Professional Documents
Culture Documents
By The Way Its Now Jack Daryl Frost
By The Way Its Now Jack Daryl Frost
By The Way Its Now Jack Daryl Frost
***
Yaaay! Finally chapter 1 is out! So how was it? Please leave a comment <3
Thank you so much po sa lahat ng matytyagang nag-antay ng book 2 although hindi
naman talaga kayo matyaga kasi kinukulit nyo ko hahaha! Ayan, nagsawa na ko sa
kakakulit niyo pinost ko na finally. Ngayon naman sa update nyo naman ako
bobombahin ng message hahaha! But that's okay since it's a proof na madaming may
gusto sa story ko :)
Shoutout nga pala sa mga silent reader dyan na hindi na daw silent reader dahil sa
akin. I appreciate it, really! Thank you sa pagiging active!
Sa mga wala pang copy ng book version, please suportahan nyo naman po ako haha!
Available pa po ang book sa bookstores. 175php lang po. Malapit na rin marelease
ang volume 2. Target date release is this November daw eh kaya simulan na po natin
mag-ipon. :D
Dun nga pala sa mga gusto ng batch 2 ng BTWHNIJF shirt, baka gumawa ako ng batch 2
this november kaya abangan nyo na lang announcement ko sa group. Sali kayo search
nyo lang "Mimhytot's Galaxy"
Lastly, sa mga may twitter dyan, if ever magtwetweet kayo, please include the
hashtags #BTWINJDF #BTWItsNowJackDarylFrost para makita ko tweets nyo or just tag
me @mimhytotwp
Thank you! Thank you! Thank you! <3
P.s.
Karraminah Del Rosario as Eleanor. It was supposed to be Georgina Wilson but I
changed my mind. I always change my mind so masanay na kayo please haha
- Mims
Nanatili akong pinapanuod ang likuran ni Jack habang patuloy siya sa paghakbang
papalayo sa akin. Nakita ko siyang nakipagsiksikan sa mga taong nagsasayawan sa
gitna ng bar at mukhang papunta siya kay Eleanor. Tiningnan ko si Eleanor at
napakunot ang noo ko nang makita siyang nakapulupot sa isang lalaki at marahas na
nakikipaghalikan dito. Ibigsabihin ba nito ay hindi nga sila magkarelasyon ni Jack?
Naramdaman kong may nagba-vibrate sa bulsa ng uniporme ko at saka ko lang naalala
ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha sa bulsa ko at pagkakuha ko ay tumigil na
ito sa pagvibrate. Muntik nang lumuwa ang mata ko nang makitang may 264 missed
calls na pala ako galing kay Storm.
Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Jack na ngayon ay nakalapit na nang tuluyang
kay Eleanor. Nag-uusap silang dalawa at kita ko sa itsura ni Eleanor na para bang
naiinis ito dahil naudlot ang pakikipaghalikan niya sa lalaki nang lumapit sa kanya
si Jack. Kaagad naman akong kinabahan nang biglang tumingin sa akin si Eleanor.
Nakatingin siya sa akin habang may sinasabi siya kay Jack. Ano naman kaya iyon? Ako
kaya ang pinag-uusapan nila?
Napabalik ang tingin ko sa cellphone ko nang muli itong magvibrate. Nakita kong si
Storm ulit ang tumatawag kaya mabilis ko na itong sinagot.
"My God, Summer! Bakit ngayon mo lang sinagot?" bungad ni Storm.
"I'm sorry." Tanging nasagot ko sa kanya. I'm sorry dahil nawala ka sa isip ko
ngayong kasama ko si Jack.
"Where the hell are you? Kanina pa ako dito sa office at ang sabi nila sa akin ay
hindi ka naman daw nagpunta dito."
"Nasa bar ako."
"What?! Anong ginagawa mo sa bar?! Sa pagkakatanda ko dito kita sa office hinatid
at hindi sa bar."
Napabuntong hininga ako. "Kasama ko si Jack."
Kaagad na natahimik siya sa kabilang linya. Ibigsabihin ba ay hindi niya alam na si
Jack ang magiging pasyente ko? Talaga bang co-incidence lang 'to?
"Storm?" tawag ko sa kanya nang ilang sandali na ang nakalipas at hindi pa rin siya
nagsasalita.
"Nakakatawa. Inihanda ko naman ang sarili ko pero bakit masakit pa rin na marinig
na magkasama kayo?" saad niya.
"Wait... you knew?" gulat na tanong ko.
"I'm sorry kung hindi ko sinabi."
Napahawak ako sa ulo ko. "How could you do this to me, Storm? Akala ko ba ay
bestfriend kita?"
Matagal bago ulit siya nagsalita. "I'm so sorry, Summer," saad niya. "Gusto ko lang
bumawi sa'yo dahil sa hindi ko pagsasabi na nakabalik na si Jack. Hindi ba't ito
naman talaga ang gusto mo? Ang makausap siyang muli? Tanging ang pakay ko lang ay
ang pag-usapin ulit kayong dalawa. It's all up to you if you're going to accept the
job."
Natahimik ako sa sinabi niya. Tama siya, hindi ba't ito naman ang gusto ko? Pero
ngayong nakita at nakausap ko na ulit si Jack, mas lalo pang nadagdagan ang sakit
na nararamdaman ko.
Alam ko naman na matagal na na wala na talagang pakialam sa akin si Jack. Pero
bakit hinayaan ko pa rin ang sarili ko na maghintay ng walong taon? At ngayon na
dumating na ang araw na hinintay ko, ang sakit lang dahil ang katotohanan na
matagal ko nang itinatanggi sa sarili ko ay isinampal na sa mukha ko ngayon. Pero
bakit ganito? Bakit hindi pa rin ako magising-gising?
Tiningnan ko si Jack at nakita kong nag-uusap pa rin sila ni Eleanor. Mukhang
seryoso ang pinag-uusapan nila at nagtatalo silang dalawa? Dahil ba sa
nakipaghalikan si Eleanor sa public? Nakita kong tumalikod si Eleanor kay Jack at
mukhang magwa-walkout ito pero kaagad na hinablot ni Jack ang braso niya upang
pigilan sa pag-alis. Galit na humarap sa kanya si Eleanor pero kaagad na nawasak
ang puso ko nang ang sunod na ginawa ni Jack ay hinatak siya papalapit at inangkin
ang mga labi niya.
"But Summer..." narinig kong nagsalita muli si Storm sa kabilang linya. "I really
wish you would not accept the job."
***
Natigilan si Eleanor sa pakikipaghalikan sa isang lalaki na kakakilala pa lang niya
sa bar nang marahas siyang hinatak ni Jack. Galit niyang tiningnan ang binata
habang ito naman ay malamig na nakatingin lang sa kanya. Napangiti siya ng pilya
nang mukhang nagtagumpay siya sa planong pambubwisit dito.
Ibinalik niya ang tingin niya sa lalaking kahalikan niya kanina. "Thanks for that
silly kiss, handsome. Kaso too bad, mukhang nagselos ang boyfriend ko." Saad niya
rito at saka kinindatan.
"What?! You have a boyfriend?!" galit na tanong ng lalaki. Inis na lang itong napa-
iling bago galit at disappointed na naglakad palayo.
Nang makaalis na ang lalaki ay muling ibinalik ni Eleanor ang tingin niya kay Jack.
"Stop kissing every strangers you meet at the bar for Christ's sake, Eleanor."
Malamig na saad ni Jack sa kanya.
Nagkibit balikat lang ang dalaga at binalewala ang sinabi niya. "So, tapos na ba
kayong mag-usap ng ex-girlfriend mo?" pilyang tanong niya kay Jack.
"She's not my ex." Mabilis na sagot ni Jack.
"Ah, right! She rejected you...several times." Mapang-asar na saad ng dalaga.
Inis na iniwas ni Jack ang tingin niya.
"Tama ako, hindi ba? Siya ang babaeng iyon." Tumingin siya kung saan nakapwesto ang
table nila at tiningnan ang inosenteng babaeng iniwan mag-isa ni Jack doon. "I will
never forget her name...and her face." saad niya habang nakatingin sa dalaga.
Galit na ibinalik ni Jack ang tingin kay Eleanor. "Stop it," pigil niya sa dalaga.
"Mas maganda pala siya sa personal." Dagdag pa rin ni Eleanor habang may
nakakalokong ngiti ang nakaguhit sa labi niya. "But don't get me wrong. I'm not
saying na panget ang pagkaka-sketch mo sa kanya." She laughed.
