Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Lipunan

ANO NGA BA ANG LIPUNAN?

“Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari
at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.”(Mooney, 2011) EMILE
DURKHEIM

“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa


pag- aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang- yaman upang matugunan ang
kanilang pangangailangan. ”(Panopio, 2007) KARL MARX

“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin.


Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.”(Mooney, 2011) CHARLES COOLEY

Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama- samang naninirahan sa isang


organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.  Binubuo
ng iba’t ibang institusyon, ugnayan at kultura.

ANG BUMUBUO SA LIPUNAN

1. Istrukturang Panlipunan

2. Kultura

MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN

1. Institusyon - isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.

Halimbawa:
a. pamilya
b. edukasyon
c. ekonomiya
d. relihiyon
e. pamahalaan

2. SOCIAL GROUP - ito ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad
na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan.

Dalawang uri ng Social Group

a . Primary group – tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal.


b. Secondary group – binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t
isa.
3. STATUS - tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan.

Dalawang uri status:

A. Ascribed Status - nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang siya ay ipanganak.


Hindi ito kontrolado ng isang indibiduwal.

B. Achieved Status - nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng kaniyang


pagsusumikap. Maaaring magbago ang isang indibiduwal ang kaniyang achieved
status.

4. GAMPANIN (ROLES) - tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan,


obligasyon at mga inaasahan ng lipunang kanyang ginagalawan. Ang mga gampaning
ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunanng kanyang ginagalawan.

Elemento ng Lipunan at kanilang mga kahulugan


1. Tao o Mamamayan - ang pinaka mahalagang elemento ng lipunan na
naninirahan sa isang tiyak na teritoryo o lupang sakop ng lipunan.
2. Teritoryo -lawak na nasasakupan ng lipunan at tinitirhan ng mga tao.
3. Pamahalaan - ahensiya na nagpatupad ng mga batas at mga kautusan at
nagpapahayag sa kalooban ng lipunan.
4. Soberanya -pinakamataas na kapangyarihan ng lipunan para mapatupad o
mag-utos ng kagustuhan nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng
mga batas. Ito ang likas at lubos na karapatan at kakayahan ng lipunan na mag
pairal ng sariling mga layunin at naisin ito sa pamamagitan na batas na malaya
sa kontrol o panghihimasok ng ibang lipunan.

You might also like