Learning Activity Sheet in All Subjcts 2 Week 1Q2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Learning Activity Sheet in Filipino 2

Ikalawang Markahan ( Unang Linggo )

Pangalan ___________________________________________

Paunang Kaalaman
Ang teksto ay mga babasahin na may ipinapahayag na ideya.
Ang hinuha ay ang palagay o hula tungkol sa kalalabasan ng pangyayari.
Mahalagang bahagi sa pag-unawa ng aralin na ito ang mga karanasan.
Sa pakikinig o pagbabasa ng teksto ay malaki ang maitutulong ng pag-uugnay nito
sa sariling kaalaman o karanasan upang higit itong maunawaan. Ugaliin ang
pagbabasa nang maayos at pakikinig nang mabuti upang mas maunawaan ang
teksto para sa mabilis na pag-uugnay nito sa iyong sariling karanasan.

Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit ang personal na karanasan sa paghinuha ng mangyayari sa
nabasa/napakinggang teksto o kuwento (F2KM-IIb-f-1.2 )
I. Basahin ang kuwento sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang
letra ng iyong sagot.
Mahusay na Kamay
Hilig ni Jowen ang gumuhit. Gumuguhit siya ng puno, tao, hayop at kung ano-ano
pang nakikita niya sa kaniyang paligid. Batid niyang magaling siya. Sa mga
paligsahan siya ay laging nangunguna. Gayunman, lagi niyang sinasanay ang
kaniyang kakayahan dahil lagi niyang naaalala ang sinasabi ng kaniyang ina, “Kung
hindi mo pauunlarin ang iyong talento ay mawawala iyan sa iyo.” Sa tuwing
naiisip niya, lalo niyang pinaghuhusay ang kaniyang ginagawa.
___1. Ano ang iba pang tawag sa pagguhit?
A. pagkulay B. pagpinta C. pag-drawing
___2. Magiging magaling kaya si Jowen sa pagguhit kung hindi siya nagsasanay?
A. opo B. hindi po C. ewan po
3. Anong katangian ang mayroon si Jowen?
A. masipag B. matiyaga C. mabait
4. Sino ang laging naaalala ni Jowen kaya pinagbubuti niya ang kaniyang
ginagawa?
A. nanay B. tatay C. lola
5. Ano ang ibig sabihin ng pamagat sa ating kuwentong “Mahusay na Kamay ?
A. magaling makipaglaban
B. magaling maglaba
C. magaling gumuhit

II.Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng
tamang
sagot.
Ang Balat ng Saging

Isang hapon ang nanay ni Bert ay bumili ng hinog na saging sa


palengke .Kumain ng saging si Bert. Matamis ang saging. Pagkatapos ay
itinapon niya ang balat ng saging sa sahig. Dumaan ang kaniyang
kapatid. Hindi niya nakita ang balat ng saging.

____1.Ano kaya ang mangyayari sa kaniyang kapatid?


a.madudulas b. matutuwa c. matatakot
_____2.Saan dapat itapon ang balat ng saging?
a. sa sulok b. sa daan c. sa basurahan
____3.Ano ang dapat gawin kapag lumalakad?
a.magmadali b.tumakbo c. Tingnan ang dinaraanan
_____4.Sino ang bumili ng saging?
a. nanay b. tatay c. Bert
______5.Saan bumili ng saging si nanay?
a. sa Palengke b. sa botika c. sa tindahan
Learning Activity Sheet in MTB 2
Ikalawang Markahan ( Unang Linggo )

Pangalan ___________________________________________________
Paunang Kaalaman
• Ang panghalip panao ay ipinapalit sa ngalan ng tao. Ang ikaw, ako, tayo,
sila, siya, kami at kayo ay mga halimbawa ng panghalip panao.
• Ako- Kapag ang tinutukoy ng taong nagsasalita ay kaniyang sarili
• Ikaw - Kapag ang tinutukoy ng taong nagsasalita ay ang isang tao
na kaniyang kausap.
• Siya - Kapag ang tinutukoy ay ang isang tao na pinag-uusapan
• Kami - Kapag ang tinutukoy ng nagsasalita ay dalawa o higit pa
kasama ang kaniyang sarili
• Kayo - Kapag tinutukoy ng nagsasalita ay dalawa o higit pang kausap

