Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 74

10

FILIPINO
Sariling Linangang Modyul
Ikalawang Markahan:
Una hanggang Ikapitong Linggo

DIVISION OF ANGELES CITY

1
Filipino 10
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
Mitolohiya

Pangalan: ________________________________ Q2W1

Seksiyon: ________________________________ Petsa: _____________

UNANG ARAW

Isaisip
Panimula (Susing Konsepto)

Ang Mitolohiya ay…


1. Pag-aaral ng mga mito o “myth”
2. Ang salitang mito ay galing sa salitang Griyego na “mythos” na ang kahulugan ay
kuwento.
3. Tumutukoy ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na
naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan.
4. May kaugnayan sa mga ritwal at teolohiya
5. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa at mga bayani ito ay
itinuturing na isang sagrado, at pinaniniwalaang naganap.
6. Ito rin ay sumasagot sa tanong na:
a. Paano tayo ginawa?
b. Saan tayo galing?

Mga Elemento ng Mitolohiya

1. Tauhan
Ang mga tauhan sa mitolohiya ay mga diyos at diyosa na may taglay na kakaibang
kapangyarihan.

2. Tagpuan
May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon.

3. Banghay
Maaaring ang banghay o mga pangyayari ay tumatalakay sa mga sumusunod:
a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
b. maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga pangyayari
c. nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas
d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksiyong
nagaganap sa araw, buwan at daigdig

4. Tema
Maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa mga sumusunod:
a. magpaliwanag sa natural na pangyayari
b. pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. pag-uugali ng tao
d. mga paniniwalang panrelihiyon
e. katangian at kahinaan ng tauhan
f. mga aral sa buhay

Mula sa Elements of Literature, (Anderson et. al ,1993) at Enjoying Literature, (Ferrara et. al, 1991)

2
Alamin

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA (MELCS)


• Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan
(collocation). F10PT-IIa-b-71
• Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng
mga tauhan. F10PN-IIa-b-71
• Nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood. F10PD-IIa-b-69
• Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang Kanluranin sa mitolohiyang Pilipino.
F10PU-IIa-b-73
Paalala: Lahat ng mga Gawain ay sasagutin sa isang malinis na papel na magsisilbing
sagutang papel.

Subukin

Paunang Pagtataya: Sagutin ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang salitang Griyegong pinagmulan ng mitolohiya?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa mitolohiya?
3. Ano-ano ang mga elemento ng mitolohiya?
4. Ano ang ipinayo ni Skymir kina Thor sa pagtungo sa lugar nina Utgaro-Loki?
5. Bakit nilinlang ni Utgaro-Loki sina Thor?
6. Sino ang nakalaban ni Thjalfti sa pagtakbo?
7. Anong salita ang maaaring isama sa salitang hari upang makabuo ng bagong kahulugan?
8. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari ng mga Higante upang
hindi sila mapasakop sa kapangyarihan nito.”
a. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang paraan.
b. Matalino man ang matsing napaglalalangan din.
c. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
d. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.
9. Papaano magiging mabilis ang pagsusuri ng isang akda? Itala ang mga dapat gawin.
10. Sa pag-aaral ng isang akda paano mo malalaman ang pangunahing paksa o ideya sa
pamamagitan ng pakikinig lamang sa usapan ng mga tauhan?

Tuklasin

Nagsasaad ang Edda ng mga pinaniniwalaan ng mga sinaunang tao sa hilagang


Europa kabilang dito ang kanilang pinaniniwalaang mga diyos at diyosa na matutunghayan
sa kanilang mitolohiya. Tinatawag na mitolohiyang Norse o mitolohiyang Eskandinaba ang
mitolohiyang mula sa hilagang Europa kung saan ang mga tao ay nagsasalita ng Germanic
languages. Kabilang dito ang Svandinavia, Sweden, Norway, Denmark, at Iceland.

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante


ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Mga Tauhan:
diyos: Thor- diyos ng kulog at kidlat; pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir
Loki – kasama ni Thor sa paglalakbay, may kapilyuhan
higante: Skymir – naninirahan sa kakahuyan
Utgaro-Loki - hari ng mga higante
Logi, Hugi, at Elli - kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki
Mga tao: Thjalfti at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka

3
Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng mga
higante, ang kalaban ng mga diyos. Kinaumagahan, sila ay naglakbay sakay ng karuwahe
na hinihila ng dalawang kambing.
Nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka.
Kinatay ni Thor ang dalang kambing at inilagay sa malaking kaldero. Iniluto at inihain ito sa
hapunan. Inanyayahan ni Thor na sumalo sa kanila sa pagkain ang mag-anak na
magsasaka. Ang anak na lalaki ng magsasaka ay nagngangalang Thjalfi at Roskva naman
ang anak na babae. Inutos ni Thor sa magsasaka na paghiwalayin ang buto ng kambing sa
balat nito. Ngunit hindi sumunod ang anak na lalaki na si Thjalfi sa halip ay kinuha ang
bahaging pige at hinati ito gamit ang kutsilyo. Kinabukasan, nagbihis si Thor, kinuha ang
kaniyang maso, itinaas ito at binentidahan ang kambing. Tumayo ang mga kambing ngunit
ang isa ay bali ang paa sa likod. Napansin ito ni Thor. Nagalit ito nang husto at nanlilisik ang
kaniyang mga mata. Gayon na lamang ang takot ng buong pamilya. Halos magmakaawa
sila kay Thor at sinabing handa nilang ibigay ang lahat. Nang makita ni Thor kung gaano
natakot sa kaniya ang mag-anak, naglubag din ang kaniyang kalooban at hininging kapalit
ang mga anak nito. Kaya’t sina Thjalfi at Roskva ay naging alipin niya pagkatapos.
Ang kanilang paglalakbay ay nagpatuloy patungo sa silangang bahagi sa lupain ng
mga higante. Naglakbay sila buong araw at nang abutan ng dilim humanap sila ng
matutuluyan. Doon nila nakita ang malaking pasilyo at nagpasyang manatili roon. Hatinggabi
na nang gulatin sila ng malakas na lindol, umuuga ang buong paligid at pakiramdam nila ay
nagiba ang kanilang kinatatayuan. Nang siyasatin nila ang paligid ay nakakita sila ng isang
silid. Natakot ang mga kasama ni Thor kaya’t binunot niya ang kaniyang maso at humanda
sa pakikipaglaban. Maya-maya pa ay nakarinig sila nang malakas na ungol. Kinaumagahan,
nakita ni Thor sa labas ang isang higante. Natutulog ito at umuungol nang malakas. Akmang
pupukpukin ni Thor ng kaniyang maso ang higante nang bigla itong magising. Tinanong ni
Thor ang pangalan ng higante.
Siya raw si Skymir at nakikilala niya si Asa-Thor. Tinanong nito kung inalis ba ni Thor
ang kaniyang guwantes. Noon nalaman ni Thor na higante na pala ang kanilang tinulugan at
ang hintuturo nito ang inaakalang silid.
Tinanong ni Skrymir si Thor kung maaari siyang sumama sa kanilang paglalakbay at
ito ay pumayag naman. Nang buksan na ni Skymir ang baon niyang bag at humandang
kumain ng almusal wala ang baon nina Thor at ito ay nasa ibang lugar. Napagkasunduan
nila na pagsamahin ang kanilang mga baon. Pumayag si Thor, kaya’t pinagsama ni Skymir
ang kanilang mga baon sa isang bag at ibinuhol ito. Sa kanilang paglalakad nauuna ang
higante dahil sa malalaki nitong hakbang, sila ay nagpahinga sa isang malabay na puno.
Napagod ang higante kaya’t ito’y nakatulog agad at napakalakas humilik. Kinuha ni Thor
ang baon nilang bag at inalis ang buhol nito ngunit hindi niya maalis kaya’t uminit ang
kaniyang ulo at agad kinuha ang kaniyang maso at pinukpok sa ulo ang higante. Nagising si
Skymir at inaakalang may nalaglag na dahon sa kaniyang ulo, tinanong si Thor kung sila ay
kumain na. Sinabi nitong tapos na. Nang handa nang matulog lumipat sila ng ibang puno.
Hatinggabi na nang marinig na naman ni Thor ang malakas na hilik ng higante. Nagising si
Thor, kinuha ang kaniyang maso at muling pinukpok ang higante. Nagising ang higante at
tinanong kung may acorn ba na nahulog sa kaniyang ulo. “Ano ang nangyayari sa iyo Thor?”
sabi ng higante. Sinabi nitong siya ay naalimpungatan lamang at mahaba pa ang oras para
matulog. Naisip niya na kapag pinukpok niya sa pangatlong beses si Skymir ay maaaring
hindi na nito kayanin kaya’t hinintay niyang muling matulog ang higante.
Kinabukasan, habang natutulog pa ang higante ay hinugot ni Thor ang maso sa ulo
nito. Napatayo si Skymir, kinamot ang kaniyang pisngi at nagwika kung may mga ibon ba sa
itaas ng puno. Nang siya ay magising tila may mga nahuhulog na dahon sa kaniyang ulo.
“Gising ka na ba Thor?” wika niya. Oras na upang bumangon at magbihis. Malapit na kayo
sa kaharian ni Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang kuwentang
higante. Kung makararating kayo kay Utgaro makikita ninyo ang malalaking tao roon.
Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong magpapakita ng pagmamataas kay
Utgaro Loki.” sabi pa nito.
Nagpatuloy sa paglalakbay ang grupo ni Thor hanggang makita nila ang matibay na
tanggulan. Sinubok na buksan ni Thor ang tarangkahan ngunit hindi niya mabuksan.

4
Nakakita sila ng mataas na pader, pinanhik iyon at doon ay may daanan. Nakita nila ang
malalaking tao na nakaupo sa dalawang bangko. Sumunod na araw ay kaharap na nila ang
hari na si Utgaro-Loki. Nakilala niya si Thor ang mahusay na mandirigma. “Ikaw ay malakas
kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng iyong mga kasama? Hindi
namin hinahayaan na manatili rito ang taong walang ipagmamalaki.” wika nito.
Sumunod si Loki. “Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin. Walang
sinuman na naririto ang bibilis pa sa akin sa pagkain.” Tinawag ni Utgaro-Loki ang nakaupo
sa dulong upuan nagngangalang Logi.Inilagay sa gitna ng mesa ang mga hiniwang karne.
Magkatapat sa dulo ng mesa, naupo ang dalawang magkatunggali. Kinain nila nang
sobrang bilis ang karne, butonalamang ang naiwan sa parte ni loki ngunit walang butong
natira sa parte ni Logi. kaya’t malinaw na natalo si loki sa nasabing labanan.
Sumunod na paligsahan naman ang pabilisan sa pagtakbo na nilahukan ng batang si
Thjalfi laban sa bata rin na si Hugi. Sa unang paglalaban, masyadong malayo ang agwat ni
Hugi. Inulit ito nang tatlong beses ngunit hindi talaga maabutan ni Thjalfi si Hugi.
Tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung anong kakayahan naman ang ipakikita nito. Sinabi
nitong gusto niyang subukin ang labanan sa pabilisan ng pag-inom. Kaya’t tinawag ni
Utgaro-Loki ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas inuman ng mga panauhin.
“Isang mahusay na manginginom ang makauubos nito sa isang lagukan, ang iba ay
kaya ito ng dalawa ngunit kadalasan ay nauubos ito nang tatlong lagukan,” sabi ng pinuno
ng mga higante.
Hindi pinansin ni Thor ang sukat ng tambuli dahil siya ay uhaw na uhaw. Nilagok niya
nang malaki ang lalagyan ngunit hindi na siya makahinga kaya’t nang tingnan ang lalagyan
ay parang wala pa ring nabawas. Ganito rin ang nangyari sa ikalawang lagok.
Sinabi ni Utgaro-Loki “Kailangan mong lagukin itong lahat sa pangatlong pagkakataon.
Tingin ko ay hindi ka kasinlakas ng inaasahan ko.” Nagalit si Thor kaya’t ininom ang alak
gamit ang lahat ng lakas ngunit tila wala pa ring nabawas sa laman ng tambuli kaya’t
binitiwan ito hanggang sa matapon lahat ng laman.
“Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintindi tulad ng aming
iniisip. Gusto mo pa bang subukin ang iba pang uri ng pakikipaglaban?” tanong ni Utgaro-
Loki. “Anong labanan ang maimumungkahi mo?” sagot ni Thor.
“Isang laro na paborito ng kabataan dito buhatin ang aking pusa mula sa lupa.” Isang
abuhing pusa ang lumundag sa lupa. Malaki ito ngunit hinawakan ni Thor ang palibot ng
tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang lahat ng lakas. Ngunit paa lamang ng pusa ang
naiangat ni Thor.
“Tapos na ang labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si Thor sa aking
malaking pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?” wika ni Utgaro-Loki. “Tawagin mo na
akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng sinumang makikipagbuno sa akin, galit na
ako ngayon,” sabi ni Thor.
“Wala akong alam na gustong makipagbuno sa iyo ngayon pero hayaan mong
tawagin ko ang aking kinalakihang ina, ang matandang si Elli. Siya ang labanan mo ng
wrestling, marami na siyang pinatumbang mga lalaki na tulad mong malakas.”
Hindi na dapat pahabain pa ang kuwento, habang gamit ni Thor ang kaniyang buong lakas
lalo lamang matatag ang matandang babae hanggang mawalan ng balanse si Thor.
Pumagitna si Utgaro-Loki at sinabing itigil na ang labanan. Hindi na kailangang
makipagbuno pa ni Thor kaninuman sa tagapaglingkod. Malalim na noon ang gabi kaya’t
sinamahan sila ni Utgaro-Loki kung saan sila makapagpapahinga at inasikaso nang
maayos.
Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ay nagbihis at humanda na
sa paglalakbay. Hinandugan sila ni Utgaro-Loki nang masaganang agahan. Sa kanilang
paghihiwalay tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung ano ang naiisip nito sa kinalabasan ng
kanilang paglalakbay at kung may nakilala ba itong lalaki na higit na malakas kaysa kaniya
(Utgaro-Loki). Sumagot si Thor na hindi niya maikakaila na nalagay siya sa kahihiyan sa
kanilang pagtatagpo at marahil iniiisip nito na siya ay walang halaga at hindi niya ito gusto.
Sinabi ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay ipagtatapat ko sa iyo
ang katotohanan, kung ako ay mabuhay at may kontrol sa mga mangyayari, hindi mo na
kailangang bumalik pa ritong muli. Sa aking salita, ni hindi ka makakapasok dito kung alam

5
ko lang kung gaano ka kalakas, muntik ka nang magdulot ng kapahamakan sa aming lahat.
Ngunit nilinlang kita gamit ang aking mahika. Noong una tayong magkita sa kakahuyan agad
kitang nilapitan at nang tangkain mong alisin ang pagkakatali ng bag hindi mo ito nagawa
dahil binuhol ko ito ng alambre. Pagkatapos noon hinampas mo ako ng iyong maso nang
tatlong ulit. Ang una ay mahina pero kung umabot ito sa akin ay patay na ako. Nang makita
mo ang burol na tila upuan ng kabayo malapit sa aking kuta kung saan naroon ang tatlong
kuwadradong lambak, ang isa ay napakalalim, ito ang marka ng iyong maso. Inilagay ko
talaga ang burol na hugis kabayo sa harap ng iyong mga hampas pero hindi mo ito nakita.
Gayun din ang nangyari nang magkaroon ng paligsahan laban sa aking mga
tagapaglingkod. Ang una, nang kainin nang mabilis ni Loki ang mga hiniwang karne sa
sobrang kagutuman pero ano ang laban niya kay Logi na tulad ng mapaminsalang apoy na
kayang sunugin ang kakahuyan. At si Thjalfi na lumaban ng takbuhan sa tinatawag naming
Hugi, siya ay lumaban sa aking kaisipan. Walang makatatalo sa bilis ng aking kaisipan. At
noong ikaw naman ay uminom mula sa tambuli inakala mo na ikaw ay mabagal. Sa aking
salita, anong himala na ang dulo ng tambuli ay nakakabit sa dagat pero hindi mo ito nakita
pero tingnan mo ang dagat halos masaid ang tubig nito. Hindi rin kamangha-mangha sa akin
nang maiangat mo ang paa ng pusa sa lupa, pero para sabihin ko sa iyo ang totoo ang lahat
ng nakasaksi nito ay nahintakutan. Ang pusang iyon ay hindi totoong pusa kundi isang
Miogaro, isang ahas na ang haba ay sapat na upang yakapin ang daigdig ng kaniyang ulo at
buntot. Iniangat mo ito nang mataas halos abot hanggang langit. Kamangha-mangha rin
nang makipagbuno ka nang matagal at napaluhod ng isang tuhod lamang sa iyong
pakikipaglaban kay Elli na wala kahit sino mang makagagawa niyon. At ngayon tayo ay
maghihiwalay mas makabubuti para sa ating dalawa na tayo’y di na muling magkita.
Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o anumang
paraan upang hindi manaig ang iyong kapangyarihan sa akin.
Nang marinig ito ni Thor kinuha niya ang kaniyang maso upang ipukol ngunit wala na
si Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon wala na rin ang kuta kundi isang malawak lamang na
kapatagan. Muli siyang lumisan at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa
makabalik sa Thruovangar, ang mundo ng mga diyos.

- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
Jocson, Magdalena O. at Abiera, Aura Bert A. mga Konsultant. n.d.
Kagarawan ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Departmnet of Education-Instructional
Materials Council Secretariat(Dep-ed-IMCS), Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag-aaral Inilimbag ng vibal
Group, Inc.n.d.

Matapos mong mabasa ang akda, alam ko na handa mo nang sagutin ang mga sumusunod
na gawain.
Simulan na!

GAWAIN 1: Talasalitaan
Panuto: Isama ang ibinigay na salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan.
Isulat ang pinagsamang salita at ibigay ang kahulugan nito sa sagutang papel.

Halimbawa:
sibuyas

kayo kalabaw
balat

buto

balat sibuyas – maramdamin / sensitibo


balatkayo – pagkukunwari
balat kalabaw – makapal / di marunong mahiya
buto’t balat – sobrang payat
6
1. silid
2. tubig
3. bahay
4. kwento
5. buhay

IKALAWANG ARAW
Gawain 2. Subukan naman natin kung nauunawaan mo na nga ang iyong binasa sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Saan napagpasiyahang magtungo nina Thor at Loki sa kanilang paglalakbay?
2. Kanino nakituloy sina Thor at Loki nang abutin ng dilim sa paglalakbay?
3. Ano ang ikinagalit ni Thor sa magsasaka at sa pamilya nito?
4. Ano ang naging kapalit ng pagkakamali ng batang si Thjalfi?
5. Bakit nagalit si Thor kay Skrymir?
6. Ano ang nangyayari kapag hinahampas ni Thor ng maso si Skrymir?
7. Ano-anong paligsahan ang nilahukan ng mga panauhin sa kaharian ni Utgaro- Loki?
Ilahad ang naging resulta nito.
a. Loki vs Logi
b. Thjalfi vs Hugi
c. Thor vs cupbearer
8. Ano ang ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay Thor nang sila’y paalis na? Ilahad ang
pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan.
9. Kung ikaw si Thor at kaniyang mga kasama, ano ang mararamdaman mo kapag
nalaman mong nalinlang ka sa paligsahan? Bakit?
10. Nangyayari ba sa totoong buhay ang mga pangyayari sa mitolohiyang nabasa?
Ipaliwanag.

Suriin

IKATLONG ARAW
Upang higit mong makilala ang mitolohiyang Norse ay basahin muli ang mitolohiya
sa itaas o maaaring panoorin ang kuwento ni Thor sa link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=_VvvueCaXaY (Exploring Norse Mythology: Thor, God of
Thunder)
GAWAIN 3: Suriin ang elementong taglay ng binasa/napanood na mitolohiya sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Ilarawan ang taglay na kapangyarihan ni Thor.
2. Ilarawan ang tagpuan at panahon na pinangyarihan ng akda.
3. Saan nakatuon ang mga pangyayari o banghay?
4. Ano ang paksa o tema ng binasa/ napanood na akda?

IKAAPAT NA ARAW
Upang malubos ang iyong kaalaman sa pagsusuri ng mga mitolohiya, humanap
naman tayo ng iba pang mitolohiya na mas malapit sa ating puso. Siyempre pa hindi
pahuhuli ang ating bansang Pilipinas. Tunghayan naman ngayon ang mitolohiya ni Rihawani
(Isang mitolohiyang Kapampangan).

Rihawani
Sa isang kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Marugbu, isang liblib na
pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng puting
usa. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno na unang nanirahan doon. Ang Diyos daw na
ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito ng anyo bilang isa ring
puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito ay ingat na ingat at takot na takot
na magawi o maglagalag sa kagubatan, pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito

7
sila maraming makukuhang mga bagay na maaari nilang magamit o mapagkakitaan. Mga
prutas, mga hayop-gubat, mga halamang-gubat, at iba pa.
Sang-ayon sa kanila, may nakakita na kay Rihawani. Isa sa mga taong naninirahan
din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at prutas ay
napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa
malayo ay kapansin-pansin ang angking kagandahan nito, habang nakikipag-usap sa ilang
mga usang puti na nasa kaniyang paligid. Nang maglakad ang mga ito sa dakong patungo
sa kinaroroonan ng mga tao ay mabilis na humangos itong tumalilis dahil sa takot na makita
ni Rihawani, ang diyosa. Nang makarating ito sa bahay ay hindi magkumahog sa
pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang naging katatakutan ang
kagubatang iyon.
Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doon na ang pakay ay mangaso o
mamaril ng hayop-gubat. Nagtanong-tanong daw ang mga ito kung saang gubat marami
ang mga hayop o ibon na maaaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin
ang kasaysayan nito na pinanahanan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag ibiging puntahan
ang pook na iyon. Para sa ikatitiyak ng lakad ay ipinagsama ng mga ito ang isang
tagagabay. At lumisan ang mga ito patungo sa gubat na pupuntahan.
Pagdating sa paanan ng isang bundok ay napagkasunduan ng mga itong maghiwa-
hiwalay at magkita-kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid sa
kaalaman ng lahat, ang isa ay nagkainteres na dumako sa gubat na pinanahanan ni
Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na iyon. Nang
makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay naglalakad-lakad naman at nagsipat-sipat
ng mababaril na hayop. Naisip nito ang puting usa na sinasabi ng matanda.
Nang mapadako ito sa tabing-ilang, napansin niya ang isang pangkat ng
mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga ito at
nagtakbuhang papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang barilin, ngunit walang
matiyempuhan. Hanggang sa may makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta
at binaril. Tinamaan ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan ng mga
mangangaso ang puting usa may biglang sumulpot sa likuran na isang puting-puting usa na
malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo siyang namangha nang ang usa ay mag-iba ng anyo at
naging isang napakagandang babae. Sinumbatan nito ang mangangaso. Sa ginawang iyon
ng dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay naging isang puting usa at
mapabilang na sa mga alagad ni Rihawani.
Nang dakong hapon na, hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nang tinawag
ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na lamang ng lahat lalo na ng
kasamang gabay na sinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang sa sumpa ni
Rihawani. Mula noon, bukod sa naging aral na sa mga nandoon ang pangyayaring iyon, ay
pinangilagan na ng mga nangangaso ang dakong iyon ng kagubatan.

-Mula sa Panitikang Filipino (Pampanahong Elektroniko), (Arrogante et. al, 1991)

Gawain 4. Suriin ang taglay na elemento ng mitolohiya sa pamamagitan ng pagsagot sa


talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tauhan Tagpuan Banghay Tema

8
IKALIMANG ARAW
Magaling! Ngayong nasanay kana sa pagsusuri ng iba’t ibang mitolohiya ay pagtuunan
naman natin ng pansin ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba. May pagkakaiba nga ba
ang mga mitolohiya ng iba’t ibang lugar? Alamin natin.

GAWAIN 5. Sa pamamagitan ng Venn Diagram , ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba


ng mitolohiyang Kanluranin sa mitolohiyang Pilipino. Gawin sa sagutang papel.

Pagkakaiba Pagkakaiba

Sina Thor at Rihawani


Loki sa Pagkakatulad
Lupain ng
mga Higante

Pagyamanin / Isagawa
GAWAIN 6
1. Bumuo ng sariling mitolohiya na naglalarawan ng mga kaugalian at tradisyon ng mga
Pilipino. Siguruhing taglay nito ang mga elemento ng mitolohiya; Tauhan, Tagpuan,
Banghay at Tema.
2. Maaari itong guhitan ng mga larawan kung iyong mamarapatin. Gawin ito sa long bond
paper at ilakip sa iyong mga sagutang papel kaugnay ng LAS.

Pamantayan Puntos
Naipakikilala nang mahusay ang tauhan sa mitolohiya - 4
Nailalarawan nang mabuti ang tagpuan - 4
Naisasalaysay nang maayos ang mga pangyayari - 4
Nailalahad nang wasto ang tema ng mitolohiya - 4
Naipapakita ang mga kaugalian at tradisyong Pilipino - 4

Kabuoan = 20

Tayahin

Pangwakas na Pagtataya: Sagutin ang mga katanungan.


1. Ano ang turing sa mga mitolohiya kahit ang mga ito ay hindi kapani-paniwalang mga
kwento ng mga diyos at diyosa?
2. Anong elemento ang tumatalakay sa mga pangyayari sa mitolohiya?
3. Ang nagsasaad ng mga pinaniniwalaan ng mga sinaunang tao sa hilagang Europa
kabilangdito ang kanilang pinaniniwalaang mga diyos at diyosa na matutunghayan sa
kanilang mitolohiya.
4. Ano ang tawag sa mga mitolohiyang mula sa hilagang Europa kung saan ang mga tao ay
nagsasalita ng Germanic languages?
5. Paano nakatutulong ang pagsasama ng dalawang magkaibang salita sa
pakikipagtalastasan?

9
6. Nilinlang ni Utgaro –Loki sina Thor upang hindi ____________.
a. na makabalik sa pinagmulan b. manaig ang kapangyarihan nito
c. sila masakop at magapi d. sila mapaglaruan ng taglay nitong lakas
7. Ang pagtatanong ni Skymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay
nangangahulugang hindi niya ________________.
a. alam na tinaga siya ni Thor b. nalalaman ang sikreto ni Thor
c. alam na naunang nagising si Thor d. naramdaman ang paglipad ng ibon
8. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng ______________.
a. pag-aalala b. pagmamalasakit
c. pagmamahal d. pagtanaw ng utang na loob
9. Paano magiging epektibo ang pagsusuri ng akda?
10. May kaugnayan ba sa mga nangyayari sa kasalukuyan ang mga pangyayaring naganap
sa mga mitolohiya? Ipaliwanag.

MGA SANGGUNIAN
Aklat
Jocson, Magdalena O. at Abiera, Aura Bert A. mga Konsultant
Kagarawan ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Departmnet of Education-Instructional
Materials Council Secretariat(Dep-ed-IMCS), Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag-
aaral Inilimbag ng Vibal Group, Inc.

Online
The Exploring Series ,” Exploring Norse Mythology: Thor, God of Thunder” March 12,2018. Accessed on August
39, 2020 https://www.youtube.com/watch?v=_VvvueCaXaY

Susi sa pagwawasto
Paunang Pagtataya
1. mythos
2. diyos at diyosa
3. tauhan, tagpuan, banghay, tema
4. huwag magpapakita ng pagmamataas
5. upang hindi sila masakop at magapi
6. Hugi
7. Bahag-hari = rainbow (maaaring magbigay ng ibang sagot ang mag-aaral)
8. A
9. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sistema sa pagsusuri.
10. Unawain at pakinggang mabuti ang usapan ng mga tauhan.
Gawain 1
1. silid-aklatan, silid- tulugan, silid –kainan, silid- dalanginan
2. tubig-alat, tubig-kanal, tubig-pampaligo, tubig-tabang
3. bahay-kubo, bahay-ampunan, bahay-bata, bahay-bahayan
4. kwentong –bayan, kwentong-kutsero, kwentong –barbero, kwentong katatawanan
5. buhay-alamang, hanapbuhay, agaw-buhay, talambuhay
(maaaring magbigay ang mag-aaral ng ibang sagot)

Gawain 2
1. sa lupain ng mga higante
2. sa bahay ng pamilyang magsasaka
3. hindi sumunod sa kanyang tagubilin na ihiwalay ang buto sa balat ng kambing kapag kinain.
4. pagiging alipin ng mga anak ng magsasaka
5. maingay/ humihilik
6. bumabaon ang maso sa ulo ni Skymir
7. a. pabilisan sa pagkain = talo
b. pagtakbo = talo
c. palakasan uminom = talo
8. batay sa sariling sagot ng mga mag-aaral
9. batay sa sariling sagot ng mga mag-aaral
10. batay sa sariling sagot ng mga mag-aaral
10
Gawain 3
Sariling sagot ng mga mag-aaral
Gawain 4
Sariling sagot ng mga mag-aaral
Gawain 5
Sariling sagot ng mga mag-aaral
Gawain 6
Paglikha ng sariling mitolohiya ng mga mag-aaral

Pangwakas na Pagtataya
1. sagrado
2. banghay
3. Edda
4. Norse o Eskandinaba
5. Nakabubuo ng bagong salita na may ibang kahulugan
6. C
7. B
8. D
9. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sistematikong pamamaraan sa pagsusuri ng akda.
10. Batay sa sariling sagot ng mga mag-aaral

Inihanda ni:

LESLEY A. ANGELES
MT-I /ACSci HS

Sinuri ni:

JEMA ADORA V. CALAGUAS


MT-I /FGNMHS-Focal Person

Isinumite kay:

EUGENE V. LACSINA
HT llI, Filipino/ACNHS

Inaprobahan ni:

ROCHELLA C. DAVID
EPSvr 1 – Filipino

11
FILIPINO 10
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
DULA

Isaisip
Panimula (Susing Konsepto)

Isa sa mga makulay na uri ng panitkan ay ang Dula. Ito ay hango sa salitang Griyego
na “ drama” na nangangahulugang gawin o ikilos. Ang dula ay isang uri ng akdang
panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang
mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Makulay ang uri ng panitikang ito dahil sa
malikhain at detalyadong pagkakasulat nito. Sa uri rin ng panitikang ito ay makikita mo ang
iyong sarili na tila kabilang ka sa mga eksena sa kuwento dahil binibigyan mo ito ng buhay
sa paraan nang iyong pagbasa. Maaari rin namang ikaw ang magbigay ng buhay nito bilang
isa sa mga karakter sa pagtatanghal sa entablado.
Ang Dula ay may tatlong sangkap ito ang simula, gitna at wakas. Sa Simula ay
mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin, samantalang sa Gitna ay
matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan, habang ang
Wakas naman ay matatagpuan dito ang kakalasan at ang kalutasan.

MGA URI NG DULA


1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan.
2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood dahil nagtatapos na masaya
sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo.
3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na
bahagi.
4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang
katawatawa.
5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa dito.
Epistemolohiya/epitimohiya- ang pag-aaral sa kaalaman at ang kalikasan nito, posibilidad at
pangangatuwiran.
Kasaysayan ng Pilosopiya: ang pag-aaral tungkol sa mga akda ng mga pilosopo hanggang
sa kasalukuyan.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Dula
https://www.slideshare.net/anneng15/mga-sangay-ng-pilosopiya-70266251

Alamin

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA (MELCS)

Ø Naipapaliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito (epitimolohiya)


( F10PT-lla-b-72)
Ø Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa
daigdig (F10PB-lla-75)
Ø Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan sa
napakinggang usapan ng mga tauhan (F10PN-lla-b-72)
Ø Naipapaliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng kuwentong-
bayan batay sa napanood na bahagi nito.(F10PD-lla-b-70)
Ø Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura
kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa ( F10PU-lla-b-74)

12
Subukin
GAWAIN 1
Ipaliwanag ang pinagmulan ng mga salita sa ibaba, isagawa ang hinihingi sa bawat bilang.
1. Ang salitang kastilyo ay hiram na salita natin mula sa Espanyol na CASTILLO.
Ipaliwanag ang kahulugan ng salitang ito. Ang kahulugan ng kastilyo ay ____.
2. Ang salitang AMBISYON ay salitang hiram o likas na sa atin? Magbigay ng
paliwanag kung saan nagmula ang salitang ito.
3. Ang salitang REPERENSYA ay madalas ng ginagamit sa alin mang aklat at malaya
ng ginagamit sa pang-araw-araw na pananalita, saan kaya hinango ang salitang ito
at may katumbas kaya itong salita sa wikang Filipino? Ano ang katumbas ng
reperensya sa wikang Filipino? Ipaliwanag
4. Ang salitang TEKNIK ay hango mula sa salitang ingles na TECHNIQUE. Ipaliwanag
ang kahulugan ng salitang ito. Ang kahulugan ng TEKNIK ay ________.
5. Ang salitang inosente ay mula sa salitang kastila na inocente. Ipaliwanag ang
kahulugan ng salitang ito. Ang kahulugan ng INOSENTE ay ____.

Tuklasin
Sintahang Romeo at Juliet
Hango sa Romeo at Juliet
Ni: William Shakespeare
na Isinalin ni Gregorio C. Borlaza
Unang Tagpo
(Sa pag-iisa ni Romeo. Kinakausap ang sarili)

ROMEO: Bata pa ba ang araw? Mahaba ang malungkot na mga oras.


Walang paglingap ng aking minamahal.
O, nag-aaway na pag-ibig!
O, pag-ibig na nagagalit!
O, kahit na anong sa wala nanggagaling!
Ganito ang pag-ibig kong walang pag-ibig na nadarama.
Pakitaan ako ng isang babaing labis na marikit,
Di ba’t ganda nito’y isa lamang pantawag ng isip
Sa lalo pang may malaking kagandahan?
Sa paglimot, di mo ako ma’aring turuan.
(Sa pag-iisa ni Juliet. Kinakausap ang sarili.)
JULIET: Pag-aasawa’y isang karangalang hindi ko pinapangarap.
Bata pa sa gulang kong labing-apat, banggit ni ina,
Mga dalaga dito ay nagiging ina na.
Sino si Paris? Isang lalaki raw na guwapong-guwapo?
Maiibig ko ba ang ginoo?
Hangad ng magiting na ito, ang pag-ibig ko.
Sa piging mamayang gabi, siya’y makikita ko.
Sa pagbasa ng aklat ng kay Paris na mukha,
Sana nga ay matagpuan ang itinitik ng kagandahang tuwa;

IKALAWANG TAGPO
(Nagsimula na ang kasiyahan sa bulwagan. Naroon din si Juliet na nakikipagsayawan.
Darating si Romeo at makikita niya si Juliet sa hanay ng mga babaeng sumasayaw.)

ROMEO: Liwanag ng tanglaw, sa pagtuturo niya’y lumalaki,


Para siyang nakabitin sa pisngi ng gabi,
Katulad ng mamahaling hikaw sa tenga ng babaing Ethiopia,
13
Kagandahang di dapat gamitin pagkat lubhang mahalaga,
Parang puting kalapating kasama ng mga uwak
Ang binibini ko sa piling ng mga hamak.
Pagkatapos nitong sayaw, titingnan kung saan siya uupo,
Mabibindita ang kamay kong magaspang pag ang kaniya ay nahipo,
Puso ko ba’y mayroon nang minahal? Itakwil mo, mata,
Pagkat ang tunay na ganda’y ngayon ko lamang nakita.
(Makikita ni Tybalt si Romeo. Sisitahin niya ito.)

TYBALT: Ito sa tinig ay marahil isang Montague.


Bakit naparito ang aliping itong mukha’y di mapinta?
Upang kutyain lamang ang ating pagsasaya?
Sa ngalan ng lipi at dangal ng aking angkan,
Ang patayin siya’y hindi masasabing kasalanan.

CAPULET: Bakit pamangkin ko, ano ang ipinagpuputok mo?


TYBALT: Tiyo, ito ay ating kaaway na isang Montague;
Isang buhong na dahil sa galit naparito,
Upang libakin ang kasayahang ito.

CAPULET: Siya ba ang batang si Romeo?

TYBALT: Siya nga, si Romeong buhong.

CAPULET: Masiyahan ka pinsan ko, pabayaan siya.


Parang maginoong tunay ang mga kilos niya,
Dahil sa taglay na dangal at kilos niyang sakdal buti.
Kahit ibayad sa akin ang yaman ng buong bayan,
Hindi ko siya sisiraan sa aking tahanan.
Kaunting tiyaga, huwag mo siyang pansinin.

TYBALT: ‘Pag panauhin ay isang buhong ay angkop iyan.


Hindi ko siya mapagtitiyagaan.
CAPULET: Pagtitiyagaan siya. Bakit, iho
Ganiyan ang sabi ko. Alis ka diyan!
Ako ba ang panginoon dito o ikaw?
Alis ka diyan! Nais mong sumikat, nais mo na ikaw ang masunod!

TYBALT: ‘Pag ang pasensiya’y pinilit kong pumigil sa galit na pag-ayaw,


Nanginginig sa tagisan ang lahat kong mga laman.
Ako ay aalis; subalit ang ganitong panghihimasok
Na ngayo’y waring matamis ay magiging mapait na lubos.
(Lalabas si Tybalt. Magtatagpo ang paningin nina Romeo at Juliet)

ROMEO: Kung lapastangan ng kamay kong hindi marapat,


Ang iyong dambanang banal, ang parusang ilalapat;
Ang mga labi kong dalawa’y namumulang mamamakay
Ay handang hagurin ng halik ang ginaspang ng aking kamay.

JULIET: Mabait na mamamakay, ikaw ay nagkakasala


Sa kamay mong mabuting kilos ang nakikita;
Mga santo’y may kamay na hinihipo ng may-pakay;
At ang pagdadaop-palad ay parang halikang banal.

14
ROMEO: Kung gayon, santa ko, bayaang gawin ng labi ang gawain na pangkamay!
Sila ay dumadalangin upang ang paniniwala ay hindi mamatay.
(Hahalikan ni Romeo si Juliet.)

JULIET: Kung gayon ay nasa aking labi ang salang sa iyo ay nakuha.

ROMEO: Salang buhat sa labi ko?


O salang malambing na iyong binanggit,
Ang sala ko ay muling ibalik
(Hahalikan niyang muli si Juliet.)

JULIET: Parang pinag-aralan mo ang paghalik.

NARS: Senyorita, nais kang makausap ng iyong ina.

ROMEO: Sino ang kaniyang Ina?

NARS: Aba, binata. Ang nanay niya ay ginang nitong tahanan.

ROMEO: Siya ba’y Capulet?


O kay samang kapalaran!
Ang buhay ko’y utang ng aking kaaway.
Ito na ang ikinatatakot ko, lalo akong hindi mapalagay.

IKATLONG TAGPO
JULIET: O Romeo, Romeo!
Itanggi ang iyong ama’t ang pangala’y itakwil mo!
O kung hindi, isumpa mong ako’y iniibig,
At hindi na ako magiging Capulet

ROMEO: Maghintay pa kaya ako, o ngayon din ay tumugon?

JULIET: Pangalan mo lamang ang masasabi na kaaway ko,


Ikaw ay ikaw rin kung hindi ka man Montague.
Ano ang Montague? Hindi kamay, hindi paa,
Ni braso, mukha, o anumang bahagi pa ng katawang tao.
O, magpalit ka na ng pangalan!
Ang rosas kung tagurian,
Sa ibang taguri’y mananatiling mabango ang pangalan

ROMEO: Susundin ko ang wika mong binitiwan.


Tawagin mo akong mahal at pamuli kong bibinyagan;
Buhat ngayon hindi na ako magiging Romeo.

JULIET: Sino ka bang nagkukubli sa gabing madilim,


Na nakatuklas sa aking lihim?
ROMEO: Sa pangalan, Hindi ko malaman kung paano ipakikilala yaring katauhan.
Ang ngalan ko, santang mahal, ay kinasusuyaan ko
Pagka’t yao’y isang kaaway mo.
Kung nasusulat ‘yon ay pupunitin ko.

JULIET: Hindi ko pa nalalanghap,’ sandaang kataga,


Ng sinabi ng dilang yan, ngunit alam ko na yata.
Hindi ka ba si Romeo, at isang Montague?

ROMEO: Hindi ang kahit alin, o santang butihin, kung kamumuhian mo rin.

15
JULIET: Paano ka naparito, sabihin sa akin, at saan nanggaling?
Pader dito ay mataas. Mahirap akyatin,
At kung iisipin, ang pook ay kamatayan,
‘Pag natagpuan ka rito ng sino mang aking kasamahan.

ROMEO: Nilundag ko yaong pader sa pakpak ng pagmamahal;


Pagkat ang pag-ibig ay di mapipigil ni’yong batong humahadlang.
Ginagawa ng pag-ibig ang bawat kaya niyang gawin,
Kaya’t ang mga pinsan moy hindi sagabal sa akin.

JULIET: ‘Pag nakita nila ay papatayin ka.

ROMEO: Tamisan mo lang ang titig,


Ay ligtas na ako sa kanilang pagkagalit.

JULIET: Mawala na buong mundo, huwag ka na lamang makita rito.

ROMEO: Nariyan ang talukbong ng gabing tatakip sa akin,


Hindi baleng matagpuan nila ako, iyo lamang mamahalin.

JULIET: Sinong nagturo sa iyo ng lugar na ito?

ROMEO: Ang pag-ibig na nagturo sa aking magmatyag,


Binigyan ako ng payo’t binigyan siya ng pangmalas.

JULIET: O mabait na Romeo, Kung ikaw ay umiibig ay tatapatin mo.


O kung akala mo’y ako’y napakadaling mahuli,
Ang totoo, butihing Montague, labis akong mapagmahal,
Dahil, dito’y maaari mong sabihing kilos ko’y buhalhal;
Ngunit maniwala ka, ginoo, magiging lalong matapat ako
Kaysa mga mukhang mahiwaga dahilan sa tuso.

ROMEO: Binibini ako’y nanunumpa sa ngalan ng buwang iyon


Na nagpuputong ng pilak sa lahat na nariritong punong kahoy.

JULIET: Huwag kang manumpa sa ngalan ng buwang di matimtiman


Na buwan-buwan ay nagbabago sa kaniyang ligiran.
Baka ang pag-ibig mo ay maging kasinsalawahan
Masyadong kaparis ng kidlat na biglang nawawala
Bago masambit ang ‘kumikidlat’. Paalam na mahal!

ROMEO: Iiwanan mo ba akong ganitong di nasisiyahan?

JULIET: Anong kasiyahan ang maaari mong ngayon ay makamtan?

ROMEO: Magpalitan tayo ng tapat ng sumpa ng pag-ibig.

JULIET: Ibinigay ko na sa iyo ang akin bago mo hiningi.

ROMEO: Babawiin mo ba? Anong dahilan sa iyo’y muling ibigay?

JULIET: Tatapatin kita, upang sa iyoy muling ibigay.


Ang kagandahang-loob ko ay kasing lawak ng dagat,
Pag-ibig koy kasinlalim; habang binibigyan kita
Lalong marami ang natitira, kapwa sila walang hanggan.

16
Maging tapat ka Montague kong matamis
Maghintay ka, ako ay muling babalik.

ROMEO: O, gabing lubhang pinagpala, ako’y nangangamba pagkat ngayong gabi’y baka
ito ay pangarap lamang, Masyadong mapanlito upang maging katotohanan.

JULIET: Tatlong salita, mahal kong Romeo’t paalam nang tunay.


Kung marangal ang hangarin ni’yong iyong pagmamahal,
at hangad mo ay pakasal, pasabihan bukas ako,
Sa tulong ng isang susuguin ko sa iyo,
Kung saa’t kailan mo nais ang kasal ay ganapin;
Ang lahat kong kayamana’y sa paanan mo ay ihahain,
Sa buong daigdig kita susundin.

JULIET: Subali’t kung hindi wagas ang iyong hangarin,


Hinihiling ko sa iyo-
Na ihinto ang iyong pagsuyo’t sa lungkot ako’y iwanan
Bukas ako’y magpapasugo sa iyo.
ROMEO: Mabuhay nawa ang kaluluwa ko

JULIET: Adios, adios matamis na lungkot ng paghihiwalay


Di ako titigil ng kapapaalam hanggang kinabukasan.

IKAAPAT NA TAGPO
PADRE: Pagpalain ng langit itong banal na gagawin upang pagkatapos ang pagsisisi’y
huwag nating kamtin.

ROMEO: Amen, Amen, ngunit ano man ang lungkot na darating


Ang kagalakan kong matatamo’y hindi dadaigin
Sa sandaling siya’y aking masilayan.
At ang kamatayang salot sa pag-ibig, bayaang dumating
Kasiyahan ko nang siya’y maging akin.

PADRE: Ang marahas na ligaya’y may marahas na hanggahan.


Parang apoy at pulburang namamatay sa tagumpay,
Naghahalikan ay nauubos. Ang pulot na matamis na lubha
Dahilan sa sarap ay nakasusuya,
At ang tamis ay nakasisira sa panlasa.
Kaya’t magtimpi ka sa pag-ibig; ganito ang mahabang pagsinta;
Ang mabilis ay kasabay ng mabagal, dumating sa pinupunta.

JULIET: Magandang gabi po sa mabunying kumpesor ko.

PADRE: Para sa aming dalawa, si Romeo ang pasasalamat sa iyo.

JULIET: Gayon din ako sa kaniya;


O, ang pasasalamat niya ay magiging kalabisan.

ROMEO: A, Juliet, kung ang kaligayahan mo kagaya ng aki’y iipunin at ang kakayahang
iyong angkin.
Ang maglalarawan doon, patamisin ng iyong hininga

JULIET: Pagmamapuring mayaman kaysa sabi-sabi,


Ipinagmamalaki ay laman, hindi palamuti,
Pulubi lamang ang kayang bilangin ang yaman;
Ngunit pag-ibig kong tapat ay labis ang kayamanan

17
Kahit kalahati ay hindi ko mabilang

PADRE: Madali nating tatapusin na,


Pagkat di kayo nararapat bayaang nag-iisa

IKALIMANG TAGPO
BENVOLIO: Si Tybalt na nahulog kay Romeong kamay;
Si Romeo ang nagsabi sa kaniyang malumanay
Na walang k’wenta ang pagtatalunan,
Itong lahat – sinabi niya nang buong hinahon, maaamo ang tingin at yukod ang tuhod –
Hindi makapayapa sa pusong mapusok ni Tybalt na bingi sa payapang panawagan,
Umulos ng armas sa dibdib ni Mercutiong matapang;
Sa galit, ay lumaban, armas sa armas,
At parang isang sundalo’y tinabig ng isang kamay niya
Ang kamatayang malamig, saka ibinalik ng ikalawang kamay
Kay Tybalt na dahilan ang liksing taglay ay biglang gumanti.
Isang inggit na saksak ni Tybalt ang lumagot
Sa buhay ng matapang na si Mercutio.
Kumaykay ng takbo si Tybalt at saka binalikan si Romeo
Na bago la’ng nakaisip na gumanti rito,
At parang kidlat silang nagtagis; bago ko nakuha
Ang armas upang sila’y nabubuwal ay tumakbo si Romeo
Ito ang katotohanan, mamatay man si Benvolio

PRINSIPE: At dahil sa kasalanang iyan.


Siya’y aking ipatatapong biglaan.
Palayasin agad si Romeo,
Katapusan niyang araw pag nahuli rito.
Iligpit ang bangkay at ang utos ko ay sundin
Ang awa’y nakamamatay sa paglingap sa salarin.

IKAANIM NA TAGPO
JULIET: Huwebes ng umaga!
Ako’y namamangha sa pagmamadali,
Ako’y pakakasal sa isang taong di pa man nanliligaw.
Hay, ama at ina ko, isang salita ko sana’y dinggin.
Di ako nagmamalaki ngunit nagpapasalamat
Di maipagmamalaki ang kinapopootan ng lahat,
O, matamis kong ina, h’wag akong talikuran!
O kung hindi ay ihanda ang aking kamang pangkasal
Sa madilim na libingan kay Tybalt na hinihigan.
Ako’y tutungo kay Padre Laurence na silid,
Upang ikumpisal ang kay Tatay na ikinagalit.

IKAPITONG TAGPO
PADRE: Ah, Juliet, batid ko na ang iyong hinagpis;
Ako’y nababahalang labis na abot nitong pag-iisip.
Narinig kong kailangan at hindi mapipigilang
Sa Huwebes na darating ang Konde ay iyong pakasalan.

JULIET: H’wag sabihin, padre, na narinig mo ‘yan


Kundi masasabi kung paano ninyo’y ito maaaring hadlangan.
Kung sa karunungan ninyo’y di makatutulong,

18
Sabihin man lamang na tama ang nilalayon
At sa tulong ng lansetang ito’y gagawin ko.
Huwag nang mag-atubili, nais kong mautas
Kung ang inyong sasabihin ay hindi makalulunas.

PADRE: Umuwi ka, matuwa’t pumayag kay Paris pakasal .


Miyerkules bukas. At bukas ng gabi, mahiga kang nag-iisa;
Matapos mahiga’y kunin ang garapang ito
At ang lamang alak nama’y tunggain mo.
Pagkatapos nito’y sa mga ugat mo’y maglalagos
Ang pagdaramdam ng antok at ang tibok
Ng pulso mo’y titigil at mawawala,
Walang init o hiningang sa buhay mo’y magbabadha;
Ang rosas mong labi’t mga pisngi ay kukupas
Parang kamatayang nagpipinid sa araw ng buhay:
Bawa’t bahaging malambot ng iyong katawa’y
Maninigas, manlalamig at parang tunay na patay;
Sa ganitong hiram na anyo ng kamatayan
Mamamalagi ka sa loob na apatnapu’t dalawang oras.

IKAWALONG TAGPO
NARS: Binibini! Ano ba, binibini!
Juliet! Ano’t nakabihis, magara ang damit, at nahiga uli?
Kailangang gisingin ka. Binibini! Ano ba, binibini!
Juliet! Naku, naku, naku.
Tulong, tulong ang binibini ko’y patay
O kay sawi, bakit pa ba ako isinilang
Kumuha ng alak, madali! Aking ginoo! Aking ginang!
Araw na kasumpa-sumpa, malungkot, hamak, nakamumuhi!

KASIYAM NA TAGPO
(Romeo at Baltazar.Dumating si Baltazar mula sa Verona dala ang masamang balita
para kay Romeo.)
ROMEO: Balitang buhat sa Verona! Baltazar, anong iyong masasabi?
Wala ka bang dalang sulat na buhat sa Padre?
Kumusta ang aking ginang? Mabuti ba ang aking ama?
Ang muli kong itatanong, kumusta ba ang aking Juliet?
Walang magiging masama kung mabuti ang kalagayan niya

BALTAZAR: Kung gayo’y mabuti, siya’y walang magiging masama.


Ang kaniyang bangkay sa libinga’y namamayapa,
At ang kaniyang kaluluwa’y kasama ng mga anghel.
Nakita ko siyang inilibing sa tumba ni Capel.

ROMEO: Gayon ba? Kung gayon ay humarang na ang mga bituin!


Aalis ako ngayon din! Wala bang sulat ang Padreng sa iyo’y padala?

BALTAZAR: Wala po, mabuti kong panginoon.

ROMEO: Ano ang dapat kong gawin?


May naalala akong isang butikaryo,
Na sa dakong ito nakatira, napansin ko.
(Sa may Butikaryo)

19
BUTIKARYO: Sinong tumatawag nang kaylakas?

ROMEO: Nakikita kong ikaw ay mahirap.


Heto ang apatnapung ducado.
Bigyan ako agad ng isang lagok na lasong kakalat
Upang mamatay ang iinom na sa buhay ay nagsawa na.

BUTIKARYO: Mayroon nga akong lason; ngunit parusa ng batas ng Mantua’y kamatayan
sa magbili na pangahas.

ROMEO: Ang mundo’t ang batas ay hindi mo kaibigan;


Walang batas sa mundong sa iyo ay magpapayaman;
Huwag mamalagi sa hirap, labagin ang batas, kunin mo iyan.

BUTIKARYO: Ilahok mo ito sa kahit na anong tunaw at saka inumin.


At kung ang lakas mo’y katimbang
Ng sa dalawampung katao, ay bigla kang mamamatay.

IKASAMPUNG TAGPO
JUAN: Banal na padreng Pransiskano, kapatid ko!
Samantalang humahanap ng kasama,
Pinakuan ang pintuan at di kami pinalabas
Kaya’t ang bilis ng pagtungo ko sa Mantua ay napigil agad.

PADRE: Sino ang nagdala ng sulat ko kay Romeo?

JUAN: Wala akong mapagdala – narito nang muli –

PADRE: Malungkot na kapalaran!


Ang sulat ay hindi biro
kundi mayrong nilalamang mahalagang bagay

IKALABING-ISANG TAGPO
ROMEO: O mahal ko! O asawa ko!
Ang kamatayang humigop ng pukyutan ng iyong hininga
Sa takot na ganito nga, ako’y titigil sa iyong piling,
Dito, dito na ako tatahan
Kasama ng mga uod na iyong utusan.
O dito ko gaganapin ang pamamahingang walang hanggan
Mga mata; katapusang yakap, mga kamay; hayo na’t tatakan
Mga labi ng makatarungang halik, sa pintuan ng hininga
Ang kasunduan namin ni kamatayang walang hanggan!
Halika na, aking tagaakay na mapait at hindi mainam
(Iinumin ang lason.)
O tapat na butikaryo! Mabisa ang lason.
Matapos ang isang halik, mamamatay ako.

(Pagkalipas ng itinakdang oras ay muling nagising mula sa hiram na kamatayang sinapit ni


Juliet.)

JULIET: Ano ito? Lason, nakita ko, ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
O, inubos niya at walang nalabi kahit kapatak man lamang upang tumulong sa akin?
Hahagkan ko iyong labi baka sakaling may lason pang natira kahit konti
Upang ang gamot na halik ay lumagot sa buhay kong sawi.
Oh, mabuting balaraw!
Ang puso ko ang bayaan mo; tumimo ka riya’t bayaang ako’y mamatay

20
(Sasaksakin ni Juliet ang kaniyang sarili.)

BABAE: Kapayapaang mahilom ang dulot nitong umaga


Ang araw ng kalungkuta’y hindi ngayon pakikita
Lumakad na kayo’t pag-uusapan pa ang malungkot na naganap
Ang iba’y patatawarin at sa iba’y parusa ay ilalapat;
Sapagkat wala pang makakasinlungkot
Ang naging buhay ni Juliet at ni Romeo na kaniyang irog.
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/sintahang-romeo-at-juliet.html

GAWAIN 2:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang damdaming namamayani kay Romeo nang makita si Juliet?
2. Ilarawan ang pag-iibgan nina Romeo at Juliet. Ano ang Nakita nilang balakid sa
kanilang pag-iibigan?
3. Paano ipinaglaban nina Romeo at Juliet ang pag-ibig nila sa isa’t isa?
4. Bakit humantong sa masaklap na trahedya ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet?
5. Kung ikaw si Juliet at alam mong magkagalit ang inyong pamilya sa lalaking iniibig
mo, ipaglalaban mo ba ang pag-ibig mo? Pangatuwiranan.
6. Ano ang nadama ni Romeo nang malaman ang sinapit ni Juliet? Ano ang nadama
ni Juliet sa sinapit ni Romeo?
7. Bakit umiiral ang gayong pamantayan o kalakaran sa pag-ibig sa panahon ni
Shakespeare?
8. Ano ang iniingatan ng pamantayang ito? ipaliwanag
9. Paano pinadalisay nina Romeo at Juliet ang konsepto ng pag-ibig?
10. Sa iyong palagay, sa modernong panahong ito ay mayroon pa rin bang ganitong uri
ng isyung pag-ibig? Ipaliwanag

Filipino: Panitikang Pandaigdig 10

IKALAWANG ARAW

GAWAIN 3: Ihambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda (England) sa


ating bansa (Pilipinas).
Paghahambing batay sa: Bansang tagpuan ng Bansang Pilipinas
dula (England)
Pinuno ng Estado
Uri ng Pamahalaan
Tawag sa kabisera
Tirahan ng mga pinuno
Kalagayan ng buhay ng nakararami
sa mamamayan
Iba pang kaugalian ng dalawang
bansang nabanggit

21
IKATLONG ARAW

Suriin

Matapos mong mabasa at maunawaan ang nilalaman ng akdang Sintahang


Romeo at Juliet ay nakatitiyak akong kayang-kaya mo ang susunod nating gawain!
Alam kong sabik ka na! kaya simulan na natin!
Nakakita ka na ba ng tinatawag na stop motion? Batid ko ay oo, at kung hindi
pa ay nais kong panoorin mo itong maikling stop motion na ito sa youtube upang
magkaroon ka ng ideya ukol sa iyong gagawin.

https://www.youtube.com/watch?v=TswOsGQoUfc

Ngayong napanood at alam mo na ang stop motio, narito ang iyong gawain.

GAWAIN 4: STOP MOTION


PANUTO: Gumawa ng sariling stop motion na naglalahad ng kultura ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong-bayan sa napakinggang usapan sa mga
tauhan.
Pamantayan sa paglikha ng stop motion ng Sintahang Romeo at Juliet
1. Suriin ang akdang Sintahang Romeo at Julie atb pumili ng ilang tagpo na
nagpapakita ng kultura ng lugar na pinagmulan ng akda (England).
2. Maaaring gumamit ng mga ginupit na larawan sa paggawa ng stop motion.
3. Ang stop motion ay hindi hihigit sa 1:50 minuto at hindi kukulang sa 1:00
minuto.
4. Lagyan ito ng musika o background music upang magkaroon ito ng buhay.
5. I-post ito sa twitter account at gamitin ang #RomeoAtJuliet10
6. Maging masining sa paglikha.
Rubrik sa Pagmamarka
NATATANGI PINAKAMAHUSAY MAHUSAY MAY KAKULANGAN
15 10 6 3
Ang lahat ng Nakita sa Ang karamihan ng Ang ilan sa Nakita sa Walang nakita na
presentasyon ay Nakita sa presentasyon presentasyon ay presentasyon na
naglalaman ng totoong ay naglalaman ng naglalaman ng totoong naglalaman ng totoong
kultura at tradisyon ng totoong kultura at kultura at tradisyon ng kultura at tradisyon ng
England batay sa tradisyon ng England England batay sa England batay sa akdang
akdang Romeo at batay sa akdang akdang Romeo at Romeo at Juliet.
Juliet. Romeo at Juliet. Juliet.
Ang kabuoan ng stop Ang karamihan ng stop Ang ilan sa stop motion Wala sa stop motion ang
motion ay may maayos motion ay may maayos ay may maayos na may maayos na daloy ng
na daloy ng ideya at na daloy ng ideya at daloy ng ideya at ideya at pangyayari
pangyayari pangyayari pangyayari
Ang kabuoan ng Ang karamihan ng Ang ilan ng Ang kabuoan ng
presentasyon ay presentasyon ay presentasyon ay presentasyon ay hindi
ginamitan ng angkop ginamitan ng angkop ginamitan ng angkop ginamitan ng angkop na
na musika at anyo ng na musika at anyo ng na musika at anyo ng musika at anyo ng mga
mga tauhan mga tauhan mga tauhan tauhan

Ikaw ay aking binabati sa napakagaling na stop motion na iyong nagawa sa loob ng


dalawang araw. Tiyak akong nasiyahan ka rin sa naging resulta ng iyong ginawa.
Ipinagmamalaki kita!

22
IKAAPAT NA ARAW

Pagyamanin / Isagawa

GAWAIN 5
PANUTO:Pumili ng limang tauhan sa akdang Sintahang Romeo at Juliet at gawan
ito ng caricature. Ang bawat caricature na gagawin ay lalagyan ng deskripsyon batay
sa mga tanong na ibinigay sa ibaba.

CARICATURE

Mga katanungan:
1.Ano-ano ang mga katangian ng tauhang napili na nagpapakita o nagpapakkilala sa
kanilang kultura at tradisyon sa kanilang bansa?
2.Paano ipinakita ng kanilang karakter ang mga kultura iyong binanggit? Magbigay ng ilang
paliwanag ukol dito.
3.Sa paanong paraan mo ihahambing ang mga katangian ng mga tauhang napili mo sa
ating kultura at lider sa bansa?

Ngayon nais kong sagutin mo ang isang katanungan na batay sa iyong sariling opinion at
kuro-kuro. Galingan mo ha!

Sa iyong palagay, higit bang makabubuti sa


dalawang nag-iibigan ang pakikialam ng mga
magulang? Kung oo bakit? At kung hindi,
ipaliwanag.

IKALIMANG ARAW

Tayahin

GAWAIN 6
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na isyu ng ating bansa na may tiyak na
ebidensiya at puntos na maaaring nasaliksik sa mga aklat at internet. Ihambing mo
ito sa bansang England at kung paano nila ito ginagamit o binigyan ng solusyon.

ISYUNG PANLIPUNAN PILIPINAS ENGAND


FIXED MARRIAGE
DIVORCE/ANNULMENTRACIAL
RACIAL/SOCIAL/ETHNIC/GENDER
DISCRIMINATION
CULTURAL IDENTITIES AS
NATION
RIVALRY OF FAMILIES

23
Mga Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 10 (Aklat 1) – Alma Dayag et.al,- Phoenix Publishing House,
201
Filipino:Panitikang Pandaigdig 10- Departamento ng Edukasyon
https://tl.wikipedia.org/wiki/Dula
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/sintahang-romeo-at-juliet.html
https://brainly.in/question/58643
https://www.google.com/search?q=dula+kahulugan&oq=dula&aqs=chrome.1.69i59j0
l2j46j0l2j69i60l2.6480j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

SUSI SA PAGWAWASTO (DULA- SINTAHANG ROMEO AT JULIET)


GAWAIN 1
1. Castillo-Kastilyo-Kaharian
2. Ambition-Ambisyon-Pangarap/nais
3. Reference-Reperensya-Sanggunian/Talababa
4.Technique-Teknik-Pamaraan
5. Inocente-Inosente-Walang muwang

GAWAIN 2- May sariling pagpapaliwanag ang mag-aaral batay sa kung paano niya
naiintindihan ang paksa (subhetibo)
GAWAIN 3- May sariling pagpapaliwanag ang mag-aaral batay sa kung paano niya
naiintindihan ang paksa (subhetibo)
GAWAIN 4- May pamantayan at rubrik sa paglikha ng stop motion
GAWAIN 5- May sariling pagpapaliwanag ang mag-aaral batay sa kung paano niya ginawa
ang Caricature . (subhetibo)
GAWAIN 6- May sariling pagpapaliwanag ang mag-aaral batay sa pagsagot ng iba’t ibang
isyung panlipunan.

Inihanda ni:

ROSTUM M. CARBUNGCO
SST I/ CMRICTHS
Sinuri ni:

JEMA ADORA V. CALAGUAS


MT-I/FGNMHS-Focal Person

Isinumite kay:

EUGENE V. LACSINA
Department Head llI-Filipino/ACNHS

Inaprobahan ni:

ROCHELLA C. DAVID
EPSvr 1 – Filipino

24
Filipino 10
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
Tula
Pangalan: _______________________________________Q2W3_____________

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Susing Konsepto)

Ang Tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't
ibang anyo at estilo. Ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat ito ay
nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig at paggamit
ng magkakatugmang salita upang madama ang isang damdamin o kaisipan nais ipahayag
ng isang manunulat.

Mga Elemento ng Tula:

1. Sukat – ito ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng tula. Karaniwang
may sukat ang tula na waluhan,labing-dalawahan at labing-animan na pantig.
Halimbawa:
/Ang/ /la/ki/ /sa/ /la/yaw/ /ka/ra/ni/wa’y/ /hu/bad
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

2. Tugma -ang tawag sa pagkakatulad o pagkakapareho ng tunog ng mga huling salita sa


bawat taludtod. Dahil sa tugma, nagkakaroon ng indayog o aliw-iw ang tula.

Uri ng Tugma
• Tugma sa patinig (Ganap)
Halimbawa:
Sa loob at labas ng bayan kong sawì,
Kaliluha’y siyang nangyayaring harì,
Kagalinga’t bait ay nilulugamî,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighatî.
(Francisco Balagtas, Florante at Laura, 1838)
Ang mga salitang pantugmang sawì, harì, nilulugamî, at pighatî ay pare-parehong
nagtatapos sa patinig na i, at pare-parehong may impit ang tunog sa dulo.

• Tugma sa katinig (Di-ganap)


Sa karaniwang tugmang katinig, inuri ni Jose Rizal noong 1887 sa dalawang pangkat
ng mga tunog ang mga katinig: malakas at mahina.

• Malakas ang tunog kung ang salita ay nagtatapos sa b, k, d, g, p, s, t.


Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubád,
Sa bait sa muni’t sa halot ay salát
Masaklap na bunga ng maling paglingáp,
Habag ng magulang sa irog na anák.
(Francisco Balagtas, Florante at Laura, 1838)
Ang mga salitang pantugmang hubád, salát, paglingáp, at anák ay pare-parehong
nagtatapos sa huling patinig na a at sa mga patinig na d, t, p, at k, ayon sa
pagkakasunod, at sa gayo’y malakas ang tunog sa dulo.

• Mahina ang tunog kung ang salita ay nagtatapos sa katinig na l, m, n, ng, r, w, y.


Ang wikang Tagalog tulad din sa Látin,

2
Sa Ingles, Kastila, at salitang ánghel,
Sa pagka ang Poong maalam tumíngin
Ang siyang nagbigay, naggawad sa átin.
(Jose Rizal, "Sa Aking Mga Kabata," 1869)
Ang mga salitang pantugmang látin, ánghel, tumíngin, at átin ay nagtatapos sa mga
patinig na i-e, at sa mga katinig na n, l, n, at n, ayon sa pagkakasunod, at sa gayo’y
mahina ang tunog sa dulo.

3. Talinghaga o makabuluhang diwa –Tinutukoy nito ang mensaheng ibig ipabatid ng


makata sa kanyang tula Tumutulong o gumagabay ang diwang ito sa mambabasa upang
suriin o pagtuunan ng pansin ang buhay. Higit na maganda at may lalim ang tula dahil
sa paggamit ng talinghaga.

4. Kariktan o kagandahan -Tinutukoy nito ang lahat ng pamamaraang ginamit ng makata


upang higit na maging mabisa at matingkad ang diwang ipinahahayag ng kanyang tula.
Ito rin ang sangkap na tumutulong sa tula upang makatawag-pansin. Ang Ilan sa
pamamaraang ginagamit ng makata upang magtaglay ng kariktan ang tula: paggamit ng
piling-piling mga salita at imahen na nagpapayaman sa imahinasyon ng mambabasa,
paggamit ng mga simbolo at tayutay, at pagpapatingkad sa isang karanasang malimit a
hindi pinahahalagahan.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaan
https://teksbok.blogspot.com/2017/07/tugma.html
Jocson, Magdalena O. at Abiera, Aura Bert A. mga Konsultant. n.d.
Kagarawan ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Departmnet of Education-Instructional
Materials Council Secretariat(Dep-ed-IMCS), Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag-
aaral Inilimbag ng vibal Group, Inc.
Lacsamana, Leodivico C. Ph. D. 2003. Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon III, Makati
City,Pilipinas. Diwa Scholastic Press Inc.
Dayag, Alma M. ,Baisa-Julian, Aileen G., del Rosario, Mary Grace G. at Lontoc, Nestor S.
2014.Pinagyamang Pluma 9,Quezon City,Pilipinas, Phoenix Publishing House, Inc.

Alamin

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA (MELCS)

• Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-llc-d-70)


• Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula (F10PB-llc-d-72)
• Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula
(F10PT-llc-d-70)
• Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay (F10PU-llc-
d-72)
• Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula (F10wg-llc-d-65)

Subukin

Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.


1. Isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin ng
makata o manunulat nito sa pamamagitan ng mga taludtod at saknong.
A. Balagtasan B. Dula C. Maikling Kuwento D.Tula
2. Ito ay tumutukoy sa pagkakatulad ng tunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat
taludtod.
A.kariktan B. sukat C. talinghaga D. tugma
3
3. Anong elemento ng tula na kung saan ang mga salita ay may natatagong kahulugan?
A. kariktan B. sukat C. talinghaga D. tugma
4. Anong uri ng Tulang Damdamin ang binubuo ng 14 na linya at tumatalakay sa kaisipan at
diwa ng makata?
A. Awit B. Elehiya C. Oda D. Soneto
5. Tukuyin ang sukat o bilang ng pantig ng mga sumusuod na taludtod:

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

A. 8 B. 12 C. 14 D. 16
6. Ito ay isang uri ng tula na sumasalamin at nagbibigay-diin sa damdamin o emosyon ng
sumulat.
A. Tulang Liriko B. Tulang Pantanghalan
C.Tulang Pasalaysay D. Tulang Patnigan
7. Anong tayutay ang naghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang
anyo subalit may mga magkatulad na katangian at ginagamitan ng mga salita’t pariralang
tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y at animo?
A. Pagtutulad o simile B. Pagwawangis o metapora
C. Pagmamalabis o hyperbole D. Pagtatao o personipikasyon
8. Ano ang kahulugan ng pariralang nakasalungguhit? Nahihiga sa salapi ang angkang
kaniyang pinagmulan.
A. kilala sa lipunan B. may-ari ng bangko
C. maykaya sa buhay D. nakahiga sa pera
9. Paano naiiba ang tula sa ibang uri ng panitikan?
A. nag-iiwan ng kakintalan sa mga mambabasa.
B. nagsasalaysay ng mahalagang pangyayari na may aral o mensahe.
C. naglalaman ng mga mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata .
D. nangangailangan ng pagpili ng mga salita, bilang ng pantig, at tugmang mga salita.
10. Tukuyin ang maaaring pagpapakahulugan ng salitang nakasalungguhit sa taludtod.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan
A. kabutihan at balakid B. kabutihan at katarungan
C. kariktan at kapangyarihan D. kagandahan at kasamaan

Tuklasin

Tunghayan ang sumusunod na tulang liriko ng tanyag na manunulat na si Elizabeth Barrett


Browning ng Inglatera (hango sa Sonnet 43). Basahin at unawaing Mabuti ang mensaheng
nakapaloob sa tula.

Ang Aking Pag-ibig


(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barrett Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

4
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

Jocson, Magdalena O. at Abiera, Aura Bert A. mga Konsultant. n.d.


Kagarawan ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Departmnet of Education-Instructional
Materials Council Secretariat(Dep-ed-IMCS), Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul para
sa Mag-aaral Inilimbag ng vibal Group, Inc.n.d.

Ang binasa mong tula ay isang soneto na nasa anyo ng tulang Damdamin o Liriko. Ang
tulang ito ay mula sa Inglatera na may labing apat na taludtod at sampung pantig sa bawat
taludtod. May tiyak na sukat at tugma na kinakailangang isaalang-alang ng mga
manunulat. Malalim na pag-iisip at mayamang karanasan ang nakaaapekto sa isang
manunulat upang makabuo ng isang mahusay na likhang sining. Kung kaya’t ang soneto ay
kinapapalooban ng damdamin ng isang manunulat. Ang bawat taludtod nito ay karaniwang
damdamin at kaisipan na nagpapakilala ng matinding damdamin.

Isang katangian ng tula ang paggamit nito ng matatalinghagang pahayag o pananalitang


hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan nito. Maaaring ang mga ito ay
salawikain, kasabihan o sawikain o kaya’y idyoma. Sa pamamagitan ng mga ito
napagaganda ang mga pahayag.

Narito ang ilan sa mga halimbawa at kahulugan ng mga ito:


• magsunog ng kilay - mag-aral nang mabuti
• balitang kutsero - hindi totoo
• mababa ang luha - iyakin
• bugtong na anak - kaisa-isang anak

5
GAWAIN 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Suriin ang binasang tula batay sa mga sumusunod na elemento:


a. sukat b. tugma
c. kariktan d. talinghaga
2. Ano ang damdaming nakapaloob sa tula habang binabasa mo ito?
3. Anong uri ng pag-ibig ang tinutukoy ng makata sa tula?
4. Paano pinamalas ng makata ang kanyang masidhing pagmamahal sa kanyang tula?
5. Tukuyin ang bahagi ng tula na iyong lubos na nadama o naramdaman. Bakit?
6. Paano nakatutulong ang paggamit ng matatalinghagang salita upang maihatid ng may-
akda sa mga mambabasa ang mensahe?
7. Ano ang kaugnayan ng tula sa naging karanasan ng sumulat nito?
8. Ano-ano ang nagiging epekto sa isang tao na nakararanas ng tunay na pag-ibig?
(Magtala ng lima)
9. Para sa iyo, kailan masasabing wagas ang pag-ibig? Ipaliwanag.
10.Ipaliwanag ang pahayag na may kaugnayan sa akda. “Magmahal ay langit, langit ang
magmahal. Umibig, ibigin ay galak sa buhay”

IKALAWANG ARAW
Matapos mong maunawaan ang nilalaman ng tulang “Ang Aking Pag-ibig” higit pa
nating payayabungin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda ko
para sa iyo.

GAWAIN 2:
Kapanayamin ang mga taong kasama mo sa tahanan na nakatatanda sa iyo. Tanungin
sila sa kanilang pagpapakahulugan ng pag-ibig, matapos nito ay magbibigay ka rin ng sarili
mong pagpapakahulugan. Isaalang-alang ang edad at naging karanasan sa pag-ibig ng
mga taong kakapanayamin.

Sariling pananaw sa kahulugan ng pag-ibig Pananaw ng iba sa kahulugan ng pag-ibig

GAWAIN 3:
Matapos mong magkaroon ng kaalaman sa kahulugan ng pag-ibig mula sa mga taong
iyong nakapanayam. Susubukan naman natin ngayon ang iyong pang-unawa sa nilalaman
ng tulang “Ang Aking Pag-ibig” na iyong binasa. Isulat ang tsek (/) kung naihayag ito ng
manunulat sa tula at isulat naman ang ekis (x) kung hindi.

1. Ang pag-ibig ay buhay at ang buhay ay pag-ibig.


2. Ang lahat ay pantay-pantay pagdating sa pag-ibig.
3. Ang lahat ay hahamakin sa ngalan ng pag-ibig.
4. Ang walang hanggang pag-ibig ng makata hanggang sa kabilang buhay.
5. Ang labis na pagmamahal ay nakapagdudulot ng kasamaan sa isang tao.
6. Ang tunay at wagas na pag-ibig ng makata sa kaniyang minamahal.
7. May kaayusan at pagkakaisa ang lahat nang dahil sa pag-ibig.
8. Ang mga salik na naging dahilan ng pagkawala ng pag-ibig.
9. Mga paraan ng makata ng pagpapakita ng pagmamahal sa taong kaniyang iniibig.
10. Pagbibigay-kahulugan ng manunulat sa lalim at tindi ng nararamdamang niyang pag-
ibig.

