Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 48

8

Araling Panlipunan 8
Quarter 2 – Module 2: Pag-usbong at
Pag-unlad ng mga Klasikong
Kabihasnan sa Africa, America, at
mga Pulo sa Pacific
Araling Panlipunan - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 – Module 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikong Kabihasnan
sa Africa, America, at mga Pulo sa Pacific
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent
nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module

Writer: Krisha Faith M. Pit

Reviewers: Norebel A. Balagulan, PhD, Elvira Ruvi U. Camocamo,


Corazon A. Lituaňas, Ph. D., Lila C. Quijada

Illustrator: Jay Michael A. Calipusan

Layout Artist: Jay Michael A. Calipusan

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
CID Chief

Members: Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – Araling Panlipunan


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address: Brgy. 23,National Highway,Gingoog City


Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Quarter 2 - Module 2:
Pag-usbong at Pag-unlad ng mga
Klasikong Kabihasnan sa Africa,
America, at mga Pulo sa Pacific
This page is intentionally blank
Tala ng mga Nilalaman
Paunang Salita .....................................................Error! Bookmark not defined.
Alamin ..................................................................Error! Bookmark not defined.
Pangkalahatang Panuto: ................................................................................ ii
Mga Icon ng Modyul na ito ..................................................................................................... ii
Subukin ................................................................Error! Bookmark not defined.
Panimulang Pagtataya: ..................................................... Error! Bookmark not defined.

Aralin 1
Kabihasnang Klasikal sa America .....................Error! Bookmark not defined.
Alamin .................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Tuklasin ..............................................................................Error! Bookmark not defined.-2
Gawain 1: Larawan Ko, Hula Mo ...................................... Error! Bookmark not defined.
Suriin ..................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Kabihasnang Olmec .......................................................... Error! Bookmark not defined.
Kabihasnang Maya ............................................................ Error! Bookmark not defined.
Pagyamanin .......................................................................... Error! Bookmark not defined.
Gawain 2: Data Information Chart..................................... Error! Bookmark not defined.
Suriin ..................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Kabihasnang Aztec............................................................ Error! Bookmark not defined.
Kabihasnang Inca .............................................................. Error! Bookmark not defined.
Pagyamanin .......................................................................... Error! Bookmark not defined.
Gawain 3 : Diagram ng Kabihasnan ................................. Error! Bookmark not defined.
Isaisip .................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Gawain 4: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan)Error! Bookmark not
defined.
Isagawa ................................................................................. Error! Bookmark not defined.
Gawain 5: Sanay-Suri........................................................ Error! Bookmark not defined.

Aralin 2
Mga Kaharian at Imperyo sa Africa ...................Error! Bookmark not defined.
Balikan ................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Gawain 1: Muling Ibalik ..................................................... Error! Bookmark not defined.
Alamin .................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Tuklasin ................................................................................. Error! Bookmark not defined.
Gawain 2: Bigyang Kulay .................................................. Error! Bookmark not defined.
Suriin ..................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Heograpiya ng Africa ......................................................... Error! Bookmark not defined.
Ang Kalakalang Trans-Sahara .......................................... Error! Bookmark not defined.
Ang Pagpasok ng Islam sa Kanlurang Africa ................... Error! Bookmark not defined.
Mga Kabihasnan sa Africa ................................................ Error! Bookmark not defined.
Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan ............................. Error! Bookmark not defined.
Pagyamanin .......................................................................... Error! Bookmark not defined.
Gawain 3: Pagsagot sa Chart ........................................... Error! Bookmark not defined.
Suriin………………………………………………………………………………………………..
Ang Imperyong Ghana…………………………………………………………………………
Ang Imperyong Mali……………………………………………………………………………
Ang Imperyong Songhai……………………………………………………………………….
Pagyamanin………………………………………………………………………………………..
Gawain 4: Triple Diagram
Isaisip .................................................................................... Error! Bookmark not defined.

Gawain 5: History Makers ................................................. Error! Bookmark not defined.


Isagawa ................................................................................. Error! Bookmark not defined.
Gawain 6: Alternating Flow Chart ..................................... Error! Bookmark not defined.

Aralin 3
Mga Kabihasnan sa Pulo ng Pacific ..................Error! Bookmark not defined.
Balikan ................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Gawain 1: Alalahanin......................................................... Error! Bookmark not defined.
Alamin .................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Tuklasin ................................................................................. Error! Bookmark not defined.
Gawain 2: Mapa-Suri ......................................................... Error! Bookmark not defined.
Suriin ..................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Polynesia ........................................................................... Error! Bookmark not defined.
Micronesia ......................................................................... Error! Bookmark not defined.
Melanesia .......................................................................... Error! Bookmark not defined.
Pagyamanin .......................................................................... Error! Bookmark not defined.
Gawain 3: Pagsagot sa Chart ........................................... Error! Bookmark not defined.
Isagawa ................................................................................. Error! Bookmark not defined.
Gawain 4: Noon at Ngayon ............................................... Error! Bookmark not defined.

Buod .....................................................................Error! Bookmark not defined.


Pagtatasa .............................................................Error! Bookmark not defined.
Susi sa Pagwasto ................................................Error! Bookmark not defined.
Sanggunian ..........................................................Error! Bookmark not defined.
Paunang Salita
Ikaw ba ay may nalalaman na tungkol sa America, Africa o mga pulo sa Pacific?
Naririnig mo ba ito sa balita sa telebisyon o nababasa sa mga aklat?
Maaaring ang mga kabihasnang ito ay makakakatulong sa atin upang mainitindihan
natin ang ating sariling kasaysayan, maaaring tungkol sa ating pinagmulan o mga pangyayari
na magbibigay kahulugan sa ating mga kaugalian.
Mapag-aaralan mo sa modyul na ito ang pag-usbong at pag-unlad ng mga imperyo sa
America, Africa, at mga pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung paano nakaimpluwensiya ang
mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit
na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan. Maipapahayag mo rin ang
pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang
kamalayan.

Alamin

Lahat ng bagay dito sa mundo ay nagbababago, kahit ikaw sa iyong sarili ay


nagbababago rin. Upang mas lalong maintindihan ang pinagmulan ng mga pagbabago sa
iyong paligid, mas mainam na malaman mo ang kasaysayan nito.
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa pagkakatatag at mga kontribusyon
ng Kabihasnang Greek at Roman sa mundo. Tatalakayin naman sa susunod na aralin ang
pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa: Africa, America, at mga pulo sa
Pacific.
Sa bahaging ito, inaasahang masusuri mo ang pag-usbong at pag-unlad ng
kabihasnang Klasikal ng America, Africa, at mga Pulo sa Pacific sa daigdig. Inaasahan
ring masusuri mo ang kahalagahan ng mga kontribusyong ito sa kasalukuyang panahon.
Sikaping suriin ang nilalaman ng bahaging ito ng aralin at sagutin ang mga gawain upang lalo
pang mapagyaman ang iyong kaalaman sa paksa. Simulan na!

i
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

Mga Icon ng Modyul na ito

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
Suriin
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
Pagyamanin
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa.
Naglalaman ito ng mga katanungan upang
Isaisip maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

ii
Subukin

Panimulang Pagtataya:

Panuto: Ngayon, subukang sagutin ang paunang pagtataya na magtatakda kung ano na
ang iyong alam sa mga aralin. Bigyang-pansin ang mga katanungan na hindi mo
masasagutan nang wasto at alamin ang sagot sa mga aralin sa modyul na ito. Handa ka na
ba? Simulan mo na ang pagsagot.

