3rd Quarter examARPAN GRADE 9-10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

MARBEL NOTRE DAME DIOCESAN SCHOOLS

Cathedral Compound, City of Koronadal


Tel. No. 083-228 – 2547

3rdQUARTER EXAMINATION IN ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan:____________________________Baitang at Pangkat:_______________Skor:_______________________
Guro:__________________________Lagdang Magulang:________________________Petsa:___________________
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang pinakatamang sagot at bilugan ang titik ng
napiling sagot.

1. Ito ay mga karapatang kaloob ng mga batas na pinagtibay ng Kongreso o Tagapagbatas.


a. Statutory Rights b. Constitutional Rights c. Karapatang Likas d. Karapatang Sibil
2. Ito ay karapatang wagas para sa lahat. Ang bawat tao ay may karapatang mabuhay.
a. Statutory Rights b. Constitutional Rights c. Karapatang Likas d. Karapatang Sibil
3. Anong Batas Republika ang may layuning igalang at mapanatili ang mga paniniwala, kaugalian, tradisyon, at institusyon ng
mga pangkat-etniko?
a. Batas Republika 8369 b. Batas Rebublika 8370 c. Batas Republika 8371 d. Batas Republika 8372
4. Sa anong artikulo napaloob na ang bawat tao’y may karapatang humanap at magtamasa sa ibang bansa ng pagpapakupkop
laban sa pag – uusig?
a. Artikulo 12 b. Artikulo 13 c. Artikulo 14 d. Artikulo 15
5. Sa anong artikulo napaloob na ang bawat tao’y may karapatan sa kalayaan ng pagkilos at paninirahan sa loob ng mga
hangganan ng bawat estado.
a. Artikulo 12 b. Artikulo 13 c. Artikulo 14 d. Artikulo 15
6. Kailan nabuo at nilagdaan ang Universal Declaration of Human Rights?
a. Disyembre 10, 1948 b. Disyembre 10, 1958 c. Disyembre 10, 1978 d. Disyembre 10, 1988
7. Ito ay karapatang makilahok sa pagtatakda at pagdedesisyon sa pamumuno at proseso ng pamamahala sa bansa.
a. Karapatan Ayon sa Batasb. Karapatang likas c. Karapatang Sibil d. Karapatang Pampolitika
8. Ito ay karapatang magkaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay, kalayaan sa pagsasalita, pag – iisip, pag –oorganisa,
pamamahayag, malayang pagtitipon, pagpili ng lugar na titirhan, at karapatan laban sa diskriminasyon.
a. Karapatan Ayon sa Batas b. Karapatang likas c. Karapatang Sibil d. Karapatang Pampolitika
9. Ito ay karapatang kaloob at pinangangalagaan o binibigyang-proteksiyon ng Konstitusyon ng bansa.
a. Constitutional Rights b. Statutory Rights c. Karapatang Pampolitika d. Karapatang Sibil
10. Ito ay karapatan kung saan pinangangalagaan ang mga akusado o nasasakdal sa anumang paglabag sa bansa.
a.Mga Karapatan ng Akusado/Nasasakdal
b. Mga Karapatang Pangkultura
c. Karapatang Pang – ekonomiya
d. Karapatang Panlipunan
11. Ito ay karapatang makibahagi at lumahok sa pagsasabuhay, pagpapatuloy, at pagpapalawak ng sariling tradisyon, gawi at
pag – uugali.
a. Mga Karapatan ng Akusado/Nasasakdal c. Karapatang Pang – ekonomiya
b. Mga Karapatang Pangkultura d. Karapatang Panlipunan
12. Sa anong artikuo napaloob ang karapatang pantao na dapat tinatamasa ng bawat mamamayan?
a. Katipunan ng mga Karapatan c. Batayan ng mga Karapatan
b. Katipunan ng mga Kalayaan d. Batayan ng mga Kalayaan
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa Kategorya ayon sa Batas?
a. Karapatang Sibil c. Mga Karapatan ng Akusado
b. Karapatang Pampolitika d. Karapatang Likas
14. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa Universal Declaration of Human Rights?
a. Hindi dapat magpatibay ng batas ex post facto o bill attainder
b. Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus, maliban kung may pananalakay o paghihimagsik,
kapag kinakailangan ng kaligtasang pambayan.
c. Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng mga kontrata.
d. Obligado ang bansa na ipatupad ang pagiging malaya at pagkakapantay-pantay ng bawat tao at pagbabawal sa
diskriminasyon.
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa Paglabag sa karapatang Pantao?
a. Pisikal na Paglabag c. Paglabag sa Patakaran ng Estado
b. Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag d. Estruktural o Sistematikong Paglabag
16. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa pribilehiyo?
a. Ito ay karapatang maangkin ng mga mamamayan.
b. Ito ay negatibo at hindi makatarungang pagtrato sa mga tao dahil sa pagkakaiba ng kanilang katangian.
c. Ito ay angkop na pagtanggap at paggalang sa pagkakaiba-iba ng mga tao.
d. Ito ay espesyal na konsiderasyon o advantage na kaloob sa isang tao o grupo.
