Professional Documents
Culture Documents
Pagsusuri Sa The Platform
Pagsusuri Sa The Platform
Pagsusuri Sa The Platform
I. KARAKTERISASYON
Sa unang tingin aakalain ni Goreng na madali ang magiging buhay niya sa loob
ng “The Pit”. Ang hindi niya alam, kabaliktaran ang kanyang magiging karanasan.
Maaga pa lamang ay namulat na siya sa katotohanan ng mala-kulungang gusali. Ang
reaksyon ni Goreng sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid ay nagsasabing busilak
ang kanyang kalooban at may malasakit siya sa kapwa. Ninais niyang gumawa ng
hakbang upang itama ang mali sa sistema. Kalaunan, mababatid ni Goreng na hindi
epektibo ang kanyang mga paraan at nasanay na siya sa kulturang makasarili at
kapitalista. Sa bandang huli, makikitang tuluyang nagbago si Goreng sapagkat tanging
dahas ang nakita niyang paraan upang magdulot ng pagbabago. Bagama’t hindi
nagtagumpay si Goreng sa kanyang mithiin, ang metaporikal na paglalahad ng wakas
ay nagsasabing kahit sa kanyang pagpanaw ay dala-dala niya ang pagtitiwala at
pananampalataya na mayroon pa ring pag-asa sa kabila ng lahat ng dagok.
Pinagbibidahan ni Ivan Massague ang The Platform bilang si Goreng. Ang aktor
sa totoong buhay ay isang kilalang komedyante sa Spain, at isa umano ito sa dahilan
kung bakit siya pinili upang isabuhay ang papel na ito. Sumasang-ayon ako kay Direktor
Galder Gaztelu-Urrutia na nagdala ito ng kakaibang dating sa pelikula dahil sa likas
nitong galing sa pagpapatawa. Nabigyan ng bagong kulay ang pelikula dahil sa estilong
puno ng dry humor, irony, at subtleties o nuances na teknik ni Massague. Naputol ni
Ivan ang labis na pagka-seryoso ng aura ng pelikula, dahilan upang umayon ito sa
panlasa ng mga manonood. Aking napanood ang mangilan-ngilang video clips ng mga
nagawa niyang pelikula, at masasabi kong isinasabuhay niya ang bawat karakter na
kanyang ginagampanan. Ang aktor ay kinailangan ding magpapayat upang maging mas
makatotohanan ang kanyang pagganap, lalo na sa mga eksenang nagpapakita ng
panghihina ng katawan at pag-iisip ni Goreng. Dito kakikitaan ng angking dedikasyon sa
trabaho si Massague at ang pagiging propesyunal nito sa pag-arte. Hindi ito birong
gawain ng isang artista at mangilan-ngilan lamang ang mga aktor na pumapayag gawin
ito. Tunay ring nakadagdag ito sa kredibilidad niya sa pagsasabuhay ng karakter.
Ang karakter ni Imoguiri ang nagpaalala sa manonood kung paano mag-isip ang
dating Goreng. Sa kanyang kagustuhang patunayan na walang masamang ginagawa
ang administrasyon at malaman kung ano ang tunay na kalagayan sa piitan ay
boluntaryo siyang pumasok. Dito bumungad sa kanya ang mapait na katotohanan kung
kaya’t ganoon na lamang ang kanyang kagustuhang mapabago ang sistema rito.
Dumagdag pa ang kanyang suliraning karamdaman kaya’t tila ito ang naging pagtubos
niya sa kasalanang maging enabler. Ngunit tulad din ni Goreng ay hindi nito nakumbinsi
ang mga kasamahang magkaisa. Masyado ring idealistic si Imoguiri at labis siyang
kumapit sa emosyon dala ng kanyang pagsisisi. Sa huli, makikitang nawalan na ng pag-
asa si Imoguiri tulad ng iba nang mabatid niyang may mas malala pang kondisyong higit
pa sa kanyang inaakala.
Naging angkop ang aktres na si Antonia San Juan sa pagganap nito bilang si
Imoguiri sa pelikula. Tulad ni Massague, isang tanyag na komikero si Antonia na
gumagawa rin ng stand-up comedy. Nakadagdag din siya sa gaan ng mood o
kalagayan ng pelikula. Kapansin-pansin din sa mga eksenang magkasama sina
Imoguiri at Goreng kung paanong umakma ang estilo at teknik ng dalawang artista.
Masasabing may angking chemistry sina San Juan at Massague sa pinilakang tabing.
IV. SINEMATOGRAPIYA
V. EDITING
Naging maayos din ang pagtatagpi-tagpi ng mga eksena. May mga flashback
ding ginamit upang ilahad kung paano pumasok si Goreng sa pasilidad. Kahit na hindi
hayagang naglagay ng tanda ng flashback, hindi ito naging handlang upang
maintindihan pa rin ang kuwento at maunawaang naganap na ang mga eksena.
Sapagkat dalawang palapag lamang ang binuo sa pisikal na istruktura, ginamitan din ng
editing ang nalalabing bahagi ng gusali. Naging maganda ang pagsasagawa nito dahil
hindi naging halata na “edited” na bahagi lamang ang ibang mga palapag. Dumagdag
ito sa pakiramdam na malawak at tila walang katapusan ang edipisyo.
VI. MUSIKA/TUNOG
VII. ISKRINPLAY
Ang iskrip ay orihinal na akda nina David Desola at Pedro Rivero, na noong
una’y nakalaan para sa isang teatrong pagtatanghal. Napukaw ang interes ng direktor
na si Urrutia at nilapitan niya ang dalawa upang gawin itong isang pelikula. Dalawang
taon ang ginugol upang umangkop ang lahat ng aspekto ng kwento para sa pinilakang
tabing. Mahihinuha na may angking sining ang bawat dayalogo na binibitawan ng mga
aktor. Punumpuno ito ng simbolismo at alegorya. Mayroon din itong tamang timpla ng
pinaghalong dry humor, irony, at iba pang tayutay nang sa gayon ay mabawasan ang
seryosong aura ng kabuuang palabas.
Bagama’t naging malinaw mula sa umpisa hanggang sa gitna ang paksang class
struggle at kung paano hinaharap ng bawat karakter ang suliraning ito, hindi naging
tiyak at malinaw ang pagwawakas ng The Platform. Nagkaroon ng samu’t saring
reaksyon, teaorya, at ideya ang mga nanood ukol sa tunay na kinahantungan ng bata at
ni Goreng. Intensyunal itong ginawa ng direktor upang mag-udyok ng mas maraming
diskusyon at hinahangaan ko siya dahil dito. Naniniwala ako na sa huli ito ang
pinakamahalagang ambag ng sining sa tao at lipunan, anuman ang maging midyum.
Nararapat na umuudyok ito na magkaroon ng ideya, magsimula ng usapin at talakayan
hinggil sa mga makabuluhang isyung ating kinahaharap.