Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 15

1

Filipino 8
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Balagtasan
Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at
Pagsalungat

Modyul
Aralin I
2 BALAGTASAN: Bulaklak ng Lahing Kalinis-
Ikalawang Markahan
linisan
WIKA: Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at
Pagsalungat
2

(Ikalawang Linggo)

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

A. Nabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggang palitan ng katuwiran. F8PN-IIcd-24
B. Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan. F8PB-IIc-d-25
C. Naipapaliwanag ang mga eupimistiko o masining na pahayag na ginamit sa balagtasan. F8PT-IIc-D-24
D. Naipaliliwanag ang papel na ginagampanan ng bawat kalahok sa napanood na balagtasan. F8PD-IIc-d-
25
E. Napangangatwiranan nang maayos at mabisa tungkol sa iba’t ibang sitwasyon. F8PS-IIc-d-25
F. Nakapaglalahad sa paraang pasulat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa isang argumento.
G. Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon. F8WG-IIc-
d-25
H. Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa napakinggan. F8PN-IIe-f-25
I. Naipahahayag ang pangangatuwiran sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa suliraning
inilahad sa tekstong binasa. F8PB-IIe-f-25
J. Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng malalalim na salitang ginamit sa akda.
F8PT-IIe-f-25

Paano matuto gamit ang modyul na ito


Para matamo ang mga layunin sa itaas, kailangan lang ay sundin ang sumusunod:
1. Maglaan ng karampatang panahon para sa pagbabasa at pag-
unawa sa paksa ng modyul na ito.
2. Unawain at sunding mabuti ang mga panutong ibibigay sa bawat Gawain.
3. Sagutin at gawin ang lahat na mga gawain at pagsusulit na inihanda.

4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

Subukin
Gawain 1
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Bilugan
ang tamang sagot.
1. Bakit masining ang balagtasan?
A. Masining ito dahil sa malikhaing pagpapalitan ng katwirang patula.
B. Masining ito dahil sa kumpas ng mga kamay.
C. Masining ito dahil nagsimula ito kay Francisco Balagtas.
D. Masining ito dahil tungkol ito sa kultura ng mga Pilipino.
2. Sa Balagtasan na pinamagatang Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, sino ang tagapagdaloy ng
Balagtasan?
A. Bulaklak
B. Paruparu
C. Bubuyog
D. Lakandiwa
3. Sino ang pinag-aagawan ni Bubuyog at Paruparo?
A. Kampupot
B. Lakandiwa
C. Dahon
D. Paso
4. Ito ay biglaang pagtatalo ng lalaki at babae ng mga taga-Cebu.
A. Batutian
B. Balitao
C. Duplero
3

D. Siday
5. Sila ang pinakamagaling na mambabalagtas noong kanilang kapanahunan.
A. Jose Rizal at Andres Bonifacio
B. Juan Luna at Antonio Luna
C. Francisco Baltazar at Jose Dela Cruz
D. Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes
6. Ito ay paraan upang maging kapaki-pakinabang ang pakikilahok sa
anumang usapan.
A. Aspekto ng Pandiwa
B. Sarsuwela
C. Simbolo at Pahiwatig
D. Pagsang-ayon at pagsalungat
7. Piliin sa sumusunod na mga pahayag ang karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon.
A. Iyan ang nararapat
B. Mabuti sana ngunit…
C. Nauunawaan kita subalit..
D. Ayaw
8. Piliin sa sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad ng pagsalungat.
A. Pareho tayo ng iniisip
B. Ganyan din ang palagay ko
C. Ikinalulungkot ko ngunit..
D. Tama
9. Bakit mahalagang matutunan mo ang tamang paraan ng pagsang-ayon at pagsalungat?
A.Upang maging kapakipakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o
pagbibigay ng mga palagay, opinyon, ideya o kaisipan.
B.Upang maiwasto ang pagtatanghal sa isang dula.
C.Upang maging mabisa ang pagsulat ng isang gawain
D.Upang mapahalagahan ang mga salitang gagamitin sa isa kuwento.
10. Dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni
Francisco Baltazar.
A. bilang alaala sa kaniyang kadakilaan
B. bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan
C. upang lalo siyang tangkilikin ng mga makata
D. sapagkat siya ang pinakamahusay na mambibigkas noong kaniyang
kapanahunan