17. Ano ang katotohanan tungkol sa Child and Yputh Welfare Code?
a. Dito nakatala ang mga tungkulin ng mga bata at responsibilidad ng mga magulang sa pangangalaga sa kanilang mga
anak.
b. Dito nakatala ang mga karapatan ng mga kabataan sa edukasyon.
c. Dito napaloob ang pagkakaisa ng mga magulang at gobyerno para sa kabutihan ng mga kabataan.
d. Dito napaloob ang mga mahahalagang tungkulin ng pamahalaan para sa kaayusan ng mga kabataan.
18. Ang Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata ay isang pandaigdigang tratado na nilagdaan ng mga bansa upang,
a. Magkaroon ngn kalayaan sa paggawa ng mga bagay na naaadyon sa kanilang kagustuhan.
b. Magkaroon ng proteksiyon ang mga kabataan laban sa karahasan.
c. Mabigyang – proteksiyon ang mga batang may gulang 18 pababa sa buong daigdig.
d. Mabigyang – kalayaan ang bawat bata na maipahayag ang mga sariling hinaing.
19. May mga tauhan at pinuno ang pamahalaan na nag-aabuso sa kanilang tungkulin at sa mga karapatan ng taumbayan dahil,
a. Sa kayamanang maaaring matamasa c. Sa kanilang sariling pansariling interes
b. Sa kanilang kapangyarihan maangkin d. Lahat ng nabanggit
20. May mga magulang, guro, at iba pang matatanda ang nananakit at nagpapataw ng mabigat na parusa.Bakit?
a. Ito ay para matuto ng leksyon
b. Ito ay para maiparanas sa mga kabataan ang kanilang mga naranasan
c. Ito ay para magtanda ang mga kabataan sa mga pagkakamaling nagawa
d. Ito ay mabisang paraan sa pagdidisiplina
21. Ang pagkulong ng mahigit sa 24 oras at torture o pagpapahirap sa mga napagbibintangang criminal upang sila ay mapilitang
umamin sa ibinibintang na krimen ay napaloob sa anong paglabag sa karapatang pantao?
a. Sistematikong paglabag c. Sikolohikal na paglabag
b. Emosyonal na paglabag d. Pisikal na paglabag
22. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pribilehiyo?
a. Mabigyan ng pangalan at identidad c. Makapag -aral
b. Maipakita ang kultura at paniniwala d. Mabigyan ng scholarship
23. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng karapatan?
a. Mabigyan ng pangalan at identidad c. Makapag -aral
b. Maipakita ang kultura at paniniwala d. Mabigyan ng scholarship
24. Ang simpleng tuksuhan at asaran sa paaralan ay maaaring mauwi sa bullying na sumusugat at lumalatay sa emotional
nakatatagang ng mga bata. Ito ay nagpapakita ng paglabag sa anong karapatang pantao?
a. Sistematikong paglabag c. Estruktural na paglabag
b. Emosyonal na paglabag d. Pisikal na paglabag
25. Alin sa mga sumusunod ang mangyayari sa nasasakdal sa extrajudicial killing at extra-legal killing?
a. Dapat patunaayan na sila ay kasapi o kasali sa extrajudicial killing at extra-legal killing
b. Dapat bigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili laban sa pag – aakusa
c. Hindi na binibigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili sa korte, bagkus sila ay agad na hinahatulan at
ginagawaran ng parusang kamatayan.s
d. Hindi dapat bigyan ng pagkakataon na maipaagtanggol ang sarili sapagkat sila ay gumawa ng paglabag sa bagtas
26. Ang Pilipinas ay lumagda sa Universal Declaration of Human Rights. Ano ang implikasyon nito?
a. Ang bansa ay kailangang sumunod sa mga patakaran na napasailalim ng Universal Declaration of Human rights
b. Magkakaroon ng respeto ang bawat isa at katarungan sa larangan ng karapatang Pantao.
c. Magkakaroon ng pagkakapantay – pantay sa usaping moralidad at kaayusan ng mamamayan sa bansa
d. Obligado ang bansa na ipatupad ang magiging malaya at pagkakapantay-pantay ng bawat tao at pagbabawal sa
diskriminasyon
27. Ang bawat tao ay may karapatang ipahayag ang saloobin, sariling pag – iisip, hinaing at kagustuhan. Sa aling karapatang
Pantao napaloob ang nabanggit?
a. Karapatang Likas o Natural
b. Karapatang Pampolitika
c. Karapatang Sibil
d. Karapatan ng mga Akusado/ Nasasakdal
28. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng katotohan tungkol sa Artikulo II ng ating Saligang Batas?
a. Napaloob dito ang mga batas na magbibigay-proteksyon sa mga karapatan ng mga kabataan.
b. Ang mga patakarang ito ay kaugnay ng mga tungkulin ng pamahalaan na mapangalagaan ang mga karapatan ng mga
mamamayan.
c. Ang mga patakarang ito ay mga tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak na dapat ipatupad.
d. Napaloob dito ang karapatan ng mga mamamayan na maipahayag ang saloobin sa mga nangyaayari sa paligid.
