Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Pagkatapos ng aralin ay inaasahan kong naipaliliwanag ang kabutihang

dulot ng pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak o isda.

ALAMIN NATIN!!!

Alin sa mga nakalarawan ang nais


mong alagaan kung bibigyan ka
ng pagkakataong maghayupan
ang iyong pamilya?
TUKLASIN NATIN!!!

Marami sa atin ang kinagigiliwan ang pag-aalaga ng hayop. Noong ikaapat


na baitang, pinag-aralan ang iba’t-ibang hayop na maaaring alagaan sa loob ng
tahanan. Halimbawa ng mga ito ay ang aso, pusa, kuneho, at kalapati. Natutuhan
ninyo na maaring mag-alaga nito di lamang bilang pet o pansariling alaga. Maari din
itong paramihin at pagkakitaan. Nabibilang dito ang pag-aalaga ng baboy, baka,
kalabaw, kambing, manok, pato, pugo, at iba pang kauri nito.

Ito ang mga hayop na karaniwang inaalagaan sa bukid, sakahan, o


probinsiya na may malawak na lupa at pastulan. Isa sa mga pangunahing
pinagkakakitaan sa bansa ang paghahayupan. Dapat na malayo ito sa lugar na
residensiyal upang hindi maapektuhan ang mga mamamayan sa maaaring idulot ng
amoy mula sa babuyan o manukan. Kailangan ang ibayong pag-aalaga sa mga hayop
upang matiyak na malusog at malinis ito at ligtas na kainin.

Ang pag-aalaga ng hayop ay


nakatutulong sa kabuhayan ng isang
mag-anak. Hindi lamang ito isang
panghanapbuhay kundi isang libangan
na nagbibigay-kasiyahan sa tao.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pag-aalaga ng Manok at Iba Pang Kauri

Ang puhunan sa pag-aalaga ng hayop gaya ng manok, pugo, at iba pang


kauri nito ay depende sa uri, sa dami, at sa mga pangangailangan ng hayop. Kung
anumang naiisip at pinaplanong aalagaang hayop, tiyakin na may sapat na puhunan
upang ang mga pangangailangan ng hayop ay maibigay.

May kaakibat ding responsibilidad ang pag-aalaga ng mga manok, marami


din ang mga dapat na isasaalang-alang bago ang pagtatayo ng manukan. Narito ang
mga dapat na isaalang-alang sa pag-aalaga ng mga manok:

1. Uri ng manok na aalagaan 6. Mga taong mag-aalaga


2. Pagkukunan ng malinis na tubig 7. Panahong ilalaan
3. Bahay o kulungan 8. Angkop at ligtas na lugar
4. Pagtatapunan ng dumi 9. Kapital o puhunan
5. Pagkain o feeds

Pagpili ng Hayop na Aalagaan

Maraming mahalagang bagay ang kailangang isaalang-alang sa pagpili ng


hayop na aalagaan. Kung ang layunin sa pagpasok sa paghahayupan ay ang ipagbili
ang mga ito at pagkakitaan, mahalagang matiyak ang ilang bagay. Kabilang sa mga
ito ang sumusunod.

1. Puhunang kakailanganin
2. Inaasahang kikitain
3. Pagkakaroon ng market demand o sapat na mamimili ng uri ng hayop na aalagaan
4. Dami ng kakompetensiya sa pagbebenta

Mas makatitiyak ng tagumpay sa proyekto kung magsasaliksik at pag-


aaralan muna ang mga nabanggit bago gumawa ng desisyon.

Kahalagahang Dulot ng Pag-aalaga ng Manok at Iba Pang Kauri


Ang pag-aalaga ng manok at iba pang kauri ay kapaki-pakinabang na
gawain. Narito ang mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng manok at iba pang kauri:

1. Napagkukunan ito ng pagkain tulad ng karne at itlog.


2. Nagbibigay ng dagdag kita sa mag-anak.
3. Nagdudulot ito ng kasiyahan sa pamilya at nagsisilbing libangan ng mag-anak.
4. Natutugunan ang problema ng bansa sa kasalatan ng pagkain at kawalan ng
hanapbuhay ng tao.
5. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili at nagiging responsable at maalalahanin.
6. Nakatitipid sa gastusin ng pamilya.

Napakalaking tulong ng pagsasaliksik sa internet sa pangangalap ng


impormasyon na makatutulong sa pagpili ng hayop na aalagaan.

Sa pamamagitan ng internet, makahahanap ng impormasyon tungkol sa:

 Matatagumpay na taong pumasok sa paghahayupan


 Mga naging karanasan ng ibang taong pumasok sa paghahayupan
 Mga subok at matatagumpay na pamamaraan ng paghahayupan
 Kalakasan at kahinaan ng pag-aalaga ng bawat uri ng hayop

Mgay Hayop na Maaaring Alagaan


Madaling mag-alaga ng manok kahit sa maliit na lugar. Maaaring mais at
palay lamang ang pagkain ng mga ito. Kung maluwag ang bakuran, naghahanap din
ito ng mga uod sa lupa o sa damuhan. Ganito ang karaniwang pag-aalaga sa
katutubong manok o native chicken. Karaniwang makikita ang ganitong eksena sa
bakuran ng ilang residente sa probinsiya.

May piling mga manok na kailangan ang wastong paraan ng pag-aalaga


upang maparami at makapagbigay ng karne at sariwang mga itlog. Kailangan ang
maluwag na kulungan at may sapat na bentilasyon, may painuman, patukaan,
salalayan ng dumi, at dapuan. Taliwas naman ito sa katutubong manok na
maaaring mabuhay kahit saan sa bakuran. Ito ang tinatawag na free range
chicken.

Uri ng Manok na Aalagaan

Matatagpuan sa poultry farms ang dalawang uri ng manok.

1. Layer – inaalagaan ang manok na ito para sa mga itlog nito. Upang regular na
mangitlog ang layer, kailangan malayo ang mga ito sa ingay. Ang malakas na ingay
ay nakaaapekto sa pangingitlog ng layer. Kailangan ng asin para sa magandang
pangingitlog ng layer.

2. Broiler – inaalagaan ang manok na ito para sa taglay nitong karne. Ito ang uri
ng manok na niluluto sa mga fast food restaurant, palaman sa sandwich, o
ginagawang nuggets o chicken balls. Inaalagaan sa ating bansa ang lahing
banyaga tulad ng Lancaster, New Hampshire, Bantres, White Leghorn at
Plymouth. Tinatawag din itong fryer o manok na piniprito.
TALAAN NG MGA KAGAMITAN AT KASANGKAPAN SA PAG-AALAGA

Narito ang mga kagamitang kailangan sa kulungan ng mga alagang manok:

1. Para sa mga bagong pisang sisiw kailangang lagyan ng ilaw o bombilyang may 50
watts upang mainitan ang mga sisiw sa araw at gabi hanggang 15 araw.

2. Kailangang maglagay ng lalagyan ng inumin. Ang painuman ay laging panatilihing


malinis.

3. Kung ang kulungan ay nasa hanginan, kailangang takpan ng mga tuyong dahon ang
bahay ng mga sisiw.

4. Kailangan na lalagyan ng patuka. Ang patukaan ay dapat nasa loob o harapan ng


kulungan. Ito ay dapat gawa sa yero, kahoy, o biyak na kawayan, pahaba may lalim
na apat na pulgada para hindi matapon ang laman.

5. Kailangang matibay ang kulungan upang hindi mapasukan ng ibang mga hayop at
kainin ang mga ito.
Pagkain ng Alagang Manok

Dahil nga hindi karaniwang manok ang inaalagaan, hindi rin basta palay o
mais ang pagkain ng mga ito. May angkop na pagkain para sa uri ng manok na
inaalagaan.

1. Starting mash – Pagkain ito para sa mga bagong pisang sisiw hanggang anim na
lingo.

2. Growing mash – Ibinibigay ito bilang pagkain para sa anim na lingo hanggang
handa nang ipagbili o hanggang sa mangitlog ang inahin.

3. Laying mash – Ibinibigay ito sa mga manok na nagsisimulang mangitlog.

PAG-AALAGA NG PATO
PAG-AALAGA NG PUGO

Tulad ng ibang hayop, ang karne at itlog ng pugo ay maaaring kainin. Ang
dumi at balahibo nito ay mahusay na napagkukunan ng pataba o organikong abono.
Ang produksiyon at pagpaparami ng pugo ay nagbibigay ng dagdag na kita sa mga
naninirahan sa mga lugar. Para sa mga nagsisimula pa lamang, maaring alagaan ang
lahing Japanese Seattle. Mahusay itong mangitlog at malaman pa. Ang pugo na
mabilis lumaki at dumami ay galing sa Bulacan, Rizal, at Batangas.