1. Pinalawig ng mga pinunong tinatawag na halach uinic ang mga pamayanang urban
na sentro rin ng kabihasnang Maya sa pagsamba ng kanilang mga diyos. Ano ang
ibig sabihin ng halach uinic?
A. tunay na lalaki C. tunay na pinuno
B. tunay na kakaiba D. tunay na tagapaglingkod

2. Ano ang dahilan ng paghina ng ekonomiya at kabuhayan ng kabihasnang maya?


A. Mayaman at maunlad ang mga lungsod-estado ng Maya.
B. May mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdulot ng sobrang produkto.
C. Nagdulot ng kaguluhan at kahirapan ang madalas na digmaan sa pagitan ng
mga lungsod-estado.
D. Pagkawala ng sustansiya ng lupa. Ang paglaki ng populasyon ay nagdulot
ng suliranin sa suplay ng pagkain.

3. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?


A. Dahil marami ito sa kanilang lugar.
B. Dahil ito ay ginagawa nilang gamut.
C. Dahil ito ay nagsisilbing pampalasa sa kanilang mga pagkain.
D. Dahil ginagamit ito upang mapreserba ang kanilang mga pagkain.

4. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai


sa pag-unlad nito?.
A. Nagsilbing natural na proteksyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng
Sahara
B. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng
pagsasaka
C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at
kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop
D. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang
produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa
Sahara

5. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos upang
mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng daigdig. Ano ang
kadalasang ginagawa ng mga Aztec para mapasaya ang kanilang mga diyos?
A. Nag-aalay ng tao.
B. Nag-aalay ng hayop.
C. Nagsasagawa ng ritwal.
D. Nagkakaroon ng piyesta.

6. Ang sumusunod ay mga paraan upang mapangalagaan ng mga Polynesin ang


kanilang mana maliban sa isa?
A. Dapat ay mag-alay ng dugo ng hayop sa kanilang diyos
B. Bawal pumasok sa isang banal na lugar ang karaniwang tao.
C. Ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang
mapanganib na gawain ay dapat nakabukod.
D. Bawal ang mga kalalakihan na makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat
nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana.
iii
7. Ang kabihasnang ito ay tanyag sa kanilang malawak at maayos na kalsada at rutang
patubig ng mga lungsod-estado.
A. Aztec C. Maya
B. Inca D. Olmec

8. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific?
A. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa pulo ng Pacific ay Animismo.
B. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa
o dagat-dagatan.
C. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay
pagsasaka at pangingisda.
D. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa
banal na kapangyarihan o mana.

9. Ano ang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Songhai?


A. Mahihina ang mga pinuno.
B. Kakulangan sa makabagong armas.
C. Kakulangan sa mga malalakas na kawal.
D. Maliit lamang ang nasasakupang teritoryo.

10. Marami ang naging dahilan ng pagbagsak ng sibilisasyong Mayan. Alin sa


sumusunod ang HINDI kasali?
A. Epidemya
B. Natural na kalamidad
C. Pagpasok ng dayuhan
D. Hindi pagsunod sa kanilang pinuno

iv
This page is intentionally blank
Kabihasnang Klasikal sa
Aralin America
1
Alamin

Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga Sinaunang Kabihasnan sa


Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerica.
Nagsimula ito sa kabihasnang Olmec at Maya, sinundan ng kabihasnang Aztec at Inca.
Ang mga kabihasnang ito ay mayroon nang sariling pamamaraan sa pagtataguyod ng
kanilang politikal, espirituwal at sosyal na aspeto ng kanilang lipunan. Sa araling ito ay mas
malalaman mo ang pagkakaiba at pagkakatulad ng kabihasnang Olmec, Maya, Aztec at Inca.

Tuklasin

Gawain 1: Larawan Ko, Hula Mo

Panuto: Piliin sa Hanay B ang tamang salita na nagbibigay katawagan sa mga larawan na
nasa Hanay A. Isulat ang titik ng inyong sagot.

HANAY A HANAY B
1.

A. CHINAMPAS

https://www.atlasobscura.com/places/pyramid-kukulcan-chichen-itza

1
2.

B. HALACH UINIC

http://natureontheedgenyc.blogspot.com/2012/12/mayan-calendar-
end.html

3.

C. MAYAN CALENDAR

https://www.thinglink.com/scene/568494545231151105

4.

D. OBSIDIAN KNIFE

https://www.ancient-origins.net/ancient-places-americas/chinampas-
floating-gardens-mexico-001537

5.

E. PYRAMID OF KULKULCAN

https://www.pinterest.ca/pin/283093526563547503/

2
Suriin

KABIHASNANG OLMEC (1500-500 B.C.E)


Ang kabihasnang Olmec ang kauna-unahang pangkat na umusbong sa gitnang
America. Tinawag silang Olmec, na nangangahulugang “rubber”, dahil sila ang unang
gumamit ng dagta ng punong rubber o goma.

https://www.slideshare.net/yajespina/kabihasnang-olmec

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Olmec. Nagtayo sila ng kanilang


sistemang irigasyon upang masaka ang kanilang lupain. Sila rin ay nakagawa ng kalendaryo,
gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics ng mga
Egyptian, at nakalinang ng katangi-tanging akda ng sining. Naunawaan na rin nila ang
konseptong zero sa pagkukuwenta. Sa kasamaang palad ang kanilang sulat ay hindi pa
lubusang nauunawaan ng mga iskolar hanggang ngayon kaya mayroong limitasyon sa
pagbibigay ng impormasyon tungkol sa ibang pangyayari sa kanilang kasaysayan. Dahil dito
ang mga kaalaman sa Olmec at iba pang mga sinaunang tao sa America ay hango mula sa
iba pang labi ng kanilang panahon. Ang mga likhang ito at maging ang paniniwalang Olmec
ay may malaking impluwensiya sa kultura ng mga sumunod na kabihasnan, tulad ng Maya at
Aztec.

Kulturang Olmec
Larong Pok-a-tok Ang larong ito ay isang rituwal na ukol sa
paniniwala ng mga Olmec. Ito ay
kahalintulad sa larong basketbol ngunit
hindi maaaring hawakan ng manlalaro ang
bola, sa halip ay gagamitin nila ang kanilang
siko at baywang upang maipasok ang bola
na yari sa goma sa isang maliit na ring na
gawa sa bato at nakadikit sa mataas na
pader. Pinaniniwalaan ng mga arkeologo na
ang ilang mga manlalaro ay ginagawang
sakripisyo pagkatapos ng laro. Ang larong
ito ay ginagamit na rin ng mga ibang
http://daigdig-kasaysayan.blogspot.com/2015/10/ka-bi.html
kabihasnan sa Mesoamerica.

Lilok ng anyong ulo mula sa mga bato Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglililok ng
mga anyong ulo mula sa mga bato. Sa
3
katunayan, ang pinakamalaking ulo ay may
taas na siyam na talampakan at may bigat
na 44 libra. Maaari diumanong ang mga lilok
na ito ay hango sa anyo ng kanilang mga
pinuno. Sila rin ay nakagawa ng mga
templong hugis-piramide sa ibabaw ng mga
umbok ng lupa. Ang mga estrukturang ito ay
nagsilbing mga lugar-sambahan ng
kanilang mga diyos.
https://www.slideshare.net/yajespina/kabihasnang-olmec

Hayop na jaguar Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang


hayop na jaguar na pinakakinatatakutan ng
maninila (predator) sa Central America at
South America. Ito ay nagpapakita ng lakas,
katusuhan, at kakayahang manirahan
saanmang lugar. Ito rin ay agresibo at
matapang. Sinasamba ng mga Olmec ang
espiritu ng jaguar.

https://www.pinterest.ph/pin/349099408589992152/

Kabihasnang Maya (250 C.E. – 900 C.E.)


Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog
Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod ng Maya tulad ng
Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. Nakamit ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan
sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E.

https://www.slideshare.net/danz_03/ap-iii-ang-mga-kabihasnan-sa-amerika

Nang lumaon, naitayo ng mga Maya ang mga lungsod-estado. Ang mga lungsod-
estado ay nag-uugnay sa pamamagitan ng maayos na kalsada at rutang pantubig. Ipinapakita
ng kabihasnang Maya ang kaayusan ng kanilang lugar. Nahahati ang lipunan ng tao,
magkahiwalay ang tirahan ng mga mahihirap at mga nakaririwasa. Ang sentro ng bawat
lungsod-estado ay mayroong pyramid na ang itaas na bahagi ay may dambana para sa mga
diyos. May mga templo at palasyo sa tabi ng pyramid.