29. Ang mga sumusunod ay mga karapatan ng Kababaihan sa Lipunang Pilipino maliban sa,
a. Makaboto ng napipisil na kandidato
b. Manatiling mamamayan ng Pilipinas kahit na nag – asawa ng dayuhan maliban lamang kung kanyang itatakwil ang
kanyang pagkamamamayan
c. makapagtrabaho ng marangal
d. makapag-aral ng libre
30. Kailan naiulat na dalawa sa apat na biktimang bisexuals ang pinatay sa pamamagitan ng multiple satab wounds?
a. 2011 b. 2012 c. 2013 d. 2014
31. Ito ay isang samahang binuo ng mga miyembro ng LGBT upang masubaybayan ang mga krimen na nangyayari sa mga
homoseksuwal.
a. Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network c. Gay Achievers Club
b. The Philippine LGBT Hate Crime Watch d. Coalition for the liberation of the Reassigned Sex
32. Kailan naghain sina Senador Rodolfo Biazon at Miriam Santiago ng petisyon sa Senado at Kongreso upang huwag kilalanin sa
Pilipinas ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian?
a. 2006 b. 2007 c. 2008 d. 2009
33. Kailan tinanggihan ng COMELEC ang Petisyon ng “ANG LADLAD” upang maging isang paritdong-politikal sa kadahilanang ito
daw ay immoral?
a. Nobyembre 11, 2007
b. Nobyembre 11, 2008
c. Nobyembre 11, 2009
d. Nobyembre11, 2010
34. Kailan unang sumubok makilala bilang partido-politikal ang “ANG LADLAD”?
a. 2006 b. 2007 c. 2008 d. 2009
35. Kailan nagging legal ang same-sex marriage sa United States?
a. 2012 b. 2013 c. 2014 d. 2015
36. Siya ang Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life?
a. Rev. Fr. Melvin Castro
b. Rev. Fr. Melvin de Castro
c. Rev. Fr. Jeorge Castro
d. Rev. Fr. Jeorge de Castro
37. Kailan hinarangan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang pagpapatupad ng RH Law?
a. Marso 2013 b. Marso 2012 c. Marso 2011 d. Marso2010
38. Kailan ideneklara ng Kataas-taasang Hukuman na ang RH Bill ay hindi labag sa Saligang Batas?
a. Abril 8, 2012 b. Abril 8, 2013 c. Abril 8, 2014 d. Abril 8, 2015
39. Kailan nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Declaration on Population?
a. 1867 b. 1967 c. 1687 d. 1697
40. Ilan amg tinatayang bilang ng mga kababaihan ang naitalang namamatay bawat taon dahil sa komplikasyong may kinalaman
sa pagdadalantao o pagbubuntis?
a. 200,000 b. 300, 000 c. 400, 000 d. 500,000
41. Siya ang Pangulong nagsulong ng responsible parenthood?
a. Fidel V. Ramos b. Joseph Estrada c. Gloria Macapagal-Arroyo d. Benigno Aquino III
42. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng katutuhanan tungkol sa abortion?
a. Ito ay nakapokus sa pagpigil ng paglaki ng populasyon.
b. Ito ay tumutukoy sa kusang pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan.
c. Ito ay tumutukoy sapiniling paraan ng pagkontrol ng laki ng mag-anak na siyang sinusuportahan ng Simbahan.
d. Ito ay pagganyak sa nakararami na gawin upang mapigilan ang paglaki ng bilang ng pamilya.
43. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga kababaihan na nasa edad ng panganganak o
childbearing age?
a. Maagang pagbubuntis c. Wala sa wastong gulang
b. Maternal mortality d. Unwanted pregnancy
44. Napakalaki ng impluwensiya ng Simbahang Katoliko sa lipinan at politika. Ito ay dahil,
a. Karamihan sa mga Pilipino ay walang tiwala sa mga politiko
b. Karamihan ng mga Pilipino ay Katoliko
c. Ang mga Pilipino ay may sariling pag – iisip para mag desisyon.
d. Ang mga Pilipino ay may karapatang pumili kung alin ang dapat susundin.
45. Ang abortion ay nagiging isa sa mga suliranin ng pamahalaan at kailangang mahanapan ito ng solusyon. Sa anong dahilan?
a. Dahil nilalabag nito ang Karapatang Pantao
b. Dahil ang abortion ay labag sa Karapatang Likas o Natural
c. Dahil maraming mga kababaihan ang nalalagay ang buhay sa peligro
d. Dahil ito ay nakakasira sa imahe ng mga Pilipino bilang isa sa mga konserbatibong lipunan
46. Ang mga babaeng nagpapalaglag ng sanggol ay maaaring makulong nang ilang taon?
a. Hanggang tatlong taon c. Hanggang limang taon
b. Hanggang apat na taon d. Hanggang anim na taon
47. Sinuportahan ng grupong GABRIELA ang Reproductive Health Law ng bansa. Ito ay dahil,
a. Naniniwala ang grupo na ito ay nakatutulong para mabawasan ang kahirapan.
b. Naniniwala sila na ang RH Law ay nakatutulong para hindi sumubok sa pagpapalaglag.
c. Naniniwala ang grupo na ito ay nakatutulong sa pagbaba ng populasyon.
d. Naniniwala sila na ito ang pinakamainam na paraan upang mapigilan ang paglaganap ng mga STD.
