Kabanata 6 Sosyolek

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

MODYUL BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

KABANATA 6:
SOSYOLEK

Layunin:

 Nailalahad ang kahulugan at kahalagahan ng Sosyolek


 Natutukoy ang iba’t ibang mga Sosyolek na wika
 Nakagagawa ng sariling halimbawa ng Sosyolek

SOSYOLEK
Sosyolek ang tawag sa isang uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na
propesyon o ng anumang pangkat na kinabibilangan ng mga iba’t ibang indibidwal. Sa
mga wikang ito may mga salitang pormal at ang mga iba naman ay di-pormal.
Pormal ang tawag sa mga wika na gamit ng mga propesyonal o yung may mga
mataas na natatapos tulad ng mga guro, doktor, nars at enhinyero. Di-pormal naman sa
mga salitang naimbento lamang ng mga ordinaryong tao sa lipunan. Kadalasan sa mga
wikang ito ay kusa ring nawawala sa sirkulasyon kapag ito ay luma na at napagsawaan
na ng mga gumagamit nito.

Halimbawa ng Pormal Halimbawa ng Di-pormal


 Takdang Aralin a. chaka
 Diagnosis b. gora
 Asignatura at kurikulum c. gurang
 Fiscal d. pre
 Politiko e. ewan

Pahina 49
MODYUL BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang


mahusay na palatandaan ng istrapikasyon ng isang lipunan na
siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga
tao na nakapaloob dito batay sa kaniyang katayuan sa lipunan
at sa mga grupona kanilang kinabibilangan. Batay sa mga
pagsasaliksik ng mga dalubhasa, ang wikang Filipno ay
mayroong napakaraming baryasyon. Ang mga bawat partikular na rehiyon at probinsya
ay may sariling dayalekto na ginagamit. Sa bawat pagdaan ng mga panahon ay
kasama din na lumilipas ang mga uri ng makalumang henerasyon at ng dayalektong
kanilang gamit.

Sa panahon ngayon, kung saan ang mga makabagong henerasyon tulad ng


milenyal at edgers ay lumilikha ng kani-kanilang tatak na salita ay muling inaasahan
pansamantalang madagdagan o mabago ang mga nakasanayan na natin na salita o
linggwahe.Marami tayong uri ng sosyolek na salita. Dahil yan sa ating hindi
pagkakatulad sa mga maraming bagay tulad na lamang ng edad, kasarian, katayuan
sa buhay at klase ng lipunan na ginagalawan.
Sa mga propesyonal gaya ng mga abogado,
guro, nars at iba pa, sila ay may mga partikular na
sosyolek na wika na kanilang ginagamit sa kanilang
mga kliyente, pasyente o mga estudyante. Mga
salitang kung minsan ay sila lamang ang
nakakaintindi. Sa mga grupo naman ng mga
bading, andiyan ang gay lingo at bekimon, sa
mga kabataan naman ay jejemon at konyo, at
pabalbal naman o salitang kanto sa mga tambay at siga ng mga kalye.

KAHALAGAHAN NG SOSYOLEK
Karaniwang nagiging paksa ng mga usapin at pagtatalo ang mga kakaibang
wikang ginagamit sa mga pag-uusap. Maikaklasipika kasi ang wika bilang pormal at di

Pahina 50
MODYUL BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

pagkakaunawaan at diskriminasyon at sinasabing mas mababang uri ito. Gayunman,


para sa mga nag-aaral ng wika, sa paggamit ng mga salita, lahat ay pantay-pantay at
nagkakaroon ng kalayaan ang bawat uri at antas na gamitin ang mga salitang mas
malaya nilang maipapahayag ang kanilang mga sarili.Sa pag-aaral ng barayting
sosyolek din mababatid na totoo ang isang katangian ng wika na “ang wika ay
dinamiko.” Dahil ang mga wikang ginagamit sa sosyolek ay mga salitang binago o binuo
ng panahon, o kung anuman ang nasa uso.

MGA SOSYOLEK NA WIKA

1. Wika ng Beki o Gay Lingo


Ito‟y isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan. Kaya
naman binago nila ang tunog o kahulugan ng salita. Ang mga salitang ito ay karaniwang
maririnig mo sa mga beki.
Halimbawa:
churchchill-sosyal
bigalou-malaki
indian jones-nang-indiyan
Givenchy-pahingi
Juli Andrew-mahuli

2. Coñoc (Coñoctic o Conyospeak) - Ito ay isang baryant ng Taglish na may ilang


salitang Ingles na inihalo sa Filipino
kaya’t masasabing may code switching
na nagyayari. Naririnig sa mga kabataang
may kaya at nakapag-aral sa ekslusibong
paaralan

Pahina 51
MODYUL BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

Halimbawa:
Kaibigan 1: Let‟s make kain na.
Kaibigan 2: Wait lang. I‟m calling Ana.

2. Jologs o “JEJEMON”
Ito ay nagmula sa salitang “jejeje” na isang paraan ng
pagbaybay ng “hehehe” at ng salitang Hapon na “pokemon”.
Ito ay nakabatay sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghaha-
halong numero, simbolo, at Malaki at maliit na titik kayat mahirap o intindihin lalo na
hindi pamilyar ang tinatawag na jejetyping.

Halimbawa:
Nandito na ako – “D2 na me”
Kamusta – “MuZtah”
I miss you – “iMisqcKyuH”
Ako ito – “aQcKuHhiT2h”

3. Jargon
Ito ang mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat at may pagkakilala sa
kanilang trabaho o gawain.
Halimbawa: Exhibit, Appeal, Compliant (Abogado)
Upang mas maunawaan ang sosyolek, buksan ang mga link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=0GdnNGljQdA
https://www.youtube.com/watch?v=DokB3rdbo1M
https://www.youtube.com/watch?v=LmvNTvIUPqM&t=56s

https://takdangaralin.ph/sosyolek-kahulugan-at-halimbawa/
https://www.slideshare.net/REGie3/barayti-ng-wika-
SANGGUNIAN 116585802
https://wika101.ph/sosyolek/

Pahina 52
Pahina 53

You might also like