Binabati kita aking mag-aaral! Ngayon ay natapos mo na ang isang gawain alam kong
handa ka na sa bagong paksa. Bago ang lahat, gusto kong malaman mo na nandito ka na
sa Panahon ng mga Amerikano na kung saan ang mga manunulat na mga Pilipino ay
naging malaya sa kanilang mga paksang susulatin. Dito mababasa mo ang mga
panitikang umusbong sa panahon ng Amerikano na may kadalasang tema ng iniirog o
minamahal. Ang pangalawang panitikan na ating tatalakayin ay ang Balagtasan. Handa ka
na ba? Kung handa ka na, maaari mo nang basahin ang nakapaloob sa tuklasin.

Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong


panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng patulang
pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo. Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang
ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May
tinatawagTuklasin
na patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng
lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang
nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday ng mga Ilonggo at
Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang
unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na
gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang. Ang
Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa isang
korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May
gumaganap na piskal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing
tagisan ng katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa.
(Enrijo et. Al, (2013). Panitikang Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City. Philippines.Book Media Press, Inc).
4

Gawain 2
Panuto: Piliin sa Hanay B ang nais ipahiwatig ng mga pariralang na sa Hanay A.
Isulat lamang ang letra ng mapipiling sagot.

HANAY A HANAY B
1.May gata sa labi si Ana a. konti
Rose

2.Kapatak na luha ang b. mahulog


naramdaman ni Gretchen

3.Hinagpis ko noong ako’y


c. matinding lungkot
iwan mo sa gilid ng ating
bahay.
d. mahusay bumigkas
4.Ang binhi ng isang
halaman ay sumupling sa
hardin.
e. nakaistorbo
5. Halakhak ay nakabulahaw
sa buong lugar.

GAWAIN 2.1
Panuto: Handa ka na bang lakbayin ang mundo ng Balagtasan? Bago mo sisimulan
ang pag-aaral tungkol sa Balagtasan, may inihanda akong laro. Ang laro
ay pick-up line. Tingnan lamang ang halimbawa bilang gabay sa nasabing
gawain.

Lapis ka ba ? Bakit ? Kasi nais kong isulat lagi ang


pangalan mo sa puso ko…

1. Bulaklak ka ba? ___________________________________


___________________________________
2. Bubuyog ka ba? ___________________________________
___________________________________
3. Talaan ng nilalaman ka ba? __________________________________
___________________________________
4. Hangin ka ba? ___________________________________
___________________________________
5. Virus ka ba? ___________________________________

Magaling! Ano ang napansin mo sa larong ito? Tama! Ito ay ginagamit na paraan ng
panunuyo o panliligaw ng kabataan sa kasalukuyan o modernong panahon. Idadaan
sa simpleng patanong at ihahambing sa isang bagay ang sinusuyo upang maipahatid
ang kaniyang nararamdaman. Pick-up lines ang tawag sa pamamaraang ito ng
paghahatid ng damdamin. Noong Panahon ng Amerikano, isang paraang ginagawa
ng binata upang ipahayag ang kaniyang pag-ibig sa dalagang nililigawan ay sa
pamamagitan ng Balagtasan.
5

Suriin

Ihanda ang sarili na tumuklas ng isang bago at makabuluhang aralin. Hayaang mahasa ang iyong
kakayahan sa pagbasa. Kung kaya simulan na natin ang pagbabasa ng isang halimbawa ng balagtasan.

BALAGTASAN
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
Jose Corazon de Jesus

Lakandiwa: Yamang ako’y siyang Haring inihalal


Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Lahat ng makata’y inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglaban.

Ang makasasali’y batikang makata


At ang bibigkasi’y magagandang tula,
Magandang kumilos, may gata sa dila
At kung hindi ay mapapahiya.

