Professional Documents
Culture Documents
Pandiwa A. Kahulugan
Pandiwa A. Kahulugan
A. Kahulugan
Ayon kay Santiago (2013), ang pandiwa ‘verb’ ay may dalawang kahulugan. Ito ay maaaring batay sa kahulugang
pansemantika at pang-estruktural.
Ayon sa kahulugang pansemantika, ang pandiwa ‘verb’ ay anumang salita na nagpapakilos o nagbibigay ng
buhay sa isang lipon ng mga salita.
Halimbawa: 1. Si Abril ay naghahanda sa kaniyang nalalapit na pagsusulit.
2. Nagtuturo si Roan ng Filipino sa Cherished Moments School.
Ang salitang naghahanda sa unang pangungusap ay isang pandiwa. At ang salitang nagtuturo sa pangalawang
pangungusap naman ay isa ring pandiwa.
Ayon naman sa kahulugang estruktural, ang pandiwa ‘verb’ ay nakikilala sa impleksyon o pagbabago nito sa iba’t
ibang aspekto.
Halimbawa: 1. Si Abril ay naglaba ng mga damit kahapon.
2. Si Abril ay naglalaba ng mga damit ngayon.
3. Si Abril ay maglalaba ng mga damit bukas.
Ang mga salitang naglaba, naglalaba at maglalaba ay iba’t ibang anyo na nasa iba’t ibang aspekto.
Halimbawa: 4. Nagsulat sa pisara si Roan.
5. Nagsusulat sa pisara si Roan.
6. Magsusulat sa pisara si Roan.
Ang mga salitang nagsulat, nagsusulat at magsusulat ay iba’t ibang anyo na nasa iba’t ibang aspekto.
B. Kaganapan ng Pandiwa
Kaganapan ng pandiwa ang tawag sa bahagi ng panaguri ‘predicate’ na nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa
at maaaring maging paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus nito, wika ni Santiago (2013).
Ang panaguri ‘predicate’ sa pangungusap ay ipinagdiwang ni Roan. Sa bahaging panaguri, mapapansing may
pandiwa rito at ito ay ang salitang ipinagdiwang. Ang pariralang ni Roan naman ang kaganapang tagaganap dahil
isinasaad nito kung sino ang gumaganap ng kilos.
Ang panaguri ‘predicate’ sa pangungusap ay niluto ni Abril. Sa bahaging panaguri ay may pandiwang niluto. Ang
parirala namang ni Abril ang kaganapang tagaganap dahil isinasaad nito kung sino ang gumaganap ng kilos.
Ang kaganapang layon ay bahagi ng panaguri na nagsasaad kung ano ang (mga) bagay na tinutukoy ng pandiwa.
Halimbawa: 1. Nagpagawa si Roan ng proyekto sa kaniyang mga estudyante.
Ang panaguri ‘predicate’ sa pangungusap ay nagpagawa ng proyekto sa kaniyang mga estudyante. Ang pandiwa
sa bahaging panaguri ay nagpagawa. Ang ng proyekto naman ang layon.
Ang panaguri ‘predicate’ sa pangungusap ay nagtimpla ng kape. Ang pandiwa sa bahaging panaguri ay nagtimpla.
Ang pariralang ng kape naman ang layon.
Ang kaganapang tagatanggap ay bahagi ng panaguri na nagsasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos ng
pandiwa.
Ang panaguri ‘predicate’ sa pangungusap ay bumili ng regalo para sa kaniyang kapatid. Ang pandiwa sa bahaging
panaguri ay bumili. Ang pariralang para sa kaniyang kapatid ang tagatanggap ng kilos ng pandiwa.
Ang panaguri ‘predicate’ sa pangungusap ay nagluto ng lugaw para sa may sakit na lola. Ang pandiwa sa
bahaging panaguri ay nagluto. Ang pariralang para sa may sakit na lola naman ang tagatanggap ng kilos ng
pandiwa.
Ang kaganapang ganapan ay bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa.
Ang panaguri ‘predicate’ sa pangungusap ay nagtuturo sa Cherished Moments School. Ang pandiwa sa bahaging
panaguri ay nagtuturo. Ang pariralang sa Cherished Moments School ang lugar na ginaganapan ng kilos ng
pandiwa.
Ang panaguri ‘predicate’ sa pangungusap ay nagpasadya ng damit sa Manila. Ang pandiwa sa bahaging panaguri
ay nagpasadya. Ang pariralang sa Manila ang lugar na ginganapan ng kilos ng pandiwa.
Ang panaguri ‘predicate’ sa pangungusap ay pinutol ni Roan sa pamamagitan ng gunting. Ang pandiwa sa
bahaging panaguri ay pinutol. Ang pariralang sa pamamagitan ng gunting ang ginamit na instrumento o
kasangkapan sa pagsasagawa ng kilos ng pandiwa.
B.6. Kaganapang sanhi
Ang kaganapang sanhi ay bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng pagkakapangyari ng kilos ng pandiwa.
Ang panaguri ‘predicate’ sa pangungusap ay naudlot dahil sa Covid19. Ang pandiwa sa bahaging panaguri ay
naudlot. Ang pariralang dahil sa Covid19 sa bansa ang dahilan ng pagkakapangyari ng kilos ng pandiwa.
Ang panaguro ‘predicate’ ay nagpunta sa Baguio. Ang pandiwa sa bahaging panaguri ay nagpunta. Ang
pariralang sa Baguio ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.
C. Pokus ng Pandiwa
Ayon kay Santiago (2013), ang pokus ng pandiwa ay relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng
pangungusap.
C.1. Pokus Tagaganap
Nasa pokus tagaganap ang pandiwa kung ang tagaganap ang paksa sa pangungusap.
Halimbawa: Si Abril ay nagreview para sa kaniyang nalalapit na borad exam.
Ang paksa sa pangungusap ay si Abbril. Ang pandiwa ay nagreview. Ang gumawa ng kilos ng pandiwa ay ang
paksa.
Halimbawa: 2. Nagluto si Roan ng sinigang para sa kanilang hapunan.
Ang paksa sa pangungusap ay si Roan. Ang pandiwa ay nagluto. Ang gumawa ng kilos ng pandiwa ay ang paksa.
C.2. Pokus Layon
Nasa pokus layon ang pandiwa kung ang layon ang paksa sa pangungusap.
Halimbawa: Nilitson ng pamilya ni Abril ang baboy bilang handa sa kaniyang kaarawan.
Ang paksa sa pangungusap ay ang baboy. Ang pandiwa ay nilitson. Ang paksa ay layon ng pandiwa.
C.3. Pokus Tagatanggap
Nasa pokus tagatanggap ang pandiwa kung ang tagatanggap ang paksa ng pangungusap.
Halimbawa: Ipinagluto ni Roan ang kaniyang pamilya ng arooz caldo.
Ang paksa sa pangungusap ay ang kaniyang pamilya. Ang pandiwa ay ipinagluto. Ang paksa ay pokus
tagatanggap.
C.4. Pokus Ganapan
Nasa pokus ganapan ang pandiwa kung ang lugar ang paksa ng pangungusap.
Halimbawa: Pinaglutuan ni Abril ang kabibiling kaldero.
Ang paksa sa pangungusap ay ang kabibiling kaldero. Ang pandiwa ay pinaglutuan. Ang paksa ay pokus ganapan.
C.5 Pokus kagamitan
Nasa pokus kagamitan ang pandiwa kung ang instrument/gamit/kasangkapan ang paksa ng pangungusap.
Halimbawa: