Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO 5

Pangalan:_________________________________________
Lagumang Pagsusulit
A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na talata. Pagkatapos sagutin ang
mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.

Si Angie ay isang kusinera. Kilalang-kilala siya sa bayan ng Dansalan dahil


napakasarap niyang magluto. Bihira ang handaan lalo na kung pista na hindi
siya ang nagluluto. Marami siyang alam na lutuin tulad ng mga pagkaing
Pilipino, Intsik, Espanyol at Italyano.

1. Sino ang kusinera?


A. Anna C. Angie
B. Anita D. Angela
2. Saang bayan siya kilalang-kilala?
A. Dansalan .C.San Juan
B. Bataan D.Cagayan
3. Ano ang mga alam niyang lutuin?
A. Mga pagkaing Espanyol
B. Mga pagkaing Pilipino
C. Mga pagkaing Intsik
D. Lahat ng nabanggit

4. Ano ang paksa o diwa ng talatang binasa? A. Si Anna ay mabait na bata.


B. Ang bata ay matulungin sa kanyang ina.
C. Si Annie ay magaling sa pagluluto ng iba’t-ibang pagkain.
D. Bihira ang handaan lalo na kung pista.

Buko d sa mahusay mangusina si Angie napakamalikhain pa niya sa mga


inihahandang pagkain. Masarap at kasiya -siya ang mga pagkaing inihahanda niya.

Napananatili niya ang likas na kulay at lutong gulay. Iba -ibang hugis ang
ginagawa niya sa mga sangkap na sili, l uya at sibuyas. Napabubuka niya ang
repolyo na akala mo ay isang malaking rosas.

5. Ano pa ang kayang gawin ni Angie?


A. Magkakapareho ang hugis na ginagawa niya sa mga sangkap
B. Napabubuka niya ang repolyo na akala mo ay isang malalaking rosas.
C. Ang likas na kulay at lutong ng gulay ay hindi mahalaga sa pagluluto
D. Kaya niyang pagsabayin ang pagluluto at paglilinis ng kanilang bahay

6. Ano ang diwa ng talatang ito?


A. Pagluluto ng masasarap na pagkain B. Pagkamalikhain sa pagluluto
C. Paghahanda ng iba’t ibang sangkap
D. Pagsunod sa mga hakbang ng pagluluto

Katakam -takam! Masarap at maganda na ang mga ulam na luto ni Angie,

mabango pa ito. Nakalilikha siya ng amoy ng ulam na kapag nalanghap mo ay gugutumin


ka. Marami ang nagtatanong kung ano ang kanyang sikreto kung

bakit kahit kaunti lang ang sahog ay na-katatakam ang luto niya.

7. Paano inilarawan ang ulam na luto ni Angie?


A. Mabaho ang mga ulam na luto niya
B. Nakakaumay ang amoy ng mga ulam
C. Masarap at maganda ang mga ulam na luto ni Angie
D. Maalat at kakaunti lang ang sahog

8. Ano ang paksa ng talatang binasa?


A. Marami ang nagtatanong sa sikreto ni Angie sa pagluluto
B. Kakaunti ang sahog ng mga ulam
C. Nakabubusog ang amoy ng mga pagkain
D. Nakatatakam ang mga ulam na niluluto ni Angie

Iisa lang ang sagot ni Angie sa mga nagtatanong. Ang kanyang niluluto ay

pawang sariwa, masustansiya, at mura. Ang lasa at sarap ng pagkain ay


umaayon sa tamang sangkap. Pinalalambot muna ang karne bago isama ang
gulay. Dapat hindi hilaw o labog ang pagkakaluto. Tama ang lapot o labnaw ng
sa baw. Tama ang lasa at pagkakatimpla, yun ang sikreto niya.

9. Anu-ano ang sikreto sa pagluluto ni Angie?


A. Sariwa, masustansiya, at mura ang mga niluluto niya
B. Tama ang lasa at pagkakatimpla
C. Maayos niyang niluluto ang mga sangkap
D. Lahat ng nabanggit

10. Ano kaya ang diwa o paksa ng talatang ito?


A. Ang lasa at sarap ng pagkain ay umaayon sa tamang sangkap na ginagamit sa
pagluluto
B. Pinalalambot muna ang karne bago isama sa gulay C. Dapat hindi hilaw o labog
ang pagkakaluto
D. Katakam-takam ang anyo at kulay.

You might also like