Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Marielle Angelica C.

Apuya
BSBA MM 2-1
PANITIKANG FILIPINO- ACTIVITY 1
A. Dagli
Pagsasamantala na isinulat ni Isaias G. Estrella
Pagsusuri
Kapansin-pansin na ang gusting ilahad ng may-akda ay nasa pamagat na nito. Nais
niyang maipakita kung gaano lamang kadali para sa isang tao na malinlang sa pisikal na anyo
at magpagamit para sap ag-ibig na nais makamit. Nagulantang ang lahat sa nalaman na si
Tonia at Manuel ay mag-iisang loob na. Isang magandang dilag na maraming manliligaaw ay
napa-ibig sa hindi kagwapuhang lalaki. Sa kadahilanang naiisip ni Manuel na wala ng
magkakagusto rito at napaniwala siya na iniibig siyang ni Tonia, ibinibigay nito ang mga bawat
hiling ng ina ni Tonia. Mapapansin na nag yaman ang ninanais ng mag-ina kay Manuel.
Ipinapakita nito sa mga mambabasa na hindi kailanman magiging basehan ang pera para sa
tunay na ligaya na madadama mo sa pag-ibig na totoo. Ang pagsasamantala sa kapwa ay
masamang Gawain at hindi dapat gawin. Napansin ko rin ang mga ginamit na salita,
nakakapanibago man ay nailahad naman ng maayos ng may-akda ang nais nitong iparating sa
mga mambabasa.
Mga Gabay na Tanong sa Dagling Pagsasamantala ni Isaias G. Estrella:
1. Ano ang pinapaksa ng dagling pinamagatang Pagsasamantala?
Ang pinapaksa ng dagli ay kung paano masilaw ang tao sa pera, kung saan nagagawa
na nitong makapagsamantala ng tao para sa sariling interes.Ipinakita rito kung paano nalinlang
ng mag-ina ang isang taong mahina at kung paano siya pinagsamantalahan.
2. Paano inilarawan ang mgavtauhan sa dagli?
a. Kalagayan sa buhay
Si Manuel na isang mayamang abogado na napaibig kay Tonia, na hindi angat sa buhay
at ginamit ang kagandahan para maakit at maiangat sila ng kanyang ina sa buhay.
b. Paniniwala
Inilarawan ni Manuel ang isang tao na ang paniniwala ay dahil sa mayaman ito,
makukuha niya ang iniibig ng lahat para lamang may umibig sa kanya. Sa paniniwala naman ng
mag-ina, dahil sa pisikal an anyo ni Tonia ay makakapaglinlag sila at makukuha nila ng nais
nila.
c. Ugali
Mababa ang tingin sa sarili ni Manuel dahil sa pisikal na anyo nito. Madali siyang
mapagsamantalahan at maloko sap ag-aakalang tunay na mahal siya ni Tonia. Ang mag-ina
naman ay masyadong angat ang tingin sa kanilang sarili at mapagsamantala sa kapwa.
3. Paano ipinahayag ang mga kulturang Pilipino na nmakapaloob sa akda?
Piakita sa akda ang kakayahan ng isang ina na mapaikot ang kanyang anak at magamit
paraa sa ibang bagay. Sa paniniwala nating mga pinoy na dahil ang ina ang nagpalaki at
bumuhay sa atin, sumusunod tayo sa kung ano ang inuutos nila. Kapansin-pansin din ang
paglalait ng mga tao kay Manuel dahil sa pangit ito. Hanggang ngayon, talamak parin ang mga
ganitong tao na sobra kung manghusga at ibaba ang konpidensya ng isang tao.
4. Paano sumusalamin sa lipunan ang akda?
Sumasalamin ito sa lipunan dahil sa panahon ngauon, maraming tao parin ang
mapagsamantala para makuha nila ng mga nais nila kahit na galing ito sa masamang paraan.
Nasisikmura ng mga tao na ito na maglinlang ng kapwa nila. Ginagawa nila ang mga ito, para
sa sarili nilang kaligayahan.
5. Ano-anong mga suliranin panlipunan ang nakapaloob sa akda at paano ito mabibigyang
solusyon?
