Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Department of Education

Region VIII
Ormoc City Division
Ormoc City

SANAYANG
PAPEL
SA FILIPINO 7
UNANG MARKAHAN
PAGSASANAY: Retorikal na Pang-ugnay

Mahahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ng sanayang papel.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Ibalik ang
sanayang papel na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.

Simulan Mo!
Magandang buhay minamahal kong mag-aaral! Sa araw na ito ay tinitiyak
kong may marami kanang natutunan sa mga nagdaang aralin.

Sa sanayang papel na ito, ay matutulungan ka upang higit mong


maunawaan kung ano ang isang pang-ugnay. Pagkatapos ng aralin na ito, ay
inaasahan kang mapaunlad ang iyong pang-unawa sa pamamagitan ng pagkilala
sa mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa mga pangungusap bilang layunin
nito.

Bago natin paunlarin ang iyong kaalaman sa ating tatalakayin, nais kong
subukin muna ang iyong kahandaan sa pamamagitan ng gawain na ito.

Handa ka na ba? Tara na.........

Halika ka’t ating tuklasin ang mga kaalaman tungkol sa RETORIKAL NA


PANG-UGNAY.

GAWAIN 1. Madali Lang ‘Yan!

PANUTO: Itapat ang mga parirala sa Hanay A at B upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Isulat ang titik lamang.

HANAY A HANAY B
_____ 1. Magsipilyo nang tatlong beses a. nang bumalik ang kanyang ina.
sa isang araw b. upang maiwasan masira ang mga
_____ 2. Inaantok ka pa ngipin
_____ 3. Kumakanta sila ng “Lupang c. samantalang inaaksaya mo lang
Hinirang" ang perang bigay nila sa iyo.
_____ 4. Magdasal muna tayo d. hanggang nakarating ito sa gitna
_____ 5. Ano ang kulay ng sasakyan ng gubat
ninyo e. kasi hatinggabi ka na natulog
kagabi
_____ 6. Tumakbo nang tumakbo ang aso f. pula o puti?
_____ 7. Tumigil ang pag-iyak ng bata g. habang itinataas ang watawat ng
_____ 8. Tumawag ako sa bahay ni Tess Pilipinas.
_____ 9. Tatawag muli si Alma h. ngunit hindi pa raw siya umuuwi
_____ 10. Naghihirap magtrabaho ang galing eskuwelahan.
mga magulang mo i. bago kumain ng hapunan.
j. para makausap ka tungkol sa
proyekto ninyo

Mahusay! Nagawa mo ang gawain nang may kasiyahan!

Alam Mo Ba?
Ang PANG-UGNAY ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang
yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang
sugnay.

Sa Filipino, ang pang- ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng


Pang-angkop, Pang-ukol, at Pangatnig.

a. PANG-ANGKOP- Ito ay ang katagang nag- uugnay sa panuring at salitang


tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang
pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang- angkop:
 Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang
nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita
at ng panuring.

o Halimbawa: mapagmahal na hari


o Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n,
tinatanggal o kinakaltas ang n at pinapalitam ng –ng.
 Halimbawa: Huwarang pinuno

 Ang pang-angkop na -ng ay ginagamit kung ang unang salita ay


nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
o Halimbawa: mabuting kapatid

b. PANG-UKOL- ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba


pang salita sa pangungusap. Narito ang mga kataga/pariralang malimit
gamiting pang- ukol.
 sa ▪ ayon sa/kay
 ng ▪ hinggil sa/kay
 kay/kina ▪ ukol sa/kay
 alinsunod sa /kay ▪ para sa/kay
 laban sa/kay ▪ tungkol sa/kay

c. PANGATNIG - mga kataga/salita na nag- uugnay ng dalawang salita,


parirala, o sugnay.
 Pangatnig na pandagdag: Nagsasaad ng pagpuno o pagdagdag ng
impormasyon.
o Halimbawa: at, pati
 Pangatnig na pamukod: Nagsasaad ng pagbubuklod o paghihiwalay.
o Halimbawa: o, ni, maging
 Pagbibigay sanhi/bunga: Pag-uugnay ng mga lipon ng salitang
nagbibigay katwiran o nagsasabi ng kadahilanan.
o Halimbawa: dahil sa, sapagkat, palibhasa
 Paglalahad ng bunga o resulta: Nagsasaad ng kinalabasan o
kinahatnan.
o Halimbawa: bunga, kaya o kaya naman
 Pagbibigay ng kondisyon: Nagsasaad ng kondisyon o pasubali.
o Halimbawa: kapag, pag, kung, basta
 Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pagkontra o
pagtutol
o Halimbawa: ngunit, subalit, sapagkat, datapwat, bagama’t

GAWAIN 2: Subukan Mo!

PANUTO: Basahin ang talata sa ibaba. Kilalanin kung anong uri ng pang-ugnay
ang mga salitang may salungguhit. Alamin kung ito ba’y pang-angkop, pang-ukol
o pangatnig. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Ang Talinghaga Tungkol sa Dalawang Anak

Ano ang palagay ninyo (1) ukol sa kuwentong ito? May (2) isang tao na may (3)
dalawang anak na lalaki. Lumapit siya (4) sa nakatatanda at sinabi, “Anak, lumabas
ka at magtrabaho sa ubasan ngayon.” “Ayoko po,” tugon niya. (5) Ngunit nagbago ang
kanyang isip at siya’y naparoon. Lumapit din ang ama sa (6) anak na bunso at (7)
gayundin ang kanyang sinabi. “Opo,” tugon nito. (8) Datapwat hindi naman siya
naparoon. (9) Para sa iyo, sino sa dalawa ang sumusunod sa kalooban (10) ng
kanyang ama?

1. ______________________ 6. ___________________
2. ______________________ 7. ___________________
3. ______________________ 8. ___________________
4. ______________________ 9. ___________________
5. ______________________ 10. __________________
Magtulungan Tayo!
Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin,
marahil ay naging malinaw na sa iyo kung ano ang mga retorikal na pang-
ugnay. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa
paksang iyong pinag-aaralan, subukan mong gawin ang ilan pang mga
gawain.

GAWAIN 3: Pang-angkop
PANUTO: Buoin ang mga parirala sa bawat bilang sa ibaba gamit ang mga pang-
angkop (na, n, -ng, -g).

Halimbawa: luma, sapatos lumang sapatos, sapatos na luma

1. malubha, sakit ______________________________________


2. malawak, lupain ______________________________________
3. palabiro, lalaki ______________________________________
4. tubig, malakristal ______________________________________
5. panlaba, sabon ______________________________________
6. Pilipino, mamamayan ______________________________________
7. masama, balak ______________________________________
8. ikalima, beses ______________________________________
9. kutsilyo, matalim ______________________________________
10. marumi, damit ______________________________________

Gawain 4: Pang-ukol

PANUTO: Piliin ang tamang pang-ukol o mga pang-ukol na angkop sa


pangungusap. Isulat ang titik lamang.

1. __________ pangulo, agad na ipapatupad ang bagong batas.


a. Para kina b. Hinggil kay c. Ayon sa

2. __________ kasunduan ng pamahalaan at mga rebelde, sisimulan ang


ceasefire.
a. Ukol sa b. Para sa c. Alinsunod sa

3. Ang mga tuntunin ng paaralan ay _____ kabutihan _____ mag-aral.


a. tungkol sa, ng b. para sa, ng mga c. ayon sa, ng mga

4. __________ batas ang pagtapon ng basura __________ ilog.


a. Labag sa, sa mga b. Alinsunod sa, sa c. Hinggil sa, sa mga
5. Ang pagsusulit ay _____ mga impluwensiya _____ Kastila sa ating kultura.
a. laban sa, sa mga b. tungkol sa, ng mga c. ukol sa, ng

6. Ang likas na talino _____ mamamayan ay yaman _____ bayan.


a. sa, para sa b. ng mga, ng c. ng mga, para kay

7. Ang kalusugan at edukasyon _____ kabataan ay ang priyoridad _____


pamahalaan.
a. ng, ng b. sa, ng mga c. ukol sa, ng

8. Magkakaroon ng libreng bakuna _____ mga sanggol ng barangay, _______


Kapitana.
a. para sa, ayon kay b. alinsunod sa, ayon sa c. ng, ukol kay

9. Ano ang pinakahuling balita _____ nakawan ______ bangko?


a. ng, tungkol sa b. mula sa, ng mga c. hinggil sa, sa

10. Ang programang ito ay bahagi ng kampanya _____ paggamit _____ bawal
na gamut.
a. laban sa, ng mga b. labag sa, para sa c. para sa, ng

GAWAIN 5: Pangatnig
PANUTO: Punan ng wastong pangatnig ang bawat pangungusap upang mabuo
ang diwa nito. Piliin mula sa kahon ang sagot.