Panauhan ng Panghalip na Panao Kailanan ng Panghalip na Panao


Isahan Maramihan
Unang Panauhan ako, ko, akin kami, tayo, namin,
natin, amin, atin
Pangalawang ikaw, ka, mo, iyo kayo, ninyo, inyo
Panauhan
Pangatlong Panauhan siya, niya, kanya sila, nila, kanila

Kasanayang Pampagkatuto

1. Nakikilala at magagamit ang panghalip panao at panghalip na paari


2. Nagagamit ang panghalip panao sa pangungusap.
Gawain 1
I.Panuto. Bilugan ang tamang panghalip panao.
I.Ako at ang aking mga kaibigan ay nagbabalot ng pasalubong . Dadalaw
( ako, kami , siya ) sa mga ulila.
2.Sally ang pangalan ko.( siya, kayo, ako ) ay nasa ikalawang baitang.
3.Halika rito. ( Ako, ikaw, siya ) pala ang gumawa ng magandang
larawan.
4.Kilala ko si Anton .( Ako, ikaw siya ) ay matalinong bata.
5.Ang mga manlalaro ay pagod na pagod .Bigyan mo ( sila , kami, tayo )
ng makakain at maiinom.

Gawain 2
II.Bilugan ang panghalip paari sa pangungusap.
6. Ang bag na naiwan sa upuan ay akin.
7.Sa iyo ba ang bisikleta sa labas ng bahay?
8.Kaniya ang aklat na napulot mo kahapon.
9.Ang regalong hawak ni Carol ay atin.
10.Hiniram ni Mena ang lapis at pambura niya.
Learning Activity Sheet in ESP 2
Ikalawang Markahan ( Unang Linggo )

Pangalan ____________________________________________
Paunang Kaalaman
Kahit bata ka man, iba’t ibang tao ang maaari mong makasalamuha sa bawat araw.
Kabilang dito ang iyong kapitbahay, kamag-aral, bisita o mga bagong kakilala.
May mga wastong paraan tayong ginagawa kung paano natin pakikisamahan ang
iba’t ibang tao.
Ang batang magiliw ay kinalulugdan ng lahat Isa siyang kaibigan sapagkat siya ay
tapat.
Siya ay mapagbigay sa lahat ng tao Dapat may respeto sa lahat kahit di niya kilala
ito.
Kasanayang Pampagkatuto

1. Natutukoy ang mga katangian ng pagiging pagkamagiliwin at pagkapalakaibigan na may


pagtitiwala sa:
a. kapitbahay
b. kamag-anak
c. kamag-aral
d. panauhin/bisita
e. bagong kakilala
f. taga-ibang lugar
2. Nailalarawan ang pagiging pagkamagiliwin at pagkakapalakaibigan na may pagtitiwala;
3. Naisasagawa ang pagkamagiliwin at pagkapalakaibigan na may pagtitiwala.

Gawain 1
I. Iguhit ang bituin kung nagpapakita ng paggalang sa
kapwa at buwan kung hindi.
____1.Kinakausap ko nang maayos ang matandang nagtatanong ng direksyon.
___2.Si Roy ay nakikipag-away sa kaniyang kamag-aral.
___3.Gumagamit ng po at opo kung kinakausap ang matatanda.
___4.Nagdadabog kung inuutusan ng magulang.
___5.Nakikipagkaibigan ako sa bagong kaklase.

Gawain 2
II. Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba .Piliin ang katumbas na magagalang
na pananalita.Isulat ang letra ng tamang sagot.
__6. Binigyan ka ng kaklase mo ng pagkain. Ano ang sasabihin mo?
A. Walang anuman B. Ang kaunti C. Maraming salamat
__7. Isang umaga nakasalubong mo ang iyong kaibigan na matagal mo nang
hindi nakikita, paano mo siya babatiin?
A. Ang tagal nating hindi nagkita C. Kumusta ka na?
B. Saan ka galing?
___8. Paalis ang iyong ama, papasok na ito sa trabaho. Ano ang sasabihin mo?
A. Sige alis na po kayo B. Paalam po sa inyo C. Ingat po kayo
__9. Isang umaga bumisita ang inyong punongguro sa inyong
silid-aralan. Paano ninyo siya babatiiin?
A. Magandang Araw po C. Magandang hapon po
B. Magandang umaga po.
10. May nag-uusap na dalawang guro sa iyong dadaanan. Ano ang iyong
sasabihin?
A. Tabi nakaharang kayo B. Alis dadaan ako C. Makikiraan po.