Isa sa mga suliraninig panlipunan sa dagling ito ay ang pagsasamantala sa kapwa. Ang
solusyon rito ay ang pagkakaroon nila ng realisasyon nila sa sarili. Mainam rin na hindi agad
maniwala at magtiwala. Mas maganda kapag sigurado at aprubado ng nakakarami.
B. Maikling Kuwento
Handog sa kanyang ina na isinulat ni Rogelio R. Sicat
Pagsusuri
Nakakaantig ng damdamin ang ginawa ng bata para sa kanyang ina. Maliit na bagay
man lang ito ay napakalaki na ng halaga para sa kanyang anak na mabigyan ng mumunting
handog ang ina. Nakakatuwa at nakakaenganyo basahin bagama’t simple ang mga ginamit na
salita, matutuwa ka paring basahin ito dahil sa lakbay ng bata para mahanapan ng regalo ang
ina sa kakarampot nap era nito. Bibihira na lamang sa panahon ngayon ang gumagawa ng
ganitong bagay para sa mga magulang nila. Naibatid ng matiwasay ng may-akda ang nais
niyang imensahe sa mga mambabasa nito. Hindi kailngang mahal ang regalo, ang mahalaga ay
bukal sa puso at pinaghirapan moa ng handog mo sa iyong ina.
Mga Gabay na Tanong sa Maikling Kuwentong Handog sa Kanyang Ina:
1. Anong pagkamulat ang ibinigay ng tekto sa iyo?
Minulat ako ng may-akda sa paksang, hindi man kalakihan ang naibigay ay dulot naman
nito ay kasiyahang walang kapantay. Sa ginawa ng anak nito para mabigyuan ng munting
handog ang ina sa pamamagitan ng balut ay isang malaking bagay na sa ina nito ng malaman
nito ang dahilan. Nakakabilib na kahit salat na sila sa yaman ay nagagawa parin ng anak na
pasyahin ang ina nito sa maliit na bagay. Marami sa mundo ang nakakaranas ng kahirapan at
sa ginawa ni Ben, hindi hadlang ang pera para mapasaya ang nanay nito.
2. Ano ang pangunahing konsepto o kaisipan ng maikling kwento?
Ang pinaka konsepto ng maikling kwento ay ang kahirapan. Kahit na ganun ay
nagagawa paring maisip ni Ben na regaluhan ang kanyang ina kahit na kakarampo’t nalang ang
pera nito. Mas naisip pa niya ang ina niya kaysa sa mga personal na kagustuhan nito.
3. Paano nakaimpluwensya ang pamagat ng akda sa nilalaman nito?
Malaki ang naging impluwensya ng pamagat sa pagtuklas ng nilalaman ng akda. Naging
gabay at pangunahing ideya kung paano ang naging daloy ng kwento.
4. Iugnay ang maikling kwento sa mga sumusunod:
a. Lipunan – Sa lipunan natin ngayon ay marami parin ang nakakaranas ng kahirapan na kahit
paano ay nagagawa paring mairaos ang pang araw-araw nila.
b. Sosyo-ekonomiko – Masasabi mo na hindi sapat ang kinikita ng pamilya lalo nang nagkasakit
ang ina nito. Nasabi sa kuwento na naubos ang inipon ng ama ni Ben dahil sa mga gamot ng
Ina niya.
c. Politika – Ang isyu sa kahirapan ay maiuugnay sa politika, kung maayos ang pamamalakad
ng gobyerno ay maari nilang matulungan ang mga naghihirap na maiangat sa buhay.
5. Paano binuo ng may-akda ang bawat pahayag sa kuwento? Ipaliwanag.
Gumamit ang may-akda ng paksang pampamilya na makakaugnay ang lahat dito.
Gumamit din siya ng mga patotoong pangyayari at mga sitwasyon sa buhay na maaring
maranasan ng lahat. Nagpakita rin siya ng mga ibat-ibang suliranin, na maaring mabigyan ng
solusyon ng mga mambabasa. Masasabi na maiintindihan at madadama ng mga mambabasa
ang damdamin ng bawat karakter nito.
