Mastery Test AP 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ASSUMPTION SCHOOL PASSI CITY ILOILO, INC.

Saligumba Street, Passi City, Iloilo


Government Recognition No. ER-098, s. 2014
50
MASTERY TEST

Pangalan:___________________________________________________ Asignatura: ARAL. PAN.


Baitang: 9 Seksyon: _______________________ Petsa: ___________Guro: Bb. J. Almanzor

PAGSUBOK I – PAGPILI. Piliin ang wastong kasagutan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na kahulugan ng ekonomiks kung ang pagbabatayan ay
ang konsepto ng kakapusan.
a. Ito ay ang pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng
tao sa harap ng kakapusan
b. Ito ay agham ng pag-uugali ng tao na may epekto sa kanyang rasyonal na pagdedesisyon
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ang lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pagkabuhayan.
d. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na kanilang
kinakaharap.
2. Bakit dapat matutunan ng bawat mamamayan ang ekonomiks?
a. Malaki ang ginagampanan ng ekonomiya sa pulitika ng bansa.
b. Pinahahalagahan nito ang ating kalikasan.
c. Nalalaman dito ang tamang alokasyon ng limitadong pinagkukunang yaman
d. Ito ay may kinalaman sa lahat ng dako ng daigdig.
3. Bumili sa grocery store ng palaman sa tinapay ang iyong kaibigan, subalit nang babayaran na niya ito,
mas mataas ang presyo ng lumabas sa kompyuter kaysa naka- display sa estante. Ano ang dapat
niyang gawin sa sitwasyong ito?
a. Babayaran ang halaga ayon sa lumabas sa kompyuter
b. Awayin ang cashier dahil naningil siya ng mas mahal
c. Huwag bayaran ang binili at aalis na lamang
d. Sabihin sa cashier na magkaiba ang presyo ayon sa kompyuter at naka display at labag ito sa
batas ng price tag.
4. Namili sa pamilihang bayan si Mang Tomas ng isang kilong karneng baka. Subalit ng timbangin niya
ito sa timbangang bayan ay kulang ito sa timbang. Ano ang maipapayo mo kay Mang Tomas?
a. Isumbong sa pamunuan ng palengke
b. Isauli ang binili at bumili na lamang sa iba.
c. Bumalik sa pinagbilhan sabihin na kulang ang timbang nito.
d. Hindi na muli pang bibili rito.
5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig na may kakapusan ang isang bansa?
a. Mga Pilipinong nangibang bansa upang makapagtrabaho.
b. Malaking kita mula sa pag-eksport ng mga produkto
c. Disyertong lupain na pinagkukunan ng yamang tubig
d. Pagkakaroon ng pangangailangang paglilingkod
6. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng pagkakaiba ng pangangailangan sa kagustuhan?
a. Ang mga tao ay patuloy na nabubuhay kahit wala ito.
b. Kapag ipinagkait, ito’y magdudulot ng sakit o kamatayan
c. Ito ay bunga ng layaw ng tao
d. Nagbibigay ng kaluguran sa tao.
7. Ang produktong tumataas ang antas ng pangangailangan kung tag-init gaya ng halo-halo at icecream.
Gayundin ang pagtaas ng pangangailangan sa sweater at jacket kung tag-lamig. Aling salik ng
pagkonsumo ang nakakaapekto rito?
a. Kita b. klima c. Panlasa d. Panggagaya
8. Ano ang pinakamabisang paraan upang matugunan ang pangangailangan sa pamamagitan ng
produktibong paraan?
a. Bumili ng stocks sa market bilang investment
b. Itago ang pera sa bangko upang lumago
c. Sumapi sa institusyon ng pananalapi sa bayan
d. Gumawa ng isang angkop at organisadong pansariling badget
1
9. Inaanyayahan ka ng iyong kaibigan na dumalo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan na gaganapin
sa gabi pagkatapos ng inyong klase. Gayunman,kailangan mo ring umuwi ng maaga dahil
magkakaroon ng pagsusulit ang inyong klase. Sa kabila nito, nais mo paring paunlakan ang paanyaya
ng iyong kaibigan. Ano ang pinakamabuting desisyon na iyong gawin?
a. Paunlakan ang paanyaya at matulog pagdating sa bahay.
b. Hayaan anuman ang kahihinatnan nang piniling pagpapasya.
c. Bigyang- halaga ang mas mabuting makamit mula sa pagkakataon
d. Bigyang –halaga ang kasiyahang madarama sa pagdalo
10. Lahat ng tao, mahirap o mayaman, bata o matanda, ay itinuturing ay itunuturing na mamimili
sapagkat____________.
a. Lahat ay may pera
b. Lahat ay may pangangailangan
c. Lahat ay kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo
d. Lahat ay may karapatan at pananagutan sa pamilihan.
11. Ang pangangailangan ng tao ay walang katapusan dahil_____________.
a. Iba-iba ang kailangan ng tao
b. Marami ang salaping pambili
c. Patuloy na dumarami ang tao
d. Nagbabago ang pangangailangan ng tao.
12. Dumaranas ang mga bansa sa daigdig ng suliranin sa yamang enerhiya. Isa na rito ang ating bansa
kaya ang mga tao ay pinagtitipid sa paggamit ng enerhiya sapagkat____________.
a. Walang pambili ang pamahalaan.
b. Mauubos ang pinagkukunan ng mga ito.
c. Nag-aagawan ang mga bansa sa pagkuha nito.
d. Nagrereklamo ang mga tao sa pagtaas ng presyo.
13. Ang ekonomiks ay pinag-aaralan ng mga mag-aaral sapagkat__________.
a. Bahagi ito ng kurikulum
b. Gusto nilang maging ekonomista
c. Kailangan nila ito sa buhay
d. Ibig nilang maunawaan ang mga pangyayari sa buong bansa.
14. Tataas na naman ang singil sa kuryente ngayong bagong taon ayon sa Meralco. Ito ay bunsod ng
dagdag presyo sa petrolyo na ginagamit at iba pang mga salik na ginagamit sa pagpoprodyus nito. Alin
sa sumusunod ang wastong pagpapakita ng lubusang paggamit ng limitadong yaman upang
matugunan ang mga pangangailangan ng tao?
a. Pagtitipid ng kuryente tuwing ginagamit
b. Linangin ang iba pang mga likas na yaman
c. Magbalangkas ng mga solusyon sa kakapusan
d. Makibahagi sa mga adbokasiya para sa alternatibong enerhiya.
15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng konsepto ng Alokasyon?
a. Paggamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang ating pangangailangan at
magkaroon ng kasiyahan.
b. Paglikha ng produkto upang matugunan ang pangangailangan ng bansa.
c. Pagtatakda ng dami ng pinagkukunang yaman para matugunan ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
d. Ito ay isang gawain ng pagbubuo, pagbibili o pagbebenta, o pagkakaloob ng serbisyo kapalit ng
salapi.
PAGSUBOK II A :Tukuyin kung anong uri ng sistemang pang- ekonomiya ang tinutukoy sa bawat bilang sa
ibaba. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

