Professional Documents
Culture Documents
Group-2-Intelektwalisasyon-ng-Wika FINAL
Group-2-Intelektwalisasyon-ng-Wika FINAL
Vision: A premier Science & Technology university for the formation of a world class and virtuous
human resource for sustainable development in Bohol and the country.
Mission: BISU is committed to provide quality higher education in the arts and sciences, as well as in
the professional and technological fields; undertake research and development, and extension services
for the sustainable development for Bohol and the country.
Portfolyo: Ugnayan ng
Wika, Kultura at
Lipunan (FIL 106)
PANGKAT 2:
Daguplo, Ian E.
Dapar, Mary Ann V.
Gabaisen, Jenica Mariel N.
Gales, Edcel A.
Gamayon, Rhea S.
Gandulpos, Mary Joy
Gorillo, Thonie Rose M.
Jotojot, Marvin O.
Laborte, Julie Mae P.
Kristine Claire M.
Taray
Instruktor
Wikang Filipino sa Iba’t ibang Larangan (Akademiko,
Disiplina, Espesyalisasyon)
Iba pa:
Akademiko. Nakapaloob ditto ang Filipino bilang isang larangan. Ang isang guro
sa Filipino ay nagtataguyod ng pambansang wika upang ito ay mapagyabong at
mapangalagaan ang pagiging buhay ng ating wika. Sa pananaliksik at pagsulat
ng iba’t ibang sulatin gamit ang Filipino ay patunay na isa itong natatanging
larangan.
Medisina. Napakahalagang papel ang ginagampanan ng Filipino sa larangang
ito. Ang pasyente halimabawa ay kinakausap ng doctor, mas madaling
maunawaan ang dapat gawin na mga payo upang mapadali ang paggaling. Sa
pagbili ng gamut na resita ng doctor at nars. Sa pagbasa ng resita at payo at
maging sa pag-aaral nito.
Politika. Nakasaad sa ating Saligang Batas 1987 na Filipino ang ating gagamitin
sa mga pangunahing ahensya sa bansa. Ang mga batas natin ay nakalimbag sa
Filipino. Mga mambabatas, pangulo, at mga huwes ay Filipino at Ingles din ang
gamit na salita. Ilang mga babala at pangalan ng ahensya sa bansa ay sa
Filipino nakasulat.
Komersyo. Gamit ito sa pakikipagkalakalan sa ating bansa. Mas madaling
nagkakasundo sa usapan ang mga negosyante sa ating bansa gamit ang
Filipino. Sa mga produkto na kalimitang Filipino nakasaad. Sa mga patalastas sa
telebisyon at radio, makikita at maririnig ang Filipino kaya naman epektibo itong
paraan sa pakikipagkalakalan.
Teknolohiya. Sa pagtuturo sa mga makabagong teknolohiya, Filipino na rin ang
gamit ng guro at mag-aaral. Sa ganitong paraan, mas mapapabilis at mapapadali
ang pagkatuto. May mga salita na ring may katumbas sa Filipino gaya ng mga
salitang headset, website, e-mail, charger at iba pa. sa mga gadyet ay nagagamit
rin ang Filipino bilang pang-chat o teks.
Agham. Ayon sa KWF (Komisyon ng Wikang Filipino), marami na rin ang salitang
Filipino ang nagaganit sa agham na nagpapanatili upang mapayabong ang wika.
Sa ilang unibersidad at mga paaralan, ginagamit na ang mga terminong iyon.
Bagaman marami pang walang katumbas na salita sa Filipino, patuloy pa rin ang
pagpapaunlad sa larangang ito upang mapagyaman at mapanatili ang wika
tungo sa umuunlad na panahon.
Matematiko. Hipnayan, dagdag, bawas ay ilan sa mga halimbawa na salitang
Filipino para sa mga salitang Math, Plus, Minus. Gamit na rin ito sa pagtuturo
upang mas maunawaan ng mag-aaral ang paksa. Kung ito ang magiging
lengguwahe sa pagtuturo o paggamit sa Matematiko, madaling papasok sa
kamalayan at damdamin ng mga Filipino sa kanilang pang araw-araw na
aktibidad na kinasasangkutan ng Math.
Sining. Masasabing ang Filipino ay isang wikang pambayan. Sa katunayan nito
ay sa mga performing arts. Dito gamit ang Filipino sa pakikipagtunggali gaya ng
balagtasan, tula, sayaw at iba pa. Sa biswal na sining naman tampok ang mga
karakter na Pilipino. May mga sikat din tayong mga biswal-artis na Filipino na
nagpapakilala sa ating bansa gaya nina Juan Luna, Fernando Amorsolo at iba
pa.
(OPM – Original Pilipino Music). Mga awit na isinulat sa Filipino at mga
musikang pang sayaw.
Ang wika ay kasama sa pagsulong ng teknolohiya at komunikasyon. Ang lahat ng
mga bagong imbensiyon na nalikha ng tao ay inililipat sa iba’t ibang parte ng mundo.
Marami sa mga ito ay isinasaaklat, iniialagay sa mga dyornal at report (maging
siyentipiko o teknikal) upang mabasa at maging bahagi ng tinatawag na technology
transfer. Wika ang kasangkapan para sa materyal na pag-unlad. Maging sa pagsulong
ng kultura, edukasyon, agham, sining, at humanidades, kinakailangan ng isang wikang
ginagamit at nauunawaan ng sambayanan. Ano ang sitwasyon ng wika sa
mahahalagang larangan tulad ng agham, politika, humanidades, batas, at iba pa?
Basahin ang sumusunod na mga teksto at suriin ang mga ito.
Daguplo, Ian E.