C. Dula
Ang mga Pilipino sa Sandwich Islands (Prize Winner, Filipino Migration to Hawaii Central
Literary Prize 2006) ni Romeo p. Peña
Pagsusuri
Sa una kataka-taka kung ano ang pamagat, hindi ito pang karaniwan na pamagat na
ginagamit ng mga manunulat. Ngunit habang binabasa ang dula ay naibigay naman ng
kahulugan ito ng may-akda. May istilong “conversational” ito, kung saan nag uusap usap ang
mga tauhan patungkol sa Pilipinas at Hawaii. Sinimulan nila sa nakaraan na paksa hanggang
sa napunta sa kasalukuyan. Mayroon ding mga awitin na pamilyar sa lahat na nagbigay sigla sa
pagbabasa. Nakakaaliw rin ang paraan ng kanilang pananalita, mahahalatang gawaing Pinoy
ang ganung pananalita. Naisalaysay rin ang mga kultura, ekonomiya at politika ng Hawaii at
Pilipinas. Gumamit din ng ibang wika ang may- akda para mas maging epektibo at
masuportahan ang pamagat nito. May mga aral din na nailahad sa dula, kung saan binigyan ng
halaga ng may-akda ang kulturang Pinoy at Hawaii na rin. Masasabi mo na kahit saang bansa
ka magmula, mas masarap parin ang manirahan sa bansang pinagmulan.
Mga Gabay na Tanong sa Dula ni Romeo P. Peña
1. Sa ano-anong katangian nagkakatulad at nagkakaiba ang Hawaii sa Pilipinas?
Makikita na magkaiba sila sa wika at kung paano ang pamumuhay rito. Nagkakatulad
naman ito sa kayamanan sa kultura nito at ang aspetong geograpikal. Parehong nabuo sa
natuiyong lava ang mga isla.
2. Bakit mahalaga na hindi makalimutan ang nakaraan o ang pinagmulang lugar ng isang tao
katulad ng inilahad ng mga pangunahing tauhan sa kuwento?
Para lamang ito sa ating mga sarili, kung hindi mo alam ang pinagmulan mo noon ay
parang hindi mona makilala ang iyong sarili. Mahalaga na malaman natin ang nakaraan kung
paano nahubog at kung ano ang mga ginawa ng mga tao para mapunta tayo sa kung ano tayo
ngayon.
3. Nagtagumpay ba nag may-akda na ihatiud ang mensaheng nais niyang iparataing sa
mambabasa? Sa paanong paraan?
Matagumpay naman na naibatid ng may-akada ang nais nitong sabihin sa mambabasa,
sa paraang gumamit siya ng tagpuan sa ibang bansa na Hawaii at sa daloy ng dula ay
naipamahagi niya gamit ang mga tauhan ang mga pambansang awit at bayani ng Pilipinas.
Bilang isang mambabasa ng dula ay nakalakip sa akda ang mga awiting pinoy at pati na ang
kultura ng bawat bansa.
4. Ano ang kahalagahan ng dulang ito sa tulad mong Pilipino?
Binigyan ako ng realisasyon nito kung gaano kasarap na manirahan sa bansang
tinubuan. Hindi man maikakaila na maganda nga ang Hawaii at pati na rin ang ibang bansa,
wala paring tatalo sa pakiramdam na nakatira ka sa bansa kung saan ka lumaki. Sinasabi ng
dula na kahit saang lupalop ka man mapapadpad ay dala dala moa ng katagang “Pinoy ako” at
maipagmamalaki mo ito sa mga bansa.
5. Bilang isang Pilipino paano mo maipagmamalaki ang iyong lahi?
Bilang Pilipino, maipagmamalaki ko ang bansa ko sa paggamit at pagrespeto sa wika
natin. Pagtangkilik at pag promote ng mga bagay na likhang pinoy at maging proud sa bawat na
pinoy na nakikilala sa ibang bansa. Bilang estudyante, kakamitin ko ang mga pangarap ko at
maipakita at maipamalas ang kahusayan ng lahing Pinoy.

You might also like