Napabuntong hininga na lang si Jack at napa-iling. "Stop meddling with my personal
life, Eleanor." Halatang galit nang saad ni Jack.
"Hindi pa ba ako parte ng personal life na tinutukoy mo, Daryl?"
Malamig lang siyang tiningnan ni Jack. "You're just merely a business to me,
Eleanor. Now if you can't accept that fact, you can just simply call off the
engagement."
Natawa ang dalaga sa sinabi niya at napa-iling. "You still don't get it, do you?
Ang mga katulad ng pamilya mo ang pinakamababang uri ng tao sa pangingin ko, Daryl.
Mga pamilyang ginagamit ang marriage para mapalawak ang connections nila."
Iniwas ni Jack ang tingin niya nang marinig ang sinabi ni Eleanor.
"So I will never give you what you want, Daryl. I will never give you the freedom
to marry the girl you truly want to spend the rest of your life with. Habambuhay
kitang itatali. At habambuhay kang magsisisi sa pagpasok mo sa buhay ko."
Pagkatapos bitiwan ni Eleanor ang mga salitang iyon ay agad niyang tinalikuran si
Jack at balak na sanang umalis pero hindi na niya natuloy nang marahas siyang
hinablot ng binata at hinarap siya sa direksyon nito.
"Then let's fall for each other instead." Saad ni Jack at agad na inangkin ang mga
labi niya.
***
[SUMMER]
Huminga ako ng malalim nang dumating na ang elevator sa floor kung nasaan ang
office ni Jack. Inihanda ko ang sarili ko at muling tiningnan ang sobre na hawak-
hawak ko kung saan nakapaloob ang resignation letter na ginawa ko kaagad kagabi
pagkahatid sa akin ni Storm sa bahay mula sa bar. Oo, mahal ko si Jack at nagawa
kong hintayin siya sa loob ng walong taon pero hindi sapat na dahilan iyon para
gawin kong masokista ang sarili ko.
Lumabas na ako ng elevator at agad na dumiretso sa may receiving counter. Ngumiti
sa akin ang secretary na nakaupo doon pagkalapit ko.
"May I help you?" tanong niya.
"Uh, I'm here for Mr. Jack Daryl Frost." Sagot ko.
Unti-unting kumunot ang noo niya. "I'm sorry but do you have any appointments with
the president today?" tanong niya.
"Uhm wala eh pero I'm his private nurse."
Sasagot na sana ulit siya sa akin pero may biglang sumingit sa amin.
"Mr. Frost is not here today."
Kaagad akong lumingon sa lugar kung saan nanggaling ang pamilyar na boses na
sumingit sa amin at mabilis na bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Mr.
Morgan.
"Mr. Morgan!" halos sumigaw na ako nang banggitin ko ang pangalan niya.
"Miss Summer Pascua," nakangiting sagot niya.
Lumapit siya sa akin at saka nagbow. Halata naman sa itsura nung secretary ang
gulat dahil nagbow siya sa akin. Masyado naman kasing formal itong si Mr. Morgan
kahit kailan!
"Namiss ko po kayo!" punong puno ng galak na tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon ay
nagtratrabaho pa rin pala siya para kay Jack. Napakaloyal niyang tao. Wala pa ring
pagbabago ang palangiti niyang mukha pero mapapansin mo na mas dumami na ang puting
buhok niya ngayon.
"Maging ako ay namiss ka. Isa kana palang nurse ngayon. Napakagandang balita."
Nakangiting saad niya.
"Oo nga po eh. Sinong mag-aakala? He-he."
"At ngayon ay ikaw pa pala ang magiging nurse ni Mr. Frost. Mapapanatag na ang loob
ko dahil alam kong mapagkakatiwalaan ang taong bukod sa akin ay kinakailangang
parating laging nasa tabi ng Ginoo."
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Paano ko sasabihin sa kanya na sa unang
araw ko dapat bilang nurse ni Jack ay magreresign na ako? Ayokong sirain ang
masayang atmosphere sa pagitan namin.
"Ah, halika't sumabay kana sa akin. Isasabay na kita sa Mansion." Biglang saad
niya.
"P-Po?" gulat na tanong ko.
"Masama ang pakiramdam ngayon ni Mr. Frost kung kaya't wala siya ngayon sa
opisina."
Masama ang pakiramdam ni Jack?
Bagamat ayoko naman talagang sumama kay Mr. Morgan sa Mansion ng mga Frost ay
napilitan na rin akong sumama dahil gusto ko ring makita ang kalagayan ni Jack.
"Sa palagay ko ay na-over fatigue ang Ginoo kaya hindi siya nakabangon ngayon para
pumasok sa opisina." Saad ni Mr. Morgan habang naglalakad kami papasok sa Mansion.
"Hanggang ngayon ba ay ayaw niya pa rin niya sa hospital?" Tanong ko.
Ngumiti siya sa akin bago tumango. "Sinubukan din namin noon na kuhaan siya ng
private doctor dahil madalas ang pagkakasakit niya noong nasa States siya pero ayaw
niya."
"Eh bakit po ngayon? Bakit kumuha siya ng private nurse?"
Bigla na lang pilyong napangiti si Mr. Morgan. "Marahil ay dahil ikaw ang magiging
private nurse niya."
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Oh, please. Huwag mo naman akong
paasahin, Mr. Morgan. Pero bakit ganito? Ramdam na ramdam ko na nagwawala ang buong
sistema ko dahil sa sinabi niya. Part of me wishes that what he said was true.
"Mr. Frost doesn't wait for late comers. Kilala mo naman siguro ang pagkatao niya.
Masyado siyang mainipin. Kahit isang minuto lang nalalate ang mga kameet niya ay
umaalis na kaagad siya. Pero kagabi, he waited for you for more than one hour."
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Dahil tuloy sa pagtigil ko sa
pagsunod sa kanya ay napahinto rin siya. Humarap siya sa akin at saka ngumiti.
"Espesyal ka pa rin sa kanya, Miss Pascua." Biglang saad niya.
Bumilis ng husto ang tibok ng puso ko. Hindi ko magawang sumagot.
"Sa susunod na pinto ang silid niya. Hindi na kita mahahatid pa sa mismong kwarto
niya. Isusunod ko na lang sa kwarto niya ang meryenda."
"A-Ah sige po." Tanging naisagot ko.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng sandali at agad na siyang umalis sa harapan ko.
Ramdam na ramdam ko naman ang kaba dahil magkakaharap nanaman kami ni Jack.
Nakakatawa. Noon ay hindi naman ako kinakabahan sa tuwing nagkikita kami.
Doon pa rin ang kwarto niya kung saan kami nagpunta noon ni Storm. Naka-ilang katok
na ako sa pintuan pero hindi pa rin niya ako pinagbubuksan. Nang subukan kong
ipihit ang doorknob niya ay nakabukas pala ito.
Sumilip muna ako sa may pintuan bago tuluyang pumasok sa loob. Nakita ko siyang
mahimbing na natutulog sa kama niya kaya dahan-dahan at sinugurado kong wala akong
magagawang ingay sa pagpasok.
Tahimik akong lumapit sa kanya. Napangiti ako nang makitang mukha pa rin talaga
siyang anghel sa tuwing nakapikit siya at mahimbing na natutulog. Kung na-over
fatigue siya ay pahinga lang talaga ang kailangan niya.
Tinitigan kong maigi ang mukha niya. Naalala ko tuloy ang parati niyang sinasabi
noon sa tuwing pinapanuod ko siyang matulog. 'It's rude to watch someone sleep.'
Namalayan ko na lang ang sarili kong nakangiti. Napakarami niyang magagandang ala-
ala na iniwan sa akin. Namuhay ako sa mga ala-alang iyon sa loob ng walong taon.
Walang araw at gabi na hindi ko hinahanap ang presensya niya. Walang araw at gabi
na hindi ko namimiss ang boses niya.
Iniangat ko ang kamay ko at hinaplos ang makinis niyang pisngi. Nagulat na lang ako
nang halos mapaso ako dahil sa init niya. Nilalagnat pala siya!
Kaagad akong lumapit sa aircon niya at hinanaan ito. Inayos ko rin ang pagkakabalot
ng kumot sa katawan niya. Ayokong galawin ang gamit niya kung kaya ang panyo ko na
lang ang binasa ko at nilagay sa noo niya para makatulong sa pagbaba ng temperatura
ng katawan niya.
