Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Saint Anthony Academy

Batuan, Bohol, Philippines


Member: Bohol Association of Catholic Schools ( BACS)
Catholic Education Association of the Philippines (CEAP)

ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan:___________________________ Taon at Pangkat:___________________________


Petsa:______________________________ Marka: __________________
Guro: Bb. Anabel A. Bahinting, LPT

GAWAIN BLG. 2
Paksa: Ang Kolonyalismo sa Asya at mga Pagbabago noong ika-17 at ika-18 na Dantaon
Kompetensi: Natataya ang mga epekto ng kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Layunin: Natutukoy ang mga dahilan kung bakit lumaganap ang kaisipang kolonyalismo
Konsepto:
 Hangad ng mga Europeo na palawakin ang kani-kanilang teritoryo sa pamamagitan ng pagtatag ng mga
kolonya sa mga lupain ng Asya. Kasabay nito, hinangad ng mga bansang Europeo na palawakin ang kani-
kanilang teritoryo sa pamamagitan ng pagtatag ng mga kolonya sa mga lupain ng Asya.
 Iba’t-ibang paraan ang ginamit ng mga Europeo upang maisakatuparan ang kanilang hangaring
makasakop ng mga lupain. Kadalasan ay gumamit sila ng pwersa o dahas upang mapasailalim ng
kanilang kapangyarihan ang mga lupain at mga katutubong naninirahan dito.
 May pagkakataong gumamit din sila ng diplomasya upang makipagsundo ay mahinahong masakop ang
ilang pamayanan. Upang mapanatili ang kontrol sa nasakop na bayan, nagtatag sila ng mga pamahalaang
kolonyal.
 Ang Panahon ng Kolonyalismo ay panahon din ng tunggalian at digmaan sa pagitan ng mga bansang
mananakop. Ang mga magkakasalungat na ambisyon ng Europeo ay nagdulot ng sigalot sa iba’t-ibang
rehiyon sa Asya.
 Maliban sa impluwensiyang Kanluranin na lumaganap sa Asya bunsod ng kolonyalismo, lumawak din
ang impluwensiya ng ilang pamayanan at kaharian sa Asya sa pamamagitan ng pananakop o
pangangalakal.
KANLURANG ASYA
 Ang pagkatalo ng mga Ottoman laban sa Lepanto noong 1571 ang hudyat ng unti-unting pagbagsak ng
kanilang imperyo. Nasundan pa ito ng pamumuni ng mahihinang lider.
 Pansamantalang napigilan ang pagbagsak ng imperyo nang manungkulan si Mohammed Kuprili.
Nagpalabas siya ng patakaran upang makapagpatupad ng mahahalagang pagbabago sa pamahalaan, tulad
ng pag-aalis ng katiwalian at pagsasaayos ng pangongolekta ng buwis. Pinagtutuunan din niya ng pansin
ang maayos na panunungkulan sa pamahalaang lokal. Nilayon din niyang protektahan ang mga bansang
Muslim laban sa lumalawak na kapangyarihan ng mga Europeo sa pamamagitan ng pakikidigma.
 Nang mamatay si Kuprili ang kanyang bilas na si Kara Mustafa ang pumalit sa kanya. Ipinagpatuloy ni
Mustafa ang mga patakaran ni Kuprili na palawakin ang imperyo.
 Una niyang kinalaban ang Imperyong Hapsburg sa Austria. Sinugod niya ang kabisera nito sa lungsod ng
Vienna noong 1683. Sa kasamaang palad, nagapi ang mga Ottoman ng pinagsamang pwersa ng mga
Europeo na may mas malakas na sandata at hukbo.
 Sa pagkakataong ito ay bumaba ang tingin ng mga Europeo sa mga Ottoman. Wala naming nagawa ang
mga Ottoman kundi pumirma sa isang kasunduan sa pagitan nila at nga Austria, Poland, at Venice noong
1699. Ito ang Kasunduan sa Karlowitz na nagpalaya sa buong Hungary, na noon ay sakop ng mga
Ottoman, at nagpahintulot sa Austria na pamunuan ang nasabing lugar.
 Pagkaraan nito, nagsimula na ring mag-aklas ang mga dating nasasakupan ng imperyo sa rehiyong
Balkan. Nasangkot pa ang Imperyong Ottoman sa ilang digmaan laban sa mga Europeo. Mula 1714
hanggang 1718 ay nakipaglaban sila sa mga taga-Venice. Nilabanan din nila ang mga Hapsburg at Ruso
mula 1735 hanggang 1739 upang pigilan ang pananakop sa teritoryo ng mga Muslim sa Gitnang Asya.
 Tuluyang humina ang imperyo dahil sa pagkakasangkot sa mga digmaan. Bukod pa rito, humina rin ang
imperyo sanhi ng mga suliraning pang-ekonomiya. Tulad ng pagdami ng populasyon. Hindi rin tinanggap
ng nakararami ang mga patakarang nagsusulong sa modernisasyon.
TIMOG ASYA
 Nang dumating sa Ceylon (Sri Lanka) ang mga Portuges na pinamumunuan ni Alfonso de Alburquerque
noong 1505, matagumpay nilang nalupig ang mga mamamayan at nasakop ang lugar. Ngunit dahil sa
pagpapahirap na nararanasan ng mga katutubo sa kamay ng mga Portuges, marami sa kanila ang
sumuporta sa mga Olandes nang dumating ang mga ito. Tumulong din sila upang mapabagsak ang mga
Portuges. Natalo ng mga Olandes ang mga Portuges noong 1658 at pinamumunuan nila ang Ceylon sa
loob ng mahigit na isa at kalahating dantaon. Tinalo naman sila ng mga Briton noong 1798, at nailipat
ang Ceylon sa pamamahala ng Gran Britanya.
 Itinatag ng mga Briton ang British East India Company o BEIC na naglayong makipagtunggali sa mga
Olandes sa usaping pinansyal kaya humina ang kapangyarihan ng mga Briton sa kalakalan sa Spice
Islands. Dahil dito, itinuon na lamang nila ang ugnayan ng kontinente sa pakikipagkalakalan sa bansang
India, na noon ay nasa ilalim ng Imperyong Mughal.
 Sa unang bahagi ng pamamayagpag ng mga Briton at ng British East India Company, nagging katunggali
nila ang mga Pranses at ang Perpetual Company of the Indies na nakasentro sa bayan ng Podicherry sa
India, mula pa noong huking dekada ng ika-15 dantaon.
 Ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa ay nagresulta sa Digmaang Karnataka na nagsimula noong
1746 nang sakupin ng mga Pranses ang bayan ng Madras sa India, na noon ay nasa ilalim ng mga Briton.
 Natapos ang digmaan noong 1763 at nagpatibay ng Gran Britanya ang kapangyarihan sa India matapos
talunin ang Pransiya.
 Samantala, sa kasagsagang ng labanan ng Pransita at Gran Britanya, nagkawatk-watak at humina ang
impluwensiya ng Imperyong Mughal sa India. Dahil dito, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga
pinuno ng maliliit na kaharian sa imperyo. Bawat isa sa kanila ay naganais na makahigit sa iba pa kaya
hinangad nila ang malakas na armas mula sa mga dayuhang Kanluranin. Nagging magandang
pagkakataon ito upang mapalawak ng mga Briton ang kanilang impluwensiyang kolonyal sa rehiyon.
 Lalong tumatag ang kanilang kontrol sa India nang magapi ng mga pwersa ni Robert Clive ang Nawab ng
Bengal sa labanan sa Plassey noong 1757. Sa sumunod na mga taon, napanatili nila ang kontrol sa
rehiyon at kinilala ang Gran Britanya bilang isa sa mga pinakamakapangyarihang bansa sa mundo.
PAGSASANAY
A. Panuto: Ibigay ang hinihinging impormasyon upang makumpleto ang talaan. Pumili ng isang puwersang
kolonyal na namayani sa bawat rehiyon noong panahon ng kolonyalismo. Punan ang ibang hinihinging
impormasyon hinggil sa iyong napiling puwersang kolonyal. (30 pts)
Rehiyon Puwersang Dahilan ng pananakop, mga Mga Bunga
Kolonyal o paraang ipinatupad
Mananakop
KANLURANG ASYA