Tradisyunal Market
Command Mixed Economy
___________1. Ang pagbuo ng desisyon ay nasa kamay ng pamahalaan o isang makapangyarihang pinuno o
partido political.
___________2. Ang pagbuo ng desisyon nasa kamay ng mamimili o mga puwersa ng pamilihan.
___________3. Nakabatay sa nakagawian o paniniwala.
___________4. Mabilis na pagpapasiya ng pamahalaan.
___________5. Base sa katanggap-tanggap na nakagawian; barter o pagpapalitan ng kalakal.
___________6. Isinasaalang-alang ang kapakanan ng estado.
2
___________7. Ang pagpepresyo ay base sa hirap o pagiging komplikado ng paggawa sa isang produkto at
base sa pangangailangan.
___________8. Ang pagmamay-ari ng pinagkukunang- yaman ay nasa kamay ng pribadong sector.
___________9. Sarado sa mga pagbabago.
___________10. Ang pamamaraan ng produksiyon ay sa pamamagitan ng kahit anong maaring magpalaki ng
kita o produksiyon.
___________11.Ang presyo ay itinakda ng pamahalaan.
___________12. Kalayaang pang ekonomiya,kalayaan sa pamimili at pagnenegosyo.
___________13.Balanse ang pagkontrol at kalayaan ng pamahalaan at mamamayan.
___________14.Nasa kamay ng nakakatanda o tagapagtaguyod ng pamilya ang pagbuo ng desisyon.
___________15. Base sa ugnayan ng supply at demand ng mga produkto.
PAGSUBOK II B :Tukuyin kung anong katangian ng pagiging isang matalinong mamimili ang dapat pairalin sa
mga sumusunod na sitwasyon. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
__________________1. Sa pagbili mo ng gamot sa isang botika, tiningnan mo ang pabalat nito kasama ang
expiration date.
__________________2. In just 7 days puputi agad ang balat mo.Ito ang sabi ng paborito mong artista sa tv
commercial ng lotion, subalit pinili mo pa ring tangkilikin ang subok mo nang produkto
__________________3. Sa kabila ng nakaambang pagtaas ng presyo ng bigas sa pamilihan, pinili pa rin ng
mga magulang mo na hindi bumili ng maramihan.
__________________4. Inutusan ka ng ina mo at dala-dala mo ang listahan sa pamimili ng grocery ng mga
bagay na kakailanganin sa araw-araw ngunit may nakita kang buy 1 take 1 na blouse
na gustong-gusto mo pero hindi mo ito binili.
__________________5. Sadyang binili ang isang pares ng sapatos na may tatak na 20% discount dahil nasira
na ang sapatos mong pang-eskwela.