Kahit na nalagyan ko na ng basang panyo ang noo niya ay hindi pa rin siya nagising.
Mukhang napakasama talaga ng pakiramdam niya.
Naupo ako sa sahig at muling pinanuod siyang matulog. Kung hindi siya nagpapadala
sa hospital at hindi siya kumuha ng private doctor, ibigsabihin ay sa loob ng
walong taon ay walang nag-aalaga sa kanya sa tuwing may sakit siya? Nakaramdam ako
ng kirot sa dibdib ng inimagine ko ang itsura niya habang nahihirapan siya tuwing
may sakit at walang nandyan para alagaan siya.
"Why are you so stubborn?" bulong ko.
Napatingin ako sa labi niya at kaagad na bumalik sa ala-ala ko ang ginawa niyang
paghalik kay Eleanor kagabi. Nakaramdam ulit ako ng kirot sa dibdib ko.
Gusto ko mang mag-stay sa tabi niya at alagaan siya sa tuwing magkakasakit siya
pero hindi ko iyon magagawa dahil hindi ko siya kayang panuorin na may ibang
minamahal. Mas mabuti na siguro na nagkita ulit kami at nasampal ko na sa sarili ko
na ang Jack Frost na minahal ko ay matagal nang wala at nakamove on na para na rin
matulungan ko ang sarili ko na magmove on na rin.
Kinuha ko ang bag ko at nilabas doon ang resignation letter na inihanda ko.
Ipapatong ko na sana iyon sa mesa sa tabi ng kama niya pero saglit akong napahinto
nang makita ang isang lagayan ng gamot. Kinuha ko ito at nakitang sleeping pills
ang laman. Ibigsabihin, totoo ngang hirap siyang matulog.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya at doon ko lang napansin ang pangingitim ng ilalim
ng mga mata niya. Mukhang masyado siyang nahihirapan sa pamamalakad sa kumpanya
nila.
Napabuntong hininga na lang ako at tuluyan nang inilapag sa mesa niya ang
resignation letter ko.
"I wish I could really stay by your side to take care of you. I'm sorry, Jack."
Dahan-dahan akong tumayo at nagsimula nang maglakad patungo sa pintuan. Hahawakan
ko na sana ang doorknob upang tuluyan nang makalabas ng kwarto niya pero natigilan
ako nang bigla siyang nagsalita.
"Talaga bang hanggang ngayon ay ganito mo lang ako kabilis sukuan, Summer?"
****
Get well soon Jack! Pati ako. Haha! May sakit din ako. Sa utak pati sa puso. Char!
May ubo't sipon ako huhu bakeeet? Anyway, sana naenjoy nyo yung update! Sorry late.
Balak ko talaga every monday maguupdate ako eh kaso nagkasakit naman ako.
SOBRANG SALAMAT PO SA MAINIT NA PAGSALUBONG SA CHAPTER 1! Di ko inakala na may
maiiyak sa inyo sa chapter 1 hahaha! Salamat din dun sa mga nagcocomment na first
time daw nila magcomment ever. Nakakaflatter kayo. Pero syempre mas salamat doon sa
mga dati pang maiingay at patuloy pa rin na nag-iingay!!! Wooooh! You guys rock!
Love na love ko kayo!
Btw guys, may sasabihin ako sa inyo. Pero hindi ko muna sasabihin ngayon. Baka next
week pa. Sana masuportahan nyo ko sa gagawin ko. Sobrang laki ng risk na gagawin
ko. Sana di ako magkamali. Pagod na ko gumawa ng mga desisyon na parating mali at
pinagsisisihan ko kaya sana talaga masuportahan nyo ko para hindi ko pagsisihan.
Kaiyak haha!
Oh sya, dont forget to put a hashtag #BTWINJDF sa tweets nyo ha? O kaya tag nyo ko
@mimhytotwp para makita ko hihi. Salamat!
Spread love not hate~
- Mims
l
Natigilan ako sa pag-alis nang marinig siyang magsalita. Dahan-dahan akong muling
humarap sa kanya at nakita ko siyang nakaupo na habang hawak-hawak ang sobre na
naglalaman ng resignation paper ko.
"Am I right? In this envelope is your resignation letter."
Itinungo niya ang ulo niya at tiningnan ako sa mga mata.
"But I hope it's not." Diretsong sabi niya habang seryosong nakatitig sa mga mata
ko.
Hindi ko nagawang umimik at nanatiling nakapako sa aking kinatatayuan.
Napabuntong hininga siya bago ibinalik ang envelope sa lamesa kung saan ko iniwan
ito. Umayos siya ng upo at sumandal sa headboard ng higaan niya.
"Don't leave me alone." Saad niya habang seryoso pa ring nakatitig sa akin.
Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko. Anong ibig niyang sabihin?
"Even just for today." Dagdag pa niya.
Kahit na gusto kong magsalita ay hindi ko magawa dahil hindi ko alam ang sasabihin
ko.
Sabay kaming napatingin sa mesa niya nang maingay na tumunog ang alarm clock niya.
Mabilis niya itong pinatay bago siya dahan dahang bumangon.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at pinanuod siyang pumunta sa malawak na
mesa sa may gilid ng kwarto niya at inayos ang mga papel na naroon.
"I have something to visit today. Will you come with me?" Tanong niya habang
patuloy niyang inaayos ang mga papeles niya.
"M-May pupuntahan ka?" Finally ay nakapagsalita na rin ako.
Itinigil niya ang ginagawa niya at saka humarap sa akin. Tiningnan ko ang namumutla
niyang mukha.
"But you're not feeling well." Pahabol ko pa.
"That's why I'm asking you to come with me."
Natulala ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Bakit pakiramdam ko ay ibang tao
ang kaharap ko ngayon? Nagdedeliryo na ba siya?
Tinitigan kong maigi ang mukha niya. Halatang pagod na pagod siya at hindi pa
nakakapagpahinga ng maigi.
"Importante ba ang pupuntahan mo? Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na lang? Sa
tingin ko ay kailangan mo pa ng pahinga."
Napabuntong hininga siya. "I can't miss it."
Napabuntong hininga ako. Hindi ko siya maaring hayaang umalis mag-isa na nakikita
kong ganito ang lagay niya.
"Fine. Sasamahan kita."
Ngumiti siya at hindi na muling sumagot pa. Tinapos na niya ang pag-aayos ng mga
papeles sa mesa niya at saka dumiretso na sa banyo. Ilang minuto akong nanatiling
nakatayo lang sa may pintuan at hinintay ang pagbabalik niya.
Paglabas niya sa banyo niya ay nakabihis na siya. Pero hindi siya nakasuot ng itim
na suit. Imbes ay naka-itim na long sleeve lang siya. Ibigsabihin ay hindi kami sa
isang meeting pupunta.
Walang salitang nilagpasan niya ako at naunang lumabas ng silid niya. Sinundan ko
naman ng tingin ang likuran niya. Anong nangyare? Bakit biglang naging malamig
nanaman siya?
Sumunod na lang ako at nang nasa may hagdanan na kami ay kaagad siyang sinalubong
ni Morgan.
"Mr. Frost, huwag mong sabihing tutuloy pa rin kayo ngayon?" Salubong ni Morgan sa
kanya.
"Prepare the car." Tanging malamig na sagot ni Jack at saka dire-diretso lang sa
paglalakad patungo sa pintuan ng Mansion.
Halata naman sa itsura ni Morgan na nagdadalawang isip siya pero wala siyang magawa
kaya mabilis siyang lumabas ng Mansion upang kunin ang sasakyan.
Sumunod ako kay Jack sa may pintuan at tumayo sa tabi niya habang hinihintay si
Morgan. Nang makita niyang paparating na ang itim na kotse na pinapatakbo ni Morgan
ay lumapit siya kaagad dito.
Nauna na siyang sumakay sa loob habang ako naman ay nagdadalawang isip pa kung
sasakay na rin ba. Ngayon kung kumilos siya ay parang hindi niya ako kasama.
Nakakainis. Eh ano pala yung pinakita at mga pinagsasabi niya kanina?
Nakita kong bumaba ang bintana ng sasakyan pero hindi siya dumungaw doon.
"Aren't you coming?" Narinig kong tanong niya.
Inis akong napabuntong hininga at saka lumapit sa sasakyan. Hindi tulad noon ay isa
na lang private nurse ang papel ko sa buhay niya kaya hindi ako maaring maupo sa
tabi niya. Kaya naman ang binuksan kong pintuan ng sasakyan ay doon sa tabi ng
driver.
Pagkasakay ko ay hindi pa rin pinapaandar ni Morgan ang sasakyan kaya napatingin
ako sa kanya. Tiningnan lang din naman niya ako at tila may hinihintay pa siya.
"Why are you sitting there?"
Napatingin ako kay Jack na nakaupo sa likuran namin. Nakayuko lang siya at nakatuon
ang atensyon sa newspaper na hawak-hawak niya at hindi ako tinitingnan.
"Bakit? Hindi ba't dapat ay dito ang pwesto ko?"
Tila galit siyang napabuntong hininga at saka dahan-dahang iniangat ang tingin niya
sa akin.
"Your place is here." Seryosong saad niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Right
here. Beside me."
Muling kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin ako kay Morgan at
tinanguan niya ako.
Nahihiya naman akong kaagad na lumabas ng sasakyan at lumipat sa tabi ni Jack.
Pagkasakay ko sa tabi niya ay bigla na lang akong nakaramdam ng awkwardness.
Tiningnan ko siya at nakabalik na ang atensyon niya sa newspaper at hindi na ako
muling tiningnan.
Nagsimula na si Morgan magdrive at tahimik lang kaming tatlo sa buong byahe. Heto
na ata ang pinakahinding hindi ko malilimutan na byahe sa buong buhay ko. Masyado
akong kinakabahan at daig ko pa ang tinatawag ng kalikasan dahil pakiramdam ko ay
pinagpapawisan ako ng matindi.
Napatingin ako kay Jack nang galit niyang isinara ang newspaper na binabasa niya.
Tiningnan niya ako ng masama at saka nagtanong. "Do I make you feel uncomfortable?"
Kaagad na bumalik sa ala-ala ko ang mga panahon na tinanong niya rin sa akin ang
mga bagay na iyon.
"Do I make you feel uncomfortable?"
"Gangster, you don't make me feel uncomfortable. You frustrate me. All the time. I
hope you knew that."
"Oh, the feeling is mutual then."
Bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko nang maalala ang usapan naming
iyon. Iniwas ko na lang ang tingin ko at tumingin na lang sa labas.
Halos isang oras din kaming hindi nag-uusap sa sasakyan bago tuluyang ihinto ni
Morgan ang sasakyan sa tapat ng isang rehabilitation center.
Napatingin ako sa tabi ko nang magsimula nang kumilos si Jack at bumaba ng
sasakyan. Napatingin ako kay Morgan habang suot-suot ang nagtatakang ekspresyon.
Anong gagawin namin sa isang rehabilitation center? Nagpaparehab ba si Jack?
Hindi ako inimikan ni Morgan kahit na alam niyang may katanungan ako sa aking
isipan. Ibigsabihin ba noon ay tama ang nasa isip ko?
Bumaba na lang din ako ng sasakyan at agad na sinundan si Jack na hindi na ako
hinintay pang makababa. Nang maabutan ko siya ay nasa may bukana na kami ng
rehabilitation center.
Napatingin ako sa mga taong nagmamadaling lumapit sa amin mula sa loob nang makita
kami.
"Mr. Frost, maligayang pagdating." Bati ng isa sa mga ito.
"Pardon my tardiness." Tanging sagot lang ni Jack.
Ibinalik ng bumati ang tingin sa kanya. "Teka, ayos lang po ba kayo? Hindi maganda
ang kulay ng mukha niyo." Puna nito.
"I'm fine," sagot ni Jack at saka sandali akong pinasadahan ng tingin. "I have
someone who'd take care of me." Saad niya at saka nagsimulang maglakad papasok sa
loob.
Ano ba ito? Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Wake up,
Summer! Huwag kang magpalinlang. Alalahanin mong hinalikan niya si Eleanor kagabi
kahit alam niyang makikita mo iyon. Lahat ng lumalabas sa bibig niya ay pawang pag-
papaasa lang. Teka, hindi kaya gumaganti siya sa akin dahil sa mga pantataboy na
ginawa ko noon?
Sumunod na lang ako sa kanila papasok. Teka, anong klaseng rehabilitation center
nga pala 'to? Para ba 'to sa mga nastroke? O para sa mga may addiction? Naging adik
ba si Jack? Ugh. Ano ba itong mga pinag-iisip ko?!
Pumasok kami sa isang pintuan at akala ko ay silid ang papasukan namin pero nagulat
ako nang tila nasa isa kaming balcony. Dumungaw sila sa baba kaya dumungaw rin ako.
"Kakasimula pa lang nila." Ika ng isa sa mga kasama namin.
Sa baba namin ay may mga taong nakaupo ng pabilog habang may isang tao ang nakaupo
sa gitna nila. Mukhang hindi ito ang rehab na iniisip ko dahil base sa nakikita ko,
mukhang ang lugar na ito ay para sa mga nakaranas ng depression o iyong mga taong
nakaranas ng traumatic events.
"I was grade 4 nung nag-start sila sa pambubully sa akin. Noong una sinubukan kong
lumaban pero mas lalo lang akong nabully," kwento ng babaeng nakaupo sa gitna.
Halos teenagers ang karamihan sa kanila at mukhang mga highschool students.
Exactly, what are we doing here?
Napatingin ako kay Jack at seryoso lang siyang nanunuod at nakikinig sa babaeng
nagsasalita. Teka, nagpunta lang ba kami rito para mag-observe? Hindi ba siya
makikisama sa mga nagkwkwento sa baba?
Muli kong ibinalik ang tingin sa mga batang nasa baba namin. "Alam nyo kung ano
'yung masakit? Hindi iyon yung mga sugat at peklat na nakuha ko mula sa mga
pambubully nila. 'Yung totoong sakit ay nandito..." Ika ng babae at saka itinuro
ang dibdib niya. "'Yung tunay na sakit ay iyong sakit na iniwan nila sa puso ko.
Iyong sugat na hindi nila nakikita."
Unti-unting bumigat ang dibdib ko nang marinig ang kwento niya. Bigla ko na lang
naalala ang mga pambubully na pinagdaanan ko noon. Kung paano ako mag-isang
kumakain sa mga cafeteria. Kung paano akong walang kasama kapag may group
activities. Kung paano ako ginawang katawa-tawa ng mga kamag-aral ko.
Naramdaman ko na lang na may mainit na likido ang namumuo sa sulok ng mga mata ko.
Agad kong ipinikit ang mga mata ko upang pigilan ang mga itong pumatak.
Nang muli kong imulat ang mata ko ay saglit kong tiningnan si Jack at nagulat ako
nang sa pagtingin ko sa kanya ay nasalubong ko na kaagad ang seryoso niyang tingin.
Mukhang kanina pa siya nakatingin at pinapanuod ako.
Nabaling ang atensyon ko sa isa sa mga kasama namin nang bigla itong magsalita.
"Gusto mo ba ulit makisali sa laro nila mamaya?" Tanong nito kay Jack.
Nang tingnan ko si Jack ay hindi pa rin pala niya inaalis ang tingin sa akin.
"I can't today 'cause I am not on my best condition. But how about you, Summer?"
Sabay-sabay napatingin sa akin ang mga kasama namin.
"A-Ako?" Gulat na tanong ko.
Tumango siya bilang tugon. Kaagad naman akong napailing.
"Hindi. Hindi ako interesado. Pasensya na." Sagot ko at iniwas ang tingin ko.
Muli kong ibinalik ang tingin sa baba at iba na ang nagkwekwento ngayon.
"Ako naman hindi sa school nabubully kundi sa bahay."
Bullying ulit? Huwag mo sabihin sa aking lahat ng mga batang iyan na nasa baba ay
mga biktima ng bullying? Ibigsabihin...ang rehab na ito ay para sa mga biktima ng
bullying?
"Nakakatawa mang sabihin pero ang mga nambubully sa akin ay ang mga magulang ko.
Hindi ito klase ng pambubully kung saan inaasar ka at kinukutya. Para sa akin,
iyong mas pagpapabor nila kay kuya at kay bunso ang ginagawa nilang pambubully.
Paborito ni Mama si Kuya habang si Papa naman ay si bunso. Walang may gusto sa
akin. Si kuya at bunso laging nakukuha ang gusto. Pero ako, wala manlang akong
nakukuha miski moral support."
