Professional Documents
Culture Documents
ASweek 3-ESP 6
ASweek 3-ESP 6
ASweek 3-ESP 6
Baitang/Pangkat: ____________________________
ACTIVITY SHEET
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
PAGGAMIT NG IMPORMASYON
GAWAIN 1
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba ng kahon. Hanapin at bilugan ang
mga kasagutan gamit ang ballpen.
4. Ito ay isang uri ng gadget na gumagamit ng mga cell site para sa komunikasyon.
Ito ay ginagamit bilang pantawag,magbigay ng mensahe at paggamit ng
internet.
________________________________________________________________________
5. Ito ay tinatawag din na dyaryo.
________________________________________________________________________
6. Isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng
mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan.
________________________________________________________________________
7. Ito ay nailimbag na salita sa papel. Naglalaman din ang ibang mga aklat ng
mga larawan. Kadalasang maraming mga pahina ang mga ito
________________________________________________________________________
GAWAIN 2
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang
napakinggan sa radyo, nabasa sa pahayagan, o internet at ekis (x) kung hindi.
GAWAIN 3
Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot.
6. Dahil sa ipinatutupad na “new normal” ang ilan sa iyong mga kamag-aral sa ika-
anim na baitang ay naisipang doon na lang muna sa kanilang bahay mag-aral
sa kasalukuyan gamit ang Online Learning. Ang kanilang mga pamilya kasi ay
may sariling kompyuter at internet sa bahay. Inaaya ka nila na ganun din ang
gawin mo dahil sigurado na maging ligtas ka sa sakit at makapag-chat pa kayo
ng madalas. Ngunit alam mo na mahihirapan ang mga magulang mo sa
pagbibili ng mga gadyet at ng palagiang pagbabayad ng internet. Ano ang
sasabihin mo sa iyong mga kamag-aral?
A. Hihinto ka muna sa pag-aaral.
B. Pipilitin mo ang iyong mga magulang na bumili ng kinakailangang
gadyet.
C. Pupunta ka ng probinsiya at doon mag-aaral kahit na hindi naman
totoo.
D. Pisikal na papasok sa pinakamalapit na paaralan kasabay ang
mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan.
7. Pinapanatiling nasa ilalim ng GCQ ang inyong lugar kahit na bumababa na ang
naitalang kaso ng Covid-19. Pinadalhan ka ng text ng iyong kaibigan at inimbita
ka na lumabas ng bahay upang sabay kayong pupunta sa isang nakatagong
internet cafe at maglaro ng inyong kinagigiliwang video games. Ngunit mariin na
ipinagbilin ng iyong ina bago pumasok ito sa trabaho, na kinakailangan mo
talagang manatili sa loob ng iyong tahanan sa mga panahong ito. Ano ang
gagawin mo?
A. Lalabas ng bahay at samahan ang kaibigan, saglit lang naman ito.
B. Huwag pansinin ang kaibigan dahil masama ang kanyang
binabalak.
C. Kukumbinsihin ang sarili na walang masama sa paglabas kasama
ang kaibigan.
D. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pananatili sa loob ng
bahay dahil sa banta ng Covid-19.
8. Natuklasan mo mula sa isang facebook post na ang prutas na saging pala ay
isang mabisang gamot laban sa Covid-19. Ayon sa ulat, nagkakaubusan na ng
saging sa maraming pamilihan sa inyong lugar dahil sa impormasyong ito.
Kaagad mong ibinahagi ito sa iyong mga magulang kaya lang sinabi nila sa iyo
na ang balitang ito ay isang fake news. Ano ang gagawin mo?
A. Iisipin na hindi ka pinaniniwalaan nila dahil ikaw ay bata pa.
B. Magalit sa mga magulang dahil wala silang pakialam sa iyo.
C. Magsaliksik pa mula sa mga maaasahang mapagkukunan ng
balita.
D. Dagliang lalabas ng bahay upang bumili ng maraming saging.
9. Isang kaibigan sa facebook ang nagpasa ng balita sa iyo na may isang taga-
barangay na nag-positibo sa Covid-19. Sinabi niya sa iyo na hindi talaga sa
kanya galing ang naturang balita kundi ito ay ipinasa rin sa kanya mula sa isang
nababahalang netizen. Dagdag pa niya na kaya ipinasa niya ito sa iyo ay
upang makaiwas ka at ng buo mong pamilya na mahawaan sa nasabing virus.
Mariin din niyang sinabi sa iyo na kailangan mo ring ipasa ang impormasyon na
ito sa iba pa upang sila rin ay makaiwas sa sakit. Ano ang gagawin mo sa
kanyang panawagan?
A. Madaliang ilagay sa iyong facebook wall ang balita.
B. Ipasa kaagad sa mga kaibigan at kamag-anak ang impormasyon.
C. Magtanong sa mga magulang kung totoo ang balita.
D. Huwag pansinin ang balita ng kaibigan, natanto mo kasing
nakahiligan na niya ang pagtsi-tsismis.