PAGSUBOK III: Tama o Mali. Isulat ang Titik T kung ang pahayag ay tama at kung mali, palitan ang
salitang may salungguhit para maging tama ang pahayag.

_________1. Ang espesyalisasyon ni Adam Smith ay paghahati ng mga gawain sa produksiyon ayon sa
kapasidad at kakayahan sa paggawa.
_________2. Ang pagpili ng tao sa isang bagay ay naaayon sa halaga ng produkto at serbisyo.
_________3. Ang law of variety ay tumutukoy sa pagkonsumo ng mga produktong magkakomplementaryo.
_________4. May magandang dahilan ang bawat tao sa ginagawang pagpili.
_________5. Hypothesis ito ay ang maaaring kasagutan o paliwanag sa natukoy na mga suliraning pang-
ekonomiya.
_________6. Malaking porsiyento ng kita ng tao ay nakalaan sa pangunahing pangangailangan.
_________7. Ang pagpapakita ng dami ng tao na tumatangkilik sa isang produkto ay tinatawag na
testimonial.
_________8. Ang pagtukoy sa suliranin ay ang unang hakbang sa pagsasagawa ng siyentipikong
pamamaraan (scientific method)
_________9. Ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng mga suliraning pang-ekonomiya ay ang
kakapusan.
_________10. Ang pinagkukunang yaman ay tumutukoy sa anumang bagay na ginagamit upang
matugunan ang pangangailangan ng tao.
_________11. Ang law of diminishing marginal utility ay batas sa pagkonsumo na nagsasaad na unti-
unting bumababa ang karagdagang kasiyahan na nakukuha sa pagkonsumo.
_________12.Presyo ang kadalasang unang inaalam ng tao kung gustong bilhin ang produkto o serbisyo.
_________13.Ang tuwirang pagkonsumo, ay tumutukoy sa paggamit ng produkto o serbisyo upang
makabuo ng pinal na produktong magagamit upang tugunan ang isang kagustuhan.
_________14.Si Karl Marx ay tinaguriang Ama ng Komunismo.
_________15.Ang alokasyon ay tumutukoy sa paggamit ng mga konsyumer ng mga produkto at serbisyo
upang matugunan ang kanilang mga kagustuhan.

3
4

You might also like