Itong balagtasa'y galing kay Balagtas


Na Hari ng mga Manunulang lahat,
Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag
Balagtasan ngayon ang ipinamagat.

At sa gabing ito’y sa harap ng bayan


Binubuksan ko na itong Balagtasan
Saka ang ibig kong dito’y pag-usapan:
BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN.

Tinatawagan ko ang mga makata,


Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna
At magbalagtasan sa sariling wika.

Paruparo: Magandang gabi sa kanilang lahat


Mga nalilimping kawal ni Balagtas,
Ako’y paruparong may itim na pakpak

At nagbabalita ng masamang oras.


Nananawagan po, bunying Lakandiwa,
Ang uod na dating ngayo’y nagmakata,
Naging paruparo sa gitna ng tula
At isang bulaklak ang pinipithaya.

Sa ulilang harding pinanggalingan ko


Laon nang panahong nagtampo ang bango,
Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito
Ay may kabanguhang binubuhay ako.

May ilang taon nang nagtampo sa akin


Ang bango ng mga bulaklak sa hardin,
Luksang Paruparo kung ako’y tawagin,
mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim.

Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo,


Yaring kasawia’y pagpayuhan ninyo,
At si Lakan-iLaw ang gagamitin ko
Upang matalunton ang naglahong bango.

Lakandiwa: Sa kapangyarihan na taglay ko na rin


Ikinagagalak na kayo’y tanggapin,
Magtuloy po kayo at dito sa hardin,
Tingnan sa kanila kung sino at alin.

Paruparo: Sa aking paglanghap ay laon nang patay


6

Ang bango ng mga bulaklak sa parang,


Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.

Ang bulaklak ko pong pinakaiirog


Ubod na ng ganda’t puti ang talulot,
Bulaklak po ito ng lupang Tagalog,
Kapatak na luhang pangala’y kampupot.

Kung kaya po naman di ko masansala


Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya,
Matapos na siya’y diligan ng luha
Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala!
Isang dapit-hapong palubog ang araw
Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,
Paruparo, anya kita’y tatalian,
Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan.

Isang panyong puting may dagta ng lason


Ang sa aking mata’y itinakip noon,
At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon,
Nagtago pa mandin at aking hinabol.

Hinabol-habol ko ang bango at samyo


Hanggang makarating ako sa malayo,
At nang alisin na ang takip na panyo
Wala si Kampupot, wala yaring puso.

Ang taguang biro’y naging totohanan


Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,
At ang hinagpis ko noong ako’y iwan,
Baliw na mistula sa pagsisintahan.

Sa lahat ng sulok at lahat ng panig


Ay siya ang laging laman niring isip,
Matulog man ako’y napapanaginip,
Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.

Sa apat na sulok ng mundong payapa


Ang aking anino’y tulang nabandila,
Paruparo akong sa mata’y may luha,
Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa.

Ang sakdal kong ito, Lakandiwang mahal,


Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,
At kung si Kampupot ay ayaw po naman,
Ay ang puso niya sa aki’y ibigay.

Bubuyog: Hindi mangyayari at ang puso niya’y


Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
Ang lalagutin mo’y dalawang hininga.
Pusong pinagtali ng isang pag-ibig
Pag pinaghiwalay kapanga-panganib,
Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig,
Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik.

Ang dalawang ibon na magkasintahan,


Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay,
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,
Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,

Paruparong sawing may pakpak na itim


Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim,
At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw
“Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin.
7

Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo


At sa kasawia’y magkauri tayo,
Ako ma’y mayroong nawawalang bango
Ng isang bulaklak kaya naparito.
Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap
Bawat salita mo’y matulis na sibat,
Saka ang hanap mong mabangong bulaklak,
Luksang paruparo, siya ko ring hanap.

Ipahintulot mo, Paruparong luksa,


Dalitin ko yaring matinding dalita.
Itulot mo rin po, Hukom na dakila,
Bubuyog sa sawi’y makapagsalita.

Paruparo: ‘Di ko pinipigil ang pagsasalaysay


Lalo’t magniningning ang isang katwiran,
Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan
Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan.

Lakandiwa: Magsalita kayo at ipaliwanang


Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas,
Paano at saan ninyo napagmalas
Na ito ang siya ninyong hinahanap?

Bubuyog: Sa isang malungkot at ulilang hardin


Ang binhi ng isang halama’y sumupling,
Sa butas ng bakod na tahanan namin
Ay kasabay akong isinisilang din.

Nang iyang halama’y lumaki, umunlad,


Lumaki ako’t tumibay ang pakpak,
At nang sa butas ko ako’y makalipad
Ang unang hinagka’y katabing bulaklak.

Sa kanyang talulot unang isinangla


Ang tamis ng aking halik na sariwa,

At sa aking bulong na matalinghaga


Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya.

Nang mamukadkad na ang aking kampupot


Sa araw at gabi ako’y nagtatanod,
Langgam at tutubing dumapo sa ubod
Sa panibugho ko’y aking tinatapos.

Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan


Habang ako’y kanlong sa isang halaman,
Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw
Ang aking halakhak ay nakabulahaw.

Ang inyong taguan, akala ko’y biro,


Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,
Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso
Sa akin man pala ay nakapagtago.

Lumubog ang araw hanggang sa dumilim


Giliw kong bulaklak din dumarating,
Nang kinabukasa’t muling nangulimlim
Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.

Nilipad ko halos ang taas ng langit


At tinalunton ko ang bakas ng ibig,
Ang kawikaan ko sa aking pag-alis
Kung di makita’y di na magbabalik.
8

Sa malaong araw na nilipad-lipad


Dito ko natunton ang aking bulaklak,
Bukong sa halik kokaya namukadkad
‘Di ko papayagang mapaibang palad.

Luksang Paruparo, kampupot na iyan,


Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,
Ang unang balik kong katamis-tamisan
Sa talulot niya ay nakalarawan.

Paruparo: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak


Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap
Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.

Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang


Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan:
Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,
Sino ang malapit sa pagliligawan?

Una muna akong nag-uod sa sanga


Na balot ng sapot ng pagkaulila,
Nang buksan ng Diyos yaring mga mata
Bulo’t dahon namin ay magkasama na.
Sa ugoy ng hangin sa madaling-araw

Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay,


At kung bumabagyo’t malakas ang ulan,
Ang kanya ring dahon ang aking balabal.

Sa kanyang talulot kung may dumadaloy


Na patak ng hamog, aking iniinom;
Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong
Sa init ng araw sa buong maghapon.

Paano ngang siya ay pagkakamalan


Na kami’y lumaki sa iisang tangkay,
Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay
Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.

Bubuyog: Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig


Niyaring bulaklak na inaaring langit,
Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig
Malayo ma’t ibig, daig ang malapit.

Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot


Nakikiinom ka ng patak ng hamog,
Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,
Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.

Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay;


Sa isang bulaklak laso’t kamatayan,
At akong bubuyog ang dala ko’y buhay
Bulong ng hiningang katamis-tamisan.

Paruparo: Akong malapit na’y napipintasan mo,


Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no?
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.

Bubuyog na laging may ungol at bulong


Ay nakayayamot saan man pumaroon,
At ang katawan mo’y mayrong karayom
Pa’no kang lalapit, di naduro tuloy?
9

Di ka humahalik sa mga bulaklak,


Talbos ng kamote ang siya mong liyag,
Ang mga bintana’y iyong binubutas,
Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.

Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,


Iyong mga bulong ay naririnig ko;
Kung dinig ng lahat ang panambitan mo
Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.

Bubuyog: Kundi iniibig ang nakikiusap


Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat,
Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad
Lalo na ang dungong di makapangusap.

Lilipad-lipad ka na payao’t dito


Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
Pag ligaw-matanda sa panahong ito
Pagtatawanan ka ng liligawan mo.

Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog


Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,
Nguni’t saang panig nitong sansinukob
Nakakatuwaan ang paris mong uod?

Saka, Paruparo, dapat mong malamang


Sa mula’t mula pa’y ‘di ka minamahal,
Ang panyong panali nang ikaw ay takpan
Ikaw ang may sabing may lason pang taglay.