6
GAWAIN 4:
Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula. Isulat sa papel
ang sagot.
1. Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng maubos-isipin

2. Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

3.Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

IKATLONG ARAW
Suriin

GAWAIN 5

Basahin at unawain mong mabuti ang mensahe ng isa pang halimbawa ng tula na
pinamagatang “Babang Luksa”.
“Babang-Luksa”
salin mula sa Kapampangan ni Olivia P. Dante
sa isang “Pabanua” ni Diosdado Macapagal

Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw


Tila kahapon lang nang ika’y lumisan; Marahil tinubos ka ni Bathala
Subalit sa akin ang tanging naiwan, Upang sa isipa’y hindi ka tumanda
Mga alaalang di malilimutan. At ang larawan mo sa puso ko’t diwa
Ay manatiling maganda at bata
Kung ako’y nasa pook na limit dalawin
Naalala ko ang ating paggiliw; Sa paraang ito kung nagkaedad na
Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin Ang puting buhok ko’y di mo makikita
Kung nagunita kong tayo’y magkapiling. At ang larawan kong tandang tanda mo pa
Yaong kabataan taglay na tuwina
Kung minsan sadya kong dalawin ang
bahay At dahil nga rito, ang pagmamahalan
Na kung saan una tayo’y nag-ibigan Ay hanggang matapos ang kabataan,
Sa bakura’t bahay, sa lahat ng lugar Itong alaala ay lalaging buhay,
Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw Lalaging sariwa sa kawalang-hanggan.

Sa matandang bahay napuno ng saya Kaya, aking , mahal , sa iyong pagpanaw


Sa araw na iyo’y pinagsaluhan ta; Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay,
Ang biyayang saglit, kung nababalik pa Ang ating pagsintang masidhi’t marangal
Ang ipapalit ko’y ang aking hininga. Hindi mamamatay, walang katapusan

Bakit ba, mahal ko, kay agang lumisan Ang kaugalian ng ninuno natin
At iniwan akong sawing kapalaran Isang taon akong nagluluksa mandin;
Hindi mo ba talos, kab’yak ka ng buhay Ngunit ang puso ko’y sadyang maninimdim;
At sa pagyaon mo’y para na ring namatay? Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling.
- Mula sa Panitikang Filipino nina Sulit et. al.
1989. Grandwater Publication

7
Suriin ang pagkakabuo ng tulang binasa at ihambing sa tulang “Ang Aking Pag-ibig”. Isulat
sa papel ang iyong sagot. Sundin ang pormat.

Paghahambing “Ang Aking Pag-ibig” “Babang Luksa”


Elemento:
Sukat,tugma,kariktan, talinghaga
Paraan ng paglalarawan ng pag-ibig
Kadakilaan ng pag-ibig na inialay sa
minamahal
Mga pahayag na ginamit na
nagpapatunay sa kahulugan ng pag-
ibig
Matapos mong suriin ang dalawang tula. Basahin naman ngayon ang isa pang tula at
bigyang-pansin ang mga elementong taglay nito.

“Ang Pamana”
ni Jose Corazon de Jesus
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila bagay nalulumbay
At ang sabi “itong piyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha


Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa
At sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumadalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawa-awang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

“Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasayahin


at huwag nang makita pang ika’y nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?
“Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
mabuti nang malaman mo ang habilin!
Iyang piyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.

“Ngunit Inang” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong piyano kapag ikaw ay namatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagka’t di ka maaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

2
Ang binasa mong tula ay nagtataglay ng matatalinghagang pahayag. Isa sa madalas na
gamiting talinghaga ang pagpapahayag na patayutay o tayutay. Ang tayutay ay sadyang
paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kaya’t nagiging malalim at piling-pili
ang mga salita. Narito ang ilan sa mga pinakagamiting mga tayutay sa pagsulat ng tula.

Mga Uri ng Tayutay:


1. Pagtutulad o simile- isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa
pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y ginagamitan ng
mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba
pa.
Halimbawa:
Ang buhay ng tao ay parang gulong, may hirap at kaginhawaan.
Tumakbo siyang katulad ng mailap na usa nang papalapit na ang kaway.
2. Pagwawangis o metapora- ito ay tuwirang paghahambing ng dalawang bagay ngunit
hindi na gumagamit ng mga salita at parirala.
Halimbawa:
Matigas na bakal ang kamao ng kaniyang ama.
Si Maria ang pinakamagandang tala sa kanilang barangay.
3. Pagmamalabis o hyperbole – lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag.
Halimbawa:
Noong nakaraang pista ay bumaha ng pagkain sa aming tahanan.
Balde-baldeng luha ang aking iniluha mula nang ako’y iniwan mo.
4. Pagtatao o personipikasyon – paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang
buhay. Inaaring tao ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit
sa mga ito sa gawi o kilos ng tao.
Halimbawa:
Sumasayaw ang mga halaman sa malakas na ihip na hangin.
Mabilis na tumatakbo ang oras kapag marami kang ginagawa.

IKAAPAT AT IKALIMANG ARAW

Gawain 6
A. Matapos mong basahin ang tulang “Ang Pamana”, hanapin ang mga ginamit na
tayutay ng may-akda. Isulat ang sagot sa papel. (Magtala lamang ng tatlo)
B. Suriin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat sa sagutang papel ang tayutay
na ginamit.
1. Siya ay langit na mahirap abutin ninuman.
2. Umiiyak ang langit sa kaniyang maagang pagpanaw.
3. Anaki’y leon sa bangis kung magalit ang kaniyang ama.
4. Ahas kung ituring nila ang kaibigang nataksil sa samahan.
5. Umulan ng bato nang magkasagupa ang dalawang grupo.
6. Ang buhay ng mga artista ay isang bukas na aklat.
7. Kanina ay masayang bumati sa aking paggising ang araw.
8. Namuti na ang kanyang mata sa kahihintay sa’yong pagdating.
9. Tila rosas na kapipitas sa hardin ang kaniyang angking kagandahan.
10. Madaling araw na akong dinalaw ng antok kaya tinanghali akong magising.

Pagyamanin / Isagawa

GAWAIN 7

1. Sumulat ng sariling tula na ang paksa ay pag-ibig.


2. Bubuuin ng may apat na taludturan na may lima hanggang anim na saknong.
3. Sundan ang elemento nitong may sukat, tugma, kariktan at paggamit ng
matatalinghagang salita o tayutay

3
RUBRIKS SA PAGMAMARKA

Pamantayan 10 15 25 Iskor
Hindi gumamit ng Gumamit ng 4-5 Lubhang
mga idyoma, idyoma, napakahusay sa
Pagkamasining talinghaga, talinghaga, pagsulat ng tula
tayutay o tayutay o iba pa dahil sa mga
larawang diwa sa sa tula. idyoma, tayutay o
tula. talinghagang
ginamit.
Hindi angkop ang Ilang bahagi sa Lubusang
Kaangkupan sa mga ginamit na tula ay angkop sa napakaangkop
Paksa salita sa paksa. ng mga taludtod
pagtalakay sa at saknong sa
paksa. paksa.
Hindi naging May bahaging Ang buong tula
malinaw ang naging malinaw ay naging
Presentasyon detalyeng ang malinaw ang
inilahad sa tula. pagkakalahad ng pagkakalahad ng
mga detalye sa mga detalye.
tula
Hindi malinaw May ilang bahagi Lubusang
ang mensahe / sa tula na malinaw ang
Mensahe kaisipang malinaw ang mensaheng
ipinahahatid ng mensaheng ipinahahatid ng
tula. ipinahahatid. tula.
Hindi naging Ang ilang bahagi Lubusang
malinis at ng tula ay malinis napakalinis at
Kalinisan at maayos ang at maayos ang napakaayos ng
Kaayusan pagkakasulat ng pagkakasulat. pagkakasulat ng
tula. tula.

KABUUAN

Tayahin

Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Anong uri panitikan ang binubuo ng taludtod at saknong na pinagyayaman sa


pamamagitan ng paggamit ng matatalinghagang pahayag?
A. Awit B. dula C. Oda D. tula
2. Ano ang naging inspirasyon ng mga manunulat na sina Elizabeth Barrett Browning at
Diosdado Macapagal sa pagsulat ng tula?
A. personal na karanasan B. karanasan ng magulang
C. nabasang aklat D. napanood na pelikula
3. Anong uri ng pag-ibig ang inihayag sa tulang “Ang Pamana” ni Jose Corazon de Jesus?
A. pag-ibig sa kaibigan B. pag-ibig sa kapatid
C. pag-ibig sa magulang D. pag-ibig sa sarili
4. Paano naiiba ang tula sa ibang uri ng panitikan?
A. nag-iiwan ng kakintalan sa mga mambabasa.
B. nagsasalaysay ng mahalagang pangyayari na may aral o mensahe.
C. naglalaman ng mga mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata .
D. nangangailangan ng pagpili ng mga salita, bilang ng pantig, at tugmang mga salita.

4
5. Ang mga sumusunod ay katangian ng soneto MALIBAN sa.
A. mag labing apat na taludtod.
B. kinapapalooban ng damdamin ng manunulat.
C. binubuo ng sampung pantig sa bawat taludtod.
D. nagtataglay ng salaysay na kapupulutan ng aral.
6. Ano ang ibig ipakahulugan ng pahayag na, “Ang pag-ibig ay buhay at ang buhay ay pag-
ibig”?
A. Ang tao ay nabubuhay upang umibig at ibigin, siya ay naisilang dahil sa pag-ibig.
B. Ang tao ay handang makipagsapalaran at magsakripisyo alang-alang sa pag-ibig.
C. Ang tunay na pag-ibig ay hindi naghihintay ng anumang kapalit sa taong minamahal.
D. Ang pag-ibig ay makapangyarihan kaya nitong baguhin ang isang tao dahil sa pag-
ibig.
7. Ano ang nais ipakahulugan ng sumusunod na taludtod?
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

A. Mananatiling tapat ang makata sa kaniyang iniibig.


B. Mananatiling kaagapay ang makata sa lahat ng sandali.
C. Ang pag-ibig ng makata ay di magmamaliw sa habambuhay.
D. Ang pag-ibig ng makata ay tapat at di naghihintay ng kapalit.
8. Tukuyin ang bilang ng pantig at sukat ng mga sumusunod na taludtod.
Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw
Tila kahapon lang nang ika’y lumisan;
Subalit sa akin ang tanging naiwan,
Mga alaalang di malilimutan.
A. Tugma sa Patinig B. Tugma sa Katinig
C. 12 pantig at malakas ang tunog D. 12 pantig at mahina ang tunog ang tugma
9. Anong damdamin ang nakapaloob sa saknong ng tula?
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila bagay nalulumbay
At ang sabi “itong piyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”
A. pag-aalala B. pagkayamot C. pagkalungkot D. pagkasuklam
10. Paano mo makikilala ang tunay at wagas na pag-ibig?
A. Sinusuportahan sa mga gawain at hilig ang bawat isa.
B. Pagpuno sa mga kakulangan at pag-unawa sa minamahal.
C. Pagsasakripisyo ng sariling kaligayahan para sa minamahal.
D. Paglaan nang sapat na panahon para makasama ang minamahal.

5
MGA SANGGUNIAN
Aklat
Jocson, Magdalena O. at Abiera, Aura Bert A. mga Konsultant
Kagarawan ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Departmnet of Education-Instructional
Materials Council Secretariat(Dep-ed-IMCS), Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag-
aaral Inilimbag ng Vibal Group, Inc.
Lacsamana, Leodivico C. Ph. D. 2003. Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon III, Makati
City,Pilipinas. Diwa Scholastic Press Inc.
Dayag, Alma M. ,Baisa-Julian, Aileen G., del Rosario, Mary Grace G. at Lontoc, Nestor S.
2014.Pinagyamang Pluma 9,Quezon City,Pilipinas, Phoenix Publishing House, Inc
Bernales,Rolando A.et al.2006.Masining na Pagpapahayag sa Filipino:Mga Prinsipyo at
Proseso.Malabon City,Pilipinas.Mutya Publishing House,Inc.
Reyes,Alvin Ringgo C. 2012. Tanglaw sa Wika at Panitikan, Ikalawang Edisyon, Makati City,Pilipinas
Diwa Learning Systems Inc
https://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaan
https://teksbok.blogspot.com/2017/07/tugma.html
https://www.tagaloglang.com/matalinghagang-pahayag/

Susi sa pagwawasto
Paunang Pagtataya Gawain 1
1. A. 12 pantig
1.D 6. A B. -Tugma sa Katinig
2.D 7. A C.-Mahina ang tunog (saknong 1-6)
3.C 8. C - Tugma sa Patinig (saknong 7)
4.D 9. D D. Pagsulat ng sariling sagot
5.B 10.A 2. marubdob na pagmamahal ng manunulat
3. pag-ibig sa kabiyak
4 – 10 Paglsulat ng sariling sagot

Gawain 2 Pagsulat ng sariling Gawain 6


sagot (nakalap na impormasyon A
sa panayam) 1. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
Gawain 3 2. Sa puso ko ay dumadalaw ang malungkot na gunita
1. / 6. / 3. Napaiyak akong tila isang kaawa-awang bata
2. x 7. x
3. / 8. x B
4. / 9. / 1. Pagwawangis o metapora 6. Pagwawangis o metapora
5. x 10. / 2. Pagtatao o personipikasyon 7.Pagtataoo personipikasyon
3. Pagtutulad o simile 8. Pagmamalabis o hyperbole
Gawain 4 Pagsulat ng sariling 4. Pagwawangis o metapora 9. Pagtutulad o simile
sagot 5. Pagmamalabis o hyperbole 10. Pagtatao o personipikasyon

Gawain 5 Pagsulat ng sariling Gawain 7 Paglikha ng sariling tula


sagot

Inihanda ni: Sinuri ni: Isinumite kay:

LEA S. CULIO EUGENE V. LACSINA


JEMA ADORA V. CALAGUAS
SST-I/DCNDSMHS HT llI, Filipino/ACNHS
MT-I/FGNMHS-Focal Person

Inaprobahan ni:
ROCHELLA C. DAVID
EPSvr 1 – Filipino

6
Filipino 10
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
Maikling Kwento

UNANG ARAW

Isaisip (Panimula: Susing Konsepto)


Ang maikling kwento o maikling katha gaya ng taguri rito ay sangay ng
salaysay (narration) na may iisang kakintalan. Ito ay may sariling katangian na
siyang ikinaiiba sa ibang sangay pampanitikan. Narito ang mga katangiang
mayroon ang maikling kwento:
a. Iisang kakintalan
b. May isang pangunahing tauhan na mayroong suliraning kailangang
lutasin
c. Tumatalakay sa madulang buhay
d. May mahahalagahang tagpo
e. May mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na
madaling sinusundan ng wakas

Mga Sangkap ng Maikling Kwento


1. Tauhan. Ito ay likha ng manunulat na kung saan sa kanya ang sentro ng mga
pangyayari (pangunahing tauhan) kasama ang iba pang mga karakter.
2. Tagpuan/Panahon. Dito dinadala ng manunulat ang mga mambabasa sa iba’t
ibang panahon at lugar kung kailan at saan gaganapin ang mga pangyayari.
3. Saglit na Kasiglahan. Sa bahaging ito inihahanda ng manunulat ang
mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan.
4. Suliranin. Ito ay tumutukoy sa paglalabanan pangunahing tauhan at ng
sumasalungat sa kanya. Dito iikot ang kwento.
5. Tunggalian. Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
kalikasan at tao laban sa lipunan.
6. Kasukdulan. Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito mahihinuha ng
mambabasa kung ano ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya ay
mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
7. Kakalasan. Ito ang kinalabasan ng paglalaban at sumusunod kaagad sa
kasukdulan.
8. Wakas. Sa puntong ito, tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian
ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan.
Sa kabilang banda, melodrama naman ang tawag kapag may malungkot na
sangkap subalit nagtapos naman nang kasiya-siya para sa mabuting tauhan.

Alamin (Kasanayang Pampagkatuto at Koda)


a. Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay na
kahulugan; F10PT-lle-73
b. Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda; F10PN-lle-
73
c. Naisasalaysay ang masining at may damdamin ang isinulat na maikling
kwento; F10PS-IIe-75t
d. Nahihinuha sa mga bahaging napanood ang pakikipag-ugnayang
pandaigdig. F10PD-lle-71
7
Subukin (Paunang Pagtataya)
Sa pamamagitan ng graphic organizer, magbigay ng mga salita o parirala na may
kaugnayan sa salitang makikita sa loob ng bilog.

REGALO

Tuklasin
Basahin at unawaing mabuti ang maikling kwento upang masagot nang
wasto ang mga katanungan.

Aginaldo ng mga Mago


O. Henry
Maikling Kwento mula sa United States of America
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro

Piso at walampu’t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito ay
barya. Makaitlong bilangin ni Della. Piso at walumpu’t pitong sentimos. At kinabukasan noon
ay Pasko.
Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing sopa at
magpalahaw. Kaya’t iyon nga ang ginawa ni Della.
Tinapos ni Della ang kaniyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang mga pisngi. Siya’y
nagpulbos. Tumayo siya sa tabi ng bintana at matamlay na pinagmasdan ang isang abuhing
pusang nanunulay sa isang abuhing bakod sa abuhing likod bahay. Kinabukasan noon ay
araw ng Pasko at ang pera niya’y wala kundi piso at walumpu’t pitong sentimos lamang para
ipambili ng pang-aginaldo kay Jim. Kung ilang buwan siyang nagtabi ng pera-pera at ito ang
kaniyang natipon. Gaano ba naman ang itatagal ng kitang dalawampung piso isang linggo!
Naging malaki ang kaniyang mga gastos kaysa kaniyang inaasahan. Laging gayon ang
nangyayari. Piso at walumpu’t pitong sentimos lamang na pambili ng aginaldo para kay Jim.
Sa kaniyang Jim. Maraming oras ang ginugol niya sa pag-iisip ng isang magandang pang-
aginaldo kay Jim. Isang pang-aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak – yaong
maaari nang sabihing karapat-dapat ariin ni Jim.
Kagyat siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin. Nagniningning
ang kaniyang mga mata, datapwa’t dalawampung segundong nawalan ng kulay ang
kaniyang pisngi. Maliksi niyang inilugay nang puspusan ang kaniyang buhok.
Ang mag-asawang James at Della Dillingham Young ay may dalawang ari-ariang
ipinagmamalaki nila nang labis. Ang isa’y gintong relos ni Jim na minana niya sa kaniyang
ama at sa ama ng kaniyang ama. Ang isa pa ay ang buhok ni Della.
At ngayo’y nakalugay ang magandang buhok ni Della, alon-alon at kumikislap na
parang buhos ng kayumangging tubig sa isang talon. Abot hanggang sa ibaba ng kaniyang
tuhod at mistulang pananamit na niya. At pagkatapos ay maliksing pinusod niyang muli na
nangangatog pa ang kaniyang mga kamay. Minsan siyang natigilan samantalang dalawang
patak na luha ang tumulo sa gasgas na pulang karpet sa sahig.
Isinuot ang kaniyang lumang dyaket na kulay kape: isinuot ang kaniyang lumang
sombrerong kulay-kape rin. Umalembong ang kaniyang saya at nagkikinang ang kaniyang
mga mata nang siya’y humagibis na papalabas sa pintuan, manaog at lumabas sa
lansangan.
Sa tapat ng hinintuan niya ay may karatulang ganito ang mababasa: “Mme. Sofronie.
Lahat ng Uri ng Kagamitang Yari sa Buhok.” Patakbong pumanhik si Della sa unang
8
hagdanan at saka naghinto upang bigyang-panahon ang kaniyang paghingal.
“Gusto ba ninyong bilhin ang aking buhok?” ang tanong ni Della.
“Bumibili ako ng buhok,” sabi ng Madame. “Alisin mo ‘yang sombrero mo’t nang
makita ko ang hitsura niyan.” ni Della ang alon-alon niyang buhok.
“Beinte pesos.” Ang wika ng Madame, habang iniaangat ng sanay na kamay ang
makapal na buhok.
“Bayaran n’yo ako agad,” ang wika ni Della.
O, at ang sumunod na dalawang oras ay masayang nagdaan. Hindi pala. Sa loob ng
dalawang oras na sumunod ay walang ginawa si Della kundi ang halughugin ang mga
tindahan sa paghahanap ng maipang-aaginaldo kay Jim.
Sa wakas ay nakakita siya. Talagang bagay na bagay kay Jim. Parang ipinasadya.
Walang ibang tindahang mayroon noon. Isang magandang kadenang platino, na ang
disenyo ay simpleng-simple ngunit nakaaakit. Sa tingin lamang ay talagang makikilalang
mamahalin. At sadyang karapat-dapat sa relos. Pagkakitangpagkakita niya sa kadenang
iyon ay sumaksak agad sa loob niya ang bagay na iyon kay Jim. Katulad na katulad nito –
mahinhin at mahalaga. Dalawampu’t isang piso ang ipinabayad nila roon sa kaniya at
nagmamadali siyang umuwi, dala ang dalawampu’t pitong sentimos na natitira. Kapag
nakabit na ang kadenang iyon sa kaniyang relos ay pihong madalas na titingnan ni Jim ang
oras sa harap ng kaniyang mga kaibigan. Bagaman sadyang maganda ang relos, palihim
kung ito’y dukutin ni Jim upang tingnan ang oras dahil sa lumang katad na nakakabit.
Nang dumating ng bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pag-iingat.
Kinuha niya ang kaniyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang kasiraang nilikha
ng pag-ibig na pinalubha pa ng kagandahang loob.
Nang alas-siyete na’y handa na ang kape at ang pagpriprituhan ng karne. Si Jim ay
hindi kailan ginagabi ng dating. Kinuyom ni Della ang kadena sa kaniyang palad at naupo sa
sulok ng mesang malapit sa pintong laging dinaraanan ni Jim. Narinig niya ang mga yabag
ni Jim sa unang hagdanan, at siya’y namutlang sandali. Ugali na niya ang magdasal nang
kaunti patungkol sa mumunting bagay na nangyayari sa araw-araw at ngayo’y bumulong
siya ng ganito, “O Poong Diyos, marapatin Mo pong sabihin niya na ako’y maganda pa rin.”
Bumukas ang pinto at pumasok si Jim at pagkatapos ay isinara uli iyon. Parang
nangayayat siya at ang mukha niya’y walang bakas ng kagalakan. Kawawa naman!
Dadalawampu’t dalawang taon lamang siya at nag-iintindi na dahil sa kaniyang pamilya!
Kailangan niya ang isang bagong damit na pang-ibabaw at wala pa rin siyang guwantes.
Pumasok si Jim at walang katinag-tinag. Ang mga mata niya’y nakapako kay Della at
ang tingin niya’y nakapagpangilabot sa babae. Hindi naman galit, ni pagtataka, ni
pagpipintas, ni hilakbot, ni ang alin man sa mga simbuyong pinaghahandaan na ni Della.
Basta’t nakatitig si Jim sa kaniya na ang mga mata’y nagpapahayag ng isang damdaming
hindi mahulaan.
Maingat na bumaba si Della mula sa mesang kaniyang kinauupuan at lumapit kay
Jim.
“Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang papaganyan.
Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang
sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo. Ito nama’y hahaba uli –
huwag ka sanang magagalit ha, ha? Talagang kinailangang gawin ko iyon. Malakas namang
humaba ang aking buhok. Hala, sabihin mong Maligayang Pasko, Jim at tayo’y magsaya.
Hindi mo nalalaman kung gaano kaganda ang aginaldong binili ko para sa iyo.”
“Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap ng
pagsasalita.
“Ipinaputol ko at ipinagbili,” ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit na
putol ang aking buhok?”
Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kaniyang bulsa at inihagis sa mesa.
“Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay ko’y
walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o sa pabango, o
ano pa man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay mauunawaan mo kung bakit ako
nagkagayon noong bagong dating ako.”
Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at magagandang daliri. At isang malakas na tili

9
ng galak, at pagkatapos ay – isang hagulgol na sinasabayan ng pagdaloy ng masaganang
luha.
Pagkat ang dala ni Jim para sa kaniya ay mga suklay – isang huwego ng mga suklay
na malaon nang inaasam-asam ni Della mula nang ang mga iyon ay makita niya sa isang
bintana ng tindahan sa Broadway. Idinaiti niya ang mga yaon sa kaniyang dibdib, at sa
wakas ay naitaas niya ang kaniyang paninging hilam sa luha ang winika, “Malakas humaba
ang buhok ko, Jim.”
At si Della’y lumuksong animo’y isang pusang napaso, at ang sabi, “Oh! Oh!”
Hindi pa nakikita ni Jim ang magandang aginaldo sa kaniya. Iniabot iyon ni Della
sabay pagbubukas ng kaniyang palad. Ang mahalagang metal ay kinang na gaya ng apoy
ng kaniyang kaluluwa.
“Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita ko
iyan. Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses maghapon.
Akina ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit na ang
kadena.”
Sa halip ng ibigay ang hinihingi, si Jim ay nagpatihiga sa sopa at iniunan ang
kaniyang ulo sa kaniyang mga palad, at saka ngumiti.
Dell, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw.
Sayang na gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili ng
mga suklay para sa iyo. Mabuti pa’y prituhin mo na ang karne.”
Gaya ng alam na ninyo, ang mga Mago ay mga taong marurunong –
napakarurunong – at sila ay nagdala ng mga alay sa Sanggol sa sabsaban. Sila ang may
imbento ng pagbibigay ng mga aginaldo kung Pasko. Palibhasa’y marurunong, pihong ang
kanilang mga alay sa Sanggol ay may magagandang kahulugan, marahil ay yaong
maaaring ipakipagpalitan kung sakaling magkakapareho. At dito’y pinaginutan kong
isalaysay sa inyo ang simpleng kasaysayan ng dalawang hangal na bata na nakatira sa
isang abang tahanan, na buong talinong nagsakripisyo para sa isa’t isa kahit na mawala ang
lalong mahalagang ari-ariang ipinagmamalaki ng kanilang tahanan.
Ngunit parang huling paalala sa marurunong ng ating kapanahunan, dapat sabihin
dito na sa lahat ng nagbigay ng aginaldo, ang dalawang ito ay siyang pinakamarunong. Sa
lahat ng nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang pinakamarunong. Sila ang
pinakamarunong sa lahat ng dako. Sila ang mga Mago.