4
Sa larangan ng ekonomiya, pangunahing produktong pangkalakal ay ang mais, asin,
tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy at balat ng hayop. Sila rin ay nagtatanim sa
pamamagitan ng pagkakaingin. Mainam ang pananim nila sa mais, patani, kalabasa,
abokado, sili, pinya, papaya, at cacao. Dahil sa agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay ng
mga Maya, mahalaga sa kanila ang magsamba sa kanilang diyos na may kaugnayan sa
pagtatanim at ang tungkol sa ulan.

Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 C.E. Subalit sa
pagtatapos ng ikawalong siglo C.E., ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng
kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak. Sa
pagitan ng 850 C.E. at 950 C.E., ang karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang
inabandona o iniwan. Wala pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak ng
Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki
ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari
rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon ng pagkain batay sa mga
nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay
natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito.

Pyramid of Kukulcan
https://www.atlasobscura.com/places/pyramid-kukulcan-chichen-itza
Kasingtuald ng pyramid ang estrukturang ito. Subalit, mapapansin na ang itaas na
bahagi nito ay patag. Sa loob nito ay may altar kung saan isinasagawa ang pag-aalay. Gawa
ang pyramid mula sa malalaking bato. Mayroon itong apat na panig na may mahabang
hagdan. Ipinagawa ang templo upang pagdausan ng mga seremonyang panrelihiyon. Ito ay
parangal para kay Kukulcan, ang tinaguriang “God of the Feathered Serpent”. Ang pyramid
na ito ay patunay ng mataas na kaalaman ng mga Mayan sa arkitektura, inhenyeriya, at
matematika.

Isang maunlad na kabihasnan ang nabuo ng mga Mayan. Makikita sa diyagram ang
mga sanhi ng kanilang paglakas at pagbagsak.

Paglakas at Paghina ng Imperyo ng Mayan


Imperyong Mayan Paglakas Paghina
Pamahalaan at Tapat ang mga nasasakupan Palagiang nakikidigma ang
Relihiyon sa pinuno. Siya ay namumuno mga pinuno at kaniyang
sa pamahalaan at relihiyon. nasasakupan upang makahuli
Napag-isa ang mga ng mga alipin na iaalay sa
mamamayan dahil sa iisang kanilang mga dioyos.
paniniwala.
Ekonomiya at May mahusay na sistema ng Pagkawala ng sustansiya ng
Kabuhayan pagtatanim na nagdudulot ng lupa. Ang paglaki ng
sobrang produkto. populasyon ay nagdulot ng
suliranin sa suplay ng pagkain.
Mga Lungsod-Estado Mayayaman at maunlad ang Nagdulot ng kaguluhan at
mga lungsod-estado ng kahirapan ang madalas na
Mayan. digmaan sa pagitan ng mga
lungsod-estado.
5
Tandaan mo!
Ang mga Olmec ang kauna-unahang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerica.
Tinawag silang Olmec o “rubber people” dahil sila ang kauna-unahang gumamit ng dagta
ng punong goma. Mayroon na silang mga diyos na sinasamba at mahilig silang maglilok ng
mga bato na hugis ulo.
Ang mga Maya naman ay sumusunod sa kanilang pinuno na tinatawag na “halach uinic”
o nangangahulugang tunay na lalaki. Maayos na ang kanilang lipunan dahlia nakapagtatag
na sila ng mga lungsod-estado at mayroon ng malawak na kalsada at rutang pantubig. Sila
ay mas naniniwala sa diyos ng kanilang pananim at ulan. Simasamba nila ang kanilang
diyos sa mga temple at nag-aalay sila sa itaas na bahagi ng pyramid. Maraming naging
dahilan ng pagbagsak ang kabihasnang Maya tulad ng palagiang digmaan, pagkawala ng
sustansiya ng lupa, at ang labis na kaguluhan at kahirapan.

Pagyamanin

Gawain 2: Data Information Chart


Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng chart na ito ang pagkakaiba ng kabihasnang Olmec at
Maya pagdating sa kanilang lokasyon, lipunan, ekonomiya, relihiyon at paniniwala, at ang
dahilan ng pagbagsak.

Batayan Kabihasnang Olmec Kabihasnang Maya

A. Lokasyon

B. Lipunan

C. Ekonomiya

D. Relihiyon at
Paniniwala

6
Suriin

Kabihasnang Aztec (1200 – 1521)

Kung ang mga Maya ay nagtatag ng kanilang Kabihasnan sa timog na bahagi ng


Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay naging makapangyarihan sa gitnang bahagi nito.
Matatandaan na sa bahagi ring ito umusbong ang sinaunang Kabihasnang Olmec. Bunga
nito, ang pamumuhay at paniniwala ng mga Aztec ay may impluwensiya ng mga Olmec.
Subalit, hindi tulad ng mga Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng kanilang teritoryo. Mula
sa dating maliliit na pamayanang agrikultural sa Valley of Mexico, pinaunlad ng mga Aztec
ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo. Kinontrol nila ang mga karatig lupain
sa gitnang bahagi ng Mesoamerica.

Mapa ng Kabihasnang Aztec


https://www.slideshare.net/noemiadaomarcera/kabihasnang-klasikal-sa-mesoamerika-at-timog-amerika

Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy.
Unti-unti silang tumungo sa Lambak ng Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E. Ang salitang
Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,”isang mitikong lugar sa Hilagang
Mexico.

Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng Tenochtitlan, isang maliit na isla sa gitna
ng lawa ng Texcoco. Ang Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang
lungsod ay naging mahalagang sentrong pangkalakalan.
Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga
Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila nito, hindi sapat ang lawak ng lupain
upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Ang hamong ito ay
matagumpay na natugunan ng mga Aztec.

Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak. Upang
madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga Aztec ang mga sapa at
lumikha ng mga chinampas, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden.
Wala silang kasangkapang pambungkal ng lupa o hayop na pantrabaho. Nagtatanim
sila sa malambot na lupa na ang gamit lamang ay matulis na kahoy.

7
• Nagtanim sila ng mais, patani, kalabasa,
abokado, sili at kamatis

• Nag-alaga sila ng pabo, aso, pato at gansa

https://www.slideshare.net/noemiadaomarcera/kabihasnang-klasikal-sa-mesoamerika-at-timog-amerika

Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga puwersa
ng kalikasan at sinasamba ang mga ito bilang mga diyos. Ang pinakamahalagang diyos nila
ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw. Mahalaga ang sikat ng araw sa pananim ng mga
magsasaka kaya sinusuyo at hinahandugan ang naturang diyos. Mahalaga rin sina Tlaloc,
ang diyos ng ulan at si Quetzalcoatl. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas
ang mga diyos na ito upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng
daigdig. Dahil dito, ang mga Aztec ay nag-alay ng tao. Ang mga iniaalay nila ay kadalasang
bihag sa digmaan bagama’t may mga mandirigmang Aztec na nagkukusang-loob ialay ang
sarili.

Sa pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang militar at


ekonomiko ng mga Aztec. Ang isa sa mga nagbigay-daan sa mgapagbabagong ito ay si
Tlacaelel, isang tagapayo at heneral. Itinaguyod niya ang pagsamba kay Huitzilopochtli.
Kinailangan din nilang manakop upang maihandog nila ang mga bihag kay Huitzilopochtli.
Ang paninindak at pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan sa mga naging kaparaanan upang
makontrol at mapasunod ang iba pang mga karatig-lugar na ito. Ang mga nasakop na lungsod
ay kinailangan ding magbigay ng tribute o buwis. Dahil sa mga tribute at mga nagaping estado,
ang Tenochtitlan ay naging sentrong pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa
Pacific Ocean haggang Gulf of Mexico at mula sa hilagang Mexico hanggang sa Guatemala.

Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga estruktura tulad


ng mga kanal o aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon, liwasan, at mga
pamilihan.

Ang biglaang pagbaba ng populasyon ng mga Aztec ay dulot ng epidemya ng


bulutong, pang-aalipin, digmaan, labis na paggawa, at pagsasamantala. Sa kabuuan,
tinatayang naubos ang mula 85 hanggang 95 bahagdan ng kabuuang katutubong populasyon
ng Mesoamerica sa loob lamang ng 160 taon.

Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519, natigil ang
pamamayani ng mga Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang namuno sa ekspedisyong
Espanyol na nanakop sa Mexico. Inakala ni Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang
pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing pagbabalik ng kanilang diyos na si
Quetzalcoatl dahil sa mapuputingkaanyuan ng mga ito.Noong 1521, tuluyang bumagsak ang
Tenochtitlan.

KABIHASNANG INCA (1200-1521)


8
Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa hilagang-kanlurang
bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco
Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado.
Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Hango ito sa pangalan ng
pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Unti-unting pinalawig ng
mga Inca ang kanilang teritoryo hanggang sa masakop nito ang 3,220 kilometro kuwadrado
sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng
Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina.
Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang lipunang Inca sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sa ilalim ni Topa Yupanqui
(1471-1493), pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at
Chile. Napasailalim din sa kaniyang kapangyarihan ang estado ng Chimor o Chimu na
pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna
Capac, nasakop ng imperyo ang Ecuador.

Sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532,


ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia
hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian
tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa mga nasakop na bagong teritoryo, unti-
unting humina ang imperyo. Dagdag pa rito ang tila napakalaking saklaw ng Imperyong Inca
na naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa sa Cuzco. Nariyan din ang malaking
pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.

Samakatuwid, ang imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa ng epidemya


ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na conquistador o mananakop na Espanyol.
Sa katunayan, si Huayna Capac, isa sa mga pinuno ng Inca, ay namatay sa isang epidemya
noong 1525. Ang pagpanaw na ito ay nagdulot ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina
Atahuallpa at Huascar. Sa huli, nanaig si Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro habang
naglalakbay ito patungong Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro ang Atahuallpa at
pinatubos ng pagkarami-raming ginto. Noong 1533, pinapatay si Atahuallpa at makalipas ang
isang taon, sinakop ng mga Espanyol ang Cuzco gamit lamang ang maliit na hukbo.

Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong


teknolohiyang dala ng mga dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa mga Inca ay
nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili rito nang halos 30 taon. Hindi nagtagal,
ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru ay pinugutan ng ulo noong 1572. Dito
tuluyang nagwakas ang pinakadakilang imperyo sa Andes.

Tandaan Mo!
Ang mga Aztec ay kilala sa kanilang pagiging magsasaka. Nagtayo sila ng mga
chinampas sa mga lawa upang lumawak ang lupang kanilang sinasaka. Sagana sila sa
mga tanim na mais, patani, kalabasa, abokado, sili, at kamatis. Mahalaga sa mga Aztec
ang kanilang diyos ng kalikasan. Naniniwala sila ang pag-aalay ng tao ay nagbibigay-

9
kasiyahan sa kanilang diyos. Kadalasan sa kanilang inialay ang mga bihag ng digmaan.
Ang dahilan ng pagbagsak ng mga Aztec dahil sa pananakop ng mga Espanyol sa
pangunguna ni Hernando Cortes na kusang tinanggap nila dahil sa pag-aakala nila na ito
ang kanilang diyos na si Quetzalcoatl, ang kanilang diyos ng ulan, dahil sa maputing
kaanyuan nito.

Ang salitang Inca ay nangangahulugang “imperyo”. Mabilis na napalawak ng mga Inca


ang kanilang imperyo sa Mesoamerica na naging dahilan rin ng kanilang pagbagsak sa
kamay ng mga mananakop na Espanyol sa pamumuno ni Francisco Pizarro dahil ang ibang
mga lugar ay malayo sa sentro ng pangasiwaan. Nahirapan ang mga Inca na pigilan ang
mga mananakop dahil sa makabagong teknolohiya na gamit sa pakikipagdigma.

Pagyamanin

Gawain 3: Diagram ng Kabihasnan


Kabihasnang Aztec Kabihasnang Inca
A. Pinagmulan A. Pinagmulan
1. 1.
2. 2.
B. Paniniwala B. Paniniwala
1. 1.
2. 2.
C. Nagawa C. Nagawa
1. 1.
2. 2.

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano-ano ang salik na nagbigay-daan sa paglakas ng Imperyong Aztec?


2. Paano napakinabangan ng mga Aztec ang mga lupain na kanilang sinakop?
3. May pagkakatulad ba ang mga Pilipino at mga Inca? Patunayan.
4. Paano si Francisco Pizarro natutulad kay Miguel Lopez de Legazpi sa kasaysayan ng
Pilipinas?

Isaisip

Gawain 4: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan)

Panuto: Punan ang hinihiling sa bawat aytem na nakasaad ayon sa chart.

PAMAHALAAN EKONOMIYA RELIHIYON KONTRIBUSYON

OLMEC

10
MAYA

AZTEC

INCA

11
Isagawa

Gawain 5: Sanay-Suri
Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng mga kontribusyon ng mga
Kabihasnang Klasikal sa Mesoamerica. Gamiting gabay ang sumusunod:
1. Paano pinalawak ng mga Kabihasnang Klasikal sa Mesoamerica ang kanilang
kapangyarihan?
2. Ang kanilang mga pinuno ay may pagkakatulad ba sa mga pinuno ng ating bansa?
3. Kung ikaw ay maging isang punong barangay sa inyong lugar, paano mo
mapangangasiwaan ang mga tao para labanan ang banta ng pandemic na Corona
Virus?

12
Mga Kaharian at Imperyo sa
Aralin Africa
2

Balikan

Gawain 1: Muling Ibalik

Panuto: Sagutan ang sumusunod na mga katanungan.

1. Ano ang mahalagang ambag ng kabihasnang Olmec?


2. Paano nakamit ng kabihasnang Maya ang kapangyarihan sa Mesoamerica?
3. Ano-ano ang ikinabubuhay ng kabihasnang Aztec?
4. Ano-ano ang mga paniniwala ng mga Inca?

Alamin

Sa kasalukuyan, higit ang iyong kaalaman sa kontinente ng America subalit limitado


lamang ang mga Pulo sa Pacific. Samantala, kadalasan ay hindi maganda ang iyong
impresyon sa kontinente ng Africa. Maging sa sinaunang kasaysayan ng daigdig, karaniwang
hindi nabibigyan ng tuon ang Africa at mga pulo sa Pacific. Maliban sa kaharian ng Egypt,
hindi na natatalakay pa ang ibang sentro ng kabihasnan sa Africa. Samantala, halos walang
pagbanggit naman sa mga pulo sa Pacific. Tunghayan sa araling ito ang mga kaganapan sa
dalawang rehiyong ito noong sinaunang panahon.

13
Tuklasin

Gawain 2: Bigyang Kulay

Panuto: Makikita mo sa susunod na pahina ang isang blankong mapa ng daigidig. Sa puntong
ito ay kulayan ang bahagi ng bawat kontinente batay sa kulay na nakatalaga dito.

http://nmarellano.weebly.com/lesson-1.html

Suriin

Heograpiya ng Africa
Mahalaga ang papel ng heorapiya kung bakit ang Africa ang huling pinasok at huling
nahati-hati ng mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga Kanluranin na dark continent dahil
hindi nila ito nagalugad kaagad. Nanatiling limitado ang kaalaman ng mga bansang
Kanluranin tungkol sa kontinenteng ito hanggang noong ika-19 na siglo.
Ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator.
Matatagpuan dito ang rainforest o isang uri ng kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang

14
mga puno ay malalaki, matataas, at may mayayabong na dahon. Sa hangganan ng rainforest
ay ang savanna, isang bukas at malawak na grassland o damuhan na may mga puno. Sa
grassland sa hilaga ng equator matatagpuan ang rehiyon ng Sudan. Sa bandang hilaga
naman ng rehiyon ng Sudan makikita ang Sahara, ang pinakamalaki at pinakamalawak na
disyerto sa daigdig. Ang Sahara na malaki pa sa Europe ay hindi natitirhan maliban sa mga
oasis nito. Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig na kayang
bumuhay ng halaman at hayop. Tanging sa oasis lamang may mga maliliit na pamayanan sa
Sahara. Hiwa-hiwalay at kalat-kalat ang mga kultura at kabihasnang sumibol at namayani sa
malawak na kontinente ng Africa.

Isa sa mga umunlad na kultura sa Africa ay ang rehiyon na malapit sa Sahara.


Nakatulong sa kanilang pamumuhay ang pakikipagkalakalan. Tinawag itong Kalakalang
Trans-Sahara. Bunga nito, nakarating sa Europe at iba pang bahagi ng Asya ang mga
produktong African.

Ang Kalakalang Trans-Sahara

Noong 3000 B.C.E., isang masaganang kalakalan ang umunlad sa pagitan ng


Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara. Tinawag na Trans-
Sahara ang kalakalang naganap dito. Ang kalakalang Trans- Sahara ay tumagal hanggang
ika-16 na siglo. Tinawag itong kalakalang Trans- Sahara dahil tinawid ng mga nomadikong
mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng caravan, dala-dala ang iba’t ibang uri ng
kalakal. Kamelyo ang kadalasang gamit sa mga caravan. Ang caravan ay pangkat ng mga
taong magkakasamang naglalakbay.

Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay pumupunta sa Sahara upang mamili


ng mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling hiyas. Sinasabi na ang
mga elepante na ginamit ni Hannibal sa Digmaang Punic laban sa Rome ay nanggaling sa
Kanlurang Africa. Iba’t ibang grupo ng mga tao ang nagtayo ng mga pamayanan sa mga lugar
na dinaraanan ng kalakalan.

Ang Pagpasok ng Islam sa Kanlurang Africa


Nang makapagtatag ng mga pamayanang Muslim sa Morocco, ang Islam ay unti-
unting nakilala at kalaunan ay namayani sa mga kultura at kabihasnang nananahan sa
Kanlurang Africa. Ang Islam ay pinalaganap ng mga Berber, mga mangangalakal sa Hilagang
Africa. Pumupunta sila sa Kanlurang Africa upang bumili ng ginto kapalit ng mga aklat, tanso,
espada, seda, kaldero, at iba pa.

https://pdfslide.net/vembed/ap8lm-q2\

15
Mga Kabihasnan sa Africa
Matatandaan na ang Egypt ang isa sa mga pinakaunang lunduyan ng kabihasnan sa
daigdig. Maliban sa Egypt, ang Axum ang kasalukuyang Ethiopia sa Silangang Africa ay
napatanyag din dahil sa naging sentro ito ng kalakalan. Binibisita ito ng mga mangangalakal
mula sa Persia at Arabia. Umusbong din ang mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang
kanilang yaman ay dulot ng kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa Sahara.
Kapwa nasa Silangang Africa ang dalawang kabihasnang ito.
Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito
umusbong ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

https://www.scribd.com/doc/300460729/Grade-9-8-2nd-Quarter-Module

Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan

Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 C.E. Malawak ang
pakikipagkalakalan nito at sa katunayan, ito ay may pormal na kasunduan ng kalakalan sa
mga Greek. Mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay ng rhinoceros,
pabango, at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa Mediterranean at Indian
Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang Axum ng mga tela, salamin, tanso, bakal, at iba pa.
Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito ng
Kristiyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo noong 395 C.E.

Tandaan Mo!
Tinawag na dark continent ang Africa dahil hindi nila ito nagalugad agad. Naging kilala
ang Africa dahil sa kanilang pakikipagkalakalan na tinawag na Kalakalang Trans-Sahara.
Mga produktong ipinagbibinta sa kalakalan ay mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante,
at mga mamahaling hiyas. Sa Kanlurang Africa umusbong ang relihiyong Islam. Ang
kaharian ng Axum ay naitatag din dahil sa pakikipagkalakalan. Isa mga naging resulta ng
pakikipagkalakalan ng Axum ay ang paglaganap ng relihiyong Kristiyanismo.

16
Pagyamanin

Gawain 3: Pagsagot sa Chart

Panuto: Punan ng maikling paglalarawan tungkol sa kontinente ng Africa ayon sa hinihingi


ng chart.
Kontinente ng Africa

Heograpiya ng Kalakalang Trans- Pagpasok ng Islam Kabihasnan sa


Africa Sahara Africa

Suriin

Ang Imperyong Ghana


Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol ang isang
malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang
Trans-Sahara. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba’t ibang produkto tulad ng
ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin,
tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala sila.

Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak na


kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay isang dahilan kung bakit
lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig upang punan ang pangangailangan sa mga
kabahayan at sa irigasyon.

Ginamit ang mga sandatang


gawa sa bakal upang
makapagtatag ng
kapangyarihan sa mga pangkat
Naging maunlad dahil naging Bumili ng mga kagamitang na mahina ang mga sandata.
Mahalagang salik sa paglakas
sentro ng kalakalan sa pandigma na yari sa bakal at
ng Ghana
Kanlurang Africa mga kabayo
Ang mga kabayo ay nagbibigay
ng ligtas at mabilis na paraan
ng tranportasyon para sa mga
mandirigma nito.

17
Ghana
Ipinag-utos ni haring Al- Bakri na ibigay sa kaniya ang mga butil ng ginto at tanging mga
gold dust ang pinayagang ipagbili sa kalakalan. Sa ganitong paraan, napanatili ang mataas
na halaga ng ginto.

Ang Imperyong Mali


Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba,
isa sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana. Ang pag-akyat ng Mali sa kapangyarihan
ay sinimulan ni Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay niya at winakasan ang kapangyarihan
ng Imperyong Ghana. Sa pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang Imperyong Mali ay
lumawak pakanluran patungong lambak ng Senegal River at Gambia River, pasilangan
patungong Timbuktu, at pahilaga patungong Sahara Desert. Hawak nito ang mga ruta ng
kalakalan. Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang Imperyong Mali ang pinakamalaki at
pinakamapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan.

Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan.


Nang mamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang pinalawak ang teritoryo ng
imperyo. Sas pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod pangkalakalan tulad ng Walata,
Djenne, Timbuktu, at Gao ay naging bahagi ng Imperyong Mali.

Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog din si Mansa Musa sa


pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo siya ng mga mosque o pook-
dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. Hinikayat niya ang mga iskolar na
pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang paghahari, ang Gao, Timbuktu, at Djenne ay
naging sentro ng karunungan at pananampalataya.

Mali
Nagsilbing sentro ng kalakalan ang Timbuktu. Bukod dito, lumaganap rin ang relihiyong
Islam at tumaas ang antas ng kaalaman dulot ng impluwensiya ng mga iskolar na Muslim.
Ang Sankore Mosque ay ipinagawa ni Mansa Musa noong 1325.

Ang Imperyong Songhai


Simula pa noong ikawalong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga
Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River. Maliban sa
kalakalan, dala rin ng mga Berber ang pananampalatayang Islam. Sa pagsapit ng 1010,
tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, ang Islam. Bagama’t hinikayat niya ang mga
Songhai na tanggapin ang Islam, hindi niya pinilit ang mga ito.

Sa pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang Songhai sa Algeria.


Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam.

Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong Mali. Subalit hindi ito
nagtagal sa pagiging bihag ng Mali. Noong 1335, lumitaw ang bagong dinastiya, ang Sunni,
na matagumpay na binawi ang kalayaan ng Songhai mula sa Mali. Mula 1461 hanggang 1492,
sa ilalim ni Haring Sunni Ali, ang Songhai ay naging isang malaking imperyo. Sa panahon ng
kaniyang paghahari, pinawalak niya ang Imperyong Songhai mula sa mga hangganan ng
kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne. Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat
naniniwala siyang sapat na ang kaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga
katutubong mangingisda at magsasaka. Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan pa rin niya
ang mga mangangalakal at iskolar na Muslim na nananahan sa loob ng kaniyang imperyo. Sa
katunayan, hinirang niya ang ilan sa mga Muslim bilang mga kawani sa pamahalaan.

Ghana, Mali at Songhai

18
Ang mga imperyong ito ay naging makapangyarihan dahil sa kalakalan. Pangunahing
produkto nila ang ginto. Nagsilbi silang tagapamagitan ng mga African na mayaman sa ginto
at ng mga African na mayaman sa asin. Sa panahong ito,ginagamit ng mga African ang ginto
upang ipambili ng asin. Ginagamit ng mga African ang asin upang mapreserba ang kanilang mga
pagkain.

Tandaan Mo!
Ang Imperyong Ghana ay naging sentro ng kalakalan sa Kanlurang Africa. Bumili sila
ng mga kagamitang pandigma na yari sa bakal at mga kabayo. Sumunod sa imperyong
Ghana ang mga Mali. Mas pinalawak nila ang teritoryo at ipinagpatuloy ang
pakikipagkalakalan. Isa rin ang Imperyong Songhai na umusbong dahil sa
pakikipagkalakalan sa mga Berber.

Pagyamanin

Gawain 4: Triple Diagram

Panuto: Isa-isahin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Imperyong Ghana, Mali, at Songhai.


Isulat sa Venn Diagram ang sagot.

GHANA

MALI SONGHAI

Isaisip
Gawain 5: History Makers

Panuto: Punan ng tamang sago tang chart batay sa iyong mga napag-aralan tungkol sa
mga pinuno ng mga Kabihasnan sa Africa.

19
PINUNO IMPERYONG PINAMUNUAN MAHALAGANG NAGAWA

Al- Bakri

Sundiata Keita

Mansa Musa

Dia Kossoi

Sunni Ali

20
Isagawa

Gawain 6: Alternating Flow Chart


Panuto: Gamit ang Alternating Flow Chart, isulat ang ilan sa mga pagbabago ng kontinenteng
Africa mula sa sinauna nitong pamumuhay hanggang sa kasalukuyan.

Kasalukuyang
Africa

Sinaunang
Africa

21
Aralin
Mga Kabihasnan sa Pulo ng
Pacific

3
Balikan

Gawain 1: Alalahanin

Panuto: Sagutan ang sumusunod na mga katanungan.

1. Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa Hilagang Africa?


2. Paano nakatulong ang heograpiya ng Ghana upang umunlad ang kanilang
pamumuhay?
3. Bakit nagging tanyag si Mansa Musa?
4. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?

Alamin

Magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng Pacific at Timog-


Silangang Asya. Ito ay dahil ang nandayuhan at nanahan sa dalawang rehiyong ito ay mga
Austonesian. Ang Austronesian ay tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng mga wikang
nabibilang sa Austronesian o Malayo-Polynesian. Ito ang pinakamalaking pamilya ng wika sa
daigdig.

Ayon sa teorya ng iskolar na si Peter Bellwood, nagmula sa timog China ang mga
Austronesian. Sa hangaring makahanap ng mga bagong teritoryo na masasaka, umalis sila
ng China at nandayuhan simula noong 4000 B.C.E. Tumungo sila sa mga lugar na kilala
ngayon bilang Taiwan, Pilipinas, Malaysia, Brunei, at Indonesia. Noong 2000 B.C.E., may mga
Austronesian na tumungo pakanluran hanggang makarating sa Madagascar sa Africa.
Samantala, may mga tumungo pasilangan at tinawid ang Pacific Ocean at nanahan sa mga
pulo ng Pacific.

Unang narating ng mga Austronesian ang New Guinea, Australia, at Tasmania. Noong
1,000 B.C.E., nanahan ang mga Austronesian sa Vanuatu, Fiji, at Tahiti.

Narating din nila ang Tonga, Samoa, at Marquesas. Tinatayang nasa mga pulo ng
Hawaii sila noong 100 B.C.E. Pinakamalayo nilang naabot ang Easter Island, isang pulo sa
Pacific na bahagi na ng South America.

Sa pag-aaral ng kabihasnan ng mga pulo sa Pacific, mahalagang tunghayan ang


lipunan ng mga tao rito bago dumating ang mga Kanluranin. Ang lipunan at kulturang ito ay
Austronesian.

22
Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islandsay nahahati sa tatlong malalaking pangkat –
ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga
Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo
nito.

Tuklasin

Gawain 2: Mapa-Suri

Panuto: Suriin ang larawan at sagutan ang mga tanong tungkol dito.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Polynesia

1. Ano ang masasabi mo sa larawan?


2. May pagkakatulad ba ang mapang ito sa mapa ng Pilipinas? Ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay, may mga tao kayang naninirahan sa mga islang ito?

Suriin

Polynesia
Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa
silangan ng Melanasia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit na malaki kaysa pinagsamang
lupain ng Melanasia at Micronesia.

Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at
Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia,
Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn.

23
Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng pamayanan sa Polynesia.
Umabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan dito. Ang sentro ng pamayanan ay ang
tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Ito ay tanghalan ng mga ritwal at
pagpupulong. Nakapaligid sa tohua ang tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura.

Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda.Ang


karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo, at niyog.Sa
pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon, octopus, at iba pa. Nanghuhuli rin sila ng
pating.

Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana.


Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas.”Sa mga sinaunang Polynesian,
ang mana ay maaaring nasa gusali, bato, bangka, at iba pang bagay.

May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o mabawasan ang mana.
Halimbawa, bawal pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao. Ang sinaunang
kababaihan sa Marquesas ay hindi maaaring sumakay sa bangka sapagkat malalapastangan
niya ang bangka na may angking mana. Gayundin, ang mga lalaking naghahanda sa
pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay dapat nakabukod. Bawal silang
makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang
kanilangmana. Ang tawag sa mga pagbabawal o prohibisyong ito ay tapu. Kamatayan ang
pinakamabigat na parusang igagawad sa matinding paglabag sa tapu.

Micronesia
Ang maliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at sa
silangan ng Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall
Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at Nauru.

Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat-
dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan. Itinatag
nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o
malalakas na ihip ng hangin.

Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian.Nagtatanim sila ng taro,


breadfruit, niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at starch na maaaring gawing
harina. Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng mga Micronesian. May kaalaman din sa
paggawa ng simpleng palayok ang mga lipunan ng Marianas, Palau, at Yap.

Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at shell ang
ginagamit bilang paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong ginawang pera
(stone money). Sa iba pang mga pulo, nagpapalitan ng kalakal ang matataas (high-lying
islands) at mabababang pulo (low-lying coral atolls). Ipinagpapalit ng mga high-lying island
ang turmericna ginagamit bilang gamot at pampaganda. Samantala, ang mga low-lying coral
atoll ay nakipagpalitan ng mga shellbead, banig na yari sa dahon ng pandan, at magaspang
na tela na galing sa saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa itong palda ng kababaihan at
bahag ng kalalakihan.

Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga rituwal para sa
mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang ani.

Melanesia

Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Ito


ay kasalukuyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea,
Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji Islands

24
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-dagat o sa dakong
loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay sa digmaan ang pangkaraniwang
batayan ng pagpili sa pinuno. Sa maraming grupong Papuan, ang kultura ay hinubog ng mga
alituntunin ng mga mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan.

Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito ng pandan
at sago palm na pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga ng baboy, at pangangaso
ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan dito. May kalakalan din sa pagitan ng mga
pulo. Karaniwang produktong kinakalakal ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam,
baboy, asin, apog, gayundin ang mga gawa nilang bangka.

Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinababatid ng diyos ng


kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna, kamatayan, o pag-
unlad ng kabuhayan. Laganap din sa Solomon Islands at Vanuatu ang paniniwala sa mana.

May sariling katangian at kakayahan ang mga isla sa Pacific. Nakabatay ang kanilang
pamumuhay sa pakikipagkalakalan sa iba-ibang isla at kontinente.

Bagama’t hindi ito kasing-unlad, kasing-tanyag at kasing-yaman ng mga kabihasnan


at imperyo sa America at Africa, nakaimpluwensiya rin ito sa mga mamamayang naninirahan
sa mga isla sa Pacific at sa mga karatig bansa nito sa Timog-Silangang Asya sa kasalukuyan.

Tandaan Mo!
Ayon sa teorya ni Peter Bellwood, nagmula sa China ang mga Austronesian. Nilisan
nila ang China dahil sa paghahanap ng bagong teritoryo na masasaka hanggang sa
marating nila ang mga pulo sa Pacific. Ang mga pulo sa Pacific ay nahahati sa tatlong
pangkat, Polynesia o maraming isla, Micronesia o maliliit na mga isla, at Melanesia o maiitim
ang mga tao dito. Pangunahing ikinabubuhay ng mga Polynesian ay pagsasaka at
pangingisda. Naniniwala ang mga Polynesian sa mana na nangangahulugang “bisa” o
“lakas”. Mayroon silang mga batas na sinusunod para hindi mawala ang kanilang mana,
tulad nalang ng bawal pumasok sa banal na lugar ang karaniwang tao. Ang unang
pamayanan naman ng mga Micronesian ay nagsimula malapit sa lawa upang mas madali
ang paglayag sa karagatan. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
Micronesian. Ang mga Melanesian naman ay mayroong pananim na taro at yam. Animism
ang relihiyon ng mga Melanesian.

25
Pagyamanin

Gawain 3: Pagsagot sa Chart

Panuto: Punan ng kinakailangang impormasyon ang talahanayan.

Isla Kahulugan ng Pangalan Kabuhayan Relihiyon

Polynesia

Micronesia

Melanesia

Isagawa

Gawain 4: Noon at Ngayon

Panuto: Gamit ang chart isulat ang pagkakaiba batay sa pamumuhay, paniniwala o kaugalian
ng mga kabihasnan sa Pulo ng Pacific at sa kasalukuyang panahon.

Sa kasalukuyan, paano mo ipinapakita ang


iyong pananampalaya?

Sa larangan ng pananampalataya ng mga


Polynesian, naniniwala sila sa banal na
kapangyarihan o mana.

Sa kasalukuyan, ano ang systema ng


kalakalan sa ating bansa?

Sa Palau at Yap, bato at shell ang ginagamit


bilang paraan ng palitan. Gumagamit din
ang Palau ng batong ginawang pera (stone
money).

Sa kasalukuyan, paano pinipili ng mga


Pilipino ang magiging pinuno ng bansa?

26
Pinamumunuan ang mga Melanesian ng mga
mandirigma. Tagumpay sa digmaan ang
pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno.

Buod
Ang maliliit na pamayanang agricultural sa Mesoamrica ay nabuo sa Gitna at Timog
na bahagi nito. Ang kauna-unahang umusbong sa Central America ay ang Olmec. Ang
katagang Olmec ay nangangahulugang rubber people dahil sa sila ang kauna-unahang taong
gumamit ng dagta ng punong rubber o goma. Sila ay nakagawa ng kalendaryo, gumamit ng
isang sistema ng pagsulat ng may pagkakatulad sa hieroglyphics ng mga Egyptian, at
nakalinang ng katangi-tanging akda ng sining. Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno
ang mga kaparian sa pamamahala. Naiugnay ng malawak at maayos na kalsada at rutang
pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang
nagmula sa Aztlan”, isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico. Dahil sila ay mga magsasaka,
ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga puwersa ng kalikasan at sinasamba ang mga
ito bilang mga diyos. Ang salitang Inca ay nangangahulugang “imperyo”. Sa kabila ng
katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong teknolohiyang dala ng mga
dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon.

Ang pinakamainit at painakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator.


Noong 3000 BCE, isang masaganang kalakalan ang umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa
at Kanlurang Sudan, ang rehiyoon sa Timog ng Sahara. Ang Ghana ang unang estadong
naitatag sa Kanlurang Africa. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba-ibang
produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto. Nagsimula ang Mali sa estado ng
Kangaba, isa sa mahalagang outpust ng Imperyong Ghana. Sa pamamagitan ng patuloy na
pananalakay, ang Imperyong Mali ay lumawak pakanluran patungong lambak ng Senegal
River at Gambia River, pasilangan patungong Timbuktu, at pahilaga patungong Sahara
Desert. Simula pa noong ika-walong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga
Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River. Sa pagsapit ng
1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, ang Islam.

Magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng pacific at Timog-


Silangang Asya. Ito ay dahil ang nandayuhan at nanahan sa dalawang rehiyong ito ay mga
Austonesian. Ang Austonesian ay tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng mga wikang
nabibilang sa Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islands
ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat- ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang
Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng
Melanesia at Micronesia. Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at
pangingisda. Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng
Melanesia at sa silangan ng Asya. Itinatag nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging
hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin. Ang Melanesia ay
matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Karaniwang produktong
kinakalakal ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, gayundin
ang mga gawa nilang Bangka.

Binabati kita! Ngayon ay mayroon ka nanag sapat na pag-unawa tungkol sa mga


kontribusyon at impluwensiya ng mga Kabihasnang Klasikal sa America at Africa at sa kultura
ng mga mamamayan sa Pacific Islands.

27
Pagtatasa

Ngayon ay sagutan ang pagtatasa na magtatakda ng inyong natutunan sa mga


aralin. Bilugan ang titik ng inyong sagot.

1. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?


A. Dahil marami ito sa kanilang lugar.
B. Dahil ito ay ginagawa nilang gamut.
C. Dahil ito ay nagsisilbing pampalasa sa kanilang mga pagkain.
D. Dahil ginagamit ito upang mapreserba ang kanilang mga pagkain.

2. Ang sumusunod ay mga paraan upang mapangalagaan ng mga Polynesin ang


kanilang mana maliban sa isa?
A. Dapat ay mag-alay ng dugo ng hayop sa kanilang diyos.
B. Bawal pumasok sa isang banal na lugar ang karaniwang tao.
C. Ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib
na gawain ay dapat nakabukod.
D. Bawal ang mga kalalakihan na makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat
nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana.

3. Ano ang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Songhai?


A. Mahihina ang mga pinuno.
B. Kakulangan sa makabagong armas.
C. Kakulangan sa mga malalakas na kawal.
D. Maliit lamang ang nasasakupang teritoryo

4. Ano ang dahilan ng paghina ng ekonomiya at kabuhayan ng kabihasnang Maya?


A. Mayaman at maunlad ang mga lungsod-estado ng Maya.
B. May mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdulot ng sobrang produkto.
C. Nagdulot ng kaguluhan at kahirapan ang madalas na digmaan sa pagitan ng
mga lungsod-estado.
D. Pagkawala ng sustansiya ng lupa. Ang paglaki ng populasyon ay nagdulot ng
suliranin sa suplay ng pagkain.

5. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai


sa pag-unlad nito?
A. Nagsilbing natural na proteksyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng
Sahara
B. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng
pagsasaka
C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at
kaligtasan mula sab anta ng mga mananakop
D. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto
sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara.

6. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific?
A. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa pulo ng Pacific ay Animismo.
B. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o
dagat-dagatan.
C. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay
pagsasaka at pangingisda.
D. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa
banal na kapangyarihan o mana.

