Aklat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Aklat

Sa panahon ngayon, tila ba ang hirap manatili sa reyalidad,


Nakakasawang manatili sa paulit-ulit na nangyayare sa buhay,
Ngunit may mga bagay na kung saan pwede tayong maglakbay,
Ng dahil sa mga bagay tulad ng aklat maraming istorya na ang nailahad.

May aklat na magku-kwento sayo ng ligaya at lungkot,


May mga aklat na magpapahayag sayo ng purong katotohanan,
May mga naglalahad ng kwentong misteryo at kababalaghan,
May mga aklat ding magpapakilala sayo ng bagong mundo na likha ng isip na malikot.

Itong mga aklat na ito ang naging sanhi ng ating kasiyahan,


Ang mga aklat na sa iba ay tumatayo bilang kaibigan,
Ang iba naman ay sa pagsusulat nailalahad ang mga bagay na di nila maipahayag
Istoryang nilikha ay sinusulat nang ibang tao ay makapaglayag,

Bawat isa ay manunulat ng sariling istorya ng buhay,


Ang iba naman ay tila sa buhay ng iba na nakasubaybay,
Kung kaya dapat wag magmadali at manatiling kalmado,
Unti-untiin mo ang pagbuklat ng bawat pahina ng aklat mo.

You might also like