Paruparo: Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib,


Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,
Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig
Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.

Bubuyog: Dadayain ka nga’t taksil kang talaga


At sa mga daho’y nagtatago ka pa.

Paruparo: Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa


Sa taglay kong bulo nilason na kita.

Bubuyog: Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot.


Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod.

Paruparo: Bulaklak nga siya’t ako’y kanyang uod.

Lakandiwa: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,


Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;
Yamang di-malaman ang may-ari nito,
Kampupot na iya’y paghatian ninyo.
Bubuyog: Kapag hahatiin ang aking bulaklak
Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat;
Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap
Kaya ang talulot niya ang malagas.

Paruparo: Kung hahatiin po’y ayoko rin naman


Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay;
Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan
O buo wala nguni’t akin lamang.

Lakandiwa: Maging si Solomong kilabot sa dunong


Dito’y masisira sa gawang paghatol;
Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.
10

Ipahintulot pong sa mutyang narito


Na siyang kampupot sabihin kung sino
Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,
O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.

Kampupot: Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,


Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
At si Bubuyog po’t paruparong bukid,
Ay kapwa hindi ko sila iniibig.

Paruparo: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,


Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa buong magdamag
Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?

Kampupot: Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong


Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,
Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy
At di inakala na sinuman yaon.

Bubuyog: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid


Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,
Ang akin bang samo at mga paghibik
Na bulong sa iyo’y ‘di mo ba narinig?

Kampupot: Tila nga, tila nga ako’y may napansing


Daing at panaghoy na kung saan galing,
Ngunit akala ko’y paspas lang ng hangin
At di inakala na sinuma’t alin.

Bubuyog: Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,


Makapitong lumbay o hanggang matapos.

Paruparo: Dito napatunayan yaong kawikaan


Na ang paglililo’y nasa kagandahan.

Bubuyog at Paruparo: Ang isang sanglang naiwan sa akin


Ay di mananakaw magpahanggang libing.

Lakandiwa: Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang


Nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Yamang ang panahon ay inyong sinayang
Kaya’t nararapat na maparusahan.

Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo


Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo,
At ang “Pasalubong” sa babaing lilo,
Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.
(Pagkatapos tumula ni Paruparo)

Lakandiwa: Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,


Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;
Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”
Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.

(Pagkatapos tumula ni Bubuyog)


Minamahal nami’t sinisintang bayan,
Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan;
At kung ibig ninyong sila ay hatulan,
Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.
(Enrijo et. Al, (2013). Panitikang Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City. Philippines.Book Media Press, Inc).

Pagyamanin

GAWAIN. 3
11

Panuto: Sagutin mo ang mga tanong batay sa iyong pang-unawa.

1. Bakit iisa lamang ang nagugustuhan nina Paruparo at Bubuyog?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
2. Makatuwiran ba ang pagmamatuwid ng nagtatalong mga makata?
Patunayan_______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

3. Sa iyong pagsusuri sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, kaninong panig ang matuwid at dapat na panigan?
Bakit? __________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

4. Paano binigyang-wakas o paghatol ng lakandiwa ang nasabing balagtasan?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

5. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Balagtasan sa ating bansa?


________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

(Enrijo et. Al, (2013). Panitikang Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City. Philippines.Book Media Press, Inc.)

Gawain 3.1
Panuto: Ipaliwanag ang ginagampanang papel ng mga tauhan sa Balagtasan.
Punan ng tamang sagot nang may kahusayan at kalinisan.

Ginagampanan sa
Balagtasan na
Pinamagatang Bulaklak ng
Lahing Kalinis-linisan

LAKANDIWA MANONOOD
MAMBABALAGTAS

______________________ ______________________ ______________________


______________________ ______________________ ______________________
______________________ ______________________ ______________________

Gawain 3.2
Panuto: Naunawaan mo na bang maigi ang balagtasan? Upang mapalawak mo ang
iyong kaalaman, gawin mo ang mga gawain sa ibaba mula sa mga
napakinggang impormasyon tungkol sa Balagtasan na nais mong
maunawaan pa. Isulat sa mga espasyong nakalaan sa ibaba.