Nanatili lang kaming pinakinggan ang kwento ng bawat isa at tama nga ako. Lahat ng
bata sa baba ay mga biktima ng bullying. Matapos silang magkwento ay may mga kung
ano silang pakulo para mapalapit ang loob ng mga bata sa isa't isa. Nagmind games
sila at may ilan ding physical games.
Hindi ko na alam kung gaano na kami katagal na nanunuod lang sa kanila. Hindi ko
maitatanggi na nakakagaan ng loob ang panuorin lang sila mula sa taas. Paano pa
kaya kung kasama rin ako sa activities nila?
May naramdaman akong dumaan sa likuran ko kung kaya't napalingon ako. Nagulat na
lang ako nang makitang si Eleanor ang kadaraan lang sa likuran ko. Naglalakad siya
papunta kay Jack at mukhang hindi naman siya napansin ni Jack na papalapit sa kanya
dahil busy itong nanunuod sa mga bata sa baba.
Nabigla ako nang malakas niyang batukan si Jack.
"What the f-- Eleanor?!" Gulat na reaksyon ni Jack nang makita kung sino ang
nambatok sa kanya.
"Why are you not picking up my calls?" Bungad sa kanya ni Eleanor.
"I can't remember we have plans today." Malamig namang sagot ni Jack sa kanya.
Saglit na napatingin sa akin si Jack. Napansin naman ni Eleanor iyon kaya
napalingon siya sa akin.
"Oh, Summer! Nandito ka rin pala!" Bati niya at mukhang tuwang tuwa talaga siya na
nakita ako.
"Uh, hello." Awkward na bati ko.
"Mabuti naman at nandito ka! Hindi ako mabobore kasama si Jack!" Saad niya at saka
tumawa.
"A-Ah hehe."
"Teka, ano bang meron dito?" Tanong niya at muling hinarap si Jack.
Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Naalala ko nanaman kung paano siya hinalikan ni
Jack sa harapan ko kagabi. Ugh.
"Uhm magc-cr muna ako." Paalam ko at saka nagmamadaling umalis.
***
Sinundan ng tingin ni Jack ang likuran ni Summer hanggang sa tuluyan na itong
mawala sa paningin niya. Dahil hindi na niya makita pa si Summer ay ibinalik na
lang niya ang tingin niya kay Eleanor.
"How did you get here?" Malamig na tanong niya sa dalaga.
"You're not answering my calls so I called Morgan. Kaya naman pala hindi mo
sinasagot kasi may kasama ka. Date?" Mapang-asar na tanong ni Eleanor.
Napapikit ng mariin si Jack dahil sa pagtitimpi. "You're not supposed to be here."
"Why not? Huwag mong sabihin sa akin na wala kang balak dalhin ako dito ever?"
Seryoso siyang tiningnan sa mga mata ng binata. "Are you sure you wanna hear my
answer?" Tanong nito.
Napaiwas ng tingin si Eleanor dahil sa sinabi niya.
"Wag kana mag-abala pa. Knowing how heartless you are, alam ko na kung anong
magiging sagot mo."
Napabuntong hininga si Jack at seryoso siyang tiningnan. "Tell me, what do you need
that you actually have to go all the way here?"
Ibinalik ni Eleanor ang tingin sa kanya at binigyan siya ng dalaga ng mapang-asar
na ngiti.
"I'm here to give my answer," saad nito. "Maybe you're right. Maybe we should
consider falling for each other."
Seryoso siyang tiningnan ng binata sa mga mata at inaaral ng maigi kung seryoso ba
ito sa sinabi niya.
"Love is a dangerous game. Are you sure you want to play?"
***
Bumalik ako na nag-uusap pa rin si Eleanor at Jack. Mukhang tuluyan nang nabaling
ang atensyon ni Jack kay Eleanor at nakalimutan na niya ang sinadya namin dito.
Ugh, nagseselos nanaman ba ako?
"Woah. So ikaw pala ang nagpatayo nito? Pero bakit particularly lang sa mga
bullying victims?" Narinig kong tanong ni Eleanor kay Jack.
Saglit akong natigilan sa narinig at gulat na tiningnan si Jack. bigsabihin, siya
ang may-ari ng rehabilitation center na 'to?
Napatingin sa akin si Jack nang mapansin niyang dumating na ako habang si Eleanor
naman ay hindi alam na bumalik na ako dahil nakatalikod siya sa akin.
"You wanna know why?" Ibinalik niya ang tingin niya kay Eleanor bago muling
tumingin sa akin. "To make a big profit. You see, there are a lot of victims of
bullying here in the Philippines." Saad niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Iyon nga ba talaga ang dahilan?
Natawa na lang si Eleanor sa sagot niya at saka napailing. "Your family is really
something, huh?" Tila sarkastikong saad nito.
Muling tumingin sa akin si Jack bago ibinalik ang tingin kay Eleanor. "I need to do
something. I'd be back. Excuse me." Biglang paalam niya at saka agad na umalis
kasama ang mga taong sumalubong sa amin kanina papasok.
Kaming dalawa na lang ni Eleanor ang naiwan at inaamin ko na hindi ko gusto iyon.
Alam kong wala naman siyang ginagawang masama sa akin pero nagseselos ako sa kanya.
Lalo na't madaming nakaka-insecure sa kanya lalong lalo na ang height niya.
Lumapit siya sa akin at nginitian ako. Hindi ko mapigilan ang sarili na tumingin sa
labi niya. Ugh.
"May pabor sana akong hihingiin sa'yo." Biglang saad niya.
Nagulat naman ako at kaagad na kinabahan dahil sa biglang pagiging seryoso ng tono
niya.
"A-Ano yun?"
Ngumiti ulit siya bago nagsalita. "I'm taking nursing right now and Jack doesn't
know about this. I always watch him suffer sa tuwing masama ang pakiramdam niya at
tinitiis na lang niya kaysa magpadala sa doctor. I learned na may phobia daw siya
sa dugo kaya hindi siya nagpapadala sa hospital. Kaya heto, nag-aral na lang ulit
ako para kapag nagkasakit siya ako na ang mag-aalaga sa kanya."
Bigla na lang kumirot ang dibdib ko. Bakit niya sinasabi sa akin ang mga bagay na
ito ngayon? Ayokong mainis sa kanya pero binibigyan niya ako ng dahilan para
kainisan siya. Naiinis ako dahil parehas kami ng rason kung bakit nursing ang
kinuhang kurso ko.
"At ano naman ang kinalaman ng mga sinabi mo sa pabor na hihingin mo?" Tanong ko.
"Well, hihingilin ko lang sana na pwede bang magstay ka muna sa tabi niya at
alagaan muna siya hanggang sa makatapos ako?"
Natigilan ako sa narinig at hindi magawang makapagreact.
"Pagkatapos ko, huwag kang mag-alala dahil ako na ang mag-aalaga sa kanya."
Why it seems to me like she wants me to stay but to back off at the same time?
"Hindi naman siguro mahirap para sa'yo ang hinihiling ko diba? Tutal kailangan mo
din naman ng trabaho." Nakangiting saad niya.
She's so blunt. Hindi ko alam kung dahil ba sa pinagseselosan ko siya kaya naiinis
ako ngayon o dahil ba nakakainis lang talaga ang pagiging prangka niya.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago siya sinagot sa pabor na hinihingi
niya.
"I can't promise na makakapagstay ako bilang private nurse niya hanggang sa
makagraduate ka pero isa lang ang masisigurado ko sa'yo, aalagaan ko siya ng maigi
habang ako ang private nurse niya."
Napangiti siya sa naging sagot ko. "Great! Oh, and also one more thing." Pahabol
niya.
"Ano iyon?"
Unti-unti ay biglang naging seryoso ang mukha niya. "I don't know if it's too much
to ask pero sana ay alam mong lumugar kung hanggang saan ka lang sa buhay niya."
Hindi ako makapaniwalang natulala sa kanya nang marinig ang mga binitawan niyang
salita.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.
"Alam ko kung ano ka sa buhay ni Jack noon. Pero iba na ngayon, Summer. Private
nurse ka na lang niya ngayon. Sana ay gampanan mo lang ang papel mo bilang private
nurse niya."
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Alam niya ang tungkol sa nakaraan namin ni
Jack?
"I hope you will not hate me for saying all of these. Don't get the wrong idea,
Summer. I honestly like you. Kaya ayoko sanang magkaroon tayo ng problema in the
future kaya pinangungunahan na kita ngayon."
Sa mga sinasabi niya ay nakumpirma na niya sa akin ngayon na may relasyon nga sila
ni Jack.