48. Hindi sinuportahan ng GABRIELA ang pagsasabatas ng prostitusyon. Ito ay dahil,
a. Naniniwala sila na kapag ginawang legal ang prostitusyon ay marami ang mahikayat na pumasok sa ganitong trabaho
kaya’t lalong bababa ang tingin sa kababaihan.
b. Naniniwala na kapag ginawang legal ang prostitusyon, maraming mga kababaihan ang hindi na maghahanap ng
maayos na trabaho.
c. Naniniwala sila na mas maraming mga kababaihan ang tatangkilik sa prostitusyon sapagkat isa ito sa mga madaling
trabaho na mapasukan nang walang kahirap-hirap.
d. Naniniwala sila na hindi mapapangalagaan ang kalusugan ng mga prostitute at ng mga kliyente.
49. Mabilis ang paglaganap ng prostitusyon sa Pilipinas. Dahil dito nagkaroon ng mga mungkahing Solusyon sa Isyu ang
pamahalaan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali?
a. Pagpaparusa sa mga bugaw o ahente na nagbebenta ng aliw.
b. Pagsasabatas ng prostitusyon upang maging legal.
c. Pagbibigay ng benepisyo sa mga prostitute.
d. Pagkakaroon ng Sex Education.
50. Maraming mga prostitute ang nabubuntis at naanakan ng kanilang kliyente. Ano ang implikasyon nito?
a. Tumataas ang kaso ng abortion.
b. Maraming mga bata ang lumalaking walang ama at may inang nagbebenta ng aliw.
c. Lalo pang lumulubo ang populasyon.
d. Lumalaki ang bilang ng hindi nakapag-aral dahil sa kawalan ng suporta ng ama.
51. Sensitibong isyu ang same-sex marriage, kaya maingat ang pamahalaan sa pagsulong at pagpapatupad nito dahil sa anong
rason?
a. Maraming mga opisyal sa pamahalaan ang hindi pabor sa isyu
b. Maraming konserbatibong Pilipino ang tutol dito
c. Salungat sa kultura ng mga Pilipino
d. Kulang pa ang mga Pilipino sa kaalaman at kahandaan tungkul sa sensitibong isyung ito
52. Ang ibang sumusuporta sa RH Law ay naniniwala na ito ay makatutulong sa mahihirap na pamilya dahil sa,
a. Nababawasan nito ang mga posibleng gastusin sa pagkakaroon ng maraming anak
b. Nagbibigay ito ng kalayaan sa pagpasiya ng mga mamamayan hinggil sa dami ng anak na nais nila at kaya nilang arugain
c. Nakatutulong ito para maiwasan ang maagang pagbubuntis at abortion
d. Nakatutulong para maiwasan ang sexually transmitted disease
53. Karamihan sa mga kababaehan ay naeengganyo na sumali sa prostitusyon. Ano ang pangunahing rason?
a. Para magkaroon ng permanenteng trabaho
b. Para may regular na pagkukunan ng pantustos sa pang – araw-araw na gastusin
c. Malaki ang kikitain dahil maraming kalalakihan ang handang magbayad para sa panandaliang aliw.
d. Marami ang hindi sapat ang kwalipikasyon sa paghahahanap ng permanenteng trabaho
54. Sa mga pag – aaral, lumalabas na mas nakararanas ng kahirapan ang malalaking pamilya kaysa sa maliit na pamilya. Ano ang
ibig ipahiwatig nito?
a. Kung maliit ang pamilya, mas natutugunan ng mga magulang ang mga pangangailangan ng mga anak kaysa sa
pagkakaroon ng malaking pamilya.
b. Ang pagkaroon ng malaking pamilya ay nangangahulugan ng malaking responsibilidad.
c. Ang bawat pamilya ay dapat maging responsible sa pagkakaroon ng maraming anak.
d. Ang pakaroon ng malaking pamilya ay nangangahulugang masagana at nakararanas ng karangyaan kaysa sa pagkaroon
ng maliit na pamilya.
55. Ang abortion ay itinuturing na malaking kamalian sa Pilipinas dahil sa mga implikasyon nito sa batas, relihiyon, kultura, at
lipunan. Kahil ilegal sa Pilipinas ang gawaing ito, napakaraming naiulat na mga kababaihang nagpapalaglag ng sanggol. Ano
ang nagbunsod sa kanila upang magpalaglag?
a. Sa takot na sila ay itakwil ng mga magulang
b. Sa dahilang maaaring hindi sila makapagtapos ng pag – aaral
c. Hindi sila pinanindigan ng ama ng sanggol na kanilang dinadala
d. Hindi inaasahan ang maagang pagkakabuntis na labag sa kagustuhan
56. Sa ilalim ng Family Code, ang ama ay kinikilalang pinuno ng mag – anak. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
a. Responsibilidad ng ama na itaguyod ang kanyang pamilya sa abot ng kanyang makakaya kahit na ito ay nakalalabag na
ng batas.
b. Ang ama ang dapat manuno at siya ang dapat aasahan ng mag – anak sa lahat ng pagpa-plano at gawain.
c. Ang ama ang dapat sundin sa lahat ng mga pagpaplano.
d. Responsibilidad ng ama ang maghanapbuhay para sa mga pangangailangan ng mag – anak.
57. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng katotohanan tungkol sa biseksuwal?
a. Taong nakararanas ng atraksiyon sa kapwa babae o lalaki.
b. Taong itinuturing ang sarili na kabaliktad ng kanyang kasarian.
c. Taong nakakaranas ng atraksiyon sa kapwa babae.
d. Taong nakakaranas ng atraksiyon sa kapwa lalaki.
58. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng katotohanan tungkol sa transeksuwal?
a. Taong nakararanas ng atraksiyon sa kapwa babae o lalaki.
b. Taong itinuturing ang sarili na kabaliktad ng kanyang kasarian.
c. Taong nakakaranas ng atraksiyon sa kapwa babae.
d. Taong nakakaranas ng atraksiyon sa kapwa lalaki.
59. Alin sa mga sumusunod na Yugto ng Paglalahad ang nagpapakitang pamumuhay nang bukas bilang isang LGBT sa lipunan?
a. Pag – amin sa lipunan
b. Pag – alam sa Sarili
c. Pag – amin sa ibang tao
d. Pag – amin sa Sarili
60. Alin sa mga sumusunod na Yugto ng Paglalahad ang pagtanggap at pagiging bukas sa atraksiyon at relasyon sa katulad na
aksarian?
a. Pag – amin sa lipunan
b. Pag – alam sa Sarili
c. Pag – amin sa ibang tao
d. Pag – amin sa Sarili
MARBEL NOTRE DAME DIOCESAN SCHOOLS
Cathedral Compound, City of Koronadal
Tel. No. 083-228 – 2547
3rdQUARTER EXAMINATION IN ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan:____________________________Baitang at Pangkat:_______________Skor:_______________________
Guro:__________________________Lagdang Magulang:________________________Petsa:___________________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang pinakatamang sagot at bilugan ang titik ng
napiling sagot.

1.Ito ay tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na angawa ng isang bansa sa loob ng isang lingo.
a. Gross National product b. Gross Domestic product c. Market value d. a and d
2.Ito ay tumutukoy sa kabuuang produksyon ng bansa na nababatay sa kasalukuyang presyo sapamilihan.
a. Potential GNP b. Actual GNP c. Nominal GNP d. Real GNP
3.Ang ideya ng payak na paglalarawan ng buong ekonomiya ay napaloob sa anong aklat na akda niQuesnay?
a.The Rebulic b.Laissez Faire c. Tableau Economique d. Political Economy
4.Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng katotohanan sa depresasyon?
a.Tumutukoy sa unti –unting pagkasira at pagkaluma ng mga capital.
b.Tumutukoy sa paglaki ng capital.
c.Tumutukoysa paglaki ng mga investments.
d.Lahat ng na banggit.
5. Ang pamahalaan ay may tungkulin na maningil ng buwis sa sambahayan at bahay kalakal upang:
a. Magkaroon ng ugnayan ang sambahayan at bahay kalakal
b. Magkaroon ng pondo na gagamitin sa pagbibigay ng serbisyong panlipunan
c. Magkaroon ng pondo para sa gastusin sa labas ng bansa
d. Lahat ng na banggit
6. Gamitin ang pormulang:
Growth Rate =GNP present year –GNP previous year x 100 Given : GNP 2012=1, 484 809
GNP previous year GNP 2013=1,651 685
Ilan ang GNP at current prices?
a.9.32 b. 6.01 c.1.92 d.-8.53
7. Mahalaga ang buwis sa pamahalaan. Malaking porsiyento ng pondo ng pamahalaan ay galing sabuwis.Upang
patuloy itong makatulong sa bansa ,ang pamahalaan ay nagsasagawa ng:
a. Pagdaragdag nng empleyado ng BIR c. Sistematikong pangongolekta ng buwis
b. Reporma sa pagbubuwis d. Lifestyle check ng mga empleyado ng BIR
8. Ano ang basehan ng isang matalinong mamimili sa pagbili ng produkto?
a.Rekomendado ng kaibigan ang isang produkto c. Kalidad ng mga produkto
b.Dami ng mga bumibili sa isang produkto d. Mura ngunit walang kalidad
9. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Trust Companies?
a. Matulungan at masuportahan ang mga mangingisda upang magkaroon ng puhunan
b. Nag – aasikaso ng mga pondo at ari-arian ng simbahan at charitable institutions
c. Nagpapautang ng puhunan sa mga prodyuser
d. Tulungan na makabangon muli ang mga bansang napinsala ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
10. Ano ang tawag sa salapi na tinatanggap ng indibidwal bilang kabayaran sa ginagawang produkto
at serbisyo?
