARAW
PAGYAMANIN
Gawain 6
Bilang pang-anim na Gawain, mag search ng isang blog sa youtube tungkol sa epekto
ng Covid-19 pandemic sa Food Industry. Isulat ang tema at mga nilalaman nito o kung
ano ang ipinaparating ng blogger na napanood sa isang buong papel
SANGGUNIAN
https://www.telstra.com.au/content/dam/tcom/seniors/pdf/tagalog/TechSavvy_Intr
oToSocialMedia_Tagalog%20-%20VIC.pdf
WordPress. 2016. Sosyal Medya.
https://edukadongestudyantesite.wordpress.com/2016/11/12/blog-post-title-3/
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1, 3-6
May-akda/Inihanda ni: