Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI

9
Filipino
Unang Markahan - Modyul 11
Teleseryeng Asyano

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Filipino - Grade 9
Alternative Delivery Mode
Kwarter 1 – Modyul 11: Teleseryeng Asyano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula,
atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Author: Myra Jessica C. Limbaco
Evaluators/Editors: Edarline E. Quiapo, Elizabeth T. Galit
Illustrator and Layout Artist:

Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent

Members:
Henry B. Abueva OIC-CID Chief
Levi M. Coronel, EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
9
Filipino
Unang Markahan - Modyul 11
Teleseryeng Asyano

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


select teachers, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of
the Department of Education - Division of Iligan City. We encourage teachers
and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education-Iligan City Division at
iligan.city@deped.gov.ph or Telefax:(063)221-6069.
We value your feedback and recommendations

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 5
Balikan ……………………………… 5
Tuklasin ……………………………… 6
Suriin ……………………………… 6
Pagyamanin ……………………………… 8
Isaisip ……………………………… 9
Isagawa ……………………………… 10
Buod ……………………………… 12
Tayahin ……………………………… 13
Karagdagang Gawain ……………………………… 14
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 15
Sanggunian ……………………………… 16

Modyul 11
Pagsusuri ng Napanood na
Teleseryeng Asyano
Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga konseptong pampanitikan na


matutunghayan ang pagsusuri ng teleseryeng
Asyano batay sa itinakdang pamantayan.
Naglalayon din ang modyul na ito na magkakaroon ng karagdagang
kaalaman at kahusayan ang bawat mag-aaral sa pagbibigay ng kanyang
pagsusuri sa teleserye na may sinusunod na pamantayan. Sa pamamagitan
nito, matutulungan kang malinang ang iyong sariling pagpapahayag sa
masining na pamamaraan at sa alinsunod na pamantayan.
Maipapakita rin sa modyul na ito ang kahalagahan ng gawaing
pagkatuto sa paraan ng panonood o sa paggamit ng teknolohiya gaya
halimbawa ng panonood ng teleseryeng may kaugnayan sa buhay at
pakikipagsapalaran ng tao. Isa itong pamamaraan sa pagpapalaganap ng
panitikan.
Tutulungan ka ng modyul na ito na matukoy ang konseptong
pagsusuri, ang kabuluhan at kahalagahan nito sa pagpapahayag ng
panitikan. Mas naging madali sa iyo ang gawaing-pagkatuto dahil ang
panonood ay bahagi ng buhay ng isang tulad mong mag-aaral.
Gayundin, mapapalawak ang iyong kaalaman kung ano ang
kahalagahan at kabuluhan ng pagsusuri ng akdang pampanitikan.
Naibabahagi mo rin na ang mga teleseryeng Asyano ay maituturing na
salamin ng ating kultura at pakikipagsapalaran ng tao sa lipunang
ginagalawan.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may isang aralin:

 Aralin 1 - Nobela

ALAMIN

Ano ang Inaasahan Mo?

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang


pamantayan. (F9PD-Ic-d-40)

Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at
pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul


Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul
Alamin na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
Subukin
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan


ng pagtatalakay sa mga mahahalaga mong
natutunan sa nagdaang aralin na may koneksiyon
Balikan
sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan


ng iba’t ibang gawain
Tuklasin

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
Suriin pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa
Pagyamanin ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
Isagawa mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

SUBUKIN

Panuto: I. Piliin ang tamang titik o letra ng tamang sagot sa bawat aytem at
isulat ito sa patlang.
______1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng uri ng pagtatalakay
na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang-sining.
a. Pagbabasa b. Pagsusuri c. Panonood d. Pag-
iimbestiga

______2. Ito ay uri ng palabas na karaniwang ang mga pinagtapi-tagping


pangyayari ay ipinapalabas sa loob ng isang lingo / buwan na
may kaugnayan sa pakikipagsapalaran ng tao.
a. Pelikula b. Balita c. Teleserye d.
Adbertaysment

______3. Ito ay elemento ng teleserye na pumupukaw sa damdamin ng mga


manonood. Ito ay ang labanan sa pagitan ng magkakasalungat
na puwersa.
a. Pamagat b. Sinematograpiya c. Tema d. Tunggalian

______4. Ito ay isanguri ng lement na nagpapahiwatig ng diwa at kaisipan


ng teleserye, at kadalasang tinatawag na puso ng palabas.
a. Tema b. Tauhan c. Diyalogo d. Tagpuan

______5. Kung susuriin mo ang teleserye, aling bahagi nito na ang


binibigyang-diin ay ang paglalarawan sa buhay ng palabas, isa
na rito ang pagsuri sa mga visual effects.
a. Sinematograpiya b. Kasukdulan c. Wakas d. Pangyayari

______6. Batay sa teleseryeng Asyano na “Onanay”, alin sa mga katangian


ang inilalarawan ng isang protagonista.
a. Maalalahaning anak c. mahigpit na ina
b. Ambisyosang kapatid d. malupit na lola

______7. Pagkatapos ng panonood, alin sa mga pangyayari ang mauugnay


sa bisang pandamdamin.
a. Napaisip si Brylee kung ano ang wakas ng teleserye.
b. Si Miel ay biglang napahagulhol nang nasawi ang bida ng
kuwento.
c. Kinilala niya ang mga karakter ng palabas.
d. Sinubaybayan ni Bryan ang mga pangyayari ng teleserye.

______8. Kung ang protagonista ay ang bida ng teleserye, alin sa sumusunod


ang kasalungat nito.
a. Karakter b. Tauhan c. Bida d. Antagonista

______9. Alin sa sumusunod ang sa tingin mo ang nagpapahiwatig ng


bisang pangkaisipan?
a. madamdaming wakas c. kapana-panabik na
tunggalian
b. masiglang simula d. masusing pahiwatig o
kaisipan
______10. Alin sa bahagi ng teleserye ang nagpapakita ng bahaging may
kapana-panabik na pangyayari at hanggang sa maglalantad ng
kakalakasan.
a. Simula b. Tunggalian c. Kasukdulan d. Wakas

II. Basahin at suriin ang mga sumusunod. Isulat sa patlang kung anong
elemento ang tinutukoy ng pahayag.

Kasukdulan Tema Tunggalian


Sinematograpiya Tauhan Wakas

______11. Bagamat may kapansanan ang pangunahing tauhan ipinaglaban


niya ang kanyang karapatan bilang isang ina, asawa at isang
tao.
______12. Ang teleserye ay naglalarawan ng pamilyang Pilipino at ang
pakiki- pagsapalaran ng bawat tauhan para sa kapakanan ng
bawat isa. Ito ay puno ng pagmamahalan, pakikipaglaban sa
karapatan at sakripisyo para sa pamilya.
______13. Ang teleserye ay umiikot sa pangunahing tauhan na si Aling
Onay.
______14. Ipinakita ang kapana-panabik na tagpo ng teleserye tungkol sa
pagkatuklas ng lihim ng mga tauhan.
______15. Sa elementong ito ay naipapakita ang malaking epekto na
naidudulot sa kaligiran ng kilos ng karakter at sa daloy ng
eksena.
Aralin Pamagat ng Aralin
Pagsusuri ng Napanood na Teleseryeng Asyano

1
BALIKAN

Pagkatapos mong mabasa ang nobelang Isang Libo’t Isang Gabi,


ikaw ay nakapagbigay ng sariling interpretasyon sa mga pahiwatig na
ginamit sa akda. Ngayon naman sa modyul na ito ay hahayaan kang
magbahagi ng sarili mong interpretasyon tungkol sa magiging aralin.

SIMULAN MO NA….

Ang panonood ng teleserye ay isang mahalagang libangan ng


napakaraming Pilipino sapagkat bahagi na ito ng buhay. Tunay na
nakapagdudulot ito ng kasiyahan dahil sinasalamin nito ang buhay at
karanasan ng marami sa atin.

Kung gayon, hinihingi ko ang iyong sariling interpretasyon na ang


ganitong uri ng panonood ng teleserye ay nakakatulong sa pagpapalaganap
ng panitikan. Maari mong isulat sa ibaba ang interpretasyon mo hinggil sa
katanungan.

Paano nakakatulong ang teleserye sa pagpapalaganap ng panitikan?

Sariling interpretasyon:
______________________________________________________________

_____

______________________________________________________________

_____

______________________________________________________________

______________________________________________________________

__________

TUKLASIN

Magandang buhay. Handa ka na ba? Simulan nating pagyamanin ang


iyong kaalaman at kakayahan sa panitikang kinagigiliwan at isa sa naging
uri ng panitikang Asyano.

Batid ko na may ideya ka na sa araling ito. Subukin nating alamin kung


ang iyong mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin.

Gawain 1. Ang Aking Kaalaman, Hanggang Saan?

Panuto: Batay sa iyong nalalaman, subukin mong isulat ang kaugnayan ng


salitang nakasulat sa dayagram. Ito’y pag-alam lamang kung
gaano na ang iyong kaalaman tungkol sa pag-aaralan nating
paksa.

Pagsusuri
SURIIN

Ang pagbabasa at panonood ay bahagi na ng buhay ng isang tulad


mong estudyante. Nasisiyahan ka sa pagbabasa ng anumang akda gayundin
pagnanonood ka ng mga palabas o teleserye na nagtataglay ng
makatotohanang pangyayari sa buhay. Upang masabing naunawaan mo ito,
ang pagbibigay-puna o pagsusuri ay mahalaga at makabuluhan.

Sa kasalukuyan, ay nauuso sa telebisyon ang panonood ng teleserye.


May mga teleseryeng orihinal na gawang Pilipino at ang iba’y gawang
banyaga na galing sa mga bansang Asyano gaya ng Korea, Hapon at iba pa.
Bigyang-pansin ang teleseryeng iyo nang napanood, at ilahad ang ilang
detalye na hinihingi ng nasa ibaba.

Gawain 2: Subukan Natin


Pamagat ng Teleserye: _________________________

Mga Tauhan na labis na nagustuhan Mga Tauhan na hindi nagustuhan

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Ang pagsasanay na ito ay isang pasimula upang maging mas malinaw


sa iyo ang mga susunod pang mga gawain. Handa ka na ba sa susunod pang
mga gawain?

Alam mo ba. . .

Isa sa paboritong libangan ng mga Pilipino ang panonood ng teleserye.


Isa ito sa sinasabing pinakamadaling paraan ng kawilihan. Ngunit sa pag-usad
ng panahon, dumami ang mga palabas sa telebisyon, nagiging mapanuri na
ang mga tagapanood. Nagnanais sila na ang pinapanood nila ay may de-
kalidad, makakapagbigay ng aliw at mapupulutan ng aral. Hindi rin kasi
Ang mga sumusunod na elemento ay dapat isaalang-alang sa pagsusuri:

1. Pamagat - ito ay naghahatid ng pinakamensahe o tema ng palabas.


Ito ay nagsisilbing panghatak sa interes ng manonood. Nararapat na
ito ay angkop sa istorya at may impact sa manonood. Kung ang
pamagat ay may ginamit na simbolo dapat ay makita agad ito upang
hindi makakalito sa mga manonood.

2. Tauhan – ito ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay.


Dapat maging malinaw ang karakterisasyon ng tauhan dahil ito ang
pangunahing layunin at sentro ng tunggalian ng istorya. Nararapat
lamang na sa pagsusuri ay lumutang ang mga katangian ng tauhan,
ito man ay protagonist (bida) o antagonista (kontrabida). Nararapat
ding suriin kung angkop ba ang pagganap ng artista dahil sila ang
nagbibigay kulay sa palabas.

3. Tema / Paksang Diwa – ang paksa ng kuwento. Ito ang diwa at


kaisipan ng palabas. Ito ay nararapat na magkaroon ng epekto sa
katauhan ng mga manonood. Dapat ay mayroon itong bisang kaisipan
sa diwa at isipan, at bisang pandamdamin na tatagos sa emosyon ng
mga manonood.

4. Sinematograpiya – ang matapat na paglalarawan sa buhay ng


palabas. Sa pagsusuri ng sinematograpiya, bigyang pansin ang
kabuuang kulay ng palabas. Nakakatulong ba ang paggamit ng visual
at sound effects upang lumutang ang mga pangyayari sa kuwento.

5. Musika - ito ay paglalapat ng tunog sa palabas. Bigyang pansin kung


ang musika ba nito ay nababagay sa tema at eksenang ipinapakita.
Karamihan sa palabas ay may isang pinakatemang awitin na siyang
iniikutan ng kuwento.

Gawain 3: Simulan Natin


Pagkatapos mong mabasa ang mga elemento ng pagsusuri, sagutin
ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa kwaderno ang iyong mga
sagot.

1. Ano nga ba ang kahalagahan ng pagsusuri sa anumang uri ng


panitikan?

2. Bakit kinakailangang maging maingat sa pagpili ng panonoorin?

3. Paano nakakatulong ang pagsusuri ng anumang anyo ng panitikan


bilang isang mag-aaral?

4. Sa anong paraan nakakatulong ang pagsusuri sa pagpapalaganap ng


panitikang Asyano?

Gawain 4: Suriin Natin


Panuto: Batay sa alinmang teleserye na iyo nang napanood ay subuking
sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Isulat ito sa iyong kwaderno.

1. Akma ba ang pamagat sa kuwento? Ipaliwanag.


________________________________________________________
___
2. Sino ang mga pangunahing tauhan sa teleserye?
________________________________________________________
___
3. Sino sa mga naging tauhan ang labis mong nagustuhan? Bakit?
________________________________________________________
___
4. Ano ang tema o paksang-diwa ang ipinapahiwatig ng teleserye?
________________________________________________________
___

PAGYAMANIN

PAGSUSURI…
Gawain 5:
Panuto: Basahin ang buod ng piling teleserye at susuriin ang mga ito batay
sa ibinigay na pamantayan.

Ang seryeng Juan Dela Cruz ay tungkol sa tunggalian ng bayaning si


Juan Dela Cruz at ng kanyang ama na Hari ng Aswang. Sa kadahilanang
hindi magkakilala ang mag-ama dahil lumaki si Juan na hindi ipinakilala sa
kanya ang tunay na ama, naging mahigpit na magkatunggali sila. Pilit na
inilihim sa kanya ng kanyang ina at ng paring nagpalaki sa kanya ang tunay
na pagkatao ng kanyang ama. Lingid sa kaalaman ni Juan Dela Cruz, siya ay
may dugong tagabantay (ng mabubuti) at dugong aswang.

Panoorin ang teaser o trailer ng serye na matatagpuan sa link sa ibaba at


sagutin ang mga sumusunod na tanong. (https://www.youtube.com/watch?
v=Osa41RobnTo)

Bigyang puna ang napanood mo na trailer. Isulat sa kwaderno ang iyong


sagot.
.
1. Ano ang tema ng teleserye? Ito ba ay makatotohanan o di-
makatotohanan? Ipaliwanag ang iyong sagot?
2. Sa kasalukuyan nagaganap ba ang mga pangyayari na nasa teleserye?
Pangatwiranan mo.
3. Sa iyong palagay bakit nagkaroon ng ganoong tema ang may akda ng
teleserye? Ipaliwanag.
4. Paano ipinapakita ng may akda na magiging epektibo sa buhay ng
manonood ang paksa ng teleserye?
5. Gaano ba kahagala ang pagsusuri ng isang teleserye bilang isang
indibidwal?

ISAISIP

Gawain 6:
Panuto: Panoorin muli ang video ni Juan dela Cruz upang mas higit na
makakatulong sa pagsusuri ng teleserye batay sa pamantayan.
Marka Pamantayan
Lahat ng elemento ng pagsusuri ay naibigay at natalakay nang
10 puntos
maayos nang higit pa sa inaasahan.

May kulang ng dalawang elemento sa pagsusuri ang hindi


8 puntos
nabigyan ng pagtatalakay.

Apat na elemento ng pagsusuri ang hindi masyadong natalakay


5 puntos
at di nabigyan ng paliwanag.
Mahigit sa apat na elemento ang hindi nasuri at di sapat ang
4 puntos
pagtalakay ng bawat elemento.

Pamagat Pamagat
Pagpapakahulugan
Pangunahing Tauhan Mga Katangian

Tema ng Teleserye

Sinematograpiya Musika

Gawain 7: Pagbabahagi ng sariling opinyon.

1. Para sa akin ang kabuuang mensahe ng teleserye ay


_____________________

______________________________________________________________
_____.

2. Ang teleserye ay may bisang pangkaisipan tulad


ng________________________

______________________________________________________________
_____.

3. Ang teleserye ay may bisang pandamdamin gaya ng


_______________________

______________________________________________________________
_____.

ISAGAWA

Gawain 8: Pagkatapos mong masagutan ang mga naunang pagsasanay,


bibigyan ka ng pagkakataon na magsuri muli ng isa pang video
upang mas higit na mahasa ang iyong kakayahan sa pagsusuri.
Makikita sa link na ito ang video na iyong susuriin.
https://www.youtube.com/watch?v=UPVVKuG1YLk
Marka Pamantayan
Lahat ng elemento ng pagsusuri ay naibigay at natalakay nang
10 puntos
maayos nang higit pa sa inaasahan.

May kulang ng dalawang elemento sa pagsusuri ang hindi


8 puntos
nabigyan ng pagtatalakay.

Apat na elemento ng pagsusuri ang hindi masyadong natalakay


5 puntos
at di nabigyan ng paliwanag.
Mahigit sa apat na elemento ang hindi nasuri at di sapat ang
4 puntos
pagtalakay ng bawat elemento.
A. Ilahad ang pagsusuring ginawa batay sa sumusunod na
pamantayan.

I. Pamagat
a. Pagpapakahulugan
II. Mga Tauhan
a. Protagonista
b. Antagonista
III. Tema / Paksang Diwa
a. Bisang Pangkaisipan
b. Bisang Pandamdamin
IV. Sinematograpiya
V. Musika

B. Isulat sa loob ng kahon ang buod ng video na iyong napanood

Buod ng Videong Napanood

Gawain 9: Pagkatapos mong sagutin ang ilang mga gawain ay mas


palalawakin pa ang iyong kaalaman sa pagsusuri ng teleserye sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga grap na nasa ibaba.Isulat sa loob ng puso
ang pangalan ng iyong ina, mula sa napanood na munting video na
pinamagatang “The Blind Teacher’s Dark Secret” pumili ng limang katangian
ng pangunahing karakter na maiuugnay mo sa iyong ina na dapat mong
pahalagahan sa iyong buhay at magbigay ng isang sitwasyong
magpapatunay ng katangian na ito at isulat sa loob ng mga kahon.

Gawain 10:
Sa pamamagitan ng Concept Map, isulat ang mga natutuhan sa teleseryeng
napanood. Gawin ito sa sagutang papel.

Ang aking mga


natutunan sa
napanood……

Buod
Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang mga gawaing nakatulong
sa iyo upang madagdagan ang iyong kaalaman sa mga konsepto ng aralin.
Biglang paglalahat ng aralin ng modyul ay nararapat lamang na iyong
tandaan ang mga sumusunod….
Ang pagsusuri ng palabas o teleserye ay hindi pamimintas sa sining
kundi isang paraan ng pagpapahalaga kung saan ang manunuri ay maingat
na nagtitimbang at nagpapasya hinggil sa katangian nito.
Ang pagsusuri ay tumutukoy hindi lamang sa kahinaan at kakulangan
kundi pati sa mabubuting bagay na dapat isaalang-alang sa napanood na
teleserye.
Mahalaga ang masusing pagsusuri ng isang teleserye sapagkat
maaring maiuugnay natin ito sa tunay na pangyayari ng ating buhay bilang
gabay sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa ating buhay.

TAYAHIN

Panuto: I. Piliin ang tamang titik o letra ng tamang sagot sa bawat aytem at
isulat ito sa patlang.
______1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng uri ng pagtatalakay
na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang-sining.
b. Pagbabasa b. Pagsusuri c. Panonood d. Pag-
iimbestiga
______2. Ito ay uri ng palabas na karaniwang ang mga pinagtapi-tagping
pangyayari ay ipinapalabas sa loob ng isang lingo / buwan na
may kaugnayan sa pakikipagsapalaran ng tao.
a. Pelikula b. Balita c. Teleserye d.
Adbertaysment

______3. Ito ay elemento ng teleserye na pumupukaw sa damdamin ng mga


manonood. Ito ay ang labanan sa pagitan ng magkakasalungat
na puwersa.
a. Pamagat b. Sinematograpiya c. Tema d. Tunggalian

______4. Ito ay isanguri ng lement na nagpapahiwatig ng diwa at kaisipan


ng teleserye, at kadalasang tinatawag na puso ng palabas.
a. Tema b. Tauhan c. Diyalogo d. Tagpuan

______5. Kung susuriin mo ang teleserye, aling bahagi nito na ang


binibigyang-diin ay ang paglalarawan sa buhay ng palabas, isa
na rito ang pagsuri sa mga visual effects.
a. Sinematograpiya b. Kasukdulan c. Wakas d. Pangyayari

______6. Batay sa teleseryeng Asyano na “Onanay”, alin sa mga katangian


ang inilalarawan ng isang protagonista.
c. Maalalahaning anak c. mahigpit na ina
d. Ambisyosang kapatid d. malupit na lola

______7. Pagkatapos ng panonood, alin sa mga pangyayari ang mauugnay


sa bisang pandamdamin.
e. Napaisip si Brylee kung ano ang wakas ng teleserye.
f. Si Miel ay biglang napahagulhol nang nasawi ang bida ng
kuwento.
g. Kinilala niya ang mga karakter ng palabas.
h. Sinubaybayan ni Bryan ang mga pangyayari ng teleserye.

______8. Kung ang protagonista ay ang bida ng teleserye, alin sa sumusunod


ang kasalungat nito.
a. Karakter b. Tauhan c. Bida d. Antagonista

______9. Alin sa sumusunod ang sa tingin mo ang nagpapahiwatig ng


bisang pangkaisipan?
a. madamdaming wakas c. kapana-panabik na
tunggalian
b. masiglang simula d. masusing pahiwatig o
kaisipan

______10. Alin sa bahagi ng teleserye ang nagpapakita ng bahaging may


kapana-panabik na pangyayari at hanggang sa maglalantad ng
kakalakasan.
a. Simula b. Tunggalian c. Kasukdulan d. Wakas
II. Basahin at suriin ang mga sumusunod. Isulat sa patlang kung anong
elemento ang tinutukoy ng pahayag.

Kasukdulan Tema Tunggalian


Sinematograpiya Tauhan Wakas

______11. Bagamat may kapansanan ang pangunahing tauhan ipinaglaban


niya ang kanyang karapatan bilang isang ina, asawa at isang
tao.
______12. Ang teleserye ay naglalarawan ng pamilyang Pilipino at ang
pakiki- pagsapalaran ng bawat tauhan para sa kapakanan ng
bawat isa. Ito ay puno ng pagmamahalan, pakikipaglaban sa
karapatan at sakripisyo para sa pamilya.
______13. Ang teleserye ay umiikot sa pangunahing tauhan na si Aling
Onay.
______14. Ipinakita ang kapana-panabik na tagpo ng teleserye tungkol sa
pagkatuklas ng lihim ng mga tauhan.
______15. Sa elementong ito ay naipapakita ang malaking epekto na
naidudulot sa kaligiran ng kilos ng karakter at sa daloy ng eksena.

KARAGDAGANG GAWAIN

Gamit ang graphic organizer pumili ng dalawang teleserye na iyong


napanood mula sa modyul na ito at paghambingin ito gamit ang mga
elemento ng teleserye bilang pag susuri.

Pamagat Pamagat

Tauhan: Tauhan:
Tema: Tema:
Sinematograpiya: Sinematograpiya:
Musika: Musika:

Kongklusyon Batay Sa Paghahambing


SUSI NG PAGWAWASTO

Subukin Balikan.
Nakakatulong ang teleserye sa pagpapalaganap
Test I ng panitikan dahil isa sa mga kinagigiliwan ng mga
1. A kabataan ang panonood ng teleserye. Naabot ng
2. C
teleserye ang kakayahan ng tao sa bisang
3. D
4. A
pangkaisipan at bisang pandamdamin na kung saan
5. A taglay ng panitikan.
6. A
7. B
8. D
9. D
10. C

Test II
11. Tunggalian

Gawain 1: Depende sa pasya ng guro/sariling opinyon ng mag-aaral


Gawain 2: Depende sa pasya ng guro/sariling opinyon ng mag-aaral
Gawain 3: Depende sa pasya ng guro/sariling opinyon ng mag-aaral
Gawain 4: Depende sa pasya ng guro/sariling opinyon ng mag-aaral
Gawain 5: Depende sa pasya ng guro/sariling opinyon ng mag-aaral
Gawain 6: Depende sa pasya ng guro/sariling opinyon ng mag-aaral
Gawain 7: Depende sa pasya ng guro/sariling opinyon ng mag-aaral
Gawain 8: Depende sa pasya ng guro/sariling opinyon ng mag-aaral
Gawain 9: Depende sa pasya ng guro/sariling opinyon ng mag-aaral
Gawain 10: Depende sa pasya ng guro/sariling opinyon ng mag-aaral

Karagdagangng Gawain:
Depende sa pasya ng guro/sariling opinyon ng mag-aaral

Mga Sanggunian

Filipino sa Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag-aaral, DepEd-Bureau


of Secondary Education Curriculum Development Division, Pasig Philippines
1600

Panitikang Asyano, Modyul para sa Mag-aaral Antas 9 DepEd-Bureau of


Secondary Education Curriculum Development Division, Pasig Philippines
1600

Baisa-Julain Ailene G., Dayag, Alma M., Lontoc Nestor S. at del Rosario,
Mary Grace. Pinagyamang Pluma 9. 927 Quezon Avenue, Quezon
City: Phoenix Publishing House, 2015.
Garcia Florante, Naval Evelyn at Villaruel Rosie, Pintig ng Lahing Pilipino 10
927 Quezon Avenue SIBS Publishing House Inc

Internet

https://owl.purdue.edu/owl/research_and_citation/chicago_manual_17th_editi
on/cms_formatting_and_style_guide/chicago_manual_of_style_17th_edition.h
tml,
https://www.youtube.com/watch?v=a7CIbNWoJvQ.

https://www.youtube.com/watch?v=Osa41RobnTo
https://www.youtube.com/watch?v=a7CIbNWoJvQ
https://www.youtube.com/watch?v=eU Onanay full trailer/tea
For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

You might also like