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
Wow! napakaganda ng iyong ginawa. Ipagpatuloy mo lang ito. Huwag kang
______________________________________________________
mag-aalala, gagabayan ka ng mga aralin sa modyul na ito. Sigurado akong
malalampasan mo rin ang susunod na mga gawain. Ipagpapatuloy mo lamang
ang magandang nasimulan.

Gawain 3.3
Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyong nakapaloob sa bawat
kahon at sagutin kung saan ka pumapanig. Pangatwiran.

“Nasaktan o Nakasakit” Saan ka papanig?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________
12

“Puso o Isip” Ano ang dapat pairalin pagdating sa Pag-ibig?


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_________________________________________________________
Alin ang mas mahalaga Sipag o Talino?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________

Isaisip

Pagsang-ayon at Pagsalungat

Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat

Isang paraan ito upang maging kapaki-pakinabang ang pakikilahok sa


anumang usapan o pagbibigay ng mga pala-palagay, opinyon o ideya o kaisipan. Sa paraang ito,
mahalagang malaman natin ang mga pananalitang dapat gamitin sa pagpapahayag ng pagsang-
ayon at pagsalungat. Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat ay makabubuting pag-
aralan o pag-isipan munang mabuti at magkaroon ng malawak na kaalaman ukol sa isyu. Iwasang
gumawa ng desisyong hindi pinag-iisipan at maaaring dala ng desisyong itinutulak ng nakararami.
Halimbawa:
*Pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon
Sang-ayon ako. Tama. Iyan ang nararapat.
Pareho tayo ng iniisip.
Ganyan din ang palagay ko. Oo. Tunay
*Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat
Hindi ako sang-ayon. Mabuti sana ngunit.
Ikinalulungkot ko ngunit.
Nauuwaan kita subalit. Bakit di natin. Ayaw
(Enrijo et. Al, (2013). Panitikang Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City. Philippines.Book Media Press, Inc.)

Gawain 4
Panuto: Suriing mabuti ang mga pahayag. Sumasang-ayon o sumasalungat
ka ba sa mga ito? Lagyan ng Oo ang linyang katapat ng iyong
sagot at saka ipahayag ang iyong pangangatuwiran sa patlang.

a.Ang paghingi ng patawad ay mahirap gawin.


Sumasang-ayon ako ___
Sumasalungat ako ____
Pangatuwiran
______________________________________________________
_______________________________________________________
b. Malaki ang papel na ginampanan ng relihiyon sa pagbabago ng tao.
Sumasang-ayon ako ____
Sumasalungat ako ____
Pangatuwiran
_______________________ ______________________________________
______________________________________________________________
c. Ang tao ay nagkasakit dahil sa kaniyang kapabayaan.
Sumasang-ayon ako ____
Sumasalungat ako ____
Pangatuwiran
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________
Gawain 4.1
13

Panuto: Sumulat ng isang editoryal tungkol sa paraan ng pag-aaral sa pampublikong


paaralan sa taong 2020. Gamitin ang pagsang-ayon at pagsalungat sa
isang argumento.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Magaling! Ituloy mo lang ito. Huwag kang magaalala, gagabayan ka ng mga aralin
sa modyul na ito. Sa dami ng kaalaman na iyong natutunan alam kong higit mong
malalampasan ang susunod pang mga gawain.

Gawain 4.2
Bakit mahalagang matutunan mo ang tamang paraan ng paggamit ng mga
salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat? Pangatuwiranan.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________________

Gawain 4.3
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat nang malalalim na salitang ginamit sa akda.
Isulat ang sagot sa patlang.
1.Pinipithaya
Kasingahulugan __________________________________________________________
Kasalungat na kahulugan
________________________________________________________________________
2.Pinakaiirog
Kasingahulugan __________________________________________________________
Kasalungat na kahulugan
________________________________________________________________________
3. Masansala
Kasingahulugan __________________________________________________________
Kasalungat na kahulugan
________________________________________________________________________
4.Sumupling
Kasingahulugan __________________________________________________________
Kasalungat na kahulugan
________________________________________________________________________

5.Tangkay
Kasingahulugan __________________________________________________________
Kasalungat na kahulugan
________________________________________________________________________

Isagawa

Gawain 5
Panuto: Ihambing mo ang panliligaw ng mga binata noon sa kasalukuyang
panahon. Gamitin ang Fan Fact Analyzer. Isulat ang sagot sa loob ng bilog.

