Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Department of Education

Pedro Acharon Sr. District


General Santos City SPED Integrated School
General SantosCity

Ikalawang Markahan
FILIPINO 2 ( ST #1 )
Pebrero 5, 2021

Pangalan:__________________________________________________Iskor:_______
Baitang at Pangkat:_________________________ Lagda ng Magulang:_______

A. Panuto: Tukuyin ang mga lipon ng salita sa ibaba. Isulat ang PR kung ito ay parirala
at PP kung pangungusap.
______ 1. Ang bata ay matapat.
______ 2. Biyernes ng gabi
______ 3. Makulay ang mga bulaklak.
______ 4. Ang bata ay nagbabasa ng aklat.
______ 5. sa ilalim ng puno
B.Panuto:Piliin ang hinuhang maaaring mangyari sa sumusunod na
pahayag/teksto. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa papel.
6. Umiiyak ang iyong kaklase nang siya’y dumating sa paaralan, at
maraming pasa sa kanyang kamay at paa.
a. Baka siya ay nadulas sa daan.
b. Baka nagalit siya sa mga kaklase.
c. Baka nawala ang kanyang pera.
d. Baka nahiya siya at nahuli siya sa klase.
7. Araw-araw si Dino ay palaging tumutulong sa kanyang tatay sa pagdidilig
ng halaman.
a. Marahil hindi nasiyahan si tatay.
b. Marahil masaya si tatay sa kabaitan ni Dino.
c. Marahil pinagalitan si Dino ng kanyang tatay.
d. Marahil nagalit si tatay at nasobrahan ng tubig ang halaman.
8. Napakadilim ng kalangitan at malamig ang simoy ng hangin.
a. Tila hihinto ang ulan.
b. Tila titindi ang init ng araw.
c. Tila may parating na tsunami.
d. Tila bubuhos ang malakas na ulan.
9. Nakapag-ipon si Jose mula sa kanyang baon. Isang araw nagkasakit ang kanyang
nanay at wala silang pambili ng bigas.
a. Siguro, nangutang siya sa kanyang tiyahin.
b. Siguro, binili ni Jose ng bigas ang naipong pera.
c. Siguro, tiniis niya ang gutom at walang makain.
d. Siguro, binili ni Jose ng laruan ang naipong pera.
10.Naglabasan ang mga tao sa kani-kanilang bahay at nagsigawan.
a. Siguro, may malaking sunog na nagaganap.
b. Siguro, natutuwa sila at madilim ang paligid.
c. Siguro,hatinggabi na at malamig ang panahon.
d. Siguro, natutuwa sila at pinatutulog sila sa ilalim ng sikat ng araw.

You might also like