Gawain 1: Paglinang ng Talasalitaan


Isulat sa loob ng kahon ang mga salitang magkakatulad o magkakaugnay ang mga
kahulugan.
A B C D

E F G H

Sumalagmak Humagibis Humarot


Kulabo Lumuklok Halungkatin
Hilam Simbuyo Panlalabo
Halukayin Humarurot Walang katinag-tinag
Tangis Tumulin Halughugin
Napaupo Malakas na iyak Hagulgol
Lagablab Silakbo Umalembong

10
IKALAWANG ARAW

Suriin

Gawain 2: Pag-unawa sa binasa


Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan na mababasa sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa isang malinis na sagutang papel.
1. Ilarawan ang katangian ng dalawang tauhan sa kwento. Paano nila ipinamalas ang
masidhing pagmamahal sa isa’t isa?
2. Batay sa akda, ano ang naging suliranin ng mga tauhan? Makatuwiran ba ang ginawa
niang paraan upang malutas ito? Pangatuwiranan.
3. Ano ang makabuluhang kahulugan ng pagbibigayan ng regalo sa Pasko ang ipinakita sa
maikling kwento? Patunayan.
4. Sa iyong palagay, maisasakripisyo mo ba ang mga bagay na mahalaga sa iyo
mapaligaya lamang ang taong mahal mo? Ipaliwanag.
5. Ano ang pinakamahalagang mensahe o kaisipan ang ibinigay ng akda? Magbigay ng
isang tiyak na halimbawa kung paano mo ito maisasabuhay.
6. Magtala ng tatlong dayalogo na nagpapakita ng kasiningan. Sa iyong palagay,
nakatulong ba ang mga ito sa pagiging masining ng akda? Pangatuwiranan.
7. Bakit “Aginaldo ng mga Mago” ang pamagat ng akda? Ipaliwanag.

IKATLONG ARAW
Gawain 3: Pakikipanayam
Sa loob ng inyong tahanan, humanap ng limang (5) miyembro ng pamilya na iyong
kapapanayamin. Sundin ang mga sumusunod na panuto:
a. Isulat ito sa isang malinis na papel.
b. Kunin ang kanilang kumpletong pangalan, edad at kasarian.
c. Pagkatapos, itanong sa kanila ang isang makabuluhang katanungan na makikita sa
ibaba.
d. Sunod, sa ilalim ng kanilang naging sagot, ipalagda/ipapirma ito sa kanila.
e. Panghuli, bilang paglalagom sa kanilang mga naging tugon pagsama-samahin ang
kanilang mga naging kasagutan. Ito ay ilalagay sa pinahuling bahagi ng papel
pagkatapos ng kanilang mga naging tugon sa panayam.
TANONG: “Anong mahahalagang ari-arian ang isasakripisyo mo alang-
alang sa kaligayahan ng taong mahal mo?”
KALALABASAN
Pangalan:___________________ Kasarian:__________________ Edad: ______

Sagot:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Lagda: ______________________

MANTAYAN SA PAKIKIPANAYAM

PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman (8)
(Naging makabuluhan ang kasagutan ng mga kinapanayam at nasagot ang
katanungan)
Paglalagom (7)
(Maayos at malinaw ang paglalagom na ginawa)
Pagsunod sa Panuto (5)
(Maayos at malinaw na sinunod ng tagapanayam ang pormat na ibinigay)
KABUUANG PUNTOS
11
IKAAPAT NA ARAW

Pagyamanin / Isagawa
Gawain 4: Paghahambing
Sa pamamagitan ng tsart na makikita sa ibaba, paghambingin ang katangiang
mayroon ang mga Mago, Della at Jim, at ikaw pagdating sa pagbibigay ng regalo.

Mga Mago:

Pagkakatulad:

Della at Jim:

Ikaw:

Gawain 5: T-Tsart

Bilang pagpapahalaga sa kulturang mayroon ang bansang Pilipinas, itala ang


mga paghahandang ginagawa mo o ng inyong pamilya tuwing papalapit na ang Pasko
at ihalintulad ito sa bansang Amerika gamit ang T-Tsart. Maaaring gamitin ang internet
upang makapangalap ng datos. Sagutin ito sa isang malinis na papel.

Pagkakatulad:

4 3 2 1 PUNTOS

Pilipinas: Amerika:

IKALIMANG ARAW

Tayahin

Gawain 6: Iskrip
Bumuo ng isang maikling iskrip na napatutungkol sa temang “Pasko sa Pinas”.
Pumili ng limang salita na makikita sa gawain 1 na gagamitin sa loob ng iskrip na bubuuin at
salungguhitan ang mga ito. Gawin ito sa isang malinis na papel.

12
NILALAMAN Maayos at Maayos ang Maayos ang Magulo at *2
malinaw ang pagkakalahad pagkakalahad nakalilito ang
pagkakalahad ng mga ng mga pagkakalahad
ng bawat dayalogo ngunit dayalogo ngunit dayalogo ng
dayalogo at may iilang may bahaging mga tauhan.
daloy ng kalabuan sa masalimuot _____
kwento. mga
impormasyon
PAGGAMIT NG Maayos na Maayos na Maayos na Walang ginamit *2
LIMANG nagamit ang nagamit ang nagamit ang na salita mula
SALITA mga salita sa mga salita sa mga salita sa sa gawain 1 sa
(Gawain 1) loob ng akda loob ng akda at loob ng akda at loob ng akda
at gumamit ng gumamit ng 3-4 gumamit ng 1-2 _____
5 talasalitaan. talasalitaan talasalitaan
BALARILA Wasto at Maayos ang Hindi gaanong Hindi wasto at *1
maayos ang paggamit ng nagamit nang maayos ang
paggamit ng retorika at wasto at paggamit ng
retorika at balarila sa loob maayos ang retorika at
balarila sa ng kwento retorika at balarila sa loob
loob ng ngunit may balarila sa loob ng kwento
kwento iilang kamalian ng kwento (bantas, _____
(bantas, lamang (bantas, malaking titik at
malaking titik (bantas, malaking titik at iba pa)
at iba pa) malaking titik at iba pa)
iba pa)

KABUUANG PUNTOS

Gawain 7: Wish Ko Lang


Bilang pagninilay sa naging paksa, sagutin nang buong katapatan ang mga
katanungan na makikita sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.
1. Sa kasalukuyang panahon, napahahalagahan pa ba ng nakararami ang tunay na kahulugan
ng Pasko? Ipaliwanag.
2. Bilang isang kabataan, ano ang mahalaga sa iyo tuwing Araw ng Pasko at ano ang nais mo
sa araw ng Pasko ? Ilahad.

13
Sanggunian:
1. Baisa, Ailene G.et al., Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan III.
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2004.
2. Panitikang Pandaigdig: Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral (Kagawaran ng
Edukasyon)
3. Google. “Aginaldo ng mga Mago ni O. Henry”. Kinuha sa
https://www.facebook.com/notes/ernel-galang-jr/baitang-10-modyul-27-aginaldo-
ng-mga-mago-ni-o-henry/10153381906776026/ noong Agosto 31, 2020.

Susi sa pagwawasto
Gawain 1: (Kahit saang kahon nakalagay basta sama-sama ang magkakasingkahulugan)
A B C D
Sumalagmak Kulabo Hilam Halukayin
Napaupo Panlalabo Tangis Halungkatin
Lumuklok Hagulgol Halughugin
Malakas na iyak
E F G H
Lagablab Humarurot Walang katinag-tinag Umalembong
Simbuyo Tumulin Humarot
Silakbo Humagibis

Para sa Gawain 2-6, ang guro ang magtatama sa mga kasagutan ng mga mag-aaral gamit ang mga
pamantayan.

Inihanda ni:

JENALYN Y. DEL ROSARIO


SST- I, ACNTS

Sinuri :

JEMA ADORA V. CALAGUAS


Master Teacher l – FGNMHS-Focal Person

Isinumite kay:

ROCHELLA C. DAVID
EPSvr 1 – Filipino

14
Filipino 10
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
Nobela

Pangalan: ______________________________________ Q2W5______________

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

UNANG ARAW

Isaisip (Susing Konsepto)

Ang nobela ay isang mahabang likhang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring


pinagkabit-kabit sa pamamagitan ng isang mahusay na balangkas na ang pangunahing
layunin ay maipalabas ang hangarin ng kapwa bida at katunggali nito sa isang malikhaing
pagsasalaysay ng mga kawil-kawil na pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay ugnay nito. Ang bawat pangyayari ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa kabuuan ng nobela.
Ang nobela ng tauhan ay isang uri ng nobela na ang mga pangyayari ay umiikot sa
pangunahing tauhan at iba pang tauhang may kinalaman sa kanya.
Elemento ng Nobela:
• Ang banghay ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela.
• Ang damdamin ay ang nagbibigay-kulay sa mga pangyayari sa nobela.
• Ang pamamaraan ay tumutukoy sa istilo ng pagkakasulat ng nobela.
• Ang pananalita ay ang diyalogong ginamit sa nobela.
• Ang pananaw ay ang panauhan na ginamit sa nobela. Ito ay may tatlong uri: una,
ikalawa, at ikatlo. Ang unang panauhan ay ginagamit kapag ang may-akda ay
kabilang sa nobelang kanyang isinulat. Ang ikalawang panauhan ay ginagamit
kapag ang may-akda ang nakikipag - usap o ang nagsasalita sa nobela.
Ang ikatlong panauhan ay batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda.
• Ang simbolismo ay ang nagbibigay ng mas malalim na pakahulugan sa tao, bagay,
at pangyayari sa nobela.
• Ang tagpuan ay ang lugar at panahon na pinangyarihan ng nobela.
• Ang tauhan ay ang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela.
• Ang tema ay ang paksang-diwa na binibigyang-diin sa nobela.
Mga Layunin ng Nobela:
1. Gisingin ang diwa at damdamin ng mga mambabasa.
2. Tawagin ang talino ng guni-guni.
3. Magbigay-aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan.
4. Magsilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.
5. Magbigay inspirasyon sa mga mambabasa.
6. Pukawin ang kaalaman ng mga tao sa pagsulat ng nobela.
Mga Halimbawa ng Nobela:
1. Gapo ni Lualhati Bautista
2. Titser ni Liwayway A. Arceo
3. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
4. Ang Huling Timawa ni Servando delos Angeles
5. Pusong Walang Pag - ibig ni Roman Reyes

2
Panunuri o Suring Basa
Ang Suring basa ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulad ng
nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay, o iba pang gawa/ uri ng panitikan. Sa
pagsasagawa nito maaaring gumamit ng isang balangkas o pormat ng suring basa tulad ng
mga sumusunod:
• pamagat, may-akda, genre
• buod – ito ay maaring isulat sa lima o higit pang mahahalagang pangungusap
• paksa - ito ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa
• bisa sa isip - ito ay tumutukoy naman kung paano naimpluwensiya ang pag-iisip/utak ng
mga mambabasa
• bisa damdamin - ito ay tumutukoy sa kung ano ang nadama at paano natigatig ang
emosyon ng mambabasa
• mensahe – ito ay tumutukoy sa kung ano ang gustong sabihin ng teksto sa mambabasa
• teoryang ginamit – ito ay sistema ng mga kaisipan na naglalarawan sa tungkulin ng
panitikan, layunin ng may akda sa pagsusulat at layunin ng tekstong panitikan na
nabasa.

Alamin
KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA (MELCS)
A. Nasusuri ang nobela sa pananaw realismo o alinmang angkop na pananaw/teoryang
pampanitikan (F10PB-llf-77)
B. Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na mga elemento
(F10PB-llf-78)
C. Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga terminong ginagamit
sa panunuring pampanitikan ( F10PT-llf-74)
D. Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng teleserye na may paksang
kaugnay ng binasa (F10PD-llf-72)
E. Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa o
panunuring pampanitikan (F10WG-llf-69)
F. Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol sa mga
teoryang pampanitikan (F10WG-llf-69)

Subukin
Basahing mabuti sa ibaba ang mga katangian ng pelikulang “Harry Potter” at ang nobelang
“Noli Me Tangere.” Isulat sa patlang ang salitang MAYROON kung ang pelikula at nobela
ay may katangiang nakatala sa ibaba . Kung hindi naman isulat ang salitang WALA.
Pelikula (Harry Potter) Nobela (Noli Me Tangere)
______1. makatotohanan ______1. makatotohanan
______2. nahahati sa mga kabanata ______ 2. nahahati sa mga kabanata
______3. pumupuna sa lahat ng aspeto ng buhay ______ 3. gumagamit ng simbolismo
______4. nagtataglay ng maraming suliranin ______4. may sukat at tugma
______5. may taludtod o saknong ______5. kaunting tauhan o tagpuan
3
Tuklasin
Sa tulong ng mga impormasyon na iyong nalaman tungkol sa nobela, naniniwala ako na
nadagdagan ang iyong kaalaman sa pag-unawa sa aralin. Ngayon, tunghayan mo na ang
sumusunod na bahagi ng nobelang isinulat ni Ernest Hemingway sa Cuba (1951) at inilabas
taong 1952. Nanalo ng Pulitzer for Fiction (1953) at Nobel Prize (1954). Ito ang kahuli-
hulihang nobela na nailimbag ni Hemingway. Alam mo ba na ang nobelang “Ang Matanda at
Ang Dagat” ay nasa pananaw ng Realismo? Ito ay sa dahilang ang mga pangyayari sa akda
ay malinaw na tumutukoy sa realidad ng buhay. Ibig sabihin, malinaw na inilarawan sa
pamamagitan ng mga tauhan at pangyayari sa tunay na kalagayan ng lipunan. Basahin at
unawain ang nobela.
Ang Matanda at Ang Dagat
Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel Santiago
“The Old Man and the Sea” ni Ernest Hemingway
(bahagi lamang)
Maayos silang naglayag at ibinaba ni Santiago ang kaniyang mga kamay sa tubig-
alat at sinikap na linawin ang kaniyang isip. Mataas ang cumulus clouds at may sapat na
cirrus sa ibabaw kaya alam ng matanda (Santiago) na tatagal ang simoy sa buong
magdamag. Palaging tinitingnan ng matanda ang isda para makatiyak na totoo ito. Isang
oras ito bago siya unang dinunggol ng pating.
Hindi aksidente ang pating. Pumaimbabaw siya mula sa kalaliman ng tubig habang
tumitining at kumakalat ang maitim na ulap ng dugo sa dagat na isang milya ang lalim.
Napakabilis niyang pumaimbabaw at walang kaingat-ingat na binasag ang rabaw ng asul na
tubig at nasinagan siya ng araw. Pagkaraa’y bumalik siya sa tubig at sinundan ang amoy at
nagsimulang lumangoy patungo sa direksiyon ng bangka at ng isda.
Kung minsan, naiwawaglit niya ang amoy. Pero malalanghap niya itong muli, o kahit
bahagyang-bahagya lang ng amoy nito, at mabilis at masigla siyang lalangoy para sundan
ito. Isa siyang napakalaking pating na Mako, ang katawan ay sadyang para lumangoy na
kasimbilis ng pinakamabilis na isda sa dagat at napakaganda ng kaniyang kabuuan maliban
sa kaniyang panga. Kasing asul ng isdang-espada ang kaniyang likod, at pilak ang tiyan, at
madulas at makisig ang kaniyang balat. Kahawig siya ng espada maliban sa kaniyang
dambuhalang panga na nakatikom ngayon habang matulin siyang lumalangoy, halos nasa
rabaw, parang kutsilyong humihiwa sa tubig ang mataas niyang palikpik sa likod. Sa loob ng
sarado niyang panga, nakahilig paloob ang kaniyang walong hanay na ngipin. Hindi siya
katulad ng karaniwang hugis-piramidong ngipin ng karamihang pating. Kahugis sila ng mga
daliri ng tao kapag nakabaluktot na parang sipit. Kasinghaba sila halos ng mga daliri ng
matanda at sintalas ng labaha ang talim sa magkabilang gilid. Ito ang isdang nilikha para
manginain sa lahat ng isda ng dagat, napakabilis at napakalakas at armadong-armado
kaya wala silang sinumang kaaway. Binilisan pa niya ngayon nang malanghap ang mas
sariwang amoy at humiwa sa tubig ang kaniyang asul na palikpik sa likod.
Nang makita ng matanda na paparating ito, alam niyang isa itong pating na walang
takot at gagawin ang lahat ng gusto nitong gawin. Inihanda niya ang salapang at hinigpitan
ang lubid habang pinagmamasdan niya ang paglapit ng pating. Maigsi ang lubid dahil
binawasan niya ito ng ipinangtali sa isda.
Malinaw at matino ang isip ng matanda ngayon at buong-buo ang pasiya pero halos
walang pag-asa. Sa loob-loob niya, makatagal sana ang katinuang ito. Pinagmasdan niyang
maigi ang malaking isda habang pinanonood ang paglapit nito. Mas mabuti pang naging
isang panaginip lang ito, sa loob-loob niya. Hindi ko siya mapipigil sa pag-atake sa akin pero
baka makuha ko siya. Dentuso, sa loob-loob niya. Malasin sana ang nanay mo.

4
Mabilis na nakalapit sa popa ang pating at nang sagpangin nito ang isda, nakita ng
matanda ang pagbuka ng bunganga at ang kakatwa nitong mata at ang lumalagatok na
pagtadtad ng mga ngipin habang nginangatngat ang karne sa may ibabaw ng buntot.
Nakaangat sa tubig ang ulo ng pating at lumilitaw ang likod at naririnig ng matanda ang
ingay ng balat at lamang nalalaslas sa malaking isda nang isalaksak niya ang salapang sa
ulo ng pating sa dakong nagtatagpo ang guhit ng mga mata at ang guhit ng ilong. Walang
gayong mga guhit. Ang naroon lamang ay ang mabigat at matulis na ulong asul at ang
malalaking mata at ang lumalagutok, umuulos, nanlalamong mga panga. Pero ang
kinalalagyan ng utak ang napuruhan ng matanda. Inulos niya ito ng mahusay na salapang
na ubos-kayang ipinukol ng kaniyang kamay na nanlalagkit sa dugo. Inulos niya ito nang
walang pag-asa pero may katatagan ng pasiya at lubos na hangaring maminsala.
Kumampay ang pating at nakita ng matanda na walang buhay ang mga mata nito at
muli itong kumampay, at napuluputan siya ng dalawang ikid ng lubid. Alam ng matandang
patay na pero hindi ito matanggap ng pating. Pagkatapos, nakatihaya, humahagupit ang
buntot at lumalagutok ang mga panga, sinuyod ng pating ang tubig tulad sa paghaginit ng
isang speed-boat. Puti ang tubig sa hambalos ng kaniyang buntot at tatlong sangkapat ng
katawan ang nakaangat sa tubig nang mabanat ang lubid, kuminig at saka nalagot. Saglit na
humigang tahimik sa ibabaw ng tubig ang pating at pinanood siya ng matanda. Pagkaraa’y
dahan-dahan itong lumubog.
“Mga kuwarenta libras ang dala niya,” malakas na sabi ng matanda. Tinangay nito
ang salapang ko at ang buong lubid, sa loob-loob niya, at nagdurugo ngayon ang isda ko at
marami pang susunod.
Ayaw na niyang tingnan ang isda dahil nagkagutay-gutay na ito. Nang sagpangin ang
isda, para siya rin ang nasagpang.
Pero napatay ko ang pating na sumagpang sa isda ko, naisip niya. At siya ang
pinakamalaking dentuso na nakita ko. At alam ng Diyos na nakakita na ako ng malalaki.
Hindi kapani-paniwalang makatatagal siya, naisip niya. Sana’y isa lang itong
panaginip ngayon at hindi ko sana nabingwit ang isda at nag-iisa akong nakahiga sa mga
diyaryo.
“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao
pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya. Parating
na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang
dentuso, at may kakayahan at malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa kaniya.
Siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas armado lang ako.
“Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa paglalayag at
harapin ang anumang dumating.”
Pero dapat akong mag-isip, naisip niya. Dahil iyon na lang ang natitira sa akin. Iyon
at ang beisbol. Ewan ko kung magugustuhan ng dakilang DiMaggio ang pagkakaulos ko sa
kaniya sa utak. Walang bagay ‘yon, sa loob-loob niya. Kayang gawin iyon ng kahit sino.
Pero sa palagay mo ba’y malaking partida ang mga kamay ko kaysa mga taring buto? Hindi
ko malalaman. Hindi ako nagkaroon kahit kailan ng sugat sa aking sakong maliban noong
minsan na nakagat ito ng page nang matapakan ko siya nang lumalangoy at naparalisa ang
ibabang binti at kumirot nang napakatindi.
“Mag-isip ka ng isang bagay na masaya, tanda,” sabi niya. “Bawat sandali’y papalapit
ka na sa bahay. Mas magaan ngayon ang paglalayag mo dahil sa pagkawala ng kuwarenta
libras.”