Learning Activity Sheet in Araling Panlipunan 2


Ikalawang Markahan ( Unang Linggo )

Pangalan _________________________________________________
Paunang Kaalaman
Kasanayang Pampagkatuto

 Nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling komunidad batay sa mga


pagtatanong at pakikinig sa mga kuwento ng mga nakatatanda sa
komunidad.
Gawain 1
I. Panuto; Lagyan ng tsek / kung ito ay karaniwang batayan ng pangalan ng isang
komunidad at ekis X kung hindi.
___1. batay sa pangalan ng taong mayaman.
___2. mula sa pangalan ng halaman
___3. batay sa paborito ng nanunungkulan
___4. mula sa pangalan ng hayop
___5. ipinangalan sa isang bagay

Gawain 2
Panuto: Punan ang graphic organizer. Ilarawan mo ang iyong komunidad sa
pamamagitan nang pagbibigay ng impormasyon sa mga katanungan. Isulat
ang iyong kasagutan sa iyong sagutang papel. Konsepto:
Ang Pinagmulan ng Pangalan ng Aming Komunidad
1. Saan matatagpuan ang aming 2. Ano ang alam ko tungkol sa aming
komunidad? komunidad?

3. Paano naging makasaysayan ang aming komunidad?

III.Sagutin ng Tama o Mali.


____4. May kani-kaniyang kuwentong pinagmulan ang bawat komunidad.
___5.Dapat ingatan ang mga bantayog o instruktura sa komunidad.

Learning Activity Sheet in English 2


Quarter 2 Week 1

Name______________________________________________________
Parts of a Book
Do you love reading? I bet you do since you already know how to read especially
the basic sight words.
When is your birthday? Do you want to have a book as a gift instead of a toy?
What do you think? Hmm, I bet you love that idea.
Reading a book is fun and exciting. You will learn a lot from it. It will give you a
lot of information and will broaden your vocabulary.
But, do you know how a book is made? What are its parts? How will you use it
correctly?
Remember the uses of each part:
AUTHOR - writer of the book
ILLUSTRATOR - one who draws the illustrations
SPINE - holds the book together
TITLE PAGE - repeats information found in the front cover
COPYRIGHT PAGE - indicates the legal right of the owner
TABLE OF CONTENTS - list of topics and the pages where they can be found
INTRODUCTION - to engage the reader and get them to read the book
INSIDE PAGES - group of pages that contains the body of the book
GLOSSARY - alphabetical listing of difficult words and their meaning

Learning Competencies

 Recognize the common terms in English relating to the parts of a book


 . Identify different parts of a book and their uses

Activity 1
I. Direction ;Identify the part of the book. Write the letter of the correct answer.
_______1. It is the person who writes the book.
a. publisher b. author c. illustrator
_______2.It protects the pages of the book.
a. spine b. front cover c. index
_______3. It is the backbone of the book.
a. spine b. back cover c. index
_______4. It is the one who draws the picture.
a. publisher b. author c. illustrator
_______5. It is the name of the story.
a. table of contents b. title c. cover
Activity 2
II.Label the parts of a book. Write the correct answer in the box.

Learning Activity Sheet in Math 2


Quarter 2 Week 1

Pangalan _________________________________________________
Pagbabawas ng Bilang Nang May Pagpapangkat at Walang
Pagpapangkat

Ang Pagbabawas (Subtraction) ay isang operasyon o pamamaraan ng pagkuha ng


bilang mula sa isang mas malaking bilang. Ang Pagbabawas ay maaaring gawin
nang may pagpapangkat at walang pagpapangkat.
Kasanayang Pampagkatuto

Nakapagbabawas ng bilang na may 2-3 tambilang (digit) mula sa minuends na


hanggang 999 nang may pagpapangkat at walang pagpapangkat. (M2NS-lla-32.5)

Gawain 1
I. Pagbabawas nang walang pagpapangkat .Isulat ang tamang
sagot.
1.) 2 5 8 2.) 3 7 6 3.) 5 8 4 4.) 2 8 9 5. ) 74 8
- 3 6 - 135 -123 - 43 -21 3

Gawain 2
II.Pagbabawas nang may pagpapangkat.Isulat ang tamang sagot.
6.) 4 6 3 7.) 5 8 4 8.) 6 5 2 9.) 5 6 1 10.) 6 3 5
- 2 37 -13 9 - 346 -2 1 4 - 208

