Wika ang sumasalamin sa ating bansa at ang pagkakaroon
ng ng sariling Wika ay nangangahulugang pagkakabigikis at pagkakaisa ng mga mamayan. Ngunit sa kalagayan natin ngayon tila isang malaking katanungan kung may pagkakaisa pa ba ang Filipino? Napapahalagahan pa ba ang ang ating Wikang Filipino? Ano ngaba ang Estado nito? “Nakapanayam ng Rappler si Virgilio Almario, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, para kunin ang kanyang opinyon sa estado ng pambansang wika. Ano na nga ba ang estado ng wikang Filipino sa ngayon? Ayon kay Almario ang wikang Filipino ay ginagamit na ng halos lahat ng mamamayan mula Batanes hanggang Tawi-tawi samakatuwid ang wikang Filipino ay tumatayong “lingua franca” halimbawa ang isang Bisaya at Ilokano ay nagtagpo mag-uusap sila sa wikang Filipino. Sab inga ni Henry Gleason ang Wika ay Dinamiko , Ito ay nagbabago at walang masama dito sapagkat kailangan nating paunlarin ang ating wika araw-araw, ang pagpasok ng mga bagong salita ay nangangahulugan lang na aktibo at buhay ang ating wika. Ang nakalulungkot lang ay tila nagiging dominante na ang ibang wika at natatabunan na ang ating sariling wika. Ayon rin sa kaniya hindi ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang nagpapaunlad ng ating wika kundi tayo mismo, tayong mga mamamayan na gumagamit ng wikang ito. Sino pa ang ang mag mamahal sa ating sariling Wika ? Kung hindi tayong mga Filipino. Bilang mamayan tayo ang nararapat na luminang at gumamit sa ating sariling wika . Kailangan nating isapuso at tangkilin kung ano ang ang wikang mayroon tayo. Ang wika ay namamatay—kung mawawala ang wikang Filipino at patuloy na mawawalan ng halaga , ano pa ang wikang gagamitin ng susunod na henerasyo.