5
Alam na alam niya kung ano ang maaaring mangyari pagsapit niya sa panloob na
bahagi ng agos. Pero wala nang magagawa ngayon.
“Oo, meron pa,” malakas niyang sabi. “Puwede kong itali ang aking lanseta sa
puluhan ng isang sagwan.”
Kaya ginawa iyon habang kipkip ang timon at nakatapak sa tela ng layag.
“Ngayon,” sabi niya. “Isa pa rin akong matanda. Pero meron akong armas.”
Sariwa ngayon ang simoy at maayos siyang naglayag. Tiningnan niya ang bungad
na bahagi ng isda at bumalik nang bahagya ang kaniyang pag-asa.
Kalokohan ang hindi umasa, sa loob-loob niya. Bukod pa’y naniniwala akong
kasalanan ‘yon. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan, naisip niya. Marami nang
problema ngayon kahit walang kasalanan. T’saka hindi ko ito naiintindihan.
Hindi ko iyon naiintindihan at hindi ko sigurado kung naniniwala ako roon. Kasalanan
sigurong patayin ang isda. Iyon ang palagay ko kahit na ginawa ko iyon para ako mabuhay
at mapakain ang maraming tao. Pero lahat naman ay kasalanan. Huwag kang mag-isip
tungkol sa kasalanan. Masyado nang huli para diyan at may mga taong binabayaran para
gawin iyon. Hayaan mong sila ang mag-isip tungkol doon. Isinilang ka para maging isang
mangingisda tulad ng isda na ipinanganak para maging isang isda. Mangingisda si San
Pedro at gayundin ang ama ng dakilang
DiMaggio.
Pero gusto niyang pag-isipan ang lahat ng bagay na kinasasangkutan niya at nang
husto at nag-isip siya nang nag-isip tungkol sa kasalanan. Hindi mo pinatay ang isda para
lamang mabuhay ka o para ibenta bilang pagkain, sa loob-loob niya. Pinatay mo siya dahil
sa iyong dangal at dahil isa kang mangingisda. Minahal mo siya noong siya’y buhay pa at
minahal mo siya pagkatapos. Kung mahal mo siya, hindi kasalanang patayin mo siya. O
mas malaking kasalanan ‘yon?
“Sobra kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi.
Pero tuwang-tuwa kang patayin ang dentuso, naisip niya. Nabubuhay siya sa buhay
na isda, tulad mo. Hindi siya isang tagahalungkat ng basura o isa lamang gumagalang
gutom tulad ng ilang pating. Maganda siya at marangal at walang kinakatakutan.
“Napatay ko siya sa pagtatanggol ko sa sarili,” malakas na sabi ng matanda.
“At pinatay ko siyang mahusay.”
Bukod pa, naisip niya, pinapatay naman ng lahat ang isa’t isa, kahit paano. Kung
paano ako pinapatay ng pangingisda, gayon din niya ako binubuhay. Binubuhay ako ng
bata, sa loob-loob niya. Hindi ko dapat masyadong linlangin ang aking sarili.
Sumandig siya sa gilid at pumilas ng kapirasong karne ng isda sa pinagkagatan ng
pating. Nginuya niya ito at napansin niya ang kalidad at sarap ng lasa nito. Matigas ito at
makatas, parang karne, pero hindi ito pula. Hindi ito mahilatsa at alam niyang mataas ang
magiging presyo nito sa palengke. Pero hindi matatanggal ang amoy nito sa tubig at alam
ng matanda na may dumating na malaking kamalasan.
Panatag ang simoy. Medyo umatras ito sa may hilagang silangan at alam niya
ang ibig sabihin niyon ay hindi ito huhupa. Tumanaw sa malayo ang matanda pero wala
siyang makitang mga layag at wala na rin siyang makitang ni balangkas o usok ng anumang
bangka. Ang naroon lamang ay ang isdang-lawin na patalon-talon sa magkabilang gilid ng
6
kaniyang prowa at ang mga dilaw na kumpol ng damong Gulpo.Ni wala siyang makitang isa
mang ibon.
Dalawang oras na siyang naglalayag, nagpapahinga sa popa at paminsan-minsa’y
ngumunguya ng kapirasong karne ng marlin, nagsisikap na magpahinga at magpalakas,
nang makita niya ang una sa dalawang pating.
“Ay,” malakas niyang sabi. Walang salin para sa katagang ito at marahil ay isa lamang
itong ingay na magagawa ng gayong tao, hindi sinasadya, na nakararamdam sa pagbutas
ng pako sa kaniyang kamay at pagtagos nito sa kahoy.
“Galanos,” malakas niyang sabi. Nakita na niya ngayon ang pag-angat ng
pangalawang palikpik sa likuran ng una at natukoy niya na ang mga ito ay pating na hugis-
pala ang nguso batay sa kayumanggi, hugis-tatsulok na palikpik at sa pahalihaw na galaw
ng buntot. Naamoy nila at tuwang-tuwa sila at sa kagunggongan ng kanilang matinding
gutom, naiwawaglit nila at natatagpuan ang amoy sa kanilang katuwaan.
Pero palapit sila nang palapit. Mabilis na iniligpit ng matanda ang tela at isinisiksik ang
timon. Pagkaraa’y kinuha niya ang sagwang tinalian niya ng lanseta. Maingat na maingat
niyang binuhat ito dahil nagpupuyos sa sakit ang kaniyang mga kamay. Pagkaraa’y
ibinukas-sara niya ang mga ito roon upang lumuwag sila. Isinara niya nang mahigpit para
matiis ang sakit at huwag mamilipit at pinagmasdan niya ang pagdating ng mga pating.
Nakikita niya ngayon ang kanilang malapad, sapad, hugis-palang mga ulo at ang
kanilang malalapad, puti ang dulong palikpik sa dibdib. Sila ay mga kamuhi-muhing pating,
masama ang amoy, tagahalukay ng basura at mamamatay, at kapag sila’y gutom, kinakagat
nila ang sagwan o katig ng isang bangka. Ang mga pating na ito ang pumuputol sa paa at
kampay ng mga pagong kapag nakakatulog sa ibabaw ang mga pagong, at nanagpang sila
ng taong nasa tubig, kung sila’y gutom, kahit hindi amoy dugo ng isda o malansan ang tao.
“Ay,” sabi ng matanda. “Galanos. Sige, Galanos.”
Dumating sila. Pero dumating silang di tulad ng Mako. Pumihit ang isa at naglaho sa
paningin sa ilalim ng bangka at naramdaman ng matanda na naalog ang bangka habang
kumikislot siya at hinihila ang isda. Pinanood ng isa ang matanda, naningkit ang dilaw na
mga mata, at sinagpang ng kaniyang panga ang isda sa dakong nakagat na. Kitang-kita ang
guhit sa ibabaw ng kaniyang kayumangging ulo at likod na hugpungan ng utak at gulugod at
inulos ng matanda ang lanseta sa sagwansa hugpungan, hinugot ito, at muling iniulos sa
dilaw, tila sa pusang mata ng pating.
Binitiwan ng pating ang isda at dumausdos, lulon-lulon ang kaniyang nakagat habang
siya’y namamatay.
Gumigiwang pa ang bangka dahil sa pamiminsala sa isda ng isa pang pating at
binitiwan ng matanda ang layag para makabaling ang bangka at mapalitaw ang pating mula
sa ilalim. Pagkakita niya sa pating, dumukwang siya sa gilid at hinambalos ito. Laman
lamang ang tinamaan niya at matigas ang balat at hindi niya halos naibaon ang lanseta.
Hindi lamang ang kaniyang mga kamay ang nasaktan sa kaniyang pag-ulos kundi pati ang
kaniyang mga balikat. Pero mabilis na pumaimbabaw ang pating, una ang ulo, at tinamaan
ito ng matanda sa gitnang-gitna ng sapad na ulo habang lumilitaw sa tubig ang nguso at
inginasab sa isda. Hinugot ng matanda ang talim at muling inulos sa dating lugar ang isda.
Nakakapit pa rin siya sa isda, sarado ang panga, at sinaksak ito ng matanda sa
kaliwa nitong mata. Nakapangunyapit pa rin doon ang pating.

7
“Hindi pa rin?” sabi ng matanda at inulos niya ang patalim sa pagitan ng gulugod at
utak. Madali na ngayon ang ulos na iyon at naramdaman niyang napatid ang litid. Binaligtad
ng matanda ang sagwan at isiningit ang talim sa panga ng pating para buksan ito. Pinilipit
niya ang talim sa panga ng pating para buksan ito. Pinilipit niya ang talim at habang
dumadausdos ang pating, sabi niya, “Sige, galanos. Dumausdos ka nang isang milya ang
lalim. Sumige ka at katagpuin ang iyong kaibigan, o baka iyon ang iyong ina.”
Pinunasan ng matanda ang talim ng kaniyang lanseta at inilapag ang sagwan.
Pagkaraa’y nakita niyang lumulobo ang tela at layag at ibinalik niya ang bangka sa dating
paglalayag.
“May sangkapat niya siguro ang natangay nila at ang pinakamahusay na laman,”
malakas niyang sabi. “Sana’y panaginip lang ito at hindi ko sana siya nabingwit kailanman.
Ikinalulungkot ko, isda. Dahil doo’y mali ang lahat.
Tumigil siya at ayaw na niyang tingnan ang isda ngayon. Said na ang dugo at lulutang-
lutang, kakulay siya ng pilak na likod ng salamin at nakikita pa rin ang kaniyang mga paha.
“Hindi ako dapat nagpakalaot-laot, isda” sabi niya. “Hindi para sa iyo o para sa akin.
Ikinalulungkot ko, isda.
”Ngayon, sabi niya sa sarili. Tingnan mo ang pagkakatali ng lanseta at tingnan mo kung
nalagot. Pagkatapos ay ayusin mo ang iyong kamay dahil marami pang darating.
“Nakapagdala sana ako ng bato para sa lanseta,” sabi ng matanda matapos tingnan ang
tali sa puluhan ng sagwan. “Dapat akong nagdala ng bato.” Marami kang dapat dinala, sa
loob-loob niya. Pero hindi mo dinala, tanda. Hindi ngayon ang oras para isipin kung ano ang
wala ka. Isipin mo kung ano ang magagawa sa kung ano ang naririyan.
“Sobra kang magpayo ng mabuti,” sabi niyang malakas. “Sawa na ko r’on.” Kinipit niya
ang timon at ibinabad ang dalawang kamay sa tubig habang umuusad ang bangka.
“Alam ng Diyos kung gaano ang nakuha ng huling iyon,” sabi niya. “Pero hamak na
mas magaan siya ngayon.” Ayaw niyang isipin ang nagkagutay-gutay na tiyan ng isda. Alam
niyang sa bawat pakislot na bunggo ng pating ay napipilas angkarne at ngayo’y sinlapad ng
haywey sa dagat ang nalilikhang bakas ng isda na pagsusumundan ng lahat ng pating.
Mairaraos ng isang tao ang buong taglamig sa isdang iyon, sa loob-loob niya. Huwag
mong isipin iyan. Magpahinga ka lang at ihanda ang mga kamay mo para sa ipagtanggol
ang nalalabi sa kaniya. Balewala na ang amoy ng dugo sa mga kamay ko ngayong
nangangamoy ang buong dagat. Bukod pa’y hindi na sila gaanong nagdurugo. Walang
anumang sugat na dapat ikabahala. Baka makatulong pa ang pagdurugo para huwag
pulikatin ang kaliwa.
Ano pa ba ang puwede kong isipin ngayon? Naisip niya. Wala. Wala akong dapat
isipin at hintayin ang mga susunod pa. Sana nga’y panaginip lang iyon, sa loob-loob niya.
Pero sino ang makapagsasabi? Baka naman mapaigi pa ‘yon.

Jocson, Magdalena O. at Abiera, Aura Bert A. mga Konsultant. n.d.


Kagarawan ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Departmnet of Education-Instructional
Materials Council Secretariat(Dep-ed-IMCS), Filipino 10 Panitikang Pandaigdig,
Modyul para sa Mag-aaral Inilimbag ng vibal Group, Inc.n.d.

8
GAWAIN 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Saan sinimulang ipakilala ng awtor ng nobela ang pakikipagsapalarang pinagdaanan
ng matandang si Santiago?
2. Paano ipinaglaban ni Santiago ang kanyang karapatan sa dagat?
3. Ano ang sinisimbolo ng dagat? Ng pating? Ng mga isda? Ipaliwanag.
4. Anong bahagi ng mga pangyayari sa teksto na binasa ang may epekto sa iyong
damdamin? Ano ang iyong nadama sa nasabing mga pangyayari?
5. Ang mabigat na problemang naranasan ni Santiago ay patuloy pa rin bang
nagaganap sa mga mamamayang Pilipino? Ipaliwanag.
6. Saan naganap ang tagpuan sa kuwento?
7. Anong hakbang ang ginawa ng tauhan upang malutas ang suliranin?
8. Anong magandang katangian bilang mangingisda mayroon si Santiago?
9. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang maihahalintulad mo sa iyong sarili?
Bakit?
10. Nadama mo ba ang pagsubok ng tunggalian ng tao laban sa kanyang kalikasan
mula sa nobelang nabasa? Aling aspekto ng tunggalian ni Sanatiago at ng pating
ang bumuo ng ugaling positibo sa iyo? Bakit?

IKALAWANG ARAW
Nauunawaan mo na ba ang nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” na iyong nabasa?
Tiyak na “Oo” ang sagot mo sapagkat nasagot mo ang mga katanungan na aking inihanda
para sa iyo. Kaya naman para sigurado na ang pagkadalubhasa mo, muli ay sasabak ka sa
isang pagsubok. Huwag kang mag-aalala sapagkat narito ako na gagabay sa iyo upang
lalong mamaster mo ito.

GAWAIN 2. Tukuyin ang mensahe o kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap . Isulat sa patlang sa unahan ng bilang ang titik ng tamang
sagot.
a. Ito ay tumutukoy sa isdang pating.
b. Ito ay maaring tumutukoy sa astrolohiya o isang simbolo na tumutukoy sa
kapalaran.
c. Isa itong patalim na natitiklop.
d. Likas sa tao ang lumaban at magpatuloy sa buhay.
e. Ang taong may pangarap ay hindi basta na lamang magpapatalo.
_______1. “Huwag kang mag-isip tanda. Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang
anomang dumating.”
_______2. “Pero hindi nilikha ang tao na ito para magapi. Maaaring wasakin ang isang tao
pero hindi siya magagapi.”
_______3. “Ay,” sabi ng matanda. “Galanos. Sige, Galanos.”
_______4. “Mga kuwantres libras ang dala niya, tinangay nito ang salapang ko at buong
lubid at nagdurugo ngayon ang isda ko at marami pang susunod.”
_______5. “Nakapagdala sana ako ng bato para sa lanseta,” sabi ng matanda matapos
tingnan ang tali sa puluhan ng sagwan.”
GAWAIN 3. Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng ekis (X) ang patlang ng
pangungusap na walang kaugnayan sa nobelang nabasa.
_______1. Maayos silang naglayag at ibinaba ni Santiago ang kaniyang mga kamay sa
tubig–alat at sinikap na linawin ang kaniyang isip.
_______2. Nang makita ng bata ang hugis sa dagat, alam niyang isa itong pating na
walang takot at gagawin lahat ng gusto nitong gawin.
_______3. Pero nakatakas ang pating na sumagpang sa isda ko, nawika niya.
_______4. Alam na alam ni Santiago ano ang maaaring mangyari pagsapit niya sa panloob
na bahagi ng agos.
_______5. Mairaraos ng tao ang buong taglamig sa isdang iyon, sa loob-loob niya.
9
IKATLONG ARAW

GAWAIN 4. Naririto ang pagkakataong maipamalas mo ang iyong kakayahan sa pag-unawa


sa mga iba’t ibang elemento ng nobela. Manood sa telebisyon, Youtube o anumang social
network site ng isang teleserye. Pagkatapos, sagutin ang mga hinihinging impormasyon sa
ibaba.

A. Teleserye
1. Magbigay ng isang pangunahing tauhan:
_________________________________________
2. Pinangyarihan ng kuwento:
_________________________________________________
3. Pepel na ginampanan ng tauhan:
_______________________________________________
4. Mahalagang pangyayari sa kuwento:
__________________________________________
5. Wakas ng kuwento:
________________________________________________________

B. Mula sa napanood na teleserye o pelikula sumulat ng sariling wakas na binubuo ng


limang (5) pangungusap lamang.

IKAAPAT NA ARAW

Suriin

GAWAIN 5
Ang nobelang nabasa ay may tiyak na mensaheng iniwan sa ating isip at damdamin. Ito ay
naglalahad ng mga pangyayaring kinasasangkutan ng tauhan na siyang tumitimo sa isipan
at damdamin. Hindi katulad ng maikling kuwento, ang nobela ay isang akdang pampanitikan
na naglalaman ng mahabang kuwento na nahahati sa kabanata at karamihan ay nabibilang
sa kategoryang piksyon. Maghanap sa Google o alinman sa mga social network site, libro,
pahayagan at babasahin ng isang halimbawa ng Nobela. Ngayon, batay sa binasang
kuwento, sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang pamagat ng napiling nobela?


2. Sumulat ng makatotohanang pangyayari batay sa sariling karanasan at iugnay sa akdang
napili.
3. Pumili ng kaisipan/ideya sa binasang nobela. Sabihin kung ito’y bisa sa isip o bisa sa
damdamin. Ipaliwanag.
4. Magbigay ng isang pangyayari sa akda na may kaugnayan sa ating lipunan o kapaligiran.
Ipaliwanag.
5. Anong uri ng teorya ang nakapaloob sa napiling nobela?

IKALIMANG ARAW

Pagyamanin / Isagawa

GAWAIN 6. Sa iyong natutuhan mula sa mga nobelang napag-aralan, iyong napagtanto ang
mga aral na naipahayag ng mga ito. Sa kasalukuyang pandemya na dulot ng COVID-19
kailangan ang positibong pananaw at tibay ng kalooban. Ngayon, sa pamamagitan ng
Thinking Tool na FAS (Form A Sentence), bumuo/sumulat ng mga pangungusap o parirala
na pupuno sa mga letra mula sa salitang PAGBANGON. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

10
Halimbawa:

P-ananampalataya sa diyos ay panatilihin

A- aahon sa bawat pagsubok ng buhay

G-uro mo’y kaagapay

P-

A-

G-

B-

A-

N-

G-

O-

N-

RUBRIKS SA PAGMAMARKA

Pamantayan 2 3 4 5 ISKOR

Hindi wasto Kaunti May Higit ang


Paksa/ Kaisipan ang lamang ang kaisipang kaisipang
naipahayag naipahayag naipahayag naipahayag
na paksa o na angkop tungkol sa tungkol sa
kaisipan na kaisipan paksa o paksa o
o paksa kaisipan kaisipan
Hindi Kaunti Napapanahon Higit na
Nilalaman/Mensahe napapanahon lamang ang at may napapanahon
at walang kauganayan kaugnayan sa at may
kaugnayan sa pamagat pamagat kaugnayan
sa pamagat sa paksa
Pagkakabuo ng Hindi angkop Kaunti ang May Higit ang
Akrostik ang mga kaangkupan kaangkupan kaangkupan
salitang ng mga ang mga ng mga
ginamit salitang salitang salitang
ginamit ginamit ginamit
Kabuuan

11
Tayahin

Panuto: Isulat ang titik T kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at M kung ito ay
mali. Isulat ang sagot sa nakalaan na patlang bago ang bilang.
_______1. Ang nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ay tumutukoy sa tunggalian ng tao
laban sa kalikasan.
_______2. Ang pagiging mahina ni Santiago ang nagpabagsak sa kanya laban sa pating na
kanyang nakaharap.
_______3. Ang teoryang realismo ay tumutukoy sa mga pangyayaring may kaugnayan sa
realidad ng buhay.
_______4. Gaya ni Santiago, magtatagumpay din ang taong hindi magpapatalo sa mga
hamon ng buhay.
_______5. Ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay tumutukoy sa mga
pangyayaring kapani-paniwala o makatotohanan.
_______6. Ang maikling kuwento ay akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang
kuwento na nahahati sa mga kabanata.
_______7. Ang kalupitan at karahasan na naranasan ni Santiago sa dagat ay nagdulot sa
kanya ng katatagan sa buhay.
_______8. Ang nobelang pagbabago ay uri ng nobela na tumatalakay sa pang araw-araw na
buhay ng tao at ng mga taong nasa paligid niya.
_______9. Ang nobela ay may siyam na elemento.
_______10. Isa sa mga katangian ng nobela ay pumupuna sa lahat ng aspeto ng buhay.
MGA SANGGUNIAN
Aklat
Jocson, Magdalena O. at Abiera, Aura Bert A. mga Konsultant
Kagarawan ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Departmnet of Education-Instructional
Materials Council Secretariat(Dep-ed-IMCS), Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul para
sa Mag-aaral Inilimbag ng Vibal Group, Inc.
https://pinoycollection.com/nobela/
https://brainly.ph/question/400165
https://www.coursehero.com/file/p4o1htc/Panunuri-o-Suring-Basa-Ang-suring-basa-ay-
isang-anyo-ng-pagsusuri-o-rebyu-ng/
Susi sa pagwawasto
Subukin Nobela Gawain 1.
Pelikula 1. Mayroon sariling sagot ng mga mag-aaral
1. Wala 2. Mayroon Gawain 2.
2. Mayroon 3. Mayroon 1. d
3. Wala 4. Wala 2. e
4. Mayroon 5. Wala 3. a
5. Wala 4. b
5. c
Gawain 3 Gawain 4. Tayahin
1. A. sariling sagot ng mga mag-aaral 1. T 6. M
2. X B. sariling sagot ng mga mag-aaral 2. M 7. T
3. X Gawain 5. 3. T 8. M
4. sariling sagot ng mga mag-aaral 4. T 9. T
5. Gawain 6. sariling sagot ng mga mag- 5. T 10. T
aaral
12
Inihanda ni:

ESTEPILYN P. GARCIA

Sinuri ni:

JEMA ADORA V. CALAGUAS

MT-I/FGNMHS-Focal Person

Isinumite kay:

EUGENE V. LACSINA
Department Head llI-Filipino/ACNHS

Inaprobahan ni:

ROCHELLA C. DAVID

EPSvr 1 – Filipino

13
FILIPINO 10
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
DAGLI

ISAISIP
Panimula (Susing Konsepto)
Ang dagli ay isang uri ng akdang pampanitikan na nagmula sa maikling kwento
(short story). Ito ay halos katulad lang ng maikling kwento subalit mas maikli kaysa rito.
Ang dagli ayon sa katuturang ibinigay ni Arrogante (2007), ay mga sitwasyong may
mga nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol sa banghay, mga
paglalarawan lamang. Ito ay isang salaysay na lantaran at walang-timping nangangaral,
namumuna, nanunudyo, o kaya’y nagpapasaring.
Ang dagli ay napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles.
Ngunit ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s)
bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990.
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ang nauusong estilo ng maikling kuwento. Mga
kuwentong pawang sitwasyon lamang, plotless wika nga sa Ingles. Ngunit kakaiba ang tema
sa mga naunang dagli na nangangaral at nanunuligsa, itong bago ay hindi lagi.
Lumabas ang antolohiyang “Mga Kuwentong Paspasan” na pinamatnugutan ni
Vicente Garcia Grayon noong 2007. Si Eros Atalia naman ay naglathala ng kaniyang aklat
na pinamagatang “Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kuwentong Pasaway, Paaway at
Pamatay) taong 2011. Ayon kay Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining “Ang
dagli sa panulat ni Eros Atalia ay may iba-ibang anyo at pakay. Nagpapatawa, nanggugulat,
nakasusugat, parang bato-bato sa langit, ang tamaa’y lihim na ginagalit. Kung lilingunin ang
kasaysayan ng dagli bilang anyong pampanitikan, makikitang bago ang hipo ni Eros sa
anyong noong namalasak sa mga diyaryo mga unang taon ng Siglo 20.”
Ayon kay Atalia, walang isang pamantayan kung gaano kahaba ang isang dagli. Higit
na kailangan ang pagkontrol ng mga salita. Sa ganitong uri ng akda nagtitiwala ang sumulat
sa kakayahan ng mambabasa na umunawa at makahanap ng kahulugan. Nagbigay ng mga
mungkahing paraan si Atalia sa pagsusulat ng dagli. Una, magbigay tuon lamang sa isa:
tauhan, banghay, tunggalian, diyalogo, paglalarawan ng matinding damdamin o tagpo.
Ikalawa, magsimula lagi sa aksyon. Ikatlo, sikaping magkaroon ng twist o punchline sa dulo.
Ikaapat, magpakita ng kuwento, huwag ikuwento ang kuwento. At ikalima, gawing double
blade ang pamagat.
- Mula sa Panitikang Filipino (Pampanahong Elektroniko), (Arrogante, 1991); at panayam
ni Eros S. Atalia sa KASUGUFIL 2013
Alamin
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
• Nasusuri ang napanood na pagbabalita batay sa: paksa, paraan ng pagbabalita at
iba pa (F10PD-llg-h-68)
• Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang naririnig na
balita, komentaryo, talumpati, at iba pa (F10PN-llg-h-69)
• Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa pahayagan, magasin,
at iba pa sa nakasulat na akda (F10PN-llg-h-69)
• Nabibigyang kahulugan ang mga salitang di-lantad ang kahulugan sa tulong ng word
association ( F10PT-llg-h-69)
• Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay
(talumpati o editorial) (F10PB-lli-j-71)

14
Subukin

Pilin ang titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel

1. Ito ang uri ng panitikan ng akdang Ako Po’y Pitong Taong Gulang.
a. Dagli b. Maikling Kuwento c. Nobela D. Tula
2. Isa sa mga paraan ng pagsulat ng dagli ayon kay Atalia ay ito ang sikaping gawin sa
dulo ng dagling isusulat.
a. double blade c. putol o open ended
b. punchline o twist d. fiction o sketches
3. Ayon kay Eros Atalia, ito ang dapat gawin sa pamagat ng dagling lilikhain.
a. double blade c. simple
b. maikli d. open-minded
4. Siya ang may pamamatnugot ng antolohiyang Mga Kuwentong Paspasan.
a. Arrogante c. Eros Atalia
b. Bienvenido Lumbera d. Vicente Garcia Grayon
5. Siya ang nagsasaad na walang isang pamantayan kung gaano kahaba ang isang
dagli.
a. Arrogante c. Eros Atalia
b. Bienvenido Lumbera d. Vicente Garcia Grayon
6. Siya ang may akda ng akdang Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli, Mga Kuwentong
Pasaway, Paaway at Pamatay).
a. Arrogante c. Eros Atalia
b. Bienvenido Lumbera d. Vicente Garcia Grayon
7. Ayon kay Arrogante, ito ay mga sitwasyong may nasasangkot na tauhan ngunit
walang aksiyon umuunlad, gahol sa baybay, mga paglalarawan lamang.
a. Dagli c. Nobela
b. Maikling Kuwento d. Sanaysay
8. Ito ang tatlong pangunahing tribong nanirahan sa isla ng Caribbean.
a. Carribs, Arawaks, Ribbean c. Arawaks, Ciboney, Caribs
b. Ciboney, Palarak, Gibby d. Arawaks, Habi, Havana
9. Ito ay bilang ng taon na pinanirahan ang Caribbean Islands ng tatlong pangunahing
tribo.
a. walungpung taon c. dalawangdaang taon
b. limampung taon d. isandaang taon
10. Ito ang iba pang mga bansang nag-aagawan sa isla ng Caribbean.
a. Denmark, Rome, Italy, Netherlands c. France, England, Netherland,
Denmark
b. England, Netherland, Italy, Greece d. Italy, France, Germany, Prague
11. Ito ang bansang orihinal na umangkin sa buong isla ng Caribbean.
a. England b. Frances c. Netherland d. Spain
12. Siya ang unang European na nakarating sa isla ng Caribbean.
a. Alexander the Great c. Eros Atalia
b. Christopher Columbus d. Rene Descartes
13. Ito ang tribong pinagmulan ng pangalan ng isla ng Caribbean.
a. Arawaks b. Carbean c. Caribs d. Ciboney
14. Siya ang sumulat sa kuwento ni Amelia sa akdang “Ako Po’y Pitong Taong Gulang.”
a. Amo ni Amelia b. Amelia c. ibang tao d. Kapatid ni Amelia
15. Ito ang dahilan kung bakit pinalo si Amelia ng kanyang amo ng sinturon.
a. Hindi inihatid ang anak ng amo sa paaralan.
b. Nahuling maghain ng almusal.
c. Natapon ang tubig na inigib
d. Tanghali nang gumising
16. Ito ang lugar kung saan nagmula ang dagling Ako Po’y Pitong Taong Gulang.
a. Isla ng Caribbean c. Europa
b. Africa d. Spain
15
17. Siya ang tauhang nagsasalaysay sa akdang Ako Po’y Pitong Taong Gulang.
a. Amalia c. Amelia
b. Ambrosia d. Andrea
18. Paano inilarawan ni Amelia ang kanyang pamilya sa kuwento?
a. abusado b. mabisyo c. mahirap d. pabaya
19. Ang sabi ni Amelia ay gula-gulanit po ang aking damit at wala akong sapatos. Ano
ang kabaligtaran ng salitang nakaitalisado sa pangungusap?
a. ayos na ayos c. sira-sira
b. punit-punit d. watak-watak
20. Suriin ang mga pangyayaring naganap sa kuwento. Alin ang ang kabilang sa ikatlong
pangyayari?
a. Ang hindi magpapahintulot kay Amelia ng kanyang amo na makapag-aral.
b. Ang paghuhugas ni Amelia sa paa ng kanyang amo.
c. Ang pagmamalupit at pananakit kay Amelia kapag nahuhuli sa paghahanda ng
almusal.
d. Ang pagsasagawa ni Amelia ng kanyang mga Gawain para sa pamilyang
pinaglilingkuran.

