Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SAGUTANG PAPEL

SA
ARALING
PANLIPUNAN 10
(Kontemporaryong Isyu)
Tugon ng Pamahaalaang Pilipinas sa
mga Isyu ng Karahasan at
Diskriminasiyon
KWARTER 3
WEEK 8
Aralin 8: Convention on the
Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women
MR. ALEX A. DUMANDAN

NAME: ______________________________________________________________

SECTION:________________________________________

1
Araling Panlipunan 10- KONTEMPORARYONG ISYU
Aralin 8:
Gawain 1: Basahin at suriin ang teksto sa ibaba.

Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women


Ano ang CEDAW?

Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang The
Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-
unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng
kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural,
pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. Inaprubahan ng United Nations General Assembly
ang CEDAW noong Disyembre 18, 1979 noong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa
CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod sa Convention of
the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming
bansang nagratipika.Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o State parties noong
Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang
nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang nakakaalam nito.

Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?


1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito
ang mga estado na magdala ng konkretong resultasa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mgaresponsibilidad ang
estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaring bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang
layunin ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng
kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga
pribadong indibidwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at
hinahamon nito ang State parties na baguhin ang
mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae.

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?

Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at
di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito.
May tungkulin ang State parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.

Ang mga State parties ay inaasahang:


1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga
epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa
paglabag ng kanilan karapatan;
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang kondisyon at
karampatang aksiyon;at
Gumawa ng pambansang ulat kada apat
(4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa
kasunduan.

2
Araling Panlipunan 10- KONTEMPORARYONG ISYU
Gawain 2: Sagutin ang katanungan.
1. Sinasang-ayunan mo ba ang paglagda ng Pilipinas sa mga probisyon ng CEDAW? Ano-
ano kayang bansa sa palagay mo ang hindi lumagda rito? Bakit?
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

2. Ano ang maitutulong ng CEDAW sa kalagayan ng mga kababaihan sa mundo


_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

Gawain 3: Upang matiyak kung naunawaan ng mga mag-aaral ang nilalaman ng CEDAW,
palagyan ng tamang impormasyon ang burger organizer sa ibaba. Gawing gabay ang mga
pamprosesong tanong.

Pamprosesong mga Tanong


1. Tungkol saan ang Anti-Violence Against Women Act?
2. Sino-sino ang binibigyang proteksyon ng batas na ito? Sa iyong palagay bakit binalangkas ang ganitong uri ng batas?
3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong na maipabatid at mapairal ang batas na ito?
Bukod saAnti-Violence Against Women Act, ang Magna Carta for Women ay isa ring batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto upang malaman kung patungkol saan ang batas na ito.

Sangunian sa paggawa ng sagutang papel:


1. DepEd MELC, May 2020
2. DepEd AP10LM (Draft)
3. DepEd AP10TG (Draft)
4. Kontemporaryongisyu.blogspot.com

3
Araling Panlipunan 10- KONTEMPORARYONG ISYU

You might also like