Gawain 3
III.Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B .Isulat ang letra ng tamang
sagot.
A B
____11. 6 97- 200 = a. 524
____12.579 – 1 43 b. 252
____13. 459 - 2 3 5 c. 224
____14. 3 76 – 12 4 d. 497
____15. 9 84 - 4 6 0 e. 436

Learning Activity Sheet in Music 2


Ikalawang Markahan ( Unang Linggo )

Pangalan _________________________________________________
Pag-awit nang may Wastong Tono at Pagpapamalas ng Kilos, Pagsulat at
Pagguhit Ayon sa Musika
Paunang Kaalaman
Ang melodiya o himig ng isang awit ay maaari nating awitin ng may wastong tono sa
pamamagitan ng iba’t-ibang paraan tulad ng paggaya o
pag-ulit, at pag-awit ng mga simpleng awiting pambata.
Ang himig ng isang awit ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kilos ng ibat-
ibang bahagi ng ating katawan tulad ng kamay, ulo at iba pang bahagi nito, at pagsulat o
pagguhit sa ating isip ayon sa musikang narinig.

Kasanayang Pampagkatuto
Naipapakita ang maayos na himig o melodic contour sa pamamagitan ng:
a. paggalaw (MU2ME-IIC-6)
b. pagsulat ng musika (sa papel o hangin) (MU2ME-IIC-7)
c. visual na imahe

Gawain 1
I.Panuto; Isulat ang Tama sa patlang kung tama ang isinasaad ng panungusap at
Mali kung ito’y di wasto.
_____ 1. Ang pagtaas at pagbaba ng tono ay ang dalawang direksiyon ng tunog sa
awit na maaring saliwan din ng iba‘t ibang galaw ng katawan.
_____ 2. Ang mataas at mababang tono ay maaring makikilala at maisagawa sa
pamamagitan ng pag-awit at pagtugtog lamang.
_____ 3. Rote Method ang tawag sa muling pag-awit ng awitin.
_____ 4. Body language ang tawag sa paggamit ng ating kamay at katawan sa
paglalarawan ng galaw ng himig.
_____ 5. Ang melodic contour ay ang hugis ng melody ng isang bahagi o kabuuan
ng awit na mailalarawan sa pamamagitan ng body staff, melodic line at line
notation

Gawain 2
II. Panuto ; Isulat ang letra ng tamang sagot.
A. Pag-awit sa tamang tono C. Pagsulat ng musika
B. Paggalaw kasabay ng awit D. Pagguhit tungkol sa awit

__6. __7. __8.

__9 . ___10.
Learning Activity Sheet in ARTS 2
Ikalawang Markahan ( Unang Linggo )

Pangalan ________________________________________________
Pagsasalarawan ng Balat ng Iba’t ibang Hayop
Maraming iba’t ibang hayop ang makikita natin sa ating kapaligiran. Bawat hayop
ay may kanya-kanyang katangian ng kanilang balat. Nailalarawan ang mga linya,
hugis, kulay, tekstura at disenyo ng balat ng mga ito kung pagtutuunan ng pansin
at pagmamasdang mainam.

Kasanayang Pampagkatuto

Nailalarawan ang mga linya, hugis, kulay, tekstura at disenyo na nakikita sa mga balat ng iba’t
ibang hayop at isda gamit ang mga larawan o sining-biswal. (A2EL-IIa)

Gawain 1
I.Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang kaisipan. Isulat lamang
ang titik ng tamang sagot na nasa kahon.
a. tekstura b. hugis c. larawan
d. kulay e. disenyo f. linya
____1.tuwid, pakurba at paalon-alon
____2.Sa pagguhit ng ____ ng hayop ay gumagamit ng iba’t ibang hugis, tekstura
linya at kulay .
___3. katulad ng manipis, makapal at makinis.
___4. katulad ng bilohaba, bilog at parisukat.
___5. katulad ng kayumanggi,puti at itim.

