Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Sa susunod na

Nasaan ako?
Bakit parang iba ‘to?
Bakit parang nakapaninibago?

Ah teka, akala ko’y panaginip lamang


‘yun pala’y lubos na makatotohanan
Na may nakahahawang karamdaman
Kaya ang mga tao ay walang labasan
At tila ba nag-iiwasan

Teka, teka, teka


Hanggang ngayon ako’y nagtataka
Anong klaseng karamdaman ka ba talaga
‘di mabilang na pamilya ay tila ba sinira mon a
Hindi kana naawa pati ‘yung iba pinatay mo pa!
Hinto. Hinto. Halos huminto ang mundo sa normal nitong takbo
Nakansela ang eskwela at halos lahat ng trabaho
Kaya’y nanatili sa bahay ng ilang linggo
Subalit ito ang naging tulay upang ang bawat miyembro, ay sandal
munang prumeno…
Ang pamilya ay nakabuklod buklod at nagsama sama
Nagkaroon ng oras sa isa’t isa
Natutong tiisin ang laman ng mesa
Napagtantong sardinas ay masarap din pala

Ang kapaligiran. Masdan ang kapaligiran


Kung saan makikitang lubusan na halos wala nang sasakyan, mapalupa,
tubig o paliparan man
Kaya’t problemang polusyon ay sandaling nagkaroon ng solusyon

Binigyan mo ng halaga, oo, sa wakas nakita mo na ang saysay ng


kanilang presensya
Mga health workers at nurse na punong puno ng pasensiya
Magigiting na doctor na nagbibigay ng pag-asa
Janitor, sundalo at iba pa- Frontliners ang tawag sa kanila

Oh ano? Hindi mo ba napapansin?


Na sa mga araw na dumarating, sa kanya’y napapalapit kana rin.
Pananalig sa Panginoon ang nais kong bigyang diin. Dati rati’y wala kana
kamong oras sapagkat maraming gawain subalit ngayo’y taimtim na
hiling, panalangi’y dinggin.

Mahal, walang kasiguraduhan kung hanggang saan, hanggang kalian


Mahal, bagama’t natatakot ka, nagtataka, hindi alam kung saan ‘to
papunta
Sana maisip mo na hindi naman lahat negatibo talaga
Mayroon ding nangyayaring maganda, kagaya ng mga nabanggit ko
kanina

Sana ay nagising kana sa kung ano ba talagang mas mahalaga


Sana ay sa susunod na, “Nasaan ako? Bakit parang iba ‘to? Bakit parang
nakapaninibago?” ay mangiti na ako
Sapagkat ang pagbabago na pinagtataka ko ay positibo
Na imbes na malubhang karamdaman ang madatnan ko ay ang tamis ng
ngiti sa mga labi mo
Sinasambit ang katagang, “Salamat sa Diyos, nalagpasan ko. Nalagpasan
naming ‘to.”a
“Mangako ka”

‘Wag mong ipilit ang sarili mo na ika’y negatibo


Dahil ang totoo dapat kang maging positibo

Sa araw araw na ginawa ng Diyos


Nagyon ko napagtanto
Na ang buhay ay pagsusulit
Parang accounting
Ilang chapter ang tapusin, ilang kape ang ubusin
Pustahan kinabukasan ganon parin

Walang katiyakan ang ating kaligtasan


Kahit pa tayo’y punong puno ng kahandaan
Walang mayaman walang mahirap
Kapag ganti ng kalikasan ang siyang ating kalaban
Walang sikat ang maliligtas kung nakatakdang
Buhay nya’y magwawakas

Halika’t balikan mga pangyayari noong mga


Nakaraang buwan sa taong
Inaakala natin siyang magbibigay daan
Taong Dalawang Libo at Dalawampu
Teka bakit kailangan pang balikan
Hindi ba’t sakit lang naman ang iniwan

Buwan ng Enero ng marinig kong Taal daw ay nagaalburuto


Talaga nga naman Oh, gandang buena mano
Mga tao’y nabalot ng takot natakot na mabalot
Sino nga ba naman ang may gusto
Sa dami ng sabong isinakripisyo, mangingitim lang nang dahil sa abo
Mabuti nalang maraming tao ang nagpakatao
Ultimo pinaglumaang damit ni lolo nagawang ibigay para sayo

Di pa man natatapos ang buwang ito


Mga Australyano kabado paaano may kalbaryo
Saan ka pa nga naman tatakbo
Kung nasusunog na bansang mala palasyo

Nakalulungkot isipin pati alagang kanggaru di nagawang makatakbo


Bibilis pa naman ng mga ito kasing bilis nang ang news feed ko
mapuno ng samu’t saring reaksyon at komento
Si Idol Kobe ay namatay nang bumagsak ang sinasakyang eroplano

Kung problema lang sana’y nakakapreno


Edi sana walang naaagrabyado
Ang kaso, heto nanaman tayo
May sumusulpot na di naman natin kaano ano
Si kobe? Ahhhh
Dinugtungan lang ng letrang “d”

Isang pandemyang may lihim sayong pagsinta


Hahabulin ka niya biruin mo mula Tsina nasundan ka
Kaya ‘wag kang pasisilaw sa kinang ng korona bagkus ika’y dumistansya
Kung ayaw mong mga lalakeng may kabaong na karga ay sunduin ka
Tandaan mo PUI ka! Palaging Uunahing Iligtas
Kahit pa isa sa kanilang mga paa’y nasa hukay nakatatakot hindi ba?

Hiling ng marami ito na sana ang huli


Huling beses sa maraming pagsubok na nalampasan
Dahil kay Kristo na may pasan sa kabila ng ating mga kasalanan
Kaya’t taong Dalawang Libo at Dalawampu
Mangako ka
Ibigay samin ang minimithing PAG-ASA

Nikko Aljon R. De Jesus


BSA 1-D
Credits:
https://www.youtube.com/watch?v=J44saeOrrWc
https://www.youtube.com/watch?v=2BUNHd7ENZk

You might also like