Mga Dapat Tandaan sa Pag-aalaga ng Pugo:

1. Ang batang pugo ay binibigyan ng starting mash hanggang isang buwan.

2. Ang inahin ay nagsisimulang maglahi pagkaraan ng 40 araw. Nakatayo kung


mangitlog ang pugo.

3. Nilalagyan ng buhangin ang kahoy na pangingitlugan ng pugo upang hindi mabasag


ang itlog nito.

4. Madaling magulat ang pugo kaya kailangang tahimik ang paligid sa oras ng
pangingitlog.
Mga Karagdagang Kaalaman sa Pag-aalaga ng mga Hayop

1. Bigyan ng Sapat na Liwanag at Bentilasyon

Ang sapat na bentilasyon sa mga alagang hayop ay nagbibigay ng hustong


oxygen. Ang kakulangan ng oxygen sa mga alagang hayop ay sanhi ng panghihina at
madaling dapuan ng sakit.

2. Maaliwalas na Lugar

Iwasan ang pagsisiksikan ng alagang hayop sa kulungan. Ito ang sanhi ng


pagkamatay ng hayop. Hindi rin maganda ang paglaki ng mga nito.

3. Tamang Paraan ng Pagpapakain

Ang pagbibigay ng sapat at tamang pagkain para sa mga alagang hayop ay


makabubuti para sa magandang produksiyon. Ang pagkain na ibinibigay para sa mga
hayop ay naaayon sa edad ng mga ito. Mahalagang ikonsulta sa isang beterinaryo
ang mga hayop upang mabigyan ng sapat na pag-aalaga.

4. Kalinisan at Kaayusan

Ang pagpapanatiling tuyo at malinis na kulungan ay nakabubuti para


maiwasan ang pagkakaroon ng parasite at iba pang peste na nagdudulot ng iba’t-
ibang sakit sa alagang hayop.

5. Kapaligiran

Maging alerto sa pagbabago o pabago-bagong klima o panahon. Dapat ay


may alternatibong gagawin sa bawat uri ng panahon.
6. Maglagay ng mas maraming pakainan o painuman para sa mga alagang hayop

7. Pabakunahan ang mga alagang hayop laban sa peste at sakit.

8. Ihiwalay ang mga alagang may sakit upang hindi mahawa ang malulusog na hayop.

Mga Panuntunang Pangkalusugan sa Pag-aalaga ng Hayop

Pag-aralan ang sumusunod na mga panuntunan tungkol sa pag-aalaga ng


hayop:

1. Mahalagang tuyo at malinis ang tirahan ng hayop.

2. Huwag bibigyan ng sariling medikasyon ang mga alagang hayop na may malubhang
kalagayan.

3. Isangguni sa beterinaryo ang mga alagang hayop lalo na kung may masamang
kalagayan.

4. Ihiwalay kaagad ang mga hayop na may sakit.

5. Ibaon agad sa lupa ang mga gamot kung hindi na maaaring gamitin upang
maiwasan ang aksidente.

6. Sunugin ang mga hayop na namatay sa sakit upang hindi na kumalat at mahawa pa
ng sakit ang ibang hayop.

7. Gumamit ng bota, guwantes, mask o plastic na damit sa paglilinis ng kulungan at


sa pag-aasikaso ng alagang hayop na may sakit.

8. Maglinis ng katawan pagkatapos gampanan ang gawain.


PAGYAMANIN NATIN!!!

Sagutin ang sumusunod sa iyong kuwaderno.

1. Bakit kawiwilihan ang pag-aalaga ng manok, pato, at pugo?

2. Paano inaalagaan ang manok? Pato? Pugo?

3. Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ang pagpaparami ng manok at


mga kauri nito?

4. Bakit kailangang sunugin ang mga hayop tulad ng pugo, pato, at manok kapag
namatay dahil sa sakit?

5. Paano napangangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng nag-aalaga ng hayop?


https://www.youtube.com/watch?v=FFOv-CFlfbQ

You might also like