Module 2 3rd

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Casa Del Niño Schools System, Inc.

Region 02
CASA DEL NIÑO MONTESSORI SCHOOL OF ILAGAN
Guinatan, City of Ilagan, Isabela
S.Y 2020-2021

EPP4
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Module 1

I.Paksa:
II.Nilalaman:
III.layunin:
IV.Saklaw ng Aralin
V. Talakayan ng Paksa

Iba’t ibang uri ng kasuotan

Ang damit ay kabilang sa pangunahing pangangailangan ng isang tao. Mahalaga ito bilang
proteksyon sa init at lamig ng panahon.Ang malinis at maayos na damit na isinusuot ng naaayon
sa lugar at okasyon ay nakapagbibigay nang tiwala sa sarili at magandang kaanyuan.

Ang isang batang tulad mo na nakasuot nang malinis at maayos na damit ay may lakas ng loob
na humarap at makisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao.

1. Damit Pambahay
Ito ay payak na kasuotang ginagamit habang nasa bahay at nagsasagawa ng mga
gawain tulad ng paglilinis ng bahay at bakura, paglalaba, pag- aayos ng hardin at
pagdidilig ng mga halaman.Ang mga kasuotan tulad ng shorts, sando,t-shirt, daster,
blusa, at palda ay isinusuot kung nasa loob ng bahay.
2. Damit Panlaro
Ang damit na ginagamit sa paglalaro ay kailangang maluwag at magaan sa katawan,
katulad ng t-shirt, shorts, jogging pants at leggings.
3. Damit Pantulog
Iton ay maaring pajama, duster,o lumang damit na may manipis at malambot na tela na
magdudulot ng ginhawa habang natutulog at namamahinga
4. Damit Pampaaralan
Ito ay kadalasang tinatawag na uniporme.ito ay ginagamit lamang pampasok sa eskwela.
Karaniwang binubuo ng blusa at palda para sa mga babae, shorts o pantalon at polo
naman para sa mga lalaki.
5. Damit Pang- okasyon
Ito ay ginagamit kung dadalo ng birthday party, kasalan, o iba pang pormal na
pagtitipon. Karaniwang ito ay kakaiba at magagandang disenyo at tabas na naaayon sa
okasyon na dadaluhan.
6. Damit Pansimba
Ito ay simpleng damit na may payak na disenyo at tabas, karaniwang may manggas at
may tamang haba.

Mga Paraan ng Pangangalaga sa kasuotan

A. Pagpapahangin. Ugaliing isampay o isabit sa hamger upang pahanginan ang mga damit
na hinubad lalo na kung ito ay basa sa pawis.Sa ganitong paraan , hindi mananatili ang
basa ng pawis sa damit na isa sa nagiging dahilan ng pagrupok ng tela nito.Ang damit na
basa na hindi kaagad nalalabhan ay maari ding kapitan ng tagulamin, isang uri ng
mantsa na mahirap alisin sa damit.
B. Pagkukumpuni o Pagsusulsi ng Damit. Ang mga damit na madalas isinusuot ay dapat
sinisiyasat kung mas tastas, punit, tanggal na automatiko, kawit o kutsetes bago pa ito
labhan.Ang pagkukumpuni ay kasabay din ginagawa upang maiwasan ang paglaki at
paglala ng sira ng damit

Mga Karaniwang Sira ng Kasuotan

1. Tastas na laylayan. Ito ay maaring sanhi ng pagkakakawit sa ilang mga bagay o sadyang
pagkarupok ng sinulid bunga ng madalas ng paggamit ng paglalaga
2. Tanggal na botones at kawit. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga blusa, palda shorts,
at pantalon na gamit sa paaralan, dahil na rin sa madalas na paggamit at paglalaba.
Maaring matanggal ang botones at at kawit dahil sa mga sinulid na ginagamit ay
lumuwang o naging marupok na
3. Tastas na kilikili at pundiya. Kadalasang nangyayari ito sa mga damit pambahay at
panlaro sa dahilang ang mga bahaging ito ng damit ang naglalaban sa oras ng palalaro
at pagtratrabaho.at paglalaro
4. Punit o butas na tela. Ito ay naangyayari kung ang damit ay nasabit . o nakawit sa
matutulis na bagay tulad ng pako, alambre at matutulis na kahoy o bakal
5. Sirang zipper. Ito ay nangyayari lalo na kung ang damit ay luma na o kaya naman ay
pinilit bulkan o isara ang zipper ng wala sa tamang lugar ang ngipin nito.

Paraan ng Pagkukumpuni ng mga damit

Ang pagkukumpuni sa mga simpleng sira ng damit ay kanyang kayang gawin ng isang
batang tulad mo.
Narito ang talaan ng mga karaniwang kagamitang maari mong gamitin sa pagkukumpuni

Pananahi

Mga kagamitan sa pananahi sa kamay Gamit


Kahong panahian o sewing box Ito ay nagsisilbing lalagyan ng
mga gamit panahi

2. Karayom

Ang karayom ay ginagamit sa


pananahi upang maisaayos ang
sira ng damit
Tatlong uri ng karayom
a. Sharp
- Ito ang pinakamahabang
uri ng karayom na may
bilog sa butas at
b. Crewel ginagamit na pantahi sa
makakapal na tela

- Mas maiksi ang


karayom na ito kumpara
c. Between sa sharp, may mahabang
utas, at ginagamit sa
agbuburda

- Ito ay pinakmaiksing
karayom na may bilog na
butas at ginagamit na
pantahi sa maninipis at
pinong tela
3. Sinulid Ang sinulid ay kasama ng
ginagamit sa pagtatahi. Ito ay
ikinakabit sa karayom at
ibinubuhol ang dulo nito
4. Didal Ang didal ay ginagamit na
proteksyon sa daliri ng kamay
habang nananahi. Ito ay maaring
yari sa plastic o nickle na
isinusuot sa gitnang
daliri.Isinusuot ito upang
ipantutulak sa karyom habang
nananahi.

5. Aspili Ito ay pansamantalang ginagamit


sa pananahi upang maging tuwid
ang pagtutupi ng aylayan o
tastas ng damit. May tulis ang
isang dulo at may ulo naman ang
kabila.

6. Gunting

Ang gunting ay ginagamit bilang


pantabas ng tela at pamutol ng
sinulid

7. Panastas ( Seam Reaper)


Ginagamit ito upang mapadali
ang pagtatastas ng tahi ng
damit. Mahalaga ang paggamit
ng panastas upang hindi masira
o mabutas ang tela ng tinatastas
na damit

8. Tailor’s chalk

Ito ay pangmarkang ginagamit kung


nananahi. Kulay dalandan ito na may
anyong lapis o hugis kuwadrado.

9. Medida ( tape measure) Ito ay ginagamit sa pagkuha ng sukat


ng tela o katawan ng itatahi na damit
. gamit din ito sa pagawa ng pardon.

10. Ruler

Gamit ito sa pagsusukat ng mga lupi o


malilit na bahagi ng damit

11. Emery bag

Gamit ito sa panlinis at panghasa ng


aspili at karayom.

12. Pin Cushion

Ito ay ginagamit na tusukan ng aspili


at karayom bago at pagkaatapos
itong gamitin

13. Iba’t ibang kulay, hugis, at laki ng butones


14. Mga zipper, awtomatiko, kutsetes, snap, at
ilang pirasong telang panagpi.

Self Check:

You might also like