Danilo Balabag BSED-1B Portfolio in Major 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

PROCESS PORTFOLIO PROPOSAL

PORTFOLIO IN ANG FILIPINO SA


KURIKULUM NG BATAYANG
EDUKASYON
MAJOR 3

Submitted by:

DANILO D. BALABAG JR.


BSED – 1B FILIPINO

Submitted to:

ROSALINDA M. MAPINDAN
I.Cover Letter
Ang may akda ng portfoliong ito ay si Danilo D. Balabag Jr. Siya ay kasalukuyang
naka enrolled at nasa unang taon sa BSED major in Filipino sa Pamantasan ng
Eduardo L. Joson Memorial College. Ang nilalaman ng portfolio na ito ay ang mga
naging talakayan sa asignaturang Ang Filipino sa Batayang Edukasyon .
Nakapaloob sa bawat leksyong tinalakay ang mga naging gawaing pagsusulit.
Ipinapakita sa loob ng portfolio na ito ang mga litrato ng mga gawaing na isumite sa
partikular na guro ng asignaturang ito. Inilahad rin dito sa loob ng portfolio ang
bawat repleksyon sa bawat leksyon gayundin ang kabuuang repleksyon patungkol
sa mga naging karanasan ng estudyante sa kanyang online class at sa mga naging
talakayan.

II.Table of Contents/ Nilalaman

 Cover Letter
 Topics
Aralin 1: Pananaw sa Pagtuturo ng Wika
Aralin 2: Pananaw sa Pagtuturo at Pagkatuto
 General Reflection
 Rubrik

III. Topics/Nilalaman
ARALIN 1:
a. Pananaw sa pagtuturo ng Wika
b. Sa araling Pananaw sa pagtuturo ng Wika dito matatalakay ang mga proseso ng
pag-basa na kung saan napakahalaga sa pagtuturo ng wika ang tanging layunin
nito ay pagtututro ng pagbasa at malinang ang mga mag-aaral hindi lamang sa
pagbabasa kundi sa pang-unawa at komprehentibo. Ngunit batay sa mga
pananaliksik, ang pagtuturo ng komprehensyon ay hindi gaanong napagtutuunan
ng pansin pero may mga modelo na makakatulong sa mga mag-aaral tulad na
lamang ang modelo ni Rumelhart (1977) ng ITERAKTIBONG PAGBABASA.
Mayroon din naming teorya ng pagbasa na makakatulong din sa pagpapaunlad sa
mga mag-aaral lalo na sa pagbabasa na pinaka mahalaga sap ag-aaral ng wika.
c. Sa araling ito may gawaing inihain para sa mga mag-aaral.

#GAWAIN-Makikita sa ibaba.
d. Sa araling ito medyo mahirap sa mag-aaral na maintindihan ang aralin , sapagkat
kailangan ang masinsinang pagtuturo ang kailangan at ito napakahalagang
maituro pagkat ito ay makakatulong sa magiging FURURE EDUCATOR balang
araw. Ngunit ayon sa abiso ng guro na masasagot lamang ang Gawain
sapamamagitan ng pananaliksik at dahil ditto naintindihan ng mag-aaral ang
aralin, ngunit nangangailangan padin ito na ituro muli ng guro.

ARALIN 2
a. Pananaw sa Pagtuturo at pagkatuto
b. Sa araling ito mas mabibigyan pansin ang pagtuturo ng disiplina hindi lamang sa
mga mag-aaral kundi pati rin sa isang guro,hindi madaling maging guro dito
hahamunin ka batay sa propesyon na iyong nakuha , ang isang guro ay alagad
ng agham at sining, nagbubunga ang mahusay at matalinong pagtuturo ng
epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral. Dito maituturo din sa isang guro kung
ano ang mga hakbangin dapat gawin sa pagtuturo ng isang guro at kung paano
makitungo o maayos na pkikipag-usap sa mga mag-aaral. Matatalakay din dito
maging ang terminolohiya sa wikang Filipino kaugnay din ditto ang mga
estratehiya sa pagtuturo.
c. Sa araling nagsagawa ang mag-aaral ng Gawain/Pagsusulit patungkol sa araling
tinalakay.

#PAGSUSULIT-Makikita sa ibaba.
d. Sa talakayan sa araling ito naging madali ang pag-intindi sa mga araling
natalakay, sapagkat napahapyawan na nila ito bago pa magsimula ang
malawakang pagsuspinde sa lahat ng Pamantasan publiko man o pribado,
naging madali din ang pagsagot sa mga Gawain pagkat pawing pananaliksik lang
ang gagawin ngunit kailangan ng masinsinang pagbabasa upang maintindihan
ang aralin na ibinigay ng kanilang guro.

IV.GENERAL REFLECTION

Sa naging sitwasyon ng mag-aaral sa pagpapatupad ng ECQ at pagsasagawa ng


online class, ito’y hindi naging madali sa kanya lalo na sa pag-aaral. Sapagkat
napakaraming sagabal at nakakapigil sa pag-aaral nito na nagiging hadlang upang
lubusang maintindihan at maunawaan ang mga itinuturo sa kanya. Ngunit sa
kabila nito pinipilit ng mag-aaral na humanap ng paraan kung paano siya regular
na makadalo sa talakayan sa online class mahirap man dahil sa hindi maituon ng
buo ang isipan sa pag-aaral pero sa kabila nito nakakasunod naman at hindi
nahuhuli sa pagdalo sa online class. Natuto naman ang mag-aaral at naintindihan
ang mga leksyong inihain nang guro malaking tulong ang mga gawain at
pagsusulit upang mas ganap na maintindihan ng mga-aaral ang mga aralin at
leksyon.

You might also like