Modyul 1 Sintesis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name: Lagumen, Tsukasa GED0105 SEC15-

MN

Modyul 1: Sintesis

Propesyon/Hanapbuhay: Psychologist

Fortitude
 Bilang Psychologist ang fortitude o lakas o tibay ng loob ay aking magagamit
sa aking larangan upang magkaroon ng kalakasan ng kaisipan sapagkat kapag
ako ay may sariling problema kinakailangan ko ng lakas ng loob dahil sa akin
aasa ang mga pasyente ko kapag nangangailang ng kokonsulta sa kanilang
problema sa kanilang emosyon.Ang fortitude din ay magiging depenisyon ng
aking pag katagumpay sa buhay, sapagkat kapag ako may tibay ng loob
malalagpasan ko ang lahat ng hamon at pagsubok sa aking buhay. Ako rin ay
mas magiging positibo at mas maiintindihan ko ang aking sarili at
makakahanap ng solusyon sa aking problema na makakatulong para din
makahanap ako ng solusyon sa aking mga pasyente.
Excellence
 Bilang Psychologist kinakailangan ng excellence or kahusayan pagdating sa
aking larangan sapagkat ang kahusayan ay mas makakapag bigay ng maganda,
mabilis at epektibong sulosyon sa mga problema na aking makakaharap sa
problema ng aking mga pasyente. Ang kahusayan din ay makakatulong sa akin
upang ako ay magkaroon ng lakas ng loob para humarap akong positibo at
masaya sa aking mga pasyente. Isa rin ang kahusayan o excellence sa
makakapag dala sa akin ng tagumpay sa aking propesyon at madali kong
malalagpasan ang hirap at pagsubok sa buhay. Mas madaling makahanap ng
solusyon sa problema kung ikaw ay may kahusayan sa isang bagay.
Uprightness
 Bilang isang Psychologist kinakailangan ng uprightness o katuwiran o
katapatan sapagkat kung ako ay tapat sa aking propesyon at sa aking mga
nililingkuran ako ay kanilang mapagkakatiwalaan. Ako rin ay magkakaroon ng
maganda at maayos na relasyon sa aking mga pasyente at katrabaho dahil ako
ay tapat, mapagkakatiwalaan at responsableng tao. Ako rin ay magkakaroon ng
lakas ng loob at mababawasan ang iniisip kung ako ay tapat sa aking
propesyon, at mas magiging mabilis kong maresolba ang problema at ako ay
magiging matagumpay sa aking propesyon.

You might also like