Ang wikang Filipino ay mag iba’t ibang gamit, sa larangan ng akademiko, disiplina
at espesyalisasyon. Ang wika ay kasama sa pagsulong ng teknolohiya at
komunikasyon. Ang lahat ng bagong imbensiyon na nalikha ng tao ay inililipat sa iba’t
ibang parte ng mundo. Marami sa mga ito ay isinasaaklat, inilalagay sa mga dyornal at
report maging siyentipo o teknikal man upang mabasa. Wika ang kasangkapan para sa
materyal na pag-unlad. Maging sa pagsulong ng kultura, edukasyon, agham, sining, at
humanidades, kinakailangan ng isang wikang ginagamit at nauunawaan ng
sambayanan. Gamit ang Filipino sa agham panlipunan lalo na sa batas at politika. Ito
ang ginagamit ng mga tao upang magkipag-ugnayan sa ibang taong namamahala sa
pamahalaan at ng mga pinamamahalaan o mga mamamayan. Gamit ito sa
pagpapalitan ng mga mensahe ng mga tao. Sa humanidades naman gamit ang wikang
Filipino sa pagpapalagay ng saloobin na nakatuon sa pagpapahalaga ng buhay. Sa
humanidades maaaring talakayin ang kultura, pagpipinta, musika, esktruktura at iba
pang makataong sining at ang mabuti at wastong pag tugon nito gamit ang wika. Ang
wikang Filipino sa agham at teknolohiya naman ay malaking hamon ito para sa mga
magtuturo sapagkat nagbabago na ang mundo dahil sa patuloy na pagbabago ng
teknolohiya,kaya nararapat lang na makisabay ang wika sa mga pagbabagong ito.
Kailangan magamit ang wikang Fiipino sa pagtuturo ng matematika, agham, at
teknolohiya. Samakatwid, dumating na nga ang panahon upang mapayabong ang
wikang Filipino bilang wikang intelektuwalisado at maaari nang umabot sa pamantayan
upang maging isa ring pandaigdig na wika. Sa negosyo at industriya naman ay gamit pa
rin ang wikang Filipino sa pakikipagkalakalan at pakikipagkomunikasyon sa mga tao.
Kaya nararapat lang na tangkilikin natin ang ating wika, pahalagahan ito at
payabongin dahil ito ang magkokonekta natin sa mga tao anuman ang lahi, anuman
ang estado at anuman ang propesyon.
Jotojot, Marvin O.
Ang pambansang wika ng Pilipnas ang wikang Filipino ay may taglay na malalim,
malawak at natatanging kaalaman at karunungan. Kung mahusay nating magagamit ito
sa ating buhay at iba-iba pang mga aspeto nito ay masasabi ngang magbubunga ito ng
kaunlaran at karunungan. Ang wikang ito na mahiwaga na nagpababatid ng mga
kaalaman ay lalong mabisang maikakasangkapan sa ating pambansang kaunlaran
kung ito'y lubos at puspusang pinapairal sa iba't-ibang larangan at disiplina.Ginagamit
ang wikang Filipino bilang isang midyum para makasulat, makabasa at makaintindi ng
mga aralin at mga bagay na dapat matutunan at malaman. Kung walang wika ay hindi
matututo ang isang mag-aaral sa mga bagay na kailangan niyang malaman, hindi rin
magkakaintindihan ang bawat isa.Ang wikang Filipino ang susi sa maayos at mabilis na
komunikasyon ng bawat isa, ito ay ginagamit upang magkaunawaan at magkaintidihan
ang sinasabi ng mga tao sa paligid. Kaya napakahalaga ng pakikinig dahil sa ganitong
paraan natututo ang bawat isa.Ang wikang Filipino ang gamit sa pakikipag-ugnayan sa
pag-aaral at sa pagtuturo sa iba. Ang sukatan ng karunungan at katalinuhan ay
kakayahan nito sa pagsasalin ng mga natutunan sa ibang tao.Ang wikang Filipino ay
instrumento sa pagpapaunlad ng kultura at sining sa isang bansa. Napakahalaga ng
wikang Filipino sa iba't ibang larangan at disiplina sapagkat ito ang nagbibigay buhay,
diwa at ang nagpapakilala sa bansa, ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian,
paniniwala, kaalaman at karunungan ng mga mamayan, ang nagbabatid ng kakayahan
ng mga tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon, ito ang larawan na nagpapakita ng
ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga tao sa labas ng
bansa.
Ang agham at teknolohiya ay isang kataga sa sining na ginagamit upang
saklawing ang ugnayan sa pagitan ng agham at teknolohiya. Madalas itong lumitaw sa
mga pamagat ng mga disiplinang pang-akademiya (araling pang-agham at teknolohiya)
at mga tanggapan ng pamahalaan.
Ang agham panlipunan Tinutukoy minsan bilang mga malalambot na agham ang
mga agham panlipunan, sa pag-aaral ng parehong inter-subhektibo at obhektibo o
aspetong kayarian ng lipunan. Salungat ito sa mga matitigas na agham na maaaring
eksklusibong nakatuon sa obhektibong aspeto ng kalikasan.
The Humanidades ito ang disiplinang akademiko na nag-aaral sa mga
kundisyong humano na ginagamitan ng mga metodo ng malawakang pagsusuri kritiko
pagpunabat pagbabakasali dahil sametodong ito itinatangi ang pag-aaral na ito na
tinatawag ding humanidades o umanidades mula sa mga imperikong gawi na
ginagamit sa mga likas na agham at mga agham panlipunan.
Midyang pangmasa o mass media ay mga midyang katulad ng radyo, internet, o
iba pang mga bagay na nakakaabot sa maraming mga tao.