Draft 3rd Monthly Exam in Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO 3

Basahin ang talata at sagutin ang mga kasunod na tanong.


Pag-aalaga ng mga Hayop
Modesta R. Jaurique
Sabado ng umaga, nagmamadaling bumaba ng bahay si Mang Carlos upang
pumunta sa likod-bahay. Doon, makikita ang kanilang inaalagaang iba’t ibang
alagang hayop. May mga bibe, manok, kambing at mga baboy. Ito ang nagsisilbi
niyang libangan mula nang tumigil siya sa pagiging kawani ng gobyerno sa edad na
animnapu at lima. Dito lumalakas ang kaniyang katawan at nagsisilbing ehersisyo
sa araw-araw. Bukod dito, nagsisilbi pang hanapbuhay na may malaking kita.

1. Ano ang nagsisilbing libangan ni Mang Carlos?


A. Paghahalaman
B. Paghahayupan
C. Pagtitinda
D. Pangingisda
2. Anu-ano ang mga alagang hayop ni Mang Carlos?
A. ahas, usa, kambing, at mga pusa
B. aso, pusa, baka at kalabaw
C. bibe, manok, kambing at mga baboy
D. baka, kambing, kalabaw, at mga pato
3. Saan makikita ang mga alagang hayop ni Mang Carlos?
A. Sa may bakanting lote
B. Sa may likod-bahay
C. Sa harapan ng bahay
D. Sa may tumana
4. Sabado ng umaga, nagmamadaing bumaba ng bahay si Mang Carlos upang
pumunta sa likod-bahay. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Harapan ng bahay
B. Gilid ng bahay
C. Likuran ng bahay
D. Loob ng bahay
5. Bukod dito, nagsisilbi pang hanapbuhay na may malaking kita. Ang kahulugan
ng salitang may salungguhit ay ________.
A. trabaho B. libangan C. ehersisyo D. Aralin
6. Anong ugali ang ipinakita ni Mang Carlos sa kwento?
A. pagkamatapat
B. pagkamapagbigay
C. pagkamaalaga
D. pagkamapagkakatiwalaan
7. Paano kaya inaalagaan ni Mang Carlos ang kaniyang mga hayop?
A. Kumuha siya ng tagapag-alaga ng kanyang mga alagang hayop.
B. Nililinis ang mabuti ang tirahan at pinapakain nang maayos ang mga alagang
hayop ni Mang Carlos.
C. Pinaiinom ng maayos
D. Pinapaalaga niya sa kanyang mga anak
8. Ang mga sumusunod na pangungusap ay may kaugnayan sa kuwento ni Mang
Carlos maliban sa _______.
A. Mga bibe, manok, kambing at baboy ang alagang hayop ni Mang Carlos.
B. Sa likod-bahay makikita ang mga alagang hayop ni Mang Carlos.
C. Ang mga anak ni Mang Carlos ang nag-aalaga sa mga hayop.
D. Nagsisilbing hanapbuhay nila Mang Carlos ang pag-aalaga ng hayop.
9. Isang dating kawani ng gobyerno si Mang Carlos na ginawa ang kanyang
tungkulin na mayroong _________.
A. kasipagan
B. kasiyahan
C. kusang-loob
D. katapatan
10. Ang paksa ng kwento ni Mang Carlos ay _________.
A. Paghahanapbuhay
B. Pagtitinda ng mga Produkto
C. Pag-aalaga ng hayop
D. Pangingisda
II. Basahin ang talata
Ang Pilipinas ay isang bansang tropical. Ito ay nasa Tropiko ng Kanser na
makikita sa itaas ng Ekwador.
Kapag malapit sa Ekwador ang isang bansa, mayroon lang itong dalawang
uri ng klima. Ito ay tag-araw at tag-ulan. Mainit at maalinsangan tuwing tag-araw
samantalang mahalumigmig at malamig ang panahon kung tag-ulan.
11. Ayon sa talata, bakit tinawag na klimang tropical ang bansang Pilipinas?
A. Dahil makikita ito sa Tropiko ng Kanser
B. Dahil nasa gitna ng Tropiko ng Kanser
C. Dahil ito ay malapit sa Ekwador
D. Dahil ito ay malayo sa Ekwador
12. Ayos sa talata, ano ang paksang nilalaman nito?
A. Ang Tropiko ng Kanser ay makikita sa Pilipinas
B. Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal.
C. Ang klima ng ating bansa.
D. Dalawang uri ng klima.
13. Nagtatrabaho siya sa yelohan sa piyer simula dapit-hapon hanggang alas
8:00 ng gabi at babalik ng alas 4:00 ng madaling-araw hanggang alas 6:00 ng
umaga. Ano ang kahulugan ng tambalang salita na may salungguhit sa
pangungusap?
A. malapit na ang hapon
B. malapit sa hapon
C. malapit nang dumilim
D. malapit nang umaraw
14. Anong tambalang-salita ang tinutukoy sa pangungusap na ito; “Taga-tago ng
salapi at talaan ng mga gastos ng isang samahan.”
A. taos-puso
B. ingat-yaman
C. bukas-palad
D. anak-pawis
15. Anong tambalang-salita ang tinutukoy sa pangungusap na ito; “Nagmumula
sa tunay at taimtim na damdamin.”
A. taos-puso
B. ingat-yaman
C. bukas-palad
D. anak-pawis
16-20.)Gamitin ang tamang pandiwa sa pagsasalaysay ng iyong personal na
karanasan batay sa sumusunod na larawan. Sumulat ng dalawang pangungusap
sa bawat larawan.
https://depedclub.com/3rd-quarter-summative-test-grades-1-6-compilation/

You might also like