nang upang kapag ngunit at


dahil kung kaya habang o

1. Hindi ako nakatulog kagabi _________ masyadong maingay ang aking


kapitbahay.
2. Magsasanay ako tuwing hapon _________ gumaling ako sa pagtugtog ng
piyano.
3. Si Patrick ang titingin sa mapa __________ nagmamaneho si Gary.
4. Maaari tayong tumawid __________ berde na ang ilaw.
5. Alin dito ang dadalhin mo bukas, ang itim na pantalon __________ ang
bagong maong?
6. Lapis, pambura __________ pantasa lang ang kailangan kong dalhin sa
pagsusulit.
7. Basa ang sahig ng pasilyo __________nadulas ang bata.
8. Naglaro kami ng basketbol sa labas __________ tinawag kami ni Tatay.
9. Nagising si Marco __________tumilaok ang manok.
10. Sasama ako sa inyo manood ng sine __________ papayagan ako ni
Nanay.
Magaling! Nasagot mo nang maayos ang mga gawain.

Magagawa Mo!
Ngayon, tingnan natin kung natutunan mo ba talaga ang paksang aralin sa
sanayang papel na ito. Handa ka na ba?

GAWAIN 6: Sige Nga?


PANUTO: Kilalanin sa loob ng pangungusap ang pang-ugnay na ginamit sa bawat
bilang.

1. Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase.


2. Naglilinis siya ng silid habang nakikinig siya sa radyo.
3. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.
4. Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya.
5. Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa niya.
6. Sasabay sana ako kay Maricar pauwi subalit nakaalis na pala siya.
7. Hindi pumasok sa paaralan si Nelia dahil sumakit ang kanyang ngipin.
8. Hindi siya matipid sa pagkain palibhasa marami ang perang baon niya.
9. Uuwi ako nang maaga para matulungan ko si Nanay sa mga gawaing bahay.
10.Naghintay si Nanay sa sala hanggang dumating si Tatay mula sa opisina.

GAWAIN 7: Larawan Ko, Sagutin Mo!


PANUTO: Pansinin ang larawan sa ibaba. Bumuo ng isang pangungusap gamit ang
mga pang-ugnay na nakalagay sa bawat bilang.

1. “para kay”
______________________________________________________
______________________________________________________

2. “kaya”
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. “habang”
____________________________________
____________________________________
4. “upang”
_______________________________________________________
_______________________________________________________

5. “kapag”
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Binabati kita! Natapos mo ang sanayang papel na ito na may


ligalig at kasiyahan ukol sa paksang aralin na RETORIKAL NA PANG-
UGNAY. Sana ay may natutunan ka. Tandaan mo lamang na mag-aral
kang mabuti at palagi kang mag-iingat. Sabihin mo lamang na KAYA
NATIN ITO!

Sanggunian:
 Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 7
 https://samutsamot.com/2013/03/07/pangatnig-worksheets-part-
1/
 https://samutsamot.com/2013/03/12/pang-ukol-worksheets-part-
1/
 https://samutsamot.com/2013/02/27/pang-angkop-worksheets-
part-1/

Bumubuo sa Paglikha ng Sanayang Papel

Manunulat: Jester C. Quinal


Editor: Betsy U. Coching
Tagasuri: Idah M. Sayre
Tagapamanihala: Lani B. Cervantes, CESO VI
Pangalawang Tagapamanihala: Mario Rodjie R. Sombilon, Ed. D.
Division CID Chief: Alejandro S. Almendras, Ed. D.
Learning Area EPS: Mylane V. Barquera, Ed. D.
Division LR EPS: Maria Pia B. Chu
Susi ng Pagwawasto

GAWAIN
GAWAIN 1 GAWAIN 2 GAWAIN 3 GAWAIN 5
4
1. b 1. pang-ukol 1. malubhang sakit 1. c 1. dahil
2. e 2. pang-angkop 2. malawak na lupain 2. c 2. upang
3. g 3. pang-angkop 3. lalaking palabiro 3. b 3. habang
4. i 4. pang-ukol 4. malakristal na tubig 4. a 4. kapag
5. f 5. pangatnig 5. sabong panlaba 5. b 5. o
6. d 6. pang-angkop 6. mamamayang
6. b 6. at
Pilipino
7. a 7. pangatnig 7. masamang balak 7. a 7. kaya
8. h 8. pangatnig 8. ikalimang beses 8. a 8. ngunit
9. j 9. pang-ukol 9. matalim na kutsilyo 9. c 9. nang
10. c 10. pang- 10. maruming damit
10. a 10. kung
angkop

GAWAIN 6 GAWAIN 7
1. kaya 6. subalit
2. habang 7. dahil Ang pagpupuntos
PAGTATAYA
3. o 8. palibhasa ay depende na sa
4. kapag 9. para guro.
5. sapagkat 10. hanggang

You might also like