"Huwag kang mag-alala," sagot ko. "Naiintindihan ko."
Sabay kaming napatingin sa pintuan nang bumukas ito at pumasok roon si Jack.
Pagpasok niya ay nagsalubong kaagad ang tingin naming dalawa.
"I have something to get in the office so we gotta leave now." Saad niya.
Nagkatinginan kami ni Eleanor at binigyan nanaman niya ako ng matamis na ngiti pero
hindi ko na ito magawang suklian pa dahil sa naging pag-uusap namin.
Sabay-sabay kaming tatlo na naglakad papalabas ng lugar. Pagkalabas namin ay
nakahanda na ang sasakyan at hinihintay na lang kaming sumakay.
Nagmamadali akong lumapit sa sasakyan at nauna nang sumakay sa kanilang dalawa. Sa
tabi ako ni Morgan naupo para silang dalawa ang magkatabi sa likod. Isang empleyado
na lang ako ni Jack ngayon. I should know my place.
Napatingin ako sa rareview mirror ng sasakyan nang pumasok na si Jack. Papasok na
rin sana si Eleanor pero natigilan siya nang biglang magsalita si Jack.
"Why are you sitting there again, Summer?"
"H-Huh?!" Gulat na sagot ko sa kanya.
"Did you forget what I said earlier? Your place is right here beside me. Dapat ay
alam mo kung saan ka lulugar. Right, Eleanor?" Saad niya at saka tiningnan si
Eleanor.
***
Oh, magbunyi! Hahaha!
Sorry sa mga kanina pa naghintay netong update!
Sorry din if madami kayo napansin na typo. Tinatamad na ko mag-edit eh hahaha!!!
Sa mga di pa pala nakakaalam, i-seself publish ko po ang "BY THE WAY, HIS NAME IS
JACK FROST". 500php po kumpleto na in one book with special chapters pa. Sana po ay
masuportahan nyo ko. Goal ko ay makasell ng 500 copies. So far, nasa 120 pa lang
yung nag-oorder huhu! :( Madami pa kulang last day ng pag-order is until Nov 30.
Mag-order na din kayo please! Para sa mga gusto din mag-order, check nyo lang po
yung post ko dun sa book 1 kung paano mag-order. Salamat po! :)
Para din naman dun sa mga gusto din magpagawa ng T-SHIRT, magpapagawa na ulit kami.
Nag-start na nung saturday yung pagsesend ng order form. Last day ng pag-order is
on friday. Sa mga interesado, join kayo sa group "Mimhytot's Galaxy" at pabasa na
lang po nung pinned post.
Maraming salamat po sa pagbabasa at patuloy na support! Sana nagustuhan nyo yung
update. :)
Dating gawi pls dont forget the hashtag #BTWINJDF or tag me @mimhytotwp
Next update will be next week. Magsasabi na lang ako sa facebook/twitter ko if ano
ulit araw :)
Ooooyyyy order din kayo nung book oh sige na pleaseeee! T___T
"Did you forget what I said earlier? Your place is right here beside me. Dapat ay
alam mo kung saan ka lulugar. Right, Eleanor?"
Agad akong napatingin kay Eleanor matapos sabihin ni Jack ang mga salitang iyon.
Bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Mukhang narinig ni Jack ang mga pinagsasabi
niya sa akin kanina.
Akala ko ay makikitaan ko siya ng galit sa ekspresyon niya pero napakunot ang noo
ko nang unti-unti siyang ngumiti ng nakakaloko.
"Oh, my bad. Dapat nga naman ay katabi mo ang private nurse mo. Anong malay natin,
baka bigla kang magcardiac arrest habang nasa byahe." Makahulugang saad niya.
Bigla na lang nabalutan ng tensyon ang paligid. Tumingin ako kay Mr. Morgan at
napayuko siya. Kahit na kakakilala ko pa lang kay Eleanor ay sa tingin ko'y wala sa
ugali niya ang nagpapatalo kung kaya naman ay dapat ako na lang ang umiwas sa gulo.
Tiningnan ko ang cellphone ko at pinatunog ito. Nagkunwari akong may tumatawag at
agad ko iyong sinagot.
"Hello, Storm?" Pagpapanggap ko.
Ramdam ko na lahat sila ay sabay-sabay na napatingin sa akin. Anong magagawa ko?
Ayoko ng gulo. Kaya dapat ay gawin ko ang bagay na ito.
"Ah, gusto mong samahan kita sa mall? Oh, sige. Sunduin mo na lang ako." Patuloy na
pagsisinungaling ko.
Ibinaba ko na ang tawag at ibinalik ang tingin sa likuran. Nasalubong ko kaagad ang
masamang tingin sa akin ni Jack pagkatingin ko sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko at
napayuko.
"Hindi na ako makakasama sa inyo. Pasensya na. Magpapaiwan na lang muna ako dito at
magpapasundo kay Storm."
Pagkasabi ko noon ay muli kong ibinalik ang tingin kay Jack. Hindi ko kayang
tumingin sa kanya dahil sa pagsisinungaling na ginawa ko.
"Uhm...sige, ingat na lang kayo."
Hindi ko na hinintay pa ang permiso niya at agaran na akong bumaba ng sasakyan.
Pagkababa ko ay nagkatinginan kami ni Eleanor na hanggang ngayon ay hindi pa
nakakasakay.
Huwag kang mag-alala, Eleanor. Alam ko kung saan ako lulugar at kung ano na lang
ang lugar ko sa buhay ni Jack.
Napangiti siya ng maloko sa akin na tila ba nababasa niya ang nasa isip ko.
"Not a bad act." Nakangiting saad niya.
Iniwas ko ang tingin ko at hinintay siyang makasakay na sa sasakyan. Tinitigan niya
muna ako ng ilang sandali bago siya tuluyang pumasok sa loob. Pagkasakay niya ay
nanatili munang nakahinto ang sasakyan sa harapan ko pero di kalaunan ay umandar na
rin ito at tuluyan nang umalis.
Pinanuod kong mawala sa paningin ko ang sasakyan bago napabuntong hininga.
Tiningnan ko ang cellphone ko at inis na natawa sa katangahang ginawa ko.
Ibinalik ko ang tingin sa rehabilitation center na pinanggalingan namin. Naalala ko
bigla ang mga batang nagkwkwento kanina ng mga experiences nila. Bigla na lang
sumagi sa isip ko ang hindi magandang idea.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na naglalakad na papasok sa loob. Ginawa ang
lugar na ito para sa mga katulad kong biktima ng bullying. Hindi ko alam kung
magandang idea ba itong naiisip ko pero parang gusto kong makisali sa activity ng
mga bata
***
"You humiliated me." Pagbasag ni Eleanor sa katahimikan nila sa loob ng sasakyan.
Seryosong inilipat ni Jack ang tingin niya sa kanya. "You brought it to yourself,
Eleanor. I told you, didn't I? I said lay off Summer."
"Paano ko gagawin iyon? Dinala mo siya sa lugar na hindi mo pa ako dinadala."
Inis na napabuntong hininga si Jack. "Since you've already mentioned it to her, I
hope you didn't forget what's your place in my life too, Eleanor. Stop acting like
a jealous girlfriend."
Hindi makapaniwalang natawa si Eleanor sa sinabi niya. All her life, ngayon lang
siya napahiya sa harapan ng ibang tao.
"I hope you didn't forget too that I am the woman you're gonna spend the rest of
your life with, Daryl. Kaya nga sinuggest mo ang love game na tinatawag mo hindi
ba? 'Cause alam mo rin na hindi pwedeng habambuhay tayong ganito. Walang divorce sa
Pilipinas, Daryl. Kaya kung gusto mong matutunan kitang mahalin, you should atleast
make me fall for you." Inis na saad ng dalaga.
"Don't you ever forget that I don't have any feelings for you, Eleanor. You should
atleast make me fall for you too. But what the hell? Do you really have to go that
low?" Inis din na sagot sa kanya ng binata.
Unti-unting nawala ang kunot sa noo ni Eleanor. "I think hindi pala si Summer ang
dapat alam kung saan siya lulugar," biglang saad ng dalaga.
Agad namang kumunot ang noo ni Jack sa sinabi nito.
"I think it's you who should know his proper place, Daryl. Baka nakakalimutan mo
na, engaged ka na and you're getting married in 5 months." Nakangiting saad ni
Eleanor.
