AP1 Q1 WEEK 1 Final Version PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

1

ARALING PANLIPUNAN
Unang Markahan- Modyul I
Unang Linggo

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang
mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.

2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

1
Aralin
1 Ako ay Natatangi
Magandang araw. Handa ka na ba para sa aralin
natin

ALAMIN NATIN

Layunin:
Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan,
magulang, kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba pang
pagkakakilanlan at mga katangian bilang Pilipino.

SUBUKIN NATIN
Panuto: Isulat sa patlang ang B kapag
anglarawan ay babae at L kung ito ay lalaki.

1. 4.

2.
5.

3.

2
BALIKAN NATIN

Panuto: LOOP-A-WORD. Hanapin at bilugan sa


loob ng puzzle ang mga salitang katawagan sa
mga kasapi ng pamilya.
ate nanay bunso tatay kuya

A T E C B E D S P D Q N C
B Z A W S B I D N A N A Y
N X T F Q B N F Q F Z T I
K B A G T C A G R H X Y F
L U T K U Y A H F J V S F
G N A L J F V J T K B R H
S S Y P K P R I N C E S S
X O B M N L V L P P M C J

TUKLASIN NATIN

Panuto: Bago natin simulan ang aralin. Basahin ang


maikling kuwento.
Unang araw ng pasukan sa Paaralang
Elementarya ng EM’s Signal. Lahat ng bata ay
makikita mong may saya sa kanilang mga
mukha.Natutuwa silang makita at makilala ang
bago nilang kamag-aral.

3
Siya si Ana,naglalakad siya at patingin tingin sa bawat silid-
aralan na madadaanan niya. Nang makita na niya ang
kanyang silid- aralan. Siya ay tahimik na umupo.
Maya maya ay tumayo sa harapan nila ang kanilang guro
at pinakilala ang kanyang sarili. Isa- isang tinawag ng kanyang
guro ang mga bata na pumunta sa harapan at ipakilala ang
sarili. Unang tumayo si Ana. Magandang araw po, ako si Ana C.
Santos. Ako ay anim na taong gulang. Ipinanganak ako noong
Marso 5, 2014 at nakatira sa 09 Kamias St. Zone 6 South Signal
Village Taguig City. Ang aking mga magulang ay Sina Melvin C.
Santos at Mikaela C. Santos. Ang mga magulang ko ay Pilipino
at nakatira sa bansang Pilipinas.Kulay kayumangi ang aming
balat.

4
TALAKAYIN NATIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na


tanong.Ilagay ang inyong sagot sa sagutang
papel.
1. Sino ang bagong lipat na mag-aaral?
2. Saan siya nag-aaral?
3. Ano ang pangalan ng nanay at tatay niya?
4. Kailan siya pinanganak?
5. Kailan ang kanyang kaarawan?
5. Ano ang iyong pakiramdam sa unang pagpasok sa paaralan?

PAGYAMANIN NATIN
A. Panuto. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
sagot sa long bond paper.
1. Anu-anong pangalan ang itinatawag sa iyo ng iyong mga
magulang o kaibigan maliban sa iyong unang pangalan?
(Gabayan ang inyong anak sa pagsagot).
2. Sa mga pangalang ito, alin ang gustong-gusto mong
itinatawag sa iyo? Bakit? (Gabayan ang inyong anak sa
pagsagot)
3. Alam nyo ba kung anong kompletong address ninyo?Maari mo
bang isulat sa ibaba? (Gabayan ang inyong anak sa pagsagot)
4. Ano ang tawag ninyo sa inyong mga magulang? Sa mga
nakakatandang kapatid? (Gabayan ang inyong anak sa
pagsagot)
5. Kailan ka ipinanganak? (Gabayan ang inyong anak sa
pagsagot)
B. Panuto. Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod.
Piliin ang sagot loob ng kahon.

5
unang Pilipino Jose B. Santos Pilipinas magulang

Ako ay si . Nasa baitang na ako.


ako. Ako ay nakatira sa bansang
.Pilipino ang mga ko.

C. Panuto. Iguhit ang iyong sintang paaralan at kulayan. Sa baba


ng larawan isulat ang pangalan nito .Gawin ito sa isang buong
typewriting.

TANDAAN NATIN
Mahalagang malaman mo ang mga pangunahing impormasyon
tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong pangalan, kaarawan, edad,
at tirahan.Magagamit mo ang mga impormasyong ito sa
pagpapakilala ng iyong sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase,
at kalaro.

ISABUHAY NATIN
Papaano mo dapat pahalagahan at ikagalak ang iyong taglay
na pagkakakilanlan at katangian bilang isang mamamayang
Pilipino. Lakipan ito ng isang simbolismong kumakatawan sa iyong
pagkakakilanlan.
Gawin ito sa isang papel.

6
TAYAHIN NATIN

Panuto: Punan ng Tamang sagot ang bawat patlang. Isulat


ang sagot sa inyong papel.Ilagay sa sagutang papel ang inyong
sagot.
Ako si 1. Ang mga magulang ko ay sila
2. at 3 .Ipininanganak ako noong
4 . Ako ay nakatira sa 5. .

GAWIN NATIN
Panuto: Iguhit sa bond paper o maayos na gawaing papel ang larawan
ng inyong bahay at nasa loob nito ay matatagpuan ang mga
miyembro ng iyong pamilya. Pangalanan ang bawat kasapi. Mahalaga
rin na itala mo ang numero ng iyong tirahan.

SANGGUNIAN
Google.coM
● https://www.pngitem.com/pimgs/m/514-5146806_cute-little-girl-clipart-hd-png-
download.png
● https://www.vhv.rs/dpng/d/292-2929329_girl-girl-clipart-art-young-boy-clipart-hd.png
● https://lh3.googleusercontent.com/proxy/jenl1Q3ya7aGMFGzZF37-
s8qumALBkgY1KcqGs3Xto82Z2M0Z2iYfK75O7xKNEl2B_J4yETO-
TznGXWMpAaeuNBnnSQED6SLAA6YMmSk4CS49mYT4e2lxnYzWCzdbOtMRyNWUywBGR_qd
qXeTqqylwqM
● Araling Panlipunan 1 p.9 and p. 31 (Kagamitan ng Mag-aaral Unang
Edisyon 2012)
● Most Essential Learning Competencies(MELC) p.25

7
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Manunulat: Larni Jane E. Tulalian

Mga Tagasuri: Jeanylin L Pasquin


Alicia C. Calces

Naglayout: Riza Magabilen


Criselle Ferreras
Management Team: Dr. Margarito B. Materum SDS
Dr. George P. Tizon, Chief SGOD
Dr. Ellery G. Quintia, CID Chief
Ferdinand C. Paggao, EPS AP
Dr. Daisy L. Mataac, EPS LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig C and Pateros Central Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like