TIMOG ASYA

B. Ipaliwanag ang pangunahing dahilan kung bakit lumaganap ang kolonyalismo sa iba’t-ibang rehiyong sa
Asya. (10 pts)

You might also like

  • Integrasyon
    Integrasyon
    Document4 pages
    Integrasyon
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Week 2
    Week 2
    Document3 pages
    Week 2
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Ap 8
    Ap 8
    Document4 pages
    Ap 8
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Ap 8
    Ap 8
    Document5 pages
    Ap 8
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Week 3
    Week 3
    Document2 pages
    Week 3
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Week 4
    Week 4
    Document2 pages
    Week 4
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Esp 9
    Esp 9
    Document2 pages
    Esp 9
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Ap 8
    Ap 8
    Document4 pages
    Ap 8
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Ap 7
    Ap 7
    Document3 pages
    Ap 7
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Ap 7
    Ap 7
    Document3 pages
    Ap 7
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Ap 7
    Ap 7
    Document4 pages
    Ap 7
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • AralPan 7
    AralPan 7
    Document2 pages
    AralPan 7
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Ap 7
    Ap 7
    Document2 pages
    Ap 7
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • AralPan 8
    AralPan 8
    Document3 pages
    AralPan 8
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Esp 9
    Esp 9
    Document3 pages
    Esp 9
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Esp 9
    Esp 9
    Document2 pages
    Esp 9
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • AralPan 7
    AralPan 7
    Document3 pages
    AralPan 7
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • AralPan 8
    AralPan 8
    Document3 pages
    AralPan 8
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • AralPan 7
    AralPan 7
    Document3 pages
    AralPan 7
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • AralPan 8
    AralPan 8
    Document3 pages
    AralPan 8
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Esp 9
    Esp 9
    Document1 page
    Esp 9
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • AralPan 8
    AralPan 8
    Document10 pages
    AralPan 8
    Anabel Bahinting
    100% (2)
  • Curmap Peac 6
    Curmap Peac 6
    Document2 pages
    Curmap Peac 6
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Ap 7
    Ap 7
    Document8 pages
    Ap 7
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • AP8 Q1 W8Day1-3
    AP8 Q1 W8Day1-3
    Document5 pages
    AP8 Q1 W8Day1-3
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Esp 9
    Esp 9
    Document2 pages
    Esp 9
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • AP8 Q1 W7Day1-3
    AP8 Q1 W7Day1-3
    Document5 pages
    AP8 Q1 W7Day1-3
    Anabel Bahinting
    0% (1)
  • Long Quiz Esp 9
    Long Quiz Esp 9
    Document2 pages
    Long Quiz Esp 9
    Anabel Bahinting
    100% (2)
  • Values Education 9
    Values Education 9
    Document9 pages
    Values Education 9
    Anabel Bahinting
    No ratings yet
  • Araling Panlipunan 7
    Araling Panlipunan 7
    Document12 pages
    Araling Panlipunan 7
    Anabel Bahinting
    No ratings yet