Galit na iniwas ni Jack ang tingin niya. Mas lalo namang lumawak ang ngiti sa mukha
ni Eleanor dahil sa pag-iwas na ginawa nito.
"Oh, bull's eye ba?" Pang-aasar pa lalo nito.
Ibinalik ni Jack ang tingin sa kanya. "Ikaw ang naghire sa kanya, Eleanor. Hindi
ako. Hindi ako ang nagpasok muli sa kanya sa buhay ko kundi ikaw."
"But you obviously wanted to hire her, Daryl. Hindi ako tanga. Nagkataon lang na
nalate siya. We all know you don't wait for anyone but you waited for her more than
an hour. Can you believe that? Isang Jack Daryl Frost, naghintay ng mahigit isang
oras para lang sa isang applicant? And you'll tell me hindi mo siya gustong maging
private nurse? Go kid yourself, Daryl."
Muling napaiwas ng tingin si Jack dahil sa sinabi ng dalaga.
"And I don't even think you only waited for more than an hour. Perhaps, more than 8
years?"
Humugot ng malalim na hininga si Jack at ibinalik ang tingin sa kanya.
"You said it yourself. We're engaged. You know where you stand. You know your
place. So you don't have any reasons to go that low, Eleanor."
"Yes, we are engage. Engage ako sa'yo ng mahigit walong taon. It's been 8 years,
Daryl. Pero seeing you right now...kung gaano pa rin kalaki ang epekto niya sa'yo,
parang hindi walong taon ang lumipas. Parang kahapon lang."
Napapikit ng mariin si Jack at saka tiningnan si Morgan. "Stop the car." Ma-
awtoridad na utos niya.
Agad namang itinabi ni Morgan ang sasakyan.
Masamang ibinalik ni Jack ang tingin niya kay Eleanor. Si Eleanor naman ay hindi na
lang makapaniwalang napa-iling. Walang salita niyang binuksan ang pintuan ng
sasakyan pero bago siya tuluyang bumaba ay ibinalik niya ang tingin kay Jack.
"Alam mo ba kung bakit after 8 freaking hell years with you ay hindi pa rin kita
magawang mahalin?"
Hindi umimik si Jack at nanatili lang nakatingin sa kanya.
"Dahil tandang tanda ko pa nung unang beses mong tinurn down ang tungkol sa
marriage natin sa America noon. Kung paano mo sinabi sa harapan ng mga magulang mo
at mga magulang ko na may babae ka nang pinangakuan na papakasalan. At sa walong
taon nating pagsasama hanggang ngayon, kitang kita ko pa rin sa mga mata mo na siya
pa rin ang babaeng gusto mong pakasalan."
Nang tuluyan nang masabi ni Eleanor ang mga salitang iyon ay bumaba na siya ng
sasakyan at padabog na isinara ang pinto. Naiwan naman si Jack na nakatulala dahil
sa sinabi niya.
***
Tumingin si Morgan sa kanyang suot-suot na relo at nakitang mag-a-alas nuebe na ng
gabi. Nilingon niya si Jack na kanina pa tahimik na nakaupo sa likuraan at
nakatingin lang sa isang bahay.
"Mr. Frost, alas nuebe na ng gabi. Kailangan na nating umuwi para makapagpahinga
kana at makatulog. Hindi pa maganda ang pakiramdam mo." Saad ng matanda.
Humugot naman ng malalim na hininga si Jack pero nanatili siyang hindi inaalis ang
tingin sa bahay na sinadya nila. Kanina pa silang ala-sinco ng hapon dito pero
hindi pa rin sila umaalis gayong wala naman siyang ibang ginagawa kundi ang tingnan
lang ang bahay.
"Kung gusto mo ay maari naman tayong magpakita sa pamilya niya. Private nurse mo na
si Summer ngayon kaya may dahilan ka para kumustahin sila." Ika ng matanda.
Dahan-dahang umiling si Jack pagkarinig ng sinabi ni Morgan.
"I don't have a face to show them," saad ng binata. "I promised them I will marry
Summer when we both reach our right age but I broke it."
Napabuntong hininga na lang si Morgan at tiningnan din ang bahay nila Summer. Wala
pa ring ilaw hanggang ngayon ang bintana sa kwarto ni Summer kaya ibigsabihin noon
ay wala pa rin ang dalaga. Mukhang nagdadate pa rin sila ni Storm.
Nanatiling nakatingin si Jack sa bintana ng kwarto ni Summer. Napayuko na lang siya
nang maalala kung gaano napunta sa walang kwenta ang pagdadala niya kay Summer sa
rehab.
"She was with me the whole day..." Mahinang bulong ni Jack. "But why do I feel like
I was all alone?"
Malungkot siyang tiningnan ni Morgan at kitang kita nito ang lungkot sa itsura ng
alaga niya. Sa loob ng walong taon ay halos bilang na bilang lang kung ilang beses
nakita ni Morgan na nakangiti ang binata. Lagi niya itong nakikitang tahimik at may
malalim na iniisip.
Muling humugot ng malalim na paghinga si Jack bago unti-unting inalis ang tingin sa
bahay nina Summer.
"Let's go. I still have some things to settle in the rehab." Saad ng binata.
Gulat namang ibinalik ni Morgan ang tingin sa kanya. "Pero Mr. Frost--"
"It will be the last time, Morgan."
Natigilan si Morgan sa narinig. "L-Last time?"
"I will never comeback there." Mahinang bulong ng binata.
Agad namang nakaramdam ng awa si Morgan para sa kanya. Siguro ay dahil nadala na
niya sa wakas si Summer sa pinatayo niyang rehab pero ang masaklap lang, hindi
manlang nag-abalang makisalamuha si Summer kanina sa mga batang nandoon.
Nang makarating na sila ng tuluyan sa rehab ay bumaba kaagad si Jack sa sasakyan.
Tiningnan niya ang buong kalawakan ng rehab at mapakla siyang napangiti habang
iniisip na ito na ang huling beses niyang titingnan ito.
Magsisimula na sana siyang maglakad papalapit sa institusyon pero natigilan siya
nang makita ang isang babae na nakaupo sa harapan nito. Halata nito na naiinip na
ito at nilalamok na rin.
Bigla na lang unti-unting gumaan ang pakiramdam ni Jack. Namalayan na lang niyang
nakangiti siya habang pinapanuod ang dalaga mula sa malayo.
"Still the same old stubborn Summer." Nakangiting saad niya at lalapitan na sana
niya ito pero agad siyang napahinto nang may lalaki na ang naunang makalapit sa
dalaga. Si Storm.
Inihinto na ni Storm ang sasakyan niya sa may kanto malapit sa bahay namin. Sa
walong taong lumipas ay hanggang ngayon ay hindi pa rin napapalaki ang mga street
sa amin kaya naman hindi pa rin ako pwedeng mahatid sa tapat ng bahay namin gamit
ang isang sasakyan.
"Salamat, Storm. Pasensya kana talaga, wala lang kasi talaga akong ibang
matatawagan para magsundo sa akin kundi ikaw."
Ngumiti siya at saka tumango. "Sinabi ko na diba? Wala iyon. Kahit saan ka pang
parte ng mundo, basta kailangan mo ako, pupuntahan kita."
Naiilang akong ngumiti sa kanya. "Salamat, Storm."
"Oh siya, magpahinga kana. Alam kong pagod kana."
Dahan-dahan akong tumango sa kanya at nagsimula nang kumilos upang bumaba ng
sasakyan pero natigilan ako nang bigla ulit siyang magsalita.
"Masaya ka ba, Summer?"
Agad akong natigilan at napatingin sa kanya.
"Gusto ko lang malaman kung masaya ka ba. Ngayon na nakakasama mo na ulit siya."
Tila nasasaktang tanong niya.
"Sa totoo lang...nasasaktan ako at nahihirapan." Pag-amin ko. "Pero masaya ako,
Storm. Masaya ako na nakakasama ko na ulit siya. Kahit na masakit, kinakaya
ko...kasi masaya ako."
Kitang kita ko sa mga mata niya kung paano ko siya nasaktan sa mga salitang
binitawan ko pero kahit na ganon ay ngumiti pa rin siya sa akin.
"Basta masaya ka lang, Summer...kahit masakit, basta alam kong masaya ka, masaya na
rin ako."
Hindi ko alam kung ano ang dapat isagot sa kanya. Bigla na akong nakaramdam ng
ilang. Dahan-dahan siyang kumilos at saka lumapit sa akin. Inalis niya ang seatbelt
na suot-suot ko at pagkatapos ay umupo ulit siya ng maayos sa pwesto niya.