a. halaga b. kita c. komisyon d. presyo
11. Sinong Statistician ang naglalahad ng grapiong naglalarawan ng pamamahagi ng kita sa bansa?
a. Abraham Harold Maslow b. Conrad Lorez c. Girardo sicat d. Alfred Marshall
12. Ito ay tumutukoy sa pinagmulan at nagmamay – ari ng mga sangkap o salik ng produkto.
a. bahay-kalakal b. resesyon c. sambayanan d. pamilihan
13. Sa pagnanais na matamo ang hangarin n gating konstitusyon na maibahagi nang pantay ang kita ng bansa, dapat
bigyang – pansin ang tungkol sa:
a. problema ng ekonomiya b. kita ng mamamayan c. budget ng ekonomiya d. lahat ng nabanggit
14. Ang distribusyon ng kita ng bansa ay kailangang maipakita upang:
a. makikita at maihahambing sa pagbuo ng Lorenz Curve
b. malaman kung ilang porsyento ng kita ang tinatanggap ng mga mamamayan sa isang bansa
c. makuha ang komulatibong porsiyento ng kita at papulasyon
d.makita ang kurba ng ugnayan ng pangkat ng populasyon at kanilang kitang ttinatanggap
15. Magkano ang halaga ng GNP per cpita kung ang GNP halimbawa ay 1, 189, 409 at ang populasyon ay 988,899?
a. 1.20 b. 1.21 c. 2.22 d. 2.23
16. Ang pagtaas ng Gross National Product ay nagpapakita ng __________.
a. bumubuti ang ekonomiya c. tumataas ang mga produkto at serbisyo
b. kakaunti ang kita ng mga dayuhan sa bansa d. mataas ang kita ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa
17. Kapag mataas ang GDDP kaysa GNP, nangangahulugang:
a. malaki ang kinikita ng mga dayuhan sa ating bansa kaysa sa mga Pilipino sa labas ng bansa
b. maraming mga Pilipino ang kumikita ng malaki
c. mataas ang produksyon sa loob ng bansa
d. mataas ang presyo ngmga produkto sa loob ng bansa
18. Ang presyo ng produkto ang ginagamit sa pagkukwenta ng GNP sapagkat
a. madali itong kuwentahin
b. kailangang kuwentahin ang pangkalahatang produkto ng bansa
c. mahalaga ang tamang datos sa GNP
d. Lahat ng mga produkto at serbisyo ay may halaga
19. Ito ay tumutukoy sa kabuuang kita ma binabayad o nakuha ng isang pamilya bago ibawas ang
buwis na kinakailangan:
a. Disposable income b. suweldo c. personala income d. savings
20. Ito ay tumutukoy sa kabuuang kita ng isang pamilya matapos tugunan ang lahat ng tungkuling
pinansyal sa pamahalaan:
a. Disposable income b. suweldo c. personala income d. savings
21. Alin sa mga sumusunod ang mangyayari kapag tumanggap ng malaking kita ang tao?
a. Tumataas ang presyo ng mga bilihin
b. Bababa ang presyo ng mga bilihin
c. Liliit ang gastos sa pagkonsumo
d. Lalaki ang gastos sa pagkonsumo
22. Alin sa mga sumusunod ang mangyayari kapag tumatanggap ng malaking kita ang tao?
a. Taas ang presyo ng mga bilihin
b. Bababa ang presyo ng mga bilihin
c. liliit ang gasxtos sa pagkonsumo
d. lalaki ang gastos sa pagkonsumo
23. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa Savings?
a. kita na ginastos sa kasalukuyang pagkakagastusan
b. kita na hindi ginagastos sa kasalukuyang pagkakagastusan
c. kita na nabawasan sa pag – iimpok sa bangko
d. kita na nakuha sa pag – iimpok sa bangko
24. Ang disposable income ni Ginoong Ruiz sa isang buwan ay P40,000.00. Kung P36, 000.00 ng
Kaniyang kinita ay nakalaan sa pagkonsumo, ilan ang kaniyang Average propensity to save?
a. 0.01 b. 0.10 c. 0.02 d. 0.020
25. Ano ang kaibahan ng APS sa APC?
a. Ang APS ay bahagi ng kita na nakalaan sa pagkonsumo at ang APC ay bahagi ng kita na nakalaan sa pag – iimpok.
b. Ang APS ay bahagi ng kita na nakalaan sa pag-iimpok at ang APC ay bahagi ng kita na nakalaan sa pagkonsumo
c. Ang APS ay bahagi ng kita na nabawasan sa pinagkagastusan at ang APC ay bahagi ng kita na hindi nabawasan sa
pinagkagastusan
d. Lahat ng nabanggit
26. Ano ang epekto ng pag-iimpok sa pagkonsumo ng produkto ng mga konsyumer?
a. Tataas ng pagkonsumo c. Walang pagbababago
b. Bababa ang pagkonsumo d. a at b
27. Ano ang karaniwang implikasyon ng malaking kita mg tao sa “Consumption” ng mga produkto?
a. Tataas ang gastos sa pagkonsumo
b. Bababa ang gastos sa pagkonsumo
c. alang pagbabago sa pagkonsumo
d. Walang pagkonsumo na mangyayari sa mga tao
28. Ito ay tumutukoy sa kakayahang bumili ng tao.
a. Deflation b. hyperinflation c. inflation d.purchasing power
29. Ito ay tumutukoysa sa pagbaba ng halaga ng bibilihin kapag naklilikha ng higit na maraming produksyon
at serbisyo kaysa demand.