Pagkakatulad at pagkakaiba ng panliligaw ng mga binata


sa dalaga noon at ngayon
14

PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA

Tayahin

Gawain 6 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Bilugan ang tamang
sagot.
1. Ito ay biglaang pagtatalo ng lalaki at babae ng mga taga-Cebu.
A. Batutian
B. Balitao
C. Duplero
D. Siday
2. Siya ang tagapagdaloy ng Balagtasan?
A. Bulakla
B. Paruparu
C. Bubuyog
D. Lakandiwa
3. Dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni Francisco Baltazar.
A. bilang alaala sa kaniyang kadakilaan
B. bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan
C. upang lalo siyang tangkilikin ng mga makata
D. sapagkat siya ang pinakamahusay na mambibigkas noong kaniyang
kapanahunan
4. Sino ang pinag-aagawan ni Bubuyog at Paruparu?
A. Kampupot
B. Lakandiwa
C. Dahon
D. Paso
5. Bakit masining ang balagtasan?
A. Masining ito dahil sa malikhaing pagpapalitan ng katwirang patula.
B. Masining ito dahil sa kumpas ng mga kamay.
C. Masining ito dahil nagsimula ito kay Francisco Balagtas.
D. Masining ito dahil tungkol ito sa kultura ng mga Pilipino.

6. Sila ang pinakamagaling na mambabalagtas noong kanilang kapanahunan.


A. Jose Rizal at Andres Bonifacio
B. Juan Luna at Antonio Luna
C. Francisco Baltazar at Jose Dela Cruz
D. Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes
7. Ito ay paraan upang maging kapaki-pakinabang ang pakikilahok sa
anumang usapan
A. Aspekto ng Pandiwa
B. Sarsuwela
C. Simbolo at Pahiwatig
D. Pagsang-ayon at pagsalungat
8. Piliin sa sumusunod ang pahayag na nagsasaad ng pagsalungat
A. Pareho tayo ng iniisip
B. Ganyan din ang palagay ko
15

C. Ikinalulungkot ko ngunit..
D. Tama
9. Piliin sa sumusunod ang pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon
A. Iyan ang nararapat
B. Mabuti sana ngunit…
C. Nauunawaan kita subalit..
D. Ayaw
10. Bakit mahalagang matutuhan mo ang tamang paraan ng pagsang-ayon at pagsalungat?
A.Upang maging kapakipakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o pagbibigay ng mga
palagay, opinyon, ideya o kaisipan.
B.Upang maiwasto ang pagtatanghal sa isang dula.
C.Upang maging mabisa ang pagsulat ng isang gawain
D.Upang mapahalagahan ang mga salitang gagamitin sa isa kuwento.

Karagdagang Gawain

Gawain 7
Ano ang natutunan mo sa kabuoan ng araling tinalakay natin? Isulat ang sagot sa ibaba.

Sa araw na ito naunawaan ko na ___________________________________-


__________________________________________________________________

Natatandaan ko na natuwa ako sa na


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ngayong araw na ito, maipagmamalaki kong natutuhan ko ang/ ang mga


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Naging madali ba sa iyo ang pagsagot sa mga gawain? Alam kong kayang-
kaya mo ito. Minsan pa ay magkaroon ka ng pagtataya sa iyong kaalaman
sa mga naging aralin sa tulong ng sumusunod na gawain. Handa ka na ba
sa susunod na talakayan? Kung gayon, ipagpatuloy mo na ang pagtuklas
ng bagong kaalaman at bagong aralin. Patnubayan nawa kayo ng
Panginoong Diyos!

You might also like