Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1.

Sa ilalim ng command economy, ang mga pagpapasya kung anong produkto at serbisyo ang
dapat na likhain ay nakasalalay sa kamay ng;
A. konsyumer B. prodyuser C. pamilihan D. pamahalaan
2. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman tulad ng
yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
A. Dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
B. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-
yaman
C. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta
sa pamilihan
D. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunangyaman ng bansa
3. Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin ng
pamahalaan. Ito ay may kinalaman sa
A. paggamit ng mga produkto at serbisyo.
B. paglikha ng mga produkto at serbisyo.
C. paglinang ng likas na yaman.
D. pamamahagi ng pinagkukunang- yaman.
4. Si Abraham Maslow ay kilala sa modelo ng herarkiya ng pangangailangan. Batay dito,
isaayos ang sumusunod mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas ayon sa antas nito.
1. Responsibilidad sa lipunan
2. Pangangailangan sa seguridad
3. Pisyolohikal at biyolohikal
4. Pangangailangan sa sariling kaganapan
5. Pangangailangan sa karangalan

A. 2, 3, 4, 5, 1 B. 1, 2, 3, 4, 5 C. 3, 2, 1, 5, 4 D. 4, 5, 1, 2, 3

5. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaaring


maganap maliban sa _______.
A. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
B. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
C. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
D. magiging maayos ang pagbabadyet
6. Ang kagustuhan at pangangailangan ay dalawang magkaibang konsepto. Maituturing na
kagustuhan ang isang bagay kapag higit ito sa batayang pangangailangan. Kailan
maituturing na batayang pangangailangan ang isang produkto o serbisyo?
A. Magagamit mo ito upang maging madali ang mahirap na gawain.
B. Nagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan.
C. Hindi mabubuhay ang tao kapag wala ang mga ito.
D. Makabibili ka ng maraming bagay sa pamamagitan nito
7. Papaano mo ipaliliwanag ang kasabihang “There isn’t enough to go around” na nagmula kay
John Watson Howe?
A. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa
pangangailangan ng tao.
B. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman.
C. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa
kakapusan.
D. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig
8. Kailan masasabing matalino kang mamimili?
A. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng
sale.
B. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa
badyet.
C. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng produktong
binibili.
D. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan.
9. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng maykroekonomiks
(microeconomics) ay ang konsepto ng demand na idinidikta o nagmumula sa mga
konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?
A. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang
konsyumer.
B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin
ng mga konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo.
C. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang
konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.
D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng
prodyuser sa iba’t ibang presyo.
10. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa, at pakanan o downward
sloping, ito ay nagpapahiwatig ng/na___________________.
A. walang kaugnayan ang demand sa presyo
B. hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand
C. negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
D. positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
11. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano tutugunan ang walang katapusang
pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami
ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?
A. demand B. ekwilibriyo C. produksiyon D. supply
12. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser
ang isang uri ng produkto. Halimbawa, may 30,000 lata ng sardinas ang kailangan. Ayon sa
datos, mayroong 10 kumpanya ng sardinas ngunit sa bilang na ito, 6 lamang ang nais
gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa presyong Php10.00.
Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng sardinas?
A. 6 B. 10 C. 20,000 D. 30,000
13. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangan subalit hindi
lahat tayo ay may kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mga produkto o serbisyo na
tutugon sa ating mga pangangailangan. Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga
konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng
itinakdang presyo ng mga produkto?
A. department store B. pamilihan C. talipapa D. tiangge
14. Batay sa iyong pagsusuri, sa anong estruktura ng pamilihan nabibilang ang mga larawang
nasa kabilang pahina?
A. monopolyo C. ganap na kompetisyon
B. oligopolyo D. monopolistikong kompetisyon
15. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing pinakamodelong estruktura ng
pamilihan dahil sa dami ng nagbebenta o dami ng konsyumer. Ang sumusunod ay katangian
ng estrukturang ito maliban sa
A. malayang kalakalan sa bilihan C. maraming prodyuser at konsyumer
B. may kakaibang produkto D. malayang paggalaw ng mga sangkap
pamproduksiyon
16. Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang prodyuser ay
walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano nakatutulong
ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?
A. sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at
prodyuser
B. napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto
C. nakakukuha ng malaking tubo ng mga prodyuser
D. hindi nakahihikayat sa mga prodyuser na magpasok ng produkto

You might also like