a. Deflation b. hyperinflation c. inflation d purchasing power
30. Ano ang epekto ng “demand Pull” na uri ng implasyon na presyo at demand ng produkto sa
Pamilihan?
a. Bababa ang demand at tataas ang presyo
b. Tataas ang demand at tataas ang presyo
c. Tataas ang demand at walang pagbabago sa demand
d. Bababa ang demand at bababa ang presyo
31. Ano ang hindi magandang epekto ng implasyon sa tao?
a. Tumataas ang interes ng mga nagpapautang
b. Tumataas ang kita ng mga kapitalista at real estate Business
c. Bumababa ang interes ng mga naiipong salapi sa bangko
d. Bumababa ang purchasing power ng tao
32. Bakit mahalaga ang tungkulin ng mamimili sa pagtaas ng implasyon?
a. Ang mamimili ang nagbibigay hudyat sa mga dayuhang suplayer na babaan ang presyo ng produkto.
b. Ang pagtangkilik ng local na produkto ng mga mamimili ang magiging balakid sa mga mapagmantalang dayuhang
imbestor.
c. Ang patuloy na pagtangkilik sa dayuhang produkto ay makakatulong sa paglutas ng implasyo.
d. Lahat ng nabanggit
33. Gamit ang pormu la sa inflation/deflation rate, ilan ang inflation rate sa taong 2017?
Given: CPI2016 = 302.6 CPI2017= 330.8
a. 9.32 b. 6.01 c. 1.92 d. 8.53
34. Ano ang mabuting naidudulot ng implasyon?
a. Naaapektuhan ang mga low-wage earner
b. Hindi sumasabay ang kita ng tao sa pagbabago ng presyo ng pamilihan
c. Nag – uudyok sa mga prodyuser na pasiglahin ang kanilang produksyon
d. Lahat ng nabanggit
35. Sino ang mas higit na maapektuhan ng inflation?
a. Mga taong may malalaking kita
b. Mga taong kumikita ng flexible income
c. Ang mga nagpapautang
d. Mga taong may fixed money
36. Bilang isang mamimili, ano ang tamang gawin kapag may implasyon?
a. Mag-iimpok sa bangko c. Maging praktikal sa pagkonsumo
b. Magpapautang sa mga tao d. Wala sa nabanggit
37. Ito ay ipinapataw sa karapatan ng mga legal na tagapagmana ng isang yumao na malipat ang lupain o ari-arian.
a. Estate tax b. Percentage tax c. Income tax d. value-added tax
38. Ito ay ipinapataw sa isang indibidwal o entidad na nagbebenta o nagpapaupa na may kabuuang kita sa isang taon hindi lalampas
ng 750,000,00 at hindi VAT register.
a. Percentage tax b. income tax c. value – added tax d.capital gains tax
39. Ito ay tumutukoy sa taunang alokasyon pinansyal para sa pagpopondo ng mga programa at proyekto ng isang pamahalaan.
a. Buwis b. patakarang piskal c. pambansang budget d. revenue
40. Ito ay buwisna ipinataw sa produksyon, pagbebenta, o pagkonsumo ng isang kalakal ng bansa.
a. Capital Gains Tax b. Withholding Tax c. Value- added Tax d. Excise Tax
41. Ito ay tumutukoy sa gastos sa produkto at serbisyo na lalagpas sa kasalukuyang taong piskal at ituturing na pagmamay-ari ng
pamahalaan.
a. Economic Services b. Capital Outlays c. Social Servicesd. Current Operating Expenditure
42. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wasdtong pagbabayad ng buwis?
a. Ibinatay ng may – ari ng malaking kompanya ang binabayarang buwis sa naisyung iilang resibo ng kalakal.
b. Binayaran ng mga guro ang buwis batay sa kanilang gross income buwan – buwan.
c. Binabawasan ng limang porsyento (5%) ng may – ari ng malaking kompanya ang binabayarang buwis buwan – buwan.
d. Sinisiguro ng mga opisyales ng gobyerno na tama ang pagbabayad ng buwis ng maliliit na negosyante kaysa sa
malalaking negosyante.
43. Ano ang epekto ng maayos na pagpapatupad ng patakarang piskal?
a. Mababayaran ng pamahalaan ang halos lahat ng pambansang pagkakautang
b. Dadami ang local na negosyo at tataas ang bilang ng mga employed sa ibang bansa
c. Tataas ang kalidad ng edukasyon at depensa sa loob ng bansa
d. Gaganda ang kalidad ng mga produkto sa pamilihan
44. Bakit kailangang magbayad ng tamang buwis ang mga mamamayan at kompanya?
a. Upang makalikom ng sapat na pondo para maipatupad ang mga proyektong pambayan
b. Upang maraming serbisyo ang maibigay sa mga mamamayan
c. Upang sumigla ang local na industriya
d. Lahat ng nabanggit
45. Ang pamahalaan ay isang mahalagang element ng isang estado. Nagkakaloob ng mga iba’t – ibang serbisyo sa mga mamamayan,
kaya kailangan nito ang pondo. Ang kontribusyon na sinisingil ng pamahalaan sa mga tao at kompanya ay tinatawag na:
a. Budget b. kota c. pautang d. buwis
46. Maraming gastusin ang pamahalaan kaya kahit nakalikom ito ng malaking halaga ng buwis, ito ay nagkukulang. Kapag mas
maraming gastusin kaysa sa kita, nagkakaroon ng :
a. Deficit b. debalwasyon c. Scarcity d. Surplus
47. Sa pagnanais na makalikom ng sapat na pondo ang pamahalaan, at maipagkaloob ang serbisyo kaylangan ng mga mamamayan,
ang pamahalaan ay:
a. Naghahanap ng pondo
b. Nangungutang
c. Nagtitipid
d. Nanghuhuli ng mga tax evaders
48. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa mga tungkulin at gawain ng pamahalaan?
