MONTENEGRO, VANNA ELIZ D. ARALING PANLIPUNAN GRADE VIII- ST.
THOMAS
Sa panahon ng Neolitiko,Paleolitiko at Metal, dito nagsimula ang pagkatuklas ng mga elemento
ng daigdig na ang elemento ng apoy,elemento ng tubig,elemento ng hangin at ang elemento ng daigdig. Sa panahon ng Paleolitiko ay pinaniniwalaang unang nabuhay ang mga homo habilis at ipinagpapalagay na unang anyo ng taong gumamit ng kasangkapang bato. Ang Paleolitiko ay nagsimula 2.5 milyon na nag nakalipas at tumagal hanggang noong 8500 B.C.E. . Ang mga tao sa panahong Paleolitiko ay walang pirmanenteng tirahan at palipat-lipat ng bahay upang may mapagkukunan ng kanilang pangaraw-araw na pagkain. Ang mga kasangkapang batong ginawa sa panahong ito ay maituturing na payak,magaspang,at hindi Pulido ang pagkakagawa .
Ang pinakamaagang pinag-usbungan ng kulturang Neolitiko ay matatagpuan sa Kanlurang Asya
sa pagitan ng 8000 hanggang 600 B.C.E. Ang pangunahing tanda na ang isang lipunan ay dumating na sa Panahong Neolitiko ay ang pagkakaroon ng agrikultura at pagkaalam ng pagpapaamo sa mga hayop. Catal Huyuk ay ang pamayanan sa Panahon ng Neolitiko na natagpuan sa kapatagan ng konya ng gitnang Anatolia na ngayon ay Turkey. Sa Panahon naman ng Metal, sa panahong ito, natuklasan ng mga sinaunang Pilipino ang paggamit ng metal tulad ng bronse,bakal at ginto sa paggawa ng mag alahas, sadata at mga kagamitang pangindustriya. Natutuhan na din nila ang paraan ng pagpapanday at paghahabi ng tela sa pamamagitan ng blackloom. Ang unang natutuhang gamitin na metal ng mga sinaunang tao ay ang tanso o copper. Pinapainitan nila ang copper ore ng uling upang maging metal na tanso. Madalas nilang gawin itong alahas at kagamitang pandigma. Natutuhan nila ang pagproseso ng copper ore sa Kanlurang Asya.