Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa ating pinagpipitaganang panauhing pandangal, sa ating mga guro, sa ating punong guro, sa mga

magulang, sa aking mga kamag-aral, at sa inyong lahat, MAGANDANG ARAW PO!

Ilang taon na ang nakakalipas simula ng tayo ay tumapak sa paaralang ito. Ang Balele Elementary School
ang ating naging pangalawang tahanan. Ako bilang mag-aaral ay anim na taong namalagi rito at
nasasaksihan ko ang iba't ibang yugto ng pagpapahalaga at pag-unlad. Hindi ito nasusukat sa tagal ng
pamamalagi kundi sa mga kaalamang ibinahagi sa atin ng ating mga guro.

Sulong kabataan tungo sa kaunlaran! Bakit nga ba tayo ang sinasabing tagapagdala ng kaunlaran sa ating
bansa? Gaya nga ng sabi ng ating pambansang bayani, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”. Tayo
mismo ang magbibigay kaunlaran sa ating bayang sinilangan.

Kung ating babalikan ang nakaraan o kung ating titingnan ang ating tinahak para sa pagtatapos na ito,
ang layunin ng K-12 ay paliwigin ang ating mga kakayahan na naaayon sa ating pangangailangan at
layunin sa buhay. Ito rin ang paghahanda sa ating mga mag-aaral upang maging handa sa buhay, mas
may kakayahan, at mas may malawak na pag-unawa sa mundo na ating ginagalawan. Kahit mura pa
lamang ang ating edad, tinuturuan tayong maging mapanuri, mapagnilay, mapanagutan,
produktibo,makakalikasan, makabansa at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw. Nais
ng ating bansa na bago tayo magtapos o umalis sa paaralan ay may angkin tayong kakayahan upang
makipagsabayan sa mundo na hitik ng paligsahan na kung saan ay may kaalamang likas tayo upang
makapagtrabaho at makapagnegosyo. Sa madaling salita, madiskarte sa buhay.

Binibigyan nila tayo ng pagkakataon na makapag-aral at magkaroon ng disenteng trabaho sa kabila ng


mga napapanahong isyu ng kasalukuyan. Tulad na lamang ng mga isyu tungkol sa pagkalat ng krimen at
droga sa bansa na karamihan nagiging sangkot ay ang mga kabataan. Binubuksan ng paaralan sa tulong
ng ating pamahalaan ang oportinidad natin na ipagpatuloy ang paglalakbay tungo sa kaunlaran. Ito ang
nagsisilbing suporta upang magkaroon ng pag-unlad at pagbabago ang ating bansa. Tanging ang
edukasyon ang nagbibigay ng pag-asa sa mga kabataan upang maging tagapagdala ng kaunlaran. Tayo
ang mga kabataan na ito. Tayo bilang pangunahing tagapagsulong ng pinapangarap o minimithing
kaunlaran ni Inang-Bayan!

Paano tayo nagiging tagapagdala ng kaunlaran bilang mga kabataan? Simple lang, tayo ang tagapagdala
ng “pag-asa”. Pag-asa ng ating mga magulang, pag-asa ng paaralan, at pag-asa ng kaunlaran. Sa
pamamagitan na rin siguro ng pagiging matiyaga natin sa ating pag-aaral, pagsunod sa mga tuntunin ng
paaralan, at paggalang natin sa mga nakakatanda sa atin, nakakalikha tayo ng mga maliliit na hakbang
upang maging pag-asa tayo ng bayan. Ngunit kahit maliit na hakbang lamang ito, huwag tayong mag
alinlangan na sumubok at gumawa ng malalaking hakbang sa buhay natin. Huwag tayong matakot na
magkamali, bagkus ito ay mahalaga upang maging matatag tayo at magpatuloy sa pagalakbay natin sa
tagumpay.

Sa pagtatapos nating ito, marami sa atin ang magpapatuloy sa pag-aaral tungo sa mas mataas na
edukasyon at ang ilan naman ay magsisimula ng buuin ang pira-piraso nilang mumunting pangarap.
Mula rito ay sinisimulan na natin maging rason para sa pag-unlad ng ekonomiya. Ito ay isang malaking
karangalan ng bansa na makapagtapos ng mga natatanging produkto ng K-12 na bihasa sa modernong
panahon. Tayo ang mga kabataan na masasabing “Globally Competitive” dahil minulat tayo ng paaralan
sa upgraded na bersyon ng mundo na ating ginagalawan. Ang tahanan, paaralan at pamahalaan ay
napakalaking tulong sa atin. Naging bukas ang ating isipan sa lahat ng bagay at mas lumawak ang ating
mga pang-unawa. Kaya may ganitong pamamalakad dahil ginagabay nila tayo sa susi ng ating
kinabukasan. Ang kinabukasan na natin na may trabaho, may maayos na buhay, at may kakayanang
maiiaambag sa lipunan.

Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Huwag nating isipin na hindi natin kaya, walang imposible kung
gugustuhin natin dahil ang salitang imposible ay isang opinyon lamang ng mga taong natatakot na
sumubok at mga taong naniniwala na wala nang pag asa sa buhay nila. Huwag natin tularan ang mga
taong ganun ang paniniwala sa buhay. Ang buhay ay isang karera. Matututo tayong tumayo sa ating mga
pagkakadapa. “Life is a race with ups and downs at all, all you have to win is rise each time you fall”. Lagi
natin tandaan na tayo ang kabataan. Tayo ang pag-asa. Ang susi ng pagbabago. Tayo ang solusyon. Tayo
ang kaunlaran, dahil tayo ang “Kabataang Pag-asa ng Bayan”.

Bago ko tapusin ang aking talumpati, nagpapasalamat ako una sa Panginoong Maykapal sa pagbibigay
kakayahan at talento sa ating lahat. Andiyan Siya sa lahat ng oras at panahon, patuloy na gumagabay sa
atin.

Nais kong pasalamatan ang aking pamilya na nagsiling inspirasyon ko sa anumang hamon ko sa buhay.
Sila ang nagmamahal at tinuturuan ako sa pag-abot ng aking mga pangarap.

Taos puso din akong nagpapasalamat sa mga guro na walang sawang nagtuturo sa amin kahit kaming
mga mag-aaral ay pasaway. Buong husay nilang ibinigay ang kanilang makakaya para lamang kami ay
matulungan sa aming mga Gawain.

Sa aking mga kaibigan at kapwa mag-aaral, salamat sa pagdamay at pagpapasaya sa akin sa araw-araw
na tayo ay nagkakasama.

Sa inyong lahat, maraming maraming salamat po! Muli, MAGANDANG ARAW SA INYONG LAHAT!

You might also like