a. Katatagan ng ekonomiya c. Paggawa ng mga pampublikong produkto
b. Pagkakaloob ng mga serbisyong panlipunan d. Wala sa nabanggit
49. Ang layunin ng libreng edukasyon ay pagbibigay ng pagkakataon sa mga mahihirap na mamamayan na makapg – aral at
magkaroon ng magandang kinabukasan. Isa na rito ang Technical Education and Skills Deveelopment Authority (TESDA) na
naglalayon na:
a. Masiguro na maipaloob ang serbisyo na kailangan ng ekonomiya
b. Masiguro na mabawasan ang antas ng paglaki ng populasyon
c. Masiguro na malinang ang kakayahan ng mga mag – aaral at magkaroon ng hanapbuhay kapag nakapagtapos ng pag – aaral
d. Masiguro na walang mga mag –aaral ang makakatanggap ng mababang marka mula elementarya hanggang kolehiyo
50. Ano ang mangyayari sa presyo ng bilihin o serbisyo kapag may Reform Value Added Tax (RVAT)?
a. Walang nagbago sa presyo dahil sa pagkonsumo ng mga tao
b. Bumaba ang presyo para makaipon ng pondo ang pamahalaan para makabayad ng pambansang utang
c. Tataas ang presyo dahil sa karagdagang twelve percent (12%) na buwis
d. Lahat ng nabanggit
51. Ikaw ay may malaking negosyo. Ano ang maari mong gawin bilang isang mabuting negosyante upang makatulong sa
ekonomiya?
a. Magbabayad ng tamang buwis sa tamang oras
b. Magbayad lamang kapag kalian gusto
c. Ipamahagi ang malaking parte ng iyong kita sa pamahalaan at mga Charitable Institutions
d. Wala sa nabanggit
52. Ito ay itinatag upang mag – asikaso sa kapakanan ng mga empleyado ng pamahalaan.
a. PAG – IBIG Fund b. GSIS c. SSS d. World Bank
53. Ang pangunahinnnggg layunin nito ay magkaloob ng pautang sa mga bansang kasapi nito lalo na ang mga mahihirap at
umuunlad na bansa.
a. World Bank
b. Asian Development Bank
c. Commercial Bank
d. Internation Monetary Fund
54. Ito ang kapangyarihan ng Bangko Sentral na mag – imprenta ng salapi na ginagarantiyahan ang paggamit nito.
a. Fiat Money Authority
b. Reserve Requirement
c. Open Market Operation
d. Moral Suassion
55. Ang BSP ay tanging nagmomoneda ng salapi. Sa anong rasson?
a. Upang maiwasan ang pamemeke at paggawa ng salapi
b. Upang kakaunti lamang ang may akses sa mga salapi
c. Upang makontrol ang pagdami ng salapi
d. Lahat ng nabanggit
56. Ang salapi ang dahilan ng pagkakaroon ng presyo ng isang produkto at serbisyo. Sa anong rason?
a. Upang malaman ang tunay na halaga ng isang prudukto o serbisyo
b. Upang malaman kung alin ang mura at alin ang mahal na produkto at serbisyo
c. Upangg maiwasan ang kakulangan at kakapusan
d. Lahat ng nabanggit
57. Sa pagkakaroon ng labis na produkto ng mga tao, nagagamit nila itong pamalit ng produkto sa kapwa produkto. Ano ang umiiral
na palitan noon?
a. Pagbibigay ng libre b. trade c. barter lahat ng nabanggit
58. Ang salapi ay instrumento ng palitan. Bakit?
a. Ang salapi ay maaaring itago at ipunin sa mahabang panahon na hindi nagbabago
b. Ang salapi ay ginagamit sa pagkamit ng mga bagay na naaayon sa kagustuhan
c. Ang salapi ay ginagarantiyahan at ipinag – uutos ng pamahalaan na tanggapin ng lahat ng mamamayan
d. Lahat ng nabanggit
59. Halos lahat ng bansa ay may isang natatanging bangko na siyang “Bangko ng mga Bangko”. Bakit?
a. Upang may pagtataguan ang mga salapi
b. Upang may mamamahala at mag – aayos ng pananalapi at sisteman pinansiyal
c. Upang masiguro ang pagdami ng mga salapi
d. Lahat ng nabanggit
60. Ang lahat ng mga salaping nasa sirkulasyon ay pare-pareha sa:
a. Hugis b. Anyo c. Kulay d. Lahat ng nabanggit

You might also like