Gawain 2
II.Gumuhit ka ng isang uri ng isda. Kulayan ito nang wasto at ipakita ang tunay na
tekstura nito.
Learning Activity Sheet in P.E. 2
Ikalawang Markahan ( Unang Linggo )

Pangalan ___________________________________________________

Galaw ng Katawan
Ang katawan ng tao ay may kakayahang gumawa ng iba’t ibang galaw. Ang mga
galaw na ito ay nakatutulong sa atin araw-araw.
Ang simpleng pagtakbo mula sa isang lokasyon patungo sa isa pang lokasyon ay
isa lamang sa kakayahan na kayang gawin ng ating katawan.
Nakagagawa tayo ng iba’t ibang galaw gamit ang ating katawan. Naayon din ang
ating galaw ng katawan sa sitwasyon at sa lugar na pagsasagawaan ng galaw. Ang
mga galaw ng katawan ay maaaring:
• pagtakbo
• pagkandirit
• pag-iskape
• pagtalon
• pagpapadulas

Kasanayang Pampagkatuto

Nailalarawan ang kilos lokomotor sa direksyon, lokasyon, antas, landas at patag


na lugar. (PE2BM-IIa-b-17)

Gawain 1
I. Iguhit ang masayang mukha kapag ang pangungusap ay nagsasabi
nang tama tungkol sa pagtakbo. Malungkot kung hindi.
_____ 6. Ang pagtakbo ay nakakatulong sa maayos na pagdaloy ng dugo sa ating
katawan.
_____ 7. Ang pagtakbo ay gawaing nakalilibang bukod pa sa nakatutulong pa ito
pagpapatatag ng katawan.
_____ 8. Ang mga mata ay nakatuon kahit saang direksyon habang tumatakbo.
_____ 9. Nakadipa ang kamay habang tumatakbo.
_____ 10. Nasa tuhod ang bigat ng katawan habang ikaw ay tumatakbo

Gawain 2
I. Pagtambalin ang mga panuto at larawan sa bawat bilang.
Isulat ang letra ng tamang sagot.
1.Lumukso ng katamtamang taas .
2.Pagtakbo nang mabilis.
3.Itaas ang dalawang kamay.
4.Humakbang ng isa pakaliwa
5.kumakaway habang naglalakad.

____1. ___2. ____3.

___4. ___5.

Learning Activity Sheet in Health 2


Ikalawang Markahan ( Unang Linggo )

Pangalan _________________________________________________

Wastong Pangangalaga sa mga Organong Pandama: Mata, Tainga at Ilong

Ang ating mga organong pandama o sense organs ay may kani-kaniyang


gampanin sa ating katawan. Ang iyong mga mata halimbawa ay iyong magagamit
upang makita ang makulay na bahaghari. Nandiyan naman ang iyong mga tainga
upang marinig mo ang iba’t ibang huni ng mga hayop sa paligid. Maaamoy mo
naman at malalasahan ang napakasarap na ulam na inihanda ng iyong ina gamit
ang iyong ilong at dila. Matutukoy mo din kung ang isang bagay ay matigas o
malambot, malamig o mainit gamit ang iyong balat.

Kasanayang Pampagkatuto

1.Natutukoy ang mga karaniwang kondisyon sa kalusugan ng mga bata na may


kaugnayan sa organong pandama; at
2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng wastong pangangalaga ng mata, tainga at
ilong upang maiwasan ang karaniwang kondisyon sa kalusugan ng mga bata.
(H2PH-IIa-e-6)
Gawain 1
I. Lagyan ng tsek / kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng wastong paraan upang
maiwasan ang karaniwang kondisyon sa kalusugan na may kaugnayan sa mata, tainga at ilong.
Ekis X kung hindi.
__1. Iniiwasan ni Ben na hawakan ang mga gamit ng taong may sore eyes upang hindi siya
mahawa.
___2. Nangangati ang tainga ni Ben, Nilinis nito ito ng matulis na bagay.
___3. Nanonood si Ben malapit sa telebisyon buong maghapon.
___4. Kung maliligo ay hindi hinahayaan ni Ben na mapasukan ng tubig ang kaniyang tainga
upang hindi ito maimpeksyon at magkaroon ng sobrang earwax.
___5. Nagpapakonsulta si Ben sa doktor ng ilong nang maramdaman niya na humihina ang
kaniyang pang-amoy at barado ito.

Gawain 2
II. Iugnay ang sumusunod na mga organong pandama (sense organs) sa katambal
nitong pandama. Isulat ng titik ng tamang sagot.

___6. a.pandinig

___7. b. pandama

___8. c.pang-amoy

___9. d. panlasa

__10. e.paningin

You might also like