28
7. Marami ang naging dahilan ng pagbagsak ng sibilisasyong Mayan. Alin sa
sumusunod ang HINDI kasali?
A. Epidemya
B. Natural na kalamidad
C. Pagpasok ng dayuhan
D. Hindi pagsunod sa kanilang pinuno

8. Pinalawig ng mga pinunong tinatawag na halach uinic ang mga pamayanang urban
na sentro rin ng kabihasnang Maya sa pagsamba ng kanilang mga diyos. Ano ang
ibig sabihin ng halach uinic?
A. tunay na lalaki C. tunay na pinuno
B. tunay na kakaiba D. tunay na tagapaglingkod

9. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos na ito upang
mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng daigdig. Ano ang
kadalasang ginagawa ng mga Aztec para mapasaya ang kanilang mga diyos?
A. Nag-aalay ng tao.
B. Nag-aalay ng hayop.
C. Nagsasagawa ng ritwal.
D. Nagkakaroon ng piyesta.

10. Ang kabihasnang ito ay tanyag sa kanilang malawak at maayos na kalsada at rutang
patubig ng mga lungsod-estado.
A. Aztec C. Maya
B. Inca D. Olmec

29
Susi sa Pagwasto

Subukin- pahina iii Aralin 1-Gawain 1: Larawan Ko, Hula Mo-


1. A pahina 1
2. D 1. E
3. D 2. C
4. D 3. B
5. A 4. A
6. A 5. D
7. C
8. C
9. B
10. D

Aralin 1-Gawain 2: Data Information Chart- pahina 7


Posibleng Sagot

Batayan Kabihasnang Olmec Kabihasnang Maya


Rehiyon ng Gulf Coast sa Yucatan Peninsula, ang
katimugang Mexico rehiyon sa Timog Mexico.
A. Lokasyon

Nakagawa ng kalendaryo, gumamit Nabuo ang mga lungsod-


ng isang sistema ng pagsulat, at estado.
B. Lipunan nakalinang ng akdang sining.

Agrikultura Pangangalakal at pagtatanim


Kauna-unahang taong gumamit ng
C. Ekonomiya dagta ng punong goma.

Sinasamba ng mga Olmec ang May mga temple at palasyo sa


espiritu ng jaguar. tabi ng pyramid.
D. Relihiyon at
Paniniwala

Humina at bumagsak Pagbagsak ng produksiyon sa


pagkain
E. Dahilan ng
Pagbagsak

Aralin 1-Gawain 3: Diagram ng Kabihasnan- pahina 11


Posibleng Sagot
Kabihasnang Aztec Kabihasnang Inca
A. Pinagmulan
1. Gitnang bahagi ng Mesoamerica 1. Hilagang-kanlurang bahagi ng Lake
2. Nagmula sa maliit na pamayanang Titicaca.
agrikultural

30
2. Umunlad mula sa matagumpay na
pagtatanim
B. Paniniwala
1. Sumasamba sa diyos ng kalikasan 1. Inti- diyos ng araw ng mga Inca
2. Nag-aalay ng tao sa kanilang diyos.
C. Nagawa
1. Nagbuo ng mga alyansa sa karatig 1. Mahaba at batong kalsada
lungsod-estado.
2. Nagtayo ng mga estruktura tulad ng
aqueduct, dam, sistema ng
irigasyon, liwasan at pamilihan
Pamprosesong tanong posibleng sagot:
1. Pagpapalawak ng kanilang teritoryo at pakikipagkalakalan sa mga karatig-lugar.
2. Gumawa sila ng mga isla na pwede nilang pagtamnan ng kanilang mga pagkain.
3. Ang pagkakatulad ng kabihasnang Inca at ng Pilipinas ay pareho silang nasakop ng mga Espanyol.
4. Si Francisci Pizarro, katulad ni Miguel de Legaspi, ay mga Espanyol na sumakop sa mga lugar at
simula ng sakupin nila ito ay hindi na nila ito nilisan at tuluyan nang ginamit ang mga
pinagkukunang-yaman ng lugar.

Aralin 2-Gawain 5: History Makers- pahina 23


Posibleng Sagot
Pinuno Imperyong Pinamunuan Mahalagang Nagawa
Al- Bakri Imperyong Ghana Ipinag-utos na ibigay sa
kaniya ang mga butyl ng
ginto at tanging mga gold
dust ang pinayagang
ipagbili sa kalakalan
Sundiata Keita Imperyong Mali Sinalakay at winakasan ang
kapangyarihan ng
Imperyong Ghana.
Mansa Musa Imperyong Mali Pinalawak ang teritoryo ng
imperyo.
Dia Kossoi Imperyong Songhai Tinanggap ang Islam.
Sunni Ali Imperyong Songhai Pinalawak ang imperyong
Songhai at hindi tinanggap
ang relihiyong Islam.

Aralin 3- Gawain 3: Pagsagot sa Chart- pahina 28


Posibleng Sagot
Isla Kahulugan ng Pangalan Kabuhayan Relihiyon
Polynesia Maraming isla Pagsasaka at Naniniwala sas
pangingisda banal na
kapangyarihan o
mana
Micronesia Maliliit na mga isla Pagsasaka Animismo
Melanesia Maiitim ang mga tao Pagsasaka at Animismo
dito pakikipagkalakalan

Pagtatasa- pahina 31
1. D
2. A
3. B
4. D
5. D
6. C
7. D
8. A
9. A
10. C

31
32
Sanggunian
A. Aklat
Antonio, Eleanor D.,Pana-Panahon III. “Worktext para sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon.
Kasaysayan ng Daigdig”. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St. Manila Philippines.
1999.

Banks, James A. et. al. “World History. Adventures in Time and Place”. Macmillan/McGraw-
Hill 1221 Avenue of the Americas New York, New York 10020. 1997. pp. 192-218,
422-448.

Beck, Roger B. et. al. “A Modern History of the World. World History Patterns of Interaction”.
McDougal Little Inc. P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204. 1999 . 108-132, 138-166,
388-407.

Boehm, Richard G. “Our World’s Story”. Harcourt Brace & Company, 6277 Sea Harbor
Drive, Orlando Florida 32887-6777.1997. pp. 210-234, 236-266, 336- 338.

Camagay, Ma. Luisa T. et. al. “Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura”. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010. pp. 110-
206.

Farah, Mounir A. & Karls, Andrea Berens. “World History: The Human Experience”.
Glecoe/McGraw-Hill, 936 Eastwind Drive, Westerviell, Ohio 43081. 1999. pp.379-383

Mercado, Michael M. “Sulyak sa Kasaysayan ng Daigdig”. St. Bernadette Publishing House


Corporation. 173 Rodriguez S. Ave. Kristong Hari, 1112 Quezon City. 2009. pp.187-
219.

McCannon John. “AP World History”. Barrons Educational Series Inc. 250 Wireless
Boulevard Hauppage New York 11788. 2010. pp. 58-61, 67-69.

Millard, Anne. “The Usborne Book of World History”. Usborne Publishing Ltd, 20 Garrick
Street, London WC2E 9BJ. 1995. pp. 24-27, 42-45, 66-73, 86-91, 138-140.
Perry, Marvin. A History of the World. Houghton Miffin Company Boston, Massahusetts
USA. 1989. pp.179-180.

B. Module

Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 6: Sinaunang Aprika

Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 7: Kabihasnang Klasikal sa Amerika at Pacifico

Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig- Aralin 2: Pag-usbong at


Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific

33
C. Sanggunian mula sa Internet
https://vdocuments.net/sibilisasyon-ng-mesoamerica.html?h=vdocuments.com.br

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6049

http://www.famsi.org/mayawriting/codices/index.html

http://whc.unesco.org/en/list/567

http://whc.unesco.org/en/list/700

http://whc.unesco.org/en/list/274

http://worldheritageohio.org/hopewell-ceremonial-earthworks/

https://www.britannica.com/topic/Moche

https://www.khanacademy.org/humanities/art-americas/south-america-early/moche-
culture/a/moche-culture-an-introduction

34
This page is intentionally blank

35
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education — Division of Gingoog City
Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

36

You might also like