Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Paksa: Pagbabalik ng Parusang Kamatayan sa Pilipinas

Kilala ang Pilipinas bilang isang Katolikong bansa, bansang nakasentro sa


paniniwala sa Diyos at pagsunod sa utos nito. Ngunit sa kabila nito hindi pa rin
maiiwasan ang mga karumaldumal na krimeng gawa ng mga taong walang takot sa
Diyos at sa batas, mga krimeng kinabibilangan ng pagpatay, panggagahasa,
pagnanakaw at marami pang iba na naging resulta sa pag-ugong ulit ng usapin tungkol
sa parusang kamatayan o ang Death Penalty na may kaugnayan sa Republic Act No.
7659. Ito ay isang kaparusahan na syang ipinapataw para sa mga taong nagkasala at
lumabag sa batas, pinakamataas na parusa na wala sinuman ang nagnanais at ito’y
isang sintensyang nalimot na sanagdaang panahon ngunit ngayo’y nais magbalik. Sa
muling pag-alingawngaw ng parusang ito, maraming isyu ang bumulalas, mga panig na
may iba’t ibang pananaw ukol rito. Sa batas kaya na ito malilinis pa ang ating bansa o
wala lang ito sa mga kriminal?
Ilang buwan lamang ang nakakalipas nang nhiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte
sa Kongreso sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ang
pagbabalik ng parusang kamatayan. Ayon sa Pangulo, tatapusin niya ang kanyang
termino na lumulaban kaugnay sa paglaban niya sa korapyon at sa illegal na droga.
Dagdag pa niya, "I am aware that we still have a long way to go in our fight against this
social menace. Let the reason why I advocate the imposition of the death penalty for
crimes related to illegal drugs."
Ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa Pilipinas ay hindi dapat mangyari dahil
sa ito ay hindi naiiba sa krimen na ginagawa ng mga masasamang loob ngayon. Hindi
ito nalalayo sa paraan na pareho itong nagdudulot ng matinding kapahamakan at
kasalanan, hindi lamang sa taong naaagrabyado, kundi pati na rin sa Diyos. Bilang
isang bansang binubuo ng mahigit tatlong-kapat na Kristiyano, kinikilala ang mga utos
at turo ng Bibliya. Kung saan nakasaad sa “Sampung Utos ng DIyos” ang huwag kang
pumatay nang kapwa mo tao. Sa pagpanig sa parusang kamatayan, ito ay nagpapakita
lamang ng pagsuway sa isa sa pinakamahalagang utos ng Diyos para sa mga tao.

Ikalawa, hindi masasabi ng pamahalaan o ng mga mamamayan kung mapapababa


ng parusang ito ang ang dami ng krimen sa bansa. Sa katunayan nga, ayon sa data ng
FBI’s Uniform Crime Reports ipinapakita na mula 1990 hanggang 2003, mas mataas
ang bilang ng krimen sa mga bansa na nagpapatupad ng parusang kamatayan kaysa
sa mga bansa na walang ganito.
Ikatlong dahilan kung bakit ayaw ibalik ang parusang kamatayan sa kadahilanang
sa pagpataw ng parusang ito at kapag napatunayan na wala itong sala, wala nang
magagawa para maibalik ang buhay na kinitil. Isang halimbawa nito ay ang nangyari
kay Eduardo Agbayani na ginahasa ang kanyang tatlong anak na babae. Sa araw ng
pagbitay sa kanya ay sinabi ng tatlong biktima na handa nilang patawarin ang kanilang
ama at ipatigil ang pagbitay kaya agad itong pinatawag ng pangulo noong si Joseph
Estrada noong 3:12 ng hapon ngunit hindi na umabot ang kanyang balita dahil nabitay
na ang akusado sa ganap na 3:11 ng hapon. Hindi kailanman magiging katanggap-
tanggap ang ginawa ni Eduardo ngunit dahil lamang sa parusang ito, nawalan na siya
ng pagkakataong magawa ang mga ito. Hindi na maibabalik ang mga nakalipas na
segundong lumipas.
Bilang paglalahat, ang buhay ng tao ay magulo at makasalanan. Ang magagawa
lamang natin ay panagutan ang nagkasala sa kapwa ngunit hindi sa pamamaraang
nagkasasala rin sa iba. Ang parusang kamatayan ay marapat nang ilubog sa hukay ng
kahapon at hindi na dapat pang palitawin upang kumitil ng buhay. Laging tatandaan na
walang perpektong nilalang sa mundo, lahat ay nagkakamali at nagkakasala. Kaya
huwag parusahan ang kapwa sa pamamaraang nag-aanimong siya lang ang
makasalanang taong nabubuhay sa mundo.

Sanggunian:
Andal A., & Escudero M., (2019). Death penalty pinababalik ni Digong. Pilipino Star
Ngayon. Nakuha mula sa https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/
2019/07/23/1937150/death-penalty-pinababalik-ni-digong
Bergonia, T., (2019). The death penalty debate: Comedic episode, studies show risks.
Inquirer.net. Nakuha mula sa https://newsinfo.inquirer.net/1146785/the-death-
penalty-debate-comedic-episode-studies-show-risks
Relativo, J. (2019). Panawagan ni Duterte na maibalik ang 'death penalty' suportado ng
PNP. Pilipino Star Ngayon. Nakuha mula sa https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2019/07/23/1937201/panawagan-ni-duterte-na-maibalik-ang-death-
penalty-suportado-ng-pnp
Murder Rate of Death Penalty States Compared to Non-Death Penalty States. Death
Penalty Information Center. Nakuha mula sa https://deathpenaltyinfo.org/facts-and-
research/murder-rates/murder-rate-of-death-penalty-states-compared-to-non-death-
penalty-states

You might also like