"Tawagan mo lang ulit ako kapag kailangan mo ako, Summer. Pero sa tingin ko ay
hindi mo na ako kakailanganin ulit. Kilala ko si Jack. Hinding hindi ka niya
pababayaan."
"Storm..." nanghihinang tawag ko sa kanya.
Ngumiti ulit siya ng pilit. "Okay lang ako, Summer. Nakaya ko ngang maghintay sa'yo
ng 8 years eh. I can still wait for you. Sa ngayon, gusto kong magkasama muna ulit
kayo ni Jack. Gusto kong alamin mo sa sarili mo after all these years kung siya pa
rin ba talaga ang gusto mo at hindi ako."
Matagal ko siyang tinitigan bago unti-unting tumango. "Tama ka, this is the right
opportunity to either continue what we had or for us to have a closure instead."
Napangiti siya sa sinabi ko at saka tumango. "Good night, Summer."
Sinuklian ko ang ngiti niya at saka tuluyan nang bumaba ng sasakyan. Hinintay ko pa
siyang tuluyang makaalis bago ako nagsimulang maglakad pauwi ng bahay.
https://youtu.be/KA1LYTWtVQ0
Habang naglalakad na ako patungo sa bahay ay natigilan ako nang isang pamilyar na
lalaki ang naaninag ko na nakatayo at nakasandal habang nakayuko sa kasunod na
poste ng ilaw na kasunod kong madadaanan bago ako makarating sa bahay.
Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko nang iangat niya ang mukha niya at tumingin
sa direksyon ko. Mabilis na nagtama ang tingin naming dalawa at agad siyang umayos
ng tayo nang makita ako. Tila kanina pa siya naghihintay roon.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin at habang naglalakad siya ay napansin
kong may dala-dala siyang kulay puting plastic.
Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako habang pinapanuod siyang maglakad papalapit
sa akin. Hindi ko magawang paniwalaan na siya talaga ang lalaking nasa harapan ko.
Naka-suot lang siya ng kulay puting t-shirt at simpleng jeans.
Maging ang buhok niya ay nakabagsak at hindi nakawax ngayon. Medyo basa pa nga ata
ang buhok niya at mukhang pagkatapos niyang magshower ay dumiretso na agad siya
dito.
Tila nagbalik siya sa pagiging gangster niya. Wala ni isang bakas sa katauhan niya
ngayon ang pagiging CEO niya.
Huminto siya sa harapan ko at iniangat ang plastic na hawak-hawak niya. Nagtataka
kong tiningnan ang plastic bago ibinalik ang tingin sa kanya.
"I am here to take advantage of having a private nurse." Seryosong saad niya.
Kunot noo kong kinuha ang plastic na inaabot niya at tiningnan ang laman. Doon ay
nakita ko na naglalaman ito ng bulak, betadine, bandage at kung anu-ano pang first
aid kit. Nagtatataka ko siyang tiningnan at nagulat ako nang ituro niya sa akin ang
hintuturo niya. Nang tingnan ko ang hintuturo niya ay saka ko napansin ang natuyong
dugo sa daliri niya mula sa napakaliit na sugat.
"You're here because of that wound?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yeah?" tila hindi pa niya siguradong sagot.
Muli kong sinuri ang sugat sa daliri niya. Napakaliit lamang nito at kung tutuusin
ay hindi na nga ito nagdurugo.
"Knowing you, a small wound like that will not hurt you."
"Then how about you, Summer? You're just merely skin and bones, but how could you
f*ck me up this bad?"
Natulala ako sa kanya at hindi nagawang makasagot. Bigla na lang tumahimik ang
paligid at nagkaroon ng awkwardness sa pagitan namin.
Umubo siya ng pilit to break the silence at saka muling nagsalita to change the
mood.
"Now, now, are you going to treat my wound or not? I am a very very very busy
person, Summer. I don't like wasting my time. If it doesn't really hurt, I wouldn't
go all the way here just to have you get it treated."
Same. Old. Jack Frost.
Napangiti na lang ako nang hindi ko namamalayan. This childlike act of him, I'm
glad may mga bagay pa ring hindi nagbabago sa kanya.
Humugot ako ng malalim na hininga at saka lakas loob na hinawakan ang kamay niya
upang hilahin sana siya papunta sa bahay upang doon ko siya gagamutin pero
napabitiw ako sa kamay niya nang tila bigla akong nakuryente nang magdikit ang
balat naming dalawa.
Agad kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko at hindi magawang tingnan siya, pero
laking gulat ko nang siya naman ang biglang humawak sa kamay ko. Gulat ko siyang
tiningnan at nakita kong seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang mahigpit na
nakahawak sa kamay ko.
"It's funny, isn't it? How I am still willing to hold your hand...even if it's too
easy for you to let go of mine."
Nakaramdam na lang ako bigla ng kirot sa dibdib ko habang pinagmamasdan kung gaano
niya kaseryosong sinabi ang mga salitang iyon.
Sinubukan kong alisin ang kung ano mang nakabara sa dibdib ko at hinawakan din ang
kamay niya.
"Tara sa bahay, doon ko gagamutin ang sugat mo." Naiilang na saad ko.
Ngumiti siya sa akin at saka umiling. "Do you really think I would patiently wait
for you here outside if it's fine with me to come in your house, Summer?" tila may
halong lungkot na saad niya.
"Well...you're right. It must be hard to face my parents when you promised them
that you'll marry their daughter but you didn't."
Ngumiti siya sa akin ng pilit at saka mas hinigpitan ang kapit sa akin. "If only
you've done the same thing 8 years ago, Summer." Saad niya at saka tiningnan ang
magkahawak naming kamay. "If only you've held my hand too when I held yours 8 years
ago..."
Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin niya sa akin at seryoso akong tiningnan sa
mga mata.
"Things would have been different." Pagtutuloy niya.
Tila sinampal niya akong muli sa sinabi niya. Bakit ba napupunta sa ganito ang
usapan namin? Can't we really have a normal conversation even just for a day?
Hindi ko na siya sinagot pa at imbes ay hinila ko na lang siya patungo sa may plaza
kung saan noon kami nagpalipad ng saranggola. Habang naglalakad kami ay unti-unting
bumibigat ang pakiramdam ko habang inaalala kung gaano kami kasaya ng pamilya ko
noon habang kasama siyang nagpipicnic sa lugar na ito.
Kahit na malapit lang ito sa bahay ay hindi ko na nagawa pang bumalik dito dahil
ayokong alalahanin ang araw na nakasama ko si Jack noon dito. Pero ngayon, kahit na
ang tagal na panahon na ang lumipas, tila sariwa pa rin sa ala-ala ko ang lahat.
Saglit akong natigilan nang biglang in-intertwined ni Jack ang mga daliri namin.
Bumilis ng husto ang tibok ng puso ko at ramdam na ramdam kong namumula na ang
mukha ko. Tumingala ako upang tingnan ang reaksyon niya pero seryoso lang siyang
nakatingin sa dinaraan namin.
Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya natigilan din ako. Humarap siya sa akin at
tiningnan ako habang ako naman ay agad na iniwas ang mukha ko. Sa pag-iwas ko ng
mukha ko sa kanya ay saka ko lang nakita kung saan kami nakatayo. Ito mismo ang
pwesto kung saan kami nagpapalipad ng saranggola noon.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya at nasalubong kaagad ng mga mata ko ang titig niya.
Nanatili lang kaming nakatayo at magkatitigan sa isa't-isa. Tahimik lang kami at
nakatayo habang magkatitigan pero pakiramdam ko ay nag-uusap na kami sa ganoong
paraan at nagkakaunawaan.
Kung pwede lang patigilin ang oras, I really wish it'll be right now.
Agad kong binawi ang tingin ko at yumuko bago pa niya mapansin ang nangingilid na
luha sa sulok ng mga mata ko.
Kinuha ko ang bulak na nasa plastic pati na rin ang betadine. Nagmamadali kong
nilagyan ng betadine ang bulak.
"Akin na yung sugat mo, gagamutin ko na." Saad ko habang nakayuko.
Nagulat ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko at ipinatong bigla sa dibdib niya.
Napatingala ako sa kanya at nasalubong ang seryosong titig niya.
"But I think my wound is beyond repair," saglit siyang tumigil at nagpakawala ng
malungkot na ngiti. "Because they say it can't be fixed by the same person who
broke it."
***