Tuklasin
Gawain 1: Manood ng isang videoclip https://www.youtube.com/watch?v=VnxNiihEC04
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Maaring nakita mo ang mga iyan sa pinanood mong
balita, dokumentaryo at iba pa. Suriin ang mga larawan mula sa iyong napanood na balita at
ilahad ang iyong saloobin at damdamin tungkol dito. Sagutin ang mga katanungan sa iyong
sagutang papel.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang pinapaksa ng mga larawan na kinalap mula sa mga napanood na balita?
2. Kung titingnan ang mga larawan ay hindi sa eskuwelahan ang tungo ng paa ng mga
bata, kung gayon saan kaya patungo ang paa ng mga batang ito?
3. Sa paggising nila sa umaga ano ang kanilang iniisip tuwina?
4. Sa ganitong sitwasyon mo ba naiisip ang mga batang musmos na nakikita mo sa
larawan? Palawakin ang sagot.
5. Ano ang nararamdaman mo sa tuwing nakakakita ka ng ganitong sitwasyon? Ilahad
ang iyong saloobin.
Basahin at unawaing mabuti ang dagli na pinamagatang “Maligayang Pasko” at sagutin ang
kasunod na mga tanong.
Maligayang Pasko
ni Eros S. Atalia
Pinatay niya na ang sauce. Luto na rin ang noodles ng spaghetti. Sinilip niya ang oven.
Paluto na ang lechon de leche. Nagniningning sa mantika ang hamon, hotdog at bacon.
Nasa gitna na ng mesa ang mansanas, ubas, kahel at peras. Hiwa na rin ang keso de bola.
Timplado na rin ang juice. Inilagay na niya sa mesa ang morcon, lechon manok, embutido,
16
paella at pinasingaw na sugpo. Naglagay siya ng tatlong pinggan, baso, kutsara at tinidor sa
mesa. Pati na rin ang napkin.
Maya-maya, bitbit na niya ang isang supot. Sa loob nito ay may ilang nakabalot na
ulam.
Lumabas na siya ng bahay. Tinahak na niya ang nagniningning na lansangan.
Habang naglalakad, sinilip niya ang laman ng supot. May apat na balot. Hindi niya maaninag
kung ano-ano ang laman ng mga ito. Pero tamang-tama sa anim niyang anak at sa kanilang
mag-asawa ang bitbit na pabaong Noche Buena. Bukas, araw ng Pasko, maaga siyang
babalik upang maghugas ng pinagkainan.
- Mula sa Wag Lang Di Makaraos (Atalia, 2011)

Gawain 2: Unawain ang Dagli


Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.
1. Para kanino ang inihandang noche buena ng tauhan sa dagli na iyong nabasa?
Pangatuwiranan.
2. Madali mo bang naunawaan ang iyong binasa? Bakit?
3. Bigyang-puna ang estilo ng sumulat batay sa sumusunod na elemento:
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Banghay
Simula
Gitna
Wakas
d. Tema

Pang-aabuso sa mga kabataan ay talagang talamak na kahit saang panig ng daigdig.


Marahil naitanong mo na sa iyong sarili ang kadahilanan kung bakit may mga batang sa
halip na mag-aral ay naglalako ng kung ano-ano sa daan. Ganito ang masasaksihan sa
Dagli na mula sa Caribbean, kung saan ipinapakita ang kalagayan ng mga kabataan sa Isla.
Ang Caribbean ay nasasakop lahat ng Isla na matatagpuan sa Timog-Silangan ng Gulpo ng
Mexico at Silangang bahagi ng Central America at Mexico gayundin ang Hilagang bahagi ng
South America.
Halika’t alamin muna natin ang ilang impormasyon tungkol sa pinagmulan ng Caribbean
upang maging handa sa mga susunod na pagsubok.

Pinagmulan ng mga Isla ng Caribbean


Sa loob ng isandaang taon, ang Caribbean Islands ay pinaninirahan ng tatlong
pangunahing katutubong tribo- ang Arawaks, ang Ciboney at ang tribo na nagbigay ng
pangalan sa isla, ang Caribs. Sinasabing sa pagdating ni Christopher Columbus ang unang
European na nakarating sa isla ay nagkaroon ng dramatikong pagbabago sa kasaysayan ng
Caribbean. Ang Spain ang orihinal na umangkin sa buong isla. Hindi ito ikinasiya ng mga
taga-isla na nakatira roon maging ng mga bansa sa Europa na nag-aagawan sa isla tulad ng
France, England, Netherlands, at Denmark.
Samantala, ang mga taal na katutubong tribo na nakatira sa isla ay halos nalipol.
Kung nalipol ang mga tao ng isla gayundin ang kanilang pamumuhay kaya ang kultura ng
Caribbean ay madalas na nagbabago. Karamihan ng mga taga-isla ay naging biktima ng
pang-aalipin kung kaya napalitan ang katutubong kultura mula sa Africa. Di-kalaunan ang
mga labanan ay natigil at karamihan sa mga isla ay natahimik. Bagaman ang pang-aalipin
ang sumisira sa plantasyon ng asukal at kape sa lugar, karamihan ng mga labanan ay natigil
dahil ang mga bansa sa Europa ay humubog ng sarili nilang kultura sa mga sarili nilang
teritoryo.
17
Gawain 3
a. Itala ang mga impormasyon tungkol sa pinagmulan ng Caribbean gamit ang fan fact
analyzer. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mahahalagang
impormasyon tungkol
sa pinagmulan ng mga
isla sa Caribbean

b. Paano nakaapekto sa pamumuhay at kultura ng mga taga-Isla sa Caribbean ang


pananakop sa kanila ng iba’t-ibang bansa?
Ako Po’y Pitong Taong Gulang
Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira po ako sa isang Isla sa Caribbean. Ako
po’y pitong taong gulang. Noon po’y ibinigay ako ng aking mahihirap na magulang sa isang
mayamang pamilya na nakatira sa lungsod.
Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko sa araw-araw gumigising po ako ng
alas singko ng umaga. Umiigib ako sa isang balon na malapit sa amin. Napakahirap pong
balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako ng
almusal at inihain ko po iyon sa pamilyang pinaglilingkuran. Medyo nahuli nga po ako ng
paghahain ng almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo ng sinturon.
Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang limang taong gulang na anak
ng lalaki. Sumunod po, tumutulong ako sa paghahanda at paghahain ng tanghalian ng
pamilya. Kung hindi po oras ng pagkain, kailangan ko pong mamili ng pagkain sa palengke
at gawin ang mga utos nila, asikasuhin ang apuyan, walisan ang bakuran, labhan ang mga
damit at hugasan ang pinagkainan at linisin ang kusina. Hinuhugasan ko rin po ang mga paa
ng aking among babae. Galit na galit po siya ngayong araw na ito at sinampal niya po ako
dahil sa galit. Sana’y hindi na po siya galit bukas.
Ipinakain po sa akin ang kanilang natirang pagkain, mas mabuti naman po ito kaysa
sa giniling na mais na kinain ko po kahapon. Gula-gulanit po ang aking damit at wala akong
sapatos. Hindi po ako kailaman pinayagan ng aking mga amo na ipaligo ang tubig na iniigib
ko para sa pamilya. Kagabi po ay sa salas ako natulog, kung minsan po ay pinatutulog nila
ako sa sahig sa loob ng bahay. Nakalulungkot pong isipin na hindi ako ang mismong
sumulat nito. Ayaw po nila kasi akon payagang mag-aral.
Maging maayos po sana ang araw ninyo. Amelia
-Mula sa Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. 2011. Lorimar Publication
Gawain 4
Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa sumusunod na mga salita gamit ang word
association. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Child Labor
2. magsunog ng kilay
3. busabos

Child Labor

18
Gawain 5
Sagutin ang sumusunod na tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Makatwiran ba ang ginawa ng magulang ni Amelia na ipaampon na lamang siya
sa mayamang pamilya dahil mahirap lang ang kanilang buhay? Bakit?
2. Angkop ba sa edad ni Amelia ang kanyang gawain? Naranasan mo rin ba ito?
3. Makatwiran bang paluin ang isang bata dahil sa kanyang pagkakamali?
4. Sang-ayon ka ba sa ginagawa ng amo ni Amelia sa kanya tulad ng pagpapakain
ng tirang pagkain?
5. Tama ba na hindi siya pinayagang mag-aral?
6. Ano ang naramdaman mo sa binasang dagli?
7. Ano sa tingin mo ang mangyayari kay Amelia matapos niyang ilahad ang
kanyang mga nararasan bilang isang bata?
8. Bakit sa tingin mo hindi si Amelia ang sumulat ng sarili niyang mga karansan?
9. Sa iyong palagay, bakit napunta sa ganoong sitwasyon si Amelia?
10. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Amelia, isasalaysay mo rin ba sa ganitong
paraan ang iyong karanasan at bakit?

SURIIN
Gawain 6
1. Suriin ang tauhan, tagpuan at mga pangyayari sa binasang dagli sa tulong ng
Caterpillar graph. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ako po’y
Pitong Taong Tauhan Tagpuan Pangyayari Pangyayari Pangyayari
Gulang 1 2 3

2. Paghambingin ang mga pangyayari sa nabasang dagli at sa mga napanood o


nabalitaan ukol sa child labor gamit ang T-chart.

Ako Po’y Pitong Taong Gulang Child Labor (napanood o napakinggan)

3. Opinyon mo, Ipahayag mo!


Bigyan ng opinyon ang mga sumusunod na katanungan.
a. Ano ang gagawin mo kung ang isa sa malalapit mong kaibigan ay nakaranas na
pang-aabuso? Pangatuwiranan ang sagot.
b. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na maging isang mambabatas, anong
batas ang maari mong maipanukala sa mga batang inaabuso?
c. Kung sa pagkakataong ito ay nakikinig sa’yo ang pamahalaan, ano ang
maimumungkahi mong aksyon upang malabanan ang pang-aabuso sa mga
batang nasa murang edad na nagaganap sa bansa?
19
Gawain 7
Basahin at unawain ang mga dagling binubuo ng labingsiyam na salita. Unawain at ilahad
ang iyong sariling opinyon tungkol dito.
1. Paulit-ulit kong pinakinggan ang “All By Myself,”“Right Here Waiting,” “Survivor,” at
“The Climb.” Umiyak akong mag-isa.
2. “Ano ang lason?” Tanong ko sa matanda. Sagot niya: “Lahat ng bagay nang sobra
sa kailangan mo.” Nagkatinginan kami.
3. “Gawa ka ng gamot sa COVID-19.” Sagot ng scientist: “Bigyan mo muna ako ng
suweldo ni Lebron James.”
Pagyamanin / Isagawa
Gawain 8
1. Ipahayag ang damdaming nakapaloob sa binasang dagli sa pamamagitan ng
Character in the Mirror. Ito ay tila monologue at pagsasatao. Sa paraang ito ay
ipapahayag mo ang damdamin ng tauhan na tila kinakausap ang sarili sa harap
ng salamin. Gawin ito at ipasa sa pamamagitan ng messager o kung wala ka
namang FB account ay maaring gumawa ka ng iskrip ukol dito at gawin sa
sagutang papel.
2. Sumulat ng isang maikling jingle tungkol sa kampanya laban sa child labor o
pagtutol sa sapilitang pagtatrabaho ng mga bata.
3. Magsulat ng sariling dagli tungkol sa hindi mo malilimutang pangyayari bilang
mag-aaral. At bigyan ito ng sariling pamagat.
Ang isusulat na dagli ay walang takdang ikli o haba. Isulat ito sa isang buong
papel.

Rubrik sa paggawa ng Dagli


INTERPRETASYON
Pamantayan Iskor
Tema o paksa Mahusay – 5 puntos
Malikhain
Estilo sa pagsulat Katamtaman -3 puntos
Mensahe
Dapat pang paghusayan – 2 puntos
Lakas ng dating

Tayahin

Pilin ang titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.


1. Ito ang uri ng panitikan ng akdang Ako Po’y Pitong Taong Gulang.
b. Dagli Maikling Kuwento c. Nobela D. Tula
2. Isa sa mga paraan ng pagsulat ng dagli ayon kay Atalia ay ito ang sikaping gawin sa
dulo ng dagling isusulat.
c. double blade c. putol o open ended
d. punchline o twist d. fiction o sketches
3. Ayon kay Eros Atalia, ito ang dapat gawin sa pamagat ng dagling lilikhain.
a. double blade c. simple
b. maikli d. open-minded
4. Siya ang may pamamatnugot ng antolohiyang Mga Kuwentong Paspasan.
a. Arrogante c. Eros Atalia
b. Bienvenido Lumbera d. Vicente Garcia Grayon
5. Siya ang nagsasaad na walang isang pamantayan kung gaano kahaba ang isang
dagli.
a. Arrogante c. Eros Atalia
b. Bienvenido Lumbera d. Vicente Garcia Grayon
20
6. Siya ang may akda ng akdang Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli, Mga Kuwentong
Pasaway, Paaway at Pamatay).
a. Arrogante c. Eros Atalia
b. Bienvenido Lumbera d. Vicente Garcia Grayon
7. Ayon kay Arrogante, ito ay mga sitwasyong may nasasangkot na tauhan ngunit
walang aksiyon umuunlad, gahol sa baybay, mga paglalarawan lamang.
a. Dagli c. Nobela
b. Maikling Kuwento d. Sanaysay
8. Ito ang tatlong pangunahing tribong nanirahan sa isla ng Caribbean.
a. Carribs, Arawaks, Ribbean c. Arawaks, Ciboney, Caribs
b. Ciboney, Palarak, Gibby d. Arawaks, Habi, Havana
9. Ito ay bilang ng taon na pinanirahan ang Caribbean Islands ng tatlong pangunahing
tribo.
a. walumpung taon c. dalawangdaang taon
b. limampung taon d. isandaang taon
10. Ito ang iba pang mga bansang nag-aagawan sa isla ng Caribbean.
a. Denmark, Rome, Italy, Netherlands c. France, England, Netherland,
Denmark
b. England, Netherland, Italy, Greece d. Italy, France, Germany, Prague
11. Ito ang bansang orihinal na umangkin sa buong isla ng Caribbean.
a. England b. Frances c. Netherland d. Spain
12. Siya ang unang European na nakarating sa isla ng Caribbean.
a. Alexander the Great c. Eros Atalia
b. Christopher Columbus d. Rene Descartes
13. Ito ang tribong pinagmulan ng pangalan ng isla ng Caribbean.
a. Arawaks b. Carbean c. Caribs d. Ciboney
14. Siya ang sumulat sa kuwento ni Amelia sa akdang “Ako Po’y Pitong Taong Gulang.”
a. Amo ni Amelia b. Amelia c. ibang tao d. Kapatid ni Amelia
15. Ito ang dahilan kung bakit pinalo si Amelia ng kanyang amo ng sinturon.
a. Hindi inihatid ang anak ng amo sa paaralan.
b. Nahuling maghain ng almusal.
c. Natapon ang tubig na inigib.
d. Tanghali nang gumising
16. Ito ang lugar kung saan nagmula ang dagling Ako Po’y Pitong Taong Gulang.
a. Isla ng Caribbean c. Europa
b. Africa d. Spain
17. Siya ang tauhang nagsasalaysay sa akdang Ako Po’y Pitong Taong Gulang.
a. Amalia c. Amelia
b. Ambrosia d. Andrea
18. Paano inilarawan ni Amelia ang kanyang pamilya sa kuwento?
a. abusado b. mabisyo c. mahirap d. pabaya
19. Ang sabi ni Amelia ay gula-gulanit po ang aking damit at wala akong sapatos. Ano
ang kabaligtaran ng salitang nakaitalisado sa pangungusap?
a. ayos na ayos c. sira-sira
b. punit-punit d. watak-watak
20. Suriin ang mga pangyayaring naganap sa kuwento. Alin ang ang kabilang sa ikatlong
pangyayari?
a. Ang hindi magpapahintulot kay Amelia ng kanyang amo na makapag-aral.
b. Ang paghuhugas ni Amelia sa paa ng kanyang amo.
c. Ang pagmamalupit at pananakit kay Amelia kapag nahuhuli sa paghahanda ng
almusal.
d. Ang pagsasagawa ni Amelia ng kanyang mga Gawain para sa pamilyang
pinaglilingkuran.

21
Mga Sanggunian
Aklat
Jocson, Magdalena O. at Abiera, Aura Bert A. mga Konsultant
Kagarawan ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Departmnet of Education-Instructional
Materials Council Secretariat (Dep-ed-IMCS), Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul
para sa Mag-aaral Inilimbag ng Vibal Group, Inc.

Online
Bandila: Child laborers sa Pilipinas (January, 25, 2017). Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=VnxNiihEC04
Dagli (n.d). Retrieved from https://juanbautistastories.com/2017/10/18/ang-dagli/
Wordpress.com (n.d.). Retrieved from
https://akopoypitongtaonggulang.wordpress.com/contact/
Scribd.com (n.d.). Retrieved from https://www.scribd.com/document/421145295/banghay-
aralin-sa-Dagling-Ako-po-y-pitong-taong-gulang
Quizizz.com (n,d.). Retrieved from
https://quizizz.com/admin/quiz/5d8074e3dd4a80001a88ebf1/pagsusulit-
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1. A 11. D
2. B 12. B
3. A 13. C
4. D 14. C
5. C 15. B
6. C 16. C
7. A 17. C
8. C 18. C
9. D 19. A
10. C 20. A
Gawain 1 Gawain 2
1. Child Labor 1. sa pamilyang pinaglilingkuran
2. sa lugar na puwedeng pagkakitaan 2. sariling sagot ng mag-aaral
3. paani kikita ng pagkakaperahan 3. sariling sagot ng mag-aaral
4. sariling sagot ng mag-aaral
5. sariling sagot ng mag-aaral

Gawain 3
• Sa pagdating ni Christopher Columbus nagkaroon ng pagbabago sa kasaysayan ng
Caribbean.
• Tatlong pangunahing tribo ang nagbigay sa pangalan ng Caribbean.
• Madalas na nagbabago ang kultura ng Caribbean dahil sa kanilang pagkalipol.
• Karamihan ng mga taga-Isla ay biktima ng pang-aalipin.
• Natigil din ang mga labanan at hinubog ang Caribbean sa sarili nilang kultura.

22
Gawain 4 Gawain 5 Pang-unawa sa binasa
1. Child Labor 1-10 Sariling sagot ng mag-aaral
nagtatrabaho sa murang edad
Gawain 6
maagang paggawa
magang pasanin 1. Caterpillar Graph
pinagkaitang makapaglaro 2. T-chart
inalisan ng karapatang makapag-aral 3. Opinyon mo Ipahayag mo!
2. Magsunog ng kilay Gawain 7 Paglalahad ng sariling
edukasyon opinyon
mag-aral nang mabuti
talasan ang utak Gawain 8
magsanay 1. Character in the Mirror
pagpakadalubhasa 2. Pagsulat ng maikling Jingle
3. Busabos 3. Paggawa ng sariling Dagli
yagit
mahirap
isang kahig isang tuka
namamalimos
alipin
Pagtataya
1. A 11. D
2. B 12. B
3. A 13. C
4. D 14. C
5. C 15. B
6. C 16. C
7. A 17. C
8. C 18. C
9. D 19. A
10. C 20. A

Inihanda ni:

MARILOU D. CUNAN
SST-III/ NORTHVILE 15 Integrated School
Sinuri ni:

JEMA ADORA V. CALAGUAS


MT-I/FGNMHS-Focal Person
Isinumite kay:

EUGENE V. LACSINA
Department Head llI-Filipino/ACNHS

Inaprubahan ni:

ROCHELLA C. DAVID
EPSvr 1 – Filipino

23
Filipino 10
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
Talumpati

Pangalan: _______________________________________Q2W7: Limang araw

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Susing Konsepto)

Tinatawag na talumpati ang anumang buod ng kaisipan na isinulat at binibigkas sa mga manonood.
Naglalayon itong makahikayat o mangatuwiran sa mga napapanahong isyu o isang partikular na
paksa.

Layunin din ng mga talumpati na sumang-ayon, tumugon, o magbigay ng impormasyon sa mga


tagapakinig. Karaniwang ang talumpati ay binibigkas ng tagapagsalita sa isang entablado at mga
panauhing pandangal.

https://www.panitikan.com.ph.

Alamin

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA (MELCS)


• Naipapahayag ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa isang paksa sa isang
talumpati (F10PS-llg-h-71)
• Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu
(F10PU-llg-h71)
• Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap
(F10WG-llg-h-64)
• Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan, TV, internet
tulad ng fb, e-mail, at iba pa) (F10PB-lli-j-79)
• Naisusulat at naibabahagi sa iba ang sariling akda (F10PU-lli-j-77)
• Nagagamit ang kahusayan sa gramatikal at diskorsal na pagsulat ng isang organisado
at makahulugang akda (F10WG-lli-j-70)

Subukin
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Sino ang kauna unahang pangulong babae ng bansang Brazil?


a. Dilma Rousseff c. Megawati Sukarnoputri
b. Halimah Yacob d. Tsai Ing-wen

2. Isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa
na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
a. dula b. sanaysay c. tula d. talumpati

3. Isang uri ng komposisyon na naglalaman ng mga kuro-kuro o opinyon ng may akda.


a. dula b. sanaysay c. tula d. talumpati

4. Si Jolina pala ang nanalo sa paligsahan.


Ang nakasalungguhit na salita ay isang halimbawa ng katagang paningit na ginagamit sa
pagpapalawak ng pangugusap. Ano ang tawag sa mga katagang paningit na ito?
a. ingklitik b. komplemento c. pang-abay d. pang-uri

5. Ang pinag-uusapan sa pangungusap.


a. paksa b. panaguri c. pandiwa d. pang-abay

1
Tuklasin

GAWAIN 1
Sa tulong ng ANA (Alam na, Nais malaman, Ang Nalaman ko na), bigyan mo ng hinuha ang
dalawang mahahalagang tanong. Sagutin mo muna ang tatlong naunang tanong. Pagkatapos nating
pag-aralan ang modyul na ito ay saka mo sagutin ang huling tanong. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

a. Paano nga ba naiiba ang mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Kanluran sa iba pang mga
bansa?

1. Ano ang alam mo na?


2. Ano ang nais mong malaman?
3. Paano mo makikita ang nais malaman?
4. Ano ang iyong natutuhan/naunawaan?

b. Paano nakatutulong ang mga kaalaman sa gramatika at retorika para higit na maunawaan at
mapahalagahan ang mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Kanluran at South America?
1. Ano ang alam mo na?

2. Ano ang nais mong malaman?


3. Paano mo makikita ang nais malaman?
4. Ano ang iyong natutuhan/naunawaan?

Ang pagtatalumpati ay isang sining ng pagpapahatid ng isang mensahe o kaisipan hinggil sa isang
mabisa o napapanahong paksa sa mga takapakinig sa pamamagitan ng wasto, mabisa, at
madamdaming pagbibigkas.

Ang isang talumpati ay may iba’t ibang layuning tulad ng sumusunod:

1. Makapagbigay ng kabatiran o kaalaman - Layunin nitong mabigyan ng mga bagong kaalaman o


kabatirang makapadaragdag sa mga dati nang kaaalaman ng tagapakinig.

2. Makapagturo at makapagpaliwanag – Ang isang talumpati ay maaring makapagturo o


makapagpaliwanag ng bagong paraan o paniniwalang kaugnay ng isang ideya o kaisipan.
Makatutulong ito sa mga tagapakinig upang makita ang paksa sa ibang anggulo at maiangat ang
nalalaman ukol sa paksang tinatalakay.

3. Makapanghikayat – Ang isang mabisang talumpati ay maaaring makapanghikayat sa mga


tagapakinig. Maari nitong mabago ang pananaw ng isang tagapakinig at maakit itong sumang-ayon o
tanggapin ang pinagtatalunang bagay o kalagayan. Madalas itong nagagamit ng mga pulitiko sa
pangangampanya.

4. Makapagpaganap o Makapagpatupad – Ang isang talumpati ay maaring makapaglahad ng isang


adhikain, proyekto, batas, o ordinansang kailangang mapalaganap o maipatupad sa nakararami. Ito
ay magtutulak sa tagapakinig upang isagawa o isakatuparan ang kaisipang nabanggit sa talumpati.

5. Manlibang – Ang talumpati, upang maging mabisa ay kailangang magkaroon ng pang-akit at


makapanlibang sa mga tagapakinig. Ang anumang layunin ng talumpati ay magtatagumpay lang kung
lubos itong pinakinggan at kinagiliwan ng mga tagapakinig kaya’t nararapat ang talumpati’y maging
kawili-wili sa mga tagapakinig.

Narito naman ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat isang talumpati:

1. Pantukoy sa uri ng tagapakinig – Mahalagang batid ng mananalumpati ang uri ng kanyang


tagapakinig upang maibagay o maiakma niya para sa mga ito ang estilo, paksa, at paraan pagsasaad
ng kanyang talumpati.

2. Pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa paksa – Mahalagang magkaroon ng malawak na


kaalaman sa paksang kanyang ilalahad ang mananalumpati. Makukumbinsi at matututo lang
tagapakinig sa paksang tinatalakay kung ang nagtatalumpati ay may lubos na kaalaman sa kanyang
sinasabi, Makakatulong din upang masagot niya nang walang gatol at makapagpaliwanag nang
mahusay sa mga tanong na ibibigay ng mga tagapakinig kung malawak ang kabatiran niya ukol sa
paksa.

3. Pagbuo ng isang mabisang balangkas – Bago pa maupo at simulan ang pagsulat ng aktuwal na
talumpati ay makatutulong nang malaki ang pagbuo muna ng balangkas.

2
Narito ang mga hakbang na maaring sundin sa pagbabalangkas ng bubuoin mong talumpati:

Pambungad ng Talumpati
a. Panimula – Mahalaga ang panimula sapagkat ito ang magiging basehan ng tagapakinig kung
ibibigay ba niya ang kanyang buong atensiyon sa nagtatalumpati o hindi. Kailangang
makapag-isip ang nagtatalumpati ng mahusay na panimulang makapupukaw o makatatawag-
pansin sa tagapakinig. Sa bahaging ito naihahayag na ng manananalumpati ang paksang
kanyang tatalakayin.

Katawan ng Talumpati
b. Paglalahad – Dito matatagpuan ang esensiya o ang nilalaman ng talumpati. Kailangang
maging masinop ang mananalumpati sa paglalahad ng mga puntong kanyang bibigyan-
pansin. Makatutulong kung sa balangkas pa lang ay isa-isang isusulat ng mananalumpati ang
mga paksang sunod-sunod niyang ilalahad upang masuri niya kung naisama niya bang lahat
ang mahahalagang puntong kailangang mabigyan-diin.

Pagwawakas ng Talumpati
c. Impresyon – Kung napaghandaan ng mananalumpati ang isang mabisang wakas ay kailangan
ding paghandaan niya ang isang pagwawakas na hindi lang lalagom sa kabuuan ng mga
paksang kanyang binibigyan-diin kundi mag-iiwan ng isang malalim na impresyong kikintal sa
puso at isipan ng mga tagapakinig. Maaari ang pagwawakas ay sa pamamagitan ng isang
hamon, tanong, kuwento, o kasabihang mapag-iisipan ng tagapakinig at maiuugnay niya sa
kabuuan ng pinakinggang talumpati.

4. Pagsulat ng Talumpati – Mula sa nabuong balangkas at mga nasaliksik na datos ay maari nang
maupo at isulat ng mananalumpati ang kabuuan ng kanyang talumpati. Makatutulong kung batid niya
sa una pa lang kung gaano kahaba ang laang oras para sa kanya. Makatutulong kung susulat muna
ng burador at saka ito rebisahin nang ilang bese pagkatapos. Iwasang maging maligoy ang talumpati.
Maaari itong maging maikli suballit maliwanag, malaman, at kawili-wili sa mga tagapakinig.

Gawain 2 Character Profile


Basahin at unawain ang talata na nagpapakilala kay Pangulong Dilma Roeusseff. Pagkatapos
ay punan ng impormasyon sa kasunod na bahagi. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Sino ba si Dilma Rousseff?

Noong Enero 1, 2011, nanumpa ang kauna-unahang babaeng


pangulo ng Brazil matapos manalo sa eleksiyon noong 2010.
Siya ay si Dilma Rousseff.

Isinilang siya noong Disyembre 14, 1947 sa Belo, Horizonte,


Brazil. Ang kaniyang ama ay isang Bulgarian at ang kaniyang
ina ay isang Brazilian. Estudyante pa lamang si Dilma ay
naugnay na siya sa isang militanteng sosyalistang grupo kung
saan nakasama niya si Carlos Araujo na kinalaunan ay siya
niyang naging pangalawang asawa. Noong 1970, dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa diktaturyal
siya ay nakulong na tumagal ng tatlong taon. Habang nasa kulungan, nakaranas siya nang labis
na pagpapahirap tulad ng electric shocks. Nang siya ay makalaya, tinapos niya ang kaniyang pag-
aaral (1977) at pumasok sa lokal na politika bilang kasapi ng Democratic Labor Party. Sa loob ng
dalawang dekada, ginampanan ni Rousseff ang pagiging consultant at mahusay na tagapamahala
ng partido.

Nang mangampanya si Luis “Lula” de Silva bilang pangulo noong 2002, kinuha niya si Rousseff
bilang consultant. Matapos ang eleksiyon hinirang siya bilang Minister ng Enerhiya. Dahil sa
kaniyang kahusayan sa hinawakang posisyon, siya ay kinuha ni Pangulong “Lula” bilang Chief of
Staff noong 2005 hanggang mapagdesisyunan niyang tumakbo sa eleksiyon bilang kahalili ni
“Lula” noong 2010.

Biography of Dilma Rousseff, kinuha noong Marso 1, 2014,


- Mula sa (http://www.infoplease.com/biography/var/dilmarousseff.html)

Character Profile
A. Pangalan:
B. Tirahan:
C. Kasarian:
D. Hanapabuhay:
E. Pagkamamamayan:
F. Naging tagumpay:
G. Kahanga-hangang katangian:

3
IKALAWANG ARAW
Basahin at unawaing mabuti ang talumpati upang malaman mo kung masasalamin ba ang
kalagayang panlipunan ng bansang pinagmulan nito.

Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon


(Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil)
Enero 1, 2011
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Minamahal kong Brazilians,

Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan, gayundin,


ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.

Nakita natin noon sa dalawang terminong panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano
nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan. Gayunpaman, nanatili sa kahihiyan ang
bansa sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang patunayang
maunlad na nga tayo bilang mamamayan.

Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga
pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at habang may
mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya
kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan kong
maisakatuparan.

Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahan na dapat
gampanan ng lahat sa lipunan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba kong hinihingi ang suporta
ng mga institusyong pampubliko at pampribado, ng lahat ng mga partido, mga nabibilang sa
negosyo at mga manggagawa, mga unibersidad, ang ating kabataan, ang pamamahayag, at
ang lahat na naghahangad ng kabutihan para sa kapwa.

Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang mahabang


panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga
hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon.

Kailangan ang paglagong ito, kasama ang matatag na programang panlipunan upang
malabanan ang hindi pantay na kita at pagkakaroon ng rehiyunal na pagpapaunlad.

Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng katatagan ng


ekonomiya ang pinakamahalaga. Sa nakasanayan na natin, kasama ang matibay na
paniniwala na sinisira ng inflation ang ating ekonomiya na nakakaapekto sa kita ng mga
manggagawa. Nakatitiyak ako na hindi natin papayagan ang lasong ito na sirain ang ating
ekonomiya at magdusa ang mahihirap na pamilya.

Patuloy nating palalakasin ang ating panlabas na pondo upang matiyak na balanse ang
panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito. Gagawin natin nang walang pag-
aalinlangan sa mga multilateral na paraan na ipaglaban ang maunlad at pantay na mga
polisiyang pang-ekonomiya, na pangangalagaan ang bansa laban sa hindi maayos na
kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy ng kapital na ipinakikipaglaban.

Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang sariling


interes na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng kanilang sama-samang
pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap.

Ipagpapatuloy nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan.

Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibigay ng mga
pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mamamayan.

4
Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit nangangahulugan ito na may
tiyak na pensiyon, unibersal na pangangalaga sa kalusugan at mga serbisyong pang-
edukasyon. Samakatuwid, ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay kailangan habang
isinasaayos natin ang paggastos ng pamahalaan.

Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas ng antas ng


pamumuhunan sa punto ng pangkaraniwang gastusin sa pagpapatakbo ng negosyo.
Mahalaga ang pamumuhunang pampubliko sa pag-iimpluwensiya sa pamumuhunang
pampribado at kasangkapan sa rehiyonal na pagpapaunlad.

Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life Program,


pananatilihin natin ang pamumuhunan sa mahigpit at maingat na pagsusuri ng Pangulo
ng Republika at ng mga Ministro.

Patuloy na magsisilbing instrumento ang Growth Acceleration Program na pagtutulungan


ng pagkilos ng pamahalaan at boluntaryong koordinasyon ng pamumuhunang estruktura na
binuo ng mga estado at mga munisipalidad. Ituturo rin nito ang pagbibigay ng insentibo sa
pamumuhunang pampribado na pinahahalagahan ang lahat ng insentibo upang buuin ang
pangmatagalang mga pondong pampribado.

Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng pangmatagalang


pakinabang sa kalidad ng pamumuhay sa lahat ng bumubuo ng rehiyon.

Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng panghimpapawid na transportasyon.


Walang duda na dapat nang mapaunlad at mapalaki ang ating mga paliparan para sa World
Cup at Olympics. Ngunit ang pagpapaunlad na nabanggit ay nararapat na isagawa na ngayon
sa tulong ng lahat ng Brazilian.

Dilma Rousseff Inauguration Speech: Brazil’s First Female President Addresses


Congress in Brasilia, kinuha nong Pebrero. 26, 2014,
mula sa (http://www.huffingtonpost.com/2011/01/03/dilma-rousseffinaugurati_1_n_803450.html)

Ngayon, tingnan nga natin kung naunawan mo na nga ba ang iyong binasa.

GAWAIN 3 Pang-unawa sa binasa


Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel

1. Ano ang nais na makamit ni Pangulong Rousseff sa kaniyang pamumuno sa Brazil?


2. Ilarawan ang kalagayang panlipunan ng Brazil batay sa mga sinabi ni Pangulong Rousseff. Ayon
sa kaniya, paano niya ito mapabubuti?
3. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang sitwasyon ng Brazil sa mga suliraning kinakaharap ng mga
Pilipino sa ating bansa?

GAWAIN 4 Read and React.


Magbigay ng sariling pananaw o opinyon tungkol sa mga pahayag na binanggit sa talumpati na
tinutukoy sa sumusunod na aytem. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan, gayundin ang
lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.

2. Nananatili sa kahihiyan ang bansa sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga
hadlang upang patunayang maunlad na nga tayo bilang mga mamamayan.

3. Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang
pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan na ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang
tuluyan nang inabandona.

4. Matibay ang aking paniniwala sa kasalukuyan na ang inflation ang nagdudulot ng kaguluhan sa
ating ekonomiya at sumisira sa kita ng ating mga manggagawa.

5. Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang sariling interes na siya
namang nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng kanilang sama-samang
pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap.

6. Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibigay ng mga
pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mga mamamayan.

5
IKATLONG ARAW
Ituloy mo pa ang pagbabasa at matutunghayan mo ang talumpati na nilaan ko para sa iyo.
Pagkatapos mong mabasa ay pag-aaralan mo kung paano nakatutulong ang kasanayan sa
pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat ng talumpati.

Edukasyon sa Gitna ng Epidemya


Liza Marie L. Malonzo - sumulat ng akda
Guro sa Filipino 10

Pinapangarap ng bawat kabataan ang makapagtapos ng pag-aaral. Ito ang landas patungo sa
kanilang magandang buhay. Ang edukasyon ang susi ng kanilang tagumpay.

Nguni’t papaano kung ang edukasyon ay sinubok ng isang epidemya? Hihinto ba ito sa
paghubog ng mga kabataan tungo sa kanilang magandang kinabukasan?

Naalala ko ang sinabi ng aking estudyante, “Ma’am yon na po pala ang huling araw na
makakasama namin kayo bilang adviser po sa aming klase, sana niyakap na po namin kayo at
pinasalamatan sa paggabay nyo po sa aming pag-aaral”. Isang mensahe na may kurot sa aking
puso.

Bilang isang guro, ako ay nangamba para sa kanilang pag-aaral. Matutulad ba tayo sa
nangyari sa Sierra Leone noong 2014 na kung saan inihinto ang pag-aaral sa loob ng academic year
dahil sa Ebola outbreak? At sa pagbubukas muli ng mga paaralan ay mas dumami ang hindi na
nagpatuloy ng pag-aaral dahil sa child labor, teenage pregnancy, child abuse and neglect at health
and family economic problem.

Marami ang hindi sumang-ayon sa pagbubukas ng klase. Isang malaking hamon ang kinaharap
ng Departamento ng Edukasyon ngayong taong panuruan.

Subalit hindi ito nagpatinag sa hamon ng Covid 19. Hindi huminto ang Kagawaran sa
paghahanap ng mga paraan o programa upang hindi mahinto ang pag-aaral at kaugnay ng mga ito
ay isinaalang-alang ang pagtitiyak sa kaligtasan ng mag-aaral, guro, magulang at kawani.

Saludo ako sa mga magulang na nagtiwala at sumuporta sa panawagan ng Departamento ng


Edukasyon at sa mga mag-aaral na pumasok ngayong taon, kaiba man ang pag-aaral nyo sa
nakagisnang sistema.

Sa aking pananaw, kakambal na ng tagumpay ang mga balakid, dumadaan ang mga ito sa
ating buhay upang tayo ay matuto at magkaroon ng determinasyon para mapasakamay natin ang
pinapangarap na tagumpay. Dahil ang tinatahak na daan ng pangarap ay pasulong, hindi hihinto o
may maiiwan.

GAWAIN 5 Pagsusuri sa Pagkabuo ng talumpati


Suriin ang pagkakabuo ng binasang talumpati sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat sa
sagutang papel ang mga ito.

Panimula
1. Ano ang paksa ng binasang talumpati?
2. Ano ang layunin ng nagsasalita?

Katawan o Nilalaman
1. Ano ang punto ng nagsasalita?
2. Ano-ano ang ebidensiya o katunayang kaniyang inilahad?

Pangwakas
1. Bigyang-pansin ang wakas na bahagi, ano ang masasabi mo rito?

GAWAIN 6 Dugtungan mo!


Dugtungan ang mga pangungusap ng 2 hanggang 3 pangungusap upang mapalawak ang kaisipang
nais ipabatid. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang edukasyon ang susi ng kanilang tagumpay.


2. Marami ang hindi sumang-ayon sa pagbubukas ng klase.
3. Ibig kong umahon sa kahirapan.
4. Kakambal na ng tagumpay ang mga balakid.
5. Kaiba man ang pag-aaral nsa nakagisnang sistema.

6
Suriin
IKAAPAT NA ARAW Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Balikan natin ang tanong sa panimula: Paano nakatutulong ang kasanayan sa pagpapalawak ng
pangungusap sa pagsulat ng talumpati? Ipagpatuloy mo pa ang iyong pagtuklas!

Susing Konsepto

PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP

Ang paksa at panaguri ay nakapaglalahad sa mensaheng taglay ng isang pangungusap.


Gayunpaman, madalas ay nangangailangan pa ng pangungusap ng mga karagdagang kataga, salita,
o pariralang magpapalawak dito upang higit na mapalawig at maipaliwanag nang husto ang kaisipan
o mensaheng taglay ng pangungusap.

Maaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng pagdaragdag ng paningit o


ingklitik, paglalagay ng panuring (pang-uri at pang-abay), at paggamit ng mga pamuno sa
pangngalan. Isa-isahin natin ang bawat paraang nalahad.

1. Mga Paningit o Ingklitik Bilang Pampalawak


Ang mga paningit o ingklitik ay isinasama o idinaragdag sa paksa o panaguri ng pangungusap
upang mailahad nang higit na malinaw ang kaisipan o mensaheng taglay nito. May labing-anim na
kilalang paningit o pang-abay na ingklitik tulang mababasa sa ibaba:

man kasi sana nang


kaya yata tuloy din/rin
ba pa muna pala
na naman daw/raw lamang/lang

Halimbawa:
Batayang pangungusap:
• Si Dilma Rousseff ang pangulo ng Brazil.
Pagpapalawak ng pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng mga paningit o ingklitik:
• Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil.
• Si Dilma Rousseff ba ang pangulo ng Brazil?

2. Mga Panuring Bilang Pampalawak


May dalawang kategorya ang mga salitang panuring: ang pang-uri na panuring sa pangngalan o
panghalip, at ang pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.

Halimbawa:
Batayang pangungusap:
• Ang kaniyang ama ay isang Bulgarian at ang kaniyang ina ay isang Brazilian.
Pagpapalawak ng pangungusap sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri:
• Ang kaniyang ama ay isang Bulgarian at ang kaniyang ina ay isang magandang Brazilian.

Batayang pangungusap:
• Ginampanan ni Rousseff ang pagiging consultant at tagapamahala ng partido.
Pagpapalawak ng pangungusap sa pamamagitan ng karaniwang pang-abay:
• Ginampanan ni Rousseff ang pagiging consultant at mahusay na tagapamahala ng partido.

Batayang pangungusap:
• Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang kahirapan.
Pagpapalawak ng pangungusap sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri at pang-abay
• Tinitiyak ng aking pamahalaan na matapang na lalabanan at susugpuin ang labis na
kahirapan.

3. Pamuno sa Pangngalan bilang Pampalawak


Ang pamuno ay pangngalan o pariralang pangngalang tumutukoy o nagsasabi ng ibang
katawagan para sa isa pang pangngalan.

Halimbawa:
Batayang pangungusap:
• Si Dilma Rousseff, ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Brazil, ay nanumpa sa
kanyang pagkapangulo.

7
Ang diskorsal ay tumutukoy sa kakayahan ng nagsasalita na mabigyan ng tama o tiyak
nainterpretasyon ang pahayag na napakinggan o nabasa upang makabuo ng isang makabuluhang
kahulugan. Ito ang paglikha ng anyo ng wika na mas malawig kaysa sa mga pangungusap na
nakapaloob sa pahayag o teksto. Sa ganitong paraan ay nagiging mas malinaw at mas madaling
maintindihan ang isang pahayag.

Dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal:


1. Cohesion o pagkakaisa
2. Coherence o pagkakaugnay-ugnay

Ang ilan sa mga halimbawa ng kakayanang diskorsal ay mamamalas sa mga sumusunod:


1. Tula
2. Talumpati
3. Sanaysay
4. Lathalain

GAWAIN 7
Palawakin ang sumusunod na batayang pangungusap. Gamitin ang pampalawak na nasa loob ng
panaklong. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Si Si Dilma Rousseff ay nanawagan. (palawakin gamit ang pamuno at pang-abay)


2. May mga batang inabandona. (palawakin gamit pang-uri at pang-abay)
3. Layon nito na pasiglahin ang ekonomiya at sugpuin ang kahirapan. (palawakin gamit ang
paningit o ingklitik at pang-uri)
4. Nagbunyi ang mga Brazilian sa talumpati ng pangulo. (palawakin gamit ang paningit o ingklitik,
pang-abay, at pang-uri)
5. Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin kahirapan (Palawakin gamit ang pang-
uri at pang-abay)

GAWAING 8
Ngayon ay magagamit mo na ang kasanayan sa kahusayan sa gramatikal at diskorsal na
pagsulat ng isang organisado at makahulugang akda.
Sumulat ng isang maikli suballit maliwanag, malaman, at kawili-wili talumpati. Maari kang pumili sa
mga nakahanay na napapanahong isyu ng lipunan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Paglobo ng Covid 19 Cases


2. Coivd 19 Vaccine
3. Pangangalaga sa mga PUI at PUM ng Gobyerno
4. Pagpaptuloy ng Pasukan sa 2020
5. Paggaling ng may Covid
6. Pag-iwas sa Virus
7. Pagdalo sa mga alo salo habang may “Covid”
8. Kahirapan sa Panahon ng Pandemya
9. Ambag ko bilang Kabataan sa Panahon ng Krisis
10. Kabutihan dulot ang habang Lockdown

IKALIMANG ARAW

Pagyamanin / Isagawa
GAWAIN 9
Gamit ang iyong Facebook account. Gumawa ka ng isang blog na maglalahad sa buong mundo ng
iyong damdamin at saloobin mula sa mga napapanahong isyu ng lipunan na nabasa mo sa mga social
media (pahayagan, TV, internet tulad ng fb, e-mail, at iba pa). Tatagal ng 1-2 minuto ang gagawing
blog. Para sa walang internet maaring gawin ito sa iyong sagutang papel.

RUBRIK SA PAGMAMARKA
Pamantayan 50 40 30 20 10
May mataas na panghikayat sa madla dahil sa maayos at
malinaw na pagsasalita
Napalutang ang mga damdaming namamayani sa bawat
bahagi ng paglalahad
Lubusang nakapaglalahad ng malinaw at magkakaugnay ng
mga impormasyon at kaisipan sa paksa.

8
Tayahin
Halina’t alamin natin ang iyong mga natutuhang kaalaman at kasanayan mula sa mga
natalakay na aralin.

Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.


1. Ano ang tawag sa isang proseso ng pagpapahayag ng ideya sa paraang pasalitang tumatalakay
sa isang isyu?
a. debate b. posisyong papel c. sanaysay d. talumpati
2. Balangkas ng talumpati na kung saan matatagpuan ang esensiya o ang nilalaman ng talumpati.
a. katawan b. pagwawakas c. pambungad d. pagsulat
3. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anomang
isyu sa kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
a. debate b. posisyong papel c. sanaysay d. talumpati
4. Ang State of the Nation Address ay isang halimbawa ng
a. talumpating nagbibigay kabatiran c. talumpating panghikayat
b. talumpati ng pagbibigay-galang d. talumpating papuri
5. Anong uri ng talumpati ang ibinibigay lamang ang paksa sa oras ng pagsasalita?
a. biglaang talumpati c. maluwag
b. isinaulong talumpati d. manuskrito
6. Siya man ay nagulat sa biglaang pagpanaw ng kanyang idolo. Ang may salungguhit ay isang ___
na ginamit upang mapalawak ang pangungusap.
a. ingklitik b. komplemento c. pang-abay d. pang-uri
7. Ang mga sumusunod ay katangian na dapat taglayin ng paksa ng isang talumpati maliban sa:
a. magpabatid b. magparinig c. magturo d. manlibang
8. Ang pamahalaan ay nailuklok upang mapangalagaan ang kapakanan ng mamamayang
nasasakupan. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng pamahalaan batay sa estruktura nito?
a. Dapat mahalin ng pamahalaan ang mamamayang nagdurusa
b. Dapat ilaan ng pamahalaan ang kanyang panahon sa paglilingkod
c. Dapat bahala ang pamahalaan sa mamamayang nagluklok sa kanila
d. Dapat ihalal muli ang pamahalaan matapos pagsilbihan ang mamamayan
9. Piliin ang naaangkop na pamantayan sa sitwasyon: Kapag kinakausap ka ng kaibigan mo tungkol
sa mga problema niya, sinusubukan mong ilagay ang sarili mo sa sitwasyong pinagdaraanan niya
upang mas maintindihan mo siya.
a. Bisa b. Kaangkupan c. Pagkapukaw-damdamin d. Pakikibagay
10. Masasabing may kakayahang diskorsal ang isang taong nagpapayahag ng may kaisahan at
magkakaugnay.
a. Tama b. Mali

MGA SANGGUNIAN

Aklat:
Alma M. Dayag, Emily V. Marasigan, Mary Grace Del Rosario, Pinagyamang Pluma 10(K to 12), 2015
Phoenix Publishing House, Inc.

Online:
file:///D:/MELCs%20FIL%20CG%202020-2021/Fil10_LM_U2.pdf
brainly.ph/question/856130
https://quizizz.com/admin/quiz/5dc2a625b18611001b9c8889/kakayahang-diskorsal

Susi sa pagwawasto
Subukin
1. a. Dilma Rousseff 4. a. ingklitik
2. d. talumpati 5. a. paksa
3. b. sanaysay
GAWAIN 1 - 9
Ang gurong tagasubaybay sa mag-aaral ang bahalang magwasto sa mga kasagutan sa bahaging ito.
Sariling sagot ng mga mag-aaral
Tayahin
Pagwawasto
1. d. talumpati 6. a. ingklitik 10. a. Tama
2. a. katawan 7. b. magparinig
3. c. sanaysay 8. b. Dapat ilaan ng pamahalaan ang kanyang
4. a. talumpating nagbibigay kabatiran panahon sa paglilingkod
5. a. biglaang talumpati 9